"wala parin ba progresso sa pang aakit mo kay Kyler?" "shocks mama paano magkaprogreso kung hindi ko naman siya malapitan." inis na tumayo si Nesline at umalis sa harap ng ina .Medyo nakukulitan na rin siya dahil hindi madali para sa kanya ang lapitan si Kyler. "kinakausap pa kita Nesline dapat maakit mo na si Kyler sa lalong madaling panahon "inis na umalis na rin si Veronica sa mesa wala na rin siyang gana kumain .****"good morning!" isang masuyong halik ang gumising kay Zaira. Pagmulat ay ang gwapong mukha ni Kyler ang una niyang nasilayan."hmmm good morning too baby!" tumugon na rin siya sa halik ng asawa nito. "gusto mo bang lumabas mag date naman tayo..Wag mo idahilan ang trabaho dahil natawagan ko na si Jasmine hindi muna kita pinapasok" walang nagawa si Zaira kundi pumayag na .Naunahan na siya at sakto naman na gusto niyang magpahinga muna at pagbigyan si Kyled . "sige pwede mayang hapon na tayo lalabas medyo mabigat ang pakiramdam ko ngayon " "wala ka naman sinat .Ayo
''bakit ang tagal naman ng plano mo Veronica?'' ninirapan lang siya nito dahil ang totoo wala siyang masabi dahil malabo ng matupad ang plano nilang dalawa . ''mabagal si Nesline tas itong anak mo gusto ng makaalis sa pinagkukulungan natin sa kanya '' inis na tumayo si Jerry .''hindi mo pwedeng palabasin ang isa mong anak dahil masisira ang plano .Dapat bilis bilisan ni Nesline masira ang relasyon ng dalawa dahil kung babagal bagal siya hindi natin malalaman kung saan dinala ng Don ang pera ng aking bayaw '' inayos muna ni Veronica bago tumayo at kinuha ang bag .Nasa isang hotel sila ngayon ni Jerry at nagpalipas ng oras .Muli niya naalala kung paano nila nabuo ang kambal .(flash back) ''ninang nariyan ba si Celine ?" kagagaling lang niya ng paaralan at balak niyang hatiran ng notes ang bestfriend nito dahil marami silang napag aralan ng wala siya . ''hintayin mo nalang siya iha kasi sinamahan siya ng mga katulong pumunta sa vet .May sakit ang pusa nito at gusto niya siya ang mag
(continue flash back) ''Nica gising ?" kanina pa ginigising ni Celine ang kaibigan pero hindi parin magising gising. Nakita niyang may pasa sa tuhod nitong dalawa .Mahahalata ang pasa sa katawan ng kaibigan dahil maputi ito .''hmmm ..Celine ?'' hintamad niyang salita .Parang ayaw pa niyang bumangon kaya humikb muna siya at pilit binangon ang sarili .Nasobrahan siya sa pagod dahil kagabi pa ay wala silang tulog ng nobyo nito tapos kanina na naman napagod siya hindi dahil sa sarap .''ano ba nangyari dyan sa tuhod mong dalawa may pasa " nataranta niyang tinignan agad at nakita niyang may mga pasa nga ito .Naalala niya kanina sa sahig pala kanina na luhod siya habang inaangkin ni Jerry . ''wala to kagabi pa ito .Alam muna !"ani nito . ''ikaw ha!! hindi pa kayo kasal ni Nestor nag papaangkin kana sa kanya paano kung mabuntis ka hindi pa tayo graduate'' concern nitong saad .''eto naman .Talagang ganyan ang buhay Celine '' pababa na sana siya ng kama pero ramdam niya parin ang kirot .
(continue flash back)''manang nakita mo si Veronica ?" tanong ni Nestor sa isang katulong na papasok mula sa kusina .Hinanap niya ito sa kwarto pero hindi mahanap . ''hindi sir .'' iniisip niya kung san ba niya ito nakita pero dahil hindi siya sigurado ay sinagot nalang niyang hindi . ''ganon ba sige at hanapin ko lang'' papasok na sana siya sa kusina pero lumapit sa kanya ang pamangkin para magpakrga .'shit !!" sagad na ang ginawa ni Jerry at mabilis tinapos ang pagpapakawala ng init nito kay Veronica .Inayos muna nila ang sarili at nagtungo ito sa likod sabay sindi ng sigarily* .''dito ka pala kanina pa kita hinahanap '' naghugas kamay si Verinica bago sumagot . ''ganon ba hinihintay ko kasi lumambot yang salad masyado ng nagyeyello .Hello baby!! '' pagdadahilan nito. Kinarga niya ang pamangkin ni Nestor .''may naninigarill** ba sa labas ?'' kunwari niyang tanong at lumabas naman sa likod si Nestor at tinignan kung sino . ''ninong mo mukha atang nainip kaya pumunta muna sa
''samahan na kita magpacheck up .Hindi ka masasamahan ni kuya dahil may lakad sila ni lolo'' hindi pumasok sa trabaho si Jasmine dahil binilin siya ng kuya nito na samahan si Zaira sa hopsital para magpatingin sa doktor. ''ayos lang naman ako mag isa Jas diba madami ka pang kailangan tapusin sa opisina hindi na tuloy kita natutulungan dahil ayaw na ng kuya mo ang papasukin ako sa trabaho '' ''sus ano ka ba okey lang yon .Pero tama ka madami pa akong ihabol '' ''ako nalang ang pupunta .Pwede din naman ako magpasama sa mama ko '' walang nagawa si Jasmine kundi sundin ang gusto ni ng kaibigan .Umuwi muna si Zaira sa bahay nila .Naroon na rin si Alice na naghihintay talaga sa kanya . ''ano pala yung mahalaga mong sasabihin?" tanong nito .Nagmensahe sa kanya si Zaira na may mahalaga itong sasabihin sa kanila .''buntis ako tita'' natuptop ni Alice ang labi nito dahil sa hindi siya makapaniwala sa sinabi ni Zaira .''halla paano na yan .Paano kung malaman ni Kyler na nagpapanggap ka la
''nasaan ako ?" tanong nito sa sarili .Nagising siyang masakit ang ulo . Nilibot ang paningin nasa maayos siyang kwarto .Tumayo muna siya para tignan ang paligid .Nakita niyang may beach sa baba ng kinaroroonan niya . ''anong nagyari bakit ako nandito ?" tanong niya sa sarili . Iba na rin ang gamit niyang damit .Nakasuot na sakanya ang isang floral dress na pangbahay . Narinig niya bumukas ang pintuan kaya lumingon siya at si Kyler ang nakita niya papasok na may dalang pagkain . Nilapag niya muna ang tray at lumapit kay Zaira . ''gising kana pala .Kamusta wala ka bang nararamdaman na kakaiba ?" pag aalalang tanong ni Kyler sa kanya. Blangko ang isip niya kung bakit si Kyler ang nasa harapan niya ngayon .Pagkaalala niya may puting Van na tumigil sa kanyang harapan at pinilit siyang pinunta sa loob at doon na siya nawalan ng malay . ''kanina may mga lalaking dumukot sa akin .Paanong nangyari ito ?" naguguluhang tanong nito kay Kyler . ''lihim kitang pinapasundan sa mga tauhan k
Hindi makapaniwalang palpak ang mga tauhan ni Jerry . Ang buong akala niya magtatagumpay na siya sa kanyang balak . Gusto niyang patunayan mismo sa kanyang harapan ang totoong kutob niya kung ang Zaira at Shaira ay iisa" sigurado ako boss hindi ka nila susuplong sa batas dahil takot sila na galawin mo ang kanilang pamilya kay sigurado ako hinding hindi ka nila idadawit sa pagkahuli nila"ani nito. Sino ba naman kasi ang hindi matatakot sa ugaling demonyo ng kanilang boss."siguraduhin mo lang na hindi ako idadawit ng mga kasamahan mo dahil kung malaman ko lang humanda sila at ang pamilya nila . Hindi ko tatantanan ang mga iyon pag oras na madawit ako sa imbestigasyon"tinutok nito ang baril sa mismong noo ng lalaki. Hindi siya nananakot totohanin niya talaga kung siya ang imbestigahan ng mga pulis.Natakot bigla ang tauhan kaya agad-agad pumunta sa presinto at nagpanggap na isang kaanak ng mga nahuli."anong ginagawa mo dito?" bulong no Pj pagkalabas papunta sa visitors area ."nandit
''bulsh* paano nailabas ni Zaira ang pera ni Christ kung wala naman siya dito ?" nalaman niya sa isa nitong tauhan na nakabantay sa bangko kung saan naroon ang pera ni christ . ''at bakit ngayon mo lang sinabi ito noong isang araw palang pala '' napakamot ng ulo ang kausap nitong lalaki mula sa sala . "yan ang hindi ko po alam sir .Pero lagi doon ang bigboss namin at may kasama laging babae .Pero hindi ko makita ng maayos ang mukha nito dahil laging nakasuot ng malong at sunglasses '' kuyom ang palad ni Jerry sa nalaman .Halos kumukulo ang dugo dahil sa galit . ''kung ganon naisahan tayo ng babaeng yon .Kaya ko nga pinatay ang mag asawang yon para mailipat ang pera niya sa asawa ko tapos buhay pa pala ang babaeng yon'' napasinghap si Amelia habang nasa likod ng isang vase kung saan hindi niya sinasadyang makinig sa kanilang usapan . Papunta sana siya sa likod para mag hersisyo ng makita niyang may kausap ang asawa nito sa sala .Hindi niya sinasadya na mapakinggan lahat ng kanilang
Muli nagpapasalamat ako sa masigasig niyong pagtangkilik sa aking akda .Tinapos kuna ito dahil may mga libro akong kailangan tapusin . Maraming salamat sa mga coins at gems na pinapadala niyo sa akin hopefully makita ko pa kayo sa mga iba kong libro . Subukan niyo pong basahin ang ''THE PRICE OF PLEASURE '' ''MR.CEO SILENT MISTRESS '' ''PAST SHADOW '' ''MISSING SEED OF LIFE '' enjoy niyo lang po ang mag basa at huwag kayong ma stress .Tignan ko kung makakagawa ako soon ng book 2 nito dahil marami pang characters na gusto kong gawan ng love story pero sa ngayon I need to end na this book . comment niyo nalang po kung ano ang mga natutunan niyo sa aking akda . Hopefully may mga natutunan kayong aral sa akin ..Ayiiihhh kilig ako nito sa mga comment niyo . Maraming salamat po AUTHOR: LHYN :-)
Makalipas ng dalawang linggo doon lamang nagising si Arden labis ang tuwa ng lahat dahil nagiging maayos na ang kalagayan nito at pwede na siyang umuwi . Alam na din niya na wala na ang kanilang baby at naiintindihan naman niya dahil wala naman may gusto ang importante nasa harap niya parin ang ina ng kanyang anak . ''huwag mo ako titigan ng ganyan kumain kana '' nasa loob sila ng kwarto niya ngayon at natutuwa siya dahil sa pagiging caring ni Jasmine sa kanya . ''mahal na mahal kita Jas aaminin ko naging duwag akong hindi aminin ang katotohanan sayo .Pero ang totoo matagal na kitang mahal '' naiyak na naman si Jasmine sa narinig . Niyakap niya ito ng mahigpit . ''ngayong sinabi ko sa iyo na mahal kita totoo ito Jas .Naging duwag lang ako umamin dahil lagi mong tinatanggihan noon na wala lang ang mga nangyayari sa atin . Pero ngayon asawa na kita gusto ulit kita pakasalan '' ''silly .. huwag na sapat na sa akin ang nabuhay tayong dalawa at masaya tama na yung isang beses ikasa
Nagising si Jasmine at agad niyang hinanap si Arden . Ilang araw na pala siyang tulog dala ng trauma ay nanatili itong bilang sleeping beauty .Agad hinanap ng kanyang mata si Arden ngunit wala ito . ''si Arden nasaan siya ?" tanong niya sa mga ito .Walang imik ang kanyang mga magulang habang nakatingin parin sa kanya . ''bakit hindi po kayo nagsasalita .Nasaan siya '' naluluha niyang saad . Naalala niya natamaan pala ito ng baril ''still in coma parin anak dahil dalawang bala ang tumama sa kanyang likuran .Nasa hospital at hindi alam ng mga doktor kung makakaligtas parin ito o hindi na '' umiyak na naman siya habang nakatingin sa kanyang mga magulang . ''ang anak ko po ?" hinawakan niya ang tyan niya nagtataka siya dahil lumiit ito . ''nakunan ka anak '' lalo siyang umiyak sa nalaman . Pakiramdam niya napakamalas naman niya . Kailangan niyang puntahan si Arden ayaw niyang mawala ito hindi niya kakayanin pag ito ang nawala . Pagkarating nila sa hospital nasa ICU parin si Ar
Buong pwersa ang ginawa ni Arden sa pagbukas ng pintuan . Kasama niya ang ina pumunta dahil ito ang utos ng hilaw niyang tiyahin . Kailangan niyang makuha agad si Jasmine sobra na siyang nag aalala sa mag ina niya . Isang malaking hakbang ang ginawa niya sabay linga sa buong paligid ng abondnadong bahay . ''natatakot naman dito anak '' saad ni Lilia habang nakahawak sa braso ni Arden .''huwag niyong ipakita ang takot na meron kayo mama dahil lalong matutuwa si Tasha pag nakikita niyang natatakot kayo '' tumango lang siya at tulad ni Arden luminga linga rin siya . Napahinto siya nang makita si Jasmine .Nakaupo ito at nakatali ang kamay nito sa likod . Nakatayo rin si Tasha sa tabi nito at lumabas ang ibang mga tauhan na kanina wala lang ang mga ito pero nagtatago pala . ''ano ang kailangan mo ?" sambit niya . Ngumisi lang si Tasha at kinuha ang papel sa isa niyang tauhan habang nakatutok ang baril sa ulo ni Jasmine . ''isa lang naman ang gusto ko ..Ngayon Lilia matapang kapa
Dalawang araw ang nakalipas nakatanggap ng sulat sina Lilia na lahat ng kanilang pera at assets ay nailipat na sa kanilang pangalan .Hindi natuwa ang mag ina dahil alam nilang gagamitin ito ni Tasha . ''ibigay natin kung iyang ang gusto niya anak para kay Jasmine at sa apo ko .Wala ng mas mahalaga kundi sila '' tumango lang si Arden pero ang isip niya nanatili parin napapaisip kung bakit pati anak ni Tasha ay kailangan ikulong nito dahil sa pagiging gahaman niya . ''hello sino ito ?" tanong niya sa tawag .Ibang numero ito at alam na niya na ito ang dumukot sa asawa niya . ''kung gusto mong makuha ang asawa mo pumunta kayo dito sa lugar na sasabihin ko .Huwag kayong magdadala ng mga parak kung gusto mong buhay pa ang asawa mo tanging ang ina mo lang ang dapat mong kasama . Naiintindihan mo '' pinatay na ng caller ang tawag at alam niyang gumamit iyon ng boses na iba para hindi makilala . Nanlulumong binulsa niya ang cellphone saka umupo . ''anong kailangan niya sa atin anak ?"
Tulad ng pagpasok niya nanatili parin siyang tahimik at maingat umalis sa bahay ng tiyahin niyang hilaw . ''kamusta nagawa mo ?" tanong ni Calix na matyagang naghintay sa kanya . '' ayos lang .Sana may makuhang imposmasyon bukas ,Kailangan ko ng mahanap ang asawa ko bro '''naiintindihan ni Calix ang kaibigan kaya tinapik niya ito sa balikat . Kinaumagahan nagising sina Tasha kasama ang boyfriend nito .Agad niyang ginising para umalis na dahil baka darating ang anak niya .Wala pang alam si Carl tungkol sa kalokohan niya . "uwi kaba ngayon iho?" " yes ma dahil may aayusin akong mahalagang'' Ilang oras lang nakalipas dumating na si Carl galing sa resthouse . ''ano balak mo ngayon kay Jasmine ?" tanong nito . ''wala tayong balak ma,kundi kausapin natin sina Arden .Para matapos na ang lahat '' kunot noong napatitig si Tasha sa anak nito .Hindi niya gustong mabuhay pa ang mag ina kung mahahawakan pa niya ang mga ito . ''bakit ganyan po kayo makatingin ?" tanong nito
''mahahanap din natin siya anak ,'' dalawang araw ng walang magandang impormasyon kung saan dinala si Jasmine .Nag aalala siya sa mag ina niya . ''hindi kaya yung mag inang iyon ang kumuha kay Jasmine ?" tanong ni Arden .Wala naman ideya si Lilia kung anong dahilan para gawin nila iyon . ''iyan ang dapat nating malaman .Kaso mahigpit ang siguridad ng bahay nila ayon sa katulong na pinadala ko doon anak '' medyo nabuhayan si Arden ng magkaroon siya ng ideya . Ilang minuto lang ang hinintay ni Arden hating gabi ng maisipan niyang gawin ang plano niya .Napag alaman niya sa katulong na naroon sa bahay nila Tasha na tulog na ang kanyang amo na babae .Pero ang anak nito ay wala sa kanilang bahay . ''sure kaba bro na papasukin mo ang bahay ng hilaw mong tiyahin ?" tanong ni Calix sa kanya .Nasa loob sila ng sasakyan ngayon habang nag hihintay ng pagkakataon .Nagpatulong siya sa kanyang kaibigan para in case of emergency may tutulong sa kanya pagkakataon . ''kailangan ko ng magdali ma
''nasaan ako ?" palinga linga si Jasmine at pinagmasdan ang kwartong kinaroroonan niya .Muli niyang pinikit ang mata at naalala niyang may isang lalakeng nagtakip sa kanyang ilong .Tumayo siya para tignan kung may hindi bang kaaya ayang nangyari . ''nag aalala na si Arden ,Nasa panganib ba ako ?" kinakausap niya mismo ang kanyang sarili .Maayos naman ang kwartong pinagdalhan sa kanya dahil parang nasa loob lang siya ng isang hotel .Pinatay niya ang ilaw para makita kung may cctv at boom lima ang nakita niyang pulang ilaw sa bawat sulok ng kwarto . Nagsisisi siyang hindi nagpasama kay Arden . ''so ano kasalanan ko sa mga taong ito ?" tanong niya sa kanyang sarili ,wala pa naman nakakaaalam na isa siyang hacker dahil ilang buwan na siyang tumigil sa ganoong gawain .Kahit alam niyang marami paring scammer sa mundo . Kailangan niyang mag relax huwag dapat siya mag mabahala dahil buhay nila ng anak niya ang nakataya dito .Alam niyang may dahilan kung bakit nakidnap siya at iyon ay kail
'' now you are misis Chua na Jasmine ano ang nafefeel mo ngayong may asawa kana ?" papunta na sila sa honeymoon ngayong araw at flight na nila mamaya .Simple lang ang wedding na naganap sa kanila dahil nga garden wedding lang ito ''ayos lang naman sis ,Siguro nabibigla lang ako you know me .I just want to explore more kaso hindi na dahil nga may baby na dito ''tinuro niya ang maliit niyang tyan .Kahit apat na buwan na ang kanyang tyan ay hindi parin halata parang normal na bilbil lang ito .Natawa nalang si Zaira masaya siya para sa kanyang kapatid .Hindi niya akalain na ikakasal si Arden lang pala na nasa tabi tabi lang ang magiging asawa niya . ''mahal mo ba siya ?" ito ang kinatatakutan ni Jasmine na tanong .Nagpakasal sila hindi dahil sa kanila kundi para sa magiging anak nila . Hanggat hindi umaamin si Arden kung mahal siya nito ay mananatiling nakakulong parin ang nararamdaman niya sa kanyang puso .''oo naman '' sagot nalang niya . ''good luck sa honeymoon niyo .,,be carefu