Nakipagkita si Eva kay Jerry dahil niyaya siya nitong magkita sila past na muna siya kay Franco dahil nasa ibang bansa siya lalot triple ang mga nakukuha niyang pero mula kay Alice na siyang dahilan kung bakit mga bigatin na ang kanyang nakakasalamuha at lalong lalo hindi na basta basta mga tao .Kaya kahit anong mangyari malaki ang utang na loob niya kay Alice . "pasok na daw " pag uutos ng driver na tumigil mula sa kanyang harapa.Pagpasok niya ay naroon na si Jerry at agad siya nitong hinalikan kahit may driver sa harapan ay wala itong paki alam parang hindi ito makapaghinatay sa romansa .Nakita niyang papunta sila sa isang rest house ni Jerry suot niya parin ang hikaw nitong mga nakatagong camera at naririnig lahat ni Alice ang mga usapan nila ."ikaw lang ang ang dinala ko dito myloves " "halla totoo ba ? " natutuwa niyang saad .Hindi pala mahirap akitin ang kanyang target dahil kahit saan siya naroroon ay pilit niyang sinusundan at inaakit niya ito sa tingin ." oo kaya halikan
"punta ka dito sa bahay " alam na ni Zaira kung bahay ang tinutukoy ng kanyang tita Alice . Nagpaalam muna si Zaira na umuwi sa kanila dahil gusto niyang makausap ang ina nito. ''gusto mo bang samahan kita ?" tanong ni Kyler sa kanya agad agad naman tumanggi si Zaira . "ayus na ako nalang diba papasok kapa ?" tanong nito . "yeah gusto mo bang isabay nalang kita ?'' pumayag nalang si Zaira dahil baka maghinala si Kyler sa kanya .Kaya sabay silang umalis sa bahay ng kanyang byenan na lalaki . ''si mama ?" tanong nito sa katulong . "nasa taas po ?'' pag sisinungaling na sagot nito . "sige babe pumasok kana '' kanina naghinala si Kyler na parang may hindi sinasabi sa kanya ang asawa pero napatunayan niyang mali pala siya . "mmm sige sunduin nalang kita mamayang hapon dito?" "sige babe " yumakap ito at tumugon sa halik . Hinatid muna siya hanggang labas saka pumasok ng makitang umalis na si Kyler . Agad agad siyang pumunta sa taas at nagbihis sabay kuha sa susi ng ka
''misis Chua good to see you here again ?" sinalubong ni Zaira ng ginang mula sa entrance ng kanilang boutique. Lumpit agad si Amelia sa violet na dress kung saan kadidisplay lang kanina ni Zaira . ''iha I told you call me tita '' ngumiti lang si Zaira at inayos ang buhok muntik niya ng makalimutan na kinukuha pala niya ang loob ni misis Chua para tuluyan mag open up kung may kinalaman ba ito sa pagkawala ng kanyang mga magulaang dahil sa pera . ''maganda ito iha .I like the color .Kukunin ko ito iha '' hinaplos ni Amelia ang silk dress gusto niya ang tela ng dress dahil malambot at malamig sa balat . ''good taste ka talaga tita alam niyo po bang kalalagay ko lang ito kanina dahil ang unang nilagay kanina ay binili ng isang babae'' hindi niya nakita kung sinong babae ang bumili ng tatlong dress na puro mamahalin dahil ang mga tela ng napili niya ay hindi basta basta .Nireview niya ang kuha ng cctv kung kilala niya ngunit nakasuot ito ng sunglasses at hindi kita ang buong mukha sa c
Pag kaalis ni misis Chua ay agad na bumalik si Zaira sa boutique.''kamusta ang pag uusap niyo ni misis Chua?" agad na tanong ni Jasmine sa kanya .''maayos naman nagustuhan niya ang dress na binili kanina wala naman kaming ibang pag uusap kundi ang tungkol lang sa mga design na meron tayo '' '' I see !!! nga pala Shai gusto mo bang sabay tayong pumunta sa mansion namiss kona kasi si lolo if you want ?" nagkunwaring nag isip si Zaira pero ang totoo doon talaga ang balak niyang puntahan mamaya dahil gusto niyang makausap ang Don .Naging abala sila sa paggawa ng kanilang bagong design dahil isang araw lang nabili na agad ang kagagawa lang nila nakaraang araw .Kailangan nilang gumahol ng oras dahil madaming nag order sa kanila ng Prom gown at yon ang hindi nila dapat sayangin dahil halos lahat ng mga studyante sa pribadong paaralan ay sa kanila kumuha ang iba naman ay nagpagawa at ang iba ay nagrent nalang sa kanila dahil may mga gown silang for rent lang at may gown silang binebenta.
''pwede ko ba kayong makausap lolo?" nahihiya nitong saad .Papasok ang Don sa library ng mansion at sinamantala niya dahil walang tao sa paligid .''sure iha pasok ka'' sumunod siya sa Don at pumasok .''have a sit '' sumunod siya at nilibot ang paningin sa buong paningin sa library . '' ano ang pag uusapan natin iha ?" umupo ito sa harap ni Zaira. ''kilala niyo ba si Christ Chua lolo?" seryoso nitong tanong .Hindi na siya paligoy ligoy pa dahil atat na siyang malaman ang katotohanan . ''paano mo siya kilala? '' ''sagutin niyo nalang po ang tanong ko'' seryoso nitong sagot .''hindi ko masasagot yan dahil hindi mo naman sinasagot ang tanong ko '' ''siya po ang tunay kong ama lolo'' naluluha niyang salita . Gusto niyang malaman ang lahat kaya napaamin siya ng wala sa oras . ''how ?" kunwaring tanong ng Don pero kahapon niya lang nalaman ang totoo na ang anak ng kaibigan ay nasa poder na pala niya . ''nakaligtas lang po ako sa tulong ng aking yaya that night na may mga armadong p
''saan kayo galing ?" gulat na tumingin si Zaira sa asawa dahil biglabigla nalang ito sumulpot .''ah sinamahan si lolo sa bangko .Pasensya na kung hindi ako nakapag paalam sayo '' lumapit ito para bumeso kay Kyler na seryosong nakatitig lang sa kanya .Sinubukan lang naman ni Kyler kung magsasabi ito ng totoo dahil yon ang sinabi ni Jasmine sa kanya na paalam ng lolo nila .''ganon ba next time babe paalam ka ha " yumakap na rin siya sa likuran ni Zaira at inamoy ang buhok at likod nito .Wala siyang paki alam kung nasa sala sobrang miss niya lang ang babaeng matagal ng hinahanap ng kanyang puso . ''hmm Kyler nasa sala tayo nakakahiya !'' pilit kumawala si Zaira sa pagkakayakap nito dahil kung saan saan na napunta ang palad niya sa katawan .Nilibot niya ang paligid dahil baka may tao .''okey !!' binuhat niya ito ng parang bagong kasal at umakyat siya sa hagdan patungo sa kanilang kwarto sa mansion .Hindi naman naglikot pa si Zaira dahil baka mahulog si Kyler. Pagkarating sa kwarto
"Nesline please pakawalan mo na ako dito" nagmamakaawang salita ni Coline sa kakambal nito ."hindi pwede masisira ang plano kung makalaya ka " naawa man siya ay hindi pwede dahil nasimulan na niyang magpakita bilang Coline sa pamilya ni Kyler .Pagkakataon na niya mapalapit sa lalaking matagal na niyang iniibig . Nakaramdam siya ng inggit noong nalaman niya na si Coline ang ipapaasawa kay Kyler kaya mas ginusto niyang hindi umuwi ng pinas dahil masama ang loob niya sa ama .Pero dahil namatay ang ama nila sa ibang bansa dahil sa aksidente at hindi natuloy ang engagement ng dalawa nagpasya siyang umuwi ."ginagamit ka lang ni mama para makaganti sa pamilya nila .Wag kang magpagamit dahil sa bandang huli matulad ka sa akin na hindi naging malaya please paki usap kapatid ko tulungan mo akong makalaya dito at ako nalang ang babalik sa ibang bansa bilang ikaw .Basta gusto ko ng lumaya" nasa abandonadong bahay siya at isang katulong lang ang kasama .Hindi rin magawa ng ginang ang itakas siya
"misis Chua tama po ba yung naririnig naming hindi kana tatakbong bilang gobenadora sa susunod na darating na eleksyon?"tumingin si Amelia sa reporter na nakatunghay sa kanyang panayam .Nagpa press conference na siya para malaman ng lahat na titigil na siya sa buhay politiko."oo ! dahil matanda na ako gusto ko naman ipasa ito sa ibang mas bata sa akin .Alam ko kababayan na ayaw niyo pero tumatanda na ako at kailangan ko ng magpahinga" nalungkot ang mga taong nanonood sa interview ni misis Chua .Hindi nila akalain na sa edad niyang higit sesenta ay maganda parin ito at hindi makikita sa mukha ang pagiging isang senior na .Naging magandang leader siya ng bayan dahil nagawa niyang mapaunlad ang dating walang kaunlad unlad na bayan .Napanood naman lahat ni Jerry ang panayam ng asawa sa telebisyon at galit niyang pinatay ang tv .Dati na siyang galit dahil sa resulta ng DNA tas dumagdag pa ang asawa nito na basta basta nalang nagdedesisyon na wala siyang alam .Inis niyang kinuha ang susi
Ilang putok ang ginawa ng mga armadong mga kalalakihan habang pinagbabaril ang driver kung saan nakasakay si Jerry .Ililipat nila ito sa masikip na kulungan sana pero nakatimbre ang iba nilang tauhan kaya nagplano sila kung paano makuha ang kanilang boss . Hindi naka handa ang mga pulis sa pagsalakay ng mga armadong kalalakihan kaya namatay ang mga nasa bantay ng mga ililipat na preso .Natangay nila ang sasakyan kaya nakipag habulan sila ngunit may nag abang din palang ibang grupo .Halos hindi sila makapaniwala sa naganap dahil isang iglap lang namatay ang ibang bantay .Iniwan nila ang sasakyan ng preso at wala ng laman kundi ang mga naiwan ay mga pulis na may mga tama ng baril kaya agad silang tumawag ngrescue para sa kanila . "shit !!" pinagtatadyak ni Arden ang gulong ng kanyang kotse matapos malaman na nakatakas si Jerry ang masaklap maraming autoridad nawalan ng buhay dahil malakas ang pwersa ng mga armado at talagang pinagplanuhan . "Arden nasaan ka ...tama ba yong narinig
Pagbalik ni Arnold sa loob matapos makatanggap siya ng dalaw.Medyo nag alinlangan siyang sabihin sa amo nila ang tungkol sa sinabi ng asawa ni Boyet na siyang inutusan niya maghatid ng balita sa kanila . "boss wag kayong mabibigla ." abala ito sa pagbabasa ng newspaper at may nagmamasahe sa likod nito .Kahit nasa loob ay siya parin ang sinusunod ng kanyang mga tauhan . "sabi ng asawa ni Boyet nalaman niyang patay na ang isa mong anak" " ano sabi mo ...namatay ang isa kong anak dahil kay Veronica?" "opo yon ang sinabi boss" kinewento niya ang ibang sinabi ng kanyang dalaw .Hindi makapaniwala si Jerry sa mga narinig . " ayon sa asawa ni Boyet kalilibing lang kanina ang anak niyo . " pinagsusuntok ni Jerry ang pader at tahimik na umiiyak .Hindi matanggap na hindi pa niya nakakapiling ang mga anak tapos mamatay lang dahil sa hindi nagiisip na ina nila .Naikwento rin ng tauhan niya na sinangga ng isa niyang anak ang sarili para protektahan si Celine . "bakit hindi nag iisip si
"Nesline..Coline " kahit anong sigaw ni Veronica wala parin tao sa sinabing lugar kung saan sila magkikita . Nilibot niya ang buong paningin ni isang kaluskos wala siyang narinig .Kinilabutan siya dahil parang niloko lang siya ni Celine .Bigla siyang nakaramdam ng takot para sa kanyang sarili .Hindi niya maintindihan ang pagkagulat ng biglang may tumawag sa kanyang selpon .Agad niya itong sinagot at nanggagalaiti siyang nagtanong nasaan na sila . "nandito na ako Celine ipakita muna ang mga anak ko " "relax Veronica dyan ka muna namnamin mo muna ang magisa sa kagubatan " bigla siyang natakot sa biglang kaluskos mula sa kanyang likuran .Iniisip niya na baka may mga ahas na malapit sa kanya . "sira na talaga ang utak mo Celine bakit dito naman sa kasukalan mo ipapakita ang mga anak ko " tumawa lang si Celine at pinatay na agad ang tawag . "pwede naba kami magpakita bakit pinapahirapan mo pa si mama" kitang kita nila sa monitor kung paano naglilikot ang paningin ng kanilang ina . Al
"ma'am may sulat !" nagmamadaling pumasok si Goryo sa loob pagkapulot niya sa sulat na nakalagay malapit sa pintuan ng kanilang pinagtataguan . "hah paanong nagkaroon ng sulat alam ba nila kung saan tayo nagtatago?" umiling si Goryo sa kanya dahil wala naman siyang nakitang kakaiba na umaaligid sa bahay . Nagtataka lang siya kaninang pagpasok niya galing sa bayan para bumili ng kanilang kakainin ng may nakita siyang sulat sa may pinto na wala naman kaninang lumabas siya .Ilang minuto lang siya nawala dahil malapit lang naman ang bayan sa kanila . "delikado na tayo ngayon ma'am kailangan na natin makaalis ngayon din !" nataranta si Veronica sa sinabi ni Goryo. Kung kailan nakahanap siya ng mas maayos na pagtataguan dahil kahit hindi muna siya maglabas labas ay may uutusan siya ngunit palpak na naman dahil mukhang may nakakaalam kung saan siya ngayon. Kilala niya si Goryo dahil isa ito sa mga tauhan ng kanyang asawa at nagpanggap siyang hinahanap ng mga pulis dahil sangkot siya sa
''who are you" alam ni Nesline na kapwa nila pinoy ang kumatok sa pintuan ng pintuan ng apartment na tinitirhan nila . Isang babae ang nasa harapan niya at may kasama itong dalawang lalaki . ''hindi mo ba kami papasukin iha ?'' halatang gulat ang dalaga ng magsalita siya sa wikang pilipino .Nasa ibang bansa sila kaya bihira lang ang mga ito makakita ng kapwa nila pinoy . ''Why would I do that? Do I know you?'' inis na sagot nito sa babae .Hindi niya kilala ang mga ito at baka mga masasamang tao .Mabilis niyang sinara ang pintuan dahil naisip niya baka tauhan ng mga magulang ang tatlo na nasa labas .Pero nagtataka siya dahil isang desenteng babae ang nagsalita kanina at halatang mayaman . ''nandito kami para makausap ka Nesline '' kunot noo siya habang nakasandal sa likod ng pintuan .Hindi makapaniwala na kilala siya ng babae .Kaya binuksan niya ulit ito at hinarap. Pinaalis muna ni Celine ang dalawa niyang tauhan dahil baka natakot nila kanina ang dalaga . ''bakit mo ako kilal
Nagkalat ang mga pulis sa paligid ng isang park kung saan magkikita ang dalawa .Ang akala ni Jerry ay mga tao parin na namamasyak gayong gabi na .Ang mga ibang pulis ay kunwaring nagdadate at ang mga iba ay kunwaring nag zuzumba ang mga ito .Sa kalayuan ng kanilang kinaroroonan ay naroon si Arden na nanonood hindi siya lumabas kasama ng mga kasamahan niya sa presinto nila dahil baka makilala sila ni Jerry . ''dala mo ba ang sinabi ko sayo pare '' nakajacket at naka sumbrero si Jerry habang nakasuot ng facemask sa mukha . ''oo dala ko pare. Bakit pala hindi kana susuko ?'' alam niyang walang plano si Jerry sumuko pero kunwaring tanong lang niya para malibang ito .Hindi man lang nagtaka ito na ang bilis niyang dumating gayong may kalayuan ang kinaroonan nila . ''sinong sira ang susuko .Hindi ako tang* na magpabulok sa kulungan .Bigay mo nalang ang pera pare wala ng madaming satsat .Bayad kana sa utang mo '' inilahad ang palad nito sa harap ni Smith at tinignan sa mata .Wa
'' Nes ... look This isn't true, is it? Why did they do this?" pinakita ni Coline sa kakambal nito ang litrato ng mga magulang nilang pinaghahanap ng autoridad sa kanilang bansa . Tulalang napatingin si Nesline sa kapatid niya dahil hindi siya makapaniwala sa nakikita .Mabuti nalang at umalis na sila sa kanilang bansa .Kahihiyan ang nagawa ng kanilang mga magulang . ''Coline makinig ka wag na wag kang tatanggap ng kahit anong tawag galing sa ating bansa .Maayos na tayo dito at hindi nila mahahanap ang kinaroroonan natin .Tahimik ang buhay natin dito kaya yang social media mo you better de activate ..okey '' naiiyak na tumango si Coline sa sinabi ng kambal niya .Naawa siya sa kapatid niya dahil ito ang nagtatrabaho para sa kanilang dalawa . Hindi siya pwedeng magtrabaho dahil mahina ang katawan niya sa malamig kaya bihira lang siya lumalabas. Iniwan muna ni Nesline ang kapatid niya sa kwarto nito .May sakit ang kakambal niya at malala na ito kaya kahit hindi siya sanay sa pagtatra
Lihim na umalis ng bansa si Franco kinaumagahan nalaman niya sa kaibigan nitong abogado na may inihandang kaso laban sa kanila . Nagtataka siya kung saan sila nakahanap ng ebidensya para makapg ahin sila ng warrant of arrest. Kampante naman na nagkakape sina Jerry at Veronica habang tahimik na nagpaplano sa kanilang gagawin .Balak nilang lumayo muna ng bansa para magtago . Abalang nalilinis ang katulong sa gilid ng bahay at narinig niyang may nagdoorbell kaya sinilip niya muna ito kung sino .Gulat siya ng makita niyang mga pulis ang nasa labas ng gate .Alam niya ang gawain ng kanyang mga amo kaya nagmadaling pumunta sa loob ng bahay ang katulong para sabihan ang mga ito na may mga pulis sa labas . ''maam may mga pulis po sa labas '' hingal na hingal siyang nakarating sa taas .Alam niyang naroon ang dalawa dahil doon niya dinala ang mga natimpla niyang mga kape nila kanina . ''anong pulis na pinagsasabi mo?'' galit na saad ni Jerry sa katulong . ''nasa labas po sir hindi ko
Sinamantala naman ng pamilya ni Celine ang pumunta na sa likod .Ang Mc na ang bahala sa magpapaliwanag kung bakit natapos agad ang event . Tumigil sa paglalakad si Kyler at hinila si Zaira niyakap niya ito ng mahigpit . Sobrang namiss niya ang asawa nito ''salamat at bumalik ka akala ko tuluyan ka ng mawawala sa piling ko '' hindi niya makakaya na hindi makasama si Zaira habang buhay . ''hinding hindi ako mawawala sa piling mo Kyler maayos na ang lahat .Patawarin mo ako sa nagawang kong pagtago sa aking katauhan '' naiyak na tumitig si Zaira sa mga mata ni Kyler .Ito ang pagkakataon na humingi siya ng tawad . ''dati ko ng alam na ang babaeng ninakawan ko noon ng halik at nahawakan ko ang perlas at ang asawa ko ngayon ay iisa '' lumayo si Zaira kay Kyler nagtatakang tumingin sa asawa niyang nakangisi . ''ano ibig mong sabihin ?'' tanong nito . '' bago mo sinabing buntis ka nalaman ko ang lahat tungkol sa sayong pagkatao '' napangangang hindi makapaniwala si Zaira sana