Tinignan ni Jackson ang selpon nito at nakita niya ang mensahe ni Ziara. "bro sunduhin ko lang anak ko!" tumango lamang si Diego na naiwan sa site kung saan deliver nila ang mga order ng may ari ng site.Patapos na rin ang trabaho nila at siya nalang ang babalik sa kompanya para ma park ang truck na gamit pan deliver. Mabilis nakarating si Jackson mula sa harap ng school ng anak at kita na niya na may bagong kausap ito at nagpaalam .Palapit ang anak nito at napangiti siya dahil parang hindi na yung dating Zaira na tinakas nito.Nagiging kamukha na niya ang amo nilang si Doktora. "papa ! ." tuwang tuwa si Zaira na pumasok sa kotse ng amahin . "kamusta ang school anak .Mabilis ka bang nakakilala ng bago mong kaibigan?" tanong nito bago pinatakbo ang kotse. "yeah !! .kaso muntik na po ako mabully kanina .Pero po hindi ako nagpatalo!" tuawang tuwa siyang kinwento lahat ng buong pangyayaring naganap sa kanya mag hapon .Kaya napapailing nalang si Jackson sa kadaldalan ng dalaga dahil ma
Tanghali na nasa school si Zaira dahil tapos na ang klase nito sa umaga kaya naghanap siya ng kakainan dahil agad siya nakaramdam ng gutom .Agad na naman bumungad sa kanya ang babaing gustong mambully sa kanya kahapon.Nasa canteen siya ngaun at nag order ng pang pang tanghalian dahil bigla siyang nakaramdam ng gutom ."ohh ang hampas lupa .narito !" parang nabingi ang kanyang pandinig dahil sa turan ng babae. "paano mo nasabing hampas lupa .!" tanong ng kanyang bagong kaibigan na si Alexa.Lumapit siya kay Zaira para masabing may kakampi siya ."syempre .nalaman kong nagtitinda sa palengke ang mga magulang niya and then driver sa factory namin ang papa niya?" kunot noong binalingan ni Zaira ang babae. "tsk....hampas lupa na pala sa ganoon .Yung may matinong trabaho at hindi namamalimos!! anong klaseng mindset yan!" lumapit siya dito at nakipagtitigan kay Brenda."at gaano ba ang epekto ko sa buhay mo at nagawa mo pang pa imbestigahan ang buhay ko !!!" nanlilisik niyang tingin ."pa
Bigla siyang kinabahan nang makarating siya sa pintuan ng opisina ng principal ."tsk!" umiling siya at humugot ng maraming hangin para mawala ang kanyang nararamdamang kaba .Nang medyo maibsan ay kumatok na siya at pinagbuksan siya ng assistant ng principal ."pwede ka na muna lumabas Niña !" utos ng principal at agad naman nagpaalam ito."oinatawag niyo daw po ako?" agad nitong tanong pagkaupo niya sa upuan na malapit sa mesa ng principal."oo ..Kabago bago mo dito pero kung umasta ka iba!" tumingin siya sa principal .Alam niyang may ugali itong tinatago at plastik lang ang oagsita niya sa anak niya kanina. "bago man or dati wala pong karapatan ang anak niyo na mambully or magmaldita !" hindi niya kailangan ibaba ang sarili niys dahil lamang mas mataas ang posisyon ng kausap ngaun ."good job!" napalaki ang mata niyang tumitig sa principal dahil sa sagot nito sa sinabi ."good job dahil sayo nabigyan ko ng leksyon ang anak ko .Lahat kasi ng binubully niya ay hindi nagrereklamo! lah
Pag gising ni Zaira ay medyo hapon na at may naka kumot na sa kanyang jacket mula sa kanyang hita . "awww sakit sa likod!" paglinga nga sa paligid ay wala na yung lalaking kasama niya natulog sa kabilang side ng puno .Tumayo siya at pinulot niya ang jacket na nahulog mula sa katawan niya dahil sa pagtayo . "kanino kaya to ?" inisip niyang dalhin nalang pag uwe at lalabhan niya para maibalik sa tunay na may ari .Hindi alam ni Zaira pinapanood na siya ng lalaking naglagay ng Jacket mula sa hita niya dahil nasisilipan ito habang natutulog na nakaupo . "tsk ...careless na babae!" na off na niya ang kanyang selpon ng dumating sng kaibigan niya sa tabi nito . "Aldrich ...may problema ba?" kunot noo niyang binalingan ang mga kaibigan . "sino sa inyo ang nagbigay permisyo na pwedeng tumambay ang babae sa .Big Tree ?" inisa isa niya ang mga kaibigan niyang tatlo at nagtinginan silang lahat . "wa..wait ..really !! may babaeng pumunta doon!" hindi makapaniwala si Jacob na may naligaw na stu
Makalipas ang ilang araw ay wala parin nagtangkang bulihin si Zaira .Maging si Brenda ay tumigil na ito dahil binalaan siya ng ina ."kaibiganin mo siya .?" nagulat si Brenda sa sinabi ng ama .Ang buong akala niya kakampihan siya ngunit katulad lang din siya ng ina niyang hindi kumampi dito ."napagsabihan mona ba yang magaling mong anak !" dumating ang ina niyang galing paaralan at ramdam niya ang galit nito sa kanya ."yeah ..Kaya nga sabi ko kaibiganin niya yung bagong salta na pinatulan ang bully attitude nito .!" kung maari ayaw niyang lumaki ang ulo ang anak kaya ayaw na niya ito pakinggan dahil alam nilang pag kinampihan lalo lang lalala ang sitwasyon."good.... Kaya Brenda .wag mong pairalin ang pagiging spoiled brat mo .Kung noon hinahayaan ka namin sa pinaggagawa mo dahil walang nagsusumbong ni Isa sa binully mo .Ngaun hindi na .dahil mukhang mas bully yung binully mo .Matapang siya .Karapatan ay paninindigan niya !" naalala na naman ni Antonia ang batang studyante nang kina
"Tama ba yung kwento mo Zai kaibigan mo na yung bruha mong klasmate?" tanong ni Alice kay Zaira ."opo !! tuwang tuwa nga po ako dahil hindi po kunwari yung pinapakita !" nakangiting sumubo so Zaira ng pagkain .Kinewento niya ang buong pangyayari sa pagitan nila ni Brenda ."nako ..nak laking pasalamat ko dahil may naging kaibigan kana sa paaralan niyo at maayos na kayo ng nambubully sayo!" natutuwang pinagmasdan ni Jane ang alaga na maganang kumain at may ngiti sa mukha ."pero bebe Zai ..baka mamaya nagpapanggap lang mabait sayo yon ah ingat parin!" biglang natahimik ang lahat at pati paglunok ni Zaira ay napatigil dahil sa sinabi ni Alice.Nakatingin silang lahat sa kanya ."oo nga .ingat ka .Zai hirap magtiwala ngaun !" saad ni Diego na sumang ayon sa sinabi ng nobya nito .Napaisip si Zaira at mukhang may tama sila .Kailangan niyang tignan kung nagpapanggap lang ba si Brenda o totoo ang lahat ng pinapakita.Pagkatapos nilang kumain ay nanood muna sila sa sala na siyang marami s
Mabilis malaman ng principal ang nangyaring kaguluhan sa harap ng paaralan kaya pinatawag niya ang anim ."sino ang may pakana dito?" hindi na niya pinatawag ang mga lady guard ng sumuway sa kanila dahil nakaduty na ang mga to at ang anim nalang ang kakausapin niya ."sila po ! masayang masaya po kami naguusap sa gate .Bigla silang lumapit at pinipilit na nakikipagplastikan lang po so Brenda sa amin!" tinignan niya ang anak na nakayuko at ang dating kaibigan nito natutuwa siya dahil nagbabago ng kaunti ang anak at hindi na nambubully .Ramdam niyang ang kaibigan niyang si Colin ang nagiudyok at bad influence pero hindi niya pwedeng patalsikin dahil isa ang ama nito ang nagdodonate ng malaki sa paaral."totoo naman si Brenda ay hindi totoo sa inyo .Magpasalamat kayo at binabalaan .!" tumingin siya kay Zaira na nakayuko parin at hindi nagsasalita ."tama na .Ang tanging parusa niyo dahil alam kong kayo lahat ay may pasimuno sa kaguluhan ay malinis kayo sa complex dahil doon gaganapin ang
Abala sa pag aayos si Zaira ng gamit dahil may ganap sa school na party kailangan nilang magayos at masquerade party ang ganap .All black ang suot at kailangan elegant ang dating .Kaya pinanhitulatan silang mag mask dahil aattend sa kanila ang Gentlemen department. "Maganda kana Zai .Sorry rent lang yang nakaya naming dress mo.Sana ikaw ang mapiling princess of the night !" tuwang tuwa si Alice habang pinagmamasdan si Zaira sa kanyang ayos .Simple lang ginawa niya pero sa buhok siya bumawi hindi na kailangan ng magarbong make up dahil magsusuot naman sila ng maskara .Simpleng lipstick lang na pulang pula ang nilagay hindi makapal pero hindi natatanggal . Dahil mahahaba ang pilik mata niya sa ay nilagyan lang nila ng manipis na eyelashes extension para kahit papaano kaakit akit at nilagyan ng makeup ang talukap ng mata na kulay ashes .Isang mahabang dress na shimmering na hanggang lagpas tuhod ang haba .Makikita ang makikinis nitong mga balikat at hindi naman siya gaano kalakahin
Hello Readers ;-)Thank you sa pagsubabay sa kwento nila Zaira at Kyler hopefully hindi kayo naboring o nabagot kakahintay sa mga chapter na parating . Minsan kasi busy ako o di kaya nagkakasakit din . Pero thank you sa mga nanatili paring nagbabasa ng aking kwento . Kung wala pa akong mai upload try to read my another book ''Missing seed of life '' and ''mister Ceo silent mistress '' or maybe my ''past shadow '' book lahat po yang maganda at marami na rin chapters hehe .Pero kay ''Mister Ceo silent mistress '' kasi ako focus now dahil exclusive at kailangan dahil may word akong inaabot hopefully maintindihan niyo po .Pero mag uupload din ako ng marami pag nakagawa na ako ng chapter sa bagong story dito din .Hopefully subaybayan niyo ang susunod kong kwento na kila Arden and Jasmine Kung paano mapapaamo ni Arden ang isang wild and hot baby Jasmine .AUTHOR lhyn ;-)
Todo alalay si Kyler sa asawa niyang halos wala ng tigil sa pag iyak dahil sa pagkawala ng ina .Yakap yakap ni Zaira ang larawan ng ina habang pinapanood ang paglagay ng abo sa huling hantungan .''I know mommy you will guide me like you did before. I love you very much. Salamat po dahil sa inyo naging ligtas ako at nakabuo pa ako ng pamilya .Magagawa ko rin tanggapin na wala na kayo pero hindi ko alam kung kailan '' durog na durog ang puso ni Zaira habang inaalala ang mga bagay kung saan nakasama niya ang kanyang ina .Halos hindi siya makapaniwala na ang ikli ng pagsasama nila .Akala niya magiging masaya na sila dahil wala ng pangamba sa kanilang paligid ngunit hindi pala dahil isa sa mahal niya sa buhay ang nawala gaya ng mga pangamba nila .Masakit para kay Amelia na mas nauna ang kanyang anak sa kanya .Ang akala niya ang magulang ang siyang ihahatid ng anak pero ngayon siya ang maghahatid sa kanyang anak .'' too short anak ..ang ikli ng pagsasama natin .Hindi man lang ako nakabaw
Nagising si Celine at ang ina niya lang ang naroon sa kwartong kinaroroonan niya .Hinanap niya agad ang kanyang anak . ''kamusta si Zaira '' tumitig lang si Amelia sa kanya habang ang mga luha niya ay ayaw magpapigil. ''ito ang sinasabi ko sayo anak sana nung una palang sinabi muna at sana inalagaan mo ang sarili mo .Alam mo bang hindi matanggap ni Zaira na nawawala kana .Bumalik ang trauma niya sa pagkawala nila Christ '' napahagulgol si Celine matapos marinig ang lahat ng sinabi ng kanyang ina .Huli na ang lahat kahit gusto na niyang gumaling .Tama ang ina niya bakit hindi man lang niya inalagaan ang kanyang sarili . '' I am sorry mama hindi ko po alam kung ano ang dapat kung gawin noon dahil nawawalan na ako ng pag asa mahanap si Zaira noon '' medyo kumirot ulit ang kanyang tyan kaya napapikit siya bahagya . ''eh ako anak hindi mo ba inisip ?" lalo siyang naiyak matapos marinig ang tinig ng kanyang ina . ''hindi ko po kayo iniisip noon dahil galit ako nung una mama dahil
''kamusta ka ?" unang nagising si Zaira kay Kyler kaya pagtingin niya kaninang nagising siya ay nasa isang kama na ang kanyang asawa kaya agad siyang lumapit at hinawakan ang mga palad nito . Tinatanong niya kahit hindi pa ito gising .Alam niyang naririnig siya ni Kyler gusto niya kausapin parin ito . ''epekto ng gamot yan iha kaya hindi pa siya gising '' nagpasalamat siya sa kanyang ama at ama ni Kyler . Hindi niya makakaya kung mawawala ang kanyang asawa sa piling nilang mag iina sapat na yung nawala na ito ng matagal bago sila ulit nagkita . Ilang oras ang nakalipas ay agad na bumalikwas sa pagkakahiga si Zaira ng makita niyang nagmulat na ng mata si Kyler . '' I'm glad gising kana baby '' hinalikan niya ito sa pisngi at labi . Natuwa naman si Kyler dahil unang mulat niya sa kanyang mata ay ang asawa niya ang unang bumungad sa kanya . ''matunaw ako sa kakahalik mo baby '' natawa nalang si Zaira at umupo sa tabi nito .Hindi niya mapigilan ang kanyang saya dahil ligtas na
''lapit na tayo sa hospital ah .Hold on baby !" hindi alam ni Zaira kung saan siya hahawak sa katawan ni Kyler na duguan . Hindi niya makakaya kung iiwan siya ng kanyang asawa . ''lumaban ka para sa mga anak natin ..hindi namin alam ang gagawin namin kung mawawala ka baby pleased!'' lalo siyang naiyak ng makitang wala paring malay si Kyler.Dahil sa takot niya ay inutusan niya ang nurse na kasama niya sa ambulansya para suriin ang pulso ng kanyang asawa .''malakas ang pulso niya ma'am nawalan lang ng malay si sir dahil sa dugong nawawala sa kanya '' medyo malayo pa sila sa bayan kung saan may hospital kaya labis ang pag aalala niya sa kanyang asawa . ''tito .opo ihanda niyo lang po ang dugo na para kay Kyler opo sige po salamat '' nakasunod parin ang team nila Brandon sa ambulansya na lulan ang si Kyler . Kahit hindi niya totoong pinsan ang ito ay nasa isip at puso niya parin ang pagiging magpinsan nilang dalawa . Pagkarating nila sa hospital ay agad na pinasok si Kyler sa emerge
Nakayakap si Kyler kay Zaira habang tulog ito sa byahe .Pauwi na sila ng syudan dahil kailangan na nilang bumalik lalot namiss na nila ang kambal . ''pwede bang dyan muna tayo sa restuarant .Medyo naiihi na kasi ako '' inaantok na saad ni Zaira.Malayo pa sila kaya kailangan na niya rin magbawas para sa kanilang byahe . Inalalayan muna ni Kyler ang asawa niya pababa ng van . ''Dapa '' utos nito ng may makita siyang pulang bilog sa likod ni Zaira . Natarantang sinunod ni Zaira ang utos ni Kyler saka bumalik sa loob ng van . Nanginginig na yumuko siya sa gilid ng upuan .Hindi naman nila problema ang Van dahil bulletproof ito kaya safe sila sa loob . Nakipagpalitan ng putok ang mga kasamahan ni Brandon kasama rin siya sa sumama sa paghatid kay Kyler . ''shit this is ambush!" saad ng kanyang kasamahan . ''do it properly bro dapat walang isang mawawala sa atin '' agad niyang kinuha ang selpon niya sa kanyang bulsa at tumawag sa kapulisan para sa kanilang back up . '' tama na wag
"natagpuan na namin kung saan nagtatago sina Jerry at Franco" biglang nabuhayan si Celine pagkabalita ni Arden tungkol sa mga puganteng sina Jerry. Akala niya mamatay siyang hindi niya nakikitang magdusa ang mga ito sa mga nagawa nilang kasalanan sa kanya . "ayos ka lang ba ate?" napapansin ni Arden na pumapayat na ang pinsan nito .Ngumiti lang si Celine at tinapik ang balikat ni Arden .Ayos lang naman siya at katawan niya lang ang bumabagsak. "dapat mahuli na sila Arden para sa kaligtasan ng lahat " umalis na siya sa harapan niya si Celine.Bigla siyang naawa sa pinsan niya dahil sa sakit nito alam niyang may cancer ang pinsan niya pero hindi niya alam kung anong stage dahil hindi pa niya sinasabi ang tungkol sa kalagayan ng sakit niya. "tama ba yung narinig ko Arden mahuhuli niyo na sina Jerry?'' hindi niya sinasadyang marinig ang usapan nila kanina . "sana nga po tita dahil hindi madali ang laging may takot sa ating sarili .Gusto ko na rin mabuhay tayong payapa at walang iniis
''you may kiss the bride '' mabilis na itinaas ni Kyler ang belo ng kanyang asawa .Isang linggo lang ang kanilang preparation sa kanilang kasal dahil hindi naman bongga at walang bisita .Ang importante lang sa kanila ang pare na magkakasal sa kanila .Sa likod ng compound may dagat doon at puting buhangin kaya doon ginanap ang simpleng kasal na meron sila .Ang importante kompleto ang pamilyang meron sila . Kahit wala gaanong bisita ay sapat na sa kanilang pamilya dahil pribado at pag iingat lang kaya mabilisang preparation ang kanilang ginawa. Nasa kabilang bahay ang dalawang bata at hindi na mula nila pinakita sa lahat dahil ayaw nilang malaman ng mga kalaban na may mga bata at baka ito pa ang paginitan nilang saktan . ''congrats sa inyo '' bumeso si Jasmine sa dalawa at kahit simple lang manamit si Zaira ay maganda na ito .Hindi parin siya makapaniwala na ang bestfriend niya ay tunay niyang kapatid . ''salamat Jasmine sana magkaroon kana rin tulad ng kuya mo '' natatawang saa
'' dad !'' gulat si Zaira sa nakikita niya magkasama ang ina at ama nito .Naiyak siya dahil finally kompleto na ang pamilyang meron siya . ''ayyyy sorry nahuli ako ng dating !'' kararating lang din ni Jasmine kasama si Arden . Lihim na sinundo ni Arden si Jasmine sa kanila .Alam ni Jasmine na si Arden ang kasama niya papunta sa kinaroroonan nila Zaira dahil hindi pa siya pwedeng magisa lalot laya parin ang kalaban ng kanyang pamilya . ''waiittt Who are these cute litte persons ?'' nakatingin sa kanya ang dalawang bata na parang pinagmamasdan siya ng mga ito . ''mga anak namin ng ate mo " napanganga siya sa sinabi ni Kyler at blankong tumingin kay Zaira . ''totoo ang narinig mo .Kapatid siya ng anak kong namatay . Triplets sana sila kaso silang dalawa lang ang nabuhay '' nagtitiling yumakap si Jasmine kay Zaira hindi nga siya nagkakamali noon na hindi lang isa ang nasa tyan nito dahil sa sobrang laki at bilog nito . ''dalawa na agad ang pamangkin ko wow !!'' masayang lumap