Mabilis malaman ng principal ang nangyaring kaguluhan sa harap ng paaralan kaya pinatawag niya ang anim ."sino ang may pakana dito?" hindi na niya pinatawag ang mga lady guard ng sumuway sa kanila dahil nakaduty na ang mga to at ang anim nalang ang kakausapin niya ."sila po ! masayang masaya po kami naguusap sa gate .Bigla silang lumapit at pinipilit na nakikipagplastikan lang po so Brenda sa amin!" tinignan niya ang anak na nakayuko at ang dating kaibigan nito natutuwa siya dahil nagbabago ng kaunti ang anak at hindi na nambubully .Ramdam niyang ang kaibigan niyang si Colin ang nagiudyok at bad influence pero hindi niya pwedeng patalsikin dahil isa ang ama nito ang nagdodonate ng malaki sa paaral."totoo naman si Brenda ay hindi totoo sa inyo .Magpasalamat kayo at binabalaan .!" tumingin siya kay Zaira na nakayuko parin at hindi nagsasalita ."tama na .Ang tanging parusa niyo dahil alam kong kayo lahat ay may pasimuno sa kaguluhan ay malinis kayo sa complex dahil doon gaganapin ang
Abala sa pag aayos si Zaira ng gamit dahil may ganap sa school na party kailangan nilang magayos at masquerade party ang ganap .All black ang suot at kailangan elegant ang dating .Kaya pinanhitulatan silang mag mask dahil aattend sa kanila ang Gentlemen department. "Maganda kana Zai .Sorry rent lang yang nakaya naming dress mo.Sana ikaw ang mapiling princess of the night !" tuwang tuwa si Alice habang pinagmamasdan si Zaira sa kanyang ayos .Simple lang ginawa niya pero sa buhok siya bumawi hindi na kailangan ng magarbong make up dahil magsusuot naman sila ng maskara .Simpleng lipstick lang na pulang pula ang nilagay hindi makapal pero hindi natatanggal . Dahil mahahaba ang pilik mata niya sa ay nilagyan lang nila ng manipis na eyelashes extension para kahit papaano kaakit akit at nilagyan ng makeup ang talukap ng mata na kulay ashes .Isang mahabang dress na shimmering na hanggang lagpas tuhod ang haba .Makikita ang makikinis nitong mga balikat at hindi naman siya gaano kalakahin
Masayang nagperform muna ang ibang studyante na may dalang talent .Halos tumagal ang lahat dahil maraming gustong magpakitang dilas . "sana all may talent !" uminom ng tubig si Alexa bago humarap sa dalawang kaibigan .Sa kanilang table ay tatlo lang sila dahil yon ang request ni Brenda .Ayaw niyang may iba para iwas gulo .Masayang nagsasayawan ang iba samantalang silang tatlo ay tahimik lang . "ikaw Zai may talent ka .?" tanong nito sa kaibigan na abala sa nakikinig na kumakanta sa harap . "Wala at hindi kopa nadiscover !" nagtawanan silang tatlo . Samantala ang tatlong kaaway nila ay nagpapacute sa groupo nila Kyler . "diba crush mo si Brandon?" tanong ng isang kaibigan ni Colin . "noon yon But now si Kyler!" nakatingin siya sa lalaking seryoso at nakatuon lang sa harap ang mata nito .Nagwagwapuhan siya dito dahil sa seryoso niyang mukha .Nakita niya ito kung paano tumawa ngunit tanging labi at mata niya lang ang nakikita ngunit alam niyang gwapo ito dahil sa kanilang lim
Naghiyawan at nagpalakpakan ang lahat ng biglang tumigil ang kanta kasabay ng ilaw .Halos kinilog ang ibang kababaihan at kalalakihan kasama ang mga teachers ng natapat sa kinatatayuan ni Kyler at Zaira ang spot light. "we did!" humigpit ang pagkakahawak ni Kyler sa baywang ng kasayaw. "nakakahiya pala!" biglang gustong kainin nng lupa si Zaira dahil sa hiyang nadarama ."wow congrats to Kyler Ocampo at Zaira Manzano .!" lumiwanag na ng may sumabot sa kanilang colorfull na nagupit gupit na papel ."mister Ocampo at miss Manzani come to stage to get your crown" tawag sa kanila ng Mc . Inalalayan ni Kyler ang dalaga at pumunta sila sa stage para masuotan sash at crown para sa king and queen Night .Hindi tinanggal ni Kyler ang paghawak nia sa kamay ni Zaira hanggang bumababa sila ."now ladies and gentlemen lets proceed to eat !" mas natuwa ang Mc dahil sa kainan .Samantala nanggagalaiti si Colin at Kurt sa tabi."sinayaw lang ni Kyler tuwang tuwa na bulong ng kanyang isip!" doble
Hating gabi na ngunit wala parin si Jackson at Diego halos hindi magkamayaw sa pagaalala sina Alcie at Jane. "Saan na kaya sila bakit hindi pa sila nakauwe !" umupo muna si Jane dahil ang tibok ng puso niya ay hindi normal dahil sa pag aalala . Iniiwasan niyang hindi mag isip dahil buntis ito ."darating sila wag ka ng mag isip!" tumabi si Alice sa kaibigan alam niyang buntis ito dahil kaka PT niya lang kaninang umaga at gusto niya surpresa ang gawin niya kila Zaira at Jackson .",teka tumarawag na sila!"mabilis niyang sinagot ang cellphone niyo pagkakita na si Diego ang tumawag. "aalice!! hm!" nanghihina ang tinig nito kaya hindi maintindihan ni Alice ."mahal .ayos ka lang ba hello!" namatay ang tawag at may natanggap niya text mula dito ."mahal umalis na kayo diyan .Lumayo muna kayo .hindi na kami buhay na babalik may mga tama kami ng bala at tingin ko dito na kami imburnal mamatay .Tinapon nila kami dito" halos humagulgol siya pagkabasa sa text na natanggap ."bakit anong nang
(After 10 Years )"Jacky tawag ka ng mama mo!" sigaw ni Alice sa anak ng kaibigan na naglalaro ng cellphone."opo .nariyan na na!" nagdadabog siyang pumunta sa likod kung saan naglalaba ang ina niyang si Jane ."Jacky tawagan mo nga ang ate Shaira mo kung uuwi ba ngaun hapon para maluto yung favorite niya ?" utos ni Jane sa batang anak nito."opo mama .Daming utos eh!" nakasimangot niyang sagot sa ina."aba sumasagot ka ng bata ka .Alam mo ba ang ate Shaira mo hindi ganyan! isa lang yung utos ko sayo" nagkukunwari itong nagagalit pero ayaw niyang maging maldita ang anak paglaki ."opo ito na po mama!" pinaikot nito ang mga mata niya bago sinunod ang utos ng ina nito."hello .mama bakit po!" boses ni Zaira ang nasa kabilang linya. "ate tanong ni mama kung uuwi ka daw ba?" Napakamot sa ulo si Zaira dahil parang napagalitan na naman ang kapatid nito ."kausapin ko si Mama!" lumapit si Jacky sa ina at inabot ang selpon ."mama !" kinuha ni Jane ang selpon tinigil muna niya ang pagsampay
Pagkarating nila sa hotel kung saan gaganapin ang party ay biglang nakaramdam ng hiya si Zaira dahil sa nakikita niyang mga bisita .Mga elegante at magaganda na animo parang mga model .Hindi na niya nakikita ng buo ang mga mukha dahil tulad niya kailangan may suot na maskara ang mga ito ."Invitation po!" bigla siyang kinabahan dahil ang invitation niya ay na kay Jasmin ."I am sorry. ! wait lang po tawagan ko ang kaibigan ko!" dinial niya ang selpon nito at tinawagan ang kaibigan na pumunta saglit sa Comfort Room ."asan ka .Hinahanapan ako ng invitation eh hindi pa naman ako papasok !" bigla siya nakaramdam ng inis dahil ang guard mismo ang lumapit para tanungin kung may invitation siya ."Hindi pwedeng tumuloy yan sa loob .Look pinagtitinginan ng mga lalako dahil sa itsura niya!" saad ng isang babae habang nakatingin sila kay Zaira. "Colin okey ka lang ba?" tanong nito sa kaibigan habang nakatingin sa babaeng may kausap sa phone. "Hmmm .Wala siguro mali lang ako ng akala!" small
Papalapit na sina Zaira sa pamilya ng kaibigan .Nagtataka siya dahil magkakahiwalay ang pamilya at hindi nagpapansinan .Biglang nakaramdam siya ng takot at galit ng papalapit na sila at nasisilayan niya ang matandang lalaki na nakaupo .Nakatungkod ito at halatang mabagsik kung tumingin. "Mommy ! " nakipagbeso muna siya sa ina nito at lumapit sa matandang lalaki ."lolo! kamusta po kayo?" tanong nito sa matandang lalaki at yumakap .Ayon sa kwento ng kaibiga Lolo's girl ito kaya medyo nainggit siya noon .Pero ngaun hindi niya magawang mainggit dahil hindi niya hihilingin ang magkaroon ng lolong mamatay tao .Matalim niyang tinitigan ang mukha ng matanda .Nakilala niya ito dahil taon taon niyang tinitignan ang mukha nito sa internet."oh muntik ko ng makalimutan. Shaira po pala bestfriend ko!" inakay ni Jasmin ang kaibigan lumapit siya sa pamilya nito ."Hello po Im Shaira Mendoza .!" ngumiti siya sa mga nakatingin sa kanya .Kunot noong tumingin ang matanda sa kanya ."Taga saan ka?" t
''heppp Jasmine come here !'' napapikit mata nalang si Jasmine dahil akala niya makakaligtas siya ngayon . Lalong lumaki ang kanyang mga mata hindi pala niya napansin si Arden at ang tita Amelia niya ganun din ang ina nito na nasa kanilang sala . '' lumapit ka Jas may pag uusapan ang pamilya natin ''wala na siyang kawala dahil mukhang pamamanhikan na ang ginagawa ni Arden .Tatabi sana siya kay Zaira ng biglang hilain siya ni Arden sa tabi nito .Inirapan niya lang at kinurot ang likod nito .Pigil hininga at daing si Arden dahil sa pagkurot sa kanya ni Jasmine mula sa kanyang likod .''ano po pag uusapan natin ?" tanong niya sa kanila . ''bakit hindi niyo man lang sinabi na may relasyon na kayo ?" siya lang ata ang natetense dahil ang katabi niyang lalaki ay parang wala lang sa kanya .Parang hindi ito natatakot o nababahala . ''gusto ko na po pag usapan ang kasal namin'' napatawa ng hindi sinasadya si Kyler dahil sa pagiging atat nito .Pwede naman siguro pamamanhikan muna .''nag pro
Tumahimik ang lahat dahil pumunta na sa harapan si Amelia dahil ito na ang pagkakataon para ipakilala ang kanyang pamangkin . Overwhelmed siya masyado dahil yung ganda ng hotel noon ng kanyang kapatid at mas naging triple sa ganda dahil kay Arden . '' ladies and gentlemen salamat sa inyong pagdating .I know marami sa inyo ang natuwa dahil muling magbubukas ang hotel na siyang pinaghirapan ng kapatid ko .For sure nagiging masaya na ang mga ito dahil muling nabuhay ang kanyang hotel . Gusto ko lang kunin ang sandaling ito para ikwento ang pinagdaan ng nag iisa niyang taga pagmana '' nagsimulang nagkwento si Amelia tungkol sa pagkatao ng kanyang pamangkin .Maraming naantig sa kwento tungko sa pagkatao ng bagong may ari ng hotel .Lahat sila humanga at natuwa .Maliban lang sa mag inang naghihiwagahan kung sino ito . ''napakaswerte naman niya '' saad ni Tasha sa kanyang sarili .Buntong hininga nalang si Carl dahil nakaramdam siya ng inggit .Alam niyang anak din siya sa labas pero walang
''thankyou for coming sir , ma'am '' ngiting tipid ang sumilay sa labi ng mag inang Carl at Tasha .Hindi sana sila dadalo dahil kalaban nila sa negosyo ang bagong renovation ng mga hotel ng Chua .Hindi siya makapaniwala na ilang taon na itong nakasara pero muling nabuhay ulit .Balita niya ito ang pinakamalakas na hotel noon bago sila dumating . '' Jasmine ?" labis ang tuwa ni Carl makita si Jasmine sa event .May makakausap na rin siyang matino dahil minsan nagsasawa na rin siya makipag usap sa kapwa nilangn negosyante. ''Carl your here ..'' natuwa man si Jasmine pero may kunting pag alinlangan dahil baka makita ni Arden na may kausap siyang ibang lalaki .Kabilin bilinan pa naman nito na huwag siyang makipag usap lalo kung hindi niya lubusan kakilala . ''long time no see ,'' bebeso na sana siya ng biglang may humila kay Jasmine .Kunot noo siyang tumingin sa kamay ng lalaki hanggang sa nakita nito ang mukha niya . ''oh my gosh Arden ?" sa isip nito .Kung saan saan sila naghanap n
''ano ba naman kasi pumasok sa isip mo at gusto mong mag beach sana sinabi mo ng mas maaga para naman nakapagdala ako ng swimsuit ..gosh'' halos umuusok na ang ilong ni Jasmine dahil sa inis kay Arden . Kung kailan nakapag beach na siya wala naman siyang dala na swimsuit ni isa.Ang tanging dala niya lang ang damit niya bago siya kinidnap .Nakasuot lang siya ng roba at wala siyang kahit anong suot sa loob . ''here !'' ini abot ni Arden ang dalawang paper bag at agad naman kinuha iyon ni Jasmine .Pumunta siya sa kama para ilapag doon ang laman ng paper bag. '' hindi kona sinabi dahil gusto kong magrelax ka muna dito '' pero mukhang hindi siya marerelax dahil sa sobrang sungit ni Jasmine sa kanya .Saka lang sila walang bangayan pag pinagbigyan niya ito sa se* cravings niya . '' ikaw ba pumili sa mga ito .hmm ang baduy '' ''haba ng nguso mo '' saad nito .''paano ang babaduy ng mga napili mong swimsuit.Napaka conservative ang lagay '' ang bikini nito ay pashort at ang bra tube type n
'' mmm '' dahan dahan nagmulat ng mata si Jasmine .Pagkamulat niya ay lalong lumaki ang knyang mga mata dahil hindi bahay ang kinaroroonan niya kundi loob ng isang yachte . ''Arden !'' sigaw nito . ''makasigaw ka naman parang may sunod .'' akala na kung ano ni Arden ang biglang pagsigaw ni Jasmine .Gising na pala at alam niyang nagulat . ''anong pakulo ito ha ?" galit na tono ng dalaga . ''gusto lang kita makasama .'' lumapit ito at akmang dadagan siya ng biglang itulak siya ni Jasmine . '''opppss buntis ako remember!'' pananakot nito habang palayo sa kanya .Wala siyang mood makipaglove making ngayon dahil inaantok parin siya . ''tayo lang ba ang nangdito ? teka nasaan si Jolog ?" kanina lang nasa village sila at sumama siya kay Arden para tignan ang bago nitong bahay .Paggising niya nasa yachte na siya . ''hindi nandyan si Kapitan at yung aso mo nasa pangangalaga ni Richard '' hindi niya masilip dahil nasa loob siya ng yachte kung saan may kwarto ito at kasya ang d
Dahil hindi walang trabaho si Jasmine at maaga siyang nagising nagpasya siyang ilabas muna ang kanyang aso na si Jolog .Gusto niyang bumawi muna sa aso niya bago siya pupunta sa ibang bansa . ''Jolog dahan dahan baby ...baka madapa ang mommy sige ka makukunan ako ...'' nangiti siya dahil naintindihan naman siya ng kanyang aso . Hinayaan niya lang maunang maglakad ang kanyang alaga.Nakatali naman ito at hawak hawak niya ang dulo ng tali .Dali malayo layo na rin ang kanilang nilakad ay nagpasya muna silang tumigil at magpahinga sa gilid ng daan .Behave naman ang kanyang Jolog dahil nakaupo sa kanyang tabi . Pakiramdam niya parang hindi na siya makalakad ng malayo dahil ang bilis niyang mapagod .Buntong hininga siya habang hawak hawak ang impis niyang tyan .Hindi pa naman halata dahil wala pa itong tatlong buwan . ''baby Jolog stay lang dyan ha ..''' kinuha niya ang cellphone nito sa kanyang bulsa .Nakita niyang numero ng kanyang assistant ang tumatawag kaya agad niyang sinagot . '
Tumigil ang sasakyan ni Arden sa harap ng gate ng mga Ocampo .Hindi niya hinayaan na mag drive mag isa si Jasmine dahil buntis ito .Pinaaga niya rin tinapos ang gagawin nila para makapag pahinga ng maayos ang dalaga. '' ngayong buntis ka pwede naba natin ipaalam sa kanila ang tungkol sa atin ?" mabilis na tinanggal ni Jasmine ang seatbelt sa kanyang katawan at lumabas na walang salita . Mabilisang paglabas ng sasakyan si Arden dahil lumabas si Jasmine na wala man lang sagot sa kanyang sinabi . ''Jasmine ano ba nangyayari sayo at ganyan ka ?''pinigilan niya gamit ang paghawak sa braso ng dalaga . ''let me go Arden !'' matapang niyang saad . ''let you go !? why Jasmine bakit ka ganyan ?" nalilito na siya kung bakit at ano ang dahilan sa pag iwas na pag usapan ang tungkol sa kanila . Naguguluhan na siya gusto niyang panagutan si Jasmine . ''this is not the right time Arden .Hindi pa ako handa .Pero kung hindi mo ako titigilan sa katatanong mo dyan maybe..'' hindi niya nai
Mahaba habang nguso ni Jasmine dahil kanina pa siya nakakaramdam ng gutom gusto niyang kumain ng mangga kaso nahihiya siya kay Arden . ''anong klaseng nguso iyan .Kanina ko pa napapansin '' napansin ni Arden na kanina pa napapanguso si Jasmine .Wala ito sa mood dahil hikab ng hikab at parang maraming iniisip . ''may gusto akong kainin '' tumingin si Arden sa assistant nito .Parang bata na nakanguso si Jasmine at nag iimagine na ng mangga . '' ano po gusto niyo ma'am at ipapahanda ko ?" tanong ni Richard sa dalaga . ''oo sabihin muna an gusto mong kainin para pabili natin kay Rich '' saad nito habang abala parin Siya sa mga furniture na napili ni Jasmine . ''hmm kaya mo bang bumili ng mangga yung hindi hinog .Hilaw ang gusto ko .Tapos kuha ka ng asukal na kulay dark brown ganun ..yun lang ''' napanganga si Richard habang nakatingin sa boss niyang gulat din tulad niya . ''kakain ng ganun wala pang laman iyang tyan mo ?" kanina pa sila nagdidiskasyon tungkol sa design .Hi
''bakit hindi mo ako ginising '' hintamad na bumangon si Jasmine . Nakahiga na pala siya sa hita ni Arden . ''pasyensya kana sarap kasi ng tulog mo kaya hinayaan lang kita .Pero ayos lang naman ako '' saad nito kahit ang totoo namamanhid na ang kanyang hita dahil sa ngawit . ''dapat ginising mo ako para nagawa na natin agad yung design na gusto mo sa hotel '' inayos niya ang kanyang buhok na siya naman kina titig ni Arden dahil ang ganda ni Jasmine para sa kanya kung ang buhok nito ay nakalugay . ''punta ka nalang sa hotel para makita mo kung paano ang design na ilalagay mo doon .Mas maganda kung actual mo itong makita '' sumang ayon naman siya sa gusto ni Arden pero iniisip niya palang parang magsasawa na siya kung mukha lagi ni Arden ang kanyang nakikita . Napatingin siya sa intercom dahil bigla itong tumunog . ''maam Jas meron po dito si ma'am Zaira sa labas hinahanap niya po kayo ' ' nataranta siya bigla dahil hindi pwedeng makita ni Zaira na magkasama sila ni Arden lalo