“Ancel…” pabulong kong sabi. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa dahil nandito na siya malapit sa akin o malungkot dahil sa nakikita ko ngayon. Ang lalaking mahal ko—ang lalaki na minahal ko ng buong-buo, at dahilan kung bakit ako nandito sa impyerno lugar na ‘to ay kasama ang lalaki na kinamumuhian ko. Hindi lang basta kasama, masayang nag-iinuman, nagtatawanan, at naglalandian kasama ang mga babae ni Jax. Natapik ko na lang ang dibdib ko, unti-unti na kasing bumigat ang paghinga ko. Dahil sa babaeng malandi at walang hiya na kumadong sa kanya. Gusto ko nang sugurin sila. Gusto kong kalbuhin at balatan ng buhay ang babae na lumalandi kay Ancel. Kaya lang, ang tingin ko, parang gustong-gusto pa nito ang ginagawa ng babae na ngayon ay pinulupot na ang mga kamay sa leeg niya. Nasa hindi kalayuan lang kami nakatayo at kaharap pa nila, pero hindi man lang niya kami napansin—hindi niya ako napansin. “Cahaya, ano na naman ba ang nang
“I’m glad you like her, bro! But you shouldn’t kiss her.” Tapik at pisil sa balikat ni Ancel ang kasabay ng sinabi ni Jax. Pilit din ang ngiti nito at matalim ang tingin sa kapatid. Sa nakikita ko, hindi lang gulat ang naramdaman ni Jax sa ginawang paghalik sa akin ni Ancel; galit din ito. Patunay ang matalim na tingin nito sa akin. Si Ancel ang humalik sa akin, pero sa akin siya galit. Pero kung galit ang nararamdaman ni Jax, ako naman ay nagtataka; nagulat din, hindi ko kasi alam kung sinadya ba ni Ancel na galitin ang kapatid, at gusto niya akong ipahamak. Tingin ko kasi ay parang natutuwa pa siya sa naging reaksyon ng kapatid. Ngising-ngisi ito, pero kuyom naman ang mga kamao. “Bro, parang hindi mo naman ako kilala! " Tinapik din nito ang balikat ng kapatid, kaya napalingon sa kanya si Jax, at sinamantala iyon ni Ancel na titigan ako. ‘Yong titig na tagos hanggang kaluluwa. Mainit, matalim at puno ng galit. Alam ko na pati si Jax ay nakikita ang galit sa mga mata ng kapatid. Al
“Ancel, mag-usap naman tayo, please.” Pa simple akong lumapit kay Ancel habang mag-isa siya sa kusina at nagkakape. Ilang araw ko nang sinusubukan na kausapin siya. Ilang araw na akong kumukuha ng tyempo, pero sa tuwing makita niyang papalapit ako, umiiwas siya. At sa kada iwas niya ay hindi pwedeng hindi siya mag-iiwan ng kakaibang ngisi at matalim na tingin. Sa tuwing ginagawa niya ‘yon, unti-unti akong pinanghihinaan ng loob. Unti-unting nawawalan ng pag-asa na maging maayos kami, at masabi ko sa kanya ang totoo. “Ancel, bakit ba ayaw mo akong kausapin? Bakit ayaw mong makinig?" Hinawakan ko siya sa braso nang akmang iiwas siya. “Ano ba ang nangyari sa’yo? Bakit mo ba ako tinatrato ng ganito?" desperada kong tanong. "Hindi ko gusto na nandito ako, Ancel. Ayoko rito.” Luha ko nagbabadya nang pumatak. Pero pinipilit ko pa ring pigilin. Imbes na sumagot. Tumiim ang panga niya at winaksi ang kamay ko. Pagkatapos ay pinunasan niya ang braso na hawak ko kanina. Hindi ko na na
“Cahaya, mabuti naman at lumabas ka na rin sa wakas. Halika, sumabay ka na sa amin kumain," anyaya pa ni Angie sa akin nang datnan ko sila na kumakain. “Wala ang demonyo; mga tauhan niya lang ang nandito, kaya pwede kang sumabay sa amin.” Hinawakan ni Angie ang kamay ko at hihilahin na niya sana papunta sa lamesa. Pero nagmatigas ako, sabay ang paulit-ulit na pag-iling. "Angie, hindi ako gutom. Kukuha lang ako ng tubig.” Binawi ko ang kamay ko at matamlay na pumunta sa may fridge. Rinig ko naman ang pagbuga ng hangin ni Angie. “Cahaya naman, kumain ka naman kahit konti. Porke’t ba na ligtas ka sa ginawa mong paglaslas sa pulso mo ay papatayin mo naman ang sarili mo sa gutom?” Natiim ko sandali ang mga mata ko. Oo, sinubukan kong kitilin ang sariling buhay matapos ang pag-uusap namin ni Ancel. Hindi ko kasi kinaya ang sakit. Ang hirap huminga. Ang hirap mabuhay nang hindi siya kasama. Para akong paulit-ulit na sinaksak sa puso. Gano’n katinding sakit ang pinaramdam sa akin Ancel. Ka
“Ano ba, Ancel!” Pinilit kong alisin ang kamay ni Ancel na nakatakip sa bibig ko. Pero pinandilatan niya ako. Napapatitig na lang ako sa tense niyang pagmumukha habang nakatingin naman siya sa pinto. “ ‘Wag kang maingay…” Tumayo siya matapos sabihin ‘yon at lumapit sa pinto. Diniin niya ang tainga roon, at nang wala na siyang marinig sa labas ay bumalik siya sa kinaroroonan ko. Hindi ko alam kung ano ang pakay niya at pumasok siya sa kwarto ko. O baka, tinamaan ang ego niya dahil sa hindi ko pagpansin sa kanya kanina. Humiga ulit ako at tinalikuran siya. “Lumabas ka na, Sir Wyn,” malamig kong sabi. “Aya…” ramdam ko ang pag-upo niya sa kama. Rinig ko rin ang buntong-hininga niya kasabay at paghawak niya sa balikat ko, pero agad kong tinampal. “Aya, tara na, bago pa nila tayo mahuli!” Sapilitan niya akong itinayo. Nagpupumiglas ako, pero hindi ko naman kayang gumawa ng ingay. Madadamay ako sa katarantaduhang ginawa niya ngayon. Mga magulang ko na naman ang sasalo ng galit niya.
Pero bakit gano’n? Bakit takot na takot ako na mamatay ngayon. Akala ko, handa na ako kung ano man ang mangyari sa akin. Hindi pala. Napadasal na lang ako kasabay ang hagulgol.“Ba’t ba ang tagal mo! Bilisan mo na nga riyan! Para namang isang balde ang ihi mo!” sigaw uli ng lalaki. Lumabas ang mahina kong hikbi nang marinig ang salitang ‘yon. Agad din akong dumilat. Hindi pala ako ang nakita ng lalaki. Hindi ako tinatawag niya, kundi kasamahan niya. Nagsabay ang hagulgol at tawa ko, at muli akong sumilip sa kinaroroonan ni Ancel. Kaharap pa rin niya ang dalawang lalaki. Si Ancel naman ay nasa likuran na niya ang isang kamay. Alam kong naka-alerto na siya. Alam kong hawak na niya ang baril na nakasuksok sa likuran niya. “ ‘Andyan na!” sagot ng lalaking pasuray-suray ang lakad. Hindi pa nga nito nagawang ayusin ang belt niya. “Sir Wyn, una na kami sa inyo,” paalam ng lalaking feeling close. Tinapik na naman kasi nito ang balikat ni Ancel. “Ancel, ano ba ang ginagawa mo riyan?” nasa
Kasabay ng sunod-sunod na putok ay ang pagyakap sa akin ni Ancel. Yakap-yakap niya ako habang nakakubli kami sa malaking puno na sinandalan namin kanina. Gustuhin ko mang lakasan ang loob ko ngayon; hindi ko kaya; hindi ko magawa. Kinakain ako ng takot. Hindi ko na nga magawang pigilin ang hikbi ko. Abot-abot ang kabang nararamdaman ko sa puntong naririnig ko na tunog ng puso ko—tunog na nakakabingi. “Ancel…” Sumabay na rin ang boses ko sa panginginig ng katawan ko. Bumalik na naman kasi ang takot ko noong tumakas ako sa bahay. Bumalik sa isipan ko ang simula ng lahat ng ‘to. Bumalik lahat; ‘yong takot na nararamdaman ko habang tumakbo at hindi alam kung saan pupunta; hindi alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. “Aya, shhh…” Tinakpan ni Ancel ang bibig ko. Hindi ko na kasi kayang pigilin ang hikbi ko. At narinig na nga namin ang mga kaluskos, mga yabag, at lagitik ng mga sanga na naapakan ng mga tao na palapit sa kinaroroonan namin. "Aya, Ancel… kami ‘to." Boses ni Camille an
Napasalampak ako sa mga tuyong dahon matapos ang putok na ‘yon. Akala ko, katapusan ko na. Akala ko mamamatay na ako sa kamay ng lalaking mahal ko, pero dalawang sunod-sunod pa na putok ang narinig ko. Rinig ko rin ang sunod-sunod na lagabog sa harapan ko. At hindi ko magawang tingnan kung ano ‘yon. Humagulgol ako habang nakatakip sa tainga ang mga kamay kong nanginginig. Hindi ko rin magawang idilat ang mga mata ko kahit naririnig ko pa na may papalapit sa akin. “Aya, tumayo ka na." Napabalikwas ako nang nararamdaman kong may humawak sa akin at niyakap ako. Narinig ko ang sinabi niya. Alam kong si Ancel ang yumakap sa akin ngayon, pero hindi ko magawang tingnan siya. Hindi ko magawang hawakan siya. “Aya, sorry…natakot ka, but I have no choice, kailangan kong gawin ‘yon. Iyon lang ang paraan para maligtas ka,” parang maiiyak na sabi ni Ancel. Haplos-haplos na rin niya likod ko. Hagulgol pa rin ang sagot ko. Pero kamay ko ay mahina nang sinuntok-suntok ang dibdib niya. Ni ang sab
Pawis at nag-iinit na ang magkahawak naming kamay ni Ancel. Ayoko kasing bitiwan dahil kung saan-saan na lang dumadapo ang kamay nitong pilyo kong asawa. Dumidilim na rin kasi, baka maisipan pa nitong sumuot kung saan mailabas lang ang init ng katawan. Hindi ko na nga muna siya nilingon. Bahala siyang pumisil-pisil sa kamay ko. Sa paligid ko na muna tinuon ang atensyon ko. Kasalukuyan na kasi naming binabaybay ang daan papunta ng El Canto, at ilang minuto na lang ay masisilayan na naming muli ang bahay-kubo na naging saksi ng pagmamahalan namin ni Ancel. Dito nga kasi niya gustong mag-honeymoon. No’ng una ay nagdalawang-isip ako. Iniisip ko kasi ang iisipin ng mga taga baryo. Bukod sa ang alam nila ay magkadugo kami. Ang alam ng lahat ay nawala ako dahil sumama sa ibang lalaki. Wala ni isang nakakaalam kung ano ba talaga ang nangyari sa akin. At malamang wala rin ni isang nakakaalam na mag-asawa na kami. Hindi naman kasi ugali ni nanay at tatay na makipagtsismisan sa mga kapitb
“Anak, hindi ka na nanaginip,” pabulong na sabi ni mama, napapangiti pa. Sakto naman kasing lumingon siya sa akin habang napangiwi ako. Kinurot ko kasi ang sarili ko. Sinisigurado ko nga kung hindi ba ako na nanaginip. “Totoo ang lahat ng ‘to, anak, hindi panaginip at hindi gunuguni.” Natiim ko ang labi ko. Nagpipigil maiyak. Pero wala eh, talagang hindi ko kayang pigilin ang mga luha ko. Luha ng saya. “Mahal na mahal ka ni Ancel, anak. Hindi pa naman siya nakalabas ng kulungan ay pinaplano na niya ang lahat.” Bumuga ng hangin si mama. “Hindi ka man naging ma swerte sa amin ng papa mo, naging maswerte ka naman sa lalaking minahal mo. Ang swerte ni Baby Anaya dahil kayo ang mga magulang niya,” madamdamin na sabi ni mama, sabay ang banayad na haplos sa kamay kong nakahawak na sa braso niya.Tipid akong ngumiti at saka, bumuga din ng hangin. Luha ko ay nag-uunahan ng pumatak sa pisngi ko. Halo-halo na kasi ang nararamdaman ko. Saya, lito, basta, para lang naman akong nakalutang sa ere
“Belle, bilisan mo na! Bakit ba ang tagal mo?” Apura ko sa kaibigan ko na kanina pa nagmumokmok sa kwarto kasama si Baby Anaya. First birthday kasi ni Baby Anaya ngayon, at plano namin ay bibisitahin muna namin si Ancel, saka kami pupunta sa venue ng party. Pero dahil sa kabagalan nitong si Belle ay parang hindi na namin mapupuntahan si Ancel. Thirty minutes na lang kasi ay magsisimula na ang party at hindi kami pwedeng ma-late. Hindi rin pwedeng e-extend ang oras ng paggamit namin sa venue dahil may susunod pa na gagamit. “Ano ba, Belle!” Padabog akong nagpunta sa kwarto, at siya namang pagbukas ng pinto. Bumungad agad sa akin ang napaka-cute na mukha ni Baby Anaya at nakakainis na mukha ni Belle. “Akin na nga si Baby.” Binawi ko kay Belle si Baby. Hindi naman nagreklamo si Belle. Ngiting-ngiti pa nga ito habang sinusundan ako. “Sila Mama at papa?” tanong ko kay Camille. “Nauna na sila sa venue, kasama nila si nanay at tatay,” sagot naman ni Camille, sabay bukas ng pinto ng kotse
Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o iiyak habang nakatitig kay Ancel na mahimbing na natutulog. Sa wakas ay nagkamalay na siya— sa wakas ay tapos na ang paghihintay ko. Kaya lang, matapos niyang ma-check ng doctor kanina ay nakatulog ulit siya. Hindi niya ako kinausap o ngumiti man lang, tumingin lang siya at saka pumikit ulit. Pero hinayaan naman niya ako na hawakan ang kamay niya hanggang sa makatulog siya. ‘Yon lang ay sapat na sa akin. Kasi naiintindihan ko naman kung bakit siya gano’n, kagagaling nga lang niya sa coma. At ang sabi nga ng doctor, pwedeng maging iritable siya o confused; normal lang daw na magpakita ng ibang emotion—ibang ugali ang mga taong galing sa coma. “Matulog ka lang, mahal ko. Dito lang ako sa tabi mo, hindi kita iiwan, kahit maging hayop o kahit maging demonyo pa ulit ang ugali mo, mamahalin pa rin kita. Alam ko kasi—” Nilapat ko ang palad ko sa dibdib niya. “Na itong puso mo ay mala-anghel naman at ako lang ang tinitibok. Napatunayan ko na kung gaan
Namali po ako ng update nito. In review na po ang edited chapter nito, baka bukas pa maayos. "Kabanata 57" kulang-kulang na chapter ang na update ko. Sa mga gustong mabasa ang complete na kabanata 57, paki delete muna sa library n'yo ang story na 'to then add n'yo na lang ulit. Pasensya na po. Malapit na sana matapos, saka naman nagkamali. Maraming salamat sa mga nagbabasa nito, kahit konti lang kayo ay ayos lang, at least may bumabasa. Sana mabasa n'yo rin ang ibang stories ko. May mga completed stories na rin po ako, may ongoing din po, pero slow update. Maraming salamat!
“Aya, heto na ang maligamgam na tubig at towel,” nakangiting sabi ni Belle, sabay lapag niyon sa bedside table. “Salamat, Belle,” nakangiti ko namang sagot, pero mga mata ko ay hindi na maalis sa kaibigan kong titig na titig sa lantad na katawan ni Ancel. Yes, Ancel survived. Pero in coma pa rin, magdalawang linggo na siyang ganito, at hindi ako nawawalan ng pag-asa. Hindi ko siya susukuan. No’ng araw nga na akala ko ay mawawala na siya ng tuluyan sa buhay ko, hindi ako sumuko, ngayon pa kaya na nakakahinga na siya na walang vintelator—walang life support. Alam ko, nararamdaman at naririnig niya ako, kaya hindi ako nagsasawang kausapin siya. Kinuwento ko sa kanya ang mga nangyayari sa buhay ko nitong mga nag-daang araw. Hindi lang naman kasi si Ancel ang nagpapagaling. Ako rin, nagpapagaling din ako mentally at emotionally. Hindi ko pa rin kasi nakakalimutan ang mga nangyari sa amin. Kahit struggling pa rin ako sa araw-araw kong buhay. Nilalakasan ko naman ang loob ko. Alam ko,
“Ibaba ang baril!” Sunod–sunod na putok ng baril pa ang narinig ko kasabay ang mga sigaw at mga utos. Bumagal ang galaw ng paligid ko nang makita ang mga pulis na pinaghuhuli ang mga tauhan ni Jax. At si Jax—nasa harapan ko, dilat ang mga mata at naliligo sa sariling dugo. “Ancel… ligtas na tayo!” Hagulgol ang kasabay ng sinabi ko. Dumating na rin ang medics at kasalukuyan nang inaasikaso si Ancel. “Ancel, lumaban ka… huminga ka!” Tuloy-tuloy ang patak ng luha ko habang pinapanood ang mga medics na ginagawa ang lahat maisalba lang ang lalaking mahal ko. Ramdam ko na may umalalay sa akin. May umasikaso na rin sa akin, pero wala sa kanila ang pansin ko. Nakatutok ang paningin ko kay Ancel. “He’s back!” Napatakip ako ng bibig kasabay ang impit na iyak nang marinig ang salitang ‘yon. Lumaban siya. Maya maya ay inilipat na siya sa streacher. Hanggang tanaw lang ako habang nilalayo nila sa akin si Ancel. Gusto kong sundan siya; gusto kong samahan siya, pero ubos na ang lakas ko, nahihi
“Ancel!” Nagsabay ang sigaw ko at hagulgol nang makita ang bakas ng dugo sa t-shirt niya. “Ancel…” Hindi agad ako nakagalaw; hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Nanginginig ang mga kamay ko na hinawakan ang sugat niya. Hinawakan naman niya ang kamay ko. “Aya, umalis ka na! Tumakbo ka na! Iwanan mo ako; tumakas ka na!” putol-putol na sabi ni Ancel. At sa kada salita niya ay may kasabay na da¡ng. “Sige na, Aya! Umalis ka na!" Sinubukan niya pa akong itulak, pero nagmatigas ako. Umiling-iling at muling itinakip ang mga palad ko sa sugat niya. “Aya, iligtas mo ang sarili mo, please…”Sa kada taboy niya sa akin ay paulit-ulit akong umiling at hindi nagpatinag sa mga tulak niya.”Ayaw kong umalis… Ancel. Hindi kita iiwan!” Hagulgol ang tumapos sa pagsasalita ko.“Ano ba, Aya, umalis ka na bago ka pa nila maabutan!” Pinilit niyang umupo at sumandal sa puno. Hawak na ng isang kamay niya ang sugat at baril naman ang hawak ng isa. Umiling-iling na naman ako. “Hindi, Ancel! Hindi kita iiw
Napasalampak ako sa mga tuyong dahon matapos ang putok na ‘yon. Akala ko, katapusan ko na. Akala ko mamamatay na ako sa kamay ng lalaking mahal ko, pero dalawang sunod-sunod pa na putok ang narinig ko. Rinig ko rin ang sunod-sunod na lagabog sa harapan ko. At hindi ko magawang tingnan kung ano ‘yon. Humagulgol ako habang nakatakip sa tainga ang mga kamay kong nanginginig. Hindi ko rin magawang idilat ang mga mata ko kahit naririnig ko pa na may papalapit sa akin. “Aya, tumayo ka na." Napabalikwas ako nang nararamdaman kong may humawak sa akin at niyakap ako. Narinig ko ang sinabi niya. Alam kong si Ancel ang yumakap sa akin ngayon, pero hindi ko magawang tingnan siya. Hindi ko magawang hawakan siya. “Aya, sorry…natakot ka, but I have no choice, kailangan kong gawin ‘yon. Iyon lang ang paraan para maligtas ka,” parang maiiyak na sabi ni Ancel. Haplos-haplos na rin niya likod ko. Hagulgol pa rin ang sagot ko. Pero kamay ko ay mahina nang sinuntok-suntok ang dibdib niya. Ni ang sab