WHEN A MEET E
Angelic Tomas
As singer from SKArtists Company, nakaugalian ko ng pumunta ng studio araw-araw para mag-rehearse.
Mula nang makilala ako bilang main vocalist ng QuadroQueens ay halos naging bahay ko na lang din ang SKA practice room kasama ang tatlo kong kasamahan sa grupo na sina Yejin, Solar at Moonah.
Masaya naman ako sa buhay mang-aawit ko pero siyempre may panahon talagang napapagod at nagdadrama rin ako sa buhay.
Well, life is unpredictable. Hindi natin masasabi kung kailan tayo magiging masaya o kailan tayo malulungkot. Kagaya na lang ngayon, mukhang meron na namang taong mabigat ang kalooban dahil sa pag-ibig.
Damn love, psss.
"Kung broken ka, wala akong pakialam," bungad na saad ko kay Yejin, ang second vocalist ng QQ. Nakabusangot na naman kasi ito habang titig na titig sa sarili niyang reflection sa salamin.
Hindi ko naman alam talaga kung anong eksaktong iniisip niya pero hula ko ay nag-away na naman sila ng kugtong niyang boyfriend na si Henry.
Actually, para sa akin ay hindi naman talaga sila bagay eh. Hindi ko rin gusto ang konsepto ng secret relationship, wala talagang patutunguhan ang ganoon.
"Ang sama mo naman Angelic, my friend. Minsan, hinihiling ko na lang na sana dumating na rin ang taong magiging dahilan ng pagiging tanga mo," asik nito habang nakapangalumbaba pa. Tila ba pasan talaga nito ang mundo.
"Never akong magiging tanga sa isang tao, Yejin." Sinabi ko iyon kahit naman alam kung posible talaga akong maging tanga. Walang taong perpekto at walang taong hindi nagiging tanga kapag pag-ibig na ang pinag-uusapan.
"Asus! Nasasabi mo lang 'yan kasi hindi mo pa nararanasang magmahal. Baka kainin mo rin 'yang sinabi mo," kontra naman nito sa akin. Nagkibit-balikat na lamang ako.
No boyfriend since birth ako. Iyon ang alam ng lahat. Every time na magkakaroon ako ng interview ay hindi maiwasang maitanong kung nagkaroon na raw ba ako ng boyfriend at dalawa lang ang palagi kong sagot. Wala pa. Hindi pa.
"Good morning gals!" matinis na bati sa amin ng kakarating lang na si Solar, ang third born sa grupo at main dancer.
Nabuo ang grupo namin dahil sa sarili naming kagustuhan. Pare-pareho kasi kaming adik sa Kpop group kaya doon namin nakuha ang konsepto ng QuadroQueens group.
"May chika ako sa inyo," satsat na naman ni Solar sabay upo sa tabi ko. Wala pa si Moonah, as usual ay palagi talagang late iyon. Hinayaan na lang namin since in born na magaling na rapper namin ang isang iyon.
"Spill the tea," sabay naming saad ni Yejin.
"Alam niyo na bang lilipat ng company si Eionn Santino?"
Napakunot-noo naman ako. Ang tinutukoy nito ay ang isa sa pinakasikat na male singers ng bansa. Pop King kung hindi ako nagkakamali. Nakikita lamang namin ito mula sa malayo tuwing may music award show.
"Weh? Gaano ka naman kasigurado na legit ang balitang iyan? You know naman na isang mayamang agency ang humahawak sa kanya diba?" puno ng pagdududang saad ni Yejin. Sang-ayon naman ako sa sinabi nito.
Ang alam ko ay hawak ng StarsWay Company si Eionn Santino at halos lahat ng singers ay gustong mapunta sa company na iyon, kahit na ako.
Naalala ko pa ngang nag-audition ako ng isang beses noon eh pero sa kasamaang palad ay hindi ako natanggap. Hindi na rin ako umulit since nakapasa rin naman ako rito sa SKA company.
"Is he crazy? Bakit naman aalis siya sa SWC? Maraming nagkakandarapa na mapunta sa company na iyon 'no?" komento ko naman.
"Ano ka ba naman girl? Hindi naman porke't mayaman at kilalang company ay wala ng chance na lumipat ang isang artist. Malay mo naman, hindi rin maganda ang trato ng agency sa mga artist nila, diba?"
Napaisip naman ako sa sinabi iyon ni Solar. Pero so far ay wala naman talaga akong naririnig na masamang balita tungkol sa SWC. May isa akong naka-collab last year from SWC pero mukhang ayos naman ang kalagayan ng artist na iyon.
"Saan naman daw lilipat?" tanong ni Yejin.
"Good question. Alam kong magugulat talaga kayo kung saan. Lalo ka na Angelic."
"Why?" nagtataka kong tanong. Sumeryoso naman ang mukha nito kaya nagkatinginan kami ni Yejin.
"No way," usal ni Yejin habang nakatingin na kay Solar. Mukhang nagkakaintindihan agad sila sa pamamagitan ng titigan lang. Mas lalo akong naging curious.
"Lilipat daw si ES dito sa SKA." Napakurap-kurap pa muna ako habang ipinoproseso sa aking utak ang sinabi ni Solar.
"What?" may kalakasan kong usal. "Are you kidding me?" dagdag kong lintanya habang natatawa pa.
Hindi naman kalakihan ang SKA at sa totoo lang din, mabibilang lang sa daliri ang mga singer at artista na sikat sa company namin. Mabuti na nga lang at kabilang kaming apat nina Yejin, Solar at Moonah sa mga SKA artist na sikat eh.
Well, nakilala lang din naman ang pangalan at talento namin dahil sa sariling pagsisikap, wala namang masyadong naitulong ang company namin sa fame na tinatamasa namin ngayon.
And to be honest, minsan ay nagiging secret whistle blower din kami ng SKA. Iyong mga aspiring singer na kilala namin ay pinagsasabihan namin na sa ibang company na lang mag-audition at huwag sa company na kinabibilangan namin ngayon.
Hinihintay na nga lang namin na matapos ang kontrato namin eh. Tatlong taon pa kaso bago kami makakalaya rito.
"Totoo nga, ang sabi ng manager ko ay baka nga raw maligaw dito si Eionn ngayon eh."
"What a twist. That guy is quite stupid," direkta kong saad sabay iling. Natawa naman ang dalawa.
"Wala ba talagang filter 'yang bunganga mo?" puna ni Solar.
"Bakit? Totoo naman ako. Sabihin niyo sa aking hindi kayo agree."
"Well, I couldn't agree more," sabay nilang saad at sabay-sabay din kaming nagtawanan.
Kung kami nga ay gusto na ngang makawala sa company na ito tapos malalaman pa namin ang ganong balita?
Wow! That Santino is really stupid.
Maya-maya ay dumating na rin si Moonah at katulad ni Solar ay may ganong balita ring dala. Baka nga legit talagang lilipat dito si Eionn.
So, it means... Posibleng maka-collab namin ang lalaking iyon? Is it a good or bad idea?
"Tama na ang chismisan, mag-rehearse na tayo," suhestiyon ko na lang. Ako ang leader since ako ang mas matanda sa aming apat.
Mahigit isang oras din ang naging rehearsal namin bago kami nagpahinga.
"May mga bagong trainees pala tayo 'no?" saad ni Moonah. Pare-pareho kaming napatango.
"Ang rinig ko ay nagbabalak na naman sila na bumuo rin ng isang grupo," bigay-alam ni Yejin. Napabuga na lang ako ng hangin.
"It means, sa kanila na naman mababaling ang atensiyon ng company?" naiiling na saad ni Solar.
Kung may rason man kami kung bakit gusto na naming umalis dito ay iyon ang pagkakaroon ng bias treatment dito. Nitong mga nakaraan lang ay hindi na namin mabilang kung ilang beses na bang may mga new comer artist na sinusubukang gamitin ng company para higitan o baka nga gusto pa kaming pabagsakin pero hindi nila magawa-gawa dahil matibay na ang pundasyon naming QQ.
Marahil ay nararamdaman nilang may balak kaming kumawala kaya sila na mismo ang gumagawa ng paraan para masira kami pero ayaw naming makawala sa maruming paraan. May reputasyon pa rin kaming iniingatan.
Honesty, kung ako lang ay hindi ko kakayaning magtatagal dito, pasalamat na lang talaga kami dahil apat kami na magkakasamang isalba ang career namin bilang isang grupo. Idagdag pa ang proteksyon ng mga manager at staff namin na alam naming loyal kapag QQ na ang usapan. Sila rin kasi ang nakasama namin from the very beginning of this journey of ours.
Singing industry is no joke. Hindi maiwasan ang ganitong klase ng sitwasyon. Kaya hanga talaga ako roon sa mga soloist na nakakayang isalba ang sarili sa mga kontrobersya na nasasangkutan nila.
"How about Eionn? Sa tingin niyo ba siya na ang magiging dahilan ng pagkatalsik natin dito? " usisa ko. Hindi na sila nagulat pa sa tanong ko, ibig sabihin ay naisip na rin nila iyon bago ko pa naitanong iyon.
"Alam nating gusto nating makawala rito pero hindi sa paraang gano'n, right?" Napatango-tango kami sa sinabing iyon ni Yejin.
"Ayokong umalis dito dahil sa rasong natalo tayo," himutok ni Moonah.
"So, what's the plan this time, Angelic?" seryosong usisa ni Solar sa akin.
Bilang leader nila ay nasa akin palagi ang pinal na desisyon. Hindi naman wala silang karapatang magdesisyon, mas matimbang lang para sa kanila ang desisyon ko. Sa ganong paraan din ay nararamdaman ko ang respito nila sa akin.
"I don't know. Competitive tayo pero hindi sa point na tayo na 'yong nakakasakit. I have this weird feeling of Eionn joining our company. It's quite questionable and suspicious. "
"Exactly," sang-ayon nila.
"Well, let's see. For now, we have to calm down and don't jump into a conclusion," suhestiyon ni Moonah na sinang-ayonan na lang din namin.
Sa halip na mag-over think ay nagpractise na lang ulit kami hanggang sa mapagod kami. Kasabay na ang kulitan at ingay namin na pumapailanlang sa practise room. Kahit naman may mga deep concern kami ay masiyahing tao pa rin kami lalo pa kapag kami-kami lang ang magkakasama.
"Babies, hello!" bati sa amin ng manager ni Solar na si Mama Cynthia. Kakarating lang nito kasama ang manager naming tatlo. Madalas din naman silang magkakasama dahil sa amin eh.
"Hello mothers!" bati rin namin at niyakap sila isa-isa na para bang hindi naman kami nagkikita araw-araw.
"Ready na ba kayo para sa performance niyo mamaya?" usisa ni 'ma Alice, ang manager ni Moonah.
"Yes naman, kami pa ba?" sabay-sabay naming saad. " 1,2,3 uy!" dagdag namin. Habit na namin iyon para ipakita kung gaano kami kahandang magperform.
Imbitado kasi kami sa isang university festival. Kami ang nangunguna sa listahan ng mga guest kapag school festival ang usapan. Dahil energetic daw kami on stage kaya nagiging paborito kami ng mga estudyante lalo na ng college.
"Anyare sa mukha mo 'ma Hazel?" puna ko sa manager ko. Dahil sa tanong kong iyon na bigla na lang sumeryoso pati sila 'ma Cynthia, Alice at Daisy.
"Girls... Brace yourself. Eionn Santino is coming," mahinang sambit ni 'ma Daisy.
"Legit, he's about to join in our company," dagdag ni 'ma Alice.
Usapan palang naming apat kanina pero hindi pa rin namin mapigilang manlumo sa iisang dahilan. Nagkatitigan kaming apat-apat. Sa pagkakataong ito hindi kaswal na pag-aalala ang makikita at mababasa sa aming mga mata.
Seems like another competitor is born. This time... A strong and untouchable one.
"Huwag kayong mag-alala. Bilang lider ninyo, poprotektahan ko ang grupong 'to. Poprotektahan ko kayong tatlo," saad ko sa tatlo kong kasamahan at kaibigan.
Eionn Santino, don't come if your stupid goal is just to destroy us. Don't be hypocrite.
WHEN A MEET EAngelic TomasAng rinig namin ay nakapag-sign na nga ng contract si Eionn dito sa SKA company. Nagsisimula na rin ang guesting at performance nito bilang isang SKA artist at hindi maiwasang mabanggit kami sa interview niya.Ang nakakatawa lang ay dahil sinasabi niyang okay naman daw ang relasyon niya sa aming QQ at wala naman daw siyang competition na nararamdaman sa pagitan namin. Hindi pa nga kami nagkita-kita para masabi niya ang ganon eh. He was talking as if he already meet us.What a scheme, psss!"Have you watched the king's interview?" usisa ni Yejin. Alam namin kung sino ang king na tinutukoy nito."Yeah, hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa sudden announcement niya na okay naman daw ang relationship natin sa kanya. Like... Ewan, 'di ko ma-explain," himutok ni Solar.&
WHEN A MEET EAngelic TomasMaingay ang loob ng waiting room dito sa NCB studio. Linggo ngayon kaya meron na namang variety show at inimbitahan din kaming mag-perform.Nakakatawa lang na pati ba naman dito ay kasama pa rin namin si Eionn Santino. Ang awkward nga dahil ang mga manager lang namin ang nag-uusap habang kami ay tahimik lang. Maging si Eionn ay nanatili lang sa kanyang pwesto mula nang dumating ito rito. Mas nauna kasi kaming dumating dito."Bakit kinakabahan ako?" angil ni Moonah."Ikaw lang ba Moon? Ako rin naman eh," singit ni Solar. Nararamdaman kong magsisimula na namang magkulitan ang dalawa."Asus, gaya-gaya ka lang eh.""Gaya-gaya ka diyan? Bakit? Ikaw lang ba ang may karapatang kabahan ha? Hindi lang naman ikaw ang anak ng diyos dito ah?"Dahil sa huling lintanya ni
Angelic TomasPagkarating na pagkarating namin sa DU Academy ay hiyawan at palakpakan agad ang sumalubong sa amin.Pinakalma ng school staff ang mga estudyante at pinadiretso kami sa faculty room nila. Todo asikaso rin sila sa amin. Pakiramdam ko ay imposibleng madapuan kami ng lamok dito. Sobrang nakaka-touch ang trato nila sa amin.Napag-alaman din namin na kaibigan pala si Eionn ang Dean dito. Hindi ko tuloy maiwasang magduda na may kinalaman siya sa pag-imbita nito sa amin. Alam kong pare-pareho lang ang nasa isip naming apat."Nag-conduct kami ng survey sa school kung sino ang gusto nilang maging guest sa foundation namin at as expected ay QQ at ES ang nangunguna sa listahan," kwento ng principal na babae na siyang kumakausap sa amin."Buti na lang at kami ang pumangalawa," natatawang sambit ni Yejin. Bahagyang natigilan ang principal.
When A Meet EAngelic TomasDahil sa nangyari sa DU academy noong nakaraang linggo ay hindi na muna kami tumanggap ng imbitasyon galing sa ibang pang academy at college festivals. Nanatili ring lihim ang naganap ng gabing iyon.Napag-alaman din naming na isa sa obsessed fans ko ang DU student na iyon. Ayon sa report ay maraming x-rated pictures ang natagpuan sa kwarto ng bata at ang nakakalilabot ay mukha ko na ang nasa mga larawan pero halata namang edited lang ang lahat.Dahil sa minor age pa ang lalaki ay hindi namin pwede pang makasohan kaya sa halip ay isinailalim na lamang ito sa isang counseling. Malaki pa naman daw ang chance na mabago pa ang behavior ng bata.Hindi ko rin maiwasang ma-guilty knowing na ako ang dahilan kung bakit nagkaganon ang batang iyon. Yes, wala akong kasalanan pero nakakasama lang ng loob dahil ganon ang epekto ko sa mental health nito.
When A Meet EAngelic TomasPasimple akong napairap nang madatnan namin ang bagong grupo at alas laban sa amin ng SKArtists Company na nagwawarm-up na para sa isang dance show dito sa 1BDanceRoom na pagmamay-ari ng isa sa pinakasikat na dance instructors ng bansa. Ang pangalan ng grupo nila ay MultiGirls dahil may kanya-kanya umamo silang talento bukod sa pagkanta. Si Hesthia ang leader nila na kasing edad lang din ng youngest members namin. Ang iba ay mas bata pa sa kanya.Kahapon ay nakita ko kung paano sila mag-rehearse at masasabi ko rin namang magagaling silang lima pero hindi pa iyon sapat para matapan nila kami bilang seniors nila.Sa tingin ko rin ay masyadong binibilog ang ulo ng mga ito para magkaroon ng lakas loob na kalabanin kami. I mean, halata namang nagpapa-impress sila lagi eh.Kahapon lang din ay nalaman
When A Meet EAngelic Tomas"I'm fucking tired!" hiyaw ni Moonah. Mabilis pa sa alas-kwatro na natapik ni Solar ang bunganga nito. "What?" irita nitong asik sa isa.Pare-pareho kaming pagod dahil sa audio recording at choreography practice namin sa bago naming ilalabas na song kaya naman hindi maipagkakailang pare-pareho rin kaming sensitive."Stop spitting bad words, dear.""Miss Solar, para namang hindi ka rin nagmumura ah?" bwelta na naman ng isa at pabirong hinawi ang kamay ni Solar na kinakalikot ang cellphone nito. Sa kasamaang palad ay tumalsik ang kawawang cellphone sa sahig."Omo, my phone, my phone! " hiyaw nito at umakto pang umiiyak habang dinadampot ang cellphone.Kahit pagod na pagod ako ay nagawa ko pa ring makitawanan kila Moonah at Yejin dahil sa kakulitan ng boses ni Solar. Mabilis pa sa hangin na nahalikan ni
When A Meet E Angelic Tomas Napatayo ako dahilan para magulat si Solar at Ate Paw. Nahawakan naman ako sa braso ni Solar bago pa ako makahakbang. "Yah! Where are you going huh?" usisa nito na may pangbabanta ang tono. "Stay here, Angelic," maawtoridad nitong saad. "You know me well Solar, right?" walang emosyon kong saad. Nakita kong napalunok naman ito. "Now, let me go." "Hindi mo pwedeng komprontahin sa Eionn. Look, hindi naman siya ang nagsimula ng chismis eh. Fans ni Mariah ang nagsimula ng fans war na 'to." "At paano naman nila nasabi na third wheel ako, aber? May ebidensiya ba sila? Kung makapanghusga sila ay wagas!" "Alam mo naman sa industry natin diba? Naging malapit sa atin si Eionn these past days tapos bigla na lang may break-up news na lumitaw." "But it doesn't mean na may karapatan na
When A Meet EAngelic TomasHindi maipagkaila ang saya sa mukha namin pare-pareho dahil sa wakas ay natapos din ang MV at photoshoot namin. Sobrang nakakapagod din talaga."Let's celebrate tonight, gals. Gusto ko ring uminom eh," suhestiyon ni Moonah. Agad naman na nanginang ang mata ni Yejin. Tanging ang nagiging matamlay lang kapag inuman na ang usapan ay si Solar dahil mahina ang tolerance nito sa alak kumpara sa aming tatlo."Sure. Walang atrasan ha?" paninigurado ko naman. Kapag celebration ang usapan ay hindi rin ako magpahuhuli lalo na at good mood ako dahil sa wakas ay may bagong album na naman kaming ilalabas."Tsk, bakit kasi ipinanganak akong mahina sa inuman?" maktol ni Solar. Tinawanan lang namin ito.Nagligpit na kami at kanya-kanya ng punta sa van namin. Maagang natapos ang shoot ngayong araw kaya makakapagpahinga
Tahimik kami pare-pareho habang nasa elevator. Kasama pa rin namin si Eionn at kinakabahan pa rin kami at baka ipaalam talaga nito sa kina Mama Hazel ang nangyari sa parking lot kanina. Nang huminto ang elevator sa floor ng unit namin ay kaagad kong pinalabas ang tatlo at hinarangan si Eionn. Mabilis kong pinindot ang rooftop button."Mag-uusap lang kami," pahabol kong sabi sa tatlo bago pa sumara ulit ang elevator. "What are you doing, Angelic?" paasik pang tanong ng kugtong. Nakahawak pa rin ako sa kanyang kamay. "Hindi mo ba narinig? Mag-uusap nga tayo, diba? Marami rin akong gustong sabihin sayo na hindi ko nasabi kanina kaya pwede ba? Huminahon ka," kaswal kong sabi.Nanahimik naman siya hanggang sa makarating kami sa rooftop. "Speak, kailangan ko pang bumalik sa event dahil nandon pa ang girlfriend ko," galit niyang asik. Pagak naman akong natawa."See?! Ang sama talaga ng ugali mo 'no? Nong ikaw ang nag-open up about sa pakikipagbalikan mo sa cheater mong ex-girlfriend pagt
Matiwasay na natapos an event. Mabuti na lang din talaga at kinaya ng katawan ko hanggang sa matapos ang performance namin. Sobrang dami rin pala ng fans namin sa audience at kabilang na ang lahat ng trainees ng SKA. Ngayon ay nagpapahinga na lang muna kami sa waiting para sa after party. Ayaw na sana naming pumunta pero ang sabi ni Mama Hazel ay pumunta na lang para iwas isyu na rin. Simula kanina ay hindi na rin namin nakita pa si Eionn."Grabi! Gulat na gulat ako sa performance nina Eionn at Mariah," bukas pa sa usapan ni Yejin. "Like gurl, kamuntik ko ng makalimutan na bruha ang babaeng iyon. In fairness, saglit akong naging fan nila," dagdag pa nito."Malakas talaga ang chemistry nila. Hindi naman sila naging pambansang love team para lang sa wala," komento naman ni Solar. Sa loob-loob ko ay sang-ayon naman ako sa sinabi nito. "Parang mabubungol nga ako sa lakas ng sigawan ng lahat eh. Fans o hindi, nagulat sa surprise nilang performance. Literal na surprise," sabi naman ni Moo
Matapos ang I*nstag*am live namin ni Eionn ay humupa ang tungkol sa third wheel issue ko sa breakup nila ni Mariah at nabaling ang atensiyon ng lahat sa issue ni Jacxon. Bilang na lang din talaga ang araw para malaman ng lahat kung sino ang totoong villain. Walang sekreto na hindi na bubunyag.Kinabukasan naman ay nag-resume na ang mga group activity namin. Nakatanggap din kami ng mga bagong invitation mula sa mga kilalang music show at universities. Naging matunog ulit ang QuardoQueens sa publiko. Isang buwan na rin naman na may peace of mind kami pare-pareho. Si Eionn naman ay mas napalapit sa amin. Madalas namin siyang makasalamuha sa studio at sa kung saan-saang event. Ngayon ay may saglit na rehearsal kami para sa pupuntahan naming event kung saan magsasama-sama ang mga mang-aawit sa bansa na galing sa iba't-ibang agency. May mga invited ding A-listers actors at actresses. Unicolors Ball kung tawagin. Annual celebration na ito sa industry namin. Magpe-perform din muna kami sa
"Let's talk," saad ni Eionn habang seryosong nakatitig sa akin. Ako talaga ang target niya dito kaya malamang ay ako lang din ang gusto niyang kausapin."Bawal kayong lumabas, okay? Dito lang kayong dalawa mag-usap. Kami na lang muna ang lalabas," istriktong sabi ni Solar. "Tama! Ayaw naming madagdagan pa ang isyu ninyo. Hindi ko na kaya pa ang pang-iinsulto nila kay Angelic. Baka makasuhan ko na talaga sila ng paninirang puri. Wag talaga nila akong sagarin! Marami na akong pera para sa abogado!" asik naman ni Yejin at tumayo na."Tara sa bahay, magpapaluto ako kay Mama ng kare-kare," suhestiyon ni Moonah sabay tingin sa akin. "Don't worry, titirhan ka namin, okay? Ayusin niyo na lang itong gulong ito at baka bukas ay pare-pareho tayong pulutin sa kangkungan."Kanya-kanya na silang suot ng hood, mask at hood bago lumabas ng unit namin. Narinig ko pa ang pag-lock nila ng pinto. Napabuntonghininga na lamang ako at malamya ang tingin na ibinigay sa kanya. "Ano? Magtititigan lang ba tal
"I'm sorry," sabay-sabay na paumahin nila sa akin matapos kong iparinig sa kanila ang kabuuang audio record ng usapan namin ni Pauleen."Tsaka kahit naman hindi mo nahanap ang full file nito ay naiintindihan ka naman namin eh," dagdag ni Yejin. "Oo nga, medyo na shook at nag-overract lang talaga kami," sabi naman ni Solar sabay yakap sa akin. Agad namang nakiyakap din sina Yejin at Moon. Ito mismo ang dahilan kung bakit hindi ko sila pwedeng ipagpalit sa kahit ano, kahit sa mga bagay na mas ikabubuti ko bilang artist. Hindi ko sila kayang iwanan sa ere. Kailangan kong masolusyonan ang krisis na kinakaharap namin ngayon, hindi dahil ako ang involved kundi bilang QQ's leader. "Me too, I'm sorry," saad ko naman. Isang minuto lang din siguro at nagsikalasan na sila sa akin."So, ano nga ba ang nangyari sa inyo kahapon? Bakit naman natagpuan ka sa filming site ni Eionn?" usisa ni Moon sakin. Bumuntong-hininga pa ako bago isinalaysay sa kanila ang buong pangyayari. Pati ang tungkol sa p
Nagising ako dahil sa mainit na hangin na tumatama sa aking mukha. Marahan akong napamulat at halos tumalsik ang aking kaluluwa nang bumungad ang pagkalapit-lapit na mukha ni Eionn sa akin.Awtomatikong napalayo ako sa kanya. Bumangon na rin ako dahil batid kung maliwanag na rin naman sa labas. Sa himbing ng tulog ko ay halos nakalimutan ko ng may katabi pala ako. Agad kong sinuri kung ano oras na. It's 8 am, and I find myself unable to look away from Eionn as he sleeps so peacefully. His strong features appear even gentler in slumber, and his dark, tousled hair gracefully falls over his forehead. I notice the steady rhythm of his breathing, accentuating his well-defined physique. Bathed in the soft morning light, he looks almost otherworldly, like a living melody. My heart flutters as I watch him, completely captivated by his tranquil beauty.Tapos na ba ang MV shooting ng isang ito? Ang sarap ng tulog eh. Napagdesisyonan kong gisingin siya, baka may lakad pa ang isang ito. Bahag
Pabaling-baling lang ako sa kama dahil hindi ako makatulog. Pasado alas y dos na ng umaga ay dilat na dilat pa rin ang diwa ko.Naiinis akong bumalikwas ng bangon at walang alinlanlangang lumabas ng kwarto. Sumalampak ako ng upo sa sofa at binuksan ang TV ni Eionn. Natuwa pa ako dahil connected din pala ito sa Netflix. Kaagad akong nag-browse ng horror movies at namili ng papanuorin. Nang makapamili na ako ay kaagad kong plinay. Tutok na tutok lang din ako sa bawat eksena kahit na nangangatog ang aking sistema dahil sa takot. "What are you doing?""Jesus!" hiyaw ko dahil sa gulat. Bigla ba namang pumaimbabaw ang boses na iyon eh. "Ano ba naman, Santino! Bigla-bigla ka na lang sumusulpot diyan eh.""Ano ba kasing trip mo? Nanunuod ka ng horror movie sa ganitong oras?""Leave me alone. Hindi kasi ako makatulog eh. Namamahay yata ako," paliwanag ko pa. "Sorry kung nakinuod ako nang hindi nagpapaalam sayo. Akala ko kasi ay tulog ka na. Hindi ka rin ba makatulog?""Yeah. Paano ako makak
When A Meet EAngelic Tomas"Sa kanang kwarto ka, ako naman dito sa kaliwa. Kung gusto mong magpalit ng damit, pahiramin muna kita. May mga damit dito si Mariah na naiwan." Nanlaki ang aking mga mata dahil sa pangalang kanyang binanggit."What did you just say huh?" paninigurado ko pa. Baka ka'ko mali lang ang pagkarinig ko. Bingi pa naman ako kung minsan."What I mean is... I-yong mga binili kong damit na para dapat kay M-ariah. Hindi niya pa naman iyon nasusuot eh."Psss, may pasabi-sabi pa siyang siya lang daw ang nakakaalam sa lugar na ito, iyon pala ay dinala niya na rito sa Mariah. Tsk, ano pa nga bang inaasahan ko? Malamang sa malamang ay narating na ng ex nito ang lahat ng lungga nito."Okay lang naman ako, nakapagligo naman ako kanina bago umalis ng hotel eh. Anyway, hindi ka ba babalik doon? Tap
When A Meet EAngelic TomasNang makarating ako ng Tagaytay ay agad akong naghanap ng hotel. Nag check-in muna ako bago napagdesisyonang maggala. In-off ko ang cellphone ko kaya walang makakakontak sa akin.Weird pero pakiramdam ko ay ngayon lang ako naging malaya. Iba pa rin talaga ang buhay ng isang ordinaryong tao. Makakapunta ka sa kung saan-saang lugar na walang camera na sumusunod sayo, na walang taong makakakilala sayo.Noon ay pinangarap kong maging sikat sa larangan ng musika pero ngayon ay gusto ko na lang magkaroon ng regular na trabaho sa industriyang kinalalagyan ko. Kahit hindi na sikat basta payapa ang bawat segundo ng buhay ko. Imposible man na ngayon pero gusto ko pa ring mangyari iyon.Kailan kaya? Ewan.Sa ngayon ay isang malapad na espasyo muna ang kailangan ko para makahinga nang maayos. I'm