Chapter 2
"Mukha lang siyang bata pero bente-uno na 'yan, mga kuya. Papasukin n'yo na kami, please?"We had arrived in front of The Euphoria. Nagmamakaawa si Melvina sa harap ng dalawang bouncer habang tinutulungan ako ni Olivia na hanapin ang ID sa backpack ko. Hinarang ako dahil mukha raw akong menor-de-edad. And I needed to show them my ID to prove that I was of legal drinking age to enter the nightclub.Pero kasalanan ko rin. Paano ba naman kasi? Naka-denim shorts lang ako at vintage jacket, then I paired it with sneakers. Parang mamalengke lang ako sa suot ko. Wala naman kasi akong ideya na hahatakin na naman nila ako after our graveyard shift.I don't get it. What's wrong with these people? Just because I have a youthful face doesn't mean I'm not an adult. Being small can make me feel and look even younger, which can be both nice and annoying at the same time. I'm already mistaken for someone younger than my actual age, and being petite only adds to that.Agh! Nakakainis maging pandak."Protocol lang, mga Miss," paliwanag ng bouncer."Kuya, ilang beses na kaming nakapasok dito, hindi mo ba siya natatandaan?" tanong ni Olivia. Inilalabas na niya ang lahat ng laman ng bag ko. "Ano ba 'tong mga 'to? Puro discount cards naman?" Palatak niya. Iniisa-isa niya ang mga rewards cards sa wallet ko, kasama roon ang suki card, happy plus card, pag-ibig loyalty card at 7-eleven cliqq. Naroon din ang PWD ID card ng kapatid ko pati na ang mga McDonald's coupons na naiipon dahil paborito niya ang fast-food restaurant na 'yon."Please, kuya! Next time, dadalhin na niya ang ID niya," pakikiusap muli ng isang kaibigan ko, si Melvina."Kailangan po talaga niyang maipakita ang ID niya, Miss," sagot ng bouncer pabalik."Ako ang nahihiya para sa inyo. Obligasyon naman talaga nilang i-check kung nasa tamang edad na siya." Hinatak ni Elaine si Vina at pinatayo sa gilid, sa tabi namin.Ngumiti ako sa kanila. Ayos lang din naman na hindi ako makapasok. Hindi naman ako alak na alak. "Uuwi na lang ako. Kayo na lang ang mag-enjoy. Pumasok na kayo." Itinulak ko pa siya ng bahagya matapos kong isarado ang bag ko. Siguro ay nasa bahay ang ID ko. Nagpalit kasi ako ng bag kanina. Hindi ko siguro napansin na nalaglag or what?"Kuya, please?" Ipinagsalubong ni Olivia ang dalawang kamay niya, plus nagpa-cute pa siya sa harap ng bouncer ngunit hindi natinag ang huli.Pumagilid kami ng kaunti nang may makita kaming grupo ng mga lalakeng papasok sa nightclub. Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko ang nasa unahan. Humaging sa pang-amoy ko ang mamahalin niyang pabango, pagkalagpas niya sa kinatatayuan ko.He turned at me with a smirk on his face that gave me goosebumps. "Don't let her in; she's a minor," he said in his distinctively deep baritone voice.Kakikita ko lang sa kanya kagabi sa trabaho tapos susulpot sila rito ngayong madaling-araw?Gusto kong mag-assume na sinusundan nila ako, pero, hello?Sino ba naman ako? Isa lang akong waitress sa araw at masahista sa gabi."Eh!" sabay-sabay na sabi ng mga ka-trabaho ko. "Sir naman, e!" Reklamo nila habang hinahatid-tanaw ang papalayo nang lalaking iyon. Hindi siya kinapkapan ng mga bouncer.Bakit ang unfair? Hindi rin hiningian ng ID. Ang tangkad naman kasi! Mas matangkad pa siya kaysa sa mga bouncer. Pumasok siyang hindi man lang lumilingon.Malamig naman ang tingin sa akin ng tatlo pa niyang kasama, maliban sa lalaking nasa pinakahuli.Si Leon Montecalvo, ang anak ni Mayor na naging boyfriend ko noong seventeen ako. Dalawang buwan lang ang itinagal namin dahil masyado siyang seloso.Si Miles Finnegan naman na isang half-Irish ay naging nobyo ko noong nineteen ako. Naghiwalay din kami sa kadahilanang ayaw ko ng long-distance relationship. Umalis siya noon papuntang Ireland ngunit bumalik din pagkatapos ng dalawang taon. Hindi na siya nakipagbalikan sa akin dahil nalaman niya ang tungkol sa kalagayan ng kapatid kong si Josue. Perhaps he was afraid that if he ended up with me, magiging katulad din ng kapatid ko ang mga magiging anak namin.Hindi ko naging ex si Morris dahil may long-time girlfriend siya. Wala akong ideya kung sino. Ewan ko ba kung bakit galit ang isang 'to sa akin, hindi ko naman siya ka-close. Marahil ay inaakala talaga niyang tinuhog ko ang mga kaibigan niya.Malay ko bang magkakaibigan pala sila?!I noticed their closeness as they all went inside Serene & Loud years ago. Doon ko nalaman na connected pala silang lahat. Naloka ako!Sa kanilang apat, si Maximus lang ang tanging hindi galit sa akin. Naghiwalay kami dahil kinailangan niyang magpokus sa law school. But after that, we remained friends.Parang gusto kong sampalin ang sarili ko sa pagiging assumera. Doon ko na-realize na kaya sila nandito ngayon ay para mag-celebrate. Katatapos lang kasi ng bar exam ni Maximus.Tumitig siya sa akin at nginitian ako, sabay lagay ng palad niya sa ulo ko at niyuko ako ng kaunti. Sobrang tangkad kasi niya. Halos magkasing-taas lang sila ni Jacques. "Dili siya menor de edad. Let her in," he told the bouncers, which made me smile. Nagpasalamat agad ako."Areglado, bossing," sumaludo ang bouncer. Binuksan niya ang pintuan para sa amin.Halos magtulukan ang mga kasama ko sa pagpasok, kasunod ako at si Maximus. Sinabihan pa niya kami na sagot niya ang bill namin."Bumisita ka minsan sa Spa kapag may time ka. Treat ko ang massage mo!" sabi ko sa kanya. Medyo pasigaw iyon habang nakalapit ang bibig ko sa tenga niya dahil maingay sa loob."Sige ba!" Sigaw niya pabalik at sumenyas sa akin na aakyat na siya sa VIP room. Glass paneled iyon at kita mula rito ang mga taong nandoon."Salamat!" sigaw ko habang kumakaway sa kanya na abot-tenga ang ngiti. Paglingon ko'y tinitira na ng mga kasama ko ang alak na inilagay ng waiter. Cazadores Reposado iyon at parang uhaw na uhaw nilang naubos. Isang shot lang ang nainom ko dahil iba ang sadya ko rito. Gusto ko lang sumayaw at kalimutan pansamantala ang mga problema ko. Para sa akin, hindi alak ang solusyon sa problema. I should just let the steam out and breathe away the stress.I dragged Melvina to the middle of the dance floor and we started moving without a care in the world. Elaine and Olivia looked jealous, so they joined us too. My mind was racing as we danced to the beat of the music. I ruffled my curly lob hair and threw my hands up in the air, swaying my head to the rhythm of the song.Paglingon ko sa mga kasama ko, may kanya-kanya na silang kahalikan. Napangiwi ako at bahagyang lumayo sa kanila.Sa pag-ikot ko, may mga brasong yumakap sa bewang ko. Itinukod ko ang dalawang kamay ko sa dibdib niya para mabigyan ng space ang katawan naming dalawa."Can we dance for old times sake?" Leon whispered as he pressed his body against mine and slid his hands a few inches lower until they were resting in my back, squeezing my buttocks. Hindi ko gusto ang ginawa niyang pagpisil ng puwetan ko kaya itinulak ko siya. Bahala na kung anak siya ni Mayor. Wala siyang karapatang bastusin ako. He pursed his lips in a conceited smirk. "Come on, hon. You want this, too."Muli niyang inilapit ang katawan niya sa akin at amoy na amoy ko ang naghalong alak at sigarilyo sa bibig niya. I almost puked because of it while walking backwards to avoid getting too close to him.Bago pa niya mailapit ang labi niya sa akin at may malalaki nang brasong humila sa kanya."Senyorito, oras na ho para umuwi!" Dinig kong sabi ng bodyguard niya. Napansin ko ang pagtapik niya sa balikat ni Leon. Kilala ko siya dahil kahit noong kami pa ni Leon ay nakabantay na siya sa kanya."Fuck that curfew. I'm old enough to go home against my will." He cursed discontent but did nothing because his bodyguard was stronger than him. Sumama na lang siya at nahihiyang nagbawi ng tingin sa akin.Bumalik ako sa table namin. Nagyaya nang umuwi si Olivia kaya lumabas na kami. Tumapat kami sa kotseng Suzuki S-Presso. It is Olivia's car. Iyon ang ginagamit namin tuwing may mga lakad kami."Paano? Mauuna na kami?" tanong ni Melvina sa akin. "Kaya mo namang umuwi mag-isa, 'di ba?"Out of the way ako sa uuwian nila kaya tumango ako. Wala rin naman akong choice, alangang magpahatid pa ako sa kanila, mapapalayo pa sila."Send ko mamaya sa 'yo iyong address ng magpapa-home service," bulong sa akin ni Olivia. I thanked her, and they all climbed into the car and said their goodbyes.Magliliwanag na rin naman. May mga tricycle nang pumapasada papunta sa amin. Iyon nga lang ay special fare. Humikab ako. Inaatake na ako ng antok.Sasakay na sana ako sa pinara kong tricycle ngunit tumigil ako dahil may tumatawag sa pangalan ko."Jen! Sa amin ka na lang sumabay! Madadaanan naman namin ang bahay n'yo!"Napatingin ako sa kinaroroonan nila. Maximus is waving his right hand at me. They were in the parking lot. Si Jacques na lang ang tanging kasama niya. His brows were creased, and I could tell he didn't want me around them."Salamat pero hindi na lang!" sigaw ko pabalik. Akma na sana akong sasakay ngunit nakita kong mabilis na tumakbo si Maximus sa kinaroroonan ko. Hinarangan niya ang motorsiklo ni Kuyang driver."Boss, sa amin na siya sasabay," sabi niya. Dinukot niya ang pitaka sa bulsa niya at nag-abot ng isang libo sa tricycle driver.Wala akong nagawa.Nakasimangot akong napatitig kay Maximus. "Lahat na lang dinadaan mo sa pera. I really hope you don't do that in court."Naglakad na kami palapit sa kotse niya.He was chuckling and rested his right hand on my shoulder. Siniko ko siya sa tiyan. Napaigik siya at tumawa. "I won't. Napakapabebe mo. Sinabi ko na kasing isasabay kita, 'ayan tuloy nawalan ako ng isang libo."Tinaasan ko siya ng kilay. "Sino ba kasing nagsabing bayaran mo?"He didn't answer me but instead opened the passenger seat door for me. Sumakay ako. Jacques was already seated at the back, and I caught his eyes fixed on the rearview mirror. I looked away and fastened my seatbelt."How are you?" Maximus asked as he started the car.I glanced at Jacques in the mirror, and he had already closed his eyes and was comfortably leaning in the backseat. Look at this guy, why does he still look hot even when he's asleep? His muscled arms were flexed as he crossed them. I couldn't help but think how tempting it would be to touch those muscles."Well, I may not have grown taller, but I'm still pretty," I replied, making Maximus laugh.If it weren't for the fact that he was my ex and a notorious womanizer, I might have fallen in love with his laugh. But I know better than to risk my heart on a man who can't be satisfied with just one woman. Sabi niya noon, magpopokus siya sa law school kaya siya nakipaghiwalay sa akin.Aba! Wala pang isang buwan, may bago na kaagad! At napalitan na naman ng bago pagkatapos ng isang buwan hanggang sa papalit- palit na lang siya ng babae na para bang nagpapalit lang siya ng brief sa araw-araw.I've never lost hope of finding a new love after our breakup. 'Yon nga lang mahirap hagilapin si love. Ayaw yata sa akin.Muling napatingin ako sa lalaking nasa likod at sumikdo ang puso ko nang magkatinginan kami sa salamin. Napahawak pa ako sa dibdib ko.Napa-hinga ako ng malalim at inayos ang tingin ko, iwas sa mapang-akit niyang mga mata.Ano ba 'to, iba na yata ang nararamdaman ko sa kanya! Pero alam ko namang imposibleng pumatol siya sa akin, lalo na't naging girlfriend ko na ang tatlo niyang kaibigan. Tiningnan ko ulit siya sa salamin, nagtatanong kung ano kaya ang iniisip niya sa akin ngayon. Pinagalitan ang sarili at iwinaksi ang mga ideyang bumabagabag sa isip ko.Nahimbing ako sa biyahe at bigla akong nagising nang may marahan na kamay na tumapik sa akin. Pagmulat ko ng mga mata ay nagulat ako sa aking paligid. Nasa tapat na pala kami ng bahay ni Tita. "Salamat, Mac. Diyan ka pa rin nakatira?" tanong ko sa kanya habang itinuturo ko ang malaking mansyon na hindi kalayuan mula sa amin."Someone had brought it actually," sagot niya."Huh? Bakit mo ibinenta?" Napatitig tuloy ako sa kanya. Alam ko kasi na regalo iyon ng ama niya dahil nakuha niya ang summa cum laude sa USC."I need to stay now in Manila. Doon ako magpapa-practice ng law kapag nakapasa na ako. At kailangan ko ng pera dahil alam naman nating magastos doon. Konting kibot lang, pera na. Samantalang dito, pupunta lang ako sa dagat, may pang-ulam na ako. Pupunta lang ako sa hardin, may gulay at prutas na ako."Tumawa ako ng mahina sa mga sinasabi niya. He's stating facts right now. "Ayaw mo rito sa Cebu?""Walang opportunities dito. Tiyaka na lang ako babalik kapag magtatayo na ako ng sarili kong law office.""Naks!" Sinuntok ko siya sa dibdib. He laughed heartily again. "I'm so proud of you," I said, looking straight into his brown eyes.Tumigil siya sa pagtawa at tinitigan lang niya ako."Wala pa man pero gusto na kitang batiin dahil ang layo na ng narating mo. Sana lang ay maging matino kang abogado, hindi abogago."Ginulo niya ang buhok ko. Tumawa ulit siya. Then he made a serious face and stared at me. "I won't. Babaero man ako sa paningin mo pero hindi ako magloloko sa husgado."Habang nagkatitigan kami, hindi ko maiwasang matawa sa sinabi niya. He was such a unique person, with a deep passion for building great things and caring for people. I promised to remember him in my prayers.Our gaze broke when Jacques cleared his throat from the backseat."Don't go kissing in front of me, Mac. I'll kick you out," he said, his tone laced with something I couldn't pinpoint. I could feel the tension in the air.Chapter 3"Ma-nang, ag-agriing kan. Na-bangsit tu ta ang-saw mon."Instead of being irritated, I smiled as my brother strongly shook my arm and told me to wake up. He is mimicking how I always wake him up; I tell him that if he doesn't get out of bed, his breath will stink.My eyes were still closed, and I could feel him lying next to me. His lips pressed against my arm. Every morning, he kisses my arm. "M-morning, ma-nang." His words are soft, causing him to mumble on every letter, but I understand what he's saying because we've been together since birth.When Josue was four years old, he was diagnosed with Angelman syndrome. Kinukonsidera ang sakit niya bilang ‘syndromic’ form ng autism spectrum disorder. All these years, he has attended speech therapy and received cognitive-behavioral therapy. Kaya medyo nagagawa niyang makipag-usap at makihalubilo sa amin. At the age of 10, doon pa lang siya natutong maglakad mag-isa. I can understand the hardships and exhaustion that my parents
Chapter 4"Kahit nasa 21st century na tayo, uso pa rin pala ang arranged marriage. Does that mean you don't love each other and were forced to marry by both of your mothers?"Hindi ko napigilang itanong noong itinutupi ko na ang mga towel na ginamit ko sa pagma-massage. Curious kasi ako.Kasasabi lang kasi niya kanina na magpapakasal pa rin sila dahil utos ng mga mommy nila. Kawawa naman silang dalawa kung mapipilitan silang magsama dahil lang sa family tradition. And they both have two months to enjoy the freedom of being single, though they both agreed to keep their freedom even if they are married. Sa papel lang daw sila kasal.Medyo TMI, pero hindi ko maintindihan ang sarili ko. Kanina disappointed ako, ngayon medyo magaan na ang pakiramdam ko.Natigilan sa pagtatali ng roba si Miss Faith at sinulyapan ako. Ngumiti siya ng mapait at wala siyang imik na lumabas ng kuwarto. Mas lalo tuloy akong naging curious.Ibinalik ko ang lahat ng massage oils and creams sa backpack ko, at inila
Chapter 5"Kapag nakita ko ang Mac na 'yon, makakatikim siya sa'kin ng salita. Pasalamat siya't hindi ko naabutan."Tita's irritated voice woke me up the next morning. I could have slept a little longer, but the sound of my brother's retching roused me from my slumber.I found him in the bathroom, throwing up repeatedly. I approached him and scolded him, "Ano ang napala mo sa sobrang pag-inom kagabi?" I ran my fingers through my slightly curly hair as I reprimanded him.While my brother continued to vomit, Tita comforted him by rubbing his back.Tumingala siya sa akin, matapos punasan ni Tita ang bibig niya. "S-akit u-lo, sa-kit tiyan ko, ma-nang," sabi niya sa kaawa-awang tinig. Bahagya pa siyang nakalabi, and his gentle face showed signs of discomfort."Ikukuha kita ng tubig," sabi ko. Tumayo ako. Napasinghap ako dahil bumangga ako sa matigas na bagay, pagkaatras ko.The man with the alluring charm has come! He was wearing his executive suit and holding a glass of water by his side.
Chapter 6"Bakit nagpalit ka ng suot? Umuwi ba kayo?" tanong ko para mapagtakpan ang pagkakahuli niya sa pagtitig ko sa kanya. Bahagya niyang ipinilig ang ulo habang sinisimulan niyang imaniobra ang kanyang marangyang sasakyan. "The pet store dog peed on me from head to toe. Nasa taas siya ng estante kaya hindi ko napansin."Hindi ko napigilan ang sarili kong humalaklak, pati si Josue ay nakigaya rin sa paraan ng pagtawa ko. "Hindi nga?" Natatawa at hindi makapaniwala kong tanong."I'm speaking the truth. Fortunately, the owner had some extra new clothes that he gave me."Kinagat ko ang pang-itaas kong labi at tumingin sa labas ng bintana para pigilan ang sarili ko sa muling pagtawa. Baka kasi mainis siya sa 'kin. "Don't hold back your laughter. Mauutot ka, babaho rito," sabi niya na ikinagikgik kong muli. Sa pagtawa ko'y hinampas ko ng ilang ulit ang braso niya. Kagat-kagat naman niya ang inner cheeks niya habang nakatuon ang pansin niya sa dinadaanan namin. "I'm driving, Alyn. S
Chapter 7"Mmm."I hummed and place the glass on the counter. My right hand caressed his cheek, while the other was entwined in his hair; my heart continued to pound, my toes curled, and I felt sparks in my stomach.Halu-halo ang nararamdaman ko, nakalalasing ang banayad na paghalik niya sa labi ko. His kisses were so soft yet sensual, gentle yet powerful, that I craved more of his flavor. Ramdam ko ang pag-iinit naming dalawa ngunit nagpapasalamat akong hanggang sa bewang ko lang ang mga kamay niya. I could tell he was holding back from touching me more.Manigurado ka muna bago ka magpahalik. Hindi ka puwedeng basta na lang nagpapadampi ng labi sa lalaking committed! Nagsusumigaw ang sermon ng utak ko, kaso hindi ako nakinig.I tried to sneak a peek, and his eyes were closed, and it struck me how lovely he was. He looked so calm and content while kissing me.I tiptoed more and wrapped my arms around his neck and felt his soft tongue probe my mouth. I felt like my body was melting,
Chapter 8"I noticed you were wearing sneakers the last time I saw you; why didn't you wear them this time?" tanong ni Jacques habang isinusuot ang apat na pulgadang heels sa kanang paa ko. Sa madilim na liwanag ng ilaw sa back seat, ramdam ko ang bigat ng titig niya sa mukha ko kaya hindi magkamayaw ang paru-paro sa tiyan ko. "Naiwan ko sa bahay," pagsisinungaling ko. If I said my five-year-old sneakers had worn out, I'd be in an awkward situation. Tuluyan nang humiwalay ang suwelas ng sapatos ko. Naubos na ang laman ng rugby na lagi kong ipinandidikit kaya wala akong choice kundi isuot ang heels ko pauwi. I noticed his chest move slightly, as if he was sighing. Minasahe pa niya ng isang beses ang kaliwang paa ko, bago niya isinuot ang kapares ng heels ko. "Your anklet suits you," komento niya. Bahagya niyang pinasadahan ng daliri niya ang aking anklet kaya nagdulot ito ng mumunting kiliti sa aking bukung-bukong.I bite my inner cheeks because of it. "Amulet 'yan, bigay ng isa sa
Chapter 9Hindi na ako nakatulog, paglabas niya ng kwarto ko. Ilang saglit kong minulat ang mata ko para iproseso ang sinabi niya. Ako? Precious to him? Kailan pa? We've just only met again last Monday, a...Posible ba iyon na mahalaga na agad ako sa kanya—'di ba ngayon-ngayon lang naman kami naging close? O kaya ganito ba siya pumorma sa mga naging girlfriend niya?Speaking of girlfriends, I've never heard of him getting a girlfriend from any news source, not even the TV network that they own. Some are linked to him, but his PR team will quickly respond with a statement denying it. He also rarely appears in newspapers or on television because, despite being the CEO of Almerino TV Network, he keeps his personal life private.Ugh! Bago pa sumakit ang ulo ko sa kaiiisip ay itinaklob ko na ang unan sa mukha ko. Pinilit kong matulog para hindi ako antukin sa trabaho ko mamaya. Paggising ko, bumangon agad ako at kinuha ang puting tuwalya sa aparador. I went outside my room, and Tita wa
Chapter 10"Hindi mo na kailangang alamin kung kailan kita unang nagustuhan basta ang mahalaga maipakita ko sa 'yo na sinsero ako sa panliligaw sa 'yo at hindi ito isang laro lang."My heart raced around in my chest, beating furiously and causing my chest to rise and fall with short breaths. How does he say it so naturally? Sasagot pa sana ako ngunit hindi ko mahanap sa utak ko ang dapat kong sabihin. Tumingin na lang ako sa labas ng bintana para mapagtakpan ang kabang nararamdaman ko. "Has the cat got your tongue?" He chuckled as he looked at my side."Prangka ka rin pala, 'no?" I said flatly, unable to make my voice work properly."I wasted so many years; I won't waste time now that I have the opportunity to express myself to you." He looked over at me again, his brow furrowed, before returning his gaze to the road.Mas lalo lang akong napipi at hindi na nakapagsalita ngunit bigla ko na namang naalala ang nalalapit na kasal niya dahilan para mapalitan ng pait ang nararamdaman ko.
I am so grateful that you've reached this point. Thank you so much. May we all realize, especially the young generation, that anchoring yourself into positivity and self-growth is never selfish.Epilogue "How about you, Jacq? Naniniwala ka ba sa 'love at first sight'?" tanong ni Maximus habang inaabot sa akin ang isang shot ng Jack Daniels.I am doing my thesis in my study room, and here they are, invading my privacy. But it is fine with me; bihira na lang kaming magkita. They are all studying in Cebu; I am here in Manila.I scoffed. "That's bullshit." Nag-pass ako sa alak. Seryoso ako sa pagtatype ng conclusion sa laptop na nasa harap ko."Sinasabi mo lang 'yan, pero baka kapag tinamaan ka, wala ka nang kawala," Maximus said as he passed the glass shot to Miles, my half-Irish friend."I also don't believe it; crush at first sight, puwede pa," si Leon."Who believes in that? We belong to the new generation now; more girls, more fun!" Miles, who's beside me, takes a look at what I'm
Chapter 47This is the final chapter. Thank you for being with me on the journey with my babies. Please also support me in my next series! Abangan ang epilogue!"You look nervous, baby." Jacques tilted his head while gently holding my hands. "Come here." Hinila niya ako upang kumandong sa kanya."I am..." Yumuko at pinaglaruan ang engagement ring na nasa daliri ko. Isinuot ko iyon kanina pagkatapos kong maligo. Jacques also touched my ring. I could hear his breathing in my ear, and it tickled me."I promise you everything will be okay, hmm?"I pouted, trying to push back the fear that was threatening to overwhelm me. "I'm nervous. I don't know what to expect.""I'm here for you, sasamahan kita hanggang sa loob."We just arrived at the airport and boarded our special flight to Manila to visit my mother. Hindi ko maiwasang makaramdam ng pagkabalisa."What if I trigger her emotions? Baka kung ano na naman ang sabihin niya sa akin Jacques..." Tiningnan ko ang kanang kamay kong magaling na
Chapter 46"I love you, too, Jacques. Nagsinungaling ako noong sinabi kong hindi na kita mahal. Ang totoo, mahal na mahal pa rin kita nadaig lang ako ng galit noong makita ulit kita," I sniffed, and he held my hand gently. "I'm sorry if I push you away. I wasn't there for you; I'm really sorry."I still couldn't stop myself from crying while my breath came in ragged gasps. Parang pinipiga ng paulit-ulit ang puso ko.Jacques tenderly held me close and soothed my back. "I'm doing great now, baby. It was a lot to take in, but I healed myself for you; I healed myself because I want to be strong for you."I sniffled as I drew away from the hug. Jacques stared at me intently as he wiped the tears from my eyes. "I love you so much, Jacques," halos pabulong kong sabi."I know, and I love you too," he replied, placing a kiss on my forehead. "I'm so grateful to be back with you now."Jacques' touch was gentle and soothing, a balm to our wounded hearts. His words were like a magic wand, soothing
Chapter 45Nanginginig ang kaliwang kamay ko nang pulutin ko sa sahig ang nahulog kong mobile phone. The words from Leon bring a thud to my heart. Hindi pa iyon agad rumihistro sa utak ko."This can't be. You are lying," halos pabulong kong sabi sa kanya. "I'm telling you the truth. Jacques was kidnapped when your family was killed. Dalawang taon siyang pinaghahahanap ng mga tauhan nina Auntie Thylane. She never announced it to the media because it would jeopardize all of their businesses."Napaupo ako sa sofa sa sobrang panghihina. Niyakap ko ang dilaw na throw pillow, umaasang makaaamot ako roon ng suporta.Umiling ako ng maraming beses. No! This can't be, nagbibiro lang si Leon! Jacques was healthy when I saw him. Pumayat lang siya ngunit maayos pa rin naman ang anyo niya."He was so thin when Clytius and Deukalíōn finally found him tightly tied up in a dessert building somewhere in Santander, Cebu. Halos hindi na siya makilala dahil mukha siyang pinaglaruan ng mga taong kumuha sa
Chapter 44Kinakabahan ako habang paupo kami sa right-side balcony. I saw many familiar faces while we were entering the concert hall a while ago. Almost all of the royalties from all over the world attended."Sis, umayos ka nga!" Nala pinched my side.Ngumuso ako. Hindi ko siya sinagot bagkus luminga ako sa paligid namin. Wala naman akong nakikitang bantay ni Jacques. May isa akong napansin kanina, pero hindi niya ako nakilala dahil nakasalamin na itim at may balabal pa ang aking ulo."Parang hindi ka pa sanay manood ng concert niya, e halos siya nga ang pinupuntahan mo tuwing dumadaong ang barko sa mga concert events niya," dagdag pa niya. She then held me the binoculars. Medyo malayo kasi ang puwesto namin. "Baka nga mahuli ako," sagot ko."Bakit ba kasi ayaw mo pang magpakita? Ilang taon na rin, ah?""Wala lang. I'm still enjoying watching him from a distance." Sumilip ako sa binoculars. "Sus! Ang sabihin mo, na-enjoy mo na ang pagiging single. Mukhang ayos ka na kahit hindi ka
Chapter 43"Nag-usap na kayo?" Lucas whispered at me as we fell in line to board the cruise ship. Malayo sa amin si Jacques, nasa pinakadulo siyang pila. Sinadya yatang magpahuli."Hindi," maikli kong tugon. Marami nang passengers at napaaga ang balik nila kaya nakapila na rin sila para mag check-in. Some were so loud that I even put on my airpods to not hear them. Naintindihan naman agad ni Lucas na ayaw ko ng kausap, kaya tinigilan niya ako.I fight the urge to look back again and search for him.Nang matapos ay dumiretso agad ako sa cabin. I went to the bathroom to brush my teeth and take a bath. Natulog ako pagkatapos na matuyo ang aking buhok. Pang-gabi ako ngayon, kaya gigising ako mamayang hapon.When it was time, I got up and took a shower. As usual, ay marami nang customer noong magclock-in ako. As soon as I entered the restaurant, I immediately stepped back into the mode of working under excessive pressure. I love mingling with passengers and serving them.It's never a dull
"Ukininana kitdi ti kastoy nga biag, makauma!"Umirap ako sa hangin habang sinusundan ko si Avril, ang waitress namin paakyat ng VIP floor kung nasaan ang sinasabi niyang mga bisita. Habang naglalakad kami ay nadadaanan namin ang ilan sa aming mga patron dito sa Serene & Loud Restobar.Binabati nila ako, at kumakaway naman ako na nakangiti. Sa halos mahabang panahon na pagtatrabaho rito ay kilala na ako ng halos lahat ng mga customers."Sino ba iyon? Bakit ako pinatatawag?" tanong ko sa kanya."Si Sir Almerino," maikli niyang sagot. Lumingon siya sa akin at bakas sa ngiti niya ang panunudyo."S-sinong Almerino. Si Koko?" nauutal kong tanong. Biglang sinakmal ng kaba ang dibdib ko.Nagningning ang mga mata niya at sinabing, "Bakit naman mapupunta si Koko sa VIP Room, e, nag-out na siya kanina pa?""Sino nga?!" Nagsisimula nang uminit ang ulo ko. Ang daming hanash nitong babaeng 'to, hindi pa sabihin kung sino. Natataranta na ako sa loob-loob ko."Si, Sir Jacques!" Napahawak pa ang dala
Chapter 41Tinupad nga niya ang mga binitiwan niyang salita kanina. He didn't come near me, but he visited and dined in our restaurant around 7 a.m.Halos matulala ako sa kaguwapuhan niya nang makita ko siyang prenteng naka-dekuwatro sa labas ng restaurant. Doon daw niya mas piniling kumain ayon sa waiter na nag-assist sa kanya.Simpleng puting t-shirt at itim na boardshorts ang suot niya ngunit bakit ganoon? His hair was slicked back, which made him more striking. His neatly shaven beard gave him an impeccable look as well. Idagdag mo pa ang shades niyang itim, you could mistake him for a celebrity.A coffee was in front of him while he was typing on his laptop. A turkey patty, a sunny side-up egg, and one slice of Spanish tortilla were on his plate. Tutok na tutok ang pansin niya sa laptop, hindi namamalayang halos lahat ng kababaihan ay nakatitig na sa kanya."Baka matunaw, sis," Nala said, giving me a teasing look.Inirapan ko siya. Pumasok akong muli sa kusina. Sumunod siya haban
Chapter 40"Nala naman! Hindi mo man lang tiningnan! Inubos na ang alak, o!"I can hear Tina's voice in the background as I lay my face on the table. Umiikot na kasi ang mundo at paningin ko. Mabilis akong tinamaan ng rum na ininom ko. Naramdaman ko ang pagyugyog niya sa akin. Itinaas ko lang ang kanang kamay ko."Are you okay?" She asked, gently cupping my face and making me face her.Nakapikit ako, pero tumango ako. "I'm okay," I mumbled.Narinig ko ang isang tunog ngunit hindi ko alam kung sino ang hinampas ng kung sino. "Ikaw kasi! Nakatutok lang siguro kay Sir Almerino ang mga mata mo!" si Tina.I couldn't stop myself from curving my brow."Wait! You know him?" Nala asked excitedly. "Ipakilala mo ako dali! Kanina pa siya tumitingin dito sa gawi namin! Feeling ko, na-love at first sight sa akin..."Nagmulat ako ng mga mata. Inaninag ang kanilang mga mukha. Nakita kong hinampas ni Tina si Nala sa braso, hawak pa rin niya ako sa kaliwa niyang kamay. "Puro ka pogi kaya walang nagses