Bakit naman po kayo ganyan? naghihikayat po kayo magboycott ng novel, i also need to do my main job po, hindi naman po ako kumikita sa novel. it takes me time po para kumita. kailangan ko din naman po ng income. please don't spread hate, hindi po ako nagkukulang magsabi na may main job po ako. hidi rin niyo naman po ako fina-follow sa efbi page kahit anong litanya ko pero hindi naman po ako nagagalit. pasesnya na po kayo kung laging tate but I never abandon my novels, maybe marami gap sa update but please, need ko rin naman pong kumita sa pagtatrabaho. thank you nalang din po sa walang sawang sumusporta at sa mga ayaw na po, you're always welcome po na i-unfollow po ako. pasensya na kayo kung nagkukulang ako sa time magupload. babawi naman po ako once na natapos na po ang ibang commitments ko. salamat.
“Ate Xia!”“Ate!”“A-aries? Arry?” Sa sobrang pagkagulat ni Xia ay napayakap na lamang siya sa sumugod sa kanyang harapan na mga kapatid na si Aries at Arry. Wala sa isip niyang makikita ito sa gussaling iyon.Sa una ay namangha siya sa pinagdalahan sa kanya ng mag-asawang Bieschels. Isa iyong sikat na hotel kung saan sa tuktok noon ay isang malawak na rooftop fine-dining restaurant nga ang naroon. Natupad naman ang na-iimagine niyang pagdadalhan sa kanya ni Liam ngunit hindi niya inaasahang makikita niya ang mga kapatid na si Aries at Arrietta.“B-bakit kayo narito?” Kaagad niyang tanong sa mga ito kasabay ng mahigpit na pagyakap . Sa labis na tuwa na makita muli ang mga ito ay di niya napigilang [angigigilan ng yakap ang mga ito. “Ang tataba niyo naman na?!” Natutuwang sunod na koment niya sa mga kapatid. She was surprised to see how their body became healthy in just a month. Hinaplos naman niya ang mga buhok ng dalawa niyang kapatid ng mapansin niyang nasa likod pala ng mga ito an
“Mama…” Mariing tawag ni Xia sa kanyang ina habang abal to sa pagkukutsilyo ng T-bone steak na mukhang nasaid na ang laman at puro buto na lamang ang nakikita niya sa pinggan nito. Pati na rin ang ingay ng kubyertos ng kinakasama nitong sib riggs na tila nagpapalakasan sila sa paghiwa ng malaking buto na iyon.“Ano?” Sagot ng kanayng ina ng mapatingin ito sa kanya at halatan nairita sa pagtawag niya.“Wala na yan oh. Tigilan mo na paghiwa.” Pandidilat niya sa kanyang ina habang tinuturo ng mariin ng kanyang mata ang pinggan nito.“Ate, Ang sarap naman dito.” Kinalabit naman siya ni Arry na tinuturo ni sa pinggan ang natitira fillet mignon na inorder ng mga Bieschels para sa mga bata . Ngumiti naman siiya ay hinawkaan ang magkabilang pisngi ng kayang Magandang kapatid. Hinalikan niya ito sa noo.“Sa susunod, kakain ulit tayo dito.” Nginitian niya ito pagkatapos nitong tumango sa kanya.“Eh ate, kelan naman yon? Makakuwi ka na ba sa atin?” Balik-tanong ng inosenteng si Arrietta sa kanya.
"Hmmm? You didn't even flinch, my Xia." Maangas na pagmamalaki pa ng lalaking nagnakaw ng halik kay Xia. Sa bilis ng mga pangyayari ay hindi man lang niya nagawang maitulak ito kaagad. Unang-una sa lahat ay nilason ng kanyang isipan ang sandaling pagpapakita nito sa kanilang harapan ni Liam. Pangalawa, hindi niya akalaing sa liit ng mundo ng mga mayayamang ito ay magkikita pa sila ng lalaking ito. Si Lorenzo Lopez, Ang unang lalaki sa kanyang buhay at ang unang bumigo at dumurog noon. Sa tindi ng galit niya noon para dito ay himalang nawala iyon at nilimot na ng panahon dahil sa wala nang laman ang kanyang isip kung hindi si Liam Bieschel. Kung iisipin mo, sino nga ba talaga ang nauna sa puso niya? si Liam o si Enzo? Si Liam ang una niyang nakilala at hiningaan ng ilang taon. Nang makaharap niyang muli si Enzo ay tila walang kahit anong bahid ng galit o inis ang kanyang nararamdaman. Kung titignan niya ito sa kabuuan ay hindi na siya apektado sa lakas ng dating nito. Hindi na rin
“Aries, Arrietta, Ma, Halika na!” Mula sa malayo ay tanaw-tanaw na ni Xia ang kanyang mga kapatid na nag-eenjoy pa lamang sa dessert na nakahain sa mesa. Habang nagku-kwentuhan na si Tiffany at ang kanyang ina.“Tumayo na kayo dyan.” Pinatigas niya ang sariling panga upang hindi mahalata ng mga nakababatang kapatid na galing siya sap ag-iyak. Tumayo naman si Tiffany at maagap na lumapit sa kanya.“Xia, Are you okay? What happened?” Takang -tanong nito sa kanyang habang hinapit nito ng marahan ang kanyang siko. Kaagad niya itong binaw at iniwasan ang pagtingin rin sa mga mata nito. “Pwede bang i-uwi ko na ang mga bata? “ Pigil at garagal ang boses niya habang ipinapaalam ang mga kapatid.“Ate, bakit ka umiiyak?” Puna naman ni Arry habang nakayakap sa kanyang bewang Na warin gusto siyang i-comfort. Mariin siyang umiling at hinawakan sa isang pulso si Arry at sa kabila naman ay si Aries.“Uwi na tayo.” Maiksing pagyakag niya sa mga ito.“Huy, Anong uuwi? Sasama ka sa amin?” sagot pa ng
Papungas-pungas pa ang mga mata ni Xia habang kinukuyumos ang mga mata pababa ng hagdan. Napasobra yata ang kanyang tulog dahil sa tindi ng sakit ng ulo na naradaman pagkatapos ng mahabang paghagulgol.“X-Xia.”Napalingon siya sa kanilang hapagkainan ng marinig niyang tawagin siya ng kanyang ina. Nakatayo lamang ito sa tabi nang nakaupo ng nobyo nitong si Briggs na matamang nakatingin rin sa kanya habang hinihigop ang mainit na kape. Siya na lamang ang naunang mag-iwas ng tingin bago pa man magkaroon na pangalawang komusyon pa. Diniretso niya ang kanilang sofa upang tignan kung naroon pa ang mga bags ng dalawang kapatid. Mukhang pumasok nga ang mga ito at hindi naman nagulob ang pag-aara l ng dahil sa nangyaring problema. “Alis na ako,” Narinig niynang nagsalita si Briggs at ang gaslaw ng silya nitong inuupuan na parang nagmamadali sa pagkilos.“Sige.” Sagot naman ng ina. Umikot na lamang ang kanyang paningin habang walang lingong umupo sa kanilang sofa. Nakiramdam laman siya sa ma
“A-Anong ginagawa mo dito?” Pagkabukas pa lang ni Xia ng kanilang gate sa labas ng kanilang townhouse ay bumungad na agad ang matipunong pangangatawan ang mala-anghel na mukha ni Liam. Mas kuminang yata ang itsura nito sa kanyang paningin.Nakasandal lamang ito sa may hood ng magara nitong benz. Ang kasuotan nito ay napakasimpleng polo sleeves na off-white ang kulay na nakahapit pataas sa mga braso nito kung kaya kitang-kita mo na mas maputi pa angmga braso nito kaysa kanya.Ang malamlam nitong pagtitig sa kanya ay mas lalong nakakaba ng kanyang dibdib dahil kita mo sa ga mat anito ang sinseridad ng pagpunta nito sa harapan ng kanilang bahay.Luminga pa siya sa looban ng driver’s seat nito upang hanapin ang driver nitong si Mr. Gonzales ngunit wala siyang maaninag na tao sa harapan ng kotse nito.“I came here, hoping we can talk. Xia.” Muli nitong kinuha ang ang kanyang atensyon sa pagsasalita at lumapit sa kanyang harapan.“Mag-isa mo?” Tanong niya rito na may halong pagkunot-noo dahi
Umaapaw ang nararamdamang kaligayahan sa puso ni Xia. Ang pag-amin nito na mahal na siya ng binata ay sapat na para sa kanya. Ang pag-amin nito na wala na itong asawa ay siya ring ikanatuwa niya ngunit lungkot at mabigat na responsibilidan ang pinataw nito sa kanya.“Liam,” Iiniwas niya ang sarili niyang mga labi at bahagya muli itong itinulak upang hindi siya nito mahagkan sa mga labi. “Hindi ko alam ang i-rereact ko…” Gusto niyang pagalitan ang kanyang sarili dahil umaarte siya. Kung siya ang tatanungin ay kaya niyang ipagkaloob ang kanyang sarili ngunit samu’t saring senaryo ang biglaang pumaosk sa kanyang isipan.Hindi naman porket umamin ang binata sa kanya ay kaya niyang gsunggaban ang oportunidad na iyon. Mas lalong lumaki ang kanyang problema gayong Malaya silang magmahalan ngunit hindi maitatangging malayo ang kanilang mga mundo. Langit ito at lupa siya.“Hindi sa nagiinarte ako pero ayokong isipin mo na pera ang habol ko sayo. Ayokong madaliin ang magiging relasyon natin ng
“You don’t want me to go inside your house?” Tanong ni Liam kay Xia na may pag-aalinlangan sa boses nito ng ihinto nito sa harap ng kanilang townhouse ang sasakyan nito. Halos matagal-tagal rin ang inilagi at paglalandian nila sa loob ng condo nito bago ito nagpasyang i-uwi siya sa kanila.Mahigpit niyang ibinilin nito na simula sa araw na ito ay hindi na siya titira pang muli sa mga Bieschel. Nirespeto naman iyon ni Liam at niyaya siyang ihatid sa kanilang bahay. Magtatakip-silim na rin naman ng makarating sila sa kanilang barangay.Ang sabi nito ay pwede siya nitong ihatid hanggang sa loob ng kanilang bahay ngunit tinutulan niya iyon. Nang dahil sa umaapaw ang kanyang nararamdaman ngayon lalo na at kasama niya ang lalaking nagpapatibok ng kanyang puso ay doon naman nagsimula ang pakiramdam ng pagka-asiwa.“Bakit mo pa ako ihahatid sa loob?B-baka may makakita sayo dito?”“So?’“Anong so? Gusto mong ma-headline ka?” Taas-kilay na sabi niya. Iginiya niya ng mariin ang paligid ng kanilan