Napakagat ako sa ibabang bahagi ng labi ko kasi napapangiti ako, akala ko nahuli niya akong parang tanga na nakangiting nakatingin sa kanya."Ice cream tapos pizza, doughnuts mga ganun.", sagot ko sa kanya na hindi siya tinitignan. Kita sa peripheral vision ko ang pagtango niya. Binalik niya mga tingin niya kay Laine at Tobi. "Dahan-dahan lang, drink this... ", napatayo siya sabay pinunasan ang gilid ng bibig ni Tobi at inabot 'yung smoothie sa anak ko. Nakipaglaro lang saglit si Zach kay Tobi habang nanonood si Laine, biglang nahihiya si Laine na kausapin at lapitan kasi si Zach. Nagulat nga ako kasi akala ko uuwi na siya agad pero nakipaglaro pa siya kay Zach. He's wearing a dark grey suit and pants, sa loob ng suit niya isa puting tshirt kaya agad na nadumihan ito ng sakyan siya ni Tobi at gawing kabayo. Ba't kasi pumayag? Hindi ba siya nabibigatan kay Tobi? "Baby, madumi na damit ni Tito Zach mo, baba ka na. Tito Zach needs to leave na.", saway ko kay Tobi kasi ako 'yung n
"Hindi mo naman kailangan bayaran mga pinamili ko.", ani ko. Kinuha niya 'yung card tapos hindi niya man lang pinasok sa wallet niya, deneretso niya lang ng lagay sa bulsa niya. Iba talaga ang mga mayayaman T_T"It's for Tobi and Laine, kaya okay lang."Napangiti ako. "Salamat ulit.""Oo na, alis ka na kasi babalik na ako sa kotse ko baka nainip na 'yung mga kasama ko kakaantay sa akin hahaha."Bakit kasi binalikan pa ako. "Sige na, ingat ka.", sabi ko sa kanya. "Oo naman, kawawa ka naman kung haharap ka sa altar ng mag-isa soon. Una na ako."Natawa ako sa sinabi niya, lahat ng lumalabas sa bibig niya may halong signal number 3 na bagyo. Zane's POV:Naabutan ko sa sala si Claire na nakatulala, where is Shane? Nilapitan ko siya."Where's Shane? ", tanong ko sa kanya, gulat siyang napatingin sa akin. What's with that reaction? "You okay?"Tumango siya. "Pinapatulog ni Zach, napagod rin kasi sa shopping namin kanina."Zach? I see. ZACH?! "sure ka bang mapapatulog nun si Shane?
Bleu's POV:"Bleu! Bleu!", tawag sa akin ni Zach habang mabilis akong naglalakad papasok sa venue. Huminto ako kasi bigla kong naalala na suot-suot ko sapatos niya at naka medyas lang siya ngayon, nilingon ko siya. "Don't tell anyone about me and Zane, to my family and your family.", seryoso kong sabi sa kanya. Tumango siya. "I'll take you home.", aya niya sa akin. "May kotse ako.", sagot ko agad. Sa totoo lang gusto kong mapag-isa ngayon, kailangan ko makapag-isip. Wala akong naiintindihan sa nararamdaman ko. "Atleast let me send you to your car then."Napailing ako. Tinanggal ko 'yung sapatos niya sa mga paa ko. "Do me a favor.""Ano?""I need some time alone, at baka hanapin ako sa loob, I just want to leave right now... Can you entertain my family, yours and the other guests?"Hindi ko alam pero parang kailangan ko na umalis, may namumuong luha sa mga mata ko na kanina pa gustong tumulo. I was taken aback nang bigla niyang iluhod ang kanang tuhod niya sa sahig at pinagpag
"Almost 15 years?"Muntik ng lumuwa mata ko sa sagot niya. 15 years?! Langya 'yan?! Tapos magkaibigan lang sila? Hindi ba silang naging mag-jowa o fling? Sigurado akong may na-friendzone sa almost 15 na years na 'yun, hindi lang ako sigurado kung siya o si Bleu. Tsk, tsk, tsk. "Hoy, anong ginagawa niyong dalawa sa harap ng bahay ko?"Sabay kaming napalingon sa nagsalita. "Bleu... ", tawag nitong Dave sa pangalan niya. Bigla itong napababa ng tingin saka siya napangisi, "Ba't magka-holding hands kayo?", may malisyoso nitong ngiti na tanong. Agad kaming napabitaw ng kamay namin sa isa't-isa. "We just shook hands, okay?", sabi ko sa kanya. Natawa ito kaya kunot noo lang akong napatingin sa Dave na 'yun. Dave's POV:"Oh, inom muna kayo ng malamig na tubig."Naglagay si Bleu ng iisang basong tubig sa harap namin ng Zach na 'to. Mukhang uhaw na uhaw siya kaya ininom niya iyon agad, doon ako nagkaroon ng pagkakataon para masuri siya ng mabuti. Maganda ang tindig ng katawan, nag g
Zach's POV:Zane left early dahil raw may trabahong dapat asikasuhin, Bleu came back from the restroom na para bang may nangyari kasi tumahimik siya bigla.Nagpatuloy lang sa pag-uusap ang lahat hanggang sa kailangan na magsiuwian. Bleu told her parents na andun sa bahay nila ang dalawang anak niya kasi miss na raw nito lolo at lola nila, after nun ay everyone parted ways. "Anong problema? Namumutla ka after mo bumalik galing restroom, masakit pa ba puson mo?", tanong ko sa kanya while on our way to my car. "I'm fine.", maikli niyang sagot. Pinanliitan ko siya ng mata. Something's fishy... Nang magpunta siya ng restroom kanina, a minute after ay nagpaalam si Zane na aalis... Nag-usap ba sila? Pinagbuksan ko siya ng pintuan ng kotse bago ako sumakay. "Seatbelt.", sabi ko sa kanya habang nagse-seatbelt ako. May kinuha ako sa bulsa ko tapos binigay ko sa kanya. Napatingin siya sa akin. "Ano 'to?", taka niyang tanong. "When you went to the restroom earlier, I went out for a bit
Bleu's POV:"Sigurado ka bang magiging okay lang?", nababahala kong tanong kay Zach habang nasa kusina ang mga anak ko, kumakain kasama si Dave. Uminom siya ng tubig. "Oo naman, ako pa ba? Di ba sabi mo okay lang malaman ng lahat ang tungkol kay Tobi? Let's do it slowly now."Napainom naman ako ng kape. We had a change of plans. Diba last time, we talked about letting our marriage last for one year bago kami mag-divorce, but then Zach and I realized that it could totally affect Laine and Tobi, lalo na't attach na attach si Tobi kay Zach. Nagbago ang plano, we don't want to get married at all, hindi namin mahal ang isa't-isa. I truly believe na despite bad things I heard about Zach, like babaero siya, he's a really nice and thoughtful guy but despite that I can't fall in love with him... No, not my ex's half-brother. Ayoko rin dumating 'yung araw na sugurin ako ng mga babae ni Zach, kahit strangely wala pa akong name-meet... Siguro doon ko lang malalaman lahat sa oras na mapuntaha
Claire's POV:*Years Ago*"Nagawa mo ba iniwan kong assignment para sa'yo last time?", tanong ko sa kanya sabay napatingin ako, nagulat ako ng nakapangalumbaba siyang nakatitig sa mukha ko. Na-conscious ako sa titig niya kaya napahawak ako sa mukha ko, may dumi ba mukha ko? "B-bakit?", nagtataka kong tanong sa kanya. He shrugged. "Wala, ang ganda ng mga mata mo pero ang lungkot tignan.", sagot niya. Napalunok ako ng laway. "A-ahhh, akala ko anu.", tanging nasabi ko. "Ilabas mo na 'yung pinagawa ko sa'yo last time, i'll check it.", pag-iiba ko sa usapan. I've been tutoring this guy for almost a year now, pasaway siya at hindi pumapasok sa mga klase niya most of the time, his family can't control him kaya kailangan nilang kumuha ng magtu-tutor sa kanya sa bahay sa weekends, his brother is my senior sa University and we knew each other, kaya he recommended me to their parents to do the job kasi kailangan ko rin ng pera. Nilabas ko sa bag ko 'yung mga libro na kailangan ko para s
Claire's POV:*Years ago*"Gusto kita.", parang kandila na unti-unting natutunaw na pag-amin ko sa kanya. "I heard Zane is pursuing you?", malayong sagot niya sa tanong ko. "Zach, believe me! Wala akong kinalaman sa paghihiwalay nila ni Althea, ni hindi ko kilala kung sino ang babaeng 'yun not until recently."He smirked as if hindi siya naniniwala sa sinabi ko. Nakapamulsa siyang nakasandal sa railings ng terrace nitong kwarto niya. "I'm not expecting you to believe me, and i'm not also expecting you to give me a response sa confession ko. I'm 2 years older than you, I feel like it's so wrong to like you kaya sinasabi ko sayo ngayon... Hoping, gagaan loob ko ngayong nasabi ko na sa'yo ang totoo."Sa hinaba-haba ng sinabi ko ay isang walang ka emo-emosyon na titig lang natanggap kong sagot sa kanya, his face is serious, his eyes looks cold. Nanlumo ako ng sobra, ang sakit ng nararamdaman ko. "W-why would you make me feel special and important just to make me feel worse right now?