Ednalyn “Daddy sabihin mo po kay Lolo Emilio, I miss him na,” pahabol ni Soibeh, dumikit sa pisngi ko upang marinig ng ama niya. Mabuti nga hindi ko pa tuluyang ibinaba ang tawag kay Everette, kaya nakausap pa nito ang kaniya Daddy. “Gusto mo siyang makausap, baby?” saad ni Everette. “Really po Daddy? Yes, yes, please,” sabi nito sa ama akala mo nakikita ni Everette kung ito'y makapalpak. “Ikaw na ang humawak, ‘nak, para makausap mo ng maayos ang Lolo mo. Kumustahin mo rin si Tito mo ha? Kambal ni Daddy mo, at Lolo Lucio,” ani ko pa sa kaniya pagkatapos ay ni loudspeaker ko pa upang pareho ni Tobias marinig ng hindi na kailangan idinikit sa tainga.Napangiti ako’t tuluyang ipinaubaya sa kaniya ang phone ko. Nagkasya na lang akong panoorin ang kadaldalan nito. “Thank you po Mommy,” aniya pagkatapos sumandal pa sa upuan at nakaunat pa ang parehong mga binti.Akala mo naman ay matanda na itong Soibeh ko, kung umasta. Kasi patango-tango at minsan nakangiti habang kausap ang amang nas
EdnalynNang mabili ni Tobias at Soibeh ang gusto nilang toys. Sa department store muna kami nagtungo. Iyon nga si Nanay Erna, nagulat at siya raw pala ang ipagsa-shopping ko. Mahigpit pa nga tumanggi, para na lang daw sa apo niya ang unahin at ayos lang naman daw na wala siya. Kasi lang, tatlo kaming nag kumbinsi sa kaniya hindi siya nanalo.“Lola, look at this so cute po,” saad ng kararating na si Soibeh may dalang duster pinakikita sa Nanay Erna.“Naku hindi na apo. Marami na itong binili ni Mommy mo,”“Kunin mo na ‘nay Erna, kaya pa po ng budget ko,” ani ko sa kaniya.“H'wag po kayo mag-alala Lola. May work naman po si Mommy. Meron po siyang budget sa shopping,” segundang saad ni Soibeh.“Ikaw rin Happy, kuha ka ng gusto mo akong bahala magbayad,”“Hala! Ayos lang ako Ma'am Ednalyn—”“Sige na! Minsan lang naman kita ilibre ‘wag ka ng tumanggi,”May inginuso akong terno macarena short at bodyfit blouse. Tingin ko bagay iyo kay Happy, hinila ko siya roon.“Ito tingnan mo, Happy. Ang
Ednalyn “Halika nga ritong babae ka!” malamig ang boses na saad ko kay Lucinda, sabay sabunot dito. “Help! Please help me,” sigaw nito kaya lalo akong nainis, hinila ko ito sa buhok niya. Sabay malakas kong sinapak sa mukha niya kaya halos nagliliyab ang mata nito tumingin sa akin.Gustong gumanti subalit hindi ako nagpalupig naging maagap ako. Pininid ko ng mahigpit ang magkabila niyang braso sa likuran niya. Dumaing ito sa sakit ngunit wala akong pakialam sa kaniya dahil nabalot na ako ng gigil sa baluktot nitong pagiisip.Damn! Hindi na kailangan komprontahin kung siya ang meron kagagawan sa pagpasabog sa kotse namin dahil kanina pa ito salita nang salita sa sobrang katuwaan.Naabutan kong baliw na tumatawa habang pinanood ang pagsabog ng sasakyan namin. May kasama pang palakpak dahil nga umpisa pa raw ng kaniyang pananakot may kasunod pa.Nakuhaaan ko ng video dahil paulit-ulit itong salita nang salita sakto rin humarap kaya wala na talagang kawala si Lucinda.Akala niya papay
Ednalyn“Mommy!” masayang sambit ng dalawa kong anak pagpasok ko pa lang sa loob ng kotse ni Calvin. Hindi pa nga ako nakaayos ng pag-upo. Niyakap nila akong pareho, hindi ko tuloy mapigilan ang humagikhik dahil sa higpit ng kanilang yakap na para bang takot silang mawalay ako sa kanilang paningin.Sumibi pa si Soibeh, habang sinasambit ang pangalan ko.“Mommy natakot po ako kanina baka po hindi ka na bumalik,” anang Soibeh, naka subsob sa dibdib ko humihikbi.“Asus naman masyado naman nerbyosa ang mga anak ko,” wika ko palitan sila hinahalikan sa kanilang buhok.“Ako rin po Mom, sobrang nag-alala kanina,” sabi rin ni Tobias, nakayakap rin ito sa baywang ko subalit sa tagiliran lang siya dahil si Soibeh ay nakasubsob na sa dibdib ko. Mabuti saglit lang ‘tong umiyak si Soibeh tahimik lang siyang nakayakap ngayon sa akin.Napangiti ako sa paglalambing ng dalawa. Inakbayan ko sila pareho. Umahon na si Soibeh, sa pagkakasubsob sa dibdib ko. Pareho na sila nasa tagiliran ko kaya magkabila
Ednalyn “Ate Diday!” masaya kong sigaw. Sabay-sabay silang lumingon sa akin. Nasa sala sila katabi niya si Soibeh at Tobias sa mahabang upuan sofa. Marahil ipinakilala na siya ng anak kong kambal kay Nanay Erna, kasi nag-uusap din ang dalawa. Si Soibeh pa walang maitatago sa anak ko panigurado iyan nagsabi na sa Nanay Erna. Binilisan ko ang lakad nakangiti na sa kanila. Para ko na kasing Nanay itong si Ate Diday, dahil katuwang ko noong sa pag-aalaga sa kambal. “Ednalyn kumusta? Nahuli na ba ang salarin?” ani agad niyang binungad sa akin. “Oo Ate Diday kaya naroon si Everette, hindi namin kasama pauwi. Ikaw rin kumusta ang bakasyon?” “Maayos naman hija. Matagal ko ngang inaantay ang tawag mo kung kailan mo ako rito pabalikin. Miss ko na kasi si Tobias at Soibeh. Tsaka boring kasi magtambay sa Province, bukod sa walang ginagawa maghapon, nakauubos pa ng pera,” wika nito't pabiro. “Ay oo totoo iyan, Diday, kapag magbakasyon sa Province at alam nilang galing dito sa Manila.
Ednalyn“Mabuti dahil ako mismo ang pupunta roon sa presinto sa Lucindang ‘yon makita mo lang, Altamerano,” sabi ko pa ulit kay Everette, na ngayon ay meron pinipigilan ngiti sa labi niya.“Baka dating agent Jade iyan,” ngisi pa nito naaliw sa akin.“Naman kaya umayos ka talaga Sir Everette. Kahit superior kita noon wala kang laban kapag naging sutil ako,” wika ko pa kinangiti nito.“Yeah, laking pasasalamat ko naging pasaway ka at least nakabuo tayo ng kasing guwapo kong Tobias Felix at kasing ganda mong Soibeh,” May gusto pa itong sabihin napansin ko iyon, ngunit hindi lang niya iyon itinuloy. Pinabayaan ko na lang alam ko naman kalaunan din ay magsasabi ito sa akin.“Sige na pasok na,” inguso ko ang CR. “Bilisan mo Everette, dahil aantayin kita. Tsaka anumang oras darating ang Lolo Emilio, kaya kumilos ka na maging hapunan ay malapit narin,”“Ok, baby, ang ingay talaga,” mahina nitong tawa bago niya akong tuluyang tinalikuran.Sinundan ko pa ito ng tingin hanggang mailapat ang pin
Ednalyn “Woi, Altamerano!” lumaki ang mata ko kasi may kumislap na luha sa pisngi nito ng ipakita ko sa kaniya ang pregnancy test kit na galing sa bag ko. Nabigla pa ako ng walang sabi-sabing binuhat niya ako at umikot-ikot pa ito habang malakas na tumatawa. “Woah! I'm going to be a father again. Positive, baby? Positive as in soon magiging Daddy ulit ako at magkakaroon muli ng kapatid ang kambal natin?” tanong nito nang tumigil sa gitna ng aming k'warto ngunit nanatili niya pa rin akong buhat nito. Pinunasan ko iyon bago ko pinulupot ang magkabila kong braso sa leeg niya nakangiting tumango. Ang saya pagmasdan ang kumikislap niyang mata dahil naghalo ang excited at saya dahil sa panibagong paparating na supling. “Masaya ka ba?” Sunod-sunod na tango at abot tainga ang ang ngiti nito habang walang katapusan ang kaniyang kaka sabi ng ‘yes.’ “Yes, baby. Walang kasing saya. Thank you so much baby,” aniya pinagdikit ang noo namin nanatili kaming ganoo ang posisyon. Maya-maya la
EdnalynPagkatapos ng hapunan nag-usap-usap pa kami sa living room. Si Nanay Erna umuwi pinahatid ng driver ni Chairman dahil gabi na.Gusto pang tumutol nito sa suggestion ni Chairman, ngunit hindi namin pinayagan dahil maga-alas-otso na ng gabi mahirap ng mag-isa. Kasi napasarap ang pag-uusap namin hindi alintana kung anong oras na.“Ingat po ‘nay,” halos sabay naming saad ni Everette.“Lola, balik po kayo bukas ah,” sabi naman ni Siobeh, na ayaw ng pakawalan ang Lola nito nakahawak sa baywang ng Nanay Erna.“Oo naman apo. Babalik si Lola bukas. So paano inaantay na ako ng driver na maghahatid sa akin.Tumulis ang nguso ni Siobeh, kaya natawa si Nanay Erna. “Naku ang pretty naman talaga ng apo ko,” aniya hinalikan sa magkabilang pisngi ni Siobeh. Bumaling din ito ng tingin kay Tobias na hawak ni Everette sa kamay.“Kuya Tobias, kiss mo naman si Lola,” aniya naglalambing sa suplado apo. Masunurin naman si Tobias hindi lang halik ang ibibigay sa Lola niya mahigpit din nito niyakap.“A
Ednalyn “Ate Diday! P'wede po pakikuha ng salad natin?” Utos ko rito siya kasi ang malapit sa ref, kami naman isa pang kasambahay nag-aayos ng dining table. Malapit na rin matapos. Iyon na lang salad na pinakukuha ko sa Ate Diday ang kulang. “Sige, hija,” ani nito lumakad sa fridge. Hindi umuwi ng province nila kaya naging mabilis ang paghahanda ko kasi katuwang ko ito. Dalawa lang kasi sila naiwan hindi umuwi ng province. Kaya may katuwang ako magluto kanina. Pinasadahan ko ng tingin ang mga nakahain na pagkain sa parihaba dining table namin. May isang lechon pa sa gitna. Binili ni Everette. Kung ako kasi wala akong balak dahil marami na kami iniluto ng Ate Diday. Hindi rin ito mauubos. Mabuti si Nanay Erna. Masipag mag-sharon pinamimigay sa kapitbahay nito. Sa kabila ng kagustuhan namin ni Everette dito na si Nany Erna tumira at asawa nito sa ‘min. Ayaw talaga iwanan ang bahay ng asawa nito. Sarili kasi nila iyon bahay. Pina renovate na lang iyon ni Everette. Ngayon
Ednalyn “Mommy, kong sexy where are you? Woohoo…” pasingsong na tinatawag ako ni Siobeh, habang naririnig ko ito papalapit ito sa kitchen kung saan naroon ako. Napangiti ako habang nakikinig lang kay Siobeh. Ito ang maingay sa kanilang apat na magkakapatid. Palibhasa nag-iisang babae kaya ito ang madaldal. Madalas din siya ang tampulan ng pang-aasar ng tatlong niyang barakong mga kaparid. Ang bilis ng panahon. Sila Siobeh at Tobias ay nasa huling taon na ng senior high school. Samantala ang kambal naman na si Lou Renz at Jai Ruz. Grade seven at parehong iisang school silang apat. Ibang building lang kasi ang senior high school dahil kasama sa building ng college. While the grade seven hanggang grade ten ibang building kasama naman ang mga elementary. Fourteen years na kaming kasal ni Everette, ngunit parang kahapon lang iyon nangyari. Hanggang ngayon para lang kaming mag-boyfriend ng asawa ko. Walang nagbago tingin ko nga mas minahal pa nga namin ang isa't isa ni Everette. Marami
Four years later Nasa harapan ako ng kalan at tinikman ko ang luto kong pinakbet na paboritong ulam ng mga bata nang maulinigan ko ang tawag ni Siobeh sa akin tila galing sa pag-iyak. Kumunot ang noo. Tsk may bata na naman sigurong makulit or sumira ng gamit or ng laruan kaya may magsusumbong sa akin. See, tama nga ang aking hula. Dahil pumasok si Siobeh dito sa kitchen, bitbit ang shuttlecock nito na sira na. Yuping yupi na ito. Napailing ako. Tuwing linggo na lang kami bumibili ng shuttlecock kasi palaging niyayari ni Lou Renz. Hindi kasi p-pwede walang shuttlecock si Siobeh, kasi tuwing Saturday may training ito ng badminton. Mahilig kasi si Siobeh sa badminton sports grade two na sila ni Tobias. Player ng school nila si Siobeh, samantalang si Tobias, hindi active sa sports ngunit sa academic ito sobrang nage-excel. Sa mga quiz bee ito nilalabanan. Bagamat si Siobeh kasali sa sport. Hindi naman ito pahuhuli sa academic grades niya dahil with honors pa rin ito. “Mommy…sinir
Ednalyn After five months…. The wedding ‘Cherish the treasure’ I cherish the treasure The treasure of you Life long companion I give myself to you God has enabled me To walk with you faithfully And cherish the treasure The treasure of you “I never imagined this day would come that I would fulfill my long-held desire to marry you, baby. Mahal na mahal kita noon pa man. Hindi ka na kailanman mag-iisa because I'm always beside you and our children are with us in every trial we face. I promise to cherish and honor you. I promise to be your faithful husband and a good father to our children. I promise to grow old with you and love you all the days of our lives.” Humugot ako ng hangin pagkatapos pinaloob ko sa bibig ko ang buong labi ko dahil nanginginig iyon. Hindi ko kasi mapigilang umiyak habang sinasambit ng guwapo kong groom ang mga pangako niya sa akin. May vows o wala kasal man kami at hindi. Palagi niyang ipinadarama sa amin ng mga anak niya kung gaano niya
Ednalyn “Ito na ang babies n'yo Misis,” anang ng OB ko, na si Dra. Acosta, nang dalhin na ang kambal sa room ko rito sa ospital. Hindi rin nagtagal si Doktora Acosta. Nagbilin lang kay Everette, ng mga kailangan ko at nagbigay ng prescription sa mga gamot ko pagkatapos ay nagpaalam na sa amin aalis na. Galing din dito kanina sila Lolo Emilio at Emil. Kakauwi lang pero sabi mamaya ay darating ang Nanay Erna. Si Daddy Lucio kasi, nasa ibang bansa. Ewan kailan ito babalik magbabakasyon lang daw ngunit walang petsa ang uwi nito. Now ko lang din nasilayan ang kambal, kaya naman hindi ko maialis-alis ang aking tingin sa cute kong mga anak. Dinala ako dito sa k'warto ng makarecover after ng C-section. My babies… I whispered. Hindi ko namalayan tumulo na pala ang luha sa aking pisngi, kung hindi ko pa naramdaman na meron gumapang na mainit na tubig galing sa mata ko. Luha na pala iyon. Luha ng kaligayahan dahil ligtas kong isinilang ang pangalawa kong kambal ng walang aberya at nas
Ednalyn “Woah! Dumating na sila Mommy!” tuwang-tuwa naka palakpak pa ang anak kong si Siobeh, pag-uwi namin ni Everette ngayong hapon. Nginitian ko sila pareho ni Tobias, umalis sa upuan. Galing kami sa main office ng EA group of companies. Isinama ako ni Everette, dahil may executive meeting ang kumpanya. Ipinakilala rin kasi niya ako sa lahat ng mga employees. Ayaw ko nga sana dahil hindi naman na iyon kailangan ngunit hindi ako tinantanan ayain kaya nagpahila na lamang ako. Ang lawak pala ng kumpanya nila halos kalahati lang ang dating Tañala enterprises na nabili nila at ginawang AE extension office. Namamangha ako't kaya pala ng dati kong superior humawak ng gano'n kalaki kumpanya. Napaka energetic talaga nitong anak kong si Siobeh. Walang kapaguran sa kalalaro. Kasama nila si Ate Diday at Happy sa sala. Mabuti ngayon naabutan namin movie ang pinanood ng apat. Kanina kasi iniwanan namin ni Everette, na busy sa bago niyang bike na binili ni Daddy Lucio. Same sila ni Tobias. M
Ednalyn After one month… People from the Philippines vs. Maryjane Altamerano and Juanito Aldo, alyas Tenyo. Accused of kidnapping, and after considering the testimonies of witnesses from both parties and examining the facts and circumstances, The court's pertinent laws were defined in Section 267 of RA 1084, kidnapping and serious illegal detention—any private individual who shall kidnap or detain another, or in any other manner deprive him of his liberty. For the purpose of money, and also the accused forces the victim to get the authorized signature of the victim so that the accused shall have access to all of the assets and money of the victim. The accused found guilty—” “Hindi ako papayag. Lucio, wala ka bang gagawin?” maagap na sumagot si Maryjane, gustong lumapit sa Dad Lucio. Naging maagap lang ang pulis na mga nakabantay rito. Twenty one years na pagkabilanggo ang parusang pinataw kay Maryjane maging sa karelasyon nitong si Tenyo. Doon na ito a-abutan ng senior citizen
Ednalyn Paglipas ng tatlong araw nagpasya kami ni Everette, magpunta ng presinto. Ngayon araw din lalabas si Lucinda na lingid sa kaalaman ng mommy nito dahil si Everette ang nagayos ng papel ng dalaga. “Siobeh, may lalakarin lang kami ni Daddy, mo. Super mabilis lang iyan anak,” I explained to her. Kanina pa ito nilalambing ako gusto talagang lakwatsa ng bata. Samantalang ang kakambal nitong si Tobias, tahimik lang nanood ng TV si Siobeh ang maingay sinusubok kung oobra sa akin ang paglalambing nito. “Mommy, hindi po ba kami p'wedeng sumama ni Kuya Tobias?” muli niyang tanong habang kandatulis ang ngusong lambing nito sa akin. Kumalong pa sa akin pagkatapos ay yumakap sa leeg ko. “Siobeh makulit ka. Kasasabi lang ni Mommy, you are not allowed to come, but you are still insisting,” iiling-iling ang kambal nito kaya hindi ko maiwasang bumungisngis sa pagsaway nito sa kakambal niya. “Bawal po ba talaga, Mommy?” ulit ni Siobeh. I softly chuckled. Naaaliw ako’t pinupog ko siya ng ha
Ednalyn "Pasok po kayo Ma'am," Yaya ko sa Ginang at tipid akong ngumiti sa kaniya pagdating niya sa aking harapan. "Ayos lang ba sa iyo, hija?" alanganin nitong sagot. Halata sa boses ng Ginang, na kabado kasi nanginginig iyon. Napunta ang tingin ko sa palad nito pinipisil iyon ng Ginang. Lihim tuloy akong nangiti kasi kinabahan nga ito makiharap sa akin. "Tara po sa loob tayo mainit po rito sa labas at tirik na tirik pa ang araw," Hindi ko na inantay na sumagot si Mrs. Roces nagpatiuna na akong lumakad upang wala itong magawa kun'di sundan ako. Ganun nga nakasunod ito sa akin paglingon ko. Tumikhim ito. "Sure ka ba hija, maari akong pumasok sa loob?" aniya tila hindi pa rin makapaniwala inaanyayahan ko siyang pumasok sa bahay. "Opo naman po. Wala ka naman po ginagawang masama para hindi ko kayo pakiharapan ng maayos Ma'am," wika ko pa. "Dito po tayo Ma'am. Uhm maupo ka po. Drinks? Anong gusto mo, Ma'am?" anang ko pagdating namin sa sofa. Maagap itong tumanggi gusto lang