FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA NAKA TINGIN LANG AKO sa screen ng makita ko ang pagsabog ng isang establisyemento sa Maynila. Two block away lang ang kumpanya ni Earl dito, “Sino ang may gawa nito?” Tanong ni Azi naka upo ito sa harapan. Tatlong araw na ang lumipas naka tanggap kami ng email mula sa mismong pangulo ng bansa na may nagbabadya ng pag pasok ng gulo. Hindi nila ito matukoy kung sino, halos isang linggo na nila itong sinusubukan hanapin ngunit wala silang makuha. Doon pa lang sila nag desisyon na kami ay kausapin na tungkol dito. Nawala ang iniisip ko ng lumitaw ang mukha ng pangulo ng bansa. “May alam kana ba sino ang nag babanta sa bansa?” Tanong nito. Tumingin lang ako ulit sa monitor na nakalagay sa ilalim ng glass na mesa namin para itong normal na mesa, pero ang ilalim nito ay isang screen kung saan para din itong computer. “Isa lang ang naiisip ko ang Eclipse Cartel. Sila lang ang pwede ko maisip na kikilos ng ganito..” sagot ko dito at tiningnan ko ito ng m
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA Naka kuha na kami ng sapat na information para malaman kung sino ang bagong lider ng eclipse ngayon. “Hon, seryoso ka masyado kanina ka pa tinatawag ni Pyr..” napa lingon ako sa asawa ko ng mag salita ito. Nilingon ko ang anak ko, may hawak itong slice ng pinya. “Sorry, halika..” naka ngiti kong tawag sa anak ko at agad itong lumapit sa akin kaya inupo ko ito sa hita ko. Binaba ko naman ang hawak nitong platito, “Mama, may family day po kami sa school.” Wika nito, inabutan ako ng wipes ng asawa ko kaya pinunasan ko ang kamay nito na puno ng katas ng pinya. “Kailan ‘yan? Pupunta kami syempre hindi namin ‘yan palalampasin.” Tanong ko dito at nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto ng napaka lakas. “Tita Mommy Flame, Tito Daddy Blake! Pupunta po sila mommy Sky at daddy Harold sa family day po sa school..” kwento sa amin ni Uno may hawak pa itong lapis nito. Natawa naman ako at umiling. “Pupunta din kami, kasi meron din ang mga kambal at si Kuya
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA NAPA BUNTONG hininga ako ng makita ko na lahat kami magpipinsan nasa mismong araw ng family day. “Mama bakit ang dami dami niyo?” Tanong ng anak kong si Ai, nasa classroom kami ngayon, dahil maya maya na mag uumpisa ang palaro nila. “Gusto kasi nila sumama, hayaan mo na sila tito anak..” sagot ko dito at inayos ko ang buhok nito. “Winter? Pahiram naman ako ng ginagamit mo sa hair mo para hindi mag fly away yung bangs..” nilingon ko si Winter na busy mag cellphone. “Pwede ba ‘yan sa bata?” Tanong ko ulit. Lumapit naman na ito at umupo sa tabi kong upuan, “Opo ate, hindi naman po niya kakainin ito eh..” sagot nito at nilabas ang hinihiram ko. “Ikaw na mag lagay mas marunong ka..” utos ko dito kaya tumayo ito at inayos muna ang buhok ng bunso ko. Nang matapos ito nilapitan naman nito si Hermoine na kumakain ng ice cream na nasa cone, “Guys mag uumpisa na daw ang palaro labas na tayo..” wika ni Damon nasa labas ito at naka silip sa bintana ng clas
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA NANG MAKARATING kami halos mag aalas otso narin dahil naki cr pa si Damon sa isang fast food dahil sa kinakain nito sumama ang tyan. Mainit ang naging pag tanggap sa amin ng mga tao at ng mga madre. Napa ngiti ako ng makita ko na nag eenjoy ang mga bata dito na may bago silang laruan. Patas ang pagbibigay ng laruan at mga pagkain saka damit. “Maraming salamat at ginawa niyo ito ha?” Napa lingon ako sa nag salita nakita ko si Mother Glory. Siya ang mother superior dito. Nag blessed ako sa kamay nito bago mag salita. “Wala po ito, para hindi rin malungkot ang darating nilang pasko..” sagot ko at nginitian ko ito. “Ito pala ang documents ni Seth pwede mo na siya isama..” wika nito at inabot sa akin ang isang brown folder. Tumango ako at kinuha ang inaabot nito, matapos nito binasa ko ito ng mabuksan ko ito. “Seth Nigel? Ang buo niyang pangalan..” tanong ko dito at tiningnan ko ito. “Oo, si Mother Josephine ang nag bigay sa kanya ng Nigel na las
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA Napa lingon ako sa humila ng suot kong jacket ng lumingon ako. Nagtanong si Seth kung ito ba talaga ang bahay ko. Ngumiti ako at tumango, pasagot na ako ng si Cloud ang sumagot sa salin ng sign language at sinabi nito na ipapakita nila ang playroom nila. Kaya hinayaan ko na lang na isama nito, “Tingin mo ba magiging komportable ang bata dito?” Tanong ni kuya Thunder sa akin. Nilingon ko ito na naka tanaw sa mga batang paakyat. “Oo naman, maninibago lang siya pero alam ko naman na makakasanayan din nito..” sagot ko at naupo na ako sa mahabang sofa. “Flame..” napa lingon ako ng tawagin ako ni Kuya Storm. “Pumunta ka daw sa ginagawang bahay para makita mo ang ayos ng bahay..” wika nito. Bumuntong hininga muna ako. “Pwede bang bukas na muna? Napapagod pa ako katatapos lang ng laban layas na naman ako?” Napapagod kong tanong na kina tawa ng dalawa kong kuya. “Napapagod ka pala?” Tanong ni Kuya Thunder na kina ikot ng mata ko. “Syempre hind
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA Nang mas lumalim na ang gabi nag desisyon na kami umuwi na dahil parang uulan na rin, napansin ko kasi kanina na may iilang patak ng ambon galing sa langit kaya sinabihan ko sila na mag last ride na. Ang nakakalungkot dito nang pasakay na kami sa Ferris Wheel saka pa nagkaroon ng mechanic issue, kaya hindi na talaga kami sumakay kahit ng maayos ito after ng halos isang oras. Kaya naka tulog ang bunso ko sa kakaiyak dahil hindi na ako pumayag na sumakay. Dahil baka sa taas pa sila tumigil ulit. Kahit pa may aircon yung loob ng bagon ayokon parin, may ibang araw pa naman para maka sakay sila d’yan. Bumaba na ako ng motor ko ng makarating kami ng bahay. Hindi ko parin kinikibo si Kuya Thunder. Kinuha ko si Ai sa daddy nito at ang asawa ko naman ang bumuhat sa dalawang lalaki naka sunod lang si Cloud kasi ito na lang ang gising, parang hangin ko lang na dinaanan ang kapatid ko hanggang maka akyat ako ng ikalawang palapag. “Hon kailangan mo makausa
THUNDER LAVISTRE“This is a big mess! Walang kasal na magaganap! Ako na mag papatigil nito!” Wika ko at umalis na ako agad at humabol naman si Hailey.“Thunder!” Tawag nito sa akin at lumingon naman ako.“Sorry Hailey, hindi ko gugustuhin na makasal na may gap sa amin ng kapatid ko. Ngayon ko lang na realize na malapit na ang death anniversary ng magulang namin..” pag hingi ko ng tawad dito.“Hindi tayo magiging masaya pareho kung may hindi pag kaka intindihan dito..” paliwanag ko dito.Lumapit ito at hinawakan ang mukha ko ngumiti ito sa akin. “Ngayon ko na naiintindihan ng husto, bakit ko pa nakalimutan ang bagay na ‘yun? Gusto ko humingi ng tawad kay Flame, mali din ang sinabi ko alam ko kung gaano ka importante sa kanya ang araw ng kamatayan at birthday ng magulang ninyo..” wika nito.Niyakap ko ito at ganun din ito sakin. “Huwag ka maniwala sa kanya na hindi na siya papayag, papayag siya hindi naman ganun ka selfish si Flame alam ko ‘yun halos ako din ang palaki sa kanya. Alam mo
BLAKE SHIN DELA VEGA KINAUMAGAHAN nagpaalam ako sa asawa ko na aalis muna ako at pupunta ako sa bahay nila uncle Leo. Bumaba na ako ng sasakyan ko at nag lakad ako papasok sa loob ng bahay nila Uncle. Pag pasok ko nakita ko si Kenneth agad, “Kenneth, ano ba itong ginagawa mo?” Tanong ko dito at hindi na ako nag patagal pa. “Bakit? Natatakot ka na mapatay ang asawa mo? Inisip niya ba ang nararamdaman ko? Ni hindi man lang niya ako pinag salita..” panunumbat nito. Ngumisi ako at nag salita. “The whole time na nagsasalita si Francine nakatingin sayo ang asawa ko, pero ikaw itong naka tungo at parang tuod..” sagot ko dito. “Hindi ka nag salita, tapos sisihin mo siya? Ipapaalala ko sa’yo ikaw ang nag loko, labas ang asawa ko dito pero gumawa siya ng paraan para pumagitna.” Muling pagsasalita ko. Bumaba na sila Kurt, Yj at Tita Christine at Tito Leo. “Tito may alam ba kayo sa pag sali ni Kenneth sa ibang grupo?” Tanong ko dito. Umiling ito kaya binalingan ko si Kenneth. “Gagawin ko a
AVA OLIVIA LEVESQUE MASAYA AKO DAHIL binigay sakin ni Miss Flame ang kasal na dapat para sa akin. Ganun din kay Earl kahit na alam niyang takot ako sa kanya, nagawa niyang mahinga soft sakin. Hindi ko maitago ang tuwa sa labi ko habang inaayusan ako ng mga pinsan din ni Boss Flame. Sila na ang nag ayos sa akin ngayon, “Yan ang ganda mo na lalong buntis!” Wika ni Ingrid sa akin na kina ngiti ko. Ang gagaling nila mag make up at mag ayos nag mukha na akong tao dahil sa ginawa nila. “Thank you so much..” pasasalamat ko at ginawa nilang naka taas ang buhok ko para hindi ako naiinitan mamaya sa seremonya. “Si Miss Flame?” Tanong ko dito. “Ayun lang, hindi pa daw nakaka uwi, hayaan mo ‘yun lagi lang wala agad pero darating siya..” naka ngiting wika ni Emerald at inayos nito ang buhok ko. “Sanay na talaga kayo sa kanya ano?” Tanong ko sa kanila. Nakangiting tumango silang dalawa bago sumagot si Emerald. “Yes, ganun kasi ang love language ni Flame, i mean hindi talaga siya nagsa
FLAME MORJANA LAVISTRE - DELA VEGA Hindi ko alam bakit kailangan ko sumama sa mismong simbahan dahil kailangan nila ito makita at makapag insayo si Ava na mag lakad. Sinuggest namin na huwag na ito mag heels para komportable siya na mag lakad, pumayag naman ito. Lahat sila naka tayo ako naman naka upo lang habang pinapanood itong mag lakad. “Hon, ano ba ‘yan tumayo ka..” suway ng asawa ko. Nilingon ko ito ng may pagka bored sa mukha ko na kina tawa nito. “You know, i hate this right? Saka bukas pa naman ang kasal i know how i can act..” sagot ko na kina iling nito. Hindi ko narinig itong sumagot hanggang salubungin ito si Earl at nag lakad patungo sa mismong altar. Matapos na nito nakinig sila sa sasabihin ni father at ng kinuha nilang organizer. Nakaupo lang ako sa huli ng upuan sa likod palabas ng pinto. Nakatingin ako sa labas actually, natatakot ako para bukas dahil alam ko na aatake si Dylan kaya kahit ayaw pumunta sa kasal wala akong choice i want to make sure na safe si Av
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA KINAUMAGAHAN NAGISING ako na masakit ang ulo ko. “Mabuti naman at nagising kana?” Narinig kong tanong ni Ate Sky. “Mga bata ate?” Tanong ko dito at dahan dahan akong bumangon. Imbes na sagot ang natanggap ko, isang malakas na kaltok ang ginawa nito. “Ano pumasok sa isip mo at nag lasing ka ha?!” Tanong nito. “A—aray! Ang sakit non!” Daig ko habang kina-Kinamot ko ang ulo ko, “Hindi ko intensyon na mag lasing! Ininom ko lang yung isang baso na ganito lang ang sinerve sakin!” Minustra ko pa sa kamay ko. “Malay ko ba na ang lakas nun maka lasing ng tao?!” Tanong ko dito. Pinang hilamos ko ang dalawang palad ko sa mukha ko. “Hay naku, sinabihan mo pa ang asawa mo na hindi mo siya asawa? Hay naku Flamie!” Napanganga ako sa sinabi nito. “Sinabi ko ‘yun?! Asan asawa ko?!” Tanong ko dito. “Yan! Now you’re back to your senses! Nasa baba pinag lulutuan ka ng soup para sa hangover mo..” sagot nito at lumabas na ito ng aming kwarto. Nang mag s
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA MAAYOS NA NAMIN na-idaos ang bagong taon, dalawang linggo na ang lumipas nag back to normal na ulit ang lahat. Pero hindi ko pa pina-patanggal ang mga dekorasyon sa safe house. Ngayon naman ay nasa dating bahay ako namin dahil ako mismo ang nag check kung maayos ba nila nagagawa ang trabaho. Agad itong sinimulan ng tauhan ni Opal at ng mga pinsan ko, nag bagsak na ng mga gagamitin tulad sa safe house ang gawin dito gusto ko ito gawing matibay dahil para na rin sa mga taong titira mas lalo at dadami ang bata sa pamilya. “Miss Flame?” Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Ava. “Just Flame don’t use Miss from now on.. and that’s the command..” utos ko dito at pinatigil ko ito dahil delikado para sa kanya ang maka lapit pa sa pwesto ko. “Nasabi sakin ni Earl kung pwede ba na mag tayo din kami ng bahay sa property mo. He feel safe kasi kung doon kami titira kesa sa bahay niya..” sagot nito at pagtatanong nito. “Okay wala sakin problema ‘yan
THUNDER LAVISTRE Napa buntong hininga ako at ang asawa naman ni Flame ay umiiling na lang, pinahatid ko na kay Storm at Damon ang mga pinamili sa grocery dahil pagkain ito at may mga karne pa. Pumasok kami sa isang parang maliit na mall, hindi ko sigurado kung ano ang tawag dito. 167 Cybermart ang pangalan nito. “Maganda ito oh? Gagawin natin floor mat para kapag nag play ang mga bata.” Wika ni Flame at nakita ko ang presyo nito. “Nasa 285 ang isang ito..” sagot ko at pinakita sa kapatid ko. “Kuya ka ng apat kuya Thunder..” nakangiting utos ng kapatid ko kaya kumuha ako ng gusto nito. Napa lingon ako kay Demitri na galing kung saan..“May second floor pa pala puro appliances ang nandun tingnan niyo..” wika nito kaya agad sumunod si Flame kaya sumunod din ako. Natawa na lang ako kay Blake napapagod na ang isang ito kaya napapakamot na lang ito ng ulo. “Ang dami ditong gamit sa bahay, Love may couch..” turo ni Flame at humawak na ito sa braso ng kanyang asawa. Lumayo naman ako s
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA DALAWANG ARAW NA LUMIPAS, NAKAUPO AKO SA HARAP ng lalaking nakabuntis kay Madrid. “Kilala mo ang babaeng ito?” Tanong ko at pinakita ko ang litrato ni Madrid. Nang makita nito ang mukha ni Hailey agad itong umiwas ng tingin. Saktong bumukas ang pinto at niluwa nito si Madrid kahit hirap pa ito nagawa nitong mag lakad patungo dito. “Siya ba?” Tanong ko kay Madrid. Tiningnan nito ang lalaki ng maigi. “Oo pero hindi ko kailangan ang lalaking ‘yan. Ang tangi ko lang na gusto ngayon at si Th——” pinutol ko ito at nag salita ako. “Kahit mas matanda ang kapatid ko sa akin, sa sitwasyon na ito ako ang mag dedesiyon. Hindi aakuin ni Thunder ang pinagbubuntis mo, kung patay na ang ama niyan papayag ako pero kung hindi? Hindi ako papayag..” paliwanag ko dito. Nilingon ko ang lalaki. “Ikaw, hindi naman put* si Madrid kaya hindi masasabi na sa ibang lalaki pa ‘yan kung bibilangin tutugma ito ng may nangyari sa inyo..” wika ko sa lalaki. “Ano?! Eh hindi ko n
THUNDER LAVISTRE Matapos ang bonding kahapon kasama namin si Seth ngayon hinatid ito kasama si Adele at ang baby nito sa bahay. Nandito din sila uncle at Don Santiago kasama nito ni Prince. Buhat ko si Seth na hawak nito ang regalo ko, “Kuya paki baba naman ang anak ko..” utos ni Flame kaya binaba ko ang bata. “Halika may isusuot si Mama sayo..” naka ngiting tawag nito sa kanyang anak. Nakita ko na sinuot nito ang isang necklase na chained na gold. “Kapag may ganyan ka meaning anak na kita okay? Mama mo na talaga ako..” narinig kong wika ni Flame na kina ngiti ng bata at yumakap pa ito ng mahigpit. Magsasalita pa lang ako ng may nag sigawan sa labas. Kaya agad akong napa tayo at lumabas ng gate. Nakita namin nag kaka gulo ang mga tao. “Anong meron kuya?” Tanong ni Storm at Flame. “Hindi ko alam eh..” sagot ko at nakita ko isang lalaking sugatan. “Ano po nangyari?!” Tanong ko sa kanila. “Natamaan ng ligaw na bala at yung isa paputok!” Sagot ng lalaki. “Kuya kunin mo na ang sas
STORM LAVISTRE PAG BALIK NAMIN SA SAFE HOUSE nakita ko ang pamilyar na sasakyan. “Kumalma ka Storm..” inakbayan ako ni Blake na kina lingon ko. “Bakit nandito siya?” Tanong ko dito. Bumuntong hininga ito at tumigil sa pag lakad. “Nakiusap ako kay Vlad na puntahan si Thunder para makapag usap ang mag kapatid. I know galit ka parin pero pwede ba ako na nakikiusap? Mag ayos muna kayo ngayon, kahit hanggang bagong taon lang? Para na lang sa mga bata at asawa ko?” Nakikiusap nitong paliwanag. “Storm, hindi ko sinasagasaan ang nararamdaman mo sana alam mo ‘yan pero hindi kaya na makita ang asawa ko na ang mga mata ay malungkot. Ang mga bata ay nag hahanap. Kaya please nakikiusap na ako..” pakiusap nito sa akin. Huminga ako ng malalim at tumango. “Okay gagawin ko, pasensya na..” pag hingi ko ng paumanhin at pag payag ko.. “Thank you.. tara na kakain na tayo..” aya nito at pumasok na kami sa loob. Nauna ito. “Tito Storm magbubukas na po kami ng gift?” Tanong sa akin ni Hermoine. Umili
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA BIGLAAN ANG GINAWA KONG PAG IWAS kay kuya Thunder. Pero nasasaktan din ako kaya ko nagawa ito, kailangan ko parin ba maging selfless kung nasasaktan na ako? Hindi ba pwede na kahit minsan unahin ko muna sarili kong pakiramdam? Umiling ako at huminga ako ng malalim. Nakatingin lang ako sa mga ilaw ng Christmas tree, nakabihis na ako dahil on the way kami ngayong gabi para mag simba at mamasyal mamaya. Hindi naman namin tatapusin ang misa ayaw din nila. Pinaandar ko ang wheelchair ko at lumabas na ako safe house. Deretso ako sa van at agad naman ako tinulungan ni Kuya Vlad at Earl na isakay sa loob. “Iwan niyo na lang kaya ako? Ayoko din naman mag simba..” wika ko, sa dami kong kasalanan bakit kailangan ko pa mag simba ano ito pakitang tao? “Flame mahirap maiwan kang mag isa dito..” wika ni Kuya Vlad. “Okay lang naman ako dito, mas komportable ako dito..” sagot ko dito. “Blake paano ito? Papaiwan na lang daw siya?.” tanong ni Earl sa asawa ko