THUNDER LAVISTRE TATLONG ARAW PA LANG LUMIPAS nakatanggap kami kahapon ng pag imbita kay Flame sa senado na kina-katakot ko. Pero kung ang kapatid ko hindi natatakot bakit ako natatakot? “Flame. Mag iingat ka umuwi ka dito ng ligtas..” paalala ko dito. Tumango lang ito at lumabas na ng mansion hindi niya hinayaan na nakikita ng mga bata mas lalo ng mga anak niya na kinukuha siya ng mga police. May ilang sundalo din na kasama. Pero ang kapatid ko nanatiling tahimik, sumakay ito sa kanyang sasakyan at isa isa na silang umalis ng hindi lumilingon kahit sa asawa man lang nito. Binilinan kami nito na maging matalas ang paningin at pakiramdam sa lahat at huwag maging kampante. Alam ko ‘yun dahil ang mga kalaban sa oras na wala si Flame sa tabi namin alam ko na ang tingin sa amin ay mahina. Pero mali sila dito.. Nilingon ko si Blake alam ko nag aalala ito sa asawa niya sino bang hindi? Kahit ako na kapatid sobra ang pag aalala ko ni hindi ako naka tulog ng maayos ilang gabi na. “Magi
THUNDER LAVISTRE “Hawak na ng mga Agent si Flame,” wika ko halos kababa lang ng tawag sa akin ni Onze. “Hindi ba siya sasaktan doon?” Tanong ni Hanz na kararating lang nito halos kinse minutos na ang lumipas. Tumayo lang ako at pinanood ang first senate hearing. “Hindi, matatakot silang galawin si Flame kung noon si Flame ang takot kumilos dahil buntis si Flame. Ayaw niyang malagay sa kapahamakan ang anak nila ni Blake ngayon wala siyang kargo sa katawan. Alam nilang hindi ito mapipigilan..”paliwanag ko. “Napag tatagpi ko na kung bakit hindi lumaban si Flame noon, bakit mas pinili nito na iasa sa atin ang laban at iwan tayo noon. Kung bakit niya pinili na mag pakulong na lang kesa lumaban..” wika ni Azi. “Yun ay para protektahan ang bata sa loob ng t’yan niya na unti unting nabubuo..” wika nito. Tumango ako bilang pagsang-ayon. Ngayon alam ko na kung gaano kahalaga sa kanya ang anak niya walang duda nanay na talaga ng bunso kong kapatid. “Kaya gagawin natin ang lahat para matapo
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA SINUOT KO ANG EARPIECE KO ulit matapos ko maligo at mag bihis. Ngayon pa-punta na kami sa Batasang pambansa, hindi naman ako naka posas o ano pa malaya akong nakaka kilos at nakaka lakad. “Pumasok ka na sa loob..” utos ni Willis sa akin at pinapasok nila ako sa isang armored vehicles bulletproof ito at sound proof din ito. May apat na bintana ito kanan at kaliwa na tig dalawa kaya apat. Ngunit puro bakal naman ito kaya malabo ka din makalabas. Pero wala akong planong lumabas o tumakas, tinago ko sa ilalim ng jacket kong pula ang hawak ko ebidensya na sasampal sa kanilang lahat sa loob. Umupo ako sa bakal din na upuan sa loob at sinara na nila ito at narinig ko pa ang pag kandado dito. Nilingon ko ang likod ko ng may sumakay na driver dito at binalik ko ang ayos ng upo hanggang maramdaman ko na umandar kami. Umusog ako ng upo sa may bintana at sumilip ako dito. Maraming convoy akong kasama ngayon may police at sundalo, nang may tumapat sa akin
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA PAG PASOK KO SA MANSION KASAMA SILANG LAHAT. Binaba ko ang suot kong jacket at nag salita. “Anong nangyari, paano nila nakuha si Ai?” Tanong ko sa kanila ng hindi man lang sila hinintay umupo at mag pahinga. “Hon, tama na ang importante nasa sa atin na si Ai..” awat sa akin ni Blake. “Enough! Muntik na malagay si Ai sa kapahamakan, paano kung hindi nila dinala sa senate hearing kanina at wala ako?! Paano natin hahanapin si Ai?” Hindi ko na talaga mapigilan ang emosyon ko. Ang anak ko na kasi ang nalagay sa kapahamakan kaya naman nagagalit ako sa sarili ko. Ako ang ina pero ako ang wala sa tabi ng anak ko. “Hindi namin alam ang eksaktong nangyari, maaaring si Aithne ang makaka sagot. Flame, i’m sorry..” paghingi ng tawad ni Kuya Thunder sa akin. “Hindi na ito mauulit..” mahinahon na wika ni kuya Vlad. Dahil doon huminahon na ako at umupo ako. Napa hawak ako sa ulo ng yumuko ako. “Sa susunod, unahin niyo ang kaligtasan ng mga mahal ninyo sa buh
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA KINASA KO ANG BARIL KO bago ako bumaba ng sasakyan ko. Papunta ako sa underground dahil tinawagan ako ni Kuya Vlad na may kinakasang kilos laban sa akin. “Huli na Vlad, nasa gitna na ako at hindi na ako makakaalis dito. Ang magagawa ko na lang ngayon lumaban hanggang huli..” wika ko at inayos ko ang earpiece ko. “Papunta na kami d——” pinutol ko na ito ng mag salita ako. “Hindi na, siguraduhin niyo na ligtas ang pamilya ko ito na lang ang pambawi ninyo sa nangyari..” utos ko at inalis ko na ang earpiece ko at hinagis ko ito sa loob ng sasakyan ko. Nag lakad ako habang hawak ko ang ginto kong 45 caliber dalawa ito. “Kasabwat mo ang pangulo sa lahat ng ito, dahil sa ginawa mo madadamay sila!” Wika ng pulis na ito. Nakatutok sa akin ang baril nito kasama ang mga bata nito. “Wala akong kasabwat, ang pangulo mismo ang nag plano nito huli ko na nalaman ng sabihin sa akin ng mga Secret Agent. Sila ang balikan niyo hindi ako..” sagot ko at tiningnan an
THUNDER LAVISTRE “Hindi maganda ang lagay ni Flame, mataas pa rin ang lagnat nito. Gawin niyo na lang, ito ang plano..” wika ko ng marinig ko ang sinabi ni Earl. “Sige sasabihan ko si Ava..” sagot ni Earl sa akin. “Close kayo ni Ava?” Hindi ko maiwasan na hindi mag tanong dito. Nilingon ako nito bago sumagot. “Kailan ka pa nag karoon ng pakialam? Nah, siya lang ang nagsabi sa akin ng plano ni Flame..” sagot nito at pag tatanong. Umiling na lang ako at nag salita. “Nagulat lang ako, sabagay hindi ito malabo matagal kayong nag kasa——” naputol ako ng mag salita si Earl. “May gusto ka ba sa kanya?” Tanong nito na kina lingon ko ng marahas. “Anong sinasabi mo?!” Gulat na tanong ko dito. “Wala!” Sagot ko dito. “Kung may gusto ka magsabi kana hindi ‘yung pasimple ka pa, halata ka naman. Hindi naman ikakagalit ni Flame kung gusto mo si Ava wala naman siyang magagawa..” sagot nito at tinalikuran ako nito. “Wala nga sabi pareho lang kayong Damon!” Asik kong sagot dito. Nagkibit balika
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA Nagising ako at doon ko na pag tanto na wala ako sa kwarto namin ng asawa ko at ng mga bata. “Akalain mo ‘yan? Sa tanda mong ‘yan tinablan ka parin ng trangkaso?” Tanong ni Madrid sa akin na kina lingon ko. Luminga linga ako sa paligid ko kaya hindi ko agad nakita ang gagawin nito. “Hindi naman ako katulad mo, tumanda kana sa edad mong ‘yan wala ka paring asawa. Bakit kasi hindi mo pa pakasalan si Kuya Thunder? Baka mauna ka ni Av—— shit!” Daing ko ng sikmuraan ako nito habang nakahiga. “Tigilan mo ako matagal na kaming tapos ni Thunder..” sagot nito. “P-pero mahal mo pa nakikita ko sa mga mata mo. Kung ako sayo mag papaka-totoo na lang ako. Hindi naman mahirap gawin ‘yun..” sagot ko habang hinihimas ko ang sarili kong sikmura. Hindi ito kumibo kaya alam ko na ang sagot. “To be honest? Mas gusto ko si Ava para kay Kuya pero, alam ko na mas mapapabuti ang kuya ko sa kamay mo. Alam ko ‘yun..” wika ko at pumikit ako dahil ayoko mabasa ang reaction
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA Pababa na ako kasama ang bunso kong anak, terno rin kami ng damit ng anak ko. Light brown off-shoulder na mini dress ang suot namin ang anak ko. Siya mismo ang gusto itong isuot kaya pumayag na lang ako. Hanggang maka baba kami. “Wala pa sila kuya Thunder?” Tanong ko sa kanilang paghahanda sa mesa. “Wala pa, pero on the way na daw sila..” sagot ni Kuya Storm. Inabutan nito si Ai ng biscuit na ako mismo ang nag bake. “Mama hungry na po ako..” hinila ng anak ko ang kamay ko. Tiningnan ko ito at nginitan ko ang anak ko. “Little wait na lang okay? Parating na sila Tito Thunder mo..” pakiusap ko dito. Tumango ito pero ang nguso nito ay mahaba. Napa lingon ako ng bumaba na ang mag aama ko. “Daddy! Ang tagal ni Tito Ninong..” sumbong ng dalaga ko at sumalubong pa ito sa kanyang Daddy. “Just wait sweetie, daddy also is hungry na rin..” ngumiti ang asawa ko dito at binuhat ito. Hindi nag tagal nakarinig ako ng sasakyan kaya alam kong sila na ‘yan. “I
AVA OLIVIA LEVESQUE MASAYA AKO DAHIL binigay sakin ni Miss Flame ang kasal na dapat para sa akin. Ganun din kay Earl kahit na alam niyang takot ako sa kanya, nagawa niyang mahinga soft sakin. Hindi ko maitago ang tuwa sa labi ko habang inaayusan ako ng mga pinsan din ni Boss Flame. Sila na ang nag ayos sa akin ngayon, “Yan ang ganda mo na lalong buntis!” Wika ni Ingrid sa akin na kina ngiti ko. Ang gagaling nila mag make up at mag ayos nag mukha na akong tao dahil sa ginawa nila. “Thank you so much..” pasasalamat ko at ginawa nilang naka taas ang buhok ko para hindi ako naiinitan mamaya sa seremonya. “Si Miss Flame?” Tanong ko dito. “Ayun lang, hindi pa daw nakaka uwi, hayaan mo ‘yun lagi lang wala agad pero darating siya..” naka ngiting wika ni Emerald at inayos nito ang buhok ko. “Sanay na talaga kayo sa kanya ano?” Tanong ko sa kanila. Nakangiting tumango silang dalawa bago sumagot si Emerald. “Yes, ganun kasi ang love language ni Flame, i mean hindi talaga siya nagsa
FLAME MORJANA LAVISTRE - DELA VEGA Hindi ko alam bakit kailangan ko sumama sa mismong simbahan dahil kailangan nila ito makita at makapag insayo si Ava na mag lakad. Sinuggest namin na huwag na ito mag heels para komportable siya na mag lakad, pumayag naman ito. Lahat sila naka tayo ako naman naka upo lang habang pinapanood itong mag lakad. “Hon, ano ba ‘yan tumayo ka..” suway ng asawa ko. Nilingon ko ito ng may pagka bored sa mukha ko na kina tawa nito. “You know, i hate this right? Saka bukas pa naman ang kasal i know how i can act..” sagot ko na kina iling nito. Hindi ko narinig itong sumagot hanggang salubungin ito si Earl at nag lakad patungo sa mismong altar. Matapos na nito nakinig sila sa sasabihin ni father at ng kinuha nilang organizer. Nakaupo lang ako sa huli ng upuan sa likod palabas ng pinto. Nakatingin ako sa labas actually, natatakot ako para bukas dahil alam ko na aatake si Dylan kaya kahit ayaw pumunta sa kasal wala akong choice i want to make sure na safe si Av
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA KINAUMAGAHAN NAGISING ako na masakit ang ulo ko. “Mabuti naman at nagising kana?” Narinig kong tanong ni Ate Sky. “Mga bata ate?” Tanong ko dito at dahan dahan akong bumangon. Imbes na sagot ang natanggap ko, isang malakas na kaltok ang ginawa nito. “Ano pumasok sa isip mo at nag lasing ka ha?!” Tanong nito. “A—aray! Ang sakit non!” Daig ko habang kina-Kinamot ko ang ulo ko, “Hindi ko intensyon na mag lasing! Ininom ko lang yung isang baso na ganito lang ang sinerve sakin!” Minustra ko pa sa kamay ko. “Malay ko ba na ang lakas nun maka lasing ng tao?!” Tanong ko dito. Pinang hilamos ko ang dalawang palad ko sa mukha ko. “Hay naku, sinabihan mo pa ang asawa mo na hindi mo siya asawa? Hay naku Flamie!” Napanganga ako sa sinabi nito. “Sinabi ko ‘yun?! Asan asawa ko?!” Tanong ko dito. “Yan! Now you’re back to your senses! Nasa baba pinag lulutuan ka ng soup para sa hangover mo..” sagot nito at lumabas na ito ng aming kwarto. Nang mag s
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA MAAYOS NA NAMIN na-idaos ang bagong taon, dalawang linggo na ang lumipas nag back to normal na ulit ang lahat. Pero hindi ko pa pina-patanggal ang mga dekorasyon sa safe house. Ngayon naman ay nasa dating bahay ako namin dahil ako mismo ang nag check kung maayos ba nila nagagawa ang trabaho. Agad itong sinimulan ng tauhan ni Opal at ng mga pinsan ko, nag bagsak na ng mga gagamitin tulad sa safe house ang gawin dito gusto ko ito gawing matibay dahil para na rin sa mga taong titira mas lalo at dadami ang bata sa pamilya. “Miss Flame?” Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Ava. “Just Flame don’t use Miss from now on.. and that’s the command..” utos ko dito at pinatigil ko ito dahil delikado para sa kanya ang maka lapit pa sa pwesto ko. “Nasabi sakin ni Earl kung pwede ba na mag tayo din kami ng bahay sa property mo. He feel safe kasi kung doon kami titira kesa sa bahay niya..” sagot nito at pagtatanong nito. “Okay wala sakin problema ‘yan
THUNDER LAVISTRE Napa buntong hininga ako at ang asawa naman ni Flame ay umiiling na lang, pinahatid ko na kay Storm at Damon ang mga pinamili sa grocery dahil pagkain ito at may mga karne pa. Pumasok kami sa isang parang maliit na mall, hindi ko sigurado kung ano ang tawag dito. 167 Cybermart ang pangalan nito. “Maganda ito oh? Gagawin natin floor mat para kapag nag play ang mga bata.” Wika ni Flame at nakita ko ang presyo nito. “Nasa 285 ang isang ito..” sagot ko at pinakita sa kapatid ko. “Kuya ka ng apat kuya Thunder..” nakangiting utos ng kapatid ko kaya kumuha ako ng gusto nito. Napa lingon ako kay Demitri na galing kung saan..“May second floor pa pala puro appliances ang nandun tingnan niyo..” wika nito kaya agad sumunod si Flame kaya sumunod din ako. Natawa na lang ako kay Blake napapagod na ang isang ito kaya napapakamot na lang ito ng ulo. “Ang dami ditong gamit sa bahay, Love may couch..” turo ni Flame at humawak na ito sa braso ng kanyang asawa. Lumayo naman ako s
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA DALAWANG ARAW NA LUMIPAS, NAKAUPO AKO SA HARAP ng lalaking nakabuntis kay Madrid. “Kilala mo ang babaeng ito?” Tanong ko at pinakita ko ang litrato ni Madrid. Nang makita nito ang mukha ni Hailey agad itong umiwas ng tingin. Saktong bumukas ang pinto at niluwa nito si Madrid kahit hirap pa ito nagawa nitong mag lakad patungo dito. “Siya ba?” Tanong ko kay Madrid. Tiningnan nito ang lalaki ng maigi. “Oo pero hindi ko kailangan ang lalaking ‘yan. Ang tangi ko lang na gusto ngayon at si Th——” pinutol ko ito at nag salita ako. “Kahit mas matanda ang kapatid ko sa akin, sa sitwasyon na ito ako ang mag dedesiyon. Hindi aakuin ni Thunder ang pinagbubuntis mo, kung patay na ang ama niyan papayag ako pero kung hindi? Hindi ako papayag..” paliwanag ko dito. Nilingon ko ang lalaki. “Ikaw, hindi naman put* si Madrid kaya hindi masasabi na sa ibang lalaki pa ‘yan kung bibilangin tutugma ito ng may nangyari sa inyo..” wika ko sa lalaki. “Ano?! Eh hindi ko n
THUNDER LAVISTRE Matapos ang bonding kahapon kasama namin si Seth ngayon hinatid ito kasama si Adele at ang baby nito sa bahay. Nandito din sila uncle at Don Santiago kasama nito ni Prince. Buhat ko si Seth na hawak nito ang regalo ko, “Kuya paki baba naman ang anak ko..” utos ni Flame kaya binaba ko ang bata. “Halika may isusuot si Mama sayo..” naka ngiting tawag nito sa kanyang anak. Nakita ko na sinuot nito ang isang necklase na chained na gold. “Kapag may ganyan ka meaning anak na kita okay? Mama mo na talaga ako..” narinig kong wika ni Flame na kina ngiti ng bata at yumakap pa ito ng mahigpit. Magsasalita pa lang ako ng may nag sigawan sa labas. Kaya agad akong napa tayo at lumabas ng gate. Nakita namin nag kaka gulo ang mga tao. “Anong meron kuya?” Tanong ni Storm at Flame. “Hindi ko alam eh..” sagot ko at nakita ko isang lalaking sugatan. “Ano po nangyari?!” Tanong ko sa kanila. “Natamaan ng ligaw na bala at yung isa paputok!” Sagot ng lalaki. “Kuya kunin mo na ang sas
STORM LAVISTRE PAG BALIK NAMIN SA SAFE HOUSE nakita ko ang pamilyar na sasakyan. “Kumalma ka Storm..” inakbayan ako ni Blake na kina lingon ko. “Bakit nandito siya?” Tanong ko dito. Bumuntong hininga ito at tumigil sa pag lakad. “Nakiusap ako kay Vlad na puntahan si Thunder para makapag usap ang mag kapatid. I know galit ka parin pero pwede ba ako na nakikiusap? Mag ayos muna kayo ngayon, kahit hanggang bagong taon lang? Para na lang sa mga bata at asawa ko?” Nakikiusap nitong paliwanag. “Storm, hindi ko sinasagasaan ang nararamdaman mo sana alam mo ‘yan pero hindi kaya na makita ang asawa ko na ang mga mata ay malungkot. Ang mga bata ay nag hahanap. Kaya please nakikiusap na ako..” pakiusap nito sa akin. Huminga ako ng malalim at tumango. “Okay gagawin ko, pasensya na..” pag hingi ko ng paumanhin at pag payag ko.. “Thank you.. tara na kakain na tayo..” aya nito at pumasok na kami sa loob. Nauna ito. “Tito Storm magbubukas na po kami ng gift?” Tanong sa akin ni Hermoine. Umili
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA BIGLAAN ANG GINAWA KONG PAG IWAS kay kuya Thunder. Pero nasasaktan din ako kaya ko nagawa ito, kailangan ko parin ba maging selfless kung nasasaktan na ako? Hindi ba pwede na kahit minsan unahin ko muna sarili kong pakiramdam? Umiling ako at huminga ako ng malalim. Nakatingin lang ako sa mga ilaw ng Christmas tree, nakabihis na ako dahil on the way kami ngayong gabi para mag simba at mamasyal mamaya. Hindi naman namin tatapusin ang misa ayaw din nila. Pinaandar ko ang wheelchair ko at lumabas na ako safe house. Deretso ako sa van at agad naman ako tinulungan ni Kuya Vlad at Earl na isakay sa loob. “Iwan niyo na lang kaya ako? Ayoko din naman mag simba..” wika ko, sa dami kong kasalanan bakit kailangan ko pa mag simba ano ito pakitang tao? “Flame mahirap maiwan kang mag isa dito..” wika ni Kuya Vlad. “Okay lang naman ako dito, mas komportable ako dito..” sagot ko dito. “Blake paano ito? Papaiwan na lang daw siya?.” tanong ni Earl sa asawa ko