THUNDER LAVISTRE “Ibig mo bang sabihin sariling nating kamag-anak kalaban na natin ngayon?” Tanong ni Storm kay Flame. Nandito kami ngayon sa likod ng bahay na nag uusap. Hindi namin kasama ang iba pero naka video call sila para hindi na sila gagastos pa sa gasolina para lang dito. “Oo pero hindi ko pa alam anong dahilan bakit nila ito ginagawa..” sagot ni Flame kumakain ito ng niluto niyang banana turon. Ito kasi ang gusto ng mga bata na meryenda dahil ito ang pinabili ng mga bata kay Jimmy bago sila umuwi galing paaralan. “Kung ganun kailangan tayong mag ingat, dahil kung totoo ‘yan ang una nilang papasukin at susubukin kunin ay ang mga bata..” paliwanag ko at nilingon ko ang mga bata. Nakita ko pa na niluwa ni Ai ang sinubo nito siguro dahil mainit pa. “Kailangan madagdagan ang mga bantay ng mga bata at ang dalawang dalaga pa..” wika ni Storm. “Sh*t bakit ba nakapa init nito? Ayaw mag pakain?” Galit na tanong ni Damon sa pagkain niya na kina iling ko na lang “Tanga ka din, a
BLAKE SHIN DELA VEGA “Tigas talaga ng bungo ng sekretarya ko,” wika ko ng makita ko ang ginawa nito sa balita ko. “Totoo ba na may relasyon kayo?!” Tanong ni Storm habang pababa ito. Nilingon ko ito at sumagot. “Wala, hindi pa sira ang ulo ko para pumatol sa ibang babae! May asawa at anak na ako para gawin pa ‘yan..” mahinahon kong sagot. “Eh ano ‘yan?!” Tanong na naman nito. “Isa sa mga kabaliwan niyan, una ako ang nilalapitan niyan kaso hindi ko talaga siya pinapansin. Tinutukan ko kasi ng dagger sa leeg eh..” kwento ni Hanz, naka upo pa ito sa baitang ng hagdan habang nagpapaliwanag. “Fix this Blake, huwag mo na hayaan si Flame pa ang gumawa nito..” wika ni Thunder. “Actually naglabas na ako ng public statement tungkol dito, mababasa na rin ito ng lahat bago ako umuwi kanina.” Mahinahon kong sagot. Tumango ito at iniwan na kami ng pinsan kong si Hanz. “Si Yj?” Tanong ko sa pinsan ko. “Ewan ko, nakita ko lang na sumama sa asawa mo eh..” sagot nito na kina taas ng isang kila
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA “Sasakay ako sa trip ng asawa ko..” natatawang wika ng asawa ko na kina iling ni Kuya Thunder. “Dito na lang kami manonood sa malayo.” Wika ni kuya Thunder at pinigilan nito ang iba naming pinsan, tumango ako ng tahimik at nag tungo ako sa pinto. Nakita ko si Ava na tumatakbo palapit sa amin, “Boss..” tawag nito sa akin at yumuko ito sa akin. “Kilala mo ba si Jaime Paramour?” Tanong ko dito, gumuhit ang pag tataka sa mukha ng isang ito. “Opo ayan yung condo niya, nakaka sabay ko po siya minsan sa elevator. Sinabi din niya na secretary siya si Mr. Dela Vega..” sagot nito sa akin. Nilingon ko ang asawa ko bago ako kumatok, hanggang bumukas ito. “Oh my god! Mabuti at sumunod ka sa——” hindi ko pinatapos ito mag salita ng tutukan ko ng baril ang bunganga nito. “Pumasok ka..” malamig na utos ko dito na agad naman itong umatras kaya pumasok kami kasama ang asawa ko. “Ganda din nito hon, tama ito para kung gusto na mag boarding house na ng dalawang
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA BAGO PA AKO MAKAPASOK SA MISMONG Underground. Sumalubong sa akin si Uncle Gary kasama ang mga bata nito. Bumaba ako ng motor ko, mabuti may dala akong mga bala kaya may laban pa ako sa kanila. “Sa lahat ng mafia boss na nakilala ko? Ikaw ang pinaka ayoko noon pa lang! Dahil sa pag silang sa’yo ng malandi mong ina nawalan ako ng position ng tuluyan sa mafia..” wika ni Uncle Gary naka harap na ito sa akin ang mga tao nito ay tila alerto. “Baka nakakalimutan mo na si Lola ang pumili sa akin? Pero wala na akong planong ipagtanggol pa ang nakaraan tapos na ‘yun. Yung ngayon ang importante..” sagot ko. Wala na akong plano talagang sagutin pa ang ka-dramahan nito dahil tapos na ang tinutukoy nito. “Napaka walang pakialam ko talaga! Hindi mo ba naisip na dahil sayo lalong nag kakagulo ang lahat?!” Galit na tanong nito, namumula na rin ang mukha nito sa pagtaas ng emotion nito. Tiningnan ko ito ng malamig bago ako mag salita. “Anong point mo? Bumalik ak
DAMON VALENCIA LAVISTRE ISANG MALAKAS NA BATOK ANG natanggap ko mula kay Daddy matapos ko sabihin dito na ayaw ko nga kasi mag pakasal pa. “Dad!? Masakit na ‘yun, ayoko nga kasi magulo pa nga ang sitwasyon namin hinahanap pa namin si Santiago eh..” maktol ko habang kinakamot ko ang ulo ko ng marahas. “Fine! Matapos niyan pag usapan natin ‘yan..” wika ni Dad at umalis na ito. “Anak, ano sa tingin mo papayag ka ba?” Tanong ni Mommy sakin. Tumayo na lang ako at tiningnan ang mommy ko ng malamig. “May magagawa ba ako? Lagi niyo naman binabato sakin na ‘nag iisang anak ka lang namin..’” sagot ko dito at nag lakad na ako patungo sa pinto. “Mag anak nga kayo ulit, hindi sakin niyo binabato lahat. Nirerespeto ko kayo pero hindi ako puppet na kahit anong gawin o sabihin niyo susunod na lang ako. Sana naisip niyo ‘yan hindi yung nag aanak lang kayo tapos ipapasa niyo sakin mga bagay na kayo lang may gusto..” inis kong sagot at lumabas na ako. Saktong pumasok naman ang sinasabi nilang pami
THUNDER LAVISTRE “Sigurado talaga si Apoy dito?” Tanong ni Damon sa akin habang naka upo ito sa ibabaw ng mesa pati ang paa nito ay naka patong din dito. “Yun ang gusto ni Flame ang tulungan ang babae..” sagot ko. “Paano ang ginawa niya kay Santiago?” Tanong ni Ezekiel sa akin, napa buntong hininga lang ako habang naka tingin sa babae na inaasikaso ni Hailey. “Iaatras ni Santiago ang kaso nakita naman nila na mental unstable ang babae. Nakita niyo naman na muntikan na mag wala kanina. Kundi lang siya kumalma ng kausapin ni Cindy..” sagot ko sa kanila. “Kung naging asawa ko ‘yan? Baka pag lamayan niyo din ako.. geez ang creepy niya..” natawa ako sa binubulong ni Damon. Naririnig naman siya dahil hindi naman sobrang hina ng pag kakasabi niya. “Kung gusto ka ipakasal ng magulang mo, sabihin mo naman na mag imbestiga muna hindi ‘yung isasabak ka tapos ganyan pala..” wika ni Vlad na kararating lang. “Nakauwi na si Flame sa mansion, nilalagnat daw si Aithne..” pagpapaalam ni Demitri
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA TATLONG ARAW na ang lumipas unti unti na gumaling ang anak ko. Ito ako ngayon pababa ng hagdan galing sa kwarto namin. Wala na ang mga bata dito dahil hinatid na ng asawa ko, “Flame nandyan si Don Santiago..” bungad ni Nanay. Tumango ako at nag tungo ako sa labas ng hindi sinasagot ito. Pag labas ko saktong pababa na si Santiago sa kanyang sasakyan, inaalalayan ito ng guard ng bahay namin. “Napa dalaw kayo?” Tanong ko dito, nag lalakad ito habang may dalawang tungkod itong hawak. “Gusto ko lang magpasalamat sayo at sa inyong magpipinsan..” sagot nito at inalalayan ko itong umakyat. “Sana pinapunta mo na lang kami hindi yung ikaw pa ang pupunta. Hindi kana nga halos maka lakad..” sermon ko dito at inalalayan ko din kasama ang bodyguard nito. Wala si Prince sigurado nasa trabaho na ito. “Umupo ka muna, Nay? Paki naman po ng meryenda please..” pakiusap ko kay Nanay. “Saglit lang..” sagot ni nanay kaya umupo ako sa pang apatang sofa. “Maraming s
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA“Bakit ka naman tumutol sa kasal nila Madrid at Thunder?” Tanong ni Francine sakin.Dumaan ako sa company nito pagka galing ko sa pag hatid sa mga bata sa school. “Hindi ako tumutol, walang ganun. Ayoko na mag paliwanag nahihirapan ako ipaliwanag ng tama, kaya tigilan mo na ako..” sagot ko na lang dito.Kahapon ganun din si Kuya Storm, si Nanay ang asawa ko. Kaya pagod na ako mag paliwanag kung sa isang side lang naman sila makikinig, hindi bale na lang.Nakaramdam ako ng kakaiba sa paligid ko kaya alam ko na may hindi magandang mangyayari. “Kailangan ko na umalis..” paalam ko at tumayo na ako agad.“Teka naman, huwag ka naman magalit sakin syempre kailangan naman nila ng basbas mula sayo. Remember? Ikaw na ang bagong pinuno ng p——” pinutol ko ito ng mag salita ako.“Can you shut it?! Huwag kana sumunod dahil nararamdaman ko na may kalaban!” Inis kong sagot dito at nag lakad na ako palabas.Ngunit narinig ko lang itong umiyak, napa buntong hininga n
AVA OLIVIA LEVESQUE MASAYA AKO DAHIL binigay sakin ni Miss Flame ang kasal na dapat para sa akin. Ganun din kay Earl kahit na alam niyang takot ako sa kanya, nagawa niyang mahinga soft sakin. Hindi ko maitago ang tuwa sa labi ko habang inaayusan ako ng mga pinsan din ni Boss Flame. Sila na ang nag ayos sa akin ngayon, “Yan ang ganda mo na lalong buntis!” Wika ni Ingrid sa akin na kina ngiti ko. Ang gagaling nila mag make up at mag ayos nag mukha na akong tao dahil sa ginawa nila. “Thank you so much..” pasasalamat ko at ginawa nilang naka taas ang buhok ko para hindi ako naiinitan mamaya sa seremonya. “Si Miss Flame?” Tanong ko dito. “Ayun lang, hindi pa daw nakaka uwi, hayaan mo ‘yun lagi lang wala agad pero darating siya..” naka ngiting wika ni Emerald at inayos nito ang buhok ko. “Sanay na talaga kayo sa kanya ano?” Tanong ko sa kanila. Nakangiting tumango silang dalawa bago sumagot si Emerald. “Yes, ganun kasi ang love language ni Flame, i mean hindi talaga siya nagsa
FLAME MORJANA LAVISTRE - DELA VEGA Hindi ko alam bakit kailangan ko sumama sa mismong simbahan dahil kailangan nila ito makita at makapag insayo si Ava na mag lakad. Sinuggest namin na huwag na ito mag heels para komportable siya na mag lakad, pumayag naman ito. Lahat sila naka tayo ako naman naka upo lang habang pinapanood itong mag lakad. “Hon, ano ba ‘yan tumayo ka..” suway ng asawa ko. Nilingon ko ito ng may pagka bored sa mukha ko na kina tawa nito. “You know, i hate this right? Saka bukas pa naman ang kasal i know how i can act..” sagot ko na kina iling nito. Hindi ko narinig itong sumagot hanggang salubungin ito si Earl at nag lakad patungo sa mismong altar. Matapos na nito nakinig sila sa sasabihin ni father at ng kinuha nilang organizer. Nakaupo lang ako sa huli ng upuan sa likod palabas ng pinto. Nakatingin ako sa labas actually, natatakot ako para bukas dahil alam ko na aatake si Dylan kaya kahit ayaw pumunta sa kasal wala akong choice i want to make sure na safe si Av
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA KINAUMAGAHAN NAGISING ako na masakit ang ulo ko. “Mabuti naman at nagising kana?” Narinig kong tanong ni Ate Sky. “Mga bata ate?” Tanong ko dito at dahan dahan akong bumangon. Imbes na sagot ang natanggap ko, isang malakas na kaltok ang ginawa nito. “Ano pumasok sa isip mo at nag lasing ka ha?!” Tanong nito. “A—aray! Ang sakit non!” Daig ko habang kina-Kinamot ko ang ulo ko, “Hindi ko intensyon na mag lasing! Ininom ko lang yung isang baso na ganito lang ang sinerve sakin!” Minustra ko pa sa kamay ko. “Malay ko ba na ang lakas nun maka lasing ng tao?!” Tanong ko dito. Pinang hilamos ko ang dalawang palad ko sa mukha ko. “Hay naku, sinabihan mo pa ang asawa mo na hindi mo siya asawa? Hay naku Flamie!” Napanganga ako sa sinabi nito. “Sinabi ko ‘yun?! Asan asawa ko?!” Tanong ko dito. “Yan! Now you’re back to your senses! Nasa baba pinag lulutuan ka ng soup para sa hangover mo..” sagot nito at lumabas na ito ng aming kwarto. Nang mag s
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA MAAYOS NA NAMIN na-idaos ang bagong taon, dalawang linggo na ang lumipas nag back to normal na ulit ang lahat. Pero hindi ko pa pina-patanggal ang mga dekorasyon sa safe house. Ngayon naman ay nasa dating bahay ako namin dahil ako mismo ang nag check kung maayos ba nila nagagawa ang trabaho. Agad itong sinimulan ng tauhan ni Opal at ng mga pinsan ko, nag bagsak na ng mga gagamitin tulad sa safe house ang gawin dito gusto ko ito gawing matibay dahil para na rin sa mga taong titira mas lalo at dadami ang bata sa pamilya. “Miss Flame?” Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Ava. “Just Flame don’t use Miss from now on.. and that’s the command..” utos ko dito at pinatigil ko ito dahil delikado para sa kanya ang maka lapit pa sa pwesto ko. “Nasabi sakin ni Earl kung pwede ba na mag tayo din kami ng bahay sa property mo. He feel safe kasi kung doon kami titira kesa sa bahay niya..” sagot nito at pagtatanong nito. “Okay wala sakin problema ‘yan
THUNDER LAVISTRE Napa buntong hininga ako at ang asawa naman ni Flame ay umiiling na lang, pinahatid ko na kay Storm at Damon ang mga pinamili sa grocery dahil pagkain ito at may mga karne pa. Pumasok kami sa isang parang maliit na mall, hindi ko sigurado kung ano ang tawag dito. 167 Cybermart ang pangalan nito. “Maganda ito oh? Gagawin natin floor mat para kapag nag play ang mga bata.” Wika ni Flame at nakita ko ang presyo nito. “Nasa 285 ang isang ito..” sagot ko at pinakita sa kapatid ko. “Kuya ka ng apat kuya Thunder..” nakangiting utos ng kapatid ko kaya kumuha ako ng gusto nito. Napa lingon ako kay Demitri na galing kung saan..“May second floor pa pala puro appliances ang nandun tingnan niyo..” wika nito kaya agad sumunod si Flame kaya sumunod din ako. Natawa na lang ako kay Blake napapagod na ang isang ito kaya napapakamot na lang ito ng ulo. “Ang dami ditong gamit sa bahay, Love may couch..” turo ni Flame at humawak na ito sa braso ng kanyang asawa. Lumayo naman ako s
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA DALAWANG ARAW NA LUMIPAS, NAKAUPO AKO SA HARAP ng lalaking nakabuntis kay Madrid. “Kilala mo ang babaeng ito?” Tanong ko at pinakita ko ang litrato ni Madrid. Nang makita nito ang mukha ni Hailey agad itong umiwas ng tingin. Saktong bumukas ang pinto at niluwa nito si Madrid kahit hirap pa ito nagawa nitong mag lakad patungo dito. “Siya ba?” Tanong ko kay Madrid. Tiningnan nito ang lalaki ng maigi. “Oo pero hindi ko kailangan ang lalaking ‘yan. Ang tangi ko lang na gusto ngayon at si Th——” pinutol ko ito at nag salita ako. “Kahit mas matanda ang kapatid ko sa akin, sa sitwasyon na ito ako ang mag dedesiyon. Hindi aakuin ni Thunder ang pinagbubuntis mo, kung patay na ang ama niyan papayag ako pero kung hindi? Hindi ako papayag..” paliwanag ko dito. Nilingon ko ang lalaki. “Ikaw, hindi naman put* si Madrid kaya hindi masasabi na sa ibang lalaki pa ‘yan kung bibilangin tutugma ito ng may nangyari sa inyo..” wika ko sa lalaki. “Ano?! Eh hindi ko n
THUNDER LAVISTRE Matapos ang bonding kahapon kasama namin si Seth ngayon hinatid ito kasama si Adele at ang baby nito sa bahay. Nandito din sila uncle at Don Santiago kasama nito ni Prince. Buhat ko si Seth na hawak nito ang regalo ko, “Kuya paki baba naman ang anak ko..” utos ni Flame kaya binaba ko ang bata. “Halika may isusuot si Mama sayo..” naka ngiting tawag nito sa kanyang anak. Nakita ko na sinuot nito ang isang necklase na chained na gold. “Kapag may ganyan ka meaning anak na kita okay? Mama mo na talaga ako..” narinig kong wika ni Flame na kina ngiti ng bata at yumakap pa ito ng mahigpit. Magsasalita pa lang ako ng may nag sigawan sa labas. Kaya agad akong napa tayo at lumabas ng gate. Nakita namin nag kaka gulo ang mga tao. “Anong meron kuya?” Tanong ni Storm at Flame. “Hindi ko alam eh..” sagot ko at nakita ko isang lalaking sugatan. “Ano po nangyari?!” Tanong ko sa kanila. “Natamaan ng ligaw na bala at yung isa paputok!” Sagot ng lalaki. “Kuya kunin mo na ang sas
STORM LAVISTRE PAG BALIK NAMIN SA SAFE HOUSE nakita ko ang pamilyar na sasakyan. “Kumalma ka Storm..” inakbayan ako ni Blake na kina lingon ko. “Bakit nandito siya?” Tanong ko dito. Bumuntong hininga ito at tumigil sa pag lakad. “Nakiusap ako kay Vlad na puntahan si Thunder para makapag usap ang mag kapatid. I know galit ka parin pero pwede ba ako na nakikiusap? Mag ayos muna kayo ngayon, kahit hanggang bagong taon lang? Para na lang sa mga bata at asawa ko?” Nakikiusap nitong paliwanag. “Storm, hindi ko sinasagasaan ang nararamdaman mo sana alam mo ‘yan pero hindi kaya na makita ang asawa ko na ang mga mata ay malungkot. Ang mga bata ay nag hahanap. Kaya please nakikiusap na ako..” pakiusap nito sa akin. Huminga ako ng malalim at tumango. “Okay gagawin ko, pasensya na..” pag hingi ko ng paumanhin at pag payag ko.. “Thank you.. tara na kakain na tayo..” aya nito at pumasok na kami sa loob. Nauna ito. “Tito Storm magbubukas na po kami ng gift?” Tanong sa akin ni Hermoine. Umili
FLAME MORJIANA LAVISTRE - DELA VEGA BIGLAAN ANG GINAWA KONG PAG IWAS kay kuya Thunder. Pero nasasaktan din ako kaya ko nagawa ito, kailangan ko parin ba maging selfless kung nasasaktan na ako? Hindi ba pwede na kahit minsan unahin ko muna sarili kong pakiramdam? Umiling ako at huminga ako ng malalim. Nakatingin lang ako sa mga ilaw ng Christmas tree, nakabihis na ako dahil on the way kami ngayong gabi para mag simba at mamasyal mamaya. Hindi naman namin tatapusin ang misa ayaw din nila. Pinaandar ko ang wheelchair ko at lumabas na ako safe house. Deretso ako sa van at agad naman ako tinulungan ni Kuya Vlad at Earl na isakay sa loob. “Iwan niyo na lang kaya ako? Ayoko din naman mag simba..” wika ko, sa dami kong kasalanan bakit kailangan ko pa mag simba ano ito pakitang tao? “Flame mahirap maiwan kang mag isa dito..” wika ni Kuya Vlad. “Okay lang naman ako dito, mas komportable ako dito..” sagot ko dito. “Blake paano ito? Papaiwan na lang daw siya?.” tanong ni Earl sa asawa ko