"MA'AM, ayaw pong buksan ni Senyorita Janice ang pintuan at wala daw po siyang ganang kumain."
Gustong tumaas ng kilay ni Nica nang marinig ang sinabi ng katulong. Nasa hapag kaninan sila ngayon for lunch at pinatawag ng ina ni Chris ang kapatid.
"Ano na naman kayang drama ang nasa isip niya para makabawi?" naibulong ni Nica sa sarili habang nakatingin sa malayo.
"Are you okay?" puna ni Chris sa dalaga.
Ngumiti si Nica sa binata bago tumayo. "Ako na po ang tatawag sa kapatid ko."
"Mabuti pa nga siguro, Hija. I already talked to her kanina at sinabing sa iyo siya dapat humingi ng tawad at hindi sa akin." Sang-ayon ni Luisa sa dalaga. Naawa rin siya kay Janice kanina at umiiyak at nagsisi na rin umano ito sa nagawa. Napabuntonghininga siya nang maalala ang sinabi ni Janice kaninang mag-usap sila.
"I'm sorry, Tita kung nagpakababa na ako sa paningin ninyo. Ginagawa ko lang po ang sa tingin ko ay tama upang magbago na ang isip ni Chr
"KUMUSTA ang feeling prensisa ng ilang araw dito?" nang-uuyam na bati ni Maragaret kay Nica nang ma solo ito. Kanina pa sila dumating kasama ang asawa at sa sunod na araw na ang kasal ng mga ito.Ngumiti si Nica ng mapang-asar sa madrasta. "Hindi ba obvious para itanong mo pa sa akin iyan?"Tumikwas ang gilid ng labi ni Margaret kasabay ng kanang kilay nito. Masama ang tinging ipinukol kay Nica nang umismid ito sa kaniya."Magsaya ka ngayon, huwag mong kalimutan na lahat ng tinatamasa mo ngayon ay may kapalit. Sisiguraduhin kong madudurog ang iyong puso." Banta ni Margaret kay Nica.Biglang kinilabutan si Nica sa narinig, mukhang bruhang sumusumpa sa kaniyang harapan ngayon ang madrasta. Dali-dali siyang tumalikod at iniwan ito kahit hindi pa ito tapos magsalita."Margaret, may kaaway ka ba?" tanong ni Luisa sa kaibigan nang makita ang galit sa mukha nito. Naabutan niya itong nakatayo mag-isa sa sala at may tinatanaw sa labas.Biglang
HINDI pa sumisikat ang araw ay nagkakagulo na sa bahay nila Chrismith. Kahit mabigat pa ang ulo ni Nica at gusto pang pumikit ng mga mata ay pinilit niya ang sariling bumangon. Nadagdagan pa ang sakit ng ulo niya nang nangingibabaw ang matinis na tinig ng madrasta sa."Margaret huminahon ka, pag-usapan natin ito." Pakiusap ni Luisa sa kaibigan. Nilingon niya ang anak na tapos na magbihis at nasa mukha ang pagkalito."Paano ako magpakamahinahon, Luisa? Babae ang anak ko at pareho silang walang mga saplot!" Turo ni Margaret sa mga anak nila.Nagsumiksik si Janice sa kantohan ng kaniyang kama habang kipkip ang kumot sa dibdib upang pagtakpan ang kahubdan ng katawan."I'm sorry, Tita, pero hindi ko po alam kung paano ako napunta dito at kung ano ang nangyari sa amin." Nagpapasaklolo ang tingin ni Chris sa ina habang sinusuklay ng sariling kamay ang nagulong buhok."Hindi ko kailangan ang sorry mo, at huwag mong sabihing hindi mo alam
LUMAPIT si Gregory sa mga naroon upang linawin ang magulong sitwasyon. Hindi man niya alam ang puno't dulo ng gulo pero hindi siya makakapayag na sa ibang babae maikasal ang kaniyang anak.Pinunasan ni Margaret ang luha sa kaniyang mga mata bago hinarap ang asawa ng kaibigan. "Pero paano ang anak ko na ginalaw ng anak mo kagabi?""I know my son, "ani Gregory habang matiim na nakatitig kay Janice.Hindi magawang salubongin ni Janice ang tila nang-uusig na mga titig ng ama ni Chris."Nandito na ito at ginusto rin naman ng anak mo ang nangyari sa kanila ng anak ko. Pero hindi natin maaring sirain ang isang relasyon dahil sa third party. Lalaki ang anak ko at sa narinig ko ay pareho silang lasing kagabi." Kahit hindi tumbukin ni Gregory ang pinupunto ay alam niyang nakuha ng mga ito ang ibig niyang sabihin."Anak niyo rin si Nica at siya ang nakatakda para sa anak ko." Pinalidad na dugtong ni Gregory sa kaniyang pasya.Hindi kinaya n
MAINGAT na binuksan ni Chrismith ang pintuan ng silid at unang ipinasok ang ulo upang silipin si Nica. "Babe?" tawag niya sa dalaga.Bakla mang-isipin pero sa tanang buhay niya ay ngayon lang siya nakaramdam ng takot sa isang babae. Kahit sa ina ay hindi siya nakaramdam ng ganoon dahil never pa naman siya nakagawa ng malaking kasalanan."Pumasok ka sa loob at huwag kasilip lang diyan dahil baka magkakulani ka sa mata.""Shit!" naibulalas ni Chris nang biglang nagsalita ang ama sa kaniyang likuran."Mukha kang magnanakaw diyan." Buska ni Gregory sa anak at natatawa siya sa mukha nitong hindi maipinta dahil nagulat sa kaniya."Dad naman! Alam mong na tyempo pa ako, gusto mo bang may bukol ako sa araw ng kasal ko?" reklamo ni Chris sa ama."Bagay lang iyan sa iyo dahil naging pabaya ka. Muntik ka ng mapikot dahil tulog mantika ka!"Pumalatak si Chris bago sumagot, "hindi ko alam paanong nakarating ako sa silid ni Janice. Believe me
"HINDI na makadalo ang kapatid mo sa iyong kasal dahil kailangan na niyang bumalik sa kompanya." Pagbigay alam ni Alfonso kay Nica matapos itong ayusan."Mas mahalaga pa ang kompanya kaysa especial na araw ko? Nakataas ang isang kilay ni Nica habang ang tingin ay nasa madrasta. Mukha itong pupuntang burol sa mukha nito ngayon."Huwag kang umasta na nalulungkot dahil alam natin dito na abot hanggang langit ang tuwa mo dahil wala ang kapatid mo." Nang-uuyam na sita ni Margaret kay Nica."Margaret pakiusap, huwag nating sirain ang araw na ito. Isantabi muna ang galit ninyo sa isa't isa!" Pakiusap ni Luisa sa kaibigan bago lumapit kay Nica upang ayusin ang damit nito."Hindi ako plastik katulad ng babaeng iyan para magpanggap na ayos lang ang lahat!" galit na sagot ni Margaret at sinamaan ng tingin si Nica."Hindi ang anak mo ang agrabyado dito kaya ayos lang sa iyo ang lahat!" baling ni Margaret kay Lourdes. "Ang kawawa kong anak, ano pang danga
"BAKA gagabihin ako ng uwi mamaya dahil may kailangang tapusin." Paalam ni Chris kay Nica habang nasa hapag kainan sila.Tumango lang si Nica habang nakikiramdam sa kapatid at madrasta."Tuloy ba ang launching ng bagong desinyo?""Yes po, may nagawa na si Janice kaya tuloy na ang event na dapat ay nakaraang lingo pa naisagawa.""I'm really so proud of you, Anak!" masayang turan ni Margaret at pumalakpak pa ito ng mahina.Nahihiyang ngumiti si Janice sa mga kaharap at nagpasalamat kay Chris. "Salamat at pumasa na sa panlasa mo ang gawa ko.""Ako ang dapat magpasalamat sa iyo dahil nagawa mo pa rin ng perfect ang desinyo kahit nagkaroon tayo ng hindi pagkakaunawan these days." Maginoong sagot ni Chris sa kaibigan."Ikaw Nica, wala ka na bang ibang maitulong sa kompanya?" Sarkastikong tanong ni Margaret dito."I already did, as a matter of fact, he will do everything for me." Abot hanggang taenga ang ngiti ni Nica sa m
ALAS OTSO na ng gabi ay nasa kompanya pa si Chris ngunit maya't maya ang tingin sa cellphone.Napansin iyon ni Janice at wala sa kaniya ang atensyon ng binata kahit kanina pa siya nagsasalita at napapa-impress."I told you, hindi na magbabago iyang kapatid ko. Hindi niya maiwan ang bisyo niya sa pagsama sa kung kani-kanino sa gabi.""Alam kong hindi kayo in good term ng asawa ko pero hindi pa rin tama na patuloy mo siyang siraan sa akin." Iritado niyang sita kay Janice. Kanina pa mainit ang ulo niya dahil parehong hindi makuntak si Bheng at Nica."Sorry, naawa lang ako sa iyo dahil kaibigan kita at ayaw kong makita kang misirable dahil sa kapatid ko." Mahamig sa tinig ni Janice ang lungkot na nadarama at pagkadismaya.Hindi nakaramdam ng kunsensya si Chris sa pinapakitang concerns ni Janice sa kaniya. Sakop ni Nica ang isip niya ngayon at nag-aalala siya dito.Nakasimangot na lumayo si Janice sa binata at nakihalubilo sa ib
KAHIT nanghihina ay pinipilit ni Nica imulat ang mga mata at inaaninag ang paligid. Gusto niyang saktan ang sarili at nahulog na naman siya sa patibong ng kalaban. Hindi niya akalain na kasabwat ni Philip ang isa sa tinuturing niyang matinong kaibigan. Hindi siya nagdalawang isip na damayan ito kanina nang tumawag. Sobrang lungkot nito at umiiyak pa kaya pinuntahan niya kung saan ito umiinum mag-isa.Ang hindi alam ni Nica ay naroon din si Philip. Huli na para umalis dahil may pinainum sa kaniya si Xtine na siyang sanhi ng panghihina niya. Hindi niya magawang manlaban nang buhatin siya ni Philip at isakay sa sasakyan nito.Kulang na lang ay bumuga ng apoy ang mga mata ni Chris pagkakita kay Philip at nakayakap ang isang braso nito sa beywang ng asawa."Hey, Bro! Huwag ka ng magalit at ilang oras ko lang naman hiniram ang asawa mo." Mala-demonyong ngiti ang nakapaskil sa labi ni Philip nang magharap na silang dalawa.Kinalma muna ni Chris ang sarili at nag
PINAKINGGAN ni Margaret ang voice record na pinadala ni Xtine kay Tinay. Ganap iyon sa nangyaring pag-uusap nito at ni Nica tungkol sa kung paano nito makumbinsi ang kaniyang step-daughter upang ito ang e-recommend bilang tagapag-alaga ni Janice.Matapos mapanuod ang video ay malapad ang ngiti sa labi ni Margaret. Ibinalik niya ang cellphone kay Tinay. "Sabihin mo na ayusin ang trabaho at huwag siyang magkamaling traidurin ako!""Okay po, Senyora. Aalis na po ako." Paalam ni Tinay sa ginang.Lumipas ang mga araw at alam ni Nica na lalabas na ng hospital ang kapatid. Ayaw pa rin nitong makipag-usap sa kaniya at hinayaan na lamang niya iyon."Sasamahan ko lang si Daddy sa paghatid kay Janice sa isang private resort." Paalam ni Chris sa asawa.Ngumiti si Nica sa asawa at tinanguan ito." Mag-ingat ka sa pagmamaneho. Balitaan mo ako kapag nandoon na kayo."Masuyong hinalikan ni Chris sa labi ang asawa at ang anak bago umalis.Hindi nakauwi
NANGUNOT ang noo ni Philip pagkakita sa taong dumalaw sa kaniya. Hindi niya inaasahan na dadalawin siya nito matapos niyang gawan ng hindi maganda ito.Hi!" nahihiyang ngiti ang pumaskil sa mga labi ni Xtine pagkakita kay Philip."Kung nandito ka para lang pagtawanan at makita kung gaano ka miserable ang buhay ko dito, makakaalis ka na." Masungit na sita ni Philip kay Xtine."Bakit mo naman naisip iyan? Hindi mo ba talaga ako minahal at ang tingin mo sa akin ay napakasamang babae?" naluluha ang mga mata ni Xtine at ang boses ay gumargal.Biglang nagbago ang expression ng mukha ni Philip pagkakita sa malungkot na mukha ng dalaga. Pinakatitigan niya ito at inarok ang tunay na saloobin nito sa kaniya."Alam mo noon pa na kaya ko gawin ang lahat para sa iyo. Kahit na noong alam kong nagkakamabutihan kayo ni Nica ay inakit pa rin kita. Ginawa ko ang lahat kahit pa masira ang pagkakaibigan namin."Hindi malaman ni Philip ku
"HINDI ko po kayang mawalay ng matagal sa mag-ina ko, Dad." Bagsak ang mga balikat ni Chrismith at mukhang pasan ang mundo ang mababanaag sa mukha niya ngayon.
BITBIT ang cellphone ay pumasok si Tinay sa isang private room kung nasaan si Janice. Kilala na siya roon ng nurse at doctor dahil madalas niyang dinadalaw ang dalaga sa utos na rin ni Margaret. Wala siyang reklamo d
ISANG oras naghihintay sa labas ng operating room sina Chris at sobrang nababahala na ang binata kahit sinabi ng doctor na maayos ang kundisyon ng kaniyang mag-ina. Normal na umano ang minsan ay napaaga ang anak or d
"KUMUSTA na po ang anak ko, Doc?" kausap ni Alfonso sa manggagamot na siyang nag-aalaga kay Janice.
ISANG lingo rin ang lumipas bago nagising si Alfonso. Humina ang katawan nito pero tuwid pa rin namang magsalita. Pinaubaya na niya kina Nica ang disisyon sa kompanya at sa kaniyang asawa. Pinahuli ni Nica si Philip
"JANICE, do something! Hindi ako pwedeng makulong! Ano na lang ang sasabihin ng mga amega ko? Nakakahiya ang lahat ng ito at maging ang pangalan mo ay madungisan!" Lakad paroo't parito ang ginagawa ni Margaret habang