MAKALIPAS pa ang ilang taon at nanatili pa rin ang galit sa puso ni Rome para kay Cayson Montemayor. Ni minsan ay hindi iyon nawala.
Pinilit ng dalagang kalimutan pero sa maraming pagkakataon ay bumabalik pa rin sa alaala nito ang mga nangyari sa dalawang beses na nagkita sila na siyang naging dahilan kung bakit itinuring siyang ‘espesyal’ ng pamilya.
Naging mahigpit ang mga ito sa kaniya, bantay-sarado siya na tila kriminal. Sa tuwing nasa paligid siya ay alerto ang mga mata sa kaniya ng buong pamilya, watching her every move, her every step. Kapag nagsasalita siya’y nakabantay din ang mga ito— na tila may sekreto siyang ibubunyag tungkol sa gobyerno.
MARIING napalunok si Rome nang sulyapan niya isa-isa ang mga tiyahin na naka-upo sa mahabang couch paharap sa kaniya. Ang mama niya ay naka-upo sa single sofa habang ang papa niya ay nakatayo sa likuran nito. Samantalang ang Ate Connie naman niya ay naka-upo rin sa harapang single sofa na kinauupuan ng mama niya— looking so worried. Ang lahat ng mata ay nakapako sa kaniya, waiting for her to explain herself. Bakit? Dahil nahuli lang naman siya ng Papa niya na nakikipag-date kay Baron sa isang mall sa Pasay. Ang alam ng mga magulang niya ay kasama niya si Connie, subalit ang ate niya ay sa
SA kabila ng nalaman na niya ang history ng kanilang pamilya ay patuloy pa rin si Rome sa lihim na pakikipagkita kay Baron.Isang linggo lang makaraan ang komprontasyong iyon ay muli siyang nakipag-kita sa kasintahan. "Nag-uumpisa na akong mapikon sa mga magulang mo, Rome. Ang tingin nila sa mga sarili ay Diyos!" reklamo ni Baron nang magkita sila nito sa isang restaurant sa Pasay. Dinala niya ang mga kamay sa ibabaw ng mesa at ginagap ang mga kamay ng kasintahan. Nakikita niya sa anyo ni Baron ang labis na pagkainis. Actually... simula pa kanina nang magkita sila'y tila sira na ang mood nito. Napikon ito dahil limang minuto siyang late. Ipinaliwanag niyang traffic
Present-time... “BUTI na lang at hindi na nagtanong pa sina Mama at Papa tungkol sa lugar na pupuntahan natin. Mabigat lagi ang loob ko na magsinungaling sa kanila." Sinulyapan niya si Connie na nakaupo sa harapan niya. Kasalukuyan na silang nasa coffee shop kasama si Jiggy. Nakaupo sila sa dulo upang walang um-istorbo sa kanila. Iyon na ang araw na kakausapin niya ang mga ito tungkol sa kondisyon niya, at sa nangyari sa pagitan nila ni Cayson Montemayor. Her sister deserved to know the truth, and Jiggy deserved an explanation. Pareho siyang naglihim sa dalawang taong naging kasangga niya sa mahabang panahon. Buong gabi niyang binalika
Four weeks prior… UMANGAT ang kilay ni Rome nang sa pagpasok niya sa gate ng compound nila ay abutan si Dudz na naka-upo sa garden set na nasa harap ng bahay ng mga ito. Nakatingala ito sa puno ng kaimito na naroon sa garden; ang mga paa ay nakataas sa ibabaw ng mesang gawa sa bakal habang ang mga braso ay nakataas sa ulo. S
SAKAYng taxi ay narating nila ang pagdadausan ng party na sinasabi ni Dudz.Hindi niya maintindihan kung bakit sa tagal nito sa trabaho ay hindi pa rin ito maka-bili ng sarili nitong sasakyan, samantalang kaya naman nitong gawin iyon. Nag-iisa lang itong anak ng Tita Marites niya. Nakatira pa rin ito sa mga magulang na parehong may mga trabaho. Ang ama nito’y isang electrical engineer at nagtatrabaho sa main supplier ng electricity sa buong Maynila. Wala itong ibang pinagkakagastusan— kaya kung gugustuhin nitong makabili ng kotse ay kakayanin na nito. Pero naisip niyang hindi lang marahil maluho si Dudz, kaya tamang bili lang ito ng mga damit at sapatos pamasok sa trabaho. &nb
“WHAT made you say that, Mr. Montemayor?” Sinubukan niyang maging pormal. After all, pareho na silang may isip ng lalaki. Ayaw niyang umasta katulad noong mga ipinakita niya rito. Ngumisi si Cayson na lalo lang niyang ikina-pikon. "Because look at you." And again, he stared at her body with malice. "You look like a guy." “Irrespective of how I look, you shouldn’t have gazed at my body as if I am some kind of a dirty woman, Mr. Montemayor." Lumapad ang pagkakangisi ni Cayson saka ibinalik ang tingin kay Dudz. “Fierce.” Napakamot si Dudz. “Ganyan talaga ‘yan, pare. Alam mo naman ang mga teachers…”
Nakangising bumalik si Rome sa table nila ni Dudz, subalit nang makitang wala na roon ang pinsan ay natigilan ang dalaga. "Nasaan na ang tukmol na 'yon?" tanong niya sa sarili saka kunot-noong sinuyod ng tingin ang paligid. Sa gitna ng event center kung saan nagtitipun-tipon ang mga bisita ay doon niya ito nakita, nakikipag-usap sa mga kakilala kasama si Cayson Monetmayor. Napa-ismid siya bago itinuloy ang paglapit sa mesa. Naupo siya roon at nakangising binalingan ang mga cupcakes na ini-lagay niya sa plato. Uubusin lang niya ang mga iyon saka yayain na talaga niya si Dudz na umuwi. Kung ayaw naman nitong umalis p
“I was standing at the bar counter when I saw you. Hindi ako makapaniwala, akala ko ay namamalikmata lang ako, pero ikaw nga,” nakangiting sabi ni Baron, flashing his perfect white teeth.There was something different about him that she couldn't put into words. But one thing was for sure--Baron was gorgeous. Sa kaisipang iyon ay hindi niya naiwasang makaramdam ng sakit sa pagkikita nilang muli. After all, they broke up because he lied to her. May karel
DALAWANG BUWAN MAKALIPAS ay muling nagpakasal sina Rome at Cayson, but this time, it was held in the church. Natupad ang pangarap ni Rome na makasal sa simbahan at makapaglakad sa aisle. She was a happy bride, dahil naroon lahat sa simbahan ang mga mahal niya sa buhay, kabilang na ang lahat ng kaniyang mga kaibigan. Including Jiggy—na noo’y tanggap na tanggap na ng buong pamilya niya. Her parents realized that Jiggy was more than just a friend to her. She was like a family. Kaya naman simula nang magkita ang mga ito noong mga panahong nasa ospital siya ay hindi na naging iba ang pagturing ng kaniyang mga magulang rito. Lalo at maliban kay Cayson ay isa ito sa mga nagpuyat noon sa ospital upang bantayan siya. She had learned that she was unconscious for three days aft
“IPINALIWANAG KO NA sa buong pamilya ang tungkol kay Precilla, at nakahanda akong muling magpaliwanag sa harap mo ngayon. So, I need you to listen, okay?” Para siyang batang tumango. Handa siyang pakinggan ang lahat ng paliwanag nito at patawarin ito kahit hindi pa man ito humihingi ng patawad. Dahil bakit hindi? Hindi pa ba sapat ang pag-alalang nakita niya sa anyo nito? Ang pangingitim ng paligid ng mga mata nito, ang maputla nitong mukha? Hindi pa ba sapat na pinabayaan nito ang sarili para sa kaniya? At hindi pa ba sapat ang pangongompisal nito? Cayson just
HINDI MAINTINDIHAN NI ROME ANG NARARAMDAMAN. She was trying to open up her eyes, but she had no strength no matter how hard she tried. Kapag nabubuksan naman niya ang mga mata’y kaagad ding sasakupin ng dilim ang kaniyang paningin. At kung may nakikita man siya ay hindi malinaw. Hindi malinaw na imahe ni Cayson. Wait… Cayson? Oh. Right… Ang huling naalala niya ay nakita pa niya ito sa bahay nila Baron. And then, she c
“SA TINGIN ko ay kailangan na natin siyang dalhin sa ospital, Connie,”suhestiyon ni Selena nang lumabas ito sa guest room na okupado ni Rome sa bahay ng mga ito. Inisara muna ni Selena ang pinto at hinarap si Connie na nag-aalala na rin. “Nilalagnat na naman siya, at wala tayong gamot na pwedeng ipainom sa kaniya.” Sinulyapan ni Connie ang oras sa relos. It was only 7PM. Napabuntonghininga ito. “Kanina ko pa sinasabi ‘yan sa kaniya nang makipagkita siya sa amin ni Jiggy matapos lumayas sa bahay ng asawa. Ilang araw nang masama ang pakiramdam niya at kaninang umaga pa lang ay nilalagnat na siya. Pero ayaw niyang magpahatid sa ospital.” “We can’t take risks, Connie. Bun
“MAKE SURE na ang dokumentong ipadadala mo sa akin ay kompleto na, Mitch. Ayaw kong pa-istorbo sa buong linggong pahinga ko.” “Yes, sir. Naayos ko na po ang folder. Ako po ang personal na magdadala sa mansion.” “Good. See you tomorrow—oh, and please come around lunchtime. Ayaw kong gumising nang maaga.” Tinapos na niya ang tawag at akmang i-iitsa ang cellphone sa front seat nang makitang 1% na lang ang battery niyon. He looked for the charger while his eyes still focused on the road, subalit hindi niya iyon makapa sa kahit saan. Tahimik siyang nagmura saka itinuloy na lang ang pagmamaneho. I
HINDI NAWALA ang sama ng pakiramdam niya sa buong araw. Umabot ang gabi na patuloy ang pananakit ng lower back niya at ng kaniyang ulo. Sa tulong ni Jen ay nakaligo siya, at inalalayan siya nito hanggang sa pagbihis. Naka-ilang balik na rin ito sa silid niya upang dalhan siya ng pagkain at maiinom. Sa buong araw din na iyon ay hindi na tumawag si Cayson, which was normal dahil sa gabi ito madalas na tumawag sa kaniya.
“SALAMAT sa paghahatid, Baron. Sa susunod talaga ay magpapahatid na ako sa driver ni Granny Althea para hindi na kita naaabala sa tuwing dadalaw ako sa inyo,” aniya matapos siya nitong ihatid sa mansion. Si Connie ay nagpababa sa isang mall dahil kailangan pa raw nitong mag-grocery, habang siya ay ini-diretso si Baron sa subdivision. “Nah, that’s alright, Rome. Maliit na bagay lang naman ito.” Muli siyang nagpasalamat at bumaba na sa kotse. Ang kasambahay na si Jen na nasa hardin at nagdidilig ay naka-antabay sa kaniya kaya nakabukas na ang gate. Nagpasalamat siya rito at tumuluy-tuloy na sa
PINILIT ni Rome na maging normal sa sumunod na mga araw. Kahit na sa tuwing aalis si Cayson para pumasok sa opisina ay pinag-iisipan niya ng masama. Alam niyang magta-trabaho ito pero hindi niya mapigilang isipin na makikipagkita lang ito kay Precilla. Oh, that woman! Ilang beses siyang niyaya ni Connie na lumabas kasama ang babaeng iyon pero mas pinili niyang magkulong sa mansion at gawin ang araw-araw niyang gawain doon. She would rather die with boredom than meet with that sneaky snake! And Cayson? Oh, nagagalit din siya pero kailangan niyang umaktong hindi dahil alam niyang wala siyang karapatang magalit. May pinirmahan silang terms. May us
MATAPOS ang araw na iyon ay muling bumalik si Cayson sa Laguna. Nakahinga siya nang maluwag dahil alam niyang hindi magkakaroon ng pagkakataon sina Cayson at Precilla na magkita dahil alam niyang magiging abala ang asawa sa itinatayong bagong terminal. Nang makauwi sila sa mansion matapos ang dinner party na iyon ay ginawa ni Rome ang madalas na ginagawa ng mga praning na maybahay. She checked Cayson’s phone for Precy’s number. Walang password ang cellphone nito kaya nagawa niyang buksan iyon. She typed in Precy’s number, at tila siyang nabunutan ng tinik sa dibdib nang ma-kompirmang wala roon ang numero ng dalaga. Marahil ay naging OA lang siya sa pag-iisip. Nawala na rin ang inggit niya para kay Precy