“He’s trying to fight his inner self, Kris. Kanina no’ng nasa loob ako kasama siya, he’s trying everything he could para lang hindi ako ‘yong masaktan niya…”“Instead he scratched his own wrist.”Mangiyak-ngiyak na bumagsak ang tingin ko sa asawa kong payapang nakahiga sa couch. “What can we do, Logan? Mayroon ba akong magagawa para maging maayos na ang kondisyon ng asawa ko?”“As I say, sarili niya lang ang makatutulong sa kanya, Kris.” Mula sa kanyang table ay nakatanaw siya sa nakahigang si Liam. “DID can be controlled, but it cannot be cured. There are some medications and treatments that help patients with DID manage themselves for the rest of their lives.”“Liam could undergo psychotherapy and he really needs this right now. As I mentioned, makakatulong kay Liam kung matuto siyang maging open sa sarili niya at sa kondisyon niya kausap ang isang mental health professional na willing siyang pagkatiwalaan about his life. And his trusted mental health professional could also help hi
“Ngayon mo sabihing hindi ang asawa mo ang nasa likod ng maruming plano na pasabugin ang bahay n’yo? May sakit man o wala ‘yang asawa mo… hindi mababago ang katotohanang demonyo siya, Kris.”Marahas kong iwinilig ang ulo ko. Hindi ko kayang tanggapin na katotohanan ang sinasabi ng bibig ni Hen. Kasi… si Liam… hindi niya alam ang ginagawa niya. Dahil sa kondisyon niya ngayon, malamang hindi niya alam ang sinasabi at ginagawa niya. And I should understand why he does that-“Kris!” Napapitlag ako sa gulat nang yugyugin ni Hen ang katawan ko. “Utang na loob, ‘wag mo nang subukan na ipagtanggol ang asawa mo, okay? Tigilan mo na ‘yang pantasya mo na anghel ang asawa mo, dahil sa katunayan, he’s not! Kung mabuti siyang asawa sa iyo, hinding-hindi ka niya pagbubuhatan ng kamay-”“Hindi niya sinasadya na saktan ako, Hen! May problema sa pag-iisip ang asawa ko-”“Enough with your alibis, Kris!” singhal nito sa akin. “Huwag ka nang magpaka-martyr para lang diyan sa asawa mong matagal nang ibinen
Puting ceiling, puting mga dingding at ang nakasisilaw na ilaw ang bumungad sa akin the moment I opened my eyes.Ang natatandaan ko ay sa ilog ako bumagsak pero bakit ako nakahiga ngayon sa isang malambot na kama—at, paano rin ako nakarating dito?“Huwag ka na munang mag-isip ng kung ano-ano, Kris. Hindi ‘yan makabubuti sa lagay mo, hmm?” At ang nakadagdag sorpresa sa akin ay nang marinig ko ang tinig ni Henrix sa aking tabi, and he’s smiling as angel while glancing at me.“Hinanap kita noong gabing ‘yon. Hindi ako tumigil hangga’t hindi kita nahahanap… and glad I found your car floating at the river. Nagpatulong ako sa mga pulis na i-rescue ka.”“But rest assured your husband didn’t know you’re still alive.”“Does that mean ang alam ni Liam ay patay na ako?” gulat kong tanong.That night, wala na kasi ako masyadong maalala sa mga pangyayari. Basta ang malinaw sa memorya ko ay hinahabol ako ng sasakyan ni Liam bago mangyari ang insidente.“Kasi kung hindi mali ang pagkakaalala ko, pwe
“Kris? Buhay ka?”“Gwen… Mr. Soriano,” pagtatama ko sa kanya at tiyaka naupo roon sa upuan kaharap siya at ‘yong siguro ay kanyang alalay. “Kris died a long time ago. You murdered your wife. Have you forgotten-”“Oops. I’m sorry for the word.” Bigla ko kasing nakita ang panlalaki ng mga mata no’ng kasama niyang babae. Nagulat yata nang malaman na ‘yong amo niya, murderer pala dati. “I mean… Do you know what caused her to die?”“Are you really serious… you’re not my wife-”“Mister Soriano… Do you think there’s still room for a joke time here? Wala ako sa mood na makipagbiruan lalo’t hindi naman tayo close. Baka nga hindi ka rin aware na may twin sister si Kris.”I smiled again before shifting the topic. “Anyway, I’m not expecting you’re going to bring your ‘alalay’ here. Ano bang maiaambag niya rito?”“Hindi niya ako alalay, miss. Ang judgemental mo naman. Fiancé ako ni Liam. I’m Jessica, hmm?”“You look like not,” taas-kilay kong sagot. “Anyway, just tell us anything we can offer to h
“Sure kang kay Imelda Soriano ang kabubukas na restaurant na ‘yan?”“Opo, ma’am. Buffet restaurant po ‘yan, and ang alam ko po ay nag-grand opening na po sila noon pa pong isang linggo. Nakakagulat nga po na hanggang ngayon ay dinudumog pa rin po sila ng mga customers.”“Balita ko rin po kasi ay bukod sa mura ‘yong mga foods, masasarap din daw po,” dagdag pa nito.“Oo o hindi lang naman ang hinihingi ko sa iyong sagot, Dianne. Sinabi ko bang dagdagan mo ng explanation?”Bakas sa mukha niyang hiyang-hiya siya dahil doon. Napakadaldal naman kasi.“Anyway, I want you to keep an eye on that place.”“P-Po? Ano pong gagawin ko-”“Madaldal na nga, lutang pa. Ano ka ba, Dianne? Hindi ka ba nakapag-breakfast?” I pronounced, irritatedly. “Basta manmanan mo ang lugar na ‘yan at bigyan mo ako lagi ng update. Klaro?”“Yes, ma’am.”Balak ko rin sanang puntahan o kahit bisitahin man lang ‘yong loob, kaso ang daming tao. Pati nga ‘yong labas ng restaurant ay mayroon nang mga silya at table doon, and
“Ma? Hello to my beautiful mother. Are you still with me?” Bumalik lang ako sa katinuan nang ang kaharap kong si Audrey ay kumakaway sa akin. “Parang ang lalim po ng iniisip mo kanina pa. What’s the matter, ma?”“Uh… it’s something… you don’t have to think about. Basta tapusin mo na muna ‘yang kinakain mo nang maka-diretsyo na tayo sa singing lesson mo. Okay?”Mula sa school niya ay didiretsyo na talaga dapat kami sa Bernard’s Singing Studio, e kaso itong si Audrey ay biglang pinahinto muna ‘yong sasakyan para kumain sa nadaanan naming karinderya.Nakipagtalo pa talaga ako sa kanya kung sure ba siyang sa gan’tong klaseng lugar kami kakain… e, kadalasan pa naman ng mga pagkain sa gan’tong kainan ay dinadapuan na agad ng langaw bago pa man makain ng customer.But then again… Audrey wins the battle against me.Kaya hinayaan ko na lang din siyang kumain, pero ako… hinding-hindi niya ako mapipilit na kumain sa gan’tong klaseng lugar.Galing ako sa hindi karangyaan na pamilya pero hindi nam
Hinayaan ko na lang din sa gusto niya si Liam. Habang wala pa naman sa bahay namin si Henrix, at si Audrey naman ay kaaalis lang ng bahay dahil sa kaklase niya siya mag-o-overnight para tapusin ang research paper daw nila, wala namang dahilan para kabahan ako if I ever let Liam enter our house.Nang mapanatag na rin ang kalooban niya, at the same time… in order for him to stop pestering me for thinking I’m his late wife… mainam nang dito pa lang, sa oras na hindi niya mahanap sa mga gamit ko ang damit na hinahanap niya, titigilan niya na ako.Because it so happened that the shirt he was looking for… was with Lucile. Noong nakaraang nagpasama ako sa kanya rito sa bahay noong sina Henrix at Audrey ay ginabi sa panonood ng concert ng SB19, wala akong kasama sa bahay. Si Henrix na rin ang nag-suggest na ayain ko raw na dito na sa bahay mag-overnight si Lucile nang may kasama naman ako.The morning before she’ll go to work, naligo siya, syempre… and I let her borrow our anniv shirt.Kaya w
Padabog siyang tumayo, na kaunting saling pa ay matutumba na ‘yong babasagin naming pitchel. “Ewan ko sa iyo, Kris. Hindi ko maintindihan kung bakit ipinasok mo pa sa usapan si Maui, and then ngayon sinasabi mong sinungaling siya. ‘Yong totoo, what’s happening to you?”“Sa atin…” A long sigh was heaved as I averted my gaze to him. “What’s happening to us? We’re able to make our attachment strong just now… and then… with your foolish heart ruling your mind and soul… sa kanya ka na naman bumabalik.”“I’m not seeing her anymore-”“Alam kong dati akong naging tanga! Kaya nga naimbento ‘yong salitang ‘pagbabago’ para ‘yong kagaya ko… maalala na may utak nga pala ako na available 24/7 para paganahin. Marunong na akong mag-isip ngayon, Hen! May mata rin ako. Malinaw pa ‘to sa grado ng salamin kaya kitang-kita ko na palihim kayong nag-de-date!”Imbes na masarap na putahe sana ang pagsasaluhin naming dalawa ngayong gabi, puro pa sama ng loob at kadramahan ko.Napuno na ako. Full storage na ‘yo
"Hen..." Without completing my name, sunod-sunod na umagos ang luha sa mga mata ni Kris habang nakakapit pa rin siya sa kamay ko.Agad akong umupo upang makapantay siya. Nawalan na ako ng pake kung mayroon mang nakatutok na mga camera sa amin ngayon. Itong pagkakataon na malaman kong naaalala na ako ni Kris ang hindi ko kayang palampasin."Do you... remember me now?""Your name has always been... inside this." Habang hawak ang kamay ko, she placed it on her chest-well, not the breast part."Sorry... I'm very sorry kung nakalimutan ka ng isip ko, Hen. Hindi ko rin alam kung paano nangyari-"I really hate to see her cry, so para hindi ko makita na umiiyak siya... sa pamamagitan ng pagyakap ko sa kanya, likod na lang ng ulo niya ang makikita ko.Because when she cries, nasasaktan din ako."Hindi mo kasalanan 'yon. Hindi rin naman ako galit sa iyo kasi kinalimutan mo ako nang limang araw," natatawang tugon ko."Binilang ko talaga 'yong araw na hindi mo ako maalala para mailista ko sa list
"We're here to visit Miss Gwen. Saan ba siyang room, Doc-"Humarap ako roon sa nagtatanong na babae, at napagtantong sina Tanya at Corrine 'yon.Both of them are wearing glasses.The only difference they had is Tanya is wearing a puff crisscross back dress na color white and she pairs her outfit with a strap trendy flat sandals in beige color.While Corrine's outfit is always simple yet classy. She wears a solid cut out Mandarin collar dress and paired it with a black minimalist metal decor point toe slingback pumps.In other words, Tanya's outfit is how SHOPEE app users dress, while Corrine is for SHEIN's users."Remind ko lang kayo na hindi siya nakakaalala," sabi ko roon sa dalawa bago sila pumasok sa kwarto.At sabay rin naman silang napaatras."She has suffered a minor internal bleeding on her brain. As a complication, she lost her memory. Pero short-term memory loss naman ang kanya.""There's still no definite time as to when she will regain her memory," I added."So... hindi ni
Naisip kong bago ako bumalik sa ospital, dumaan muna ako sa burol ni Lucile. I can't just not show myself there and exhibit my greatest sympathy because of her family's loss.Kahit na ang dami niyang ginawang kasalanan sa buhay namin ni Kris, still I have at least percent of gratitude for her for offering a friendship to Kris... kahit na hindi naman totoo."Nakikiramay po ako."Hindi ko kilala 'yong sinalubong kong matanda, but I guess she's one of the family member of the Soriano's.So, I proceeded to the long coffin and placed the flower I bought on the top of it. Now... as I was able to see the dead body of Lucile, confirming she was really dead, magkahalong lungkot at saya ang nararamdaman ko.Maybe she has run out of time to change, but then... deserve niya naman.Sa akin na may atraso siya, nakakatuwa naman talagang sinundo na siya ng kampon ng demonyo. However, nalungkot din ako kasi hindi niya na matutuloy 'yong kaisa-isang tama na nagawa niya sa buong buhay niya-to save the l
"Doon na kayo dumaan," turo niya sa likod na bahagi namin at mayroong pinto roon."Daan 'yan palabas dito. May kotseng nakaparada roon at... sakyan n'yo na. Mas hassle kung kukunin n'yo pa sa harap ang kotse n'yo. Anumang oras ay nandito na ang mga pulis.""Sumama ka na sa amin-""Hindi na, Liam." Lucile gave us her weak smile. "Hangga't buhay ako, hindi ko hahayaang makaapak ang mga pulis sa teritoryo ko. Hanggang sa huling hininga ko, poprotektahan ko sila."'Yong mga aso't pusa rito sa loob na ang iingay at masayang naglalaro, sobrang swerte nila to have Lucile. Na kahit gusto ko man na sumubok na kumbinsihin si Lucile na tumakas na lang, alam kong mabibigo lang ako.Because right at this moment, mas nananaig sa puso niya ang pagmamahal sa mga alaga niyang inampon niya at pinalaki rito sa kuta niya sa gitna ng bukid."Kris, tara na-""Umalis na kayo, Kris!" narinig ko ulit ang nakakabinging sigaw niya sa akin. "Hayaan mo na akong mamatay rito. Deserve ko naman, sis.""Lucile, pleas
"Excited much, Liam?" Sumakit ang tenga ko sa mala-mangkukulam na tawa ni Lucile. "Nag-uusap lang naman talaga kami. Because we have some sort of agreement.""He begged me not to speak about the truth to Audrey. Binantaan ko kasi siyang ako ang magsasabi kay Audrey na hindi si Henrix ang tatay niya-""So, sa iyo nalaman ni Audrey ang lahat?!"Hindi na ako nakapagpigil pa sa pagkakataon na ito, nagawa kong makawala sa siko niya, ngunit hindi sa tutok ng baril ni Lucile sa akin."Kailan mo ba matututunan na manahimik sa mga nalalaman mong hindi pa p'wedeng ipaalam sa iba, Lucile?""Don't talk like it's my fault, Kris. Kasi kasalanan mo naman talaga ang lahat, okay? It should be you who deserved to be blamed... kasi ikaw itong hindi marunong pumili ng tao na pagkakatiwalaan ng mga sikreto mo."I gasped in the air, realizing the huge mistake I've made in my entire life."Lucile, pakawalan mo na kami. Sumama ka na lang sa amin sa mga pulis-""Kung makakasama kita sa kulungan, Liam... bakit
"I think we're here."Namatay na ang engine ng sasakyan nang maigilid na ito ni Liam."Susunod naman si Henrix sa atin. Kung kakailanganin man natin ng backup, I hope... on time silang dumating dito."Sabay kaming bumaba ng sasakyan at pinasok ang isang... uhh... nag-iisang pintuan sa gitna ng bukid?Nang subukang buksan 'yon ni Liam, nakakandado sa loob. Kaya't ginawa na niya ang ipinagbabawal na technique; sinira niya na ang doorknob. At... bumungad sa amin ang medyo may kahabaan na hagdan paibaba. Sumunod lang ako kay Liam nang mauna siyang bumaba roon.Jusko, ano bang klaseng lugar ito?Mayroon namang mahabang pasilyo ang dadaanan namin. Sa magkabilang salamin ng makipot na pasilyo, tanaw ko roon ang laman nitong underground place na pinagtataguan ni Lucile-mga hayop. Mga aso at pusa na may kani-kaniyang kulungan at ang iingay nilang magsitahol."Ito siguro ang dahilan kung bakit nalubog kayo sa utang?" Ang tinutukoy ko kay Liam ay ang presyo ng pagpapagawa ng gan'tong klase ng ku
(Two Voices, One Song is now playing)"Call me unfair for not telling you about this surprise, hindi ka tuloy nakapaghanda," hiyang-hiya niyang tugon habang napapakamot sa kanyang batok nang matapos na 'yong kanta. "Hindi na kasi matatawag na surprise ito kung alam mo na ang mangyayari.""Ano nga bang okasyon, Hen?" medyo nauutal pa ako kasi... hindi pa rin ako maka-get over sa ganda ng kanta at dahil sobra kong na-enjoy 'yong pakikinig."Special day ang September 18, nakalimutan mo na ba?"Inisip ko nang matindi kung anong okasyon ang mayroon sa petsang binanggit niya... kung kaninong birthday, binyag, kumpil? Ano ba? Wala naman akong maalala."You forgot that the same day Audrey celebrated her birthday... anniv namin ni Gwen 'yon," bumulong siya sa akin. "At 'yong ngayon naman, I consider this day our anniversary-the exact day you choose to consider me as your second home."Muli na namang umawang ang bibig ko, at sandali lang din ay natawa na lang ako.Because he's telling the truth
"Kung hinayaan kitang pumasok doon, sayang naman na hindi mo naipanganak si Audrey." Parang nanumbalik ang kulay ng mundo ko when Henrix mentioned Audrey's name."You started your life with totally none. With a total blank page. And when you gave birth to Aud, hindi lang buhay mo ang nagkaroon ng kulay... kung hindi pati 'yong akin, nagkaroon ng kabuluhan while playing as her father temporarily.""Yeah..."While capturing the memories, the moments, the beautiful images my mind could remember since I gave birth to Audrey until she grew up, while reminiscing those... I could say that my daughter has always been my reason why I'm still fighting for life."Si Audrey... siya 'yong kaisa-isang magandang pangyayari na naganap sa buhay ko. Nang ipanganak ko siya... I'm proud of myself that... for once in my life, nakagawa ako ng tama.""Paano ba maging tama para sa iyo?"Abala akong nag-s-senti rito, kaso bumanat na parang siraulo si Hen. Ewan ko ba kung seryoso ba siya sa itinanong niya o sa
"Well, we... we really have to show them we're in love... that the proposal is sincere. Gusto nila ng kasal since magkakaroon na nga ng baby. And so, that happens. Kaya lang kinausap ko na si Maui about dito. The situation happening right now is already beyond the plan we had before."Now I realize everything. Na kaya pala noong mga panahong sumubok ako na hamunin si Henrix na magsabi sa akin ng totoo, hindi niya magawang magsalita."If the plan continues, magiging komplikado lang ang lahat. So, I tried my best to convince her be brave enough na magsabi na ng totoo sa mga magulang niya. Lalo ngayon na umuwi pa talaga rito sa Pilipinas si Mama dahil asang-asa siya na ikakasal kami ni Maui."Hesitant siyang tumitingin sa akin at agad rin namang umiiwas. "You know... ayokong abalahin naman 'yong mga magulang kong may trabaho sa ibang bansa para lang sa okasyong hindi naman totoo... so, I begged Maui to start to speak the truth to everyone who deserves to know about it."And when Maui beg