Vampire High Student~~~~Clementine POVNakatingin lang ako kila Lit na seryosong naka tingin kay Vixie."Sino naman kayo para utusan ako?"nahihibang na tanong ni Vixie."Kami ang mga studyante ng Vampire High, at sama sama naming babawiin si Clementine at Fin." Sabay sabay na sabi nilang lahat.Napangiti ako sa tinuran nila.Natawa si Vixie."Ano? Babawiin niyo sino? Si Clementine? Nahihibang na ba kayo?"natatawang tanong ni Vixie."Babawiin niyo ang halimaw na yan?"tanong ni Vixie. Napa tingin ako sa mga studyante ng Vampire High."Isa siyang Gredator at papatayin--""Hindi lahat ng Gredator nananakit." Putol ni Lit sa sasabihin ni Vixie."Paano mo naman nasabing hindi siya nananakit?"tanong ni Vixie.Ngumisi si Lit at tumingin sa akin."Simula ng tumapak sya sa Vampire High, alam na naming lahat na isa siyang Gredator. Kung isa syang masamang Gredator... Sana inisa isa niya na kami." Sabi ni Lit habang naka tingin sa akin. Napa tigil ako sa sinabi niya.Ibig sabihin... Mas nauna p
Devil's Game~~~Fin POV"Mag laro tayo." Sinubukan ko pang habulin si Vixie habang hawak niya si Clementine ngunit bigla silang nawala. Shit!"Tangina." Mura ko at inagaw sa isang tao ang hawak niyang spada saka hinarap sila Liana."Mag hiwa-hiwalay tayong lahat! Hanapin niyo si Vixie at siguraduhin niyong patay na siya!"sigaw ko at lumipad saka tinanaw ang buong lugar pero wala akong makitang Vixie.May mangyare lang talagang masama kay Clementine sinisigurado kong mababaon sa hukay ang katawan ng Vixie na yan.Sinimulan kong mag hanap sa buong sulok ng lugar para lang mahanap si Vixie ngunit wala akong makitang bakas niya.Shit!Leona POV"Kayong lahat! Kung ayaw niyong madamay sa gulo ng mga bampira mag siuwi na kayo at isarado lahat ng bintana at pinto niyo! Sa oras na may makita pa kaming taong pagala gala sa labas sisiguraduhin kong mauubos ang dugo niyo!" Sigaw ko dahilan para magka gulo ang mga tao at dali daling nag siuwian sa kanilang mga bahay."Kayong lahat!" Napa tingin
Devils End Game~~~~Clementine POVNapadpad kami ni Vixie sa tapat ng rebulto na nakatayo sa gitna ng city."Nakikita mo ba ang rebulto na yan Clementine?"tanong ni Vixie sa akin habang may nakatutok na kutsilyo sa leeg ko."Yan ang rebulto ng iyong ama. Hindi ko alam kung bakit may ganyan pa jan sa kabila ng siya ay isang halimaw.""Tama na please."umiiyak kong sabi."Puro iyak nalang ba ang kaya mo?"tanong ni Vixie at tinulak ako palayo sa kanya. Napa upo ako sa sahig."Kanina pa ako nakikipag laro sa mga bampirang walang kwenta, bakit hindi ko subukang makipag laro sa halimaw na gaya mo?"tanong niya at inihagis sa dereksyon ko ang isang spada niya."Ang sabi, isang magiting na Gredator ang iyong ama. Nakikipag laban at magaling sa labanan, bakit hindi ko subukan ang angking galing ng kanyang anak."nahihibang niyang sabi at kinuha ang isa niyang spada."Tumayo ka jan Clementine, lumaban ka para sa buhay mong walang katuturan." Pagkasabi niya non ay agad niya akong sinugod. Mabilis
Clementine~~~Fin POV"Salamat at nagamit ko ng maayus ang kapangyarihan ko." Natatawang sabi ni Clementine at tinignan ang sarili niya. Hindi tumitigil ang pag agus ng dugo mula sa sugat at mga saksak niya, halos madurog ang puso ko sa kalagayan ng babaeng pinaka minamahal ko."Clementine..." Nilingon niya ako ng naka ngiti na para bang walang iniindang sakit. Agad tumulo ang luha ko ng muling mag flashback sa isipan ko na iniligtas niya ako."Wag.... Kang umiyak.... Magiging ayus lang ang lahat." Sabi niya at hinawakan ang mukha ko. Naramdaman ko ang panhihina sa buong katawan niya, ang kanyang mga mata ay puno ng sakit."Inaantok na ako Fin." Sabi niya dahilan para Umiling ako. Hinawakan ko ang kaliwang kamay niya at hinalikan iyon."Hindi, hindi ka pwedeng matulog Clementine naiintindihan mo ba?"umiiyak kong sabi. Ngumiti siya at pinunasan ang luha ko.Pilit niyang inabot ang spadang naka saksak sa kanyang likod at tinanggal iyon. Napa pikit ako ng marinig ko ang pag daing niya s
Fin POVNakatayo ako at naka tingin sa mataas na gate ng Vampire high. Isang ngiti ang kumawala sa aking mga labi habang naka tingin sa Gate ng Vampire High.Hindi ko lubos akalain na madaming ala-ala ang aking babaonin sa pag labas ng Vampire High.Simula junior to senior, masasabi kong napaka rami kong dadalhing ala-ala.Ngayun na ang araw kung saan ako ay nag tapos na sa pag aaral. Ibig sabihin ay makakalabas na ako sa Vampire high. Sa labas ng Vampire high na iikot ang mundo ko."Fin! Tara na!" Nilingon ko ang tumawag sa akin at nakita si Liana na dala dala ang gitara niya."Kahit kailan talaga napaka bagal." Entra naman ni Leona na dala dala ang kanyang alagang aso. Muli kong binalingan ng paningin ang gate ng Vampire High at ngumiti."Hanggang sa muli." Sabi ko at sumunod kila Leona at Liana sa pag sakay sa sasakyan.Sumakay ako sa sasakyan at umupo sa tabi ni Leona."Siguradohin lang ni Creed na may pagkain sa bahay." Banat ni Liana."As if naman marunong mag luto ang hilaw na
"Nananahimik ako dito tapos bigla mong guguluhin puso ko? Panindigan mo to o ipapakulong kita?" Tanong ni Creed sa kaharap niyang babae. Kumunot ang nuo ng babaeng kaharap nito."Teka teka. So pinapalabas mo na kasalanan ko kung bakit may sakit ka sa puso?" Kunot nuong tanong ng babae kay Creed. Napa mura si Creed sa kanyang utak at huminga ng malalim."Pasalamat ka mabait ako kung hindi baka--""Baka ano?""Baka pinakasalan na kita." Gatong ni Creed dahilan para matigilan ang babae."Ang slow mo naman. Akala ko ba alam mo lahat? Bat hindi mo alam na mahal kita? Tsk tsk. Ginugulo mo utak at puso ko 24/7 kaya dapat pakasalan mo ko pag hindi mo ko pinakasalan ipapakulong kita sa salang robbery." Naka ngising sabi ni Creed at biglang sinunggaban ng halik ang babae.~~~Creed POV"Hoy! Ano ba naman yan! Nakaka inis na ha!" Sigaw ni Von kay Van matapos nilang mag laro ng Mobile Legends."Aba kasalanan ko bang Cancer ka sa larong yan?" Natatawang tanong ni Van kay Von."Hoy! Pinapalabas mo
The Girl.~~~~Creed POVImbis na dalhin siya sa hospital ay dinala ko nalang siya sa bahay ko.Yung bahay ko na ako lang mag isa hindi yung kasama sila Fin ah.Pasensya na ang dami ko kasing bahay. Ganyan talaga pag mga gwapo.Saan ka pa makakakita ng bampirang mayaman, mabait at Gwapo diba? Mwahahaha.So ayun nga, dinala ko yung babaeng muntik ko ng masagasaan dito sa bahay ko. May nakalimutan kasi akong papeles dito sa bahay kaya dito ko nalang siya dinala.Ipapa asikaso ko nalang to kay manang, kailangan ko rin agad umalis eh."Manang? May babae don sa sofa naka higa at walang malay. Ikaw na muna bahala sa kanya kasi aalis pa ako." Sabi ko agad namang tumango si Manang."At saka nga pala. Pag nagising siya bigyan mo pagkain at wag mong papaalisin." Sabi ko. Muli siyang tumango. Nag teleport na ko papunta sa kotse ko saka nag maneho papunta sa opisina ko.3 AM na ako natapos sa gawain ko sa opisina. 3:30 AM na ako naka uwi sa bahay ko. Pag dating ko don ay nasa sofa parin yung baba
Fin's Wedding.~~~Creed POV"Bakla ka na ba ngayun? Nakaka diri ka." Sabi ko kay Fin na ngayun ay umiiyak habang hinihintay ang pag pasok ni Clementine sa Simbahan."Bitter ka kasi, kung ikaw kaya ang ikasal di ka maiiyak?" Gatong naman sakin ni Von."Hindi no, bat naman ako iiyak? Patay lang ang iniiyakan." Sabi ko."Anjan na siya." Sabi ni Van. Lahat kami ay naka tingin sa pintuan ng Simbahan at ng mag bukas iyon ay nakita namin ang napaka gandang si Clementine na naka suot ng wedding gown.Napa ngiti ako.Parang dati lang crush ko pa tong babaeng to, ngayun pinang didirian ko na sila ni Fin. Masyado silang sweet ang sakit sa mata sarap nilang itapon.Dahan dahang nag lakad si Clementine palapit sa gawi ni Fin."Lil Bro." Sabi ko at tinapik ang balikat ni Fin."Congrats." Naka ngiti kong sabi. Ngumiti sa akin si Fin at bigla akong niyakap."Salamat... Kuya" with that napa tigil ako at biglang napaluha ng marinig ko mula sa kanya ang salitang Kuya."Teka totoo ba itong narinig namin
Van POV(A/n: Play Get you the moon by Kina)Napa ngiti ako ng mag simula ang kanta. Napa lingon ako kay Von ng tapikin niya ang balikat ko. Naka ngiti siya sa akin at niyakap ako."Congrats bro." Bulong niya."Thank you." Sabi ko. Tumingin ako kila Creed at Fin na natatawa."Congrats." Sabi ni Creed at niyakap din ako. Inirapan pa ako ni Fin bago yakapin."Welcome to the club men." Bulong niya kaya natawa ako.Binalik ko ang paningin ko sa pinto. Agad na bumilis ang tibok ng puso ko ng pumasok sila Ozix at Hazler. Sunod non ay si Aphrodite at Leana at Leona. Sunod ay ilang mga kaibigan namin hanggan sa makita ko na ang babaeng pinaka mamahal ko suot ang kanyang weeding gown na ako mismo ang pumili noong panahong pinag pipilian namin kung ano ba ang mas magandang gown.Agad na tumulo ang luha ko sa saya ng makita siyang dahan dahan na lumalapit sa akin habang naka ngiti."Napaka Ganda niya." Bulong ko. Nagulat ako ng abutan ako ni Von ng panyo. Natatawa ko iyong kinuha saka pinunasan
Van~~~~Cleopatra POVNaka tingin ako sa langit habang pinapanuod ang pag kislap ng mga bituin. Huminga ako ng malalim ng maramdaman ko ang lamig ng simoy ng hangin."Cleopatra." Napa tingin ako sa tumawag sa akin. Si Aphrodite. Ngumiti ako ng makita siyang nag lalakad palapit sa akin."Bakit?"tanong ko ng makalapit siya sa akin. Umiling siya at ngumiti."Miss mo na siya no?"biglang tanong niya. Napa tingin ako ulit sa kanya at tumango tango."Sobra." Sagot ko. At tumingin sa kalangitan."Tuwing tumitingin ako sa bituin sa langit naalala ko siya." Sabi ko at agad na namuo ang luha sa aking mga mata."Hindi ka parin ba napapagod?"tanong nya. Agad akong umiling."Hindi... Hindi ako mapapagod kaka antay sa kanya Aphrodite." Sagot ko."Dalawang taon ka nang nag aantay Cleo." Sabi niya. Agad na tumulo ang luha ko."Kahit ilang taon pa yan Aphrodite, hihintayin kong mag balik siya. Hihintayin kong magising ulit si Van." Sabi ko. Ngumiti siya sa akin at pinunasan ang luhang tumulo sa mga ma
White Alpha~~~Fin POV"Sino yang malaking itim na lobo?"tanong ko habang naka tingin sa maitim at malaking lobo."Si Grego, ang pinuno ng mga Black alpha. Nabuhay ulit siya." Sagot ni Freddrick habang naka tingin din sa tinitignan ko."At sino naman yang puting malaking lobo?"balik na tanong ni Freddrick."Si Von?"tanong na sagot ko."Tanga si Van yan." Sagot ni Von na nasa tabi ko pala. Napa tingin ako sa puting malaking lobo na naka tayo sa harap ni Cleopatra."Oh? Si Van yan?"tanong ko saka tumingin kay Von."Kaya nakakatakot kayo minsan asarin eh."sabi ko at binalik ang tingin sa harap.Naka tayo si Van sa harap ni Cleopatra. Gaya nong itim na lobo, kulay pula din ang mga mata ni Van habang naka tingin sa itim na lobo.Tumingin naman ako sa mga black alpha na ano mang oras ay susugod sa amin."Basta pag may sumugod na black alpha, mag tatransform agad ako bilang paniki. Tamang lipad lang habang pinapanuod ko kayo mamatay."sabi ko kaya naka tanggap ako ng batok mula kay Von. Inir
Blood of Life.~~~~Fin POVNapa lingon sa amin si Freddrick."Ready na?"tanong niya."Teka, nasaan yung iba? Bakit tayo tayo lang?"tanong ko.Umirap siya kaya tumaas ang kilay ko."Bakla ka sis?"tanong ko kaya kumunot ang nuo niya."Mamaya na kayo mag talo."singit ni Aphrodite at tumingin sa labas."Mag gagabi na. Lalakas ang mga pwersa ng Werewolves pag full moon."sabi ni Aphrodite at lumingon sa amin, isa isa kaming lumabas sa sasakyan, sinuri ko ang lugar kung nasaan kami ng biglang lumapit sa akin si Freddrick."Lagot ka sakin mamaya pag nag transform ako bilang werewolf." Bulong ni Freddrick sakin. Nag make face lang ako saka natawa."Takot ako sis nanginginig ako oh."sabi ko at nanginig. Natawa si Creed sa ginawa ko. Sumeryoso ang awra ko at lumapit sa kanya."Lagot ka saken pag kinausap mo ulit ang asawa ko." Seryoso kong sabi at pinakita ang pangil ko."Kahit walang full moon, tandaan mo. Anytime pwedeng pwede kong ubusin yang dugo sa katawan mo. Hindi lang dugo ng tao ang i
Cleopatra~~~Von POVNapangiti ako ng makitang bumalik na sa dating kulay niya si Van. Pero wala parin siyang malay simula ng mag suka siya ng dugo kanina."Hindi dapat sumama si Cleopatra sa kanila."sabi ni Freddrick kaya napa tingin ako sa kanya.Ilang minuto palang ng maka alis sila kasama si Cleopatra. Lahat ng bisita sa kasal ay nag kagulo pero pinakalma ni Fin at pina uwi. Kasama na don ang mga magulang ni Cleopatra at si Papa."Napauwi na ang lahat." Sabi ni Fin. Nilibot ko ang paningin ko. Kaming mag kakapatid nalang ang nandito kasama si Freddrick, Aphrodite at yung Xanth daw na boyfriend daw ni Leana."Pinauwi ko na din sila Clementine at Rizden para bantayan si Ozix." Dagdag ni Fin saka tumingin kay Van."Kailangan nating mabawi si Cleopatra." Lahat kami ay napa tingin kay Freddrick."Once na makuha nila ang dugo ni Cleopatra, bubuhayin nila Pheonex ang pinaka leader nila. Pag nabuhay ang pinaka leader nila, malaking problema." Sabi ni Freddrick."Kailangan nating mag pla
Poison~~~~~Fin POVNatahimik ang buong paligid ng may sumigaw ng 'itigil ang kasal.' hindi lang isa, hindi lang dalawa ang sumigaw kundi tatlo.Sila Cleopatra, Von at si Van. Napa tayo kaming mga Vaughn ng makita si Van na parang lantang gulay. Naka tayo siya sa pinto ngunit naka suporta ang mga kamay niya sa pinto para di siya matumbay. Kulay itim ang labi niya at sobrang putla niya. Kita ang mga ugat niya at naninilaw ang mga mata niya.Nag alala ako sa kalagayan nya dahil halatang may sakit siyang dinadaing.Inihakbang niya ang isang paa niya sunod ang kabila. Dahan dahan siyang nag lakad papunta sa gitna pero hindi pa man siya nakaka dating sa gitna ay natumba na siya.Naka tingin lang kaming lahat sa kanya. Pinipilit niyang tumayo pero parang nawawalan siya ng lakas."I....tigil niyo ang... Kasal." Hindi naka takas sa pag tulo ng mga luha ni Van habang naka tingin sa harap."Van..." Napa tingin ako kay Cleopatra na umiiyak na din habang naka tingin kay Van."Paki....usap, itig
The Wedding.~~~Leana POVI make silip sa pinto ng dressing room ni Cleopatra before i enter the room. I smiled when i saw Cleopatra na naka ayus na."Hi." I smiled widely when she saw me na pumasok."I'm just came here to say Hi." Sabi ko at nilabas ang dala ko."By the way, I'm going to give this to you na."sabi ko at lumapit sa kanya saka inabot ang little gift ko for her."Are you ready na ba? 25 minutes to go before your wedding starts."i asked.She just smiled and tumango bilang sagot."Ughm... I don't think if makaka punta si Van, he's been slee--""I know." She cut me off so i just smiled."Ughm... If you don't mind, what's happened ba? I thought you guys are okay and as far as i know you both love each other. So why are you going to make kasal with Von?"tanong ko.I hope she'll answer my question so that ma open up ko sa kanya ang tungkol kay Aphrodite."Mas pinili niya si Aphrodite." Sagot niya. I make kuha the chair and umupo sa tabi niya."What do you mean about that?"tan
Aphrodite~~~~Fin POV"HOW DARE YOU!" agad na sigaw ni Creed kay Aphrodite pag pasok na pag pasok palang nila ni Leana. Natigilan agad ang dalawa.Napa irap ako."Paki sabi nga sakin, sino ba ang nag sabi kanina na aawatin ako?"tanong ko kay Leona."Wait what's your problem ba?"tanong ni Leana kay Creed."Paupuin mo muna kase sila Creed."singit ko at nag cross arms."Okay....? So what's meron?"tanong ni Leana ng maka upo sila ni Aphrodite sa harap namin."Ang lakas naman talaga ng loob mo para pumunta pa dito sa bahay namin after ng ginawa mo kay Van." Sabi ko kay Aphrodite. Kumunot ang nuo niya."What?"tanong nya."Wag mo kami ma english english jan."sabi ni Von kaya mas lalong natahimik siya."Anong ginawa mo kay Van?" Tanong ni Leona."Huh?"takang tanong niya."Bingi ka ba ha?"tanong ni Creed."Easy men, ako dapat ang nang gagalaiti dito."bulong ko."Tayong dalawa nalang men."bulong niya."Teka lang ah."sabi niya at inangat sa ere ang kamay."Hindi ko kayo maintindihan. Anong gin
Sleeping Van~~~Cleopatra POVIsang araw na ang lumipas ngunit hindi parin pumupunta si Van sa bahay namin. Sa pag kakatanda ko at dapat kahapon ay pupunta dito si Van pero hindi sya pumunta.Napa buntong hininga ako at sumilip sa bintana.Ano na bang nangyayare sa kanya? Ni wala akong balita tungkol sa kanya. Gusto ko siyang puntahan pero mas umiiral ang pride ko."Sino bang masusunod sa amin ng pride ko?"bulong ko sa sarili ko kaya agad akong tumakbo pababa ng kwarto ko at nag lakad para kunin ang susi ng sasakyan saka nag lakad papunta sa kotse.Hindi ko na kaya. Masyado kong mahal si Van para tiisin siya. Katangahan ang ginawa kong hindi pakikinig sa kanya noon.Sadyang umiral ang emosyon ko ng mga oras na iyon.Pasakay na sana ako ng Kotse ng may tumawag sa akin."Cleopatra." Napa lingon ako sa likod ko at nakita si Van. Napa ngiti ako ng di oras."Van..." Tawag ko at lumapit sa kanya saka siya niyakap. Hindi niya ako niyakap pa balik pero hindi ko iyon pinansin."I'm sorry..."