Share

Chapter 32

Author: sung_sungie
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

3 months later

"Konnichiwa Rensu-desu! Mite, Mite. Watashi no neko hontoni kawaii!"

Rinig kong hyper na sabi ni Wendy habang hawak hawak ang isang pusa na hindi ko alam kung saang lupalop nya napulot.

Hindi ko naintindihan ang sinabi nya kaya agad na kumunot ang noo ko at nagtatakang humarap sakanya.

"Why are you speaking Nihonggo to me, Wendy? Nakalimutan mo na bang hindi ako taga rito?" I asked her na agad na ikinatabas ng nguso nya pababa. Marahan nyang hinaplos ang balahibo ng pusang hawak nya bago muling nagsalita.

"Of course not! But it's my own language, Rensu so I can't help it." paliwanag nya.

Siguro nagtataka kayo kung sino sya 'no?

Well, she's Wendy Miura. A good friend of mine. She's half Japanese and half American. Hindi sya fluent sa tagalog pero nakakaintindi naman sya ng ibang salita kagaya ng sinabi ko kanina. Cosplayer sya kaya nakasuot sya ngayon ng pang sailor moon na costume.

Where did I meet her?

Dito rin mismo sa Japan.

Hindi naging madali para saakin ang pagtir
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Lorna Pepito Tejero
Ang Ganda ng story nyo.more update pa Po.
goodnovel comment avatar
Marge Lumague
i love your story sana every night my update
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Unwanted Marriage    Chapter 33

    [ALEA's POV]10 years.Do you still consider it just as a simple crush if you already like someone for ten years?Sampung taon ko na syang gusto pero iba naman ang gusto nya. Hindi naman sya gusto ng taong gusto nya dahil kagaya nya ay may gusto rin itong iba.It's so complicated lalo na't parang nakababatang kapatid lang ang turing nya saakin. Sampung taon ko ng tinatago ang nararamdaman ko para sakanya, umaasang baka isang araw ay mawala rin iyon pero kahit anong gawin ko ay paulit-ulit parin akong nahuhulog sakanya.Nandito ako ngayon sa isang coffee shop habang tinitignan ang taong gusto ko habang busy ito sa pag babasa ng bagong libro na binili nya sa national book store.He became more mature sa suot nyang eyeglasses at bumagay rin ang bagong kulay ng buhok nya.He look so handsome as ever."Why are you staring at me like that, Alea? May dumi ba ako sa mukha?" takang tanong nya nang mapansing kanina pa ako nakatitig sakanya.Dalawang beses akong umiling bilang sagot."Wala naman

  • Unwanted Marriage    Chapter 34

    "What? He's the biological father of Gavina?!"Hindi makapaniwalang tanong ni Wendy nang ikwento ko sakanila ni Soichi na yung lalaking nakahanap sa anak ko kanina ay yung totoong ama ni Jayel.She was so shocked and the expression on her face can tell it.Maging si Soichi ay nagulat rin dahil sa sinabi ko pero mas pinili nyang 'wag nalang umimik."How did it happen? I mean, what are you going to do now, Florence? He deserves to know the truth!" Wendy said.I shook my head several times."I also don't know what I should do, Wendy.. I was shocked and speechless earlier. I don't know that Gavina's biological father is also here in Tokyo Japan right now.." gulat paring sagot ko bago yumuko.I want to hit myself.Siguro ay nanghihinala na ngayon si Gavin na anak nya si Jayel. O kung hindi naman ay sigurado akong magtataka sya kung ba't ang pangalan nito ay nakahalo mula sa pangalan nya. Natatakot ako na baka malaman nya na meron kaming anak na dalawa.Bakit ba kasi nandito ngayon si Gavin

  • Unwanted Marriage    Chapter 35

    Pagkarating sa bahay, nakatulog sa byahe si Jayel kaya kinailangan pa itong buhatin papasok sa loob.Dahil makulit si Gavin katulad ni Gavina ay sya na ang nag presintang buhatin ang anak ko papasok sa loob ng sarili nitong kwarto. Hindi ko naman sya pinigilan pa dahil ayaw kong magising ang anak ko kapag nagkasagutan kaming dalawa. I just pointed him the direction kung saan ang kwarto nito."Himala, wala ata dito ang asawa mo?"Rinig kong tanong ni Gavin pagkalabas nya sa kwarto ni Jayel at muli akong kinausap. Hindi ko sya agad nasagot dahil hindi ko maintindihan kung anong sinasabi nya. What does he mean na asawa ko? Iniisip nya bang asawa ko si Soichi?Bakit naman nasama si Soichi sa usapan?"Ano?" I asked while stopping myself to raise an eyebrow at him. Hindi ko maisip na magagawa nyang isipin na anak namin ni Soichi si Jayel.Ano bang akala nya saakin? Tingin nya ba wala lang para saakin yung nangyari saamin six years ago dahil lang sa umalis ako ng walang paalam at iniwan syan

  • Unwanted Marriage    Chapter 36

    Simula nung araw na nalaman ni Gavin na anak nya si Gavina ay palagi na syang bumibisita sa bahay na tinutuluyan namin para makipaglaro dito.Nasabi narin namin kay Jayel ang totoo na sya ang tunay nitong ama.Nung una ay ayaw nitong maniwala dahil hindi naman daw si Gavin yung tipo ng ama na basta basta nalang iiwan ang sarili nyang anak. Pero pinaliwanag ko naman sakanya yung totoong nangyari at laking pasasalamat ko dahil agad nya itong naunawaan.I actually begged Gavin na 'wag munang sabihin sa anak namin ang tungkol doon dahil sobrang natatakot ako na baka magkaroon ito ng sama ng loob saaming dalawa, but I was glad na hindi iyon ang nangyari.Ngayon nga ay mas mukhang close pa silang mag-ama kesa saaming mag-ina. pakiramdam ko ay nababalewala na ako dahil halos araw araw ay palagi silang nagbo-bonding na dalawa sa loob o labas man ng bahay.Not to mention na hatid sundo pa ito ni Gavin sa eskwelahan at bahay kaya hindi na rin ako magtataka kung isang araw ay mas piliin ng anak

  • Unwanted Marriage    Chapter 37

    [FLORENCE's POV]"Jayel, eat all the food that I putted on your lunch box, okay? Listen to your teachers well at 'wag na 'wag kang mag papasaway." Bilin ko kay Gavina nang makababa kaming tatlo nila Gavin sa kotse.Tumango sya ng dalawang beses at tumingin saakin bago ngumiti. Ginawa nya yun para iparating na naiintindihan nya yung mga bilin ko."Hai," (Yes mom)Maingat na pinatong ni Gavin ang isang kamay sa buhok ni Gavina at marahang ginulo ito."Susunduin ka nalang ulit namin ng mommy mo mamaya at pagkatapos ay pupunta tayong tatlo sa apartment ko. Enjoy your school at 'wag ka ring makikipag-away sa mga classmates mo," he said.Gusto ko pa sanang magreklamo sa sinabi nyang pupunta daw kami sa apartment nya mamaya pero hindi ko na tinuloy dahil agad na sumangayon si Gavina sa alok nya at hinalikan sya sa pisngi."Yes, daddy, hindi po ako makikipag-away. Masama po yun sabi ni mommy eh,"Bumaling saakin ang anak namin at hinalikan rin ako sa pisngi. Ngumiti ako ng pagkalawak lawak da

  • Unwanted Marriage    Chapter 38

    Kagaya ng sinabi ni Gavin ay pumunta nga kami sa apartment nya pagkatapos sunduin si Gavina sa eskwelahan.Pagkarating namin doon ay agad na bumungad saamin ang malinis na malinis na apartment.Kahit isang kalat ay wala kang makikita kaya kung sino mang papasok doon ay tiyak na mapapamangha.He's Gavin anyway. Hindi nya kailangan ng tulong ng iba para mapanatiling maayos at malinis ang mga gamit nya. He don't like it when he saw any of his things in a mess. Napaka responsable nyang tao at isa iyon sa dahilan kung ba't nagustuhan ko sya."Wow! Ang ganda naman po ng apartment nyo daddy! Mag-isa lang po ba kayo 'dito?" Tanong ni Gavina at agad tumalon-talon sa sofa pagkapasok namin sa apartment. Mabilis ko syang sinaway dahil baka mapagalitan sya ni Gavin pero ngumiti lang naman ito sa kanya."Yes, baby. Mag-isa lang ako dito." He answered.Napatigil sa pag talon si Gavina at gulat na napatingin sa ama."Po? So you mean, ilang gabi narin po kayong sad?" She asked."Sabi po saamin ni teac

  • Unwanted Marriage    Chapter 39

    Kinabukasan, maaga akong gumising para ipagluto ng masarap na almusal ang mag-ama ko. Nagtimpla ako ng kape para kay Gavin at gatas naman para kay Gavina. Nanonood silang dalawa ngayon ng cartoon sa sala.Habang naghahanda ng almusal ay pumasok sa kusina si Gavin kaya hindi ko mapigilan ang kumakawalang ngiti sa labi ko. Kagabi pa 'to hindi maalis. Hanggang ngayon ay napapangiti parin ako kapag naaalala yung mga sinabi nya saakin."Good morning, Gavin," I greeted and showed him my sweetest smile.Akala ko babatiin nya rin ako pero hindi nya ginawa kaya nagtaka ako kung ba't hindi nya ako binati pabalik. Tuloy-tuloy lang syang naglakad palapit sa may fridge at uminom ng malamig na tubig.Is he okay? Bakit hindi nya na naman ako pinapansin? May problema na naman ba? Sa pagkakaalam ko naging maayos naman ang pag-uusap namin kagabi eh, baka akala ko lang yun? But he said he still loves me! He also said na binabawi na nya yung sinabi nya saakin sa kotse na ayos lang sakanya na magkatuluyan

  • Unwanted Marriage    Chapter 40

    Pagkatapos mananghalian, muling dumating si Gavin sa bahay para makipaglaro kay Gavina.Kagaya ng sinabi ko kanina ay meron itong bagong laruan na pinabili ni Mr. Furukawa saamin ni Soichi kaya iyon nalang ang nilaro nilang mag-ama.Habang naglalaro sila, umakyat ako sa kwarto para maligo at mag-ayos. Nagsuklay rin ako ng buhok at naglagay ng pabango. Hindi naman ako masyadong nagsusuklay pero nakakahiya naman kung makikita ako ni Gavin na gulo-gulo ang buhok kaya ngayon ay nagsuklay ako ng maayos.Pagkatapos ayusan ang sarili ko ay bumaba ako sa sala at naabutan ang dalawa na naglalaro parin. Mukhang matagal pa silang matatapos kaya kinuha ko muna yung laptop ko at nanood ng Weathering With You.Pasulyap sulyap ako sakanila pero hindi naman nila ako pinapansin o tinatapunan ng tingin kasi busy sila sa paglalaro ng Jumbling Tower. Minsan ay tumatawa ako ng malakas para makuha ang atensyon nilang dalawa kahit ang totoo ay nakakaiyak naman talaga 'tong pinapanood ko.Pero hindi talaga n

Latest chapter

  • Unwanted Marriage    Chapter 51

    [FLORENCE's POV]I already talked to Gavina over the phone and she told me something when I asked her if she noticed something going on between her tita Alea and tito Bryan.Sinabi nya saakin na noong isang linggo daw ay merong kasamang ibang lalaki ang tita Alea nya at yung dalawa daw ang nagbantay sakanya noon kaya nang makita ito ni Bryan ay panay daw ang tanong sakanya nito kung ito daw ba ang bagong boyfriend ng tita Alea nya. Nang itanong nya kung bakit, hindi daw sumagot agad ang tito Bryan nya. Gavina said she thinks her tito Bryan likes her tita Alea. I asked her why she thought about that and she answered, “It’s because tito Bryan cares for tita Alea even though tita always scolds him.”Tama ang hinala ko na merong gusto si Bryan kay Alea. Pati ang anak ko ay nahalata ito. But it seems like Alea also likes him. Bakit hindi pa sila nagkakaaminan na dalawa? Dahil ba sa natatakot sila na baka masira ang pagkakaibigan nilang dalawa at maipit ako sa kung sino ang kakampihan kapag

  • Unwanted Marriage    Chapter 50

    Days have passed quickly, it's already our last day on the hotel.Pinuntahan namin ni Gavin ang mga lugar na gusto naming puntahan. Pumunta kami sa Museum at kumuha rin kami ng maraming pictures para sa memories. Naging maayos ang isang linggo naming bakasyon sa Canda at talagang sinulit namin iyon.Pagkabalik naming dalawa sa Pilipinas, binigyan namin ng pasalubong sina Gavina, Alea, Bryan pati narin yung mga bata sa lumang bahay at ang parents namin.Isang linggong nawala sa trabaho si Gavin kaya pagkabalik sa Pilipinas ay diretsyo agad sya sa opisina. Marami daw kasi syang kailangang asikasuhin. Naawa tuloy ako kasi kagagaling nya lang sa bakasyon pero balik trabaho nanaman. I told him na baka pwedeng bukas nalang sya bumalik sa trabaho pero sabi nya hindi na daw nya pwedeng ipagpabukas yun.Habang nasa opisina si Gavin at nagpaiwan naman sa lumang bahay si Gavina, napagdesisyonan namin nila Bryan at Alea na gumalang tatlo. Ito ang unang beses na gagala kami na kaming tatlo lang si

  • Unwanted Marriage    Chapter 49

    Carl Jonathan.That name is so familiar. Parang narinig ko na ang pangalan na yun noon pa man pero hindi ko matandaan kung saan ko ito narinig at kung kailan. Baka rin nagiging oa lang ako dahil marami namang tao sa mundo na Carl Jonathan ang pangalan. Baka nga pamilyar lang yun saakin dahil meron akong kaklase noon na ganun rin ang pangalan, pero kasi nang magpakilala saakin ang lalaki, pakiramdam ko ay hindi iyon ang unang beses na nagpakilala sya saakin.Parang nangyari narin iyon noon pero hindi ko lang masyadong matandaan.Did we meet each other before? That's what I wanted to ask him, pero dahil kailangan ko ng pumunta sa banyo at ayaw kong paghintayin si Gavin ng matagal ay nag excuse lamang ako sakanya at iniwan na sya doon.I don't wanna think about him. I also don't wanna think kung nagkita na ba kami dati bukod sa pagkikita namin sa restaurant kanina pero hindi ko mapigilan dahil sa t'wing iniisip ko na 'wag ko syang iisipin ay naiisip ko parin sya. His face.. i just realiz

  • Unwanted Marriage    Chapter 48

    Maganda at malinis ang hotel na napili ni Gavin kung saan kami mananatili sa loob ng isang linggo. Meron itong malaking bintana na tanaw na tanaw ang mga sasakyan sa ibaba pati narin ang mga nagtataasang building sa buong lugar. Maganda ang tanawin doon lalo na kapag gabi. Dahil nakakain na kaming dalawa ni Gavin ay ang una naming ginawa pagkadating sa hotel ay matulog.Pareho kaming nagising bandang alas tres na ng hapon. Naligo kami at nagbihis, pupunta kasi kaming sinehan dahil maganda daw ang mga pelikula na pinapalabas ngayon.I’m not actually fond of not anime-related movies. Masyado akong nasanay sa Japan na nanonood ng anime kaya huli na ako sa mga pelikula na sumikat noon. Si Gavin ay hindi rin naman masyadong mahilig manood ng mga movies kaya ngayong araw ay napagkasunduan naming dalawa na gawin ang mga hindi namin hilig na gawin nang sabay.Pagdating sa sinehan, ako ang pinapili ni Gavin sa kung ano ang papanoorin namin. Hindi ko alam kung anong pipiliin ko pero sigurado na

  • Unwanted Marriage    Chapter 47

    Sa loob ng halos tatlong minuto, para akong mabingi sa katahimikan na bumalot sa paligid pagkaalis ng babae at pagkatapos nun ay dumating ang asawa ko galing sa banyo at nakita kami ng lalaki na nakatayo doon na parang tanga. Nang magtama ang paningin namin ni Gavin ay agad kong inagaw ang kamay ko mula sa mahigpit na pagkakakapit nung lalaki na dapat ay kanina ko pa ginawa. Totoo na nawalan ako ng lakas kanina kaya hindi ko agad ito naalis. Ngayon ko lang nagawa dahil ngayon lang ako muling nakabawi. But I don't want to speak as I don't want Gavin to think that I am just starting to make an excuses. Naglakad sya palapit saamin, sinalubong ko sya at sinabit ang dalawang kamay ko sa braso nya."Gavin..." I called him.I know that I said I don't want to speak up dahil magtutunog lang yun na parang palusot pero mas pinili ko parin magsalita dahil ayaw kong mag-isip ng kung ano si Gavin. I wanted to explain to him that what he saw was only a misunderstanding, but he didn't let me finish m

  • Unwanted Marriage    Chapter 46

    The next day, bumyahe kami ni Gavin papuntang airport para sa flight namin papuntang Canada. Gavina was pouting, complaining that she wants to come with us as well pero sinabi sakanya ni Gavin na isang linggo lang naman kaming dalawa mawawala at pagbalik namin ay marami syang pasalubong para dito. I also saw him whispering something in our daughter’s ear, making Jayel’s eyes sparkle with excitement at hindi na nagpumilit pang sumama saamin.“Ano bang binulong mo kay Gavina kanina?” takang tanong ko kay Gavin nang makapasok kaming dalawa sa eroplano at makaupo sa upuan malapit sa may likuran. It’s been 3 hours since we left the house and said our farewell to Gavina pero ngayon ko lang naisipan na itanong sakanya kung ano ang binulong nya dito.“It’s a secret between us sweetie, you don’t need to know about it.” he answered with a teasing smile Agad na tumaas ang isang kilay ko sa narinig at mas lalong napaisip. Why do they need to keep it from me? Tungkol ba saakin ang sekreto nila? A

  • Unwanted Marriage    Chapter 45

    Just like the afternoon came after the morning, and after the sun sets down comes the evening, mabilis na natapos ang selebrasyon ng kasal namin ni Gavin.Napagpasyahan naming dalawa na sa bahay nila matutulog kasama si Gavina dahil bukas ay babyahe naman kami papuntang Canada para sa quality time namin.The house is big kagaya sa lumang bahay kung saan ako lumaki. Marami na ang handa sa reception kanina pero maging dito sa bahay nila ay marami paring handa.Sumama saamin si Alea dahil may pag-uusapan daw silang importante ni ate Kath. Gusto ko sana syang samahan pero hindi iyon nangyari dahil agad akong pumasok sa kwarto ni Gavin para maligo dahil kanina pa ako naiinitan dahil sa suot kong gown.Nagbabad ako sa bathtub ng sampung minuto at pinikit ang mata ko bago nagsabon at naligo ng maayos. Pagkatapos ay nagbihis ako ng damit pantulog at pinunasan ang basa kong buhok gamit ang maliit na twalya.I feel fresh and clean.Nangalay ang kamay ko sa pagpupunas kaya agad rin akong tumigil

  • Unwanted Marriage    Chapter 44

    Hindi na ata matigil ang puso ko sa sobrang bilis ng pagkabog. Bumukas ang higanteng pintuan ng simbahan at agad na sumalubong saakin ang mahabang red carpet na kailangan kong daanan.Nakatayo sa kanan ko si mommy habang nasa kaliwa ko naman si daddy. May hawak hawak akong isang dosenang blue roses na napakagandang tignan.Nakakakaba.Hindi naman ito ang unang beses na ikakasal ako kay Gavin pero pakiramdam ko ay ito ang pinakauna. I spent my years thinking if one day, this dream would happen again for the second time, at ngayong nandito na nga ako ay wala akong ibang magawa kundi ang maiyak dahil sa tuwa.Nagsimula na kaming humakbang sa may red carpet at kasabay nun ang pag tugtog ng isang instrumental sa loob ng simbahan.Hindi pamilyar ang tugtog saakin pero masarap itong pakinggan sa tenga.Lahat ng mata ng aming mga bisita ay nakatutoksaamin ngayon, lalong-lalo na saakin kaya mas lalong lumakas ang pag kabog ng puso ko.Ganito pala ang pakiramdam na naglalakad ka sa gitna ng ma

  • Unwanted Marriage    Chapter 43

    Pagkaubos ng lahat ng mga pagkain sa mesa ay nagpahinga muna kaming tatlo saglit bago bumalik sa kotse at nagpatuloy sa pag byahe papunta sa dati naming bahay ni Gavin.Doon parin sya umuuwi bago sya pumunta sa Japan. He told me that he's hoping that one day I would go back there so he didn't move to other place at doon parin natutulog at patuloy akong hinihintay. I suddenly felt guilty pero agad ko rin inalis ang ideyang iyon sa isipan ko dahil ang mahalaga ay magkakasama na kaming tatlo ngayon nila Gavina. I promise to myself that I won't let anything or anyone break the three of us apart again. Having the two of them is my joy and I don't want anyone to take them away from me.Medyo madilim na ang kalangitan nang makarating kami sa aming destinasyon.Buhat-buhat ni Gavin si Gavina dahil napagod ito sa mahabang byahe.Ako na ang nagbukas ng gate para sakanila.I asked Gavin if he has the key with him at binigay nya naman agad saakin yung susi kaya madali kong nabuksan yung pinto.An

DMCA.com Protection Status