Nick 's POV Andrea's words hit my heart. It's Bullseye. Alam ko na tama ang mga sinabi niya. I failed to be a good and understanding boyfriend to Jessica. Sa una pa lang paghihiganti na ang nasa isip ko. Kahit naging kame, hindi pa rin nawala ang pagdududa ko sa kanya. Tila ang babaw ng aking pagmamahal para kay Jessica. Akala ko, naipapakita at napaparamdam ko na ang labis kong pagmamahal, ngunit hindi pala. My eyes twitch. “ Siguro naman pwede na tayong kumain?!” nakangiting tanong ni Andrea. Tila walang nagyaring diskusyon sa pagitan naming dalawa. Kailangan kong pakisamahan si Andrea lalo na at nalaman ko na kapatid ito ni Jessica. Ang dami kong gustong malaman tungkol kay Jessica. Habang kumakain, binago ni Andrea ang usapan. Tahimik lang akong nakikinig sa kanya. Gustong gusto ko siyang tanungin kung paanong naging magkapatid silang dalawa at bakit hindi ito alam ng mga tao. Ngunit mas gusto kong marinig ito kay Jessica. Natapos na lang kameng kumain, ngunit ni walang isan
Jessica's POVHalos ilang oras din akong umiyak dahil kay Nick. Masakit malaman na pinagdududahan ka ng mahal mo at di ka man lang binigyan ng pagkakataong magpaliwanag. Gusto ko munang lumayo kay Nick. Gusto kong mag-isip isip. Nasasaktan ako at nalilito.Kakalipat ko lang sa aking Condo. Namiss ko ang condo ko. Buti na lang napalinis ko na ito at napaayos. Dumiretso ako sa aking kwarto para magpahinga. I feel exhausted. Pagkatapos umiyak, gumaan konti ang aking pakiramdam. Dahil wala akong pagkain sa fridge naisipan kong bumaba at kumain na lang sa isang restaurant. Si Nick pa rin ang aking naalala habang seryoso akong kumakain sa restaurant sa baba ng aking condo. Habang kumakain may naramdaman kong may humawak sa aking hita. Napatayo ako dahil sa pagkabigla. Sumilip ako sa ilalim ng mesa at may nakita akong isang cute na batang lalaki na inaabot ang kanyang bola malapit sa kinauupuan ko kanina. Inabot ko ito at nakangiting binigay sa cute na bata. “Thank you miss beautiful “ s
Jessica's POVThe next day I decided to go to the mall. Nasa mall ako ngayon para kunin ang aking cellphone. Sa wakas after how many days, naayos na rin ito. I was checking my phone when I heard a commotion "Magnanakaw, magnanakaw" sigaw ng isang tindera habang tinuturo ang lalakeng tumatakbo. "Can you please hold Ethan for me Miss Jessica?" nagulat ako sa taong nagsalita. Si Elena pala. Hindi na niya hinintay ang aking sagot at basta na lang umalis at hinabol ang magnanakaw. Naiwan akong tulalang nakahawak sa batang lalake. Ang batang lalaki naman tila wala lang na nakatingin sa mama niya. Nakangiti pa ito. Napailing ako sa nangyayari. Anong gagawin ko sa batang ito. Tanong ko sa sarili. Naging instant nanny tuloy ako. “ Hello Ethan.. “ bati ko dito. “ Hello Tita ganda!!” cutie na sabi nito. napangiti na ako. "You want to eat? "“ Uhmmm. Ok! “ Dinala ko siya sa isang pizza house.“ Do you like pizza or spaghetti? ““ Pizza and Sphagetti Tita ganda” sagot nito. natawa ako. H
Nick's POV Paggissing ko kanina naisipan kong pumunta ng mall dahil gusto kong bumili ng regalo para kay George dahil gusto kong humingi ng tawad at suhulin na rin ito para ipaalam sa akin ang condo ni Jessica. Nasa gadgets area ako nung napansin ko na tila nagkakagulo. May nakita akong magandang babae na may hinahabol na lalake. Ang bilis niyang tumakbo. Umikit ikot ako to check the surroundings when suddenly a familiar face came to my view. My beautiful Jessica. I can't believe that God instantly answered my prayers. Lalapit sana ako sa kanya kaya lang I hesitated. Nakita kong may kasama itong bata. Pinili ko na lang na sundan ito. Nagkita kong pumasok sila sa isang pizza restaurant. Nagkataon kita sa labas ang posisyon ng kanilang upuan. Pagtingin ko sa kabilang banda nakita kong may bulaklak at balloons na binebenta. I decided to buy the flowers and balloons. Papasok na ako sa Restaurant to give it to Jessica but I changed my mind. Tila umatras ang buntot ko. I decided to leave
Jessica's POV Tahimik lang ako habang nasa biyahe. Di na rin ako kinulit ni Nick. Panaka nakang tumitingin si Nick sa likod gamit ang salamin ngunit pinili ko na sa bintana tumingin. “ Can we talk later Jes” malungkot na tanong niya. Tumingin lang ako sa kanya bago nagsalita. “ Sige” maiksi kong sabi. I know, kailangan naming mag-usap. Marami din akong gustong sabihin sa kanya. “ Saan pala tayo ngayon?.” tanong nito. “ Sa condo ko, check mo sa car anjan ang address ko. “ just follow the map. “ ok” maiksi nitong sabi. Nakasandig sa akin ngayon si Ethan. Sinigurado ko na komportable ito sa pagtulog. Wala pang isang oras nakarating na kame sa condo. Pagkatapos ipark ni Nick ang sasakyan, binuksan nito ang likod at kinuha sa akin si Ethan. Tulog pa rin ito. Siya na rin ang nagkarga sa bata paakyat ng condo. Pagbukas ng elevator nakita namin si Elene na pabalik balik sa harap ng condo ko. Nag aalala at natataranta. Lumiwanag ang mukha niya nung makita kame. “ I'm so s
Nick's POVBlanko ang aking isipan nang umalis si Jessica. Naramdaman ko na lang na umiiyak na pala ako nung pumatak ang luha ko sa aking braso. I hurriedly wiped it, tumayo ako at lumabas ng cafe. Nagpara ako ng taxi para bumalik sa mall. Kailangan kong kunin ng kotseng iniwan ko doon. Habang nasa biyahe, bumabalik sa akin ang masasayang alaala namin ni Jessica. Kung sana naging totoo lang kame sa isa't isa . Kung sana sa simula pa lang, binuksan na namin ang puso at isipan sa bawat isa. Huminga ako ng malalim. " Mawawala din ang sakit iho! magtiwala ka lang. Pero, kapag mahal mo, ipaglaban mo!" Nagulat ako sa sinabi ng driver. Napatingin ako sa kanya. He has a reassuring eyes and his smiling brightly. Hindi ko na siya pinansin. It's been a while since I cried. Ang bigat ng aking pakiramdam. I wanted to wiped her tears. I hate myself for causing her pain. I need to make it up to her. She doesn't deserve that pain that I've caused her. Pagdating ko sa mall dumiretso ako sa park
Jessica's POVIlang araw na rin akong nakakatanggap ng bulaklak galing kay Nick. It's Wednesday at meron na namang dumating na bouquet of roses. Kinuha ito ng makulit naming kasamahan sa trabaho at binasa ang note na nakalagay dito." You look so pretty today Jes. Ngunit kahit ano'ng isuot mo, mas bagay pa rin ako sa'yo" "Ayieee....." Tukso ng mga kasamahan ko sa trabaho. Yung iba natatawa.Natawa na rin ako sa note ni Nick. Saan niya kaya napupulot ang mga corny na jokes niya na sinasama niya sa bulaklak. " Eto na po ma'am Jessica, galing na naman kay..LOVE... Ang sweet naman ng manliligaw niyo po. " Umiling na lang ako sabay kuha sa bulaklak. Dinala ko ito sa loob ng office ko at nilagay sa vase. Matagal ko itong tinitigan. Consistent si Nick sa pagpapadala sa akin ng bulaklak at text. Paggising ko, lagi siyang May text na " good morning! , Eat your breakfast!,eat your lunch. Wag papagutom, dinner time, at marami pang iba.” Nagbibigay din siya ng update tungkol sa schedule niya s
Jessica's POV Ilang minuto na lang at magsisimula na ng party. Kinakabahan ako. Ano kayang mangyayari mamaya? Nauna na sila na sila Mommy at Ate sa party. Sabi nila mamaya n raw ako aalis. Kaya naiwan ako sa kwarto ng mag isa. Sigurado dumating na ang ibang mga bisita. Habang kinakabahan na naghihintay, biglang tumunog ang aking cellphone. Tumatawag si Scarlett. " Hello, Carly! " " Saan ka na? andito na ako" " What! andito ka?? nakauwi ka? really?” masaya kong bati. “ Of course! I won't miss this once in a life time moment of yours“ biro nito. “Uhmmm. nakakatouch naman. Andito pa ako sa room 304, sabi kasi ni mommy mamaya na raw ako pupunta sa party. “I'll go there.” “ Ok, see you?” Ilang sandali lang nakarinig na ako ng katok sa pinto. Excited ko itong binuksan. Nakita ko ang gulat sa mukha ni Scarlett pagbukas ko ng pinto. “ What on earth are you wearing Boobae!?” sinipat niya ako mula ulo hanggang pa. “ Huy,! wala tayo sa movie my gosh! Walis na lang ang kul
Jessica’s POV Ilang minuto akong natulala sa sinabi ng matanda. Para akong binuhusan ng malamig na tubig, sabay narinig ko ang tunog ng kampana mula sa simbahan. Paglingon ko, wala na sila. Hindi ko man lang narinig na nagpaalam sila. Para bang isa lang silang guniguni, para mag-iwan ng mensaheng kailangang marinig ng puso ko.Makalipas ang ilang sandali, naramdaman ko na lang ang sarili ko na nakaupo sa loob ng simbahan, luhaang humihikbi. Doon ko isinuko ang lahat sa Diyos. Sa harap ng altar, tahimik akong nanalangin habang unti-unting inaamin sa sarili na kailangan ko nang kalimutan si Nick. Kailangan kong tanggapin na asawa na siya ng kapatid ko. Masakit, ubod ng sakit, pero alam kong makakaya ko.Nang gabing ‘yon, nangako ako sa Diyos. Nangako akong uunahin ko na ang sarili ko. Na mamahalin ko ang sarili ko, at hindi ko na hihintayin o hihingin pa ang pagmamahal ng mga taong ayaw naman talaga sa akin.“You will be my maid of honor, Jes, sa church wedding namin,” narinig ko ang
Jessica’s POVIt has been five days mula nung naglunch kami nina Nick at Ate Andrea. Sa mansion na ako nakatira ngayon, dahil pumayag na si Daddy na mag-resign ako. Nandito rin kasi ang malaki kong studio. Pero sooner or later, I’ll need to move into a bigger condo kung gusto ko talagang mag-focus sa pagpipinta.Pababa ako ngayon ng hagdan. Late na ako nagising dahil abala ako kagabi sa pagpipinta. It’s almost lunchtime.Nagulat ako nang makita ko si Nick at Ate Andrea na nakaupo sa mesa kasama si Mommy. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko si Nick, pero pinili kong huwag itong pansinin. Masayang nagkukuwentuhan sila. Nakaramdam ako ng inggit, pero pilit ko itong nilunok. Ayokong ipakita kahit kanino ang totoo kong nararamdaman.“Good morning,” bati ko, pilit na may ngiti sa labi.Nakita kong bahagyang tumaas ang kilay ni Mommy bago siya nagsalita. “Sa ngayon, dito muna titira sila Andrea at Nick sa mansion. Babalik ka ba sa condo mo mamaya?”“Hindi po. Dito muna ako m
Scarlett’s POVMuntik ko nang mabitawan ang baso na hawak ko dahil sa sinabi ni Mommy.“I just want to remind you, Scarlett, hindi pa kami sigurado sa boyfriend mo. I know he is a hardworking man, but…”Hindi niya tinapos ang sasabihin niya, sinadya niya. Huminga ako nang malalim habang iniaabot sa kanya ang basong may tubig.“Mom! Di ba napag-usapan na natin ’to? You promised me na hindi kayo makikialam sa lalaking pipiliin ko. I told you to trust me,” matigas kong sagot.“I trust you, but I don’t trust any guy who wants to pursue you,” mabilis at buo ang sagot niya.“Ayokong gamitin ka lang nila sa ambisyon nila,” dagdag pa niya, ngayon ay mas malakas na ang boses niya. “Mga lalaking galing sa hirap ay gagawa at gagawa ng paraan para umangat sa buhay. They will only use you for their benefit. Just like Geo,.. napaka-opportunista!”May kirot sa dibdib ko habang naririnig ko ’yon, diretsong sinabi ni Mommy, may galit, may hinanakit.“Mom, iba si George. Hindi siya tulad ni Geo,” halos
Scarlett’s POVHindi ako mapakali habang nasa condo. Kanina ko pa tinatawagan si George ngunit hindi ito sumasagot. Sabi niya sa akin bibili lang siya ng ice cream pero mag-iisang oras na ngunit wala pa rin ito. “ Nasaan na ba ang lalakeng iyon” naiinis kong sabi. I called Jessica pero hindi rin ito sumasagot. Alam ko nasa mansion siya ngayon dahil ngayon darating sila Andrea at Nick, they will have a lunch sa bahay. Nag-aalala pa rin ako sa kanya kahit sinabi niya na kaya niya nang harapin sila Nick at Andrea. Nagulat ako kay Jessica dahil isang araw bigla na lang itong naging ok. Pagkatapos ng ilang araw na iyak ng iyak nagulat na lang ako na bigla itong nagbihis at pumasok sa opisina. ~~~ flashback~~~“Where are you going Jes?” Nagtataka kong tanong nung nagising ako isang araw at napansin ko na maayos na nakabihis si Jessica. “ Work. magreresign na ako” seryosong sabi nito. Napaupo ako sa kama. Tama ba ang aking narinig? “Ha? Ano ulit 'yon?” tanong ko na may pagkiling ng ulo
George’s POV“What are you talking about, Nick? Paano mo naging kapatid si Jessica?” gulong-gulo kong tanong.Parang umikot ang mundo ko sa katotohanang ibinahagi ni Nick. Ngayon ko lang ulit siyang nakita na ganoon, lumuluha.Oo, lumuluha si Nick. At hindi lang basta luha, luha ng galit, sakit, at pagkawasak. Ramdam na ramdam ko iyon.“You heard me right. Anak si Jessica ni Daddy at ni Elena,” mariin niyang sambit, halos hindi makapagsalita sa bigat ng damdamin.“Hahaha, what a cruel world!” sabay tawa niya na parang isang baliw na sumuko na sa lahat.“Kaya pala kamukha niya si Elena. Kaya pala parang pamilyar ang kanyang mata, dahil kay Daddy pala niya nakuha 'yon. Haha! Imagine, George… I fell in love with my sister!” pahiyaw na sambit niya, puno ng sakit at pagkasuklam sa sarili.“Sabihin mo sa akin, George… paano ko aaminin kay Jessica ang katotohanan? Kung ako nga, wasak na wasak na, paano pa kaya siya? Ayokong maramdaman niya ang ganitong sakit, ang pighati, ang galit. Hindi ko
Nick’s POV ~~ Flashback before Nick’s Accident ~~Halos araw-araw, si Andrea ang kasa-kasama ko sa ospital. Inaalagaan niya ako. Pinipilit kong magpanggap na ayos lang ako. Na masaya ako. Pero sa totoo lang, may mga araw na hindi ko talaga kayang tiisin ang presensya niya. Masyado siyang maingay, masyadong masigla… parang wala siyang pakialam sa bigat ng mundo ko.At sa mga sandaling ‘yon, nakikita ko… ilang ulit ko nakikitang sumisilip si Jessica. Minsan malayo lang. Minsan palihim. Nasasaktan ako.Pero palagi kong pinipiling hindi siya pansinin. Nagpapanggap akong hindi ko siya nakikita. Kahit na ang totoo, bawat sulyap niya ay parang punyal na dumudurog sa puso ko.Sa bawat pagtulo ng kanyang luha… sa bawat paglapit niya sa akin… parang patalim na paulit-ulit na sumasaksak sa puso ko.Alam ko, kailangan ko na talagang gumawa ng paraan.Kailangan ko siyang itulak palayo. Kailangan niyang magalit sa akin.At sa lahat ng posibleng paraan, tanging pagpapakasal kay Andrea ang naiisip k
Nick’s POV ~~ Flashback before Nick’s Accident ~~“Nick… Nick huwag mo kong iwan… Please… huhuhu… Please, Nick…”" Love, gising ka na.." Mga boses ni Jessica ang tanging naririnig ko sa gitna ng dilim. Walang katapusang kadiliman. Pilit kong tinutunton ang pinanggagalingan ng kanyang tinig pero parang lalong lumalayo.Lakad lang ako ng lakad.Hindi ako titigil. Kailangan ko siyang mahanap. Jessica… umiiyak siya. Nasasaktan. Natatakot. Kailangan niya ako.“Love, where are you? Are you okay? Love…”Mga alingawngaw na lang ang naririnig ko. Wala akong ibang makita kundi dilim… hanggang sa bigla na lang may liwanag. Isang matinding bugso ng pag-asa ang bumalot sa akin. Dali-dali akong tumakbo papunta sa liwanag.Pagdilat ko ng aking mata, isang puting kisame ang bumungad sa akin. Napapikit ako. Ilang ulit. Masakit. Masakit ang ulo ko… ang buong katawan ko.Paglingon ko, nakita ko si Jessica. Masaya ako nung makita siya.“Love! Gising ka na! Wait, I will call the nurse!”Kita ko ang ning
Nick’s POV ~~ Flashback bago ang Aksidente ~~Pinipilit kong tapusin ang lahat ng trabaho sa opisina. Kailangan kong umuwi ng maaga. May inihanda akong espesyal para kay Jessica. Biglang tumunog ang cellphone ko. “Yes, hello?” “Good afternoon Mr. Ford, everything is set now, according to your instruction. I also sent a video to your email. Kindly check it if there are things you want to change or remove.” “OK, thank you! I’ll check it now. I will call you back.”Tumawag ang decorator na inupahan ko para sa isa na namang proposal ko kay Jessica. Excited kong binuksan ang email ko. Napangiti ako habang pinapanood ang video. Perfect ang setup. Gusto ko sana ito sa ibang lugar, pero mas pinili ko sa condo, mas private, walang istorbo.Alam kong mainit-init pa ang engagement nila ni Rich, pero wala akong pakialam. Ayokong may makakita sa amin at masira pa si Jessica sa publico. Magtitiis lang muna ako. Lalo akong napangiti nang makita ko ang malaking portrait niya, nakangiti siya, mas
Nick’s POVAndrea decided to stay sa mansion nila, may kailangan daw siyang gawin. Ako naman, umuwi mag-isa sa condo to check on something. Bukas pa kami lilipat sa mansion.Paglabas ko ng elevator, tumambad sa akin si George. Galing siya sa unit ni Scarlett. Nagmamadali siyang lumabas pero nang makita niya ako, bigla siyang bumilis maglakad, at sa isang iglap, isang malakas na suntok ang pinakawalan niya.Tumilapon ako. Ramdam ko agad ang sakit, ang bigat ng galit niya."I don’t know if you remember," mariing sabi niya habang ang apoy sa mga mata niya ay parang sasabog, "pero sinabi ko na sa’yo, hindi ko hahayaan na saktan mo si Jessica. Kulang pa ‘yan, Nick!"Hindi ko siya sinagot. Dumiretso ako sa condo, nananahimik. Habang binubuksan ko ang pinto, napansin kong may dugo na pala ang ilong ko. Pero wala akong pakialam. Deserve ko ‘to.Pagpasok ko pa lang, sumunod si George at itinulak ako papasok.Kung normal lang ‘to, baka bumawi na ako. Pero hindi ngayon. Hindi ko kayang sabayan s