Nick's POVNakabihis na ako nung lumabas sa CR. Inaayos ko ang aking necktie habang naglalakad palapit kay Jessica. Nakita kong nakaupo ito sa mesa pulang pula ang mukha. Napakunot ang aking noo. Mukhang may lagnat ito. Nilapitan ko ito at idinantay ang aking kamay sa noo niya. Namilog ang mata niya at mas lalong namula ang mukha. Binalewala ko ito. Hinipo ko rin ang aking noo para ikumpara ang init.Mainit ang noo niya kompora sa akin. Baka nagkasakit ito dahil basang-basa ito kagabi. " You seem hot., baka may lagnat ka " I'll call someone to give you paracetamol. Ani ko "No, no no no. masakit lang ang ulo ko pero wala akong lagnat" Pagtangi ni Jessica " Bakit di ka pa kumakain? kailangan mo yan para mabawasan ang hang over mo" tanong nito " Hinihintay kita! " Pakiramdam ko ang sarap ng pagkakasabi niya sa salitang yun. Hindi ko alam kung bakit sumaya ang aking puso. Napangiti ako. "Ok, dig in!!!" utos ko. Tumingin muna ito sa akin bago kumain. Umupo na rin ako sa hara
Andrea's POVBigla kong itinigil ang aking trabaho nang may biglang pumasok sa loob ng aking opisina. Tumayo ako agad ng makita kong si Dad ito at mukhang galit galit. " Why did you send Jessica to Mr. Hugo??? Are you out of your mind Andrea?? " nagpupuyos sa galit na tanong nito.Expected ko na magagalit si Dad ngunit di ko alam na ganito kalala. Ngunit handa naman ako para dito. " You know how important that project is!!! but you took it for granted!!!. First day pa lang ni Jessica kahapon tapos sinabak mo agad !!???" "Tumawag ako sa opisina ni Mister Hugo, nakausap ko ang assistant nito. Sinabi nito na hnd na close ang deal. " sabay hampas nito sa aking mesa. " What's worst!!, late raw dumating si Jessica sa meeting na mas kinagalit ni Mr Hugo.!!!". Patuloy nito.Yes!!! nagdididwang ang puso ko. Sinadya ko talaga na siya ang ipadala dahil alam ko impossible niya itong maclose. I didn't even mention the details of the restaurant. Gusto ko siyang mapahiya para matuto siya
Jessica's POV"Huh!! sa wakas tapos na ako. Ang sakit pa rin ng ulo ko. Nag-apply ako ng early out dahil hindi talaga kaya ng katawan ko. Para pa rin akong lumulutang. Pinilit ko lang talagang tapusin ang proposal para kay Mr. Hugo. Buti na lang hinatid ako ni sir Nick kanina. Hindi ko kasi talaga kayang magdrive. Tumawag ako sa driver namin at pinakuha ko na lang ang kotse ko sa okada. I can't help but smile. Ibang Sir Nick and kasama ko kanina. He was attentive and caring. Sumama pa talaga siya sa akin sa may restaurant para kunin ang naiwan kong gamit. He knows that I still feel Dizzy kaya inaalalayan niya ako habang naglalakadI told him na mag-grab na lang ako. Ayaw niya baka raw may mangyari sa akin. Hindi ko maiwasang kiligin." Hindi naman kame friends, bakit siya mabait sa akin. Di kaya... Di kaya???.. May gusto siya sa akin??? " bulong ko sa sarili. "O..M..G Jessica!! assumerang palaka ka talaga. Bakit mo iisiping magkakagusto sayo si Sir Nick, eh hnd nawawalan ng babae
Nick's POVExhausted!! yan ang pakiramdam ko ngayon. I have been meeting lots of clients for the past few days. Wala pa akong naclose na deal. Kailangn ko ng Investor sa expansion na gagawin ko sa kompanya. Iyon Lang ang tanging paraan para mapapayag ko ang mga shareholders ng kompanya. I only have 1 month left. I am running out of time. Nasa elevator na ako paakyat sa unit ko. Tumingin ako sa relo na nasa bisig ko. 10:00 pm na pala. Kaya pala antok na antok na ako. Usually, ganitong oras ako natutulog kung hindi busy. Wala rin kasi akong pahinga. Sumandal na ako sa malamig na pader ng elevator dahil sa sobrang pagod. Napapapikit na rin ako. Narinig kong tunog ng elevator tanda ng pagtigil nito. Pagbukas ng pinto ng elevator nagulat ako sa babaeng nasa harapan ko. Kamukha nito si Jessica. Nakayuko ito ng bahagya, nakapikit ang mata, at ang ulo niya ay nakalaylay. Nakasuot siya ng hoodie at pajama sa baba. Parang di na ito nag-abalang magsuklay dahil kita, sa gulo ng buhok nito.
Jessica's POVAng sarap ng sandwich na hinanda ni Sir Nick at ang noodles. Naubos ko ito lahat. Gutom pala talaga ako. Naging ok na ang pakiramdam ko. Wala na ang hilo.Pagkatapos kumain niligpit ko na ang aking kinain at hinugasan ito. Umiikot-ikot ako sa condo nito. Ang laki nito. Lalakeng lalake ang interior at minimalist lang. Walang kaartehan ang kanyang condo. Wala man lang wall decor. Halaman lang. Sa isip ko parang walang buhay, parang may kulang. Pero maganda naman ito. May malaking sofa na itim. Sa malaking space sa kanan meron siyang treadmill and gym equipments. Maganda naman ang pagkakaayos ng condo niya. Dalawang kulay lang nakikita ko. Gray at itim. Nakailang ikot na ako hindi pa rin lumalabas si Nick. " Baka nakatulog na ito?? " sa isip ko. Kaya nagdesisyon akong kumatok. Nakadalawang katok na ako di pa rin ito sumasagot. Pinihit ko ang doorknob at bumukas ito. Ulo ko lang ang pinasok ko sa loob. " Nick!!!??? " tawag ko.Lumingon ito Nakita kong may kausap ito
George's POVIm on my way to the office when I received a call from Jessica. Andito ako ngayon sa Conrad Manila. kakatapos lang ng meeting ko with the client. Buti na lang at wala na akong meeting. Successful naman ang business partnership ko sa kausap ko. Kaya maganda ang mood ko ngayon." Hello Jes!! what's up???" " George can I ask a favor??? " aligaga nitong sabi."Sure, ano yun? " " Nasa Airport na kasi yung bestfriend ko, nangako kasi ako na susunduin ko siya. I remember when I called you earlier nasa pasay ka. Pwede mo ba siyang sunduin???? going BGC lang naman siya. please......"" Bigla kasi akong pinasama ni Daddy sa meeting. I can't make it. ""OK I see. Sure. Just send me her picture and tell her na ako mag-susundo sa kanya. ""Thank you so much George, your such an Angel!! "" Jessica!! Let's go!!! " rinig kong boses ni Uncle Elmer sa kabilang linya. " Thank you George!! I have to go, Bye... " at pinatay na nito ang cellphone.Inandar ko na ang kotse at nagpatugtog n
Scarlett's POV "Good afternoon, ladies and gentlemen. This is your Captain Speaking. We will be landing at NAIA International Airport shortly. The weather is good, so we expect a smooth arrival. Thank you for flying with us, and we hope you had a pleasant flight." Nagising ako dahil sa announcement ng Piloto ng eroplano. After three years, nakabalik na rin ako sa Pilipinas. Naging sobrang busy ko sa Europe kaya ngayon na lang ulit ako nakabalik. Dapat next week pa ako babalik kaya lang may importanteng kailangan ayusin para sa Solo Exhibition ko. Nagkaproblema kasi sa location. Kailangan ko ding kausapin ang curator at coordinator ko para sa event. I'm so happy that I can have a Solo Exhibition sa Pilipinas. Pangarap namin ito ni Jessica. Gusto ko din sana isama mga paintings ni Jessica para group or partner exhibition, kaya lang ayaw niya, ayaw na raw niyang agawin ang limelight ko. Hindi ko na siya pinilit . Nauna ko nang pinadala ang aking paintings. At dumating na sila. La
Scarlett's POV Pumasok na ako sa loob ng kotse habang hinihintay si George na matapos sa paglagay ng mga bagahe ko sa kotse. Nakikita ko sa front mirror na pawis na ito. Ang init kasi ng araw. Namumula na ang balat nito at tagaktak na ng pawis. Pagpasok nito sa loob ng kotse, pabaling baling ang ulo nito tila may hinahanap. Naawa naman ako dito, kaya inabot ko sa kanya ang panyo ko. " Use this to wipe your face. Don't worry, this is clean " Tumingin muna ito sa akin at ngumiti bago kinuha ang panyo ko. " Cute!!" sa isip ko. Ang cute pala nitong ngumiti "Thank you" nakangiti nitong sabi. "Thank you, because you find me cute!! " ang pilyo na pagkakasabi nito sabay ngiti ng pagkaganda-ganda. Napatigil ako. Wait! did I say it loud??? I pretended na wala akong narinig at tumingin sa may bintana ng kotse. But deep inside hiyang hiya ako. Namumula ang mukha ko " Is it ok if I turn on the music? " tanong nito. Tumango lang ako. Nung nasa may Edsa na kame na
Jessica’s POV Ilang minuto akong natulala sa sinabi ng matanda. Para akong binuhusan ng malamig na tubig, sabay narinig ko ang tunog ng kampana mula sa simbahan. Paglingon ko, wala na sila. Hindi ko man lang narinig na nagpaalam sila. Para bang isa lang silang guniguni, para mag-iwan ng mensaheng kailangang marinig ng puso ko.Makalipas ang ilang sandali, naramdaman ko na lang ang sarili ko na nakaupo sa loob ng simbahan, luhaang humihikbi. Doon ko isinuko ang lahat sa Diyos. Sa harap ng altar, tahimik akong nanalangin habang unti-unting inaamin sa sarili na kailangan ko nang kalimutan si Nick. Kailangan kong tanggapin na asawa na siya ng kapatid ko. Masakit, ubod ng sakit, pero alam kong makakaya ko.Nang gabing ‘yon, nangako ako sa Diyos. Nangako akong uunahin ko na ang sarili ko. Na mamahalin ko ang sarili ko, at hindi ko na hihintayin o hihingin pa ang pagmamahal ng mga taong ayaw naman talaga sa akin.“You will be my maid of honor, Jes, sa church wedding namin,” narinig ko ang
Jessica’s POVIt has been five days mula nung naglunch kami nina Nick at Ate Andrea. Sa mansion na ako nakatira ngayon, dahil pumayag na si Daddy na mag-resign ako. Nandito rin kasi ang malaki kong studio. Pero sooner or later, I’ll need to move into a bigger condo kung gusto ko talagang mag-focus sa pagpipinta.Pababa ako ngayon ng hagdan. Late na ako nagising dahil abala ako kagabi sa pagpipinta. It’s almost lunchtime.Nagulat ako nang makita ko si Nick at Ate Andrea na nakaupo sa mesa kasama si Mommy. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko si Nick, pero pinili kong huwag itong pansinin. Masayang nagkukuwentuhan sila. Nakaramdam ako ng inggit, pero pilit ko itong nilunok. Ayokong ipakita kahit kanino ang totoo kong nararamdaman.“Good morning,” bati ko, pilit na may ngiti sa labi.Nakita kong bahagyang tumaas ang kilay ni Mommy bago siya nagsalita. “Sa ngayon, dito muna titira sila Andrea at Nick sa mansion. Babalik ka ba sa condo mo mamaya?”“Hindi po. Dito muna ako m
Scarlett’s POVMuntik ko nang mabitawan ang baso na hawak ko dahil sa sinabi ni Mommy.“I just want to remind you, Scarlett, hindi pa kami sigurado sa boyfriend mo. I know he is a hardworking man, but…”Hindi niya tinapos ang sasabihin niya, sinadya niya. Huminga ako nang malalim habang iniaabot sa kanya ang basong may tubig.“Mom! Di ba napag-usapan na natin ’to? You promised me na hindi kayo makikialam sa lalaking pipiliin ko. I told you to trust me,” matigas kong sagot.“I trust you, but I don’t trust any guy who wants to pursue you,” mabilis at buo ang sagot niya.“Ayokong gamitin ka lang nila sa ambisyon nila,” dagdag pa niya, ngayon ay mas malakas na ang boses niya. “Mga lalaking galing sa hirap ay gagawa at gagawa ng paraan para umangat sa buhay. They will only use you for their benefit. Just like Geo,.. napaka-opportunista!”May kirot sa dibdib ko habang naririnig ko ’yon, diretsong sinabi ni Mommy, may galit, may hinanakit.“Mom, iba si George. Hindi siya tulad ni Geo,” halos
Scarlett’s POVHindi ako mapakali habang nasa condo. Kanina ko pa tinatawagan si George ngunit hindi ito sumasagot. Sabi niya sa akin bibili lang siya ng ice cream pero mag-iisang oras na ngunit wala pa rin ito. “ Nasaan na ba ang lalakeng iyon” naiinis kong sabi. I called Jessica pero hindi rin ito sumasagot. Alam ko nasa mansion siya ngayon dahil ngayon darating sila Andrea at Nick, they will have a lunch sa bahay. Nag-aalala pa rin ako sa kanya kahit sinabi niya na kaya niya nang harapin sila Nick at Andrea. Nagulat ako kay Jessica dahil isang araw bigla na lang itong naging ok. Pagkatapos ng ilang araw na iyak ng iyak nagulat na lang ako na bigla itong nagbihis at pumasok sa opisina. ~~~ flashback~~~“Where are you going Jes?” Nagtataka kong tanong nung nagising ako isang araw at napansin ko na maayos na nakabihis si Jessica. “ Work. magreresign na ako” seryosong sabi nito. Napaupo ako sa kama. Tama ba ang aking narinig? “Ha? Ano ulit 'yon?” tanong ko na may pagkiling ng ulo
George’s POV“What are you talking about, Nick? Paano mo naging kapatid si Jessica?” gulong-gulo kong tanong.Parang umikot ang mundo ko sa katotohanang ibinahagi ni Nick. Ngayon ko lang ulit siyang nakita na ganoon, lumuluha.Oo, lumuluha si Nick. At hindi lang basta luha, luha ng galit, sakit, at pagkawasak. Ramdam na ramdam ko iyon.“You heard me right. Anak si Jessica ni Daddy at ni Elena,” mariin niyang sambit, halos hindi makapagsalita sa bigat ng damdamin.“Hahaha, what a cruel world!” sabay tawa niya na parang isang baliw na sumuko na sa lahat.“Kaya pala kamukha niya si Elena. Kaya pala parang pamilyar ang kanyang mata, dahil kay Daddy pala niya nakuha 'yon. Haha! Imagine, George… I fell in love with my sister!” pahiyaw na sambit niya, puno ng sakit at pagkasuklam sa sarili.“Sabihin mo sa akin, George… paano ko aaminin kay Jessica ang katotohanan? Kung ako nga, wasak na wasak na, paano pa kaya siya? Ayokong maramdaman niya ang ganitong sakit, ang pighati, ang galit. Hindi ko
Nick’s POV ~~ Flashback before Nick’s Accident ~~Halos araw-araw, si Andrea ang kasa-kasama ko sa ospital. Inaalagaan niya ako. Pinipilit kong magpanggap na ayos lang ako. Na masaya ako. Pero sa totoo lang, may mga araw na hindi ko talaga kayang tiisin ang presensya niya. Masyado siyang maingay, masyadong masigla… parang wala siyang pakialam sa bigat ng mundo ko.At sa mga sandaling ‘yon, nakikita ko… ilang ulit ko nakikitang sumisilip si Jessica. Minsan malayo lang. Minsan palihim. Nasasaktan ako.Pero palagi kong pinipiling hindi siya pansinin. Nagpapanggap akong hindi ko siya nakikita. Kahit na ang totoo, bawat sulyap niya ay parang punyal na dumudurog sa puso ko.Sa bawat pagtulo ng kanyang luha… sa bawat paglapit niya sa akin… parang patalim na paulit-ulit na sumasaksak sa puso ko.Alam ko, kailangan ko na talagang gumawa ng paraan.Kailangan ko siyang itulak palayo. Kailangan niyang magalit sa akin.At sa lahat ng posibleng paraan, tanging pagpapakasal kay Andrea ang naiisip k
Nick’s POV ~~ Flashback before Nick’s Accident ~~“Nick… Nick huwag mo kong iwan… Please… huhuhu… Please, Nick…”" Love, gising ka na.." Mga boses ni Jessica ang tanging naririnig ko sa gitna ng dilim. Walang katapusang kadiliman. Pilit kong tinutunton ang pinanggagalingan ng kanyang tinig pero parang lalong lumalayo.Lakad lang ako ng lakad.Hindi ako titigil. Kailangan ko siyang mahanap. Jessica… umiiyak siya. Nasasaktan. Natatakot. Kailangan niya ako.“Love, where are you? Are you okay? Love…”Mga alingawngaw na lang ang naririnig ko. Wala akong ibang makita kundi dilim… hanggang sa bigla na lang may liwanag. Isang matinding bugso ng pag-asa ang bumalot sa akin. Dali-dali akong tumakbo papunta sa liwanag.Pagdilat ko ng aking mata, isang puting kisame ang bumungad sa akin. Napapikit ako. Ilang ulit. Masakit. Masakit ang ulo ko… ang buong katawan ko.Paglingon ko, nakita ko si Jessica. Masaya ako nung makita siya.“Love! Gising ka na! Wait, I will call the nurse!”Kita ko ang ning
Nick’s POV ~~ Flashback bago ang Aksidente ~~Pinipilit kong tapusin ang lahat ng trabaho sa opisina. Kailangan kong umuwi ng maaga. May inihanda akong espesyal para kay Jessica. Biglang tumunog ang cellphone ko. “Yes, hello?” “Good afternoon Mr. Ford, everything is set now, according to your instruction. I also sent a video to your email. Kindly check it if there are things you want to change or remove.” “OK, thank you! I’ll check it now. I will call you back.”Tumawag ang decorator na inupahan ko para sa isa na namang proposal ko kay Jessica. Excited kong binuksan ang email ko. Napangiti ako habang pinapanood ang video. Perfect ang setup. Gusto ko sana ito sa ibang lugar, pero mas pinili ko sa condo, mas private, walang istorbo.Alam kong mainit-init pa ang engagement nila ni Rich, pero wala akong pakialam. Ayokong may makakita sa amin at masira pa si Jessica sa publico. Magtitiis lang muna ako. Lalo akong napangiti nang makita ko ang malaking portrait niya, nakangiti siya, mas
Nick’s POVAndrea decided to stay sa mansion nila, may kailangan daw siyang gawin. Ako naman, umuwi mag-isa sa condo to check on something. Bukas pa kami lilipat sa mansion.Paglabas ko ng elevator, tumambad sa akin si George. Galing siya sa unit ni Scarlett. Nagmamadali siyang lumabas pero nang makita niya ako, bigla siyang bumilis maglakad, at sa isang iglap, isang malakas na suntok ang pinakawalan niya.Tumilapon ako. Ramdam ko agad ang sakit, ang bigat ng galit niya."I don’t know if you remember," mariing sabi niya habang ang apoy sa mga mata niya ay parang sasabog, "pero sinabi ko na sa’yo, hindi ko hahayaan na saktan mo si Jessica. Kulang pa ‘yan, Nick!"Hindi ko siya sinagot. Dumiretso ako sa condo, nananahimik. Habang binubuksan ko ang pinto, napansin kong may dugo na pala ang ilong ko. Pero wala akong pakialam. Deserve ko ‘to.Pagpasok ko pa lang, sumunod si George at itinulak ako papasok.Kung normal lang ‘to, baka bumawi na ako. Pero hindi ngayon. Hindi ko kayang sabayan s