Nick’s POVNasa opisina ako ngayon at kausap ko ang imbestigador na kinuha ko para imbestigahan ang pagkamatay ng ama ko. “ Na tignan ko na lahat ng mga anggulo tungkol sa pagkamatay ng ama ninyo. Halos lahat ng cctv kung saan nadaanan ang kotse ng ama ninyo ay wala. “ Naningkit ang mata ko sa narinig. “Ngunit may tatlong bahay akong nakita na may cctv. Buti na lang may nakuha akong dalawang kopya sa tatlong bahay. Ang isa wala na raw silang record kasi halos 15 years na rin ang nakalipas. “ Tumango tango ako. Binuksan niya ang dala niyang ipad at pinakita sa akin ang video.“ Kung mapapansin niyo po, may dalawang kotse ang nakabuntot sa kanila. Hindi lang siya mukhang halata dahil nagpapalit palit sila ng lane. “ Sinubukan kong alamin ang nagmamay ari ng kotse na ito, ngunit nagulat ako dahil nakapangalan ito sa isang kilalang politiko. Ang isa namang kotse ay nakapangalan sa isang kilalang business tycoon. Pinakita niya ang profile ng mga ito. Ang pulitiko na sinasabi niya a
Nick’s POVPagdating ko ng museleo dadan dahan akong lumapit sa puntod ni Daddy. I brought flowers and candles for them. Sinindi ko muna ang kandilang dala ko. Ang presko ngayon sa memorial park ang tahimik. Tanging mga huni ng ibon lamang ang aking naririnig. “ Hi Dad,...” mahabang katahimikan.“Huh!.. I’m sorry it took me a while to visit you!.. I…” gumagaralgal na ang aking boses. “ huhuhuhu…. I’m so sorry dad!!! “ hindi ko napigilan ang aking hagulgol. Bumalik sa akin lahat. Ang sakit ng kanyang pagkawala. Ang galit, ang tampo. At higit sa lahat, ang pagsisisi at paghihinayang na sana binigyan ko siya ng panahon na magpaliwanag. “ I miss you so much Dad..huhuhu kayo ni Mom! Bakit niyo ako iniwan?, bakit niyo hinayaan na magalit ako sa inyo ng matagal? bakit di niyo ako pinagalitan at pinagsabihan? Huhuhhu…”“ I am sorry Dad, na hindi ko kayo binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag. Na hindi ako naging isang mabuting anak.. Huhuhu!!!” I was crying my heart out. Hindi ko ito nai
Jessica’s POVKakagaling ko lang sa opisina ni Ate Andrea. Naubos ang lakas ko sa mahabang talakayan namin ni Ate. Nagawa ko na ang hinihiling niya ngunit hindi ito pasado sa kung anong plano niya. Hindi ako sang ayon sa kung anong gusto niya dahil impossible ang mga pinapagawa niya sa akin. Kaya away ang bagsak namin. Sa unang pagkakataon nagawa ko siyang sagutin na alam kong kinagulat niya. Kita ko ang paglaki ng kanyang mata. Hindi ko na rin napigilan ang inis ko kanina kay ate. Masyado siyang padalos dalos sa kanyang desisyon, di man lang nag iisip. Hai!! Pagod akong napaupo sa aking swivel chair at isinandig ang aking likod dito sabay tingin sa taas. Akala ko magiging masaya ako ngayon na nakapagtrabaho na ako dito sa kompanya namin at naipakilala na ako sa buong mundo. Bakit meron pa ring pait sa aking puso? Ano nga ba ang talaga ang gusto ko? Bakit hindi ako masaya?. Ramdam ko na mas lalong lumayo si Mommy sa akin simula nang nagtrabaho ako sa kompanya. Si ate na nga lang a
Scalett’s POV“Hello!” pabagsak kong sagot. “Where are you Bhabe? Bakit di mo sinasagot ang mga tawag ko kanina at bakit bigla kang bumaba?” nagtatakang tanong nito. “ Hindi na kita nahabol kasi magsisimula na ang meeting namin kanina pag alis mo. Are you OK?” nag-aalalang tanong niya.“ Mr. David, nakahanda na po ang presentation, naghihintay na po ang mga directors. “rinig kong sabi ng kanyang secretarya sa kabilang linya.“I have to go Bhabe, see you later, I love you..” nagmamadaling paalam ni George. Di na ako nakasagot sa I love you niya dahil binaba na niya ang telepono.Nakanguso pa rin akong nakatingin sa aking cellphone. Kawawa naman si George parang laging pagod. Inangat ko ang aking mukha at nakita kong nakanginiting nakatingin si Jessica sa akin.“ Yeah! I know what you are gonna say!“ Natatawa ito na nangingiti. “Oo na, kasalanan ko na. Hump! Kainis! ewan ko ba naiinis kasi ako sa malanding secretarya niya, mukhang patay na patay kay George” Kumumunot ang noon Ni J
Andrea’s POVI collected all the documents that Jessica brought to me earlier. Ilang taon na akong nagtatrabaho dito sa Laviste Land ngunit di ko ito nadiskubre. Paano nakita to ni Jessica?. Pero sa ngayon hindi importante yun, ang importante ay ang malaman ko kung saan napunta ang mga perang ito. Kailangan kong kausapin si Dad. I called dad secretary ang sabi nito nakauwi na si Dad at nasa Cavite ito ngayon sa aming mansion. Kaya sa Cavite ako dumiretso at hindi sa condo ko.“ Good evening Iha! I am so happy na nakauwi ka!” masayang bati ni mommy sa akin. Sabay yakap at halik.“ Andito na po ba si Dad Mom?” mataas na boses na tanong ko. “ What is the problem Andrea? Bakit galit ka?” “ Nasaan po si Dad mom? ““ His in his office, may problema ba?” Muling tanong nito. Hindi ko sinagot at dali daling umakyat papunta sa opisina ni Dad. Nasa telepono si Dad nung pumasok ako. “ Sige, pag uusapan natin iyan bukas sa meeting. Sisiguraduhin ko na mapapasa akin na iyon. Hahaha, sa wakas,
Third Party POV - Wild ColonyNagtitipon na naman ang miyembro ng wild colony para sa isang importanteng pagpupulong. “ Leopard? Ano na ang balita sa kayaman ni Agustin? Kailan ito mapapasakamay mo? Naiinip na ang mga taong pinaguutangan mo. alam mong bawat minuto ay billion ang halaga.” tanong ni Leon “ Sa susunod na linggo bababa na ang desisyon” tumatango tango ang mga naroroon na tila sabik sa resulta. “ Wag kang mag alala Leon, nalaman ko na malaki ang posibilidad na mapapasakamay ni Leopard ang mga kayaman ni Agustin. “ sagot ng isang miyembre na malakas ang kapit sa mga Judge.“ Magaling kung ganoon. Nasimulan na ba ang pagbubunkal sa Pampanga? Para sa susunod na lugar natin?” “Pasensiya na Leon, hindi pa iyon nasimulan ngunit pinapangako ko na sa susunod na lingo magsisimula na iyon” sabi ni Leopard. “ Siguraduhin mo lang Leorpard, dahil pag hindi pa yan nasimulan, ako na ang kikilos para gawan yan ng paraan!” galit niyang sabi.Tumahimik ang buong grupo. Sa madilim na
Nick’s POV“ Eto Nick, masarap to, pinaupong manok. Galing yan sa maliiti na poultry ng Hacienda” “Salamat po!, masaya kong sabi. Andito kame ngayon sa malaking hapag kainan na gawa sa kahoy. Naalala ko dito kame madalas na kumain ni Dad kapag andito kame sa Hacienda. Napuno ng masasarap na pagkain ang mesa. Ako lang ang kakain ngunit parang fiesta ang hinanda ni Manang Shoning. “ Dito na lang po kaya matulog Senyorito? Bukas na po kayo umuwi? Delikado kung umuwi pa po kayo ng gabi? “ nag-aalalang sabi ni Manong Castro. “ Tama senyorito, malinis po ang kwarto ninyo sa taas, lagi ko yun pinapalinis” "Nakita ko nga po kanina nung binisita ko ang aking kwarto Manang Salamat po!" “ Gusto ko man po ngunit biglaan po kasi ang aking pag-uwi ngayon. Marami po akong naiwang trabaho sa manila.” inaalala ko rin si Jessica. Di ko pa siya natawagan at nagkataong nalowbat ako. Dahil na rin sa dami kong ginawa sa araw na ito at sa mga nalaman ko, naging padalos dalos ang aking desisyon. Ngun
Jessica’s POV“ What are these Nick? Saan galing ang mga ito.” tanong ko kay Nick habang inaayos ang mga dala niya. Wala akong narinig na sagot. Lumingon ako at wala si Nick sa likod ko kaya pumasok ako sa kwarto. Nakita kong tulog na tulog na ito. Di man lang niya nagawang hubarin ang kanyang coat. Nilapitan ko siya at hinaplos ang kanyang mukha. He looks so exhausted and sad. Mukhang namamaga ang kanyang mata na tila galing sa isang matinding iyak? Did he cry?Malungkot kong hinaplos ang kanyang mukha. Mamaya ko na lang siya tatanungin paggising niya. It is already 5 am at hindi na rin ako makakatulog nito. Kinumutan ko siya at hinalikan sa noo bago lumabas ng kwarto. I looked puzzled sa mga dala ni Nick na nasa aking mesa ngayon. Saan kaya nanggaling ang mga ito? Inayos ko sila at ang iba nilagay ko sa Fridge. Pagkatapos kong mag ayos pinili ko na lang bumaba at mag jogging. Pag-akyat ko ng condo I cooked breakfat then after that I went to take a bath. Tulog pa rin si Nick. Mag
Jessica’s POV Ilang minuto akong natulala sa sinabi ng matanda. Para akong binuhusan ng malamig na tubig, sabay narinig ko ang tunog ng kampana mula sa simbahan. Paglingon ko, wala na sila. Hindi ko man lang narinig na nagpaalam sila. Para bang isa lang silang guniguni, para mag-iwan ng mensaheng kailangang marinig ng puso ko.Makalipas ang ilang sandali, naramdaman ko na lang ang sarili ko na nakaupo sa loob ng simbahan, luhaang humihikbi. Doon ko isinuko ang lahat sa Diyos. Sa harap ng altar, tahimik akong nanalangin habang unti-unting inaamin sa sarili na kailangan ko nang kalimutan si Nick. Kailangan kong tanggapin na asawa na siya ng kapatid ko. Masakit, ubod ng sakit, pero alam kong makakaya ko.Nang gabing ‘yon, nangako ako sa Diyos. Nangako akong uunahin ko na ang sarili ko. Na mamahalin ko ang sarili ko, at hindi ko na hihintayin o hihingin pa ang pagmamahal ng mga taong ayaw naman talaga sa akin.“You will be my maid of honor, Jes, sa church wedding namin,” narinig ko ang
Jessica’s POVIt has been five days mula nung naglunch kami nina Nick at Ate Andrea. Sa mansion na ako nakatira ngayon, dahil pumayag na si Daddy na mag-resign ako. Nandito rin kasi ang malaki kong studio. Pero sooner or later, I’ll need to move into a bigger condo kung gusto ko talagang mag-focus sa pagpipinta.Pababa ako ngayon ng hagdan. Late na ako nagising dahil abala ako kagabi sa pagpipinta. It’s almost lunchtime.Nagulat ako nang makita ko si Nick at Ate Andrea na nakaupo sa mesa kasama si Mommy. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko si Nick, pero pinili kong huwag itong pansinin. Masayang nagkukuwentuhan sila. Nakaramdam ako ng inggit, pero pilit ko itong nilunok. Ayokong ipakita kahit kanino ang totoo kong nararamdaman.“Good morning,” bati ko, pilit na may ngiti sa labi.Nakita kong bahagyang tumaas ang kilay ni Mommy bago siya nagsalita. “Sa ngayon, dito muna titira sila Andrea at Nick sa mansion. Babalik ka ba sa condo mo mamaya?”“Hindi po. Dito muna ako m
Scarlett’s POVMuntik ko nang mabitawan ang baso na hawak ko dahil sa sinabi ni Mommy.“I just want to remind you, Scarlett, hindi pa kami sigurado sa boyfriend mo. I know he is a hardworking man, but…”Hindi niya tinapos ang sasabihin niya, sinadya niya. Huminga ako nang malalim habang iniaabot sa kanya ang basong may tubig.“Mom! Di ba napag-usapan na natin ’to? You promised me na hindi kayo makikialam sa lalaking pipiliin ko. I told you to trust me,” matigas kong sagot.“I trust you, but I don’t trust any guy who wants to pursue you,” mabilis at buo ang sagot niya.“Ayokong gamitin ka lang nila sa ambisyon nila,” dagdag pa niya, ngayon ay mas malakas na ang boses niya. “Mga lalaking galing sa hirap ay gagawa at gagawa ng paraan para umangat sa buhay. They will only use you for their benefit. Just like Geo,.. napaka-opportunista!”May kirot sa dibdib ko habang naririnig ko ’yon, diretsong sinabi ni Mommy, may galit, may hinanakit.“Mom, iba si George. Hindi siya tulad ni Geo,” halos
Scarlett’s POVHindi ako mapakali habang nasa condo. Kanina ko pa tinatawagan si George ngunit hindi ito sumasagot. Sabi niya sa akin bibili lang siya ng ice cream pero mag-iisang oras na ngunit wala pa rin ito. “ Nasaan na ba ang lalakeng iyon” naiinis kong sabi. I called Jessica pero hindi rin ito sumasagot. Alam ko nasa mansion siya ngayon dahil ngayon darating sila Andrea at Nick, they will have a lunch sa bahay. Nag-aalala pa rin ako sa kanya kahit sinabi niya na kaya niya nang harapin sila Nick at Andrea. Nagulat ako kay Jessica dahil isang araw bigla na lang itong naging ok. Pagkatapos ng ilang araw na iyak ng iyak nagulat na lang ako na bigla itong nagbihis at pumasok sa opisina. ~~~ flashback~~~“Where are you going Jes?” Nagtataka kong tanong nung nagising ako isang araw at napansin ko na maayos na nakabihis si Jessica. “ Work. magreresign na ako” seryosong sabi nito. Napaupo ako sa kama. Tama ba ang aking narinig? “Ha? Ano ulit 'yon?” tanong ko na may pagkiling ng ulo
George’s POV“What are you talking about, Nick? Paano mo naging kapatid si Jessica?” gulong-gulo kong tanong.Parang umikot ang mundo ko sa katotohanang ibinahagi ni Nick. Ngayon ko lang ulit siyang nakita na ganoon, lumuluha.Oo, lumuluha si Nick. At hindi lang basta luha, luha ng galit, sakit, at pagkawasak. Ramdam na ramdam ko iyon.“You heard me right. Anak si Jessica ni Daddy at ni Elena,” mariin niyang sambit, halos hindi makapagsalita sa bigat ng damdamin.“Hahaha, what a cruel world!” sabay tawa niya na parang isang baliw na sumuko na sa lahat.“Kaya pala kamukha niya si Elena. Kaya pala parang pamilyar ang kanyang mata, dahil kay Daddy pala niya nakuha 'yon. Haha! Imagine, George… I fell in love with my sister!” pahiyaw na sambit niya, puno ng sakit at pagkasuklam sa sarili.“Sabihin mo sa akin, George… paano ko aaminin kay Jessica ang katotohanan? Kung ako nga, wasak na wasak na, paano pa kaya siya? Ayokong maramdaman niya ang ganitong sakit, ang pighati, ang galit. Hindi ko
Nick’s POV ~~ Flashback before Nick’s Accident ~~Halos araw-araw, si Andrea ang kasa-kasama ko sa ospital. Inaalagaan niya ako. Pinipilit kong magpanggap na ayos lang ako. Na masaya ako. Pero sa totoo lang, may mga araw na hindi ko talaga kayang tiisin ang presensya niya. Masyado siyang maingay, masyadong masigla… parang wala siyang pakialam sa bigat ng mundo ko.At sa mga sandaling ‘yon, nakikita ko… ilang ulit ko nakikitang sumisilip si Jessica. Minsan malayo lang. Minsan palihim. Nasasaktan ako.Pero palagi kong pinipiling hindi siya pansinin. Nagpapanggap akong hindi ko siya nakikita. Kahit na ang totoo, bawat sulyap niya ay parang punyal na dumudurog sa puso ko.Sa bawat pagtulo ng kanyang luha… sa bawat paglapit niya sa akin… parang patalim na paulit-ulit na sumasaksak sa puso ko.Alam ko, kailangan ko na talagang gumawa ng paraan.Kailangan ko siyang itulak palayo. Kailangan niyang magalit sa akin.At sa lahat ng posibleng paraan, tanging pagpapakasal kay Andrea ang naiisip k
Nick’s POV ~~ Flashback before Nick’s Accident ~~“Nick… Nick huwag mo kong iwan… Please… huhuhu… Please, Nick…”" Love, gising ka na.." Mga boses ni Jessica ang tanging naririnig ko sa gitna ng dilim. Walang katapusang kadiliman. Pilit kong tinutunton ang pinanggagalingan ng kanyang tinig pero parang lalong lumalayo.Lakad lang ako ng lakad.Hindi ako titigil. Kailangan ko siyang mahanap. Jessica… umiiyak siya. Nasasaktan. Natatakot. Kailangan niya ako.“Love, where are you? Are you okay? Love…”Mga alingawngaw na lang ang naririnig ko. Wala akong ibang makita kundi dilim… hanggang sa bigla na lang may liwanag. Isang matinding bugso ng pag-asa ang bumalot sa akin. Dali-dali akong tumakbo papunta sa liwanag.Pagdilat ko ng aking mata, isang puting kisame ang bumungad sa akin. Napapikit ako. Ilang ulit. Masakit. Masakit ang ulo ko… ang buong katawan ko.Paglingon ko, nakita ko si Jessica. Masaya ako nung makita siya.“Love! Gising ka na! Wait, I will call the nurse!”Kita ko ang ning
Nick’s POV ~~ Flashback bago ang Aksidente ~~Pinipilit kong tapusin ang lahat ng trabaho sa opisina. Kailangan kong umuwi ng maaga. May inihanda akong espesyal para kay Jessica. Biglang tumunog ang cellphone ko. “Yes, hello?” “Good afternoon Mr. Ford, everything is set now, according to your instruction. I also sent a video to your email. Kindly check it if there are things you want to change or remove.” “OK, thank you! I’ll check it now. I will call you back.”Tumawag ang decorator na inupahan ko para sa isa na namang proposal ko kay Jessica. Excited kong binuksan ang email ko. Napangiti ako habang pinapanood ang video. Perfect ang setup. Gusto ko sana ito sa ibang lugar, pero mas pinili ko sa condo, mas private, walang istorbo.Alam kong mainit-init pa ang engagement nila ni Rich, pero wala akong pakialam. Ayokong may makakita sa amin at masira pa si Jessica sa publico. Magtitiis lang muna ako. Lalo akong napangiti nang makita ko ang malaking portrait niya, nakangiti siya, mas
Nick’s POVAndrea decided to stay sa mansion nila, may kailangan daw siyang gawin. Ako naman, umuwi mag-isa sa condo to check on something. Bukas pa kami lilipat sa mansion.Paglabas ko ng elevator, tumambad sa akin si George. Galing siya sa unit ni Scarlett. Nagmamadali siyang lumabas pero nang makita niya ako, bigla siyang bumilis maglakad, at sa isang iglap, isang malakas na suntok ang pinakawalan niya.Tumilapon ako. Ramdam ko agad ang sakit, ang bigat ng galit niya."I don’t know if you remember," mariing sabi niya habang ang apoy sa mga mata niya ay parang sasabog, "pero sinabi ko na sa’yo, hindi ko hahayaan na saktan mo si Jessica. Kulang pa ‘yan, Nick!"Hindi ko siya sinagot. Dumiretso ako sa condo, nananahimik. Habang binubuksan ko ang pinto, napansin kong may dugo na pala ang ilong ko. Pero wala akong pakialam. Deserve ko ‘to.Pagpasok ko pa lang, sumunod si George at itinulak ako papasok.Kung normal lang ‘to, baka bumawi na ako. Pero hindi ngayon. Hindi ko kayang sabayan s