Nasa opisina siya ng Tech Systems pero hindi siya mapakali. Kumpirmado na niya na si Derrick at Noah ay iisa. Wala na siyang pag-aalinlangan pa. Ang kailangan niyang alamin ay kung bakit hindi siya maalala nito. Nagkasakit kaya ito kagaya dati? Paano ito nakaligtas sa sunog? Nakita niyang sumabog at naabo ang buong bahay.Tinawagan niya si Oliver. “Hello. Kumusta na? May balita ba tungkol kay Derrick Ruiz?”Katahimikan sa kabilang linya. “Ms. Maddie, wala na po akong makalap na impormasyon. Mukhang naitago na nila ang gusto nilang itago. Pero umasa kang hindi ako titigil hanggat hindi natin natutuklasan ang katotohanan.”“Oliver, sigurado ako na si Derrick at Noah ay iisa. Ano kaya ang nangyari at hindi niya maalala kung sino siya? Balikan natin ang bahay na sunog at magtanong sa mga tao sa paligid. Baka may makuha tayong impormasyon.”“Ms. Maddie, ako na po ang bahalang bumalik at magtanong tanong. Tatawagan po kita kapag may bagong balita.”“Sige, balitaan mo ako agad.”Ibinababa na
Agad na sinalubong ni Maddie ang anak. Kinarga niya ito papasok ng mansyon. Hindi nito dapat makita si Derrick. Itinaas nito ng bintana ng kotse at umalis na palayo sa kanilang mag-ina.“Mommy, sino po ang kausap ninyo?”“Ah wala, may tinanong lang siya.”Bakit nagpunta si Derrick sa tirahan nilang mag-ina? May naaalala kaya ito? Ano ang pakay ng binata?Sinalubong siya ni Kaye.“Maddie ang sabi sa akin ng pinsan kong si Emaline ay nagpunta ka daw sa bahay nila.”“Ah oo, noong isang araw.”“Nakita mo ang asawa niya?”“Oo, nakausap ko silang mag-asawa.”“Ang asawa niya ang itinuturo ko sa’yo sa conference na kamukha ni Noah.”“Kahawig nga pero mas gwapo si Noah. Sa Amerika daw sila nagkakilala.” Ayaw muna niyang ipaalam sa iba na buhay si Noah hanggat hindi niya alam kung may amnesia ba ito o nagpapanggap lang. Tama! May posibilidad na nagpapanggap lang ito na walang naaalala. Ngunit bakit? Iyon ang dapat niyang alamin.“Maddie, kamukha talaga. Kung hindi nga lang natin nakita mismo an
“Ms. Emaline, bakit kami mag-uusap tungkol sa sex? May asawa si Mr. Ruiz at ikaw ‘yon. At ako naman ay may boyfriend na malapit na ding magpakasal.”“I’m sorry, Ms. Maddison. Nagkamali ako ng dinig. Sa sobrang pagmamahal ko sa asawa ko ay nagiging paranoid na ako.”“No worries. Normal sa ating mga babae ang magselos.” Ngumiti siya sa babaeng kaharap kahit pa gusto na niyang hilahin ang buhok nito. Sumakay na siya sa kanyang kotse.“Ano nga pala ang ginagawa mo dito?” Nasa loob na ng sasakyan sina Noah at Emaline.“Ikaw ang dapat kong tanungin, mukhang tama ang hinala ko na type mo si Ms. Maddison.”“Emaline, stop that nonsense. I’m interested with the business she’s offering. Alam mo kung gaano ka-importante ang koneksyon sa negosyo natin kaya ako makikipagpartner sa kanya.”“Siguraduhin mo lang Derrick. Akin ka.”“Wala sa kasunduan natin ang ganyang usapan. Parehas nating alam na naggagamitan lamang tayo.”“Sabi ko naman sa’yo, gusto kita! Gustuhin mo din ako!”“Tatapatin na kita. Ma
Kumurap siya ng ilang beses. Si Derrick nga talaga ang lalaking kausap ni Oliver. Kung magkaibigan sina Oliver at Derrick. Ibig sabihin ay naaalala ni Derrick kung sino siya. Pinigil niya ang sariling kumprontahin ang dalawang lalaki. May dahilan kung bakit inilihim ni Noah ang kanyang pagkakakilanlan. Na kanyang aalamin. Gustong sumama ng kanyang loob sa ginawa nito ngunit mas lamang ang kaligayahan na buhay ito. Pero bakit kailangan nitong magpakasal kay Emaline? Umatras siya at natumba ang isang paso sa gilid. Napapikit siya ng lumabas si Oliver.“Ms. Maddie. Ano po ang maipaglilingkod ko sa’yo?” Binuksan nito ang gate. Wala na si Noah. Nakapagtago na ito.“Busy ka ba? Hindi na ako nakatawag. May gusto sana akong paimbestigahan.”Pinupo siya nito sa sala. “Kumain na po ba kayo? Tinapay? Juice?”“I’m good. Thanks.” Pinigil niya ang sariling magtanong kung bakit nagsinungaling ito sa kanya tungkol kay Noah. Pinagmukha siyang tanga ngunit nauunawaan niya.“Gusto ko sanang paimbestigah
Patuloy siyang nakikinig mula sa wiretapping device.“Bakit hindi mo na lang balikan ang girlfriend mo? Or humanap ng bagong makakarelasyon,” boses ni Derrick. Alam nito na lesbian si Emaline.“Ikaw ang gusto ko. Subukan natin. Baka magwork kapag naging tayo.”“Susundin natin ang kasulatan. Magkaibigan lang tayo at magkasama tayo dahil sa benepisyong hatid ng kasal natin. May mahal akong iba at walang makakapagpabago ng damdamin ko. Maliwanag ba?”“Hindi ako papayag na maagaw ka ng iba! Tandaan mo ‘yan! Walang maghihiwalay next year! Ipapapatay ko ang babae mo!” hiyaw nito.Wala na siyang nadinig na pag-uusap. Malamang ay pumasok na sila Derrick at Emaline sa loob ng bahay. Nakahiga na siya sa kanyang kama ngunit hindi siya dalawin ng antok. Iniisip niya ang bagong karibal sa puso ni Noah. Malungkot siya sa natuklasan ngunit ang importante na lamang ay buhay ang binata. At kung anuman ang dahilan nito kaya nagpalit ng identity ay ayaw na niyang alamin. Posible na gusto nitong lumayo s
Sa pagkataranta ay tinawagan niya si Derrick na nasaksak si Oliver. Huli na bago niya maisip na hindi niya ito dapat tinawagan. Agad naman itong nagpunta sa ospital. Nagkagulatan sila. Parehas silang hindi kumibo ng magtagpo. Alam na nila na alam na ng isa’t isa ang pagtatago ng lihim na identity ni Noah. Ngunit hindi siya nagtanong. Sapat na sa kanya na buhay ito.Mabuti na lamang at hindi masama ang tama ni Oliver. Kung may nangyaring masama dito ay sisisihin na naman niya ang sarili. May umagaw daw ng report na hawak nito. Makakahingi naman sila uli ng kopya kung hindi pa natutunton ng suspect ang asset ni Oliver.“Uuwi na ako. Ikaw na muna ang bahala kay Oliver. Sagot ko lahat ng gastos niya o kung anuman ang kailangan,” sabi niya kay Noah.Tumayo si Noah. “Mag-usap tayo.”“Wala tayong dapat pag-usapan. Pinili mong ilihim na buhay ka pa. Natitiyak kong may matindi kang dahilan para gawin ang bagay na ‘yan. Hindi mo kailangang magpaliwanag.” Tila may bara ang kanyang lalamunan.Mas
Si Don Arturo Santiago ang mastermind ng lahat ng kaguluhang nangyayari sa buhay at kumpanya niya! Pinatikim niya ito ng mag-asawang sampal. Sagad hanggang buto ang kasamaan ng matanda. Hindi niya ito mapapatawad. Agad siyang tumawag ng pulis. Nakaposas ito ng dalahin sa presinto. Biglang nawalang parang bula si Noah.Nakulong na ang matanda dati ngunit dahil wala daw sapat na edibensya ay ilang taon lang ito nanatili sa bilangguan. Sisiguraduhin niya ngayon na mabubulok sa kulungan ang kanyang stepfather. Walang kapatawaran ang ginawa nitong kawalanghiyaan sa kanyang kumpanya at pamilya.Nagbigay siya ng pahayag sa presinto. Nakakulong na si Don Arturo. Mangangalap pa ang mga pulis ng matibay na ebidensya laban sa patong patong na kasong kinakaharap nito.Bumalik siya sa ospital upang bantayan ang ina. Naging mas malala ang lagay nito at nagkaroon daw ng mild stroke sabi ng duktor. Hindi ito makapagsalita at hindi maigalaw ang ibabang bahagi ng katawan.Labis ang kanyang pagod. Wala
“Maddie, wala akong ibang babaeng mahal kundi ikaw. Noon at ngayon. Ikaw ang nag-iisang laman ng puso ko.”Napatitig siya sa binata. Hindi siya makapaniwala sa nadinig. Gustong magdiwang ng kanyang puso ngunit hindi na siya basta maniniwala dito.“Look, hindi mo kailangang magsinungaling dahil lang may nangyari sa atin.” Pinamulahan siya ng mukha ng maalala ang naganap kagabi.“Hindi ako nagsisinungaling. Mahal kita Maddie.” Lumapit ang binata sa kanya. Itinaas nito ang kanyang mukha.“Kung mahal mo ako, bakit ka lumayo at nagpanggap na ibang tao? Dumating pa sa punto na nagpakasal ka. I just don’t get it. Kung mahal mo ako. Sana bumalik ka agad sa amin ni Eli.”“Dahil kilala ko ang taong nasa likod ng lahat ng kawalanghiyaan sa kumpanya mo.”“Nahuli na si Don Arturo. Mabubulok na siya sa bilangguan.”“Maddie, may anak si Don Arturo na siyang mastermind ng lahat.”Kumunot ang kanyang noo. Wala siyang naiintindihan sa mga sinasabi ng binata. Para sa kanya ay tapos ang ang kaguluhan.“M