Share

34— Rest to restless 🔞

Chapter thirty four

Hindi ko alam kung anong oras na nong umuwi kami ni gwapong driver sa mansion basta ang alam ko lang ay sobrang tahimik na ng mansion at tulog na ata ang lahat ng tao. Dahil doon ay nakauwi kami ng matiwasay.

Kung hindi dahil kay gwapong driver na wala pang balak umuwi kung hindi pa namumula ang buong dibdib ko ay sigurado akong nakapagpahinga ako sa maayos ng maaga.

"Okay ka lang, Maggie." biglang tanong sa akin ni manang Nina.

Dahil sa kanyang tanong ay lumingon sa amin ang ibang katulong na nakarinig non lalo na si Sheena na mabilis lumapit sa akin.

Mahina akong tumango at ngumiti pero Sheena is Sheena talaga dahil bigla n'yang hinawakan ang noo ko gamit ang kanyang palad.

"Nanghihina ka tapos namumula pero hindi ka naman mainit." aniya.

Wala ng init kase kinuha na ni gwapong driver kagabi.

Wala sa sariling iniling ko ang aking ulo dahil sa sinabi ng isip ko. May pagtataka silang tumingin sa akin. "Okay lang talaga ako, Manang Nina at Sheena."

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status