Someone's POV Sapat na ba ang mga ginagawa ko para matuwa sa akin ang magulang ko? Sapat na ba sa kanila na hindi mapupunta kay Dia ang trono? Paano kung magbago ang lahat sa isang iglap? Tatanggapin pa ba nila ako? Paano kapag hindi nagtagumpay ang plano ko? Sa dinami dami ng request nila, bakit ang trono pa? Napahigop na lang ako ng alak sa mga sandaling tumatakbo sa aking isipan ang mga tanong na 'yon. Kagabi pa ako ginugulo ng aking isipan sa posibleng mangyari ngayong gabi. At kagabi pa rin ako hindi mapakali sa mga nangyayari."Babe are you okay?" Napalingon ako sa nagsalita mula sa aking likuran, agad namang nabura sa aking mukha ang bagabag na gumugulo sa akin dahil ayaw kong makita ng taong mahal ko ang problema ko ngayon. Lumapit siya at tumabi sa aking kinauupuan. "About ba 'to sa trabaho mo sa palasyo?" "No babe, I'm just thinking about my project.""Oh I forgot, about paintings may nakausap na akong buyer sa last year project mo. Makikipagkita sila next week
Shaine's POV"Tonight we will be able to watch the coronation night that we are all waiting for, after a couple of hours we will witness the first public appearance of the first Grand Princess of Rallnedia."Bawat paglingon ko sa sulok ng palasyo ay may mga kamerang nakabantay, mula sa gate hanggang sa entrance, maging sa mga pasilyo patungo dito sa event hall kung saan magaganap ang coronation. Kung ang traditional coronation sa apat na naging hari ng bansang ito ay ginanap sa sagradong simbahan, ito naman ang kauna unahang coronation na ginanap dito sa mismong palasyo."After the tragic fate of the last King Louise Achelles Wayler and Queen Elisita Wayler. We will now have their only daughter, the Grand Princess." Nanggaling pa sa iba't-ibang lugar ang mga media na nandito ngayon upang saksihan ang kauna unahang public appearance ni Dia bilang Grand Princess, magkahalong kaba at excitement ang bumabalot sa dibdib ko sa mga sandaling iyon.Maya maya pa ay napansin ko ang pagdami ng m
Someone's POVNang makarating ang Prinsesa sa altar ay bumalik na rin kami sa pagkakaupo. Mababasa ko sa presensya niya ang kaba sa mga oras na iyon. Napansin ko pa si Duchess Vel na tila hindi nakapaghanda na makita ang hitsura ng Prinsesa na nakatayo sa harap ng maraming tao.Kabahan ka lang Princess, dahil after ng coronation ay may surpresang nag-aabang sa'yo. Just take your time tonight, enjoy this night but not tomorrow and the next day, also the next another day....Dia's POVWalang ibang pumapasok sa isip ko sa mga sandaling binabasa sa harap ko ang duties at responsibilities ko as a Grand Princess for now. Maya maya pa ay lumapit sa akin ang Head Priest, katabi naman niya ay isa pang lalaki na may hawak na makapal na libro, tila ba encyclopedia sa sobrang kapal ngunit kung pagmamasdan ang hitsura ay may mga simbolo mula roon ng Rallnedia. "Ma'am, is your Highness willing to take the Oath?""I am willing." Magalang kong sagot. Binabalot ako ng kaba dahil alam kong nasa aki
Dia's POVMakalipas ang ilang sandali matapos akong makoronohan ay may mga media na nakaabang sa akin palabas ng function hall, ngunit dahil isa na akong ganap na Grand Princess mas marami ang bodyguard na nakapaligid sa akin. Wala kahit isang makalapit sa halos tatlong metrong layo dahil sampung bodyguard na iyon.Tatlong oras lang ang tinagal ng koronasyon ngunit para sa akin ay halos tatlong araw akong nakatayo sa harapan ng maraming tao kanina."Your Highness magpahinga na po kayo." Tiningnan ko lang si Mr. Yong nang makarating ako sa kuwarto ko habang nakatayo naman sa labas ang mga bodyguard.Mr. Yong hindi po ba kayo babalik sa Pilipinas para makasama ang pamilya niyo? Nag-aalala sa inyo si Shine, at kahit masakit sa kanya na iniwan mo sila handa pa rin siya na
Dia's POV"I'm glad that you're here. Akala ko hindi mo na kami alalahanin, thank you Princess." Kanina pa nakayakap sa akin si Shaine matapos naming makakain ng dinner."Do you have anything to say except my arrival?""I just want to thank you for everything, and for coming. Sobra ang pasasalamat ko dahil finally nakoronahan ka na rin bilang Grand Princess." Hindi ko alam ang sasabihin kay Shaine sa mga oras na nakayap pa rin siya sa akin."Sobrang saya ko Princess at sobra sobra ang pasasalamat ko dahil bumalik ka. Lahat ng pag-aalala ko ay naglahong bigla nang maipatong ng head priest ang korona sa ulo mo kagabi."Baki
Shaine's POV"I'm sorry June.""It's alright babe. Just message me after your appointment with her.""Sure babe. Sige bye, love you.""Love you too babe." Ibinaba ko rin agad ang tawag matapos makausap si June.Mag-iisang linggo na ang nakakalipas matapos ang sunod sunod na appointment ng bagong Prinsesa, kung ako stress sa mga upcoming event mas lalo siya na hindi lang ang kompanya, charity, organization at military ang inaasikaso maging ang mga financial issue dito sa Rallnedia, kasama na ang pagbisita sa ipa bang bansa na katabi lamang ng Rallnedia. Mabuti na lang hawak ko ang media kaya limitado ang mga is
Dia's POV"I see.""I'm so sorry Princess.""It's fine, ngayon alam ko na kung ano ang dahilan ni Duchess Eve." Tumayo na ako at kinuha ang librong binabasa ko, sumulyap ako ng ilang segundo kay Nico bago lisan ang kinaroroonan ko. Pansin kong sumunod sa akin sina Hanz at Mhek papasok sa palasyo. Napabuntong hininga akong tinahak ang daan pabalik sa office."Thank you." Narinig ko pa rin ang sinabi ni Nico kahit nakalayo na ako sa kinaroroonan niya....Kinabukasan ay maaga kaming umalis ni Shaine patungong Villyork kung saan gaganapin ang pangalawang pagkakaroon ng Estate Party kasama ang mga Noble Lady ng iba pang city dito sa Rallnedia."Ilang oras ang biyah
Sylvia's POV"Under observation pa rin ang status ng Mama mo sa ngayon, kaya hindi ko pa masasagot ang katanungan mo.""Ilang araw pa po bago siya pwedeng ilipat?" Tanong ni Dia habang kausap ko."Two months is the minimum limit to condition her body for the transportation as for now, but I still need to run the observation.""Ganun po ba?" Napansin ko ang biglang paglungkot ng kanyang mukha sa screen ng cellphone ko."Tatawag na lang ako sa'yo kapag may nagbago sa status, sa ngayon magpahinga ka muna.""I'm fine Doc.""Maghapon kang nasa tra
Alira's POV "What is the meaning of this June?" Narinig ko ang tanong ni Shaine sa girlfriend niya na tila hindi alam ang isasagot sa mga sandaling iyon."Miss Sandoval! What the hell are you waiting for?!" sigaw ni Duke Markus.June? Ikaw? Bakit ikaw pa? Tanong ko sa aking isipan habang nakatingin sa kinaroroonan ni June."Eímai o sostós kyverítis tis Rallnedia." Natigilan naman ako ng marinig ang mahinang boses na iyon. Nilingon ko ang nagmamay-ari ng boses na iyon na nasa likuran ko lamang. Dia? "Don't use someone else Duke!" naagaw ang atensyon ko ang sinabi ni Duchess Eve. Kaya muli kong ibinaling ang aking paningin sa unahan."Speak up Miss Sandoval!" sigaw ni Duke Markus. "Don't just zip your mouth, it's for your parents sake!" "Duke Markus, you have the right to remain silent. Anything you say can and will be used against you in a court of law of this country. You have the right to consult an attorney. If you decide to answer questions now without a lawyer present, you h
And there you have it Duke Markus, akala mo ba papayag ako na paikutin mo ang ulo ng pinsan ko, sorry pero hindi ako papayag na mapasakamay mo ang kapangyarihan ng Rallnedia lalo na sa katayuan nito sa panahon ngayon. "And who are you?" "Alondra Madrigal, former personal maid of Queen Elisita Rosales Wayler," tugon ni Manang Aloi. Rinig sa kabuuan ng simbahan ang pagkagulat ng nakararami. Ibang eksena na naman ngayon ang masasaksihan ng buong mundo dahil kanina moment ni Duchess Eve at ni Duke Markus kasama ang alipores niya na nakatayo lamang sa gitna ng tensyon bago pa ako dumating, at syempre ilang sandali lang ay ako na ang center of attention matapos kong lumabas at magpakita sa media, sa pangatlong pagkakataon ay kay Manang Aloi na nakatuon ang bawat camera na nandito sa simabahan. Hindi ko kailangang pigilan ang anumang lumab
Flashback (One month before the coronation, and two months ago in the present day) Dia's POV"Sa hall na ito nakalagay ang bawat korona, robe, scepter at orb na ginamit ng mga naging pinuno ng Rallnedia." Nilibot ng aking mata ang kabuuan ng hall na tinutukoy ni Ma'am Vel. May isang malaking cabinet na may logo ng Rallnedia, at sa itaas na bahaging iyon ay mapapansin ang malaking transparent box na naglalaman ng korona. "Dito rin nakalagay ang mga seal ng bawat Duke at Duchess na natanggalan ng title matapos labagin ang batas ng bansang ito. Sa kanang bahagi kung saan mapapansin mo ang mga naglalakihang transparent glass storage." Nilingon ko iyon at napansin ang mga seal na tinutukoy niya, halos kasing laki lamang ito ng ballpen, nakalagay pa iyon sa pulang tela na tila'y mamahalin. Limang kulay itim na seal, dalawang kulay maroon, isang puti at isang kulay asul. "Sa pagsapit ng coronation mo ay ordinaryong korona ng Prinsesa lamang ang ilalagay sa ulo mo, habang ang korona nama
Nico's POV Nakapako lang ang aking mga mata sa unahan ng altar kung saan nakatayo mula roon ang isang babae na nakasuot ng asul na gown. Walang reaksyon niyang nilapitan si Dia at yumuko sa harap ng maraming tao maging sa media. Mapapansin ko naman mula sa reaksyon ng aking ama ang ngiti na tila ba kasama sa plano niyang sirain ang pinakamahalagang araw ng Rallnedia. Sa dinami dami ng pwede mong gawin ngayong araw bakit ang ipakilala pa sa buong mundo ang isang viscountess na matagal ng nawalan ng posisyon? Tanong ko sa aking sarili sa mga sandaling nagsisimula ng magsitayuan ng mga nobles mula sa unahang bahagi ng simbahan. "I, Viscountess Margaux Ancheska Holmes of Hentorr. Here before all of you to prove that I am the real daughter of late King and Queen of Rallnedia," sambit ng babaeng iyon. Dahilan para magpanting ang tenga ko, hindi ko matiis ang mga nangyayari sa mga sandaling ito. "What is the meaning of this Duke Markus?" tanong ng Head Priest sa aking ama. "I believe tha
Aria's POV "Sa lahat ng nasa baba ng event staff sa building number two kayo. Kasama niyo rin ang mga nasa administration department," sambit ni Mr. Castor. "Kay Miss Avelino niyo na lang kunin ang assigned room niyo, nasa information desk siya naka-assigned ngayon then after that let's all gathered here again." Pagkatapos sabihin ni Mr. Castor ang mga paalalang iyon ay tumungo na rin kami ni Mocha sa kinaroroonan ng information desk kung saan naroroon si Miss Avelino. Sinundan lang namin ang iba naming kasama sa van kanina. Uminat inat pa ako dahil sa ngalay na nararamdaman ko magmula ng makababa sa van. "Nangalay ka ba kanina?" tanong sa akin ni Mocha. Tumango tango lang ako sa kanya bilang tugon, nakakatamad na din kasi magsalita matapos ang mahabang biyahe namin. Sa halos limang stop over namin ay hindi man lang ako nag-atubiling bumaba ng sasakyan. Kaya siguro sobrang nangalay ang aking binti at balikat, dahil ilang oras kong hindi ginalaw galaw ang aking katawan. "Miss G
Aria's POVNagising na lang ako matapos marinig ang alarm na nagmumula sa tabi ng aking kama. Agad ko na ring inasikaso ang lahat upang hindi malate.Mag aalas onse na ng umaga kaya sapat na sa akin ang 6 hours na tulog mula kaninang madaling araw matapos ang overtime ko sa trabaho.*DINGNapalingon ako sa kinaroroonan ng cellphone ko matapos makalabas mula sa banyo, hindi ko muna chineck kung sino ang nagmessage sa halip ay ipinagpatuloy ang pag-aasikaso sa mga gamit ko...."Aria bakit nandito ka?""Huh?"
...Dia's POVHindi ko ipinaalam kina Ma'am Vel ang tungkol sa panibagong test for my DNA. Mahirap na baka matulad lang din dati na hanggang ngayon ay hindi pa rin lumalabas ang resulta.Ngunit hindi iyon ang inaalala ko sa ngayon kundi ang tungkol sa sinabi ni Duke Markus. Nakakapagtaka lang kung paano niya nalaman ang tungkol sa DNA, samantalang hindi naman namin inilabas sa publiko ang tungkol sa pagkuha ng specimen mula sa akin. Kaya ngayon mas maganda kung hindi involve sa another test si Ma'am Vel o kahit sino kina Shaine, June, Jeyya, Nico at maging si Gene....
Shaine's POVKahapon pa tahimik si Dia magmula ng matapos ang meeting with Royal Council. Pansin rin ni Mr. Hienz ang pagiging seryoso ni Dia sa training, halos limang oras na siyang nasa Royal Library upang pag-aralan ang mga speech niya sa accession.Hindi ako makapasok sa Royal Library dahil utos ni Dia na huwag magpapasok ng kahit sinos habang nasa loob siya."Nico hindi mo pa ba nakakausap si Mr. Hienz?""Hindi pa Shaine, at hindi niya pwedeng iwan ang Prinsesa sa Royal Library ng nag-iisa." Nag-aalala na ako, halos hindi niya rin ginalaw ang pagkain na ipinahanda ko matapos kong makabalik mula sa Cratemia."Hey babe, are you done with your work?" Agad naman akong lumapit kay June na kadarating lamang.
Dia's POVMaaga akong nagising matapos marinig ang malakas na ingay na nagmumula sa pinto ng kuwarto ko. Pagkabangon ay agad ko ring tiningnan ang oras maging ang cellphone ko na nakalagay sa study table.Napakunot naman ang kilay ko nang marinig ang boses na nagmumula sa labas ng kuwarto ko, medyo malabo sa aking pandinig ang boses na iyon kaya hindi ko mawari kung sino ba ang nag mamay-ari ng mga iyon.Nacurious ako kaya sinubukan kong pakinggan iyon matapos kong ilapat sa pinto ang aking tainga. "Your Highness?""Ay palaka!" Tila may multong lumapit sa akin dahil biglang nagsitaasan ang balahibo ko nang magulat sa biglang nagsalita mula sa aking likuran."Your Highness, are you okay?"