Share

Chapter 18 (Part 2)

Nakalabas kami ng Hotel ng walang nakakilala sa akin. Nilugay ko lang ang aking mahabang buhok. Hanggang ngayon malakas pa ring kumakalabog ang dibdib ko sa takot. Halos yumakap na ako sa matigas na braso ni Wayne habang naglalakad kami papunta ng elevator kanina. Tinatawan n'ya lang ako sa payapos-yapos ko sa kanya. Wala na akong pakialam. Hindi ko s'ya binibitawan. Bahala s'ya kung anong isipin n'ya. Hindi pa rin ako makampante kahit wala namang katao-tao sa hallway paglabas namin ng kwarto. Kahit sa elevator kaming dalawa lang ang nakasakay. Pagdating namin sa lobby iilan lang na tao ang nakita ko. Dalawang receptionist at ilang taong nakaupo sa couch. Busy sa cellphone. Pawang may mga inaantay. Walang guwardiyang nakabantay sa entrance door kaya nagawa n'ya akong mailabas na walang sumisita sa akin.

Nakahinga akong maluwag ng makasakay na ako sa loob ng kotse n'ya. Halos gusto ko pang kiligin ng pagbuksan pa n'ya ako ng pinto ng sasakyan n'ya. Feeling girlfriend ang g*ga!

Naestatwa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status