Napahilamos si Mikael sa kanyang mukha, habang naka sandal si Maximo sa pader nasa rooftop sila ng Ospital."Tell me the truth, Kael. I know Tyeron is alive, he's not dead, nasaan siya?" seryosong tanong ni Maximo at derektang tinitigan sa mata si Mikael."Max....." usal nito.Natahimik si Maximo saka napabuntong hininga. "Is it because of the Organization? Tinatago ba nila si Tyeron? Come on bud, just tell me the truth," pakiusap ni Maximo. "You know the rule, Max," seryosong sabi ni Mikael. "Just tell me! lf he's alive, just say Yes if he is, I won't demand an explanation."Pabuntong hininga si Mikael. "Okay, fine. It's Yes but he is now in critical condition, Max. And the enemy will keep chasing him if they know he's still alive. So, please keep it in secret just for the meantime----"Pinutol ito ni Maximo. "How about Lyn? She is pregnant for the pate sake! Alam mo na makakaapekto sa kanyang pagbubuntis ang sama ng loob at sakit nararamdaman niya dahil sa sinabi mo. You need to t
Check up niya ngayon, ang kasama niya ay si Mikael. Nahihiya na nga siya sa lalaki dahil ito lagi naghahatid sa kanya. Ilang beses na niya ito tinanggihan pero 'di ito nag papaawat. Sasabihin lang nitong para sa anak nila ni Tyeron, dahil Best friend nito si Tyeron kaya hinayaan na lamang niya."How are you?" malumanay na tanong ni Doktora Mari.Napatingin siya sa babae at ngumiti kiming ngumiti."I'm okay, Doc."Napatango Ito, "That's good, don't stress yourself and always take the vitamins I give you," seryosong giit nito. Pero nababasa niya ang lungkot sa mga mata ng Doktora."Doc..." mahinang tawag niya nang akmang tatalikod na ito dahil tapos na din naman ang pag suri nito sa kanya."Yes?""Ahmmm, paano ko ba sasabihin? Ahmm Is it natural to be emotional? To crave weird foods? Especially sour foods?" nahihiyang tanong niya.Ngumiti ito. "It's natural, kainin mo lang kung anong gusto mo at gusto mong gawin, makakabuti 'yon sa pagbubuntis mo."Napanganga siya, hindi dahil sa sinag
Magdadalawang taon na ang nakalipas mula nang lumisan si Tyeron sa kanyang buhay. Madaming nagbago pero ang pag-ibig niya sa lalaki ay natiling buo, walang bawas at kailanman hindi kumukupas. Inabot niya ang kanyang pangarap maging isang Chef sa isang hotel na pagmamay ari ng Kuya Maximo niya pero hindi lang 'yon ang dahilan kung bakit siya nagpapatuloy sa kanyang buhay. Meron pa at 'yon ay ang kanyang maliit na anghel, tama nanganak na siya, magdadalawang taon na rin ito. Ang pinangalan niya sa kanyang anak ayThrone Vladimir Mandayog, ang kanyang munting Prinsipe, ang kanyang buhay, ang dahilan ng kanyang tagumpay.Napakurap siya nang maramdaman niya ang maliit na kamay sa kanyang pisngi."M-mama, don't cry," ani ng maliit na tinig. Napatingin siya sa anak na naka tunghay sa kanya, kuhang kuha nito ang berding mata ng ama. Ang tangos ng ilong, at ang mga labi pati na rin ang shape ng mukha. Minsan nga nagtatampo siya dahil wala man lang ito nakuha mula sa kanya pero minsan natutu
Hxh Private Hospital, magkahalong tuwa at kaba ang nadarama ni Mikael habang tinatahak ang daan patungo sa kwarto kung nasaan si Tyeron. Malapit dalawang taon na ito naka coma and his doctor said tanging life support na lang ang sumusuporta sa buhay nito. Walang pag asang mabuhay, kung mabuhay man isa 'yong himala. Isa pa 'yon sa reason kung bakit mas pinili niyang itago kay Lhalhaine, bukon sa 'di pwedeng sabihin pero ngayon umaga lang tumawag si Cyrex. Ito mismo ang nag momonitor sa condition ni Tyeron, gumalaw daw ang kamay ng kaibigan nang nakaraan gabi at ngayon umaga lang nagising na raw ito kaya nga nagmadali sila ni Heckson tumungo rito. He did also inform Maximo and Meruem, maayos na ang lagay ni Meruem noong nakaraang taon pa, pansamantala bigyan ito ng bagong Identity at ginawang bodyguard ng isang mayamang boss.Napaangat ang tingin ni Mikael nang may humawak sa balikat niya."Nervous?" seryosong tanong ni Heckson sa likuran niya.Napalingon siya sa kaibigan. "Yeah, you?"
Parang gusto niyang huwag kumurap sa mga oras na 'yon. Totoo ba tong nakikita niya? Buhay si Tyeron at heto ngayon ang lalaki sa harap niya buhat buhat ang anak nila."Ty...buhay ka," maluha luhang sambit niya at mabilis na humakbang papalapit sa lalaki.Pero napatigil siya nang makitang hindi ito gumagalaw. Hindi ito ngumiti, hindi siya nito sinalubong imbis puno ng pagtataka ang tingin nito sa kanya imbis na pangungulila ay pagkalito ang nababasa niya sa gwapong mukha nito at mas lalong 'di niya kinaya ang tinanong nito sa kanya."Who are you?"Napa kurap kurap siya, tama ba narinig niya? Tinanong siya ng lalaki kung sino siya, pero bakit? Bago pa man siya maka sagot, hinala siya ng Ate Lara niya kaya napabaling siya rito."Let's go," seryosong sabi nito at hinala siya sa siko."Pero---" tatangi sana siya pero hindi na siya nito pinagbigyan.****SA KUSINA magkaharap sila ng Ate Lara niya, puno ng pagtatanong niya ito tinignan."Bakit, Ate? Ba't mo'ko hinala rito? Bakit parang 'di n
NASA Coffee shop niya si Lhalhaine ngayon. Nakaupo sa isang mesa kaharap si Mari, Oo ang kanyang naging Doctor noong pinagbubuntis pa niya si Throne. Malaki talaga tinulong ng babae sa kanya kasi hindi lang simpleng pasyente lang ang turing nito sa kanya kundi parang kaibigan na din. Naikwento na niya rin rito ang tungkol sa kay Tyeron. Noong magtanong ito kung sino ang ama ng anak niya, napagkamalan kasi nito si Mikael. 'Di niya makakalimutan ang reaksyon ng babae ng time na 'yon tila ba hindi ito makapaniwala sa nalaman. Hindi din lihim sa kanya ang simpleng sulyapan ng dalawa, feel nga niya noon, sinasadya talaga ni Mikael sumama sa kanya magpacheck up kahit 'di naman dapat kaso ang malungkot lang doon ay kasal na si Doc. Pero ramdam niyang 'di ito masaya sa married life nito. Gustuhin niya man magtanong hindi pwede hahayaan niya na lang na ito mismo ang magkwekwento.Napakurap siya ng may humawak sa kamay niya sa ibabaw ng mesa."Don't worry too much, babalik din ang alaala ni Tye
Pagdating nila sa condo kung saan siya namamalagi ay mabilis na pinagbuksan siya ng lalaki ng pintuan at mas kinagulat pa niya ng kunin nito si Throne na karga karga niya."Wait---"Pinutol nito ang pag angil niya sa pamamagitan ng pagsasalita."Hatid ko na kayo sa unit niyo, Throne is very heavy for you, let me carry him instead," malumanay na paliwanang nito at nauna na.Napatitig siya sa papalayong likod ng lalaki."Let's go," sabi nito sa kanya nang lingunin siya nito.Mabilis na humakbang siya at sumabay rito.***Pagdating nila saa labas ng unit niya, nahihiyang nag angat siya ng tingin ang binuka ang mga labi."Salamat talaga.."At akmang kukunin si Throne rito matapos niya maisabi ang gusto niyang sabihin."Let me in, ako na maglalagay sa kanya,"seryosong giit nito na tila ba wala na siyang karapatang tumangi pa.Napatingin siya at sinusian na ang pintuan. Nauna siya pumasok sumunod naman ito."Where's Throne room?" kaagad na tanong nito."Sa kwarto ko," aniya at tinuro ang k
Pangiti-ngiti pa si Lhalhaine habang naglalakad patungo sa pintuan ng bahay ni Tyeron. Malapit lang pala sa bahay ni Kuya Maximo niya. llang block lang pala bago ang bahay nito, buti na lang nandun ang Ate Lara niya pinilit siya nitong iwan na lang si Throne. Noong una 'di siya pumayag kaso ng tumagal ang pagluluto niya nakatulog ang Anak niya kaya naiwan ito. NASA tapat na siya ng pinto, huminga mona siya ng malalim bago nilapat ang kamay sa doorbell.Kailang beses din niya napindot ang doorbell bago bumukas 'yon. Bumukad sa kanya ang gwapong mukha ni Tyeron. Gaya ng una nilang pagkikita sa bahay ng Ate Lara niya, mahaba pa din ang buhok nito pero hindi na maputla ang mga labi. Tumigil dun sandali ang mga mata niya hanggang sa marealize niyang naka ahit na ito kaya lumabas ang ganda ng kissable lips nito, napalunok tuloy siya ng laway."Hey, are you okay?" tanong ng lalaki sa kanya.Napaiwas siya ng tingin at yumuko hindi niya kayang salubungin ang tingin nito."What's bring you here
Papasok na sana si Mikael sa kanyang inaukupahan na silid pero napatigil siya sa pagpihit ng doorknob nang makitang nagmamadaling lumabas si Mari sa silid kung saan pansamantalang tuluyan nito. Hindi niya alam pero binitawan niya ang door knob at sinundan ang babaeng dire-diretso sa paglalakad. Ngayon lang siya nakaramdam ng ganito 'yong nag alala siya ng sobra. Napa hawak siya sa batok niya ng tumigil ang babae sa labas na sila ng resort. Nakita niyang nakikinginig ang mga kamay nito dahil nalaglag nito ang susi at mga gamit nito sa sahig. Napabuntong hininga siya nang 'di siya makatiis ay nilapitan niya ang babae.Lumayo ito ng hawakan niya ang balikat nito na tila ba natakot ito pero mas nagtaka siya dahil umiyak ito. Matapos ang pangyayari sa kanilang dalawa sa Enchanted Kingdom ay hindi na sila bigyan ng pagkakataong makapag usap ng babae dahil naging busy na sila sa pag aasikaso sa kasal ni Tyeron and Lhalhaine at kanina sa wakas na tapos na din ang kasal pero wala pa din silang
Nauna siyang magbanlaw sa lalaki, hindi nga sana siya nito pakakawalan pero sinabi niyang nilalamig na siya kaya binitiwan naman siya nito. Nakatapis lang siya ng tuwalya ng mapadaan siya sa isang mesang maliit, napako ang tingin niya sa dalawang box. Isa ay galing sa Ate Lara niya at ang isa ay galing kay Shyra sabay pa ang dalawa kanina sa pagbibigay sa kanya ng mga regalo ng mga ito. Naalala niya pa ang kapilyahan sa mga mata ni Shyra ng Ibigay nito sa kanya ang box. Bumulong pa nito buksan raw niya agad pagkapasok nila sa kwarto ni Tyeron, gano'n din ang sabi ng Ate Lara niya. Napabuntong hininga siya dahil na nakaramdaman na siya ng curiosity, inunang buksan ang kay Shyra.Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang laman noon, isang sexy na nightgown ang ay kulay pula. Naka heart shape ang sa dibdib nito na panigurado luluwa ang dibdib niya pag sinuot niya iyon pero nagustuhan naman niya. At saka honeymoon nila ngayon kaya dapat lang kaakit akit siya sa paningin ni Attorney.Hinubad
Napatili si Lhalhaine nang bigla siyang buhatin ni Tyeron. Pagkatapos nilang mag pahangin sa labas, naisipan nilang tumungo sa kanilang aakupahan na kwarto, medyo malayo pa sa pintuan ng bigla siyang buhatin ni Tyeron."Ano ka ba, hahaha," natatawang saway niya at saka nilagay ang mga braso sa leeg ng lalaki at ngitian ito."Wife, why so beautiful?" tanong nito at tinignan siya na para bang siya ang sentro ng mundo nito.'Di niya maiwasang mapaluha sa pagkahalong kilig at saya ang nadarama niya ng mga sandaling iyon. Inabot niya ang pisngi ng lalaki at malamlam ang nga matang tinitigan ito."Cause my husband take good care of me very much," nakangiting tugon niya.Napangiti na rin. "I love you," bulong nito at hinalikan ang noo niya.Napapikit na lamang siya at hinigpitan ang pagka yakap sa leeg ng lalaki."I love you too," bulong niya pabalik.Pagkadating nila sa tapat ng pinto, baba sana siya pero pinigilan siya ng lalaki. Nahahalata kasi niya na nahihirapan itong buksan ang pintuan
Pagdating nila sa entrance ng Damires Hills. Kita-kita ni Lhalhaine kung gaano ka dami ang bisita dahil sa bawat dinadaanan nila may mga tao at kumakaway sa kanila. Malapad ang ngiti niya habang nakatingin sa labas."Thank you," hindi niya maiwasang sambit.Hinawakan ng lalaki ang kamay niya. "You're welcome, darling, I love you," tugon ni Tyeron at hinalikan ang kamay niya.Napatitig siya sa lalaki, sumiksik siya rito, she wanted to feel the heat of his body to her. Gustong gusto niya pag nakayap siya sa lalaki she feel safe and secured.***Pagtigil ng brides car sa harap ng pintuan kung saan ang reception nila. Unang lumabas si Tyeron at pinagbuksan siya."Thank you," pabulong na pasalamat niya sa lalaki habang naka hawak kamay silang lumakad.Pagkabukas sa pintuan sumalubong sa kanila ang kanilang mga bisita. Pamilya at mga kaibigan, nakangiting kumaway siya sa mga ito."Let's welcome the newlyweds, Mr and Mrs Vanderburgh, let's give them a round of applause," anunsyo ng kanilang M
Minulat ni Lhalhaine ang kanyang mga mata nang sabihin ng kanyang make up artist na si Ms Jane Bacaling, isang fashion designer and a make up artist. Ito ang kinuha niya dahil na rin sa recommendations ng Ate Lara niya classmate nga rin raw ito ni Ate Mary niya. Napa angat siya ng tingin nang marinig niya ang pag tawag sa pangalan niya."Lyn..."Boses ng kanyang Ina. Ngitian niya ang Ginang namumula ang mga mata."Ma..."Hinaplos ng Ginang ang kanyang buhok na may pag suyo."Ang bilis lang ng panahon, ikakasal ka na anak, iiwan muna kami ng Papa mo. Mamimiss ka naman, Ina ka rin ngayon, masakit man pero kailangan kong tanggapin na 'di na sa amin iikot ang mundo mo pero sana huwag mong kalimutan ang aral na bilin namin sa iyo ng Papa mo. Sana maintindihan mo din na kaya nag makakaganun ang Papa mo dahil mahal ka niya," malumanay pero puno ng emosyon na turan ng Ginang.Tumayo si Lhalhaine dahil tapos na din naman ang kanyang make up. Niyakap niya ang ina na yumakap din sa kanya."Thank
Lumipas na ang dalawang araw na wala sila halos pahininga dahil sa pag aayos ng kasal. Kahit pa sabihing marami ang tumulong pero iba pa din silang dalawa talaga. Kahit ganun sila ka busy ay masaya pa rin si Lhalhaine dahil sa hinaba haba ng pinagdaanan nila sa wakas sa simbahan din ang tuloy. Nandito siya ngayon sa kwarto nina Mari, Shyra at Anna kung bakit siya naririto?? May pinaplano kasi 'tong si Shyra."Shy, baka magalit sina Mama at Papa,"kinakabahang aniya at saka umupo sa kama.Tinampal ni Shyra ang noo niya kaya na pa hawak siya sa kanyang noo."Aray naman!!" daing niya.Pinanlakihan siya nito ng mga mata. "Ngayon ka pa mag baback out? Eh grabe na 'yong effort natin para maperfect 'yong sayaw. Ano gusto mo? lbang babae sasayaw sa kandugan ng future husband mo??" taas kilay na giit nito.Umiwas siya ng tingin. "S-simpre hindi pero sina Mama----"Pinutol nito ang sasabihin niya. "Shhh, don't worry 'di nila malalaman, may sariling party naman sila mamayang gabi diba at saka, m
Matapos nilang mag salo-salo ay naiwan naunang matulog ang iba habang naiwan sina Lhalhaine, Tyeron at mga magulang ng mga ito."By the way, this place is so beautiful. We would like to introduce ourselves before we start, am Lieneth Vanderburgh, mother of Tyeron and this is my husband Vlad Vanderburgh, we're very sorry for the trouble cause by my son, that's why we're here to settle things," nakangiting pahayag ng Ginang.Natahimik ang mga magulang niya maging siya din. Narinig niyang napabuntong hininga ang Papa niya."Wala akong ibang hangad kundi mapabuti ang aking anak, sana maintindihan niyo ko...kung magalit man ako," seryosong giit ng kanyang Ama." I understand, If I were you, I might be worse. Thank you for giving my son second chance and let him marry your daughter," singit ng Ama ni Tyeron na seryoso naka tingin sa Papa niya.Napakamot naman sa batok ang Papa niya habang walang imik sila ni Tyeron magkaharap silang dalawa."By the way, this is Ms Anna Allie Green, my close
Hindi alam ni Tyeron kung matatawa siya o maawa kay Heckson. Well, kailangan lang naman nito isama ang mapapangasawa nito, si Ms Anna Alliah Green, she's the fiance of Heckson. Heckson's father and his mother closed friend also, ang Mama niya ang ng suggest na isama si Anna. Wala naman siyang tultul roon dahil sa pagkakaalam niya, magaling na wedding planner si Anna. Ito na nga lang din ang magiging wedding planner niya dahil na din sa recommendation ng Mama niya. By the way, nakasakay na sila ngayon sa Airplane pabalik sa Philippines. Hindi si Heckson ang nag maneho dahil na din sa sa request ng Ama nito na samahan si Anna, wala naman itong nagawa. Naawa siya sa kaibigan pero wala din naman siya maitutulong.***MEANWHILE abala ang pamilyang Mandayog sa paghahanda para sa paparating nitong mga bisita. Napa pag planuhan na ng dalawang pamilya na doon sa isang resort sa Janiuay, Iloilo city sila manatili at magiging reception na din ng kasal. Ang pangalan ng resort ay Damires Hills Tie
PAGKAGISING niya si Tyeron agad pumasok sa isip niya. Bumangon siya, dumako agad ang tingin niya kay Throne na naka upo na sa kama. Oo, gising na ito, nakatingin lang sa kanya, 'di niya alam pero napangiti na lamang siya."Ang bait naman ng baby, Throne ko,"malambing na aniya at saka niyakap ang anak."Ma-Ma..." usal nito at saka niyakap ang mga maliliit na braso sa kanya."Ahh, naglalambing ang baby ko," nakangiting sabi niya.Hinaplos niya ang buhok ng anak na kasing kapal ng buhok ni Tyeron pero mag kasing kulay sila black.Kinarga niya ang anak at saka bumaba sa kama. Napabuntong hininga siya nang maalalang halos 'di siya makatulog kagabi dahil doon pinatulog ng Papa niya si Tyeron sa sala sa labas. Malamig roon, naawa man siya, wala siyang magagawa wala din namang naging reklamo ang lalaki. Tumango lang ito at walang sinabi, lumakad na siya palabas. Dumeritso agad siya sa sala nag bakasakaling naroon pa si Tyeron pero wala na."Sino hinahanap mo?"Napalingon siya ng marinig ang