Naisip ko naman ang mga kalaban sa kabilang gilid at sina Kyer at Dino ang humaharap sa kanila.
Gamit ang kanilang mga hindi pangkaraniwang mga sandata, kahit na malayo ang mga kalaban ay nagagawa parin nilang labanan ang mga ito. . Napansin ko naman ang Espada na hawak ni Dino, yun kasi ang ginamit ni Shun nang labanan nya kami sa loob ng gubat. Padaos dalos talaga ang isang yun kaya laging napapahamak. Sandali ko naman silang binalingan ng tingin ni Lesther."Shadow force disturbance" rinig kong sigaw ni Dino at nagkaroon ng napakalaking anino ang espada nya. Mula sa pagkabayaw nya sa kanyang espada ay bigla nya itong ibinagsak na parang may hinahati. Sa pagbagsak ng kanyang espada ay nagkaroon ng malaking impak galling sa higanteng anino ng kanyang espada na syang dahilan nagpatilapon at pagkapinsala ng maraming kalaban."Unlimited destruction swords" rinig ko namang sigaw ni Kyer. Nagkaroon naman ng sandamakmak na aninong kopya ang kanyang espada, naNapansin ko naman ang senyasan nila Kyer at Dino na tila may binabalak silang gawin. Di nagtagal ay may biglang umilaw sa gitna naming lahat at may mga lumabas at nagulat ako kong sino ang nangunguna sa kanila.Ang hari ng Ashanya na si haring Shiron at kasama nito ang matanyag na apat na Guardian na sina Sadar, Valir, Amer at Kaliv.Napatayo naman ako bigla at napayuko tanda ng pagbigay galang sa hari ng Ashanya at maging sa apat na guardian. Napansin ko naman na nakatingin lang si Seina na halatang nagtataka kung sino ang mga dumating kaya sinenyasan ko s'ya na gawin nalang din ang ginawa ko na s'yang ginawa din naman niya kahit naguguluhan s'ya.Matapos naming magbigay galang ay ibinagsak na ni Seina ang kalaban na kanina'y kanyang nahuli dahil nawalan na rin naman ito ng malay.Bakas pa rin sa mukha ni Seina ang pagtataka kung sino ang mga bagong dating kaya sinabe ko nalang sa kanya na ang hari ng Ashanya ang dumating at ang apat na Guardian
Shun POV "Hindi ko alam kung bakit ako pumayag na panatilihin ka dito sa palasyo, sana noon pa lamang sanggol ka ay ipinatapon ka na namin sa malayong lugar para hindi kana makapagdala ng kamalasan dito Sa palasyo. Mabuti na lamang at itinago namin ang katotohanan na kambal ang ipinanganak ng reyna kaya hindi pa huli ang lahat para itaboy ka sa palasyong ito." Galit na sabi ng hari sa akin."Am- kamahalan, hindi ko po sinasadya ang nangyari kay Ate Sha- kay Prinsesa Shane. Maawa na po kayo sakin. Kadugo niyo rin po ako, maawa po kayo wag niyo na po akong paalisin sa palasyo, wala na po akong alam na pwedeng puntahan". Pagmamakaawa ko sa ama kong hari habang nakaluhod at humahagulhol sa pag-iyak. Ngunit hindi natinag ang mahal na hari, tiningnan niya ako ng may galit sa mga mata niya, kumikirot ang puso ko dahil parang hindi niya ako anak kung ituring. "Wala akong pakialam sa'yo, isa ka lamang kahihiyan dito sa palasyo." Malakas niyang sigaw akin.Nagulat ako n
"Mag ingat ka, makamandag ang ahas na yan." Isang malakas na sigaw ang nagpagulat sakin, isang malaking ahas ang papunta sakin kaya naistatwa ako sa kinatatayuan ko.Nakakita na ako ng ahas noong tinitrain ako ni yaya Sally sa pakikipaglaban, ngunit dahil alam kong ilusyon lang yun kaya hindi ako natatakot. Isanag Illusionist si yaya, kaya niyang gumawa ng mga ilusyon na para sa ibang tao na ginagamitan niya nito ay para bang nasa reyalidad parin sila ngunit dahil alam ko na training lang iyon sa kin kaya hindi na ako epektado sa mga ilusuong ginagawa niya para itrain ako.Malapit na ang ahas sa kinalalagyan ko. Alam ko na hindi na ito ilusyon kaya natatakot ako sa pwedeng mangyari, nablangko ang isip ko kaya hindi ko alam ang gagawin. Palapit ng palapit ang ahas sakin ngunit nagulat ako ng may biglang bumagsak sa harap ko, nakatalikod siya sakin at kaharap niya ang ahas.Ikinumpas niya ang kanang kamay niya at biglang may lumabas na isang malaking ibon, isang agila
"Marami kasi akong alam tungkol dun eh. Sige ah, matulog na tayo, inaantok na ako eh." Pagputol ko sa usapan. Kinabukasan.... Nagising ako tanaw ang magandang paligid, nasa medyo mataas na parte kasi kami na lugar at makikita ang magandang tanawin sa baba. May mga kabahayan sa baba na medyo malayo layo ang pagitan sa isa't isa at makikita talaga na maayos ang samahan ng mga tao dito sa bayang ito. Napakalinis kasi ng paligid at napakapayapa tingnan. "Napakapayapa talaga ng bayan ng Seran. Tara na, nasa dulo ng bayang ito ang paaralan ng Shanya." Sabi ni Kyer. Napansin niya rin pala ang kagandahan ng bayan nato at Seran pala ang tawag dito. Marami ng talaga akong hindi alam sa Ashanya. Binuhat niya na ang mga dala niyang gamit at naunang maglakad, natawa nalang ako ng bigla siyang napaatras ng bahagya dahil sa harang na inilagay ko kagabi, hindi ko pa kasi yun natatanggal. "Pasensiya ka na, nakalimutan kong tanggalin ang harang." Sabi ko sa kanya habang
"Sige kuya Shun." maikling sagot niya......Sa loob ng dorm..Kumpleto ang loob ng dorm, may kusina, sala, banyo, lutuan at isang kwarto na mayroong dalawang kama. Sa tingin ko isahang kwarto lang bawat dorm kasi separate naman yung dorm ng babae sa lalaki at nilagyan lang ng dalawang kama para magkaroon naman ng privacy yung isa't isa. Nasa dorm 25 lang si Kyer, nag usap kasi kami kanina bago nagpunta sa sariling naming dorm para makapag ayos ng gamit, isang Mind Informer ang kasama niya sa dorm. Ang kakayahan ng isang Mind Informer ay kaya niyang magpaabot ng mensahe sa isang tao kahit na nasa malayo ito gamit lamang ang utak niya. Isa itong magandang kakayahan na pandepensa.Bukas na ang simula ng pagsasanay. May tatlong bahagi ng pagsasanay para sa defence at offence team na first year sa Shanya. Una ay ang Power Development, dito tinuturuan ang mga estudyante kung paano nila ma-i-enhance at makokontrol ang kanilang kapangyarihan. Ikalawa ay ang Depenc
"Shun?" rinig kong sabi nong tao sa tabi ko. "Seina, ikaw pala." Si Seina pala, yung Seer na nakilala namin kahapon ni Kyer. Sinagot ko siya at nginitian tapos nakinig na ulit sa guro sa harap.Kasalukuyan kasi kaming nakikinig sa Guro namin sa DSE na si Madam Lily, yung adviser naming DT. Nag-i-explain siya tungkol sa mga iba't-ibang uri ng strategy na pwedeng gamitin kung may magaganap na labanan. Yung mga barrier maker daw yung magiging suporta ng mga nasa offence team at healer naman daw yung tagagamot ng mga sugat. Well, actually napakabasic naman ng ganong strategy para sakin. Obvious naman na yun yung magiging ganap sa labanan, alangan na yung defence team yung aatake. Marami ang matatawa pagnagkataon, pero alam ko namang posible yun. Nakinig nalang ako hanggang matapos yung pagapapaliwanag niya samin. At the end, nag-announce na may magaganap na strategy testing bukas, by team daw at makakasama daw namin yung offence team. Magkakaroon daw ng team
Ayun nag usap na ulit sila, inantok na ako kaya nauna nakong matulog.Kinabukasan...Nasa field na kami at kasalukuyan naghahanda para sa gaganaping Strategy Testing, Marami rami kaming maglalaban kaya pati yung oras namin sa Power Improvement ay hiniram muna ng mga propesor namin. Nandito na lahat sa field pati yung mga second year at third year, pinagliban ata yung pagsasanay nila para manuod ata sa magaganap, napansin ko rin kasi yung ibang prepesor na nandito rin. "/Magandang araw sa inyong lahat, ngayung araw ay magkakaroon tayo ng Strategy Testing, dito natin malalaman kong ano anong mga estratihiya ang gagawin ng bawat team para maipanalo ang laban. Bawat team ay may limang myembro, dalawa galing sa offence team at tatlo naman ang manggagaling sa defence team. Binilang na namin ang lahat ng estudyante at magkakaroon tayo ng 20 teams, ngunit sa kasamaang palad may isang team ang magkakaroon ng isa lamang na galing sa offence sa kadahilang 39 lamang ang bilang
Marami ang nagulat sa nangyari, may mga nagpalakpakan at namangha sa teamwork namin. Tinanggal ko na ang barrier na promoprotekta kina Lesther, Seina at Dino. Masigla silang naglakad papunta sa kinaroroonan ko at pati narin si Kyer. "Nanalo tayo, ang galing mo magplano Shun." saad ni Dino na tila tuwang tuwa."Nanalo tayo bilang grupo, kung wala ang tulong ng isa't isa ay hindi tayo mananalo." sabi ko naman in a casual way."Pero ikaw parin yung planner sa grupo." sabi naman ni Kyer ng nakangiti sabay akbay sakin."Oo nga kuya Shun, ang galing mo mag isip ng strategy at parang wala kang takot sa kalaban tas parang sanay kana sa ganong mga scenario." pabibong sabi naman ni Lesther na ngiting ngiti. "Ahhhmmm, yung ending part talaga kanina diba? yung pagsigaw ni Seina? hahaha." biglang pagsingit ni Kyer. Medyo nagulat naman ako sa kanya, pakiramdam ko sa kanya ayaw niyang palaliman pa namin yung sinabi ni Lesther. Pero hindi ko nalang pinansin kasi baka naman natuwa lang talaga siya
Napansin ko naman ang senyasan nila Kyer at Dino na tila may binabalak silang gawin. Di nagtagal ay may biglang umilaw sa gitna naming lahat at may mga lumabas at nagulat ako kong sino ang nangunguna sa kanila.Ang hari ng Ashanya na si haring Shiron at kasama nito ang matanyag na apat na Guardian na sina Sadar, Valir, Amer at Kaliv.Napatayo naman ako bigla at napayuko tanda ng pagbigay galang sa hari ng Ashanya at maging sa apat na guardian. Napansin ko naman na nakatingin lang si Seina na halatang nagtataka kung sino ang mga dumating kaya sinenyasan ko s'ya na gawin nalang din ang ginawa ko na s'yang ginawa din naman niya kahit naguguluhan s'ya.Matapos naming magbigay galang ay ibinagsak na ni Seina ang kalaban na kanina'y kanyang nahuli dahil nawalan na rin naman ito ng malay.Bakas pa rin sa mukha ni Seina ang pagtataka kung sino ang mga bagong dating kaya sinabe ko nalang sa kanya na ang hari ng Ashanya ang dumating at ang apat na Guardian
Naisip ko naman ang mga kalaban sa kabilang gilid at sina Kyer at Dino ang humaharap sa kanila.Gamit ang kanilang mga hindi pangkaraniwang mga sandata, kahit na malayo ang mga kalaban ay nagagawa parin nilang labanan ang mga ito. . Napansin ko naman ang Espada na hawak ni Dino, yun kasi ang ginamit ni Shun nang labanan nya kami sa loob ng gubat. Padaos dalos talaga ang isang yun kaya laging napapahamak. Sandali ko naman silang binalingan ng tingin ni Lesther. "Shadow force disturbance" rinig kong sigaw ni Dino at nagkaroon ng napakalaking anino ang espada nya. Mula sa pagkabayaw nya sa kanyang espada ay bigla nya itong ibinagsak na parang may hinahati. Sa pagbagsak ng kanyang espada ay nagkaroon ng malaking impak galling sa higanteng anino ng kanyang espada na syang dahilan nagpatilapon at pagkapinsala ng maraming kalaban. "Unlimited destruction swords" rinig ko namang sigaw ni Kyer. Nagkaroon naman ng sandamakmak na aninong kopya ang kanyang espada, na
"Pero itong apat talaga ang nakakapagtataka, handa na yata akong patayin pag may ginawa akong masama sa batang yan e" medyo nagtataka nyang pasaring sa apat na tumutok sa kanya ng espada."Pinapalibutan tayo ng maraming kalaban" sigaw ni Seina kaya nabaling ang atensyon namin sa paligid namin."Ang dami nila, paano natin lalabanan ang mga yan?" tanong ni Spencer isa sa Evil Sweepers."Lesther ikaw na muna ang bahala sa kuya Shun mo. May kailangan lang kaming tapusin." sabi ko sa napakaseryosong tono."Sege po Kuya, nanumbalik na rin naman ang healing energy ko. Matutulungan ko na sya upang gamotin ang natamo nyang pinsala sa kanayang katawan." sagot naman ng kapatid ko. Naglapag naman ng makapal na tela si Seina galing sa dala nyang sisidlan at dahan-dahan namang inilapag ni Psy si Shun mula sa pagpapalutang nya reto. Sinimulan na rin syang gamutin ni Lesther.Hindi ko maintindihan kung bakit masyadong nahahabag ang damdamin ko
Bigla akong nakaramdam ng panghihina ng tuhod kaya napalulod ako bigla at may naramadaman din akong likido na lumalabas sa ilong ko. "Kuya, nauubusan ka narin ng lakas. Masyadong kanang nanghihina." nag-aalalang tugon ni Lesther matapos akong mapaluhod dahil sa sobrang panghihina at maging sya ay napaluhod na rin dahil binalak nya akong tulungang patayuin ngunit pinigilan ko sya dahil alam kong hindi ko na rin kaya pa.Mabuti na lamang ay nakatalikod ako sa kanya kaya hindi nya nakita na dumudugo narin ang ilong ko dahilan ng sobrang paggamit ng aking kakayahan dahil paniguradong mas lalo pa syang magtataranta pagnagkataon.Ilang minuto pa ang kailangan bago maging sapat ang enerhiyang kakailanganin ko pero nararamdaman kong masyado na talaga akong nanghihina."Huwag mo akong alalahanin Lesther, subukan mo na ang gawin ang isa sa katangian ng kakayahan mo. Ang "Barrowed healing energy" ang sabi ko na lamang sa kanyanaramdaman ko naman a
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil May tiwala sila sakin o hindi dahil nga baka masyado silang umaasa na kaya ko ngang gawin. Hindi ko pa kasi namamaster ang counter attack barrier nung nagtratraining pa ako. Ang witchcraft book kasi ang pinakahuling nabasa ko. Kaya hindi ko namaster ang ibang countering witchcraft technique ay hindi ko namaster.Patuloy parin sa pag atake ang sandamakmak na kadena na nanggagaling sa labas. nagsihanda na kaming lahat at oo pati ang team ng Psychic. Wala namang problema sa mga kasama ni Psy dahil halatang sang-ayon naman sila sa plano ko ang mayabang na Psy lang naman talaga ang may problema na halata itsura ang inis. "Magsihanda na ang lahat dahil tatanggalin na namin ang elemental barrier na pomoprotekta sa atin." sabi ni AironNilabas na nila Kyer, Dino at Seina ang mga sandata nila. mas mainam naman kasi na yun ang gamitin nila kaysa sa mga ability nila pangontra sa mga kadenang umaatake sa amin.Ang tea
Kailangan na talagang mabuwag ang barrier na ginagamit ng mga kalaban. Kailangan ko nang gumamit ng counter attact barrier. Di ko maintindihan kung bakit parang wala lang sa mga kasama ko ang nangyayari kay Leo.Maya maya pa ay umapoy ang buong katawan ni Leo at nalusaw ang mga kadenang nakagapos sa kanya. Nasapawan na yata ng pag-aalala yung utak ko at di ko naisip na napakasimple ng atake lang yun para sa isang quadruple elementalist. Teka lang, bakit ba ako nag-aalala sa kanya? May kung ano naman sa loob ko ang gustong kumawala. Kinalma ko muna yung sarili ko at binalik ang pansin sa paligid."Lalabas narin kami para tumulong sa pagwasak sa pananggalang na ginagamit ng kalaban, at kayong mga bagohan ay manatili na lamang rito." Sabi nong Psy. "Baka may maitulong naman kami sa inyo, hayaan nyo na kaming tumulong." Sabi naman ni Dino"Sumunod nalang kayo sa gusto ko, baka kung napano kayo sa gitna ng laban dadagdag lang ang problema."
Napansin ko naman si Kyer na napangiti sa nangyaring paggulo ni Leo sa buhok ko, napakunot naman yung noo ko sa kanya kaya umayos din sya nang mukha.Yung dalawang kasama na kagrupo ng psychic ay lumapit nadin sa amin at medyo nagulat ako at bigla nilang inakbayan si Kyer at kinamusta. Maging ang iba ay nagulat din at magkakilala ang ang tatlo.Magkakilala kayo kayong tatlo? Di napigilang tanong ni Seina Oo, mga kaibigan ko sila. Ngunit sa magkaibang paaralan lang kami nadisti-- ahmm.. nakapasok. Sagot naman ni Kyer, nagtaka man ako don sa sasabihin niya sanang naputol ay hinayaan ko nalang. Mag-iikot ikot muna tayo para maghanap ng bakas na pwedeng naiwan ng kung ano mang nangbubulabog sa bayan na ito. Saad naman ni LeoKung ganon, dito na kaming galing sa Ashan sa bandang kanan mag iimbistiga. Sabi nong Psychic. Nagpakilala narin pala sila at pati narin kami. Yung Psychic ay si Psy, Caliber naman yung may ability ng Swo
Kasalukuyan namin tinatahak ang daan papunta sa bayan Terpis, isang bayan sa Ashanya. Ang bayan ng Terpis ay kilala bilang bayan ng pagsasaka at isa ito sa mga may malaking ambag sa pagkain sa lupain ng Ashanya. Inaatake daw ng di matukoy na mga magician ang bayan ng Terpis kapag gabi at May mga nawawala na raw na mga residente sa bayan nila kaya humingi ito ng tulong sa Palasyo ng Ashanya kaya nagpaabot ng mensahe ang hari sa dalawang eskwelahan na magpadala ng magagaling na estudyante para tumulong sa pagresulba sa nangyayaring kababalaghan sa bayan nila.Ang hindi ko lang maintindihan sa headmaster namin sa Shanya ay bakit pati kaming nasa unang taon palang ng pagsasanay ay pinasama dito sa mga elementalist nato. Oo, pinasama kami sa mission nila, sa pagkakaalam ko ay kapag may ganitong mga pangyayari ay sila lnag ang pinapadala ng paaralan. Hindi ko alam kung anong gustong mangyari ng headmaster pero ang sabi lang niya ay parusa raw namin i
Lumingon lingon ako sa paligid at hinanap ang kalaban ko at huli na ng tumingin ako sa taas dahil umataki na sya mula rito at tuluyan na ngang nabasag ang pananggalang na ginawa ko dahil sa hiniwa niya ito ng espada niya at bumagsak siya sa harapan ko. Kasabay ng pagbagsak niya ang pagtutok ng kanyang espada sa leeg ko, Nagdududa na ko sa isang to kanina pa e. Ididikit nya sana ang espada nya sa leeg ko kaso napigilan ito ng "self-destruct barrier" ang pananggalang na ito ay kayang pigilin ang biglaang atake ng kalaban, ngunit gagana lamang ang ganitong barrier kapag wala akong ginagamit na ibang pananggalang.Medyo napaatras naman sya dahil sa nangyare. Shet, gumagalaw ang inaapakan kong lupa, nagkakaroon ng bitak at may lumalabas na malalaking baging at nagsisimula itong pumulupot sa paa ko. Hindi to maganda, nakatutok parin ang espada nya sakin habang patuloy parin sa pagpulupot ang mga malalaking baging sa mga paa ko. Kung ga