KIM
"sigurado kana bang tanggapin ang offer sayo sa pilipinas? handa kana bang harapin siya?" naiwan sa ere ang kamay ko. Natigilan sa tanong ng assistant ko.Tinignan ko siya sa repleksyon sa salamin. Mataman siyang nakatitig sa akin habang hinihintay ang sagot ko. Ngumiti ako at tumango tango. Pinaningkitan niya ako ng mga mata at humalukipkip.Keisha is my assistant since i started in this industry. Noong mag umpisa ako ay siya na ang kinuha kong kasakasama ko sa lahat ng trabaho ko.Nakilala ko si Keisha sa airport 4 years ago. I was crying my heart out that day dahil sa wasak kong puso at siya lang ang kaisa isang taong lumapit sa akin nang araw na iyon.Since then we became friends. Iisang bansa lang ang pinuntahan namin and siguro diyos narin ang gumawa ng paraan upang magtagpong muli ang mga landas namin.Ibinaba ko ang lipstick na hawak ko. I looked at her and smiled. I think kaya ko naman na. Kaya ko nang harapin ang nakaraan. It has been 4 years since she rejected me.At sa haba ng panahon na iyon ay alam kong maayos na ang puso ko ngayon. Tumitibok na muli ng maayos. Ilang taon rin nakulong ang puso at isip ko sa labis na lungkot at sakit but now i know i am already moved on."hey it has been what?? 4 years pero kung tignan mo ako para bang ako parin iyong umiiyak at lugmok na lugmok na si Kim.. Come on Keish i am fine now okey. Kahit magkaharap pa kami ngayon wala na akong mararamdaman. Siguro kung mayroon man iyon ay ang pagkasabik kong makita silang muli kasi mga kaibigan ko sila. Kaibigan ko parin siya, iyon nalang iyon hmm kaya huwag ka nang mag alala pa jan." i said as i was shaking my head.Marahas na buntong hininga ang pinakawalan niya sabay hakbang palapit sa akin. Dinampot niya ang hairbrush sa harapan ko.Tumayo siya sa likuran ko nang hindi binibitawan ang titig sa akin mula sa repleksyon sa salamin. She started brushing my hair."i am just worried about you Kim. Noong unang makita kita wala akong ibang makita jan sa mga mata mo kundi sakit at lungkot. Ayaw ko na sanang makita ulit iyon kasi mahal kita. You are more like a friend to me Kim. Para na kitang kapatid" sabi niya sabay haplos sa aking buhok.Tila may kung anong sumikdo sa puso ko pagkabanggit niya sa huling salita. Wala akong kapatid na babae kaya naman sobrang gaan ng loob ko sa kanya.Marahan niyang hinahagod ng brush ang buhok ko. Nanatili sa kanya ang mga mata ko sa salamin. Napakabuti niyang kaibigan kaya ayaw kong mawala siya sa akin."huwag mo akong titigan sige ka baka mafall ka mahirap na hindi kita sasaluhin" she softly chuckled.Gumuhit ang malawak na ngiti sa labi ko. Napailing iling ako at kalaunan ay natawa narin. Pinagpatuloy niya ang pagbrush sa buhok ko. She knew my gender preference. Noong una hindi siya makapaniwalang babae ang iniyakan ko ng husto. But then as days goes by, naniwala narin siya na sa babae ako attracted at nainlove ng husto."sasamahan mo naman ako hindi ba? Ikaw parin ang makakasama ko pagbalik ko sa pilipinas?"Natigil sa ere ang kamay niya. Dahan dahan niyang iniangat ang mga mata pasalubong sa akin. Nalusaw ang ngiti sa labi niya na para bang sapat na ang reaksyon niyang iyon bilang sagot sa aking tanong. She shook her head and my brows furrowed." sorry pero hindi kita masasamahan. Alam mo namang hindi ako pwedeng bumalik ng Pilipinas hindi ba? Lalo na at showbiz ang mundong ginagalawan ko. Madali niya akong mahanap kapag nagkataon"May parte sa puso ko ang sumakit. Nasanay na ako sa apat na taong siya ang naging kasakasama ko sa lahat ng project na tinatanggap ko. Ngayon paano na ako? Makakaya ko bang mawala na siya sa tabi ko? Hindi lang siya assistant para sa akin kundi bestfriend at kapatid narin. She's my advisor. A good advisor and listener."i have an idea" bahala na kung tama paba ang papasukin ko. Ang mahalaga makawala narin siya sa kinakatakutan niya. Tutulongan ko siyang harapin ang kinakatakutan niya."what idea?" halos magdikit ang mga mata niyang pinagmasdan ako sa salamin. Singkit ang mga mata ni Keisha. Gaya ko ay half chinese at pinay din kaya siguro magaan ang loob namin sa isat isa. I heaved out a sigh."let's get married""what? are you fucking out of your mind?.... no" she refused. Binaba niya ang brush sa harapan ko at tumalikod. Naalarma ako nang magsimula na siyang humakbang palabas ng dressing room kaya naman marahas akong tumayo at hinuli ang palapulsuhan niya."hindi naman literal na magpapakasal tayo eh. Palalabasin lang natin na kasal na tayo para tantanan kana rin niya. Hindi ba ang sabi mo titigilan ka lang niya kapag kinasal kana? Then paniwalain natin siya na kasal na tayo para matapos na ang pagtatago mo rito sa france. Please let me help you Keish. I am your bestfriend and siguro naman may karapatan rin akong tulongan ang naging light house ko sa nakalipas na apat na taon hindi ba?.....humm" i convinced.Natigilan siya pansumandali. Ilang segundo na ang lumipas ay wala parin akong nakukuhang sagot mula sa kanya kaya naman mas hinigpitan ko ang hawak sa kanyang kamay.Dahan dahan bumaba ang mga mata niya sa kamay ko. Tinitigan niya iyon ng ilang segundo bago lumipat sa akin ng dahan dahan. Humarap siya sa akin. Salubong ang kilay ngunit ang kanyang mga mata ay malamlam."paano kong mapahamak ka? Kim ikaw nalang ang mayroon ako kaya kung mayroon man akong taong pinakahuling gusgustohin kong masaktan ay ikaw iyon.Hindi ko kayang...... isugal ka" she swallowed.I shook my head. Binitawan ko ang kamay niya at pinakatitigan siya sa mga mata. Sinalubong niya ang mga mata ko ng may determinasyon."mag iingat ako. Ilang taon kana ring nagtatago rito siguro naman panahon na para harapin mo ang nakaraan mo......na kasama ako." sabi ko nang may determinasyon.Kumunot ang noo niya. Keisha is taller than me kaya naman medyo nakatingala ako sa kanya. Ngumiti ako at muling hinuli ang kamay niya. Hinawakan ko ito gamit ang dalawang kamay ko at hinaplos haplos. She was staring at me."hayaan mong tulongan kita hmm?" pinalawak ko ang ngiti ko. I even squeezed her hand gently. And she sighed. She licked her lips."he's a dangerous man Kim. A fucking demon. Kaya-" i cut her off."and so? i am not scared Keish. Malay mo kapag nalaman niyang kasal kana at masaya na baka palayain kana niya. Hindi natin malalaman kung hindi natin susubukan." pursigido ko pang sabi.Marahas na buntong hininga ang naging sagot niya sa huli. Bumagsak ang balikat niya at pagod akong tinitigan.Tignan mo ito, ako itong pagod dahil sa maghapon na trabaho pero parang daig pa niya ako sa walang tigil na kakapose at ngiti sa harapan ng camera.Hatak hatak ang maleta tumigil kami sa arrival area ni Keisha. Iginala ko ang mga mata upang sana hanapin ang kinaroroonan ni kuya ngunit iba ang sumalubong sa amin.Flash ng mga cameras ang sumalubong sa amin. Nagkislapan ng sabay sabay na para bang alam na alam ang oras ng lapag ng eroplanong sinakyan namin. Nakasuot na ako ng salamin ngunit tila ba kanina pa nag aabang ang medya sa pagdating namin.Magkahawak kamay kami ni Keisha nang biglang magflash ang mga camera sa harapan namin dito sa arrival area ng Naia. Maging siya ay nagulat rin sa biglaang sulpot ng mga paparazzi.Namutla siya at bumitaw sa aking kamay."Mis. Kim is it true that you're going to stay here for good?" tinaggal ko ang sunglasses ko dahil wala narin namang silbi. Nakilala parin nila kami.Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko."welcome back to the Philippines Ms. Kim. Totoo bang magkakaroon ka nang project dito sa pilipinas kaya ka narito ngayon?" i clunged my free hand to Keisha's arm.Tinaas ko ang noo ko at hinarap ang halos nasa limang reporter na nasa aming harapan. Malapad akong ngumiti. Bumukas ang labi ko at akma na sanang sasagot nang may isang kumikinang na itim na sasakyan ang huminto sa likuran ng mga taong kulang nalang ay isubo sa akin ang mga hawak na mikropono.Umawang ang labi ko kasabay nang walang habas na pagrigudon ng puso ko. Natuon roon ang mga mata ko at gayun na lamang ang doble ng hampas ng puso ko nang bumukas ito at iniluwa ang babaeng nakasuot ng short shorts na puting maong at sando na hapit na hapit sa makurba niyang katawan.Nagwala ang sistema ko at nagulantang sa anghel na biglang sumulpot sa harapan namin. May bakas pa ng pintura ang nangingislap niyang mga hita. Sa may bandang flat niyang tiyan ay may bakas rin ng pulang pintura. Literal na tinakasan ako ng hangin.Nakatunghay ako sa kanya at napatitig ng mariin. Napakurap kurap ako at napalunok. What the heck......she's fucking hot. Pagkababa niya ay inilang hakbang niya ang pwesto namin at basta na lamang hinuli ang handle ng hawak kong maleta.Kasabay nang hatak niya sa aking kamay. Awtomatik na napabitaw ako kay Keisha sa biglaan niyang hatak sa akin. Nakapusod ang buhok niya sa magulong paraan. Na para bang hindi niya pinadaanan ng suklay at basta na lamang itinali ng hindi man lamang tinitignan kung nasa maayos bang lugar.Binuksan niya ang pinto ng sasakyan sa mismong tabi hg drivers seat. Para naman akong robot na naging sunod sunoran sa kung sinuman ang may hawak ng remote control.Pumasok ako ng wala parin sa sarili dahil marahil sa kabiglaanan o gulat. I didn't see this coming. Ang inaasahan ko ay si kuya ang susundo sa amin but then here she is. Gulantang ang sistema ko sa presensya niya. Damn.Pagbukas at pagsara ng pintuan ng sasakyan sa likod ang tila humatak at nagpabalik sa katinuan ko. Paglingon ko ay si Keisha na nakataas na ang kilay sa akin. Naniningkit ang mga mata niya na nakatunghay sa akin. I swallowed."moved on pala ahh" she playfully said. Umarko ang labi niya at ngumisi. Ngunit naagaw ni Freianne na naman ang atensyon ko. Umikot siya sa drivers side at binuksan ang pintuan. Nahagip pa ng mga mata ko ang mga security ng airport na hinaharangan na ngayon ang mga reporter sa paglapit sa amin."sorry i was late. Did they harassed you?" may tunog pag aalala ang tono niya. Kumunot ang noo ko. Bahagyang nanuyot ang lalamunan ko at nagwala ang puso ko. What heck is going on with me? Why is my heart thumping so hard inside my chest? She started the engine." are you hurt?" she again asked worriedly. Nilingon niya ako ng hindi ako sumagot. At itong taksil kong mga mata ay dumapo sa nakalitaw niyang malaporselanang mga hita. Nanuyot lalo ang lalamunan ko. Shit.Malakas akong tumikhim. Damn my throat for not cooperating. Parang may kung anong bikig ang biglang lumitaw sa aking lalamunan."w-where is kuya?" i stuttered damn it. Kumunot ang noo niya at umawang ang labi. She fast glance at me and i raised my brows at her."he called me and asked me to pick you up. Nasa meeting daw kasi siya. Biglaang meeting daw" sabi niya sa mababang tono. I heaved out a sigh. Ibinalik ko ang tingin sa harapan. Ngunit nagtatalo ang isip at puso ko kung magtatanong paba ako o hindi na. Ewan ko pero parang may kung ano sa puso ko ang kumirot. She cleared her throat at panaka naka akong sinusulyapan. I could see her in my peripheral vision. I bit my lower lip."kamusta kana. You look great and gorgeous as always" kumirot ang puso ko. Kumuyom ang kamao ko sa ibabaw ng aking mga hita. Napalunok at tila nahirapan huminga.Gorgeous na nireject mo 4 years ago. Sagot ng isip ko. Shit. Ang bitter ko yata. I forcely smile. Mabilisang sulyap ang ginawa ko sa kanya."thank you. Anyway she's Keisha Marie Chua...... my wife" sabi ko sabay sulyap kay keisha na tila nagulat sa salitang lumabas sa bibig ko. Ngunit halos sumubsub ako sa biglaan niyang pagpreno. Mabuti na lamang at nakasuot ako ng seatbelt dahil sa lakas ba naman ng impack ay halos mabali na ang buto ng leeg ko. What the heck.Nanlalaki ang mga mata niyang humarap sa akin. She seemed shocked with what i have said to her. Her eyes glistened but before i could see it clearly ay nagbawi na siya ng tingin sabay muling arangkada ng sasakyan."i'm sorry may.... may dumaan kasing pusa" she said stuttering. Gusto kong humagalpak ng tawa dahil hello, pusa sa gitna ng daan dito mismo sa palabas ng airport? Seryoso ba siya? Lumang tugtugin ika nga nila.Akala ba niya hindi ko siya magagawang kalimutan kaya siya nagulat ng ganun? Seriously? But then nanahimik na lamang ako at muling sinulyapan ang kaibigan kong nananahimik parin sa likuran. Tinaasan niya ako ng kilay ngunit ang kanyang labi ay may nagbabadyang nakakalokong ngiti.Tsss.. isa rin ito ehh. I rolled my eyes at her and mouthed "Fuck you" sabay muling ayos ng upo."so when did you got married? Hindi yata kami nainformed?"Natigilan ako sa tanong niya. Shit hindi namin ito napag usapan pa ni Keisha. Ang plano namin ay sa bahay na namin ito pag uusapan ngunit bakit kasi kailangan pa niyang tanongin. I licked my lips and closed my eyes." last month lang" i said without thinking. Sa pagmulat ko ay nakita ko siya sa gilid ng aking mga matang tumatango tango. Sa likuran naman ay nasamid si Keisha kaya naman marahas akong humarap sa kanya at sinamaan ng tingin.Halos mangamatis ang mukha niya sa pagkasamid. Inabot ni Freianne ang bottled water sa gilid niya at inabot sa kaibigan ko. Binuksan agad iyon ni Keisha at uminom."are you okey HONEY?" i emphasized the word honey. Kasabay nun ay ang pailalim kong sulyap sa magandang mukha ni Freianne. And my heart skip a beat when i saw tears in her eyes.FUCK!!!.KIMIlang minuto rin ang itinagal namin sa daan. Naging tahimik na si Freianne hanggang sa makarating kami ng mansyon.Nangilid ang luha sa mga mata ko nang makababa ako ng sasakyan. Apat na taon kong nilayuan at tinakasan ang bahay na ito. Walang nagbago. Ganuon parin. Sa bungad ng pinto ay naroon sina daddy at nay Alma. Napatakip sa bibig si nanay Alma pagkakita sa akin habang si daddy naman binuka ang dalawang braso para sa akin.Their eyes were sparkling with tears kaya naman lalong bumalong ang luha ko at patakbong nilapitan ang aking ama. I sobbed on his arms."daddy" the only words that slipped in my tongue. Niyakap ako ng mahigpit ni daddy. Mayroong pinapatakan niya ng magagaan na halik ang tuktok ng aking ulo at sintido. He also caressing my back so gently."ang prinsesa ko. Ang ganda ganda" sabi niya. Isiniksik ko ang mukha ko sa kanyang dibdib at yumakap ng mas mahigpit. Hindi ko na alam kung gaano ako katagal yumakap sa aking ama. Sunod kong niyakap ay si nanay Alma. Nagin
KIMMatapos kong maiayos ang bulaklak sa vase ay lumabas ako ng kwarto at sinundan si kuya. Pinahanda niya raw kasi ang binili niyang vanilla cake sa sala. Naaalala ko pa sa tuwing alam niyang nasa hindi ako magandang mood ay ito ang ginagawa niya para pagaanin ang loob ko.Alam niya kasing vanilla cake ang comfort food ko. Pagkababa ko ay natanaw ko na agad ang nakahandang platito sa center table ngunit kumunot ang noo ko nang mapansing tatlong platito at tatlong baso ng pineapple juice ang nakahanda roon.I roamed my eyes to find kuya and there he was. He was standing in front of the door. Nasa tainga ang phone at seryosong nakikipag usap. Nakapameywang at kunot na kunot ang noo. Tumuloy ako sa pagbaba ng hagdan at tinungo ang sliced cake na nakahanda sa sala."yeah yeah please Marie cancel all my meatings tonight and please umuwi kana after this.... bye" binaba ni kuya ang phone at pinasok sa loob ng kanyang bulsa. Pumihit siya paharap sa kinaroroonan ko kasabay ng pagsilay ng mal
KimKinabukasan maaga akong gumising at nag ayos. I am planning to surprise my friends today. Balak ko silang bisitahin sa main branch ng coffee shop namin sa makati.I tried to withdraw my shares noong nasa France na ako but they declined it. Ayaw nila. They even told me that it was fine with them kahit wala ako rito sa pilipinas.Kaya naman ngayon gusto ko sa pangalawang araw ko sa aking pagbabalik ay sila ang makasama ko. Gusto kong bumawi sa mahabang panahong iniwan ko sila ng walang maayos na paalam.Ayaw sumama ni Keisha kaya naman ako lamang mag isa ang lumabas ng bahay. Simpleng ayos lang naman ang ginawa ko sa sarili ko. Black skinny jeans na pinaresan ko ng crop top na plain peach ang kulay at gray na rubber shoes. I didn’t put any makeup too. Sapat na ang face powder at lip balm. Itinali ko rin ang buhok ko sapat lamang upang maging kumportable sa hitsura ko. Paglabas ko ay natanaw ko ang kotse kong nakagarahe sa kung saan ko siya iniwan noon. Malinis at halatang naalagaan
KIM2 months have passed so quickly. At sa loob ng dalawang buwan na iyon ay ang daming nangyari. Nagsimula narin ang taping ng ginagawa naming teleserye na ipapalabas ng Red Star Entertainment kung saan ako ang bida kasama ang isang sikat na aktor ngayon sa bansa.Si Calvin Diaz. Matipuno, matangkad at isa sa binansagang isa sa pinakagwapong artista sa kanyang henerasyon. Bukod pa doon ay napakaprofessional din niyang katrabaho dahilan upang mabilis ko siyang nakagaanan ng loob.Kumportable ako kay Calvin sa totoo lang. Kung dati naiilang ako sa tuwing may humahawak sa aking lalaki, kay Calvin ay panatag ako. Siguro dahil alam kong mabait siya at unti unti ko na siyang nakikilala."okey guys pack up na tayo." ani ni direk sa mga staff na sinabayan pa nito ng palakpak na animoy nagmamadali. Katatapos lang ng taping na ginanap namin rito sa Binondo.Halos araw araw dito sa binondo ang location ng taping kaya naman sa loob ng dalawang buwan ay hindi ko na muli nabisita ang mga kaibigan
KIMSa mga nakalipas na taong malayo ako kay Freianne ay naging maayos ang lahat sa akin. Yes i must admit natagalan bago ako naging maayos. Noong kadarating ko palang sa france ay wala atang araw at gabi na hindi umaagos ang luha sa mga mata ko.Walang araw na hindi ko ramdam ang labis na sakit dito sa puso ko. Naaalala ko pa noong unang beses kaming magkita. Napakagaan ng loob ko sa kanya. Iyong mga ngiti niya na nakakahatak ng good vibes.Ang cute cute niya noon. If i am not mistaken we were just 10 that time. Nagkabanggaan kami sa mall. She was wearing short shorts and knitted long sleaves. She was too pretty to stare at.And since that day the foreign feelings deep within me started to bloom. Para pa nga akong tanga noon kasi kinuhanan ko siya ng picture without her consent. Ang ganda niya kasi. I just can't help it.Hindi ko nakuha ang pangalan niya noon kasi when i was about to approached her that was the time mom called me to leave. Labis labis ang panghihinayang ko noon. Halo
KIMThe past 4 years i have been away from her i could tell my broken heart gets back to its shape and that's the reason why i thought it would be fine for me now to come back and face her but i seem wrong.Kasi sa unang araw palang na nagtagpo muli ang mga mata namin ay parang bumabalik muli ang sakit dito sa puso ko. Iyong sakit na akala ko ay nabura na sa nakalipas na mga taon.Iyong sakit na tanging siya lang ang may gawa. But i must admit, the first time i have seen her again at the airport, ang tibok ng puso kong ilang taong nanahimik sa mga nakalipas na taon ay parang muling nagising at nagkaroon ng buhay. Can you imagine that. Only her can make my heart go crazy in an instance. Ibang klase parin ang epekto niya sa akin.I want to disregard the fact that she still has these effects on me but how? Paano ko gagawin iyon gayung sa tuwing inaabala ko ang sarili ko sa ibang bagay ay tila lalo naman siyang nagsusumiksik sa sistema ko at kahit anong gawin ko ay patuloy parin niyang gi
KIM Hindi ko alam kung ano na ba ang dapat kong maramdaman. Napakagat labi na lamang ako sa nakikita kong reaksyon ng aking mga kaibigan. They looked disappointed and i must admit even i felt disappointed with myself too. Kung bakit ba naman kasi pumasok sa isip ko ang ideyang ito.Tuloy pakiramdam ko ang laki laki ng pagkakamaling nagawa ko. If i am not mistaken ito ang unang beses kong na-disappoint ang mga kaibigan ko.Matapos ang tagpong iyon ay naging tahimik na ang hapag. No one dared to break the silence i created. Lahat tahimik at tila tinitimbang ang sitwasyon.Kaya naman nawalan ako ng gana. The foods they prepared were damn tasty and mouth watering but my appetite literally vanished. Matapos kong maubos ang pagkain sa plato ko ay tumayo na ako at tinungo ang likod ng coffee shop.Sa likod kasi nito ay may mini garden na ginawang pasadya para sa mga customers na mahilig sa cactus na naggagandahan sa makukulay nitong mga bulaklak.Dala dala ang kopita ay lumabas ako. Pagbuka
KimPagkarating namin sa bahay ay nadatnan ko si kuya sa sala. Good thing paglabas ko ng coffee shop ay naroon na si kuya Melvin sa sasakyan at naghihintay.Keisha has no idea what had happened at the coffee shop. Tulog mantika ang bruha kaya naman walang kamalay malay sa nangyari.Sa loob ng sasakyan ay walang tigil sa pagbuhos ang luha ko. I am hurting. I just don't know why but i am hurting so fucking much. Naabutan kong nakatayo si kuya sa bungad ng pintuan. Nakapameywang ang kaliwang kamay habang may hawak na glass of whiskey sa kabilang kamay.He's obviously waiting for us. Kaya naman pagbaba ko ng sasakyan ay natanaw ko siya agad. And just like the old days i ran into him. Lagi naman ganito ang gawain ko na sa tuwing nasasaktan ako ni Freianne ng hindi niya alam ay si kuya ang takbuhan ko.Yumakap ako kay kuya at sa balikat niya ay doon ko naibuhos ang lahat ng emosyong pilit kong nilabanan sa mga nakalipas na araw. He led me to his room and there i cried my heart out until i f
Sa inis ay hindi ko namalayang bumibilis na pala ang takbo ng sasakyan. Nanatili ang mga mata ko sa harapan ngunit ang isip ko ay kung saan saan na nakakarating.Milyon ang binayad ko para rito pero ang ending pumalpak ang inakala kong magical proposal na kay tagal kong pinangarap gawin sa babaeng tangi kong tinatangi. Goddammit. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ito dahil sa saya kundi dahil sa inis. Naiinis ako at nagagalit sa kapalpakan ngayong araw.I was gritting my teeth. I could feel my blood boiling that even my sight was darkening. Marahil ay naramdaman ni Kim ang pagdilim ng mukha ko at pagkawala ko sa mood. Naramdaman ko kasi ang kamay niyang humawak sa braso kong nakahawak sa clutch ng sasakyan.Marahan niyang pinaraan ang palad niya sa braso ko kung kaya naman nang lingonin ko siya ay aminado akong halos matunaw ang inis ko sa napakalambing niyang titig."What's the matter? May problema ba?" ang malambing niyang tono ay mahihimigan ng pag aalala. Tipid akong
FreianneI held my breath for I don't know how long. My eyes nailed her direction. Demn she's freaking beautiful. Siya ang babaeng sinaktan ko ng lubos. Ang babaeng pinili kong talikuran sa kabila ng pag ibig na nilatag sa akin. Babaeng minamahal ko na noon pa man ngunit mas piniling tanggihan at itulak palayo. Hinayaang mawasak dahil sa kahinaan at kaduwagan ko. But here she is...never fails to make my heart race. That chinita eyes na tagos sa kaluluwa ko kung tumitig. Her pointed nose that seemed to be made by a veteran sculptor in the world. Her lips that so sweet and made only for me.Sumasabay ang dulo ng suot niyang summer dress sa bawat kumpas ng hangin. Nakakahalina ang ritmong kumukumpas at bumabalot sa maladiwata niyang alindog. I couldn't believe that this goddess was broken by me. She was hurt and yet tinanggap parin ako ng buo sa kabila ng mga flaws at sins ko over this years.She was smiling so darn sweetly at me. Ohhhh heart please calm down. Si Kimberly Lee lang iyan.
Freianne Years ago there was this woman I never thought I would love so dearly. Akala ko noon ang pagiging possessive ko towards her since teenage years of our lives was just because she was my bestfriend.Sa tuwing may mga matang tumititig sa kanya with full of admiration and affection ay palihim ko silang winawarningan without Kim's knowledge. I don't know but I had this feeling of protecting her of getting hurt from someone.Iyon ang palagi kong tinatatak sa utak ko. Ginagawang excuse ang pagiging protectitve bestfriend para hindi siya masaktan ng kahit na sinong ponsyo pilato jan na nagtatangkang pumasok sa buhay niya before.Until I suddenly fell in love with Shanaia. Si Shanaia kasi sobrang feminine niya. She looks so fragile na para bang kailangang alagaan at ingatan. I thought then na ang affection I had for her was more deeper than Kim.Yes I fell in love with Shanaia that's the truth and she always hold some part of my heart but the love I have for Kim is way stronger na hin
KimAng sarap ng tulog ni Freianne sa tabi ko. Malaki naman ang kama dito sa hospital kaya dito ko na siya pinagpahinga sa tabi ko.I was really upset nang malaman kong wala pa siyang maayos na pahinga simula ng dalhin kami dito sa hospital after that incident with Calvin.Kung hindi pa sinabi sakin ni Shan ang kawalan niya ng sapat na tulog tatlong araw na ay hindi ko pa malalaman. Sa dami daw ng dugong nawala sakin at pagkadrain ng lakas ko ay tatlong araw akong nakatulog dito sa hospital.And she was damn awake the whole time. Watching me sleeping for three freaking days.I can't take my eyes off her so peaceful beauty. She's sleeping soundly. Not that too noisy dahil sa hilik niya. She's too cute to snore though. Mahina lang naman ang hilik niya marahil dahil narin sa pagod. She doesn't snore naman just today maybe because she was obviously exhausting dahil sa mga nangyari.Can I consider myself lucky already coz of all the millions of people out there ay si Freianne ang binigay s
FreianneSa pagmamahal marami tayong kailangang matutunan at pagdaanan. Kailangan nating pagdaanan ang mga sakit at paulit ulit na pagkasawi para sa masayang ending na nakalaan sa atin. Sa pagmamahal hindi sa lahat ng pagkakataon ay puro saya. Madalas nga mas maraming hirap at sakit na pagdadaanan kasi iyon ang magpapatatag sa atin upang harapin ang araw araw na pagsubok na binabato sa atin ng tadhana.Kahit na minsan nakakapanghina na. Kahit na minsan wala na tayong maibigay kasi kinain na ng takot at doubts ang lahat lahat sa atin. But with all the pains i had been through I must say I became more tough. Tough para harapin ang bawat bato sa akin ni tadhana. Tough to bear all the pains and heartaches na paboritong ilatag sa akin ng pagkakataon.Hinila ako patayo ni Kim gamit ang kanang braso niya. Hindi ko magawang kumurap sa kabila ng panlalabo ng mga mata ko. We were both crying as we stares at each other.Nang makatayo ako ay buong pagmamahal ko siyang kinulong sa mga bisig ko. N
FREIANNEIsang araw na siyang walang malay. Ang sabi ng doctor ay stable naman na daw siya pero hanggang ngayon natatakot akong ibaling sa iba ang mga mata ko. I am afraid na baka sa isang lingat ko lang ay mawala siya sa paningin ko. I let her left the penthouse and not planning to do it again. Muntik na siyang mawala sa akin dahil sa kapabayaan ko. Ngayon hindi parin siya gumigising and I am dead scared with her long sleep."Magpahinga ka naman. Wala ka pang tulog at pahinga simula nang madala siya rito" ani Shan.Concern's were visible in her eyes as she stares at me. I didn't turned my head to meet her eyes. I stayed still and watched the sleeping beauty right infront of me.Bilib din ako kay Shan. I can not see any trace of trauma in her awra. Para lang siyang dumaan sa pangyayari na hindi katrauma-trauma. She's tough. Indeed."I am sorry for what happened. You shouldn't have get involved in this shits" I brought my hand to Kim's soft cheek. Caressing it. Feeling her soft skin an
FreianneAng ganda ganda ni Shan. Ang mga mata ko sa kanya lamang nakatuon habang mabagal siyang naglalakad at sinasabayan ang awit na pumapailanlang sa kabuuan ng lugar.I was surprised to have this kind of happiness and acceptance deep within me. I thought I wouldn't be able to watch her marching down the aisle but I was totally wrong. Kasi heto ako at masayang pinapunod siyang naglalakad palapit sa babaeng buong pusong naghihintay sa kanya sa altar.Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang sayang nararamdaman ko for them. Basta ang sigurado ako ay maluwag dito sa puso kong tinatanggap ang binigay sa akin ng tadhana. Masaya akong sa piling ng isat isa sila nagtapos.A wide and a genuine smile formed in the corner of my lips when my eyes landed to Kim. She was sitting next to Mark. Si Mark kasi ang best man ng kasal at si Kim naman ang Brides maid. Hindi ko alam pero parang may kung anong humahatak sa mga mata ko at nanatili na lng sa kanya ang mga mata ko. I felt like i was hypnotized
KimMasakit ang ulo ko. Kumikirot ng matindi. I felt dizzy too. My world seems spinning like shit! Kakapain ko sana ang phone ko sa bedside table ngunit hindi ko maigalaw ang mga kamay ko. Namamanhid at tila nawawalan ng lakas. Dahan dahan iminulat ko ang mga mata ko at gayun na lamang ang gulantang ko nang ibang lugar ang bumulaga sa akin. Nahihilo ako ngunit sigurado akong nasa ibang lugar ako. Nasa ibang kwarto at.......hindi ako nag iisa.My eyes widened when i see Shanaia. Nakagapos ang mga kamay sa upuang bakal at walang malay. I can not see her face clearly dahil sa nakayuko ito. Sinubukan kong kumawala at daluhan siya but fuck.....I was tied up too. Tightly tied up that i can not even moved my body. Nakagapos ang mga kamay namin sa likod at katawan sa upuang bakal.Sinubukan kong ikalat ang mga mata ko. Nagbabakasakaling may makita akong ibang tao ngunit lalong tumindi ang hilong aking nararamdaman. Kumuwag kuwag ako. Ininda ang hilong nararamdaman. Nagbabakasakaling makawala n
Pagkapark ko ng sasakyan ko sa garahe ay sinalubong kaagad ako ni daddy. Nakapameywang siyang nakatayo sa harapan ng main door ng bahay at nakatanaw sa akin. Seryoso ang mukha at blanko ang mga mata. Ginapangan ako ng kaba sa blanko niyang awra. He must be angry or disappointed dahil sa Hindi ako nakapagpalaam sa kanya ng maayos nang lumipat ako sa condo ni Freianne but i am pretty sure that he knew everything already base on his looks right now.Tila umuurong ang tapang ko. Humigpit ang kapit ko sa steering wheel na tila ba dito ako kumukuha ng lakas at tapang. Sunod sunod na malalalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago ako nagdesisyong buksan na ang pinto ng sasakyan at lumabas. But then lumitaw ang malawak na ngiti ni daddy pagkakita sa akin. Malawak na binuksan ang mga bisig at magiliw akong sinalubong ng napakahigpit na yakap. Nagulat ako roon. Nagulat at mangha sa biglang pagbabago ng kanyang awra nang masilayan na ako ng tuloyan ng kanyang mga mata. Dala na rin siguro