Sheena POV
Nagulat ako sa pagbukas ng pintuan at nakita ko ang lalaking katabi ko noon sa kama habang papalapit sya sakin tinitigan kung mabuti ang mukha nya dahil parang siya nga ang lalaki na mahimbing ang tulog non sa kama,at habang papalapit siya saakin ay siya nga ang lalaki na iyon.parang slow mo sya sa mga mata ko kung nasabi ko sa inyo na may hitsura c Ethan mas doble tong c Gino oo Gino ang pangalan nya nalaman ko to nong tinanong ko ang pulis at sinabi nya ang lugar ng hospital at ang pangalan nga ni Gino.22 years nakong nabubuhay sa mundong ito pero ngayon lang ako nakakita ng tulad nya para syang perpektong lalaki kung titingnan,pero nawala agad ang mga sinasabi ko sa isip ko nong bigla nya kung sakalin.Hindi ako makasalita ng maayos dahil sa higpit na pananakal nya kung pano ko titigan non ni Ethan ay mas malala ang titig ni Gino mas malala ang nakikita kung galit sa mga mata niyaPilit akong huminahon para maging maganda ang pakikipag usap ko sa kanya pero d naman tamang insultuhin nya ang pagkatao ko kaya napilitan nakong sigawan din sya.Pagkasabi ko nong huli kung salita sa kanya ay umalis na ko sa hospital na iyon."Mama nandito napo ako!"sabi ko kaagad pagkapasok ko sa bahay."Mama,saan c mama bakit di sya sumasagot nagulat ako nong nakita ko si mamang nakabulagta sa kwarto niya."Mama,mama gumising ka anong nangyari sayo!"dahil d na gumagalaw c mama napilitan nakong sumigaw ng tulong,"Tulungan nyo kami may mga nakakarinig ba Dyan!"nanginginig na boses na sigaw ko.Lumabas pako para humingi ng tulong at don lang nila ko narinig at dali daling tinungo ang bahay at agad na binuhat si mama.Umiiyak ako habang binabantayan c mama sa hospital.Ma gumising na po kayo d bagay sayo na ganyan ka,nag aalala ko ng sobra sayo,ano ba tong mga nangyayare sakin ganito ba ko kasama para maranasan ang mga ganitong bagay.Gino POV Sa pag alis ng babaeng iyon sa harapan ko inutusan ko ang kaibigan ko na imbestigahan nya c Sheena at sabihin sakin ang lahat ng mga ginagawa nito "Hello Ethan bakit hindi pa nakukulong ang babaeng yon?"Seryoso kung sabi sa kabilang linya."kuya may hiring pang magaganap`"May diing sabi niya,na ikinainis kolang lalo."wala akong pakialam sa hiring na yan hulihin mo na sya at ikulong at siguraduhin mong hindi na makakalabas at bumili ka ng tao sa loob ng kulungan para masigurong maghihirap siya ng husto!"Galit ng sabi ko sa kaniya."Kahit ako,gusto ko naring makulong ang babaeng iyon kaya nga inaasikaso ko na,kaya naman sana kuya huwag kang mag isip pa ng kung ano ano dahil mas lalo ka lang na mahihirapan,kaya naman sana wag ka ng mag alala pa ako na ang bahala!"-mahinahon nitong sabi at alam ko na disperado narin itong makukong ang babaeng iyon."siguraduhin mo lang na inaayos mo dahil kapag hindi parin nakukulong ang babaeng iyon,baka hindi mo magustuhan ang kaya kung gawin sa babaeng iyon!"Pinutol ko na agad ang linya bago ko pa marinig ang mga walang kwentang pinagsasabi ng kapatid ko.Ilang araw nakong hindi nakakatulog ng maayos dahil sa kagagawan ng babaeng iyon,hindi ko na alam kung ano pa ang kaya kung gawin sa babae na iyon kapag nakita ko pa ito,baka matuluyan ko na siyang mapatay.Sheena POV "Doc,ano po bang sakit ni mama bakit po hanggang ngayon d pa sya nagigising?"Seryso kung tanong sa doctor na chenecheck ang mga kamay,at swero ni mama,sa tuwaing nakikita ko ang kalagayan ni mama ngayon ay nadudurog ako,halos buong katawan ni mama ay merong mga swerong nakakabit na hindi ko maintindihan."Di pa ba sinasabi ng mama mo sayo?"Nakatingin sakin na sabi nito."Wala naman po syang sinasabi sakin eh,kaya nga po ako nagtatanong sainyo!"Napataas ang kilay ko sa sinagot ko sa kaharap kung doctor."Iha wag kang mabibigla ah,may lukemya ang mama mo!"Mahinahon na sabi nito,at may pag aalinlangan kung tama ba na sinabi nito saakin."Ano po lu~kem...lukemya?"Halos hindi ko mabanggit ang sinabi ng Doctor,hidi ito birong sakit."Oo Ija matagal nya ng dinaramdam ang sakit nato pumupunta rin sya rito para magpa check up at bumibili ng gamot"Paliwanag niya na nakatitig sa mga mata ko."Pero bakit wala po akong alam!?"Napatayo na ko sa kamang kinauupuan ko."Sinabihan ako ng mama mo noon na wag ko raw sabihin sayo dahil sya nalang daw ang magsasabi saiyo!"Nahawakan niya ang mga balikat ko habang sinasabi iyon."Mama!bakit po kayo nag sinungaling sakin di ko man lang po kayo natulungan,wala akong kwentang anak matagal na pala kayong may dinaramdam at lukemya pa pero wala man lang akong kaalam alam,"Napaharap ako kay mama na hanggang ngayon ay wala man lang kamalay malay."Dahil siguro ay ayaw ka niyang mag alala pa,kaya inilihim niya ito saiyo!"Seryoso na seryosong sabmbit nito."Dapat sinabi mo po saakin,ng saganon ay meron akong nagawa man lang,pakiramdam ko po tuloy wala akong kwentang anak!"Naiiyak ko ng sabi sa doctor na nag aalala rin,at binigyan akong payo na magiging matatag lang ako at huwag susuko lalo pa sa kalagayan ngayon ni mama.Umuwi ako ng bahay para kumuha ng ilang damit ni mama pero may mga pulis na nakaabang sa harap ng bahay,anong ginagawa nila rito?takang tanong ko sa sarili ko."Ano pong ginagaw~"Hindi ko pa nga natatapos ang sasabihin ko ay agad ng nagsalita ang babaeng nakaunipormeng pang pulis."Ms.Sheena Roman Ramos meron kang Warrant of Arrest dahil sa hindi mo pagdalo sa hiring kahapon, napagpasyahan na ng korte na makukulong ka ng tatlong taon sa kasong pananaksak sa biktimang c Cindy Morales at sa pagkawala ng ipinagbubuntis nito at ngayon ay frustrated murder ang kahaharapin mo kaya ipagdasal mo na mabubuhay pa si ma'am Cindy ng saganon ay hindi madagdagan ang taon ng iyong pagkakabilanggo!" Hindi ko na alam kung ano ang reaksyon ng pulis na ito habang sinasabi iyon dahil kahit ni isa sa mga binanggit niya ay hindi ko maintindihan.At d ko na namalayang napusasan nako at sumasama na sa kanila.Nakalimutan kung kahapon nga ang hiring dahil yon din ung araw na nahospital si mama."Sandali lang,gusto ko munang puntahan si mama,kailangan ako ni mama sa mga oras na ito!"Garalgal na sabi ko,halo halo na lahat ng nararamdaman ko ngayon parang paulit-ulit na sinasaksak ang dibdib ko sa mga nangyayaring ito.Pero kahit anong sigaw ko parang wala silang naririnig,"Mga manhid ba kayo ah sabi ko,gusto kung makita si mama kahit sandali lang!"naiiyak na sabi ko,anumang oras ay madali nakong humagulhol.Nawawala nako sa sarili pero c mama lang ang inaalala ko at iniisip ko wala akong pakialam kung ikulong nila ko,isa lang ang gusto ko ang makita muna sana c mama. Pero kahit anong pakiusap ko wala man lang silang paki Alam"Ms.Ramos,manahimik ka,wala kaming magagawa sa mga gusto mong mangyari,kung nagpakita ka sana kahapon e di sana makikita mo pa ngayon ang ina mo!"sermon sakin ng babaeng pulis."Inatake si mama kahapon dahil meron siyang lukemya,dinala ko siya sa hospital kaya hindi na pumasok sa isipan ko na yon na pala ang araw ng hiring,kaya naman sana maintindihan ninyo ang sitwasyon ko!"Kahit umiiyak nako,minabuti ko parin na maayos ang paliwanag ko."Naiintindihan namin ang side mo pero,korte na ang nagdesisyon at pulis lamang kami taga sunod ng batas,at ginagawa lang namin ang trabahao namin,magpasalamat ka nga at tatlong taon kalang makukulong samantala ang iba ay halos benteng taon pa!"may diing sabi nito,dahil sa naririndi na ito sa kakasigaw ko,pero kahit mabingi pa sila hindi ako titigil sa ginagawa ko ngayon."kung sainyo nangyari ang nangyayari saakin,ay sigurado ako na magulang ninyo ang uunahin ninyo bago ang mga ganito,wala kayong mga puso,naging pulis pa naman kayo pero wala kayong paki alam bweset kayo mga hayop kayo"-D ko na alam ang mga lumalabas sa bibig ko,at wala nakong paki alam pa sa mga sinasabi ko."Hoy. ikaw anong kaso mo ah"pagkapasok ko palang sa kulungan para ng nasa impyerno ang buhay ko."Napagbintangan lang akong nakasaksak!"walang gana kung sagot."Talaga ba, baka ikaw talaga ang sumaksak HAHA!"Pinagtawanan nila ko at pinagtulung tulungan na saktan sinipa,sinuntok,sinasabunutan,inapak apakan,pero manhid na ang katawan ko,mas masakit parin ang isipin na nasa hospital si mama at ako naman ay walang magawa,at nakakulong pa.Kabanata 5Gino POV "Bakit tatlong taon lang syang makukulong diba sinabi ko sayo na siguraduhin mong mabubulok sya sa kulungan"yan agad ang sigaw ko kay Ethan,masaya na sana ako ng mabalitaan kung nakulong na ang babaeng iyon,pero nawala ang kasiyahang iyon ng matuklasan kung tatlong taon lang sya makukulong at hindi pang habang buhay.!" Pero kuya Hindi naman sa porket gusto mo syang makulong ng pang habang buhay ay mangyayari na,hindi naman pwede yon dahil merong batas na kailangan sundin!Hindi naman porket na sinabi mo ay masusunod na!"Galit na sabi nito."Tumahimik ka dyan,lintik na mga sinasabi mong yan dati proseso ngayong naayos na, batas na naman!"Wala akong pakialam kung mabingi man sya sa mga sigaw ko habang sinasabi iyon."Kuya naiintindihan kita,si Cindy wala parin syang malay hanggang ngayon at ang pamangkin ko sana ay d man lang natin nakita at naalagaan!"Mahinang sabi niya."Hindi pa sigurado kung mabubuhay pa sya,kaya hindi sapat ang tatlong taon na iyon!"sigaw k
Sheena POV Nalaman na ng mga kasama ko sa selda na buntis ako tulad ko nagulat den sila at maraming tanong na puro kasinungalingan lang ang isinasagot ko,pero ramdam ko parin ang sakit ng buo kung katawan dahil ako nalang palagi ang pinagbubuntungan ng galit ng Lorna na iyon,maraming gustong tumulong saakin pero mas madami ang tauhan nito."Sinong ama ng ipinag bubuntis mo,~?"seryosong tanong ni Linda."Patay na,kaya kung pwede sana huwag na po kayo ng magtanong pa dahil ayaw ko ng isipin pa ang lalaking iyon!"-yan ang lumabas sa bibig ko."Kung ganon mag isa mo lang syang palalakihin? at dito pa sa kulungan?!"pag aalalang sabi niya."Oo wala naman akong magagawa eh kung meron lang e d sana noon ko pa nagawa na makalabas rito,kung meron lang sanang pwedeng takasan dito ay matagal nakong umalis sa impyernong buhay nato!"-naiiyak kung sabi.Oo kaya kung palakihin ang anak ko ng walang ama..mas mabuti ng wag akong umasa na meron syang ama dahil sigurado kung Hindi sya maniniwala saki
Shammel POV Alam ko sa ngayon kinamumuwian na ko ni Sheena pero wala akong pakialam.Ang importante na tupad na ang gusto ko, yong makitang nahihirapan siya.Sa tagal ng pagiging magkaibigan namin,hindi ko pa siya nakitang magalit,yon palang nong dinalaw ko siya.Mabait si Sheena,kaya palagi siyang pinupuri ng mga nakakapaligid sa kaniya.Pero mabait naman ako eh,pero puro mali lang ang nakikita nila saakin,palagi ako ang may kasalanan.Simula non naisipan ko na iparanas sa kaniya ang bawat sakit na nararanasan ko,kahit alam kung masama ag binabalak ko ay wala akong pakialam.Inosente si Sheena sa lahat ng bagay,pero mas inosente ko kesa sa kaniya,ang pinag kaiba lang naming dalawa ay wala siyang ama,pero kahit anong gusto niya ay nakukuha niya.Samantalang ako merong ama't ina pero ni isang luho ko ay hindi kayang ibigay,dahil lasinggero si papa at si mama naman ay adik sa sugal,pati nga kapatid ko na 16 taong gulang palang ay hindi na nag aaral dahil pinatrabaho na ito ni mama sa
Sheena POV Habang patagal ng patagal ako dito sa kulungan,ay lumalaki narin ang aking tiyan,inaasahan ko na hindi na nila ko sasaktan dahil sa buntis ako,pero nagkamali ako dahil mas malala pa ang ginagawa nila saakin. "Maawa naman kayo sa sinapupunan ko,kahit ako nalang ang saktan ninyo wag lang ang magiging anak ko!"-pagmamakaawa ko kay Lorna. Hindi ko alam kung saang banda ito ng kulungan dahil sila sila lang ang nakikita ko,malayo ito sa seldang kinakukulungan ko. "Walang magagawa yang pagmamakaawa mo,kaya mag paalam ka na sa magiging anak mo,dahil hindi mo nayan masisilayan pa!"Mas natakot ako sa mga sinabi ni Lorna. "Ano bang ginawa ko sayo,sainyo para gawin ninyo ito saakin!?,wag na wag mo kung mahawak hawakan dahil handa akong pumatay oras na may gawin kayong masama samin!"Kahit nakagapos ako ngayon ay pinipilit koparing makawala,alam ko na ang binabalak nila dahil merong isang tauhan ni Lorna ang umaayos ng hihigaan ko,aalisin nila ang anak ko sa loob ng tiyan ko,at hin
Sheena PovTinawagan ako kanina nong kompanyang inaplyan ko,pwede naraw akong magsimula bukas,labis labis talaga ang pasasalamat ko kay Yulie at siya na naman ang tumulong sakin na makahanap ng trabaho,sinamahan niya rin akong mag apply.Nahihiya na kasi ko sa kaniya kaya gusto ko naring magkasariling bahay,meron na kung nabiling bahay pero hindi ko pa kasi naibibigay ang pera ng buo kailangan mabuo ko ang pera para makalipat na kami ni Yohan."Nak ngayong may trabaho na c Mommy si tita Yulie muna ang magbabantay sayo ah!""Mommy!"niyakap nya ko sa sinabi ko"tawagan mo po ako palagi mamiss po kasi kita eh!"sabi nyang may pag aalala,"Nak di naman ako mawawala pero promise tatawag si Mommy para marinig ko ang boses mo at para hindi natin mamiss ang isait isa,diba!?"at niyakap ko sya ng mahigpit na mahigpit."Basta po Mommy mag iingat ka po palagi kapag pagod na po kayo sabihin nyo lang po sakin kakantahan po kita!""Hmm ang sweet sweet naman talaga ng anak ko parang gusto ko ng is
A F T E R 6 Y E A R SSheena POV Busyng busy ko ngayon dahil sa 5th birthday ng anak ko,maraming pumunta kasama naron ang mga kaibigan ni Yohan at buong kaklase niya, Oo,nag aaral na ang anak ko,Kinder plang siya pero parang alam na niya ang lahat,matalino ang anak ko at masipag mag aral,kahit nga sabado at linggo ay gustong pumasok,Yohan ang pangalan niya at ang apilyedo ay saakin,syempre,Yohan Ramos ang ibinigay ko sa kaniyang pangalan maraming nagtanong kung bakit apilyedo ko ang ibinigay ko sa anak ko,dahil parang magkapatid lang daw kami kung apilyedo ko ang ibibigay ko.Pero mas maganda na nga iyon para ako na talaga ang ama' ina niya.Napakasaya ko dahil lagi ko syang nakikitang masaya maraming nagsasabing,hindi ko raw kamukha ang anak ko.tama sila mata lang kasi ang nakuha sakin ni Yohan at ang lahat na ay sa ama niyang matagal ng patay,yan ang sinasabi ko kapag nagtatanong si Yohan tungkol sa ama niya.Sa kulungan ko ipinanganak c Yohan nong mga oras na iyon maraming tumul
Sheena POV"Mommy sabi po ni tita Yulie agahan mo raw po mamaya sa pag uwi kakain daw po tayo sa labas at manonood ng sine" sa boses palang ng anak ko alam ko ng excited na excited na sya.Habang busy ko sa pagtatrabaho ay bigla nalang tumawag si Yohan,patago lang ako na kinausap siya dahil bawal rito ang cellphone kapag sa oras na ng trabaho."Aba nak good news yan ah,sa tingin mo nak ano kaya ang nakain nya para manglibre akala ko yang tita mo nayan sya nalang palagi ang nililibre, btw cge aagahan ko mamaya para mamasyal na rin tayo!"masayang sabi ko."Sige po mommy mag iingat ka po ilove you!"Ramdam ko ang ligaya niya sa kabilang linya.Sa sinabi ni Yohan nawala ang pagod ko swerte ko talaga sa anak ko."I love you more muah!"tingin sakin ng mga katrabaho ko baliw na ko,palagi ko kasing ginagawa to kapag tumatawag si Yohan pero masaya ko kaya wala akong pakialam kung baliw ako para sa kanila.Tinatapos ko na ang trabaho ko para makauwi agad ako pero may biglang humablot ng d
Sheena POVSimula nong maging secretary nya ko wala syang tigil sa mga ibinibigay na mga papeles at kung ano anong iniuutos.Kaya alam ko na, kaya nya ko kinuhang maging secretary nya ay para pahirapan ako.Pero ipapakita ko sa kanya na hindi ako yong tao na basta nya nalang gawing uto uto.Kaya humanda ka Gino dahil sisiguraduhin kung magsisisi kang ginawa mo kung secretarya mo."Sheena sabi ni sir tapusin mo raw to ng mabilisan dahil magkakaroon ng meeting mamaya"Seryosong sabi nito habang hindi ko na makita ang mukha dahil sa daming mga papeles na naman,hindi na ba talaga matatapos to,kahapon lang marami na kung inayos."Ano daw ang gagawin ko reto?"walang gana kung tanong kay Ryan."Iprint mo daw tapos dalhin mo don sa office nya pagkatapos"Talagang sinusubukan mo ko ah Gino."Ah sige pasabi nalang sa kaniya na matatapos agad ito!"nakangiting sabi ko.Sa daming pinag print ko nangangalay ang mga kamay ko,at nakakapagod na nakakahilo,kapag ganito ang pakiramdam ko simple kung
Sheena POVKanina pa kami nagbabyahe pero hindi ko pa alam kung saan kami dadalhin ni Gino,tinatanong ko siya pero seryoso lang siyang nagdadrive ng kotse.Nong tinawagan siya ni Ryan ay bigla nalang siyang nataranta at agad kaming pina-impake, buti nalang at tinulungan ako nila Marie. Kaunti lang nga mga naimpake namin dahil nagmamadali na talaga si Gino na makaalis kami. Nagulat ako sa mga ikinilos niya lalo pa ng bayaran niya ang dalawang kasambahay at hindi na daw ito dapat na bumalik sa bahay namin dahil hindi naraw kami babalik pa,kaya naguluhan man sila Marie ay wala silang nagawa kundi ang tanggapin ang sahod nila at umalis na."Saan ba talaga tayo pupunta? Kinakabahan ako sa padalos-dalos mong disisyon sa buhay!?"Inis kung tanong sa kaniya habang hinahaplos ko ang ulo ni Yohan na nakapatong sa hita ko,nakatulog na kasi ito dahil sa kadaldalan at mahabang biyahe,gusto ko na nga ring matulog kaya lang baka kung saan kami dalhin ni Gino."Pupunta tayo sa lugar na walang pwedeng
Kabanata 100Ethan POVNagkakagulo na silang lahat sa baba dahil hindi nila ma-contact si kuya, dito ko sa kwarto ko at sinusubukan ko ring kontakin si kuya pero katulad din sa kanila di ko rin ma-contact. Nakadungaw ako sa bintana at kita ko mula dito ang mga nagkalat na tauhan ni Papa."Ethan, subukan mo ngang tawagan ang kuya mo baka sakaling sagutin niya ang tawag mo." Nalipat ang mga mata ko sa boses ni Mama at merong bahid ng lungkot, merong ding pag-aalala sa mga mata niya."Kanina ko pa sinusubukan pero di rin niya sinasagot, Ma!" Sabay pakita ko sa kaniya ang cellphone na nakadial sa number ni Kuya.Huminga ng maluwag si Mama at umupo sa sofa."Sa tingin mo, Anak. Sisipot kaya ang Kuya mo sa kasal nila ni Cindy bukas?"Kitang-kita ko ang pangamba ni Mama sa kaniyang mga mata."Siguro hindi, kasi kung sisipot iyon si Kuya dapat nandito siya sinasamahan niya ang mapapangasawa niya at kahit nga sa photo shoot ay hindi siya sumisipot eh. Ma, sinasabi ko ito dahil ito ang totoo ka
Kabanata 99Sheena POVHindi ako maka-focus sa pag-aalalay Kay Yohan sa pagbabike dahil sa nalaman ko sa Ina ni Gino na bukas na pala ang kasal nila ni Cindy. Pumunta kasi sila ni Ethan dito at kinausap ako at gaya ng dati ay masasakit na salita ang ibinato niya saakin, hindi naman ako nag-eexpect na magiging maayos ang pakikitungo niya saakin kaya hindi ko nalang pinansin ang masaskit niyang sinabi saakin maliban nalang sa sinabi niya na bukas na nga ang kasal ni Gino. Inawat naman ni Ethan ang mama niya at humingi siya ng paumanhin sa inasal ng kaniyang ina, at nagpaalam na agad siyang umuwi kasama ang mama niya kahit gusto niya pang-mag-stay dito para turuan ang pamangkin niyang mag-bike kaya ngayon ay ako ang umaalalay sa anak ko dahil nag-eenjoy siyang matutong mag-bike."Mommy, kunti nalang pong practice at magiging isang magaling na po akong biker!"Napakurap ako ng marinig ko ang napakasayang boses ng anak ko, pero nanlaki naman agad ang mata ko ng biglang na out balance ang
Kabanata 98Gino POVMagkasalubong ang dalawa kung kilay habang nagdadrive ng kotse ko,minsan na nga lang akong magprepare ng simpleng dinner para saamin ni Sheena ay meron pang ng istorbo.Ayaw ko sanang iwan si Sheena sa bahay kaya lang ramdam ko sa boses ni Papa na meron na namang problema at pinagbantaan niya pa ako tungkol sa anak ko.Pinarada ko ang sasakyan sa garahe at lumabas agad ako,nakita ko agad si Cindy na malaki ang ngiti sa mga labi niya habang papalapit saakin,mapula ang labi niya at naka tube dress hanggang sa kalahati ng hita niya na kulay pink, ito ang mga paborito niyang mga suot."Good morning Love,sobrang namiss kita!Kanina pa ako naghihintay sa'yo"Inilayo ko ang mukha ko ng susubukan niya kung halikan,nawala ang ngiti sa labi niya dahil sa inasal ko."Bakit?"Taka niyang tanong saakin."Ayaw mo na ba saakin? Hindi mo man lang ba ako yayakapin o hahalikan man lang? Love ...? Hindi mo ba ako namiss?"May lungkot na sa boses niya.Siguro ito na ang tamang panahon
Kabanata 97Sheena POVNaramdaman kung may maliliit na halik sa leeg ko at sa pisngi ko,kaya naman pinilit kung imulat ang mga mata ko,ulo lang ang kaya kung galawin dahil parang naistroke ang bou kung katawan,sobrang kirot na naman ng pagkababae ko,gawa na naman ito ni Gino."Good morning..."Malambing na bati saakin ni Gino,siya pala ang humahalik saakin,nakahawak ang dalawa niyang kamay sa bewang ko habang hinahaplos-haplos niya."Ang sakit ng katawan ko!" Pag-amin ko sa kaniya,narinig ko ang maliit niyang tawa.Hindi ko maimulat ng maayos ang mata ko,pagod at walang gana ang buo kung katawan."Sorry!" Hinalikan niya ako ng maingat sa labi pagkatapos niyang sabihin iyon na nakokonsensya.Ewan ko pero gusto ko iyong halik na ginawa niya saakin,tinanggap ko ang halik niya."Si Yohan pala?" Tanong ko ng maisip ko ang anak namin."Nasa school na siya hinatid nila Ryan." Sumalampak siya sa kama katabi ko.Nailayo ko ang sarili ko dahil hindi pa ako naliligo at naamoy ko na ang lansa."Baki
Kabanata 96Gino POVGabi na akong nakauwi dito sa bahay nadatnan kung naghaharutan si Yulie at Ryan,napatigil sila sa kanilang landian ng makita nila kung dumaan sa harapan nila.Hindi ko sila binigyan ng pansin diretso lang ako sa kwarto ng anak ko at nakita kong mahimbing na ang tulog niya,napaisip ako kung bakit wala siyang katabi,iyon pa naman ang inaasahan ko na katabi niya ang Mommy niya.Kaya naman pagkatapos kung ayusin ang pagkakakumot niya ay dumiretso na ako sa kwarto ni Sheena,malayo palang ako ay napansin ko ng bukas ang kwarto niya.At hindi ko nagustuhan ang nakita kung pagkakaibabaw niya sa kapatid ko,at mas kumulo ang dugo ko ng masaya pa sila sa ganoong posisyon.Susugurin ko na sana ng suntok ang kapatid ko buti nalang at tumayo agad si Sheena,at parang nakakita siya ng multo ng makita akong nakatayo sa pintuan ng kwarto niya.Nagagalit lang akong pinapakinggan ang mga paliwanag nila.Humupa lang iyon ng makita ko ang pagguhit sa mukha niya ang pag-aalala ng makita
Kabanata 95Cindy POVPapasok na kami sa gate ng bahay ng parents ni Gino,malakas ang kabog ng dibdib ko na hindi ko malaman kung bakit ganito nalang ang nararamdaman ko.Ng tuluyan na kaming makapasok ay nakita ko si Gino na merong kargang bata,at merong nakasunod sa kaniyang babae na sigurado kung si Sheena iyon.Nasagot ko na ngayon kung bakit ako nakakaramdam ng kakaiba.Naramdaman ko ang pagtunog ng ngipin ko,nagagalit ako sa babaeng kasama niya ngayon,kaya pala hindi niya sinasagot ang mga tawag ko dahil kasama na naman niya ang mga hayop na'to.Gusto kong patigilin si Daddy sa pagdadrive dahil sigurado kung gulo na naman ang mangyayari oras na makilala niya ang babaeng kasama ni Gino at ang bata."Bakit may batang karga si Gino?"Takang tanong ni Mommy.Bumaba na si Daddy,at binuksan kami ni Mommy ng pinto,inalalayan kami.Hindi pa kami nakikita ni Gino dahil busy siyang alalayan ang dalawang hayop."Gino?"Tawag ni Daddy ng makita niya si Gino,at parang akong binuhusan ng malam
Kabanata 94Sheena POV"Si Yohan matatanggap ko pang parte siya ng pamilya namin,pero ikaw?...HINDI!"Simula ng kausapin ako ng Mama ni Gino ay hindi na mawala sa isipan ko ang huli niyang sinabi saakin.Paulit-ulit iyang narerecall sa isipan ko.Masaya kung sinusubuan ang anak ko ng lapitan ako ng Mama ni Gino at iyon na nga ang simula ng pang-iinsulto niya saakin.Kaya naman ng makita ko silang masayang nagyayakapan ay umalis ako,dito ko ngayon sa labas ng bahay nila,nagpapahangin gusto ko ng sariwang hangin,gusto kung kalimutan ang mga masasakit na sinabi saakin ng Mama ni Gino.Pero ngayong nandito ko sa labas ng bahay nila mas maraming gumugulo sa isipan ko,lalo pa na dito kami ngayon titira sa bahay ng mga magulang niya.Kaya naman ako pumayag ay dahil gusto kung gumaling ang Papa niya,gaya nga ng sabi ng Papa niya ay gusto niyang magpagaling habang kasama si Yohan.Kaya kung magsakripisyo makita ko lang silang masaya,masaya ang anak ko na makilala ang Lolo at Lola niya at masaya
Kabanata 93Gino POVHindi ko sinabi kay Sheena na dadalhin ko sila dito sa bahay ng parents ko dahil alam kung kokontrahin na naman niya ko sa gusto kung mangyari.Buo na ang disisyon kung ipakilala sila kay Papa at Mama kahit alam kung galit saakin si Papa ngayon,at inasahan ko narin na maraming bantay ngayon dito sa bahay para hindi ako makapasok,at kahit sa kompanya ay pansamantala muna akong hindi nakakapagtrabaho.Masaya ang anak ko dahil makikita at makikilala na niya ang Lolo at Lola niya,kaya naman nagagalit ako dahil nawala ang saya niyang iyon ng hindi siya pinakitaan ng magandang loob nila Papa,pati si Sheena ay nadismaya sa inasal ni Papa,alam kung hindi gusto ni Sheena na dalhin ko sila dito sa bahay,pero kahit ganon ay nagbigay galang parin siya sa mga magulang ko."Tatlong araw nalang at ikakasal na kayo ni Cindy,kaya kung ayaw mong tuluyang itakwil kita bilang anak ko,huwag na huwag mo ng dadalhin ang mga basurang iyon dito sa pamamahay ko!"Parang piniga ang puso ko