Tyrone POV Pagdating namin sa bahay galit na hinarap ako ni Vanessa! Hindi niya kasi ako maaway kanina sa loob ng sasakyan dahil hinatid pa namin si Kz sa apartment nito. "So ano! Ginawa mo talaga yun sa kaniya! Akala ko ba wala tayong pakialaman! Sinaktan mo si Kent!" Galit na sigaw pa nito. "Siya lang ba talaga ang mahalaga para sayo? Ang buhay ni Kent? Ang kalagayan ng lalaking yun? " ang di makapaniwalang tanong ko sa kaniya. "Tama ka! Siya lang ang mahalaga sa akin! Kaya mabuti pang tigilan mo na siya! Noon pa lang malinaw ko nang sinabi sayo na hinding-hindi kita magagawang mahalin, nandidiri ako sa tuwing nakikita kita, o kaya naman kapag dumidikit ka sa akin.hindi ako natutuwa sa mga ginagawa mo-" "Ganun mo na ba ako pinandidirian? Huwag kang mag alala,, huling gabi na ang pakikialam kong yun sa buhay mo. " putol ko sa sasabihin niya. Noon lanh siya natigilan sa sinabi ko, bakas sa mukha niya ang pagka gulat, marahil hindi niya inaasahan ang bagay na yun mula sa akin
Tyrone POV Nagising ako na may mga kamay na nakayakap sa magkabilang balikat ko, hindi lang yun, parang may nakadagan sa katawan ko. Marahan akong nagmulat ng mga mata, tatagilid sana ako ng maramdaman kong nakadagan si Althea sa akin,pagtingin ko sa kabila katabi ko rin si Vanessa na nakayakap sa akin,, Gamit ang isang kamay ko, maingat na inayos ko si Althea, para makahiga siya sa kama ng komportable, hindi ko inaasahan na matutulog sila ng katabi ko. Ang mag inang to. Matapos kong matagumpay na maihiga si Althea, saka naman ako humarap kay Vanessa para sana alisin ang kamay ko, pero gumalaw lang siya bago isiniksik ang sarili sa katawan ko. Hindi ko tuloy maiwang pamangiti, ganito kasi siya kalambing dati, nong mga panahong naaalala pa niya ako. Kami ng anak niya. I miss the old time, kong saan masaya kaming dalawa. Masaya nga bang matatawag yun? Hindi ko alam pero masaya ako kahit na private ang relasyon naming dalawa, ang dahilan kong bakit ilan lamang ang nakakaalam sa
Kent POVSaglit akong napahinto sa paghakbang ng makita ko sina Vien, Tyrone at ang secretary niyang si Hanzo. Hanggang ngayon hindi pa rin nagagawa ng mga tauhan ko ang pagtapos sa lalaking yan. Pero anong ginagawa nila dito? Hindi ba dapat nasa office ngayon si Mr. Kim para ayusin ang problema dahil sa pagkawala ni Ms. Nancy. Tumaas ang kilay ko ng tumingin sa gawi ko si Tyrone, matangas nga pala ang pakiramdam niya. Kaya naman lumapit na ako sa kanila. "Mr.Kim, " bati ko sa kaniya. "Anong ginagawa niyo dito? "Tanong ko sa kaniya. "Hindi ba dapat ikaw ang tanungin ko sa bagay na yan." Sagot ni Tyrone na may pagtataka. " nalaman ko ang nangyari kay Nancy kaya naparito ako, ang totoo niyan kasama ko siya kagabi, kaya lang bigla siyang nawala sa paningin ko, nong hinanap ko siya, nagkataon naman na nakita ko si Vanessa kaya nawala sa isip ko ang bagay na yun, lalo na at na corner kami ng mga paparazzi. "Kwento ko sa totoo lang hindi ko inaasahan na malaking alibi ang ginawa ni Van
Kent POVNapa ngisi ako habang hawak ang isang ebedensya na siyang sisira sa buhay ni Tyrone Kim,, ngayon alam ko na ang kahinaan niya.. Malas niya lang at ako ang unang nakaalam sa pinaka iingatan niyang lihim.. Bago ang kasal nila ni Vanessa may tinatago pala silang relasyon at nagkaroon ng bunga ang pagmamahalang iyon. Kaya lang nakalimutan ni Vanessa ang lahat matapos ang aksidente,, ang isa pa sa mga nalaman ko ay ang ginawa ni Tyrone Kim habang nag aagaw buhay si Vanessa ay naroon lang siya at pinanunuod ang asawa niya. Wala siyang ginawa para iligtas ang babaeng mahal niya, marahil para wala ng gugulo pa sa buhay nila ni Kz. Napag alaman ko na palihim na nagkikita noon sina Tyrone at Kz, hindi ko nga lang alam kong may kinalaman iyon sa negosyo. Ngayon naiintindihan ko na kong bakit nawala si Vanessa sa loob ng mababang panahon dito sa Pilipinas dahil nagdadalangtao pala ito ng mga sandaling iyon. Sa Amerika niya isinilang si Althea, nong sandaling mawala ang alala ni Van
Hanzo POVSaksi ako kong gaano nahihirapan at nasasaktan ngayon ang Director, nandito nga siya sa trabaho dahil tinawagan ng Chairman pero ang isip niya alam kong nasa mag ina niya. Matagal ko nang kilala si Tyrone, ni minsan hindi siya naging madamot sa iba,, alam ko lahat ng ginagawa ay mas may malalim na dahilan. Ngayon nawala na sa kaniya ang lahat, ang mag ina niya, maging ang profession niya, binitawan niya yon nang dahil kay Vanessa, at ngayon naman hindi niya magawang ibalik ang sarili niya. Siguro hindi niya napapansin na palagi akong nakabantay sa kaniya, na palagi ko siyang dinadamayan, si Tyrone ay parang nakakabatang kapatid ko na rin, lahat ng ginagawa niya ay alam na alam ko, maging ang sakit na nararamdaman niya. Ang makitang nasa ganyang kalagayan siya ang siyang nagpapahirap sa akin,, hanggang kailan siya magiging ganyan? Hanggang kailan niya pagbabayaran ang kasalanang hindi niya ginawa. At ngayon heto tahimik lang siya habang pinagmamasdan ang mga kamay niya,,
Vanessa POVIsang malalim na pag buntong hininga ang pinakawalan ko kasabay ng pag upo ko sa couch sa tabi ni Janelle habang nakatuon ang mga mata ko sa anak namin ni Tyrone. Nandito kasi ako ngayon sa bahay nina Janelle, naisipan naming magkakaibigan na dalhin dito si Althea para aliwin. At isa pa may mahalagang pag uusapan kaming Luxury Princess. Hindi naman kasi puro tambay ang kaya kung gawin, may trabaho din ako, nagkataon lang kinailangan kong mag bakasyon after ng kasal namin ni Ron. Pero ngayon tapos na ang contract at kailangan ko nang bumalik sa pag model, hindi buo ang Luxury Princess kapag kulang ng isa. "I'm sure she misses his dad. " wika ni Kristal habang naka tingin sa bata. "Hanggang kailan mo balak na ipagkait si Althea kay Ron? Sa ginagawa mo ang bata ang nahihirapan? " wika ni Abegail na napapailing. "Hindi ko siya ipinagkakait, sadyang si Ron ang ayaw na pumunta sa bahay para makita ang anak namin. " sagot ko sa kaniya bago muling sinulyapan ang anak ko na n
Tyrone POVIsang malalim na paghugot ng hininga ang ginawa ko,, hindi ako makapaniwala na nasa loob lang ng kompanyang to ang taong gustong magpabagsak sa akin. May ilang link na nag uugnay sa taong yon, kaya lang hindi pa ako sigurado kong siya nga ang taong yon o posibleng may ibang tao pa ang nasa likod ng lahat ng to? Layunin ba talaga niyang pabagsakin ako? O baka naman may ibang plano pa siya? Ano ba talaga ang tunay niyang dahilan? Ang biglang pagdating niya sa pamilya ko? Nakakapagtaka kong bakit ngayon lang siya nagpakita sa amin? Habang pinag iisipan ko ang bagay na to! Iniisip ko na kong anong kinalaman niya sa nangyari 15 years ago? Sigurado ako na ang taong mastermind ng lahat ng to, ay may kinalaman sa nangyari noon? Alam ko na maraming tao ang galit sa akin dahil sa lahat ng kasama sa bus na yon na hindi agad naka baba ay kasamang natupok sa apoy.. Himalang nakaligtas ako noon, sa hindi ko rin maipaliwanag na dahilan! Ito ba talaga ang tadhana ko? Kaya ako nabuh
Tyrone POV Bigla akong napatayo ng matanggap ko ang mensahe ng isa sa mga Agent na binayaran ko. May nakuha silang bagong inpormasyon! May taong nakaligtas sa nangyaring pagsabog bukod sa akin ng mga sandaling iyon! Hindi isang bata kundi kasamahan ng mga kidnapper! Kailangan ko siyang makita! Bago pa kami maunahan! "Hanzo bilisan mo! " utos ko sa kaniya, sabay hagis ng susi dito Si Hanzo ang pinagmaneho ko, dahil mas mabilis siyang magmaneho kaisa sa akin at isa pa mas kabisado niya ang pasikot-sikot sa daan. "Kailangan natin siyang maabutan sa nasabing lugar! " wika ko. "Alam ko! Kaya kailangan nating magmadali! At isa pa kailangan mong umuwi gaya ng sinabi ng asawa mo, mukhang namimiss ka na nilang mag ina. " sagot pa nito bago binilisan ang pagmamaneho. "Oo naiintindihan ko,, tapusin na muna natin to.. Na miss ko na rin ang mag ina ko. " sagot ko sa kaniya ng naka ngiti na. Ngunit agad ding napawi ang mga ngiti ko ng mabasa ko ang mensahe ni Kent, gusto niyang mak