Kabanata 6
A PAIR OF menacing hazel eyes with gold flecks bored into her the moment she stepped inside of Goldfinger Ink Hub. Those eyes seemed so unhappy upon seeing her— her outfit rather. Hindi pa nakuntento ang naaalibadbarang mga mata na iyon at makailang beses pa itong iniksamen ang kaniyang kasuotan na waring isa siyang takas sa asylum.
“What the hell are you wearing?” Napapantastikuhang bungad na tanong sa kaniya ni Grazz Grygor Goldfinger— the owner of Goldfinger Ink Hub and the bastard who possessed those hazel eyes with gold flecks that still gazing at her unjustly.
Inikot ni Sheeva ang kaniyang mga mata at tumuloy sa tattoo hub kasunod si Ranz na siyang inutusan ni Grazz na sumundo sa kaniya sa Poza Rica. Padabog siyang umupo sa visitor's bench at mabilisang pinukol ng masamang titig si Ranz na isa ring tattoo artist sa Goldfinger Ink Hub.
Grazz had a client. Not just a commoner but she recognized her as one of the trendsetter celebrities in local and a YouTube vlogger at the same time. The television icon was having a vag tattoo from Grazz with a ouija design— that's in her pubic area.
Sheeva decided to ignore their client's presence. “Anak naman kasi ng sinampalukang pépe! Napakaapurado kasi ng kulugong iyan! ‘Di man lang ako pinagbigyan na makapagbihis sa palikuran doon sa dinaanan naming gas station.” Mataray na sumbong niya.
“Alam mo namang totally na iba ang get up ko kapag nasa Hydrus Haven ako.” Inis pa niyang dagdag.
Ngunit ang bruhong si Ranz ay dinaanan lang siya at kinulikot ang kung anu-ano sa laptop. He'd been ignoring her prying stares since they've arrived.
Dumbass!
“And I wonder why do you have to look different in front of Hydrus. Whenever you're here, I know you liked throwing yourself in some revealing clothes pero mukha kang miyembro ng kulto kapag nasa Hydrus Haven ka. Seriously, what's the real catch?” Naiiling na pahayag ni Grazz bago ibinalik ang atensiyon at focus sa ginagawa.
She withdrew her eyes from Grazz. Ramdam ni Sheeva ang kakaibang kabog ng kaniyang dibdib sapagkat kinakabahan siya sa ideya na maging si Grazz na kilala niyang walang pakialam sa paligid ay nakakabuo na rin ng agam-agam sa ikinikilos niya.
Bagaman at hindi ito masyadong palapasiyal sa Hydrus Haven, hindi tulad ni Uno, Ivor at Junger ay expected na ni Sheeva na nakakarating pa rin kay Grazz at sa iba pang miyembro ng Triple Hub fraternity ang pag–exist niya sa buhay ni Hydrus. Baka nga sobra-sobra pa ang kuwento ng mga ulupong na tatlong suki sa Hydrus Haven tungkol sa kaniya. But she doesn't mind whatever they said. Kumpiyansa siya na malabong malaman ng mga ito, lalo na si Hydrus ang kaniyang totoong pakay.
Bagkus na magbigay ng reaksiyon ay inilagay na lamang ni Sheeva ang dalawang kamay sa bandang pelvic niya at dahan-dahan na nag–inat ng gulugod. Medyo napagod siya sa biyahe mula Poza Rica. Maliban sa pagod ay nagugutom na rin siya.
Kahapon pa kasi siya hindi makakain ng maayos matapos ang engkuwentro nila ni Hydrus sa souvenir shop.
Magkahalong tampo at galit ang nabuo niya sa kaniyang dibdib para kay Hydrus. Batid naman niyang wala siyang saysay sa buhay nito at aminado siyang panggulo lang siya sa resort na pinakamamahal nito pero hindi naman tama na pagsalitaan siya nito ng ganoon ka-heavy nang hindi man lamang inaalam ang totoo.
Tapos nakisali pa sa eksena si Stefanov kaya lalong nadagdagan ang suliranin na iniisip niya. Bagaman at guwapo, makisig at amoy mayaman ay hindi mahanap ni Sheeva sa kahit saang sulok ng kaniyang dibdib ang ispasiyo na inuukupahan ni Stefanov kung totoo ngang matagal niya itong naging nobyo.
Her memory illness did not touch her soul and heart kaya malabong wala siyang nararamdaman kapag nasa harapan niya si Stefanov. Maybe she was already over him a long time ago.
“Kaya hindi ko masisisi si Hydrus kung sisipain ka niya palabas ng resort niya. If I were him, I had already kicked you out of my life after the troubles you've made. And the recent one was the worst. You're unbelievable.”
Nahirapan si Sheeva na kumapa ng sagot kay Grazz. Kung siya ang masusunod ay ibig niya munang iwasan ang usapin na may kinalaman sa walang puso na Hydrus na iyon. Sa ngayon ay tila isa itong napakamapanganib na kamandag na nais niyang ilagan.
“Maiba ako. Sino ba iyong kliyente ko tonight? Mukha siyang galit sa pera para magbayad ng 100,000 thousand para lang sa simpleng medium tattoo design.”
Naipilig ni Sheeva ang kaniyang ulo nang mahuli niya ang secretive na pagtaas ng sulok ng labi ni Grazz mula sa kinaroroonan nito.
“Well, let's just say that money isn't an issue for him. He doesn't even mind spending 3,000 dollars per hour for just a simple ottoman-inspired design.” Salaysay ni Grazz na animo’y kilalang-kilala nito ang kaniyang kliyente.
His playfully secretive tone made Sheeva raised an eyebrow out of suspicions.
“Galanti.” Komento na lamang niya. Binalewala niya ang hindi magandang napupuna niya sa ikinikilos ni Grazz. Tutal naroon na rin naman siya at kailangan niya ng instant money para maiabot sa pamilya ni Danaya kaya tuloy ang session.
Isa pa, escape niya rin iyon para panandaliang makalimot sa kaniyang sama ng loob sa hudyong si Hydrus. She deserves to party out after the tattoo session. Isa din iyon sa rason kung bakit pumayag siya sa inalok na kliyente sa kaniya ni Grazz.
“He simply needs a trusted and skilled professional for his genital tattoo.”
Patayo na siya ng mga sandaling iyon para sana umakyat sa ikalawang palapag ng tattoo parlour nang sabihin iyon ni Grazz.
Genital tattoo?
Genital?
Ilang segundong naestatwa si Sheeva bago niya naigalaw ang kaniyang ulo at pinihit ang katawan upang tignan muli ang direksiyon ni Grazz.
“G–genital tattoo? Ibig mong sabihin sa may bandang tirahan ng dragon na bumubuga ng—”
“Exactly in his pubic area like the one I am doing in here. What's the matter with that?” Inigkasan siya ng kilay ni Grazz at tila nawerduhan ito sa kaniyang eksaheradong reaksiyon.
Pakiramdam ni Sheeva ay panandaliang namanhid ang kaniyang dila. “Pero...”
“Professionalism, woman! You have that in you, reason why I absorbed you as an artist here in my tattoo parlour. I've already seen your capabilities and I praised how you've been very accommodating with our clients. Mahalagang customer itong kliyente mo kaya saiyo ko siya itinuka kahit irregular ka.” mahabang pahayag ni Grazz.
Huminga siya ng malalim at hinimok ang sarili na idispatsa ang negatibo niyang sapantaha.
Lalo pang sumigla ang sistema ni Sheeva nang banggitin ni Grazz na sa El Sacramento nila imi-meet ang kaniyang bigatin na kliyente.
Shoot! I'll probably have fun tonight.
“Gagawin ko. Bihis lang ako.” aniya.
“Fifteen minutes max, Sheeva. Bilisan mo dahil mainitin ang ulo ng kliyente mo.”
She smirked and shrugged unmindfully at her waggish Boss before she ran upstairs.
I don't mind basta ba ulo lang niya sa itaas ang uminit, huwag lang iyong sa baba kasi ibang usapan na iyon.
THE HIGH-END and the most popular gentlemen's club in town—the El Sacramento was already packed to its capacity when they arrived.
Walang gaanong seremonya sa entrada ng club na may high security dahil diretso silang pinapasok ng mga guwardiya pagkakita pa lamang ng mga ito sa amo niyang si Grazz. Perks of being influential and wealthy. Not to mention that the owners of the said strip joints are also a members of the most sought-after brotherhood na nabuo sa Stanford University.
Mabilis lang na sinipat ni Sheeva ang raised platform kung saan nagtatanghal ang mga stripper. Her mouth shaped in a perfect ‘O’ when the stage was covered by a theatrical smoke and fog then most of the male club’s patrons gone noisy and wild.
Buhay na buhay ang loob ng El Sacramento, reason why a lot of wealthy and popular individuals dying to get a membership at the strip joint.
Walang imik na bumuntot si Sheeva kay Grazz hanggang sa nakarating sila sa ikalawang palapag ng El Sacramento kung saan naroon ang mini-casino. Tumuloy sila sa isang transparent quarter kung saan naroon ang nasa kalahating dosena nang pub billiards pool table.
Nasasapawan ang ingay ng nagsasalpukang bola ng billiard ng mga tsismis galing sa mga binatang naroon sa transparent quarter.
“You are damn here, Goldfinger.”
Hindi siya puwedeng magkamali na si Zegundo Ziggar Zorinov ang lalaking sumalubong sa kaniyang amo. Ito kasi ang malapit sa entrada ng quarter.
“Wala pa ba?” ani Grazz.
“They’re about to take off any minute from now.” Imporma ni Yarick Yarden. Isa ito sa mga miyembro ng frat na madalang lang sumama sa mga kaswal na pagtitipon ng grupo.
Blanko ang ekspresiyon sa mukha ni Sheeva nang humalukipkip siya sa gilid ni Grazz.
Sa sandaling napansin ng lahat ang kaniyang presensiya sa likod ni Grazz ay halos mapangiwi si Sheeva sa kaniya-kaniyang reaksiyon ng mga ito. Most of them gaped at her in amazement, other made a scandalous gasps. The rest just looked intently at her.
“She’s that girl, dirk?”
“Definitely.”
“And you never told us that you have a hotstuff angel in your tattoo parlour? This asshole!” sikmat ni Ivor kay Grazz.
“Kung nalaman lang namin ng maaga, we wouldn't mind spending half of lives in your freaking tattoo shop.”
“Takot ako sa karayom pero tangina, kapag ganiyang kalupit ang magta-tattoo sa akin, tiyak dinaig ko na si Jouaquin Burdado. Kahit siguro ilalim ng itlog ko may tinta na rin.”
“What’s her name, dirk?”
Makailang beses na umiling si Grazz atsaka minura ang sino mang umangal.
“Damn girl! Where have you been all my life?”
She was starting to feel discomfort under their scrutinizing eyes. Even Ivor, Uno and Junger did not recognize her. She can't blame them for unrecognizing her that night.
Malayo naman kasi ang hitsura niya sa gabing iyon kumpara sa ayos niya sa tuwing nasa Hydrus Haven siya. She was regally hot in that bodycon criss cross bandage mini dress. Halos wala na siyang itinago sa suot na dress sa gabing iyon. Sheeva also fixed her hair and made it done with an straight hairstyle.

“Brace yourselves, motherfuckers! It's her—Sheeva.”
Patlang.
“Sheeva? You mean, iyong kamag-anak ni Valak? Sabog ka ba, dirk?”
Umabante si Sheeva at inagaw ang kopita na hawak ni Uno.
“Ano ka? Ano ka, Unorazio?” untag niya rito at natawa nang malakas nang sabay-sabay na umatras ang tatlo palayo sa kaniya.
“You’re... not that hoodoo girl.”
“Ang layo!”
“At malabo.”
“Damn right! Imposible iyan, dirk! Lokarit iyon e tapos may awra ng mangkukulam. Itong si bunny-cake, ibang-iba. No! I won't believe you, dirk.”
Hindi na gaanong napagtuunan ng pansin ni Sheeva ang sumunod pang mga tauli ng mga tao sa loob ng transparent quarter dahil lumabas na sila kaagad nang i-anunsiyo na dumating na sa wakas ang kaniyang galanting kliyente.
Makalipas ang ilang minuto ay nasa loob na ng isang fantasy room si Sheeva at mag–isang inihanda ang mga basic supply at equipment na gagamitin niya.
Habang abala sa kaniyang ginagawa ay hindi niya kaagad napansin ang pagbukas ng pinto ng fantasy room.
“Let’s get this done at once.”
Marahas na napapiksi si Sheeva nang marinig ang boses na iyon. The moment her widened eyes met those familiar lifeless pair of eyes, her heart suddenly pounded harshly. Hindi sapat ang termino na gitla sa naging reaksiyon niya nang makita ang mukhang ng lalaking iniiwasan sana niya. Naisahan siya.
Si Hydrus.
Letseng Goldfinger na iyan! Kaya pala kaduda-duda ang bruhong iyon kasi may kalokohang niluluto. Humanda ka sa akin!
She was still freezing when she noticed him starting to unbutton his denim pants. But he suddenly stopped midway and fixed her with his menacing eyes. Naningkit ang mga mata nito at ipinilig ang ulo. Tila ito nalilito.
“Hey, I think I saw you before.”
Kabanata 7SHEEVA’S PALMS began to sweat. The beat of her heart went more aggressive tipong ibig na nitong umalpas mula sa kinalalagyan nito.Hydrus Horizon Hugo—the Adonis incarnate in front of her never leave his intense eyes from her body, particularly in her face.Hindi man lang ito nag-alangan na isuyod ang mapanuri at malagkit nitong titig sa kaniyang kabuuan. Ipupusta niya ang kaniyang puri at natitiyak niyang lahat ng cut ng kaniyang suot na daring club dress ay nasipat na ng mga mata nito. Hindi masundan ni Sheeva kung ilang ulit siya nitong hinagod ng masidhi at malisyosong tingin dahilan upang lumago ang tensiyon sa kaniyang sistema.What was she supposed to do or act?Katanungan na umuukilkil sa isip ni Sheeva sa mga oras na iyon. Based on his reaction, he did not recognize her as the hoodoo girl he used to hate and
Kabanata 8HYDRUS MUST BE real crazy for having an urge to chase the woman and grab her back to the fantasy room. And honestly speaking, he wanted more than that. More like he wanted her to be stuck with him in that room until his mind is at ease.Hopes bloomed inside his chest. Masaya siya. He decided to follow her and apparently, have a serious talk with her. But he was hesitant that he might mystify or scare her away and his intentions turned out unreasonable.She won't probably understand him dahil sa kondisyon nito.I fucking understand why.In hasten strides, Hydrus walked down the seemingly endless corridor from the fantasy room. El Sacramento was not his cup of tea. Maingay, magulo. Pero hindi siya nagsisisi na pumayag siya sa kagustuhan ni Grazz na doon nila gagawin ang taunan niyang body ink.Una niyang apak sa strip joint na iyon ay
Kabanata 9“TANGA! TANGA! Anak ka ng p*peng tanga, Sheeva Mae! Ngayon ka nga lang haharap na maganda kay Hydrus, sinapian ka pa ng katangahan.” Walang humpay na sermon ni Sheeva sa sarili habang inis na sinuri ang napunit na parte ng kaniyang dress.Aksidenteng sumabit ang skirt ng kaniyang dress nang humakbang siya sa hanggang bewang na wooden fence sa likod-bahay ni Hydrus. Short cut it is! Doon siya madalas na dumaan kapag nasa misyon siyang manmanan si Hydrus baka may isinama itong babae sa villa nito.“Panira ka! Shit ka!” Gawa ng lumalalang inis ay sinipa-sipa niya ang estokadang kahoy. Wala siyang balak na sirain iyon pero napinsala niya iyon at nagsitanggalan ang ilang piraso.Bago pa may dumaan sa dakong iyon at mahuli siya sa aktong damaging of property ay umiskapo na siya na parang walang nangyari.Napadaan si Sheeva sa parte ng backyard kung saan nakasampay an
Kabanata 10HINDI MASABI ni Sheeva kung magpapasalamat ba siya’t naputol ang isa na namang masamang panaginip o maiinis dahil sa sunud-sunod na mararahang katok sa pinto ng kaniyang silid.Umungol siya subalit hindi siya napagbigyan ng kaniyang lalamunan sa paraan na gusto niya. Lubog pa kasi ang kaniyang boses dahil kagigising lamang ng kaniyang diwa kung kaya’t hindi siya makaingit ng bongga at suwayin ang mga alaga niyang fennec fox sa pagkalatok sa pinto.She frustratingly stirred in her messy bed. Bahagya niyang iminulat ang isang mata atsaka sinilip ang battery operated na compact digital alarm clock sa night table sa gilid ng kaniyang kama.The clock says it was one in the morning. Subalit may nakasilip nang liwanag mula sa araw sa kurtina ng bintana.Kinusut-kusot ni Sheeva ang mga mata habang bumabangon. Ganoon na ba talaga siya kahirap at pati battery ng orasan ay
Kabanata 11SHEEVA STARTED TO feel a growing nervousness few minutes after Vee fell asleep beside her in the high-end upholstery of the mercedez-benz style cabin of the aeroplane.Burado din sa kaniyang isip kung kailan siya huling sumakay sa sasakyang panghimpapawid. Positibo siyang Malaki ang kinalaman ng masamang mga panaginip niya na may kinalaman sa Westscott Airways ang pagiging agitated niya. Lumalala pa iyon habang patagal ng patagal ang biyahe nila papunta sa Triple Hub Island.She doesn't know that she became a person to have turned a fear of riding an aircraft until that moment. Hinagod ni Sheeva ang kaniyang lalamunan patungo sa kaniyang naliligalig na dibdib gamit ang kaniyang nanlalamig na kamay upang sana'y subukan na pakalmahin ang kaniyang sarili subalit nanggilid ang luha sa kaniyang mga mata nang matantong walang silbi ang kaniyang pagpapalubay sa nababalisang paki
Kabanata 12MAY ILANG MINUTO pa ang itinagal nina Sheeva sa himpapawid matapos nilang ihatid sa Claver, Surigao del Norte si Vivian bago nakalapag ang business helicopter na isa sa pag-aaring collection luxury private aircraft ng isa nilang fratmate na ayon kay Hydrus ay nagngangalang Wind Warfield.“Oh, oh, teka! Ito na ‘yun?” Medyo naging tunog displeased ang boses ni Sheeva nang matanaw mula sa bintana ng aircraft ang view ng isang maliit na isla sa ibaba while the aircraft was about to land.Isang islet iyon o tila isang scattered island na palagay niya’y nasa tatlong hektarya ang laki. Sa pusod ng islet ay tanaw niya ang malawak na hard surface landing zone kung saan may nagpapahinga pang pitong chartered helicopter. The islet was surrounded by dancing palms and scattered rock formations. It was pleasing in the eyes pero nasaan na ang malaparaisong isla de los hombres na bukam-bib
Kabanata 13MAPAKLANG NATAWA SI SHEEVA habang pinagmamasdan pa rin ang mga gamit sa loob ng wardrobe. Maayos at malinis ang pagkakadeposito ng mga iyon, indikasyon na hindi napabayaan. O sa madaling sabi ay inaalagaan at iniingatan ni Hydrus.Wala sa sarili na nahagod ni Sheeva ang kanyang leeg. Pakiramdam niya ay may biglang bumara sa kanyang lalamunan. Walang ingay at maingat niyang hinugot ang takaw-pansin na bagay na nakausli sa gitna ng patong-patong na mga souvenir clothes. It was a French rose colored box.Natutop ni Sheeva ang bibig matapos niyang masilip ang laman ng kahon. Inside the box there was a customized rotary album with four different pictures. And there was this picture that Hydrus was kissing a smiling beautiful girl under a cherry blossom tree… he was kissing Paige. They were happy… and so in love.Sa takot na mahuli siya n
Kabanata 14HINDI PUMASOK SA ISIP ni Sheeva ang nagawa niyang pangingialam sa nakatagong mga gamit sa Wardrobe nang siya ay magising. Sapu-sapo ang kanyang kumikirot na sentido ay dinala siya ng sariling mga paa sa terasa ng water-top villa.Instantly, her heart filled with awe when she found Hydrus smelling his hot coffee absentmindedly. Nakaupo ito ng pa-de kuatro sa isa sa mga bamboo chair sa terasa at nakatunghay sa malawak na karagatan. Tila malalim ang iniisip. Nakasuot lamang ito ng roba at hindi niya masasabi kung may suot pa itong iba maliban doon.Ang terasa ay nakaharap sa kinaroroonan ng islet kung saan sila unang lumapag. Kasing-laki na lang iyon ng school bus kung titignan mula sa kinaroroonan ng villa ni Hydrus.“Hi. Kanina ka pa gising?” She calmly began.Mabilis na lumingon sa kanya si Hydrus. He looked at her then, serious and
SHEEVA FELT HER cheeks warmed with how Hydrus’ face lit up, lips broke into a proud smile when she and baby Haven ascended into the mini raise platform of the pavilion. Feral heat rushed all over her skin when Hydrus kept on stroking her body with thick, admiring gaze.Pabiro niyang inirapan si Hydrus, ngumisi naman ang huli at humalukipkip sa kinauupuan nito. Seemed like he wasn't even bother at all how his fratmates glance at him like he was a creepy creature. He was smitten!Matapos ang pag-uusap nila kagabi ay naging extra clingy na ito sa kanya at overprotective. Though she still hasn't tell him the truth about Stefanov, na nakikiupa lang ito sa isang floor sa building niya at hindi niya pinabulaanan ang misleading information na nakuha nito sa spy nito na nagsasama sila ni Stefanov sa iisang bubong. Nuncang padadaliin niya ang ceasefire sa pagitan nilang dalawa.
Kabanata 21“HYDRUS HORIZON HUGO, fck! Let go of my wrist. You shouldn't act this much. Anak ka ng constipated na tinapa!” Dejectedly, Sheeva kept on protesting and brave enough to ignored the heat his touch caused her. His hold was territorial.“Just come with me peacefully, Sheeva.” May diing sabi nito. “Kung patuloy kang magpupumiglas, baka hindi na tayo dumaan sa matinong pag-uusap. Never test the patience of an arid and hot man like me.”No! She does not want a serious talk with him. At paano sa huli? Isasampal nito sa mukha niya kung gaano ito kasaya sa piling ng ibang babae na nagngangalang Olivia? Fck him straight!“Bitaw sabi e!” Utas niya. “I don't wanna talk to you right now, Hydrus. Bitaw nga!”“Huwag mo nang painitin ang ulo ko, Sheeva. ‘Cause I'm telling you how bad that sign would be. Please, stop struggling. Nasasaktan na ‘tong k
Kabanata 20EARLY THAT DAY ay natapos na ni Sheeva ang pagpapadala ng notice at apology sa guardian ng mga estudyante niya sa ballet class online upang ipaalam na isang linggo na magiging close ang ballet studio. Hindi pa kasi siya nakakapag-hire ng instructor at siya lang talaga mag-isa ang namamahala sa studio.Limang buwan pa lamang mula nang buksan niyang muli ang ballet studio na iyon. Malaking porsyento sa tinuturuan niya ay may dugong Pinoy na naka-settled sa North Macedonia ang pamilya. Wala na siyang maipipintas sa bagong buhay na inumpisahan nilang mag-ina sa Skopje, nga lang ay hindi niya talaga maiwasang mangarap na sana ay kasama rin nila sa baby Haven. O kung hindi man, sana man lang ay hindi ito ipinagdadamot ng ama nito sa kanila.Hindi niya malabanan ang sama ng loob niya para kay Hydrus. Itutuloy niya ang pag-uwi sa Pilipinas sa makalawa at hin
Kabanata 19ANG MASAYA SANANG birthday party at nakatakdang marriage proposal ni Hydrus kay Sheeva ay nauwi sa tensyonadong eksena sa sorpresang paglantad ni baby Haven. Ang nakaagapay sa paslit ay ang kaniyang ina na si Sylvia na bagama’t nagtataka at nag-aalangan sa nadatnang party ay hindi maitago ang saya nang makita siya.Gamit ang nanlalamig na mga kamay ay maagap na sinalo ni Sheeva ang tatlong gulang niyang pamangkin. Lumalarawan ang tuwa at pananabik sa kilos at hagikhik ni baby Haven nang kumunyapit ito sa kaniyang batok. “Tita, miss you very much. My daughter Swannie also missed you. Grandpops bought Swannie a lot, lot of clothes and swan hairclips like mine.”May isang bagay man na impluwensiya niya kay baby Haven iyon ay ang pagkahilig nito sa lahat ng bagay na may kinalaman sa swan.Ang Swannie na tinutukoy ng paslit ay ang lifelike ballerina baby doll na ibinigay niy
Kabanata 18HIRANUR YILDIZ-HUGO WAS the typical Turkish mestiza beauty. She was like a stunning racial woman she often saw in portrait arts. Hydrus once mentioned that his mother is already in her early 60s at ngayon na nasa harapan na niya ang ginang ay ibig niyang pabulaanan ang impormasiyon na iyon. Hydrus’ mother only looked something like thirty years old. Mas lalo pa itong nagmukhang matriarch sa suot nitong exquisite wrap dress.“Good afternoon, ma’am.” Sa kabila ng tumutubong kaba sa dibdib niya ay nagawa pa rin ni Sheeva na batiin ang ginang. That was the decent thing to do after all kahit na hindi mapalagay ang kalooban niya. At kahit na ganoong klase ng tingin ang ibinungad nito sa kaniya.The gorgeous middle-aged woman ignored her warmness and just went straight to the closed end vent sliding window of Hydrus’ room. Binuksan iyon ng ginang upang papa
Kabanata 17SHE CAN'T HARDLY look at him. They remained silent since he entered the house with Danaya. She busied herself chopping a lot of bulbs of garlic although it will surely go to waste. Hindi naman na nila kailangan ng garlic pero dahil tensyonado siya ay doon niya ibinuhos ang nararamdaman.Hydrus Horizon, on the other hand, also doesn't have the guts to initiate a conversation. Marahil ay nais nitong silang dalawa lang ang naroon.Nagpapakiramdaman lang silang dalawa. Ngunit batid niyang hindi siya nito tinatantanan ng tingin. She could feel his stern gaze at her, ripping off her fragments of prowess."Hindi ka talaga uupo, Kuyang pogi na amoy mayaman? Sit down ka po." Gayak ni Danaya kay Hydrus.Lumipad ang tingin ni Sheeva sa taklesang paslit nang tila sinisita nito ang kanilang bisita."No, sweetie. I mean, hindi ko na kailangan umupo kasi ma
Kabanata 16“MASAMA BA ANG pakiramdam mo, Sheeva? Kuu, batang ‘to! Ako na nga riyan at magpahinga ka muna d’un sa kwarto ni Danaya.”Umahon si Sheeva mula sa malalim na pag-iisip nang matantong kinakausap siya ni Nanang Marina, ang ina ng batang si Danaya.“Hindi ho. Ako na ho nito. I'm okay po.” Magalang na giit ni Sheeva.Nahihiya niyang inalis ang bantulot na mga mata mula sa Ginang pabalik sa mga sangkap na kanyang hinihiwa.Itinaktak ni Nanang Marina ang sandok na gawa sa kahoy sa gilid ng malaking kawali kung saan kumukulo ang niluluto nitong sauce ng spaghetti.“Kahapon ka pa tahimik, pansin ko. Kanina sinikreto ako ni Danaya, an’ya nanuno raw ang Ate Mumu n’ya. Hindi ka na raw kasi magiliw makipag-usap. Sumasama pa nga raw ang pakiramdam ng anak ko kapag ini-inglisan mo s’ya. ‘Di raw siya gaanong makaintindi.” Nakangitin
Kabanata 15A RUSH OF EXCITEMENT was running through her the moment her feet touched at the tarmac at Phuket International Airport. Dala lamang ang isang Osprey Porter backpack ay bumiyahe ang dise-otso anyos na si Sheeva mula Skopje, North Macedonia patungong Phuket, Thailand upang bisitahin ang matalik n’yang kaibigan at kababata noon sa Paco, Manila na si Suzannah o nakasanayan n’yang tinatawag sa palayaw na Swannie.Sa linggong iyon ay plano n’ya sanang umuwi ng Pilipinas para doon mag-celebrate ng kanyang 19th birthday kasama ang pamilya ni Swannie ngunit kaagad nagbago ang kanyang pasya nang malaman na nasa Phuket si Swannie. Doon na lamang ang destinasyon n’ya.Okay naman sa kanya kahit saan, ang mahalaga’y may makakasama s’yang malapit sa puso n’ya sa araw ng kanyang kaarawan sa makalawa.Noong nakaraang buwan ay pumayag na s’ya sa kagusutuhan ng kanyang ama na si Gavril Laz
Kabanata 14HINDI PUMASOK SA ISIP ni Sheeva ang nagawa niyang pangingialam sa nakatagong mga gamit sa Wardrobe nang siya ay magising. Sapu-sapo ang kanyang kumikirot na sentido ay dinala siya ng sariling mga paa sa terasa ng water-top villa.Instantly, her heart filled with awe when she found Hydrus smelling his hot coffee absentmindedly. Nakaupo ito ng pa-de kuatro sa isa sa mga bamboo chair sa terasa at nakatunghay sa malawak na karagatan. Tila malalim ang iniisip. Nakasuot lamang ito ng roba at hindi niya masasabi kung may suot pa itong iba maliban doon.Ang terasa ay nakaharap sa kinaroroonan ng islet kung saan sila unang lumapag. Kasing-laki na lang iyon ng school bus kung titignan mula sa kinaroroonan ng villa ni Hydrus.“Hi. Kanina ka pa gising?” She calmly began.Mabilis na lumingon sa kanya si Hydrus. He looked at her then, serious and