Lumipas ang buwan at malapit na rin ako manganak. Bihira na rin umaalis si Gab. Si Doc.Miguel pa rin ang personal Doctor ko. Pumupunta ito lagi sa mansion. "Matagal na kayo magkaibigan ni Gab, Doc?" tanong ko kay Doc.Miguel."Noong nag-aaral pa kami ng high school sa US."Namangha naman ako. Sobrang tagal na pala. Kaya pala parang magkapatid na rin ang turingan nilang dalawa."Doc?""Yes," nakangiting sagot naman. "Pangit ba ako?" tanong ko rito.Natigilan naman ito."N-No! I mean...hindi ka pangit, Eleonor.""Gusto ko na talaga maalala ang lahat. Gusto ko na makita ang pamilya ko."Napansin ko agad ang pananahimik ni Doc.Miguel."Ano ba talaga ang nangyari sa akin. Bakit nagkaroon ako ng amesia. At bakit sunog ang ibang parte ng katawan ko," mahinang saad ko naman.Napatingin ako kay Doc. Umiwas ito ng tingin.Napabuntonghininga naman ako. "Di kaya may gustong pumatay sa akin? Or baka naaksidente ako. Pero, Doc. Kung totoong Asawa ako ni Gab at kaibigan ka niya, dapat alam niyo
ELEONOR SALVE "ANG guwapo ng anak mo, Eleonor. Kamukhang-kamukha ni Gab," masayang saad ni Doc.Maguel sa akin. Ngumiti naman ako. Napatingin naman ako sa sanggol na masarap ang tulog sa aking tabi. "Magpahinga ka muna. Maya-maya nandito na si Gab," aniya ni Doc. Umalis daw si Gabriel dahil may biglang tawag ito sa kampo. "Bakit bigla ka natahimik?" nagtatakang tanong ni Doc sa akin. "Nanghihina pa ako. Puwede magpahinga muna ako?" mahinang saad ko rito. "Sure. Magluluto muna ako ng soup para bumalik ang lakas mo." Tumango naman ako. Pagkalabas ni Doc.Miguel, mahigpit naman ang pagkahawak ko sa bed sheet. "Mga hayop kayo!" nanginginig na saad ko. Hindi ko mapigilan umiyak habang nakatingin sa anak ko. "Aalis tayo dito, anak. Mga demonyo ang nakatira sa mansion na ito," diin na saad ko. Hinawakan ko naman ang maliit na kamay ng anak ng anak ko. Hindi maipagkakaila na mag-ama sila ni Gabriel. Nakuha niya ang mga mata ng Tatay niya. Ang matangos niyang ilong. Ang kan'yang kapu
"S-Salve?""Nay!" agad naman ako yumakap rito ng mahigpit."Jusko! Ang tagal-tagal mong nawala. Anong nangyari sa'yo!" palahaw na iyak ni Nanay.Si baby Geo naman, naiipit na ito sa aking braso."S-Salve, anak!" Napatingin naman ako sa lalaking may katandaan na ito."Tatay!"Napahagulhol naman ito pagkakita sa akin."S-Salve!"Hindi ko alam kung ilang minuto kami nagyayakapan."Salamat sa panginoon, ligtas k! Akala namin, kung ano na ang nangyari sa'yo!"Mapait naman ako napangiti. Hindi nila alam kung ano ang pinagdadaanan ko sa kamay ng lalaking lubos na pinagkatiwalaan din nila."A-Anak mo ba iyan?" tanong ni Nanay.Lumuluhang tumango naman ako."Ang guwapong bata naman! Napakaputi niya," agad naman ni Nanay kinuha sa akin si Baby Geo.Napatingin naman ako kay Tatay na napabuntonghininga ito."Nasaan ang ama niyan?" tanong ni Tatay."P-Patay na ho," mahinang sagot ko naman.Napakunot naman ang noo ni Tatay."N-Napatay po sa...ang ibig kong s-sabihin, napatay po sa ambush. Isa po s
SALVE"Geo!"Lakad-takbo ang ginagawa ko para lang mahabol ko ang aking anak."Mommy!""Geo, hintayin mo ako!"Kahit anong bilis ko, hindi ko pa rin ito maabutan."Mommy!""Geo?! Anak!" Hindi! Halos madapa na ako para lang maabot ko ang kan'yang kamay pero may lalaking humila sa kan'ya papunta sa madilim na lugar."Huwag! Geo, anak!!""Mommmy!!"Napabalikwas naman ako ng bangon na hapong-hapo. Pawis na pawis ang buong katawan ko."Salve, anak?" agad naman lumapit si Nanay at hinaplos ang aking mukha."Si Geo, nasaan siya?!" natatarantang tanong ko kay Nanay."M-Magpahinga ka muna anak, makakasama sa dinadala mo," mahinahong saad ni Nanay."Nanay, si Geo nga!" Umiiyak na saad ko naman.Napaluha naman si Nanay."Nay! Kunin natin ang anak ko!" Nagsisigaw na iyak ko naman.Napasabunot naman ako sa aking buhok. "Ang anak ko!!" "Salve."Napatingin naman ako kay Tatay."T-Tulungan niyo po ako! Kunin natin ang anak ko!"Lumapit naman si Tatay. At bigla akong sinampal ng pagkalakas."Magpah
SALVE "MOMMY!!!" Dali-daling tumayo naman ako, patakbong pumasok sa loob ng bahay. Iniwan ko muna saglit ang aking mga labahin. Sina Nanay at Tatay naman, nandoon sila sa bayan at nagtitinda ng mga gulayin. "Gold?" "Mommy." Napangiti naman ako na nakatingin sa napakaguwapo kong anak. Singkit ang mga mata. Matangos ang ilong. Ang kipot ng mga labi at napakaputi niya. "Binasag mo na naman ang plato. 'Di ba sabi ko, kapag may kukunin ka na hindi mo kayang abutin, tawagin mo ako," malambing na saad ko naman. Nakanguso naman ito. Nilapitan ko ito at ginulo ang sobrang kapal at hanggang balikat niyang buhok. "Sige na. Si Mommy na ang magliligpit. Umupo ka na lang at ipaghanda kita ng pagkain mo." Agad naman ito tumakbo at pumunta sa sala. Tatlong taon ang nakalipas. Tatlong taon na umaasa na bumalik sa Pilipinas so Gabriel at Geo. Halos araw-araw pabalik-balik ako sa mansion. Napabuntonghininga naman ako. "Kamusta ka na, anak ko? Sana pagbalik mo, makakasama ka na namin ni
SALVE"G-Gabriel, i-ibalik mo sa akin ang anak ko," nakikiusap na saad ko naman.Hindi man lang umimik. Nakatingin lang ito sa akin."G-Gab, please. Hindi ko naman ilalayo si Geo sa'yo. G-Gusto ko lang siya m-makasama." "Ipasok mo muna sa loob si Geo," aniya ni Gabriel sa napakagandang babae. At sa itsura pa lang, napakabata pa niya.Bakit hindi si Hannah ang kasama niya? Ibang babae na naman ba ang kinakasama niya?Napatingin naman ako kay Geo na nakatitig lang sa akin."G-Geo, anak. H-Halika, uuwi na tayo," umiiyak na saad ko."Pumasok muna kayo sa loob," maawtoridad na utos niya sa babae."H-Huwag!" akmang hihilahin ko sana ang anak ko, humarang naman ang dalawang tauhan ni Gabriel."B-Bakit? Paano mo nagawa ito sa akin?! Paano mo naatim na ilayo si Geo sa akin. At ibang babae ang ipinakilala mong ina!" Nagsisigaw na saad ko rito.Halos paga na ang mga mata ko kakaiyak. Hindi na rin ako makahinga dahil sa sipon na bumabara sa aking ilong.Wala man lang ekspresyon ang kan'yang mukh
SALVE Napangiti naman ako na nakatingin kay Geo na nakipaglaro ito sa kan'yang aso. Huminga naman ako ng malalim. Gustong-gusto ko siya itakas, pero natatakot ako kay Gabriel. At posible rin na maitakas ko ang anak ko. Halos napapalibutan ng mga tauhan ni Gabriel ang palibot ng mansion. "Geo, baka makagat ka," malambing na saad ko at nilapitan ito. Yumuko ako at hinaplos ko ang mukha niya. "Sobrang miss na kita," malungkot na saad ko rito. Nakatitig lang ito. Bahagya pa akong napaiktad nang haplusin niya ang parte mukha ko na nasunog. "What happened to your face?" inosenteng tanong ni Geo sa akin. "H-Ha...A-Ano kasi..-." "Stop talking to my son. Ang trabaho mo lang ay bantayan at pakainin siya." Napatigil naman ako. Hindi ko napansin nasa likuran ko na pala si Gabriel. Napapikit naman ako saglit. "Are you okay?" tanong ng anak ko na hinawakan pa ang kamay ko. Pilit naman akong ngumiti. "Okay lang ako. S-Sige na, maglaro ka muna doon sa aso mo," Utos ko rito. Kahit papaano n
SALVEPAGDATING ko sa mansion, naabutan ko si Geo na umiiyak."Geo?!"Pagkakita niya sa akin, agad ito yumakap sa akin ng mahigpit. "I thought you left me," umiiyak na saad niya.Hinaplos ko naman ang kan'yang mukha. "Hindi. Kung aalis man ako, isasama na kita," mahinang saad ko. "Miss Salve, hindi pa kumakain si Senyorito Geo. Ikaw ang hinihintay niya," saad ng tauhan ni Gabriel.Simula noong nakilala ko si Gabriel, hanggang ngayon ayaw pa rin niya kumuha ng babaeng katulong. Kahit ang nag-aalaga kay Geo, mismong tauhan niya rin."Sige. Ako na maghahanda ng pagkain niya," saad ko rito.Niyaya ko naman ang anak ko sa kusina. Pinaghanda ko ito ng baked pasta. Nag-bake rin ako ng cookies."Masarap ba?" nakangiting tanong ko rito."Yes!"Halos naubos niya ang nilagay kong pasta sa kan'yang plato."Huwag masyado kumain ng cookies," saad ko naman.After niya kumain, pumunta muna kami sa likod ng mansion. Hinayaan ko ito na maglaro sa kan'yang aso."Miss Salve, pinapatawag ka ni Boss Lee.
"TAMARI."LUMIPAS ang buwan, lagi na lang ako nakatulala. Gusto umiyak, pero wala na along luha na mailabas."Tam?"Napalingon naman ako. Si Dra. Hyde. Simula na dumating ako sa Lugar na ito, siya na ang kasa-kasama ko."Gusto mo ba mamasyal tayo? May ipapakita ako sa'yo," aniya na malapad ang ngiti.Napabuntonghininga naman ako. "Ayoko. Gusto ko lang mapag-isa."Hinawakan naman ni Dra. ang kamay ko."Gusto mo ba gumanti?"Nabigla naman ako sa sinabi ni Dra. Hyde."W-What do you mean po?""I'm your mom, close friend. Masakit din sa akin ang nangyari sa kanila. I'm gonna train you, Tamari. Papasok ka bilang assassin'. Pagdating ng panahon, magagamit mo ito.""A-Assassin? Ano po ibig niyo sabihin?"Ngumiti ito."Balang araw, maintindihan mo rin ito. Magtiwala ka lang sa akin.""Baka hindi ko kaya-."" Kaya mo! Kayanin mo! Ipaghiganti mo ang iyong pamilya!"Kinuyom ko naman ang aking kamay. "PAYAG na ako!""Pero kailangan mo mangpanggap na wala kang naalala, Tamari. Kailangan protektah
EPILOGUE…….EVERYTHING WAS PERFECT. COMPLETE FAMILY. WEALTH. OF COURSE, THE LOVE AND CONTENTMENT."MOM?"Nakatitig lang ako kay mommy habang nag-iimpake ito."Aalis si mommy. Nandito naman si daddy," nakangiting saad ni mommy sa akin.Malungkot naman ako nakatingin rito habang naglalagay ng mga gamit sa kanyang bag.Sa edad ko na sampung taon, naintindihan ko na ang klaseng trabaho nila mommy at daddy.Isang magiting na sundalo ang parents ko. At sobrang proud kami ni Kuya Jarred."Kailan po ang balik niyo?" Mangiyak-ngiyak na tanong ko naman."Ahmm..maybe next week. Don't worry, after this, magbabakasyon tayo."Nangislap naman ang mga mata ko."Mommy?"Napatingin naman ako kay Kuya Jarred. Panay ang kusot ng kanyang mga mata. Bagong gising lang kasi ito."Hi, my prince. How's your sleep?" Tanong ni mommy.Lumapit naman si kuya at pinitik ako sa noo."Mommy, ohh!" Nakasimangot naman ako."Tamari Faye, you're so bad. Nilagyan mo ng palaka ang ilalim ng unan ko!" Napahagikhik naman
SHEREESOBRANG SAKIT. Hindi ko alam kung paano mawala ang sakit na nararamdaman ko. Ang hirap tanggapin, wala na ang matalik kong kaibigan."What happened?" Mahina pero diin na tanong ko sa tauhan ni Tamari.After five months na nakaratay ako, ngayon ko lang nakausap ang lalaking malapit kay Tamari. Si Lieutenant Deon Monteverde."Sobrang bilis ng pangyayari, Gemini. Pauwi na kami, pero may sniper sa paligid namin. Ang nakapagtataka, si Captain lang ang binaril," aniya ni Deon na nakatingin ito sa malayo.Kasalukuyan na pinuntahan ko ang binata sa resthouse nito. Hindi ko ito mahagilal noong nakaraang buwan. Mabuti na lang, itinuro sa akin ni Hepe na nandito ito sa Tagaytay na pag-aari rin ng binata ang resthouse na ito.Napabuntonghininga naman ako."Nalaman niyo ba kung sino Ange may kagagawan?" Diin na tanong ko Kay Deon.Humarap naman ito sa akin. "No. Hanggang ngayon, Wala pa resulta ang imbestigasyon."Mahina naman ako napatawa. At masama na tiningnan si Deon."Impossible! Alam
JARRED"VERY GOOD, DR.VICENTE," nakangising saad ni Mayor sa akin.Huminga naman ako ng malalim. "Ginagawa ko lang ito dahil sa kaligtasan ng mga tao dito, mayor."Humalakhak naman ito. "I don't care, Vicente. May making transaction ako sa isang linggo. Kailangan matapos ito within 5 days. Kailangan kita sa laboratory ko." Seryosong turan niya sa akin.Umigting naman ang panga ko. "Tao ang ginagamot ko, hindi sa paggawa ng droga, mayor!""Well, I don't care. Alalahanin mo, nandito rin ang iyong mag-ina." Ngising aso na saad niya."Kung sasabog ang lugar na ito, kasama rin ang pamilya mo, Mayor." Sagot ko naman.Humalakhak naman ito ng pagkalakas."They are not my real family. So, I don't care!"Sunod-sunod naman ang paghinga ko ng malalim."Payag na Ako, Mayor. But after this, tuparin mo ang ipinangako mo sa akin!"Nakangisi naman ito. "Sure. May isang salita ako, Dr.Vicente." Kung tutuusin kaya ko naman patumbahin ng walang kahirap-hirap si mayor, pero hindi muna sa ngayon. I need t
PISCES"Papunta na kami," aniya ng kausap ko sa kabilang linya."Good. Ako na bahala kay mayor. Ang misyon niyo, ligpitin ang mga kasamahan niya.""Got it, captain!"Isa sa dahilan kung bakit nagtatrabaho si Jarred kay Mayor, dahil gusto niya isalba ang lugar na ito. Marami ang mapapahamak na mga inosenteng tao na nakatira dito.Hawak ni mayor ang mga otoridad dito. Siguro nga hindi pa nakarating ito sa taas ang pinanggagawa ni Mayor. Iba talaga ang nagagawa ng pera.NAPATINGALA ako sa kalawakan. Huminga ng malalim at ipinikit saglit ang aking mga mata."Nice place," Turan ko at nagpatuloy na sa paglalakad.Itinuro sa akin ni Gemini ang lugar kung saan nakatago ang isang warehouse. Posible doon daw pumunta si Jarred. Magubat pero balewala naman sa akin. Mas malala pa nga ito sa ibang bansa na naging misyon ko.May binigay naman na skitch sa akin si Gemini kaya mabilis lang ako nakarating. Hindi naman kalakihan ang warehouse na ito. May mga armadong lalaki na nakabantay sa paligid. Ku
PISCES/ TAMARI GREEN"THE hell!" Inis na sinipa ko ang lata na nakaharang sa dinadaanan ko.Nasa misyon ako ngayon. Bumalik lang ako sa Pilipinas dahil may bago akong tinatrabaho. Isa akong secret agent sa ELITE EAGLE ORGANIZATION. Kahit saan-saang bansa lang ako naka-destino.Pinabalik ako sa Pilipinas dahil isa sa mga wanted na drug lord ang pinapahuli ng Presidente. Dead or alive, iyan ang utos sa taas.Kasalukuyan nasa squatter area kami sa Tondo, Manila. Dito kasalukuyang nagtatago si Joem Trellis, ang wanted na drug lord at criminal sa Pilipinas."Matinik talaga iyang si Trellis. Hanggang ngayon, hirap hulihin!" Aniya sa akin ng isang pulis.Napabuntonghininga naman ako."Really? Or sadyang makupad lang kayo," nakataas na kilay na sagot rito.Naningkit naman ang mga mata niya na napatingin sa akin."Ano? Parang sinasabi mo na wala kaming binatbat. Sino ka ba? Di ba, agent ka lang?"Mahina naman ako napatawa. "Lang? By the way, I'm Captain Tamari Green. I'm working as a secret a
SHEREENIGHT. HINDI naman masyado madilim. Kahit papaano, ang bituin sa kalangitan ang nagbibigay liwanag sa buong paligid.Napatingin naman ako sa aking mag-ama na sobrang himbing ng kanilang tulog. Mabilis akong nagpalit ng damit at dali-daling umalis. Babalikan ko ang bahay na iyon sa gitna ng kagubatan. Mabilis naman ako nakarating dahil nga alam ko na ang daan. Tahimik ang paligid, may mga security na nakabantay sa palibot. Pinag-aralan ko muna kung paano ako makapasok sa loob ng warehouse na iyon."Mayor Gallego?" Mahinang sambit ko. Nakita ko na galing ito sa loob. Paalis na ang mga ito at sumakay sa sasakyan.Siya ang may-ari ng warehouse na ito?"Seems, you're back again as a detective," baritonong boses na nagsasalita sa likuran ko."Jarred!""Ang tigas talaga ng ulo mo. Umuwi na tayo," aniya at hinawakan ng mahigpit ang aking braso."What are you doing here?!" Inis na tanong ko rito."Sinundan kita. Para kang aswang. Gabing-gabi na lumalabas ka pa!" Sinamaan ko naman it
SHEREEMASAYA na pinapanuod ko ang aking mag-ama habang nagtatampisaw sa tubig. Hindi naman kalakihan ang ilog dito pero napakalinaw at sobrang ng tubig. Dati na akong dinala dito ni Jarred."Mommy, come here!" Sigaw ni Jaime habang nakipagaharutan sa kanyang ama.Nginitian ko lang ito. Tumayo ako at hinubad ang suot kong pajama. Hinubad ko na rin ang aking t-shirt. Nahagip agad ng aking tingin si Jarred na nakatitig sa akin.Lumusong na ako sa tubig at sinakay ko sa aking likuran si Jaime."Yeyyy!" Tuwang sigaw ng anak ko habang nakayapos ito ng mahigpit."I like it there!" Turo sa akin ni Jaime."Okay," natatawang umahon na kami.Habang naglalaro sa tabi si Jaime, nagpatuloy naman ako sa pagligo."J-Jarred!"Nagulat pa ako dahil bigla lamang sumulpot sa aking harapan si Jarred."A-Anong ginagawa mo diyan! Basta ka na lang sumusulpot!" Bulyaw ko rito.Napalunok naman ako dahil halos magkadikit na ang aming katawan. Boxer short lang ang suot niya."You so hot," aniya na umikot ito SA
SHEREEHINDI ko alam kung sinasadya ba na pahirapan ako ni Jarred o sobrang galit lang ito sa akin."Bakit puro exotic food ang pinapakain mo kay Jaime Will?" Naiiritang tanong ko rito.Pinipigilan ko lang na Magalit o mainis sa kanya. Kagabi doon ako pinatulog sa baba na may papag na nakalagay naman. Tiniis ko ang mga lamok na panay ang kagat sa aking balat. Mabuti na lang, makapal ang kumot na ibinigay sa akin kaya hindi ako nakaramdam ng lamig."Mas maganda na masanay siya sa buhay probinsya. At puwede ba, hindi nga nagrereklamo ang bata, at Ikaw pa panay ang dada!""Paano naman magrereklamo iyon kung hindi rin niya alam kung ano ang mga pinapakain mo! For God sake, he's just only three, Jarred!" Gigil na sagot ko naman."So, ikaw maghanap ng pagkain natin," aniya at tumalikod na ito.Napabuga naman ako ng hangin."Abnormal talaga!" Pumasok ako sa loob ng kubo at kinuha ang rifle na nakasabit sa pinto."May papatayin ka ba?" Tanong sa akin ni Jarred.Pinipigilan ko lang na pagtaas