Share

Kabanata 7

Penulis: Diane Ruiz
last update Terakhir Diperbarui: 2024-11-27 08:05:01

WADE'S POV:

"Daddy, aalis ka talaga?" tanong ni Rosenda kay Kuya habang nag iimpake ito.

Papunta ito ngayon ng Roma upang daluhan ang isang prestihiyosong convention sa larangan ng architecture. Ang kuya kong si Joaquin ay isang Architect kung kaya't kinailangan niyang daluhan iyon upang makaisip pa ng mga bagong ideya na magpapaunlad sa kumpanya niya, ang Dela Vega Enterprise.

"Kailangan Anak eh, anong gusto mong pasalubong?" tanong ni Kuya kay Rosenda.

"Lalaki," saad nito na siyang kinagulat ko.

"Ha?" tanong ni Kuya.

"Joke lang po, kayo naman hindi mabiro. Uhm, kahit ano Daddy, ikaw na ang bahala basta ang gusto ko lang ay mag enjoy ka at makauwi ka ng safe, iyon lang," saad ni Rosenda.

Sira ulo talaga 'tong babaeng 'to akala ko ay totoo na.

"Oh, paano? Mauna na ako, Wade, ikaw na ang bahala dito ah, si Rosenda bantayan mo," saad ni Kuya sa akin.

"Ingat ka, Kuya," saad ko sabay yakap kay kuya.

Pag-alis ni kuya ay nilingon ko si Rosenda na ngayon ay kumakain na ng agahan.

Tinatanggal niya yung kulay brown sa gilid ng loaf bread, ayaw niya siguro iyon.

"Hoy, ready ka na ba mamaya? exam day ngayon, wag mo sabihing hindi ka na naman nag-aral," saad ko sa kanya sabay higop ng kapeng pinatimpla ko sa kasambahay namin na si ate Lourdes.

"Bakit? nag tu-tutor ka ba? isang beses mo pa lang iyon ginawa at hindi mo na inulit kahit sinabihan ka na ni Daddy!" saad niya na parang galit pa.

"Eh paano, magtu-tutor ako, yung suot mo akala mo magho-honeymoon tayo, tama ba iyon?! naka-lingerie ka pa!" saad ko at nahilot ang sintido ko.

"Ewan ko sayo Uncle, kunyari ka pa gusto mo naman," saad niya sabay irap.

"Matanong nga kita Rosenda, virgin ka pa ba? Mga galawan mo para kang ano eh," saad ko sa kanya.

"Secret. Bakit ko naman sasabihin sayo? it's a private matter, duh!" saad niya sa akin sabay tayo at sukbit ng kanyang backpack.

"Exam mamaya ah, pag bagsak ka na naman wag ka na pumasok!" sigaw ko sa kanya ngunit hindi niya na iyon pinansin at nagdire-diretso sa kotse niya.

The truth is I like Rosenda. A lot. She was the girl of my dreams pero pamangkin ko siya kung kaya't hanggang doon na lang siguro iyon at saka baka mamaya ay magalit pa sa akin si kuya Joaquin.

Sinubukan kong lumayo noon ngunit hindi pa rin maipagkakaila na isa akong Dela Vega. I was the bastard son of Don Juanito Dela Vega. Sampid at anak sa labas. Iyan ang tingin sa akin ng nakararami dahil ang nanay ko ay isa sa mga katulong na nanilbihan sa pamilya nila kung kaya't hindi ko pinakikialaman ang yaman nila at gumawa ako sa sarili ko ngunit nang mamatay ang papa at binasa ang will and testament nito ay nakalagay doon ang pangalan ko at nakasama sa mga binahagian ni Don Juanito ng mana kung kaya't swerte ko na lang sigurong maituturing iyon.

Ginamit ko ang pera at ininvest ko sa kumpanya ni Kuya. Ang kalahati naman ay ginamit ko upang makapagpatayo ng Hotel sa Makati. Ang Gentleman Hotel. Sideline ko na lamang ang pagtuturo sa Unibersidad at masasabi kong ito ang kasiyahan ko. Ang maibahagi ang nalalaman ko sa nakararami.

Nagsimula na akong magpa-exam noong araw na iyon. Nahagip ng mata ko si Rosenda na nagpapalobo pa ng bubble gum habang nagsasagot ng exam. Mahigpit ako sa kanya dahil gusto kong gumaling siya, siya kasi ang susunod na tagapagmana ng kumpanya ni Kuya. I want the best for her at gusto kong paghirapan niya ang lahat at hindi lang basta basta hahawakan ang kumpanya ng hindi niya alam ang gagawin niya.

Business Administration ang kinuha niyang course dahil iyon ang gusto ni Kuya para sa kanya pero noong tanungin ko si Rosenda ay gusto niya daw ang fashion designing. I saw some of her works and it's really good. Nagda-drawing siya ng gowns at mga damit na siya mismo ang nagde-design sayang nga lang at mukhang hindi niya mapapakinabangan iyon dahil kailangan niyang hawakan ang kumpanya ni Kuya.

Maya maya ay nag ring na ang bell.

"Yung tapos na pwede na lumabas, lapag niyo na lang test papers nyo dito sa desk ko," saad ko sa kanila at nagmadali ang ibang estudyante sa pagpasa ng test paper nila sa sa desk ko.

Nangalahati ang classroom, hanggang sa lima na lang ang natira, pinagmamasdan ko si Rosenda, mukhang sumasakit na ang ulo niya sa kakasagot ng test papers niya dahil hinihilot niya na ang ulo niya.

Ilang sandali pa ay kami na lang ang naiwan doon kung kaya't kinausap ko na siya.

"Ano na Rosenda? Balak mo ata magpalipas ng gabi rito," inis na saad ko sa kanya dahil nakayuko na siya.

Hindi niya ako pinapansin kung kaya't inayos ko na ang mga gamit ko.

Maya-maya ay tumayo na siya ngunit para siyang nahihilo at pinagpapawisan.

"Hey, are you alright?" tanong ko sa kanya ngunit hindi niya ako sinasagot bagkus ay inilagay niya lang ang test paper niya at akmang lalabas na ng classroom ng bigla siyang himatayin.

"Rose!" sigaw ko. Kaagad ko siyang dinala sa Clinic at pagkatapos ay inilagay ko na ang test papers sa faculty room.

Pagbalik ko ay tulog pa rin siya, sabi naman ng school doctor ay mataas daw ang lagnat nito kanina ngunit ngayon ay medyo humupa na raw kung kaya't pwede na siyang umuwi.

Dahan-dahan ko siyang isinakay sa kotse ko at maingat na nag drive.

Pagdating namin sa Hacienda ay walang tao, naalala niya naman na day-off din pala ngayon ng mga kasambahay nila at walang nag stay-in sa Hacienda.

"Damn it," saad ko sa sarili at binuksan ang gate at saka pumasok ulit sa kotse ko, ako na rin ang nagsara ng gate at pagpasok namin ay binuksan ko muna ang pinto ng bahay bago ko buhatin si Rosenda.

Dinala ko siya sa kwarto niya at inihiga ng maayos, tinanggal ko rin ang sapatos niya upang kumportable siya.

"Tangina, bakit kasi nagda-day off ang mga kasambahay dito at wala man lang naiiwan mag-isa, saturday lang ngayon bukas pa dapat ang day off, nakakainis naman,"

Pumunta ako sa kusina upang magluto ng soup buti na lang at marunong akong magluto.

Nang makapagluto ako ay umakyat na ako sa kwarto ni Rosenda na may dala-dalang tray ng pagkain ngunit narinig ko siyang nagsusuka sa banyo. Inilapag ko ang tray ng pagkain sa bedside table at pinuntahan ko siya kaagad.

"Ano? Kaya pa?" tanong ko sa kanya.

"Nahihilo ako," hinang hina na saad niya at sumuka pa ulit kung kaya't hinagod-hagod ko ang likod niya.

Inalalayan ko siya sa sink upang linisin ang sarili niya. Binuksan ko ang faucet upang lumabas ang tubig, kaagad naman siyang naghilamos.

Iniupo ko siya sa kama ngunit napansin kong basang basa na ang suot niyang blouse at jeans.

"Can you change your own clothes," tanong ko sa kanya ngunit umiling-iling siya sa akin.

Pumunta ako sa cabinet niya at kumuha ng pajama at t-shirt.

"Oh ayan, magpalit ka na," saad ko sa kanya ng nilagay ko ang damit sa kama.

Kaagad niyang itinaas ang blouse niya kung kaya't tumalikod ako.

"Tulungan mo ko, hindi ko mahubad," saad niya sa akin ngunit pakiramdam ko ay nag-iinit ang katawan ko.

Lakas loob ko siyang hinarap at nakita kong hindi niya nga mahubad ang blouse niya kung kaya't tinulungan ko siya.

"Damn it, damn it," saad ko.

"Ba't ka nagmumura?" tanong niya.

Hindi ko na siya sinagot at tinulungan na lang siya.

"Yung jeans ko," saad niya.

Hinang-hina pa rin siya kung kaya't tinulungan ko siyang hubarin iyon. Ayos lang sa kanyang nakikita ko ang malulusog niyang dibdib at ang kanyang makikinis na hita samantalang ako ay hirap na hirap at nag-iinit. Pakiramdam ko ay umakyat na ang lahat ng dugo ko sa mukha ko habang pinipigilan ang pagnanasang nararamdaman.

Tinulungan ko siyang isuot ang pajama niya ngunit nang maisuot ko na iyon sa kanya ay bigla niyang hinaplos ang pisngi ko at tumingin ng malamlam sa aking mga mata ngunit tinanggal ko ang mainit na kamay na iyon at tinulungan ko siyang isuot ang t-shirt niya.

Nang makapagbihis siya ay humiga na siya ulit.

"Kain ka Rosenda, may pagkain na, nagluto ako," mahinahon kong saad.

"Wala akong gana," hinang hina na saad niya at natulog kung kaya't t tinakpan ko na lang ang inihanda kong pagkain at saka isinara ang pinto upang makapag pahinga na siya.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Komen (1)
goodnovel comment avatar
Mayeth Regidor
beautiful story
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

  • UNCLE WADE (SPG)   Kabanata 8

    ROSENDA'S POV: Nagising ako sa kulog at kidlat na narinig ko, sobrang lakas ng ulan sa labas. Naiyak ako dahil ang dilim at parang walang ilaw, mukhang brown-out yata. Kinapa-kapa ko ang cellphone ko ngunit hindi ko iyon makita. Black-out talaga. Bad timing naman, kung kailan wala si Daddy saka pa

    Terakhir Diperbarui : 2024-11-28
  • UNCLE WADE (SPG)   Kabanata 9

    "Oh my gosh! Rose, your ring is so beautiful, where did you get it?" tanong ni Tanya na isa sa mga kaklase ko sa subject ni Uncle Wade. "Bigay ng manliligaw ko," mayabang kong saad sa kanya. "Wow ang swerte mo naman dyan sa manliligaw mo," saad ni Tanya. "I know, right! akala ko nga magpo-prop

    Terakhir Diperbarui : 2024-11-29
  • UNCLE WADE (SPG)   Kabanata 10

    "Do not let go of my hand, alright?" saad niya sa akin at tumango na lang ako. "Saan ba kasi tayo pupunta?" tanong ko sa kanya habang dumadaan kami sa isang masikip na eskinita. "Basta, sumunod ka lang sa akin," saad niya. Mahigpit ang hawak ko sa kanyang kamay habang nakayuko dahil pinagtitin

    Terakhir Diperbarui : 2024-11-29
  • UNCLE WADE (SPG)   Kabanata 11

    WADE'S POV: Isang umaga ay nadatnan ko si Rosenda na hinahalo ang hot chocolate niya na nilagyan niya ng napakaraming whip cream. Kumunot noo lang ako at hindi na siya pinansin ngunit napansin kong masama pa rin ang loob niya sa nangyari noong nakaraang gabi. Pinilit ko kasing kunin sa kanya ang s

    Terakhir Diperbarui : 2024-11-29
  • UNCLE WADE (SPG)   Kabanata 12

    Naiyak siya sa sinabi kong iyon ngunit galit ako sa mga oras na 'to, "Wag mo kong artehan ah!" "Yes! I like you but it doesn't mean that I will interfere, masama na pala magkataon na mangyari ang lahat, hindi ko naman alam na siya pala yung long time girlfriend mo," saad niya habang patuloy na lum

    Terakhir Diperbarui : 2024-11-29
  • UNCLE WADE (SPG)   Kabanata 13

    ROSENDA'S POV: "Hoy, sorry na kagabi," saad ni Uncle Wade. Nasa sala kami ngayon at nagpapalitan ng masasamang sulyap sa isa't isa. "Ayoko ng sorry, gusto ko i-date mo ako katulad ng ginagawa mo sa mga babae mo," saad ko sa kanya. "Iyan ang hindi pwedeng mangyari Rosenda," saad niya. "Uncle

    Terakhir Diperbarui : 2024-11-29
  • UNCLE WADE (SPG)   Kabanata 14

    WADE'S POV: Every girl I have is special– just like this woman in my bed right now. Samantha. She is also a model just like Halle. She was fierce and she can handle me the way a man can be held by a woman. "Stay very still Baby, cause we're going to get wild tonight," bulong sa akin ni Samanth

    Terakhir Diperbarui : 2024-11-29
  • UNCLE WADE (SPG)   Kabanata 15

    WADE'S POV FUSION PARADISE BAR It was an ordinary night out with my so-called circle of friends when that tragic accident happened. Isang lalaking may takip sa ulo ang bigla na lang pumasok ng bar at inilapag sa table namin ng mga kaibigan ko ang isang binalot na supot. From what I examined, it

    Terakhir Diperbarui : 2024-11-29

Bab terbaru

  • UNCLE WADE (SPG)   Kabanata 326

    ROSALINE'S POV: Umiiyak ako sa kwarto ko nang biglang kumatok si mommy kung kaya't mabilis kong pinahid ang mga luha ko at binuksan ang pinto. “Ma, bakit po?” tanong ko ngunit pagtingin ko ay hawak niya yung medical results ko na nagpapatunay na buntis ako. Siguro ay nahalungkat niya iyon sa m

  • UNCLE WADE (SPG)   Kabanata 325

    JOAQUIN'S POV: Nilasing ko ang sarili ko ng gabing iyon at tila hindi ko malaman ang gagawin. She's out of my league now. Maya-maya ay lumapit naman sa akin si Cindy. Hindi ko alam na nandito pa pala sila. “Hey, what's wrong? kanina pa kita hinahanap eh, may nangyari ba?” tanong niya sabay hap

  • UNCLE WADE (SPG)   Kabanata 324

    ROSALINE'S POV: Habang nasa byahe ay nang-usisa naman si uncle Samuel. “What the hell happened there? nag-away ba kayo ni Junior?” tanong niya. “Uhm, hindi po, Uncle,” “Eh bakit parang umiiyak ka?” “Hindi po, sinisipon lang po ako at nagpaalam naman ho ako ng maayos na magle-leave ako sa t

  • UNCLE WADE (SPG)   Kabanata 323

    Hindi ko na alam kung ilang kalmot, sampal at sabunot na ang nabigay ko sa kanya para lang pakawalan niya ako ngunit hindi niya ginagawa bagkus ay tinatanggap niya ang lahat ng pananakit ko sa kanya habang nagpupumiglas ako. “Bitiwan mo ako! ano ba?! uuwi na ako samin, Joaquin!” Inihiga niya ako

  • UNCLE WADE (SPG)   Kabanata 322

    ROSALINE'S POV: Akmang babalik na ako sa kwarto ko upang mag impake nang bigla akong tawagin ni uncle Joaquin. “Rosaline…” Natigilan ako at napalingon sa kanya kahit na puno na ng luha ang mukha ko. Siguro ay nahuli niya akong nagtatago sa pasilyo. “You heard everything?” tanong niya ngunit

  • UNCLE WADE (SPG)   Kabanata 321

    ROSALINE'S POV: KINAUMAGAHAN ay wala na naman sa tabi ko si Joaquin ngunit maganda ang gising ko kung kaya't nag shower ako at nagbihis. Sinuklay ko ang maganda at mahabang buhok ko na kulot. Natural talaga na kulot ang buhok ko dahil namana ko ito kay mommy. Naglagay lang ako ng mild make up,

  • UNCLE WADE (SPG)   Kabanata 320

    ROSALINE'S POV: Nang gumabi ay napatingin nalang ako sa bintana ng aking kwarto. Ang pinunta ko dito sa Casa Joaquin ay trabaho ngunit iba ang gustong mangyari ni Uncle Joaquin. Gusto niya na atang magsama nalang kami dito ngunit hindi naman pwede iyon dahil habang tumatagal ay palaki ng palaki

  • UNCLE WADE (SPG)   Kabanata 319

    ROSALINE'S POV: “How's my Darling?” saad ni uncle Joaquin sa akin na sinalubong ako ng halik sa labi. “I'm fine.” tipid na sagot ko. “Bakit ka nakasimangot?” “Eh kasi iniwan mo ako dito eh.” “Babygirl, syempre kailangan natin magtrabaho. Kamusta ka ba dito? kumain ka ba ng maayos? ibinilin

  • UNCLE WADE (SPG)   Kabanata 318

    ROSALINE'S POV: Sinubukan kong bumaba ng kwarto at pagtingin ko sa dining area ay naroon si lolo Joaquin at lola Samantha. They were so sweet. Nanatiling mainit ang pagsasama nila hanggang ngayon. “I want some pie Babygirl, please?” saad ni lolo Joaquin kay lola Samantha. Hays, kaya naman pala

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status