Home / All / U-Romance: My Boy, Pretty Boy (Book 1) / CHAPTER TWO – Pencil Case

Share

CHAPTER TWO – Pencil Case

Author: Nil Jorge
last update Last Updated: 2021-04-16 12:15:58

Flashback: 2 months ago

ICE’S POV

“Please settle down, we will start the written examination in a few minutes”

Ang paalala ng babaeng exam facilitator. Hindi nako mapakali. Pawisan na ang mga kamay ko dahil sa kaba. Magsisimula na ang written examination.

“Clean your desks. Pencil, eraser at calculator lang dapat ang nadiyan.”

Tiningnan ko ang gamit na nasa desk ko. Meron akong eraser, calculator at pencil…. case na maraming pencils. Kumuha lang ako ng isa at ibabalik ko na sana sa bag ko ang case ng biglang nahulog ito sa sahig. Nahiya ako dahil lahat ng tao sa loob ng room ay napatingin sa akin. Dahan-dahan akong yumuko para kunin ang mga nagkalat na lapis.

Nagulat ako ng yumuko din ang lalake na nakaupo sa likuran ko at tinulungan ako sa pagpupulot. Habang nagpupulot, naaamoy ko siya. Naaamoy ko ang pabango niya. Ang bango. Yung pabango na kahit 24/7 mong amuyin ay okay lang kasi hindi masakit ilong.

“Magkano?” tanong niya sakin

“Huh?” Nasagot ko na parang naguguluhan sa tanong nya.

“Magkano ang lapis? Ang dami kasi. Para kang nagbebenta” Sabi niya habang ngumingiti

Natulala ako ng makita ang mga ngiti nya. Ang ganda ng mga ngipin niya. At ang dimple niya. Ang lalim.

Bumalik lang ako sa aking katinuan ng magsalita ang aming facilator “Bilisan nyo dyan at magsisimula na tayo”.

Agad kaming bumalik sa kanya-kanya naming upuan at nilagay ko nadin sa bag ko ang pencil case.

Nagdidistribute na ng test papers ng maramdaman kong kinakalabit ako sa balikat nung lalake na nasa likuran ko. Nilingon ko sya at tinanong kung bakit.

“Pahiram naman ng lapis. Naputol yung lead ng sakin. Please”.

Agad akong kumuha ng extra mula sa case ko at pinahiram sa kanya. Ilang sandali pa ay nagstart na ang examination.

Pagkatapos ng halos dalawang oras, natapos ko na ang 3 subjects ng exam. English, Math at Science. May mga part na mahirap, meron ding madali. Tumayo ako at pinasa ang papel ko sa aming facilitator.

“Please proceed sa Information office sa kabilang building at tanungin kung kelan ang schedule mo para sa physical examination” Habilin sakin ng facilitator.

“Yes maám. Thank you” sagot ko sabay labas ng room.

Naglalakad na ako papunta ng kabilang building ng makarining ng malakas na tawag.

“Hey! Hey! Pencil Case!”

Pagkalingon ko, nakita ko ang lalake na nakupo kanina sa aking likuran. Patakbo syang papalapit sa akin.

“lapis mo” pahingal niyang sabi sabay abot ng lapis sa akin.

Kinuha ko iyon sa kanya at nilagay sa aking pencil case.

“Salamat. Pupunta kaba sa Information office?” tanong niya

“Oo. Kukuha ako ng schedule para sa physical examination”

“Tara sabay na tayo”.

Sabay kaming naglakas papuntang Information Office. “Ang tangkad nya. Yung built ng katawan nya parang sa mga athlete. Siguro atlete ito.” Sabi ko sa sarili ko habang nakatingin sa kanya.

“Ako nga pala si Rich. Short for Richard Bailon” Pakilala nya

“Ice Angelo Jimenez. Ice nalang”

“Nice to meet you Ice”’

“Athlete kaba?” tanong ko sa kanya

“Hmmm. Noong high School. Oo. Team captain ako ng basketball club namin. Ikaw ba? Anong sport mo?” Tanon din niya sakin

“Ako? wala. Hindi ako mahilig sa sports eh”

“Talaga? Eh anong hobbies mo?”

“Magbasa, manood ng movies. Ano paba… Yun lang pala. Boring ano?”

“Hindi naman. Kanya-kanya namang trip yan eh. Basta ba nag-eenjoy ka sa ginagawa mo eh. May girlfriend ka?”

Bigla akong nagulat sa tanong niya “Huh? Wala eh” sagot ko na parang nahihiya.

“wala or wala na?”

“Wala. NGSB”

“Eh boyfriend?” isa pa niyang tanong habang ngumingiti

“Huh?” Gulat na sagot ko. Di ko alam kung anong mararamdaman sa tanong niyang iyon.

“Joke lang. Binibiro lang kita. Para kasing ang seryoso mo eh. Tara na bilisan na natin paglalakad.”

Napaisip din ako sa tanong niyang iyon. Wala akong girlfriend at di padin ako nagkakagirlfriend. Never pa ako nainlove sa babae. Pero ganun din naman sa lalake. Never pa din akong nakaramdam ng kakaiba sa kapwa lalake. Never pa maliban… maliban kanina. Kanina nung pinupulot naming dalawa ni Richard ang mga lapis ko na nahulog. First time ako makaramdam ng ganun. Bakit ambilis ng tibok ng dibdib ko ng time na iyon?

Una akong tinawag para sa schedule ng Physical examination ko. Pagkatapos makuha ay lumabas ako agad ng office at maya-maya ay sumunod nading lumabas si Richard. Tinanong niya ako kung kelan ang schedule ko.

“Tuesday ako next week. Ikaw?” sagot ko

“Huh? Ako? Tuesday din”

“Nice. Sabay padin pala tayo”

“Ice. Wait lang pala. May nakalimutan ako sa loob. Hintayin mo ako dito” paalam ni Richard sabay takbo pabalik sa loob ng office.

Makalipas ang halos 10-minuto, lumabas na siya.

“Anong nakalimutan mo?” tanong ko sa kanya

“Huh? Wala pala. Kala ko naiwan ko ang ballpen ko sa loob. Nasa bag ko lang pala. Meryenda tayo?”

“Sige. Medyo nagutom din ako sa exam”

-----

“Alam mo, masarap ang sipao nila dito” sabi ni Richard habang papasok kami sa isang snack bar.

“Talaga?” Excited kong tanong “Wow! Favorite ko pa naman ang sipao”

“Alam ko” narinig ko na sabi ni Richard sa mahinang boses

“Alam mo?” pagtataka kong tanong

“Huh? Hindi. Ang ibig kong sabihin, ngayon alam ko na na siopao paborito mo. Asado o bola-bola?”

“Asado” Nakangiti kong sagot.

Bumili kami ng tig-isang sipao at softdrinks tapos umupo sa bakanteng upuan sa loob ng store.

“Masarap nga. Tapos ang daming laman. Hindi tinipid” sabi ko habang kinakain ang siopao.

“Diba? Sabi sayo eh”

“Rich, taga dito ka talaga sa Manila?”

“Oo. Dito na ako lumaki. Ikaw?”

“Taga Cebu kami. Nagpunta lang ako dito sa Manila para mag-try sa MUP. Nakikitira ako ngayon sa pinsan ko” sagot ko.

“Anong course ang balak mo kunin?” Tanong ni Richard

“Marine Engineering. Ikaw?

“Marine Transportation. May seaman bas a family mo?” balik nya na tanong sa akin

“Yung papa ko. Chief Engineer”

“Ahhh ako naman yung dalawa kong tito. Yung isa Captain at yung isa naman 2nd Mate”

“Sana makapasa tayo” ang sabi ko

Ngumiti si Richard “Makakapasa tayo. Tiwala lang. Ice, pwede makahingi ng mobile number mo? Para update-update nalang tayo”

“Sige ba”

Nagpalitan kami ng mobile number ni Richard at pagkatapos kumain, umuwi na kami sa kanya-kanya naming tahanan.

Related chapters

  • U-Romance: My Boy, Pretty Boy (Book 1)   CHAPTER THREE – The Result

    Flashback: continuation of chapter 2ICE’S POVAfter ng araw na yun (written exam), palagi na kami nagtetext at nagtatawagan ni Richard. Ang saya ko pag nakakausap ko sya kahit na sa cellphone lang.Pakiramdam ko nahuhulog na ako sa kanya pero pilit ko parin itong pinipigilan. Natatakot ako na baka ito ang maging dahilan para masira ang aming pagkakaibigan.-----“Saan kana? Andito nako sa MUP. Sa may quadrangle” sabi ko habang kausaip si Richard sa cellphone. Ngayon ang araw ng aming physical examination. Kung kinabahan ako sa written examination, doble ang kaba ko ngayon. Balita ko, series of physical exercises ang gagawin namin. Hindi ako sporty na tao. Hindi din ako mahilig mag-exercise kaya natatakot ako na baka di ko magawa ang mga ipapagawa sa amin.Biglang may mga kamay na tumakip sa mga mata ko galing sa likuran. Hindi na ako nag-isip kong sino. Naamoy ko kaagad ang

    Last Updated : 2021-04-16
  • U-Romance: My Boy, Pretty Boy (Book 1)   CHAPTER 4 – The Rules

    Continuation of Chapter 1ICE’S POVLumabas ako ng room para tingnan kung sino ang kumatok ng biglang may mga kamay na tumakip sa aking mga mata mula sa likuran. Agad ko iyon tinanggal at tiningnan kung sino. Nagulat ako sa aking nakita. Bumilis ang tibok ng aking dibdib.“Surprise!” nakangiting sabi ni Richard.“Paano? Bakit ka nandito?” Pagtataka kong tanong“I lied. Diba sinabi ko na hindi ako nakapasa? Hindi totoo yun. Gusto lang kitang i-surprise. Surprise?” pangiti niyang sabi“Loko! Napaniwala mo ako doon ah”“Nalungkot ka ano? Dahil hindi mo ako makakasama?”“Hindi rin” pasinungaling ko na sagot “Paano mo pala nalaman yung room assignment ko?”“Nakita ko kanina habang

    Last Updated : 2021-04-16
  • U-Romance: My Boy, Pretty Boy (Book 1)   CHAPTER FIVE – No Eating

    ICE’S POVIlang weeks narin ang nakakaraan simula ng pumasok kami dito sa MUP. Sa una mahirap, mentally saka physically. Aaminin ko may mga gabi na umiiyak ako. Pero slowly, nakapag-adjust naman na ako. Malaking tulong nadin ang mga kaibigang nakilala ko dito. Bihira nalang din kaming magkausap ni Richard. Di kasi tugma ang bakanteng oras namin. Minsan, pag wala siyang klase, ako meron - vice versa.Nakasanayan nadin ng ibang cadets na tawagin akong “pretty boy”. Noong una, nahihiya ako kapag ganoon ang tawag nila sa akin pero ngayon, nasanay nadin ako.Ang hindi ko lang makasanayan ngayon ay si sir Kirby. Ewan ko ba, lagi akong napapansin. Laging may komento tungkol sa akin. Hanggang maaari, ayaw ko na makita niya ako. Lagi akong umiiwas sa kanya. Nakakatakot siya.“Ice, pupunta ako ng study hall. Gusto mong sumabay?” tanong sakin ni Miguel habang inaayos ang kanyang bag.

    Last Updated : 2021-04-16
  • U-Romance: My Boy, Pretty Boy (Book 1)   CHAPTER SIX – Serious Talk

    ICE’S POVMapula at may nakasalpak na cotton ang ilong ni Richard ng lumabas ng clinic. Agad ko siyang sinalubong.“Ano ba ang nangyari at di mo nailagan yung bola?” Tanong ko sa kanya“Wala. Distracted lang ako kanina” sagot niya“Distracted saan?”“Basta!” sabi niya habang kinakapa ang ilong“Masakit?”“Sa palagay mo?” sagot niya habang nakatingin sa akin.“Sa palagay ko? Oo, masakit” pangiti kong sagot.“Kasalanan mo ito eh”Nagulat ako sa sinabi nya. “Huh? Paanong naging kasalanan ko?”“Wala” maikli niyang sagot sabay lakad.“Teka! Hintayin mo ako.”Sina

    Last Updated : 2021-04-16
  • U-Romance: My Boy, Pretty Boy (Book 1)   CHAPTER SEVEN – He Smiles

    ICE’S POVAraw ng sabado, niyaya ako ni Richard na pumunta ng mall. Bago lumabas ng MUP, pumunta muna kami sa officer on duty para mag log.“1300H na ngayon, dapat makabalik kayo ng 1800H” paalala ng naka-duty.Tumingala ako sa langit, makulimlim at parang uulan. “Rich, uulan ata”“Oo nga. Wala akong payong. Meron kaba?” tanong ni Richard sa akin.“Meron kaso tinatamad ako magbitbit”“Lagay mo nalang dito sa bag ko” sabi ni Richard sabay pakita ng backpack.“Sige. Kukunin ko lang sa room.”Kinuha ko ang payong sa room ko at nilagay iyon sa backpack ni Richad pagkatapos ay umalis na kami para pumunta ng mall.----“Richard? Ikaw bayan?” Tanong ng isang babae habang naglalakad kami ni Richard s

    Last Updated : 2021-04-16
  • U-Romance: My Boy, Pretty Boy (Book 1)    CHAPTER EIGHT – First Sight

    2 days before the MUP Written Examination (Nangyari ito bago pa nagkakilala sina Richard at Ice)RICHARD’S POVMalapit na ang written exam ko sa MUP. Kinakabahan ako pero alam ko naman na kakayanin ko ito. Alam ko, makakapasok ako. Nasa National Bookstore ako ngayon bibili ako ng mga gagamitin. Lapis, eraser at saka calculator. Ano kayang magandang lapis na gamitin? Isa, dalawa, tatlo… Tama na siguro ito. Tatlong lapis para kung sakaling maputol, may pang reserba.“Excuse me” narinig ko na sabi mula saking likuran. “Kukuha lang sana ako ng lapis”Nakaharang pala ako. Tumabi ako para makakuha ng lapis ang nasa likuran ko. Tiningnan ko siya – isang lalake kaedaran ko at…. Ang cute niya. Di ko maexplain pero bakit ang bilis ng tibok ng dibdib ko habang nakatingin sa kanya? Normal lang siguro kung maramdaman ko ito sa isang babae pero sa lalake? Di ko

    Last Updated : 2021-04-16
  • U-Romance: My Boy, Pretty Boy (Book 1)   CHAPTER NINE – Planned Encounter

    MUP Written Examination day (Same day na nangyari ang Chapter Two)RICHARD’S POVNakaupo ako sa waiting area habang hinihintay na tawagin para sa written examination. Para sigurado, chineck ko uli ang mga gamit na kakailanganin ko. Calculator, eraser at tatlong lapis. Okay nato. Nagmasid-masid ako sa paligid ng may napansing lalake na nakatayo malapit sa pintuan ng examination venue. Pamilyar ang lalake. Siya yung nakita ko sa mall noong nakaraang araw. Yung nakasabay kong bumili ng lapis at sinundan ko hanggang foodcourt. Napangiti ako. Pagkakataon nga naman ano. Dito ko lang pala siya makikita muli.Tinatawag na kaming mga examinees at isa-isa ng pinapasok. Nang nasa loob na ako, hinanap ko kung saan siya nakaupo. Binggo! Nakita ko sya at swerte dahil bakante ang upuan na nasa likuran niya kaya doon ako pumwesto.“Please settle down, we will start the written examination in a f

    Last Updated : 2021-04-16
  • U-Romance: My Boy, Pretty Boy (Book 1)   CHAPTER TEN – Harold

    Physical Examination Day (Same day kung kalian nangyari ang chapter 3)RICHARD’S POVKatatapos lang namin sa Physical examination. Hindi na ako masyado nahirapan. Nasanay nadin siguro ako dahil noong kasali pa ako sa basketball team ng high school, lagi naming ginagawa iyong mga exercises na pinagawa sa amin kanina. Pinagmasdan ko si Ice, mukhang siya ang nahirapan at pagod na pagod. Umalis muna ako saglit at naghanap ng tindahan para bumili ng tubig – sa akin at para kay Ice.Bumalik nadin agad ako sa quadrangle pagkatapos bumili. Hinanap ko siya at nakita kong nakaupo sa may damuhan. “Sino yung kasama niya?” tanong ko sa aking sarili ng makita ko siyang tumatawa kasama ang isang lalake. Hindi ko maintindihan, pero nakadama ako ng kunting sakit. Bakit? Nagseselos ba ako?Lumapit ako sa kanila. Inilapat ko ang dala kong malamig na bote ng tubig sa leeg ni Ice na siya niyang kinagu

    Last Updated : 2021-04-16

Latest chapter

  • U-Romance: My Boy, Pretty Boy (Book 1)   CHAPTER FORTY-SIX – New cadet (Book 1 finale)

    ICE’S POVIlang araw nadin ang nakakaraan mula ng bumalik kami galing Subic at ilang araw nadin ang relasyon namin ni Richard. Sinisekreto parin namin ito at tanging si sir Kirby lang ang may alam.Nasa study hall ako ngayon. Nag-aaral na katabi si Richard. Ang saya! Ganito pala ang pakiramdam na alam mong mahal ka ng taong mahal mo.Habang nakaupo, palihim at dahan-dahang hinawakan ni Richard ang aking kamay.“Baka may makakita.” Sabi ko sa kanya“Walang makakakita. Tingnan mo. Busy ang lahat sa pag-aaral” sagot ni Richard.Nasa ganoon kaming posisyon ng biglang lumapit sa amin ang ka-roommate ko na si Ramon. Dali-dali kong kinuha ang kamay ko na hawak-hawak ni Richard.“Oh! Anong nangyari at parang gulat na gulat kayo.” Tanong ni Ramon“Wala. Nagulat lang kami sa bigla mong pagsulpot.” Sab

  • U-Romance: My Boy, Pretty Boy (Book 1)   CHAPTER FORTY-FIVE – An old friend

    KIRBY’S POVMaaga kaming nagising kinabukasan para bumiyahe pabalik ng Manila. Habang papunta ako sa bus na sasakyan namin, narining ko ang isang instructor na kinakausap si Richard.“Cadet Bailon, bakit ba nagpupumilit ka na dito sumakay sa bus na para sa mga engine cadets? Doon ka dapat sa bus na para sa mga ka-department mo. Pinagbigyan lang kita noong papunta tayo dito dahil naiwanan ka pero ngayon hindi na pwede.” Sabi ng instructor.“Sir, please pagbigyan nyo na po ako ulit.” Pakiusap ni RichardLumapit na ako sa kanila at nagsalita.“Sir, pwede po bang palit nalang po kami ni cadet Bailon? Ako nalang po ang sasakay sa bus na para sa deck cadets tapos dito nalang po siya sa bus na para sa mga engine cadets. Sige na sir. Bigay niyo na po sa akin ito.” Pakiusap koNag-isip sandali ang instructor bago nagsalita “Sige na. Bahala na ka

  • U-Romance: My Boy, Pretty Boy (Book 1)   CHAPTER FORTY-FOUR – Never hurt him

    RICHARD’S POVParang lumulundag ang puso ko sa sobrang saya. Sa wakas si Ice at ako – KAMI NA.Pagkatapos naming mag-usap ni Ice sa dalampasigan, bumalik na kami sa aming mga kasamahan – yung iba ay tapos ng kumain at yung iba naman ay hindi pa.“Anong nangyari at bigla kayong umalis at saan kayo nagpunta?” tanong ng isa naming batchmate“Ahhh… May naalala lang ako na importanteng dapat ko palang sabihin kay Ice kaya ayon, sinabi ko sa kanya. Sobrang importante kasi at hindi na pwedeng patagalin.” Sagot ko“Kumain na kayo. Kukunti lang ata yung nakain nyo kanina” sabi uli ng isa naming batchmate“Sige lang. Busog ako. Sobrang nabusog na ako.” sabi ko sabay pasimpleng ngumiti kay Ice.Hindi na ako kumain samantalang si Ice ay nagutom ata kaya ayun kumain ulit.Pagkatapos ng

  • U-Romance: My Boy, Pretty Boy (Book 1)   CHAPTER FORTY-THREE – You will always be my boy

    KIRBY’S POV“Rich… Diet lang? Bakit parang hindi ka kumakain.” Narining ko na sabi ni Ice kay Richard habang kumakain kami ng dinner.“Hayaan mo na. Baka busog pa. Ikaw kumain ka marami pa oh” sabi ko kay Ice sabay lagay ng pagkain sa kanyang harapan.Masaya kaming kumakain ng biglang sa malakas na boses ay nagsalita si Richard “Ako yun!”Lahat kami ay tumingin sa kanya dahil sa pagkagulat.“Anong nangyayari saiyo Rich?” ang tanong ni Ice sa kanya.Nagsorry si Richard. Siguro napagtanto niya na nabigla kaming lahat dahil sa kanya pero mas nabigla ako ng hawakan niya ang kamay ni Ice tapos hinila ito paalis. Bago paman makalayo, tinawag ko iyo.“Wait! Anong ginagawa mo Bailon?” tanong ko kay RichardTumingin si Richard sa akin sabay sabi “Sir,

  • U-Romance: My Boy, Pretty Boy (Book 1)   CHAPTER FORTY-TWO – First Kiss

    RICHARD’S POVBoodle fight – yan ang theme ng dinner namin ngayon. Habang masayang kumakain ang mga kasamahan ko, ito ako at walang gana. Iniisip ko padin yung sinabi ni Ice kanina. Sino kaya yung taong mas gusto niya kaysa kay sir Kirby? Inilibot ko ang aking paningin sa mga kasamahan kong freshmen na kumakain. “Isa kaya sa mga narito?”Ang sabi niya, nakilala daw niya dahil sa lapis. Bigla kong naalala na una kong nakita si Ice sa National Book Store na bumibili ng lapis pero at that time, hindi naman niya ako nakilala at mukhang hindi nga niya ako namukhaan so malabong ako iyon.Isip ako ng isip kung sino kaya yung lalake na gusto ni Ice hanggang sa pumasok sa aking isipan noong araw ng written exam. Nahulog yung mga lapis ni Ice tapos nanghiram ako ng lapis sa kanya dahil doon, nagkakilala kami. TAMA! Ang ibig sabihin… Yung tinutukoy ni Ice na taong mas gusto niya kaysa kay sir Kirby&h

  • U-Romance: My Boy, Pretty Boy (Book 1)   CHAPTER FORTY-ONE - Clue

    ICE’S POVNapagod ako sa kakalangoy kaya naupo muna ako sa buhanginan at nagpahinga habang pinagmamasdan ang mga ka-batchmates ko na masayang naliligo.“Ayaw mo na?” tanong ni Richard na sumunod pala sa akin.“Pahinga lang sandali” sagot koTahimik lang ako habang nakatingin sa mga kasamahan namin ng magsalita si Richard.“Ice… May gusto sana akong itanong saiyo.” Sabi ni Richard.“Ano iyon?” “Napapansin ko kasi na mas naging malapit si sir Kirby sa iyo. Tapos ikaw din mas naging malapit sa kanya. Ano bang meron? Anong meron sa inyong dalawa?” tanong ni RichardNapatingin ako kay Richard. “Anong ibig mong sabihin?”“Ice… may relasyon ba kayo?” “magkaibigan&hellip

  • U-Romance: My Boy, Pretty Boy (Book 1)   CHAPTER FORTY - Adobo

    ICE’S POVMag-isa lang ako ngayon sa loob ng kwarto at nakahiga sa kama. Nasa labas si Richard at naliligo sa dagat kasama ang kanyang mga kaklase. Niyaya niya ako kanina pero wala akong gana. Si sir Kirby naman ay naghahanda para sa aming hapunan kasama ang ibang mga cadets na nagvolunteer – yung mga marurunong magluto.Naisipan kong lumabas. Siguro tutulong nalang din ako sa pagpe-prepare ng dinner. Kahit hindi ako marunong magluto, kaya ko naman maghiwa ng mga lulutuin.May area sa resort kung saan pwede magluto ang mga guests. Pumunta ako doon – busy ang mga tao. Nakita ko si sir Kirby sa isang lamesa na naghihiwa ng mga prutas – mangga at watermelon.“Ice, anong ginagawa mo rito?” tanong ni sir Kirby ng makita ako“Baka lang may maitulong ako dito sir kaya pumunta ako.”“Ayaw mo bang mag-swimming?”

  • U-Romance: My Boy, Pretty Boy (Book 1)   CHAPTER THIRTY-NINE – 2 in 1 plus 1

    Naganap ito kasabay ng chapter 28 at 32KIRBY’S POVPagkarating namin ng Subic, dumiretso na kami sa shipyard para sa ship familiarization ng mga freshmen cadets. Sumama nadin kami na tatlong senior sa familiarization kahit na tapos na naming gawin ito noong first year kami.Pagkatapos ng familiarization ay pumunta na kami sa resort kung saan kami magsi-stay ng isang gabi.Habang nakapila ang nga freshmen sa reception para sa kanilang room assignment, kinausap naman kaming tatlong senior ng isa sa mga instructors.“Ganito, gusto kong tulungan nyo kami sa pagbabantay at pagpa-facilitate sa mga freshmen. Cadet Castro ikaw na ang bahalang maghanap ng mga cadets na tutulong sa pagluluto at paghahanda ng hapunan. kayo naman cadet Licom at cadet Santos, pakibantayan ang mga cadets na huwag makalabas dito sa resort dapat wala ding iinom ng alak.” Sabi ng instructor sa amin.Pagkatapos kam

  • U-Romance: My Boy, Pretty Boy (Book 1)   CHAPTER THIRTY-EIGHT - Copycat

    Naganap ito kasabay ng chapter 27 at 31KIRBY’S POVNgayon ang araw na pupunta kami ng Subic para sa ship familiarization ng mga freshmen cadets. Gaya ng sinabi ni sir Ramillo, maliban sa akin may pinasama pa siyang dalawang senior para tumulong sa pagbabantay – sina cadet Santos at cadet LicomNakaalis na ang mga bus na sinakyan ng mga deck cadets. Naglakad ako patungo sa mga bus na para sa engine cadets. “SAAN KAYA SUMAKAY SI ICE?” Ang naitanong ko sa aking sarili. “BAHALA NA. MAKIKITA KO NAMAN SIYA PAGDATING NG SUBIC.”Papalapit ako sa isang bus ng makita ko si Richard Bailon. “ANONG GINAGAWA NYA SA BUS NA ITO? NAKAALIS NA ANG BUS NA DAPAT NIYANG SINAKYAN AH.” Naghinala ako. Marahil sa bus na ito nakasakay si Ice kaya dito sumakay si Richard.Umakyat ng bus si Richard kaya dali-dali akong tumakbo

DMCA.com Protection Status