ICE’S POV
Naglalakad ako papuntang canteen para mag-lunch ng makasalubong ko si sir Alex na may dalang tray na may pagkain.
“Pretty boy! Kumusta? Kakain kana?” tanong ni sir Alex sa akin
“Opo sir. Ikaw kumain kana sir?”
“Oo, tapos na.”
Napansin ata ni sir Alex na napatingin ako sa dala niyang pagkain kaya bago paman ako magtanong, inunahan na niya ako.
“Ahhh para kay Kirby ito” sabi ni sir Alex
“Bakit niyo po siya dadalhan ng pagkain?”
“May lagnat kasi siya kaya dadalhan ko nalang. Sige alis na ako.” sabi ni sir Alex at umalis.
Napaisip ako. Siguro dahil ito sa nangyari kagabi. Nabasa siya ng ulan dahil sa paghahanap sa akin.
Pagkatapos kumain, bumalik ako sa aking kwarto. Hindi ako mapakali. Nag-aalala ako kay sir Kirby
ICE’S POVDinala ako ni sir Kirby sa rooftop ng dormitory. Ito ang unang beses na nakaakyat ako dito. Ang ganda! Lalo na dahil gabi. Nagliliwanag ang buong city.“Ito ba yung sinasabi mo na ipapakita mo sir?” tanong ko kay sir Kirby.“Oo. Ang ganda diba?”“Oo sir. Ang ganda.” Sabi ko sabay ngiti sa kanya“Dito ako tumatambay pag nag-iisip ako o di kaya gusto ko lang mapag-isa.”“Pwede din ba akong tumambay dito sir?” Ngumiti si sir Kirby. “Oo naman. Hindi naman sa akin ito eh.”Tumahimik kami saglit habang pinapanood ang kabuo-an ng lungsod na puno ng makukulay na liwanag.“Sir, bakit ka pala kumuha ng Maritime? May seaman din ba sa family mo?” tanong ko kay sir Kirby.“Wala. A
ICE’S POVLumipas ang dalawang araw. Sinabi sa akin ang punishment ko para sa violation na nagawa ko – ang hindi nakabalik ng MUP sa binigay na oras.Kailangan kong tumakbo sa quadrangle ng 5-beses at bawal ako lumabas ng MUP sa loob ng isang buwan.“Ice. Sorry pero kailangan ko talaga ibigay saiyo ang punishment na iyon. Gusto ko lang maging fair. Ayaw ko lang na may masabi saiyo ang ibang cadets.” Sabi sa akin ni sir Kirby habang naglalakad kami.“Okay lang po yun sir. Tama naman ang ginawa mo.” Sagot ko“Sana huwag mo akong kasuklaman dahil dito.” Nakangiting sabi ni sir Kirby“Grabeh naman yun sir. Hindi naman kita kasusuklaman dahil doon.” Natatawang sagot ko“So paano. Mamaya?”“Ano pong mamaya?” tanong koLumingon-
ICE’S POV1840H – nasa loob parin kami ng classroom. Nawili ata tong instructor naming lalake sa pagkukwento at hindi na niya namamalayang 10 minutes na siyang sobra sa oras. Tinuturo niya sa amin kanina ang mga parts ng barko hanggang sa napunta ang usapan sa mga experiences niya sa pagbabarko. Kailangan na niyang tumigil kung hindi mahuhuli na kami sa 1900H na dinner.Nagkakatinginan na kami ng aking mga kaklase at nagsisenyasan hanggang sa may nagtaas ng kamay na isa sa amin.“Sir, Sorry po pero sobra na po tayo sa oras. Baka po kasi mahuli kami sa dinner.” Tiningnan ng aming instructor ang kanyang relo. “Oh! I’m sorry. Hindi ko napansin. Dapat ininform nyo na ako kanina. You are dismissed”Tatayo na sana kami ng biglang may pahabol ang aming instructor.“Wait! Bago ko nga pala makalimutan. Gusto ko lang sabihin sa inyo na this Satu
ICE’S POVSabado – Ngayon ang araw kung kelan kami pupunta ng Subic para sa Ship Familiarization. 0500 hours ang schedule ng aming alis kaya maaga kaming nagising at nagbreakfast.0500 hours ang schedule ng aming alis. Nasa loob na ako ng bus. Hindi pa dumadating ang ibang cadets. Naupo ako sa pang-tatluhang upuan. Katabi ko ngayon na nasa bandang bintana si Miguel at bakante naman ang nasa kabila.Dahil maaga kaming nagising, medyo inaantok pa ako kaya naisipan kong ipikit muna ang aking mga mata para makaidlip.Napamulat nalang ako ng may marining na ingay. Si Richard at si sir Kirby pala.“Sir, sorry pero ako po yung unang nakakita nito kaya dito ako uupo” sabi ni Richard sabay turo ng bakanteng upuan sa aking tabi.“Hindi. Ako yung unang nakahawak kaya sa akin ito. Tsaka bakit ka nandito sa bus na ito? Diba for engine cadets ito? Doon ka sa bus ng para sa deck
ICE’S POVMagte-10 na ng umaga ng marating namin ang Subic. Dumiretso na agad kami ng shipyard para simulan ang aming ship familiarization. Doon narin kami nag-lunch.Natapos kami sa aming activity ng 1700H. Bumalik kami sa bus at dinala kami sa aming tutuluyan – Isang resort tapos may maraming kwarto.“Okay cadets. Listen.” Sabi ng isang instructor na kasama namin. “Pumila kayo sa reception area at hanapin ninyo doon ang pangalan ninyo at room assignments. Pagkatapos nito, pwede kayong magpahinga, matulog kayo o magswimming basta huwag lang kayong lalabas sa resort na ito. At bawal na bawal din kayong uminom ng alak. Nagkakaintindihan ba tayo?”“Yes sir!” Sagot naminPumila na kami sa reception. Habang nasa pila, tumitingin ako sa paligid. Hinahanap ko si sir Kirby at Richard pero hindi ko makita.“
RICHARD’S POVNaganap ito same day ng chapter 24“Nasaan kaya si Ice?” tanong ko sa aking sarili habang nakahiga sa aking higaan. Hindi ko siya nakita sa canteen kaninang umagahan, tanghalian at pati kaninang hapunan. Siguro puntahan ko nalang sa room niya. Baka masama ang pakiramdam.Dali-dali akong lumabas ng kwarto at tumungo sa kwarto nina Ice. Kumatok at pinagbukasan ako ni Miguel.“Si Ice?” tanong ko“Wala dito eh.” Sagot ni Miguel“Nasaan siya?”“Mga after lunch kanina ang sabi niya pupuntahan niya si sir Kirby. Hanggang ngayon hindi pa nakakabalik.” Sagot ni Miguel.“Hindi ba siya bumalik ng dinner?” tanong ko“Hindi eh.”Umalis na din ako pagkarinig ng mga sinabi ni
RICHARD’S POVNaganap ito same day ng chapter 25“Anong sabi? Ano daw ang magiging punishment mo?” tanong ko kay Ice habang naglalakad kami sa may hallway ng dormitory.Ang tinutukoy ko ay ang punishment niya dahil sa violation na hindi pagbalik sa MUP sa binigay na oras.“Bawal daw ako lumabas ng MUP ng isang buwan at kelangan ko tumakbo ng 5-beses sa quadrangle.” Sabi ni Ice.“Kelan mo gagawin yung pagtakbo?”“Mamayang hapon”----Naghahanap ako ng libro sa library ng marinig kong nag-uusap sina sir Alex at sir Kirby sa kabilang shelf. Nagtago ako sa hilira ng mga libro at lihim na nakinig.“Bro, alis na ako kelangan kong pumunta sa may quadrangle.”” Sabi ni sir Kirby kay sir Alex.“Anong gagawin mo doon?”
Naganap ito kasabay ng chapter 27RICHARD’S POVExcited na ako! Ngayon ang araw kung kalian kami pupunta ng Subic para sa aming Ship Familiarization. Freshmen lang ang kasama kaya ang saya! Wala si sir Kirby. Maso-solo ko si Ice.Nakita ko si Ice na sumakay ng bus. Sumunod ako sa kanya at ng paakyat na ako, bigla akong hinarang ng isa sa mga instructors na sasama sa amin.“Cadet Bailon. Diba taga-deck ka? Doon ka sa kabilang bus. Para sa mga engine cadets ang bus na ito.” Sabi ng instructor na lalake sabay turo sa mga bus na nakahilira na para mga deck cadets.Para hindi mapagalitan, sinunod ko nalang ang sabi ng instructor sa akin. Sayang. Hindi ko makakasama sa byahe si Ice. Nakaupo na ako sa loob ng bus na naka-assign sa amin ng may naisip akong idea. Dali-dali akong nagtago at hinintay na makaalis ang lahat ng bus na para sa mga deck cadets tapos ay tumungo ako sa bus kung saan nakasa
ICE’S POVIlang araw nadin ang nakakaraan mula ng bumalik kami galing Subic at ilang araw nadin ang relasyon namin ni Richard. Sinisekreto parin namin ito at tanging si sir Kirby lang ang may alam.Nasa study hall ako ngayon. Nag-aaral na katabi si Richard. Ang saya! Ganito pala ang pakiramdam na alam mong mahal ka ng taong mahal mo.Habang nakaupo, palihim at dahan-dahang hinawakan ni Richard ang aking kamay.“Baka may makakita.” Sabi ko sa kanya“Walang makakakita. Tingnan mo. Busy ang lahat sa pag-aaral” sagot ni Richard.Nasa ganoon kaming posisyon ng biglang lumapit sa amin ang ka-roommate ko na si Ramon. Dali-dali kong kinuha ang kamay ko na hawak-hawak ni Richard.“Oh! Anong nangyari at parang gulat na gulat kayo.” Tanong ni Ramon“Wala. Nagulat lang kami sa bigla mong pagsulpot.” Sab
KIRBY’S POVMaaga kaming nagising kinabukasan para bumiyahe pabalik ng Manila. Habang papunta ako sa bus na sasakyan namin, narining ko ang isang instructor na kinakausap si Richard.“Cadet Bailon, bakit ba nagpupumilit ka na dito sumakay sa bus na para sa mga engine cadets? Doon ka dapat sa bus na para sa mga ka-department mo. Pinagbigyan lang kita noong papunta tayo dito dahil naiwanan ka pero ngayon hindi na pwede.” Sabi ng instructor.“Sir, please pagbigyan nyo na po ako ulit.” Pakiusap ni RichardLumapit na ako sa kanila at nagsalita.“Sir, pwede po bang palit nalang po kami ni cadet Bailon? Ako nalang po ang sasakay sa bus na para sa deck cadets tapos dito nalang po siya sa bus na para sa mga engine cadets. Sige na sir. Bigay niyo na po sa akin ito.” Pakiusap koNag-isip sandali ang instructor bago nagsalita “Sige na. Bahala na ka
RICHARD’S POVParang lumulundag ang puso ko sa sobrang saya. Sa wakas si Ice at ako – KAMI NA.Pagkatapos naming mag-usap ni Ice sa dalampasigan, bumalik na kami sa aming mga kasamahan – yung iba ay tapos ng kumain at yung iba naman ay hindi pa.“Anong nangyari at bigla kayong umalis at saan kayo nagpunta?” tanong ng isa naming batchmate“Ahhh… May naalala lang ako na importanteng dapat ko palang sabihin kay Ice kaya ayon, sinabi ko sa kanya. Sobrang importante kasi at hindi na pwedeng patagalin.” Sagot ko“Kumain na kayo. Kukunti lang ata yung nakain nyo kanina” sabi uli ng isa naming batchmate“Sige lang. Busog ako. Sobrang nabusog na ako.” sabi ko sabay pasimpleng ngumiti kay Ice.Hindi na ako kumain samantalang si Ice ay nagutom ata kaya ayun kumain ulit.Pagkatapos ng
KIRBY’S POV“Rich… Diet lang? Bakit parang hindi ka kumakain.” Narining ko na sabi ni Ice kay Richard habang kumakain kami ng dinner.“Hayaan mo na. Baka busog pa. Ikaw kumain ka marami pa oh” sabi ko kay Ice sabay lagay ng pagkain sa kanyang harapan.Masaya kaming kumakain ng biglang sa malakas na boses ay nagsalita si Richard “Ako yun!”Lahat kami ay tumingin sa kanya dahil sa pagkagulat.“Anong nangyayari saiyo Rich?” ang tanong ni Ice sa kanya.Nagsorry si Richard. Siguro napagtanto niya na nabigla kaming lahat dahil sa kanya pero mas nabigla ako ng hawakan niya ang kamay ni Ice tapos hinila ito paalis. Bago paman makalayo, tinawag ko iyo.“Wait! Anong ginagawa mo Bailon?” tanong ko kay RichardTumingin si Richard sa akin sabay sabi “Sir,
RICHARD’S POVBoodle fight – yan ang theme ng dinner namin ngayon. Habang masayang kumakain ang mga kasamahan ko, ito ako at walang gana. Iniisip ko padin yung sinabi ni Ice kanina. Sino kaya yung taong mas gusto niya kaysa kay sir Kirby? Inilibot ko ang aking paningin sa mga kasamahan kong freshmen na kumakain. “Isa kaya sa mga narito?”Ang sabi niya, nakilala daw niya dahil sa lapis. Bigla kong naalala na una kong nakita si Ice sa National Book Store na bumibili ng lapis pero at that time, hindi naman niya ako nakilala at mukhang hindi nga niya ako namukhaan so malabong ako iyon.Isip ako ng isip kung sino kaya yung lalake na gusto ni Ice hanggang sa pumasok sa aking isipan noong araw ng written exam. Nahulog yung mga lapis ni Ice tapos nanghiram ako ng lapis sa kanya dahil doon, nagkakilala kami. TAMA! Ang ibig sabihin… Yung tinutukoy ni Ice na taong mas gusto niya kaysa kay sir Kirby&h
ICE’S POVNapagod ako sa kakalangoy kaya naupo muna ako sa buhanginan at nagpahinga habang pinagmamasdan ang mga ka-batchmates ko na masayang naliligo.“Ayaw mo na?” tanong ni Richard na sumunod pala sa akin.“Pahinga lang sandali” sagot koTahimik lang ako habang nakatingin sa mga kasamahan namin ng magsalita si Richard.“Ice… May gusto sana akong itanong saiyo.” Sabi ni Richard.“Ano iyon?” “Napapansin ko kasi na mas naging malapit si sir Kirby sa iyo. Tapos ikaw din mas naging malapit sa kanya. Ano bang meron? Anong meron sa inyong dalawa?” tanong ni RichardNapatingin ako kay Richard. “Anong ibig mong sabihin?”“Ice… may relasyon ba kayo?” “magkaibigan&hellip
ICE’S POVMag-isa lang ako ngayon sa loob ng kwarto at nakahiga sa kama. Nasa labas si Richard at naliligo sa dagat kasama ang kanyang mga kaklase. Niyaya niya ako kanina pero wala akong gana. Si sir Kirby naman ay naghahanda para sa aming hapunan kasama ang ibang mga cadets na nagvolunteer – yung mga marurunong magluto.Naisipan kong lumabas. Siguro tutulong nalang din ako sa pagpe-prepare ng dinner. Kahit hindi ako marunong magluto, kaya ko naman maghiwa ng mga lulutuin.May area sa resort kung saan pwede magluto ang mga guests. Pumunta ako doon – busy ang mga tao. Nakita ko si sir Kirby sa isang lamesa na naghihiwa ng mga prutas – mangga at watermelon.“Ice, anong ginagawa mo rito?” tanong ni sir Kirby ng makita ako“Baka lang may maitulong ako dito sir kaya pumunta ako.”“Ayaw mo bang mag-swimming?”
Naganap ito kasabay ng chapter 28 at 32KIRBY’S POVPagkarating namin ng Subic, dumiretso na kami sa shipyard para sa ship familiarization ng mga freshmen cadets. Sumama nadin kami na tatlong senior sa familiarization kahit na tapos na naming gawin ito noong first year kami.Pagkatapos ng familiarization ay pumunta na kami sa resort kung saan kami magsi-stay ng isang gabi.Habang nakapila ang nga freshmen sa reception para sa kanilang room assignment, kinausap naman kaming tatlong senior ng isa sa mga instructors.“Ganito, gusto kong tulungan nyo kami sa pagbabantay at pagpa-facilitate sa mga freshmen. Cadet Castro ikaw na ang bahalang maghanap ng mga cadets na tutulong sa pagluluto at paghahanda ng hapunan. kayo naman cadet Licom at cadet Santos, pakibantayan ang mga cadets na huwag makalabas dito sa resort dapat wala ding iinom ng alak.” Sabi ng instructor sa amin.Pagkatapos kam
Naganap ito kasabay ng chapter 27 at 31KIRBY’S POVNgayon ang araw na pupunta kami ng Subic para sa ship familiarization ng mga freshmen cadets. Gaya ng sinabi ni sir Ramillo, maliban sa akin may pinasama pa siyang dalawang senior para tumulong sa pagbabantay – sina cadet Santos at cadet LicomNakaalis na ang mga bus na sinakyan ng mga deck cadets. Naglakad ako patungo sa mga bus na para sa engine cadets. “SAAN KAYA SUMAKAY SI ICE?” Ang naitanong ko sa aking sarili. “BAHALA NA. MAKIKITA KO NAMAN SIYA PAGDATING NG SUBIC.”Papalapit ako sa isang bus ng makita ko si Richard Bailon. “ANONG GINAGAWA NYA SA BUS NA ITO? NAKAALIS NA ANG BUS NA DAPAT NIYANG SINAKYAN AH.” Naghinala ako. Marahil sa bus na ito nakasakay si Ice kaya dito sumakay si Richard.Umakyat ng bus si Richard kaya dali-dali akong tumakbo