Nangyari ito a few days after nilang makapasok sa MUP (Hindi pa alam ni Ice na may girlfriend si Richard).
RICHARD’S POV
Linggo ng umaga. Pumunta ako sa room ni Ice para sana yayain siyang lumabas pero wala siya doon. Hinanap ko siya at nakita sa may canteen na nakaupo mag-isa. Kumakain ata ng breakfast. Nilapitan ko siya at napansing matamlay. Hindi rin niya naubos ang kanyang pagkain
“Ice, okay kalang?” tanong ko
“Ang sakit ng ulo ko” sagot niya
Ipinatong ko ang kanang palad ko sa noo niya.
“Ice may lagnat ka ah. Uminom kana ba ng gamot?” tanong ko sa kanya
“Ayaw ko ng gamot. Nasusuka ako doon”
“kailangan mo iyon. Baka lumala pa yang lagnat mo. May gamot ako sa room ko. Kukunin ko pero dadalhin muna kita sa room mo.” Sabi ko sa kanya.
Inalalayan
RICHARD’S POV“Kumusta na pakiramdam mo?” Tanong ko kay Ice“Mabuti na” sagot niya habang nagsusulat.Nasa study hall kami ngayon ng dormitory. Si Ice gumagawa ng assignment at ako naman… wala. Gusto ko lang samahan siya at makita.“Alam mo, para kang bata. Ayaw uminom ng gamot. Kahapon, muntik mo na akong masukahan. Buti nakailag ako.” Sabi ko sa kanya“Ikaw kasi mapilit. Sabing ayaw kong uminom kasi napapaitan ako.” sagot ni Ice sabay ngiti.Bigla na naman akong napatingin sa kanyang labi. Parang ang lambot ng mga ito. Ang sarap hawakan. Parang ang sarap halikan. Napapalunok nalang ako sa mga naiisip ko.“Rich… Rich...” Mahinang tawag sa akin ni Ice“Huh?”“Anong nangyari sayo? Nakatulala ka”
Naganap ito same day ng chapter 5 and 6RICHARD’S POVNagyaya ang mga kasama ko sa kwarto na maglaro ng basketball. Bago pumunta sa court, dadaan muna ako sa kwarto ni Ice para ibibigay itong binili kong siopao para sa kanya.“Miguel, si Ice?” tanong ko kay Miguel ng makitang lumabas ng kanilang kwarto.“Natutulog eh. Bakit? Gusto mo gisingin ko?” sagot ni Miguel“Hindi na. Pakibigay nalang itong siopao sa kanya. Salamat” sabi ko sabay abot ng siopao at umalis.----Mahigit isang oras na kaming naglalaro sa basketball court ng mapansin ko si Ice na nanonood at kasama si sir Kirby. “Bakit sila magkasama?” tanong ko sa aking sarili.Nadistract ako ng bigla kong nakita na nilapit ni sir Kirby ang kanyang mukha sa mukha ni Ice. “Hinalikan ba niya si Ice?&rdquo
Naganap ito same day ng chapter 7RICHARD’S POVDahil sabado at pareho kaming walang klase, niyaya ko si Ice na pumunta ng mall.“1300H na ngayon, dapat makabalik kayo ng 1800H” paalala sa amin ng office on duty. Maximum 5 hours lang kasi binibigay sa amin para lumabas.“Rich, uulan ata” sabi ni Ice sa akin.Tumingala ako sa langit at nakitang makulimlim. “Oo nga. Wala akong payong. Meron kaba?”“Meron kaso tinatamad ako magbitbit” sagot niya.“Lagay mo nalang dito sa bag ko” sabi ko sabay turo sa dala kong backpack“Sige”Kinuha ni Ice ang kanyang payong at nilagay sa dala kong bag. Hindi na kami nag-aksaya pa ng panahon at agad na umalis papuntang mall.----Naglalakd kami ni Ice sa mall ng biglang may
Naganap ito same day ng Chapter 8KIRBY’S POVNasa National Book Store ako ngayon, nakapila para magbayad sa cashier. Kasama ko ang aking kaibigan na si Alex.“Bro, Pagkatapos dito samahan mo ako sa supermarket.” Sabi ni Alex sa akin“Sige” sagot ko.Nag-uusap kami ni Alex ng marining ang boses ng isang staff. Tinatawag niya ang isang customer dahil naiwan nito ang kanayng mga binili. Nagtawan ang ibang nakapila.“Siguro malalim ang iniisip kaya naiwan ang mag binili.” komento ni Alex.“Baka nga” “Bro, naalala mo ba si Irene? Yung nakilala natin sa isang event?” tanong ni Alex sa akin“Oo, bakit?”“Bro, hinihingi sa akin ang number mo. Patay na patay ata sayo.” &ldqu
KIRBY’S POVIt’s been weeks since that day. The day when I first saw Ice in the supermarket. Simula noon, hindi na siya mawala sa isip ko. Sinubukan ko siyang hanapin – sa facebook, twitter, instagram pero wala. Ang hirap lalo na dahil “Ice” lang ang alam ko sa kanya. I don’t even know if yun nga ang totoo niyang pangalan or palayaw lang.Pabalik-balik din ako sa supermarket ng mall kung saan ko siya nakita. Nagbabakasakali ako na isang araw makita ko siya ulit doon.“Bro, si Irene kinukulit na naman ako. Gustong makipagkita sa atin” sabi ni Alex sa akin habang nagmemeryenda kami.“Edi makipagkita ka.”“Alam naman natin na damay lang ako doon. Ikaw talaga ang gusto niyang makita. Pag ako lang, sa tingin mo makikipagkita yun?”“Sabihin mo hindi na ako pwede. Sabihin mo na take
Naganap ito same day ng Chapter 4KIRBY’S POVIto ang araw ng pagbabalik namin sa MUP para sa panibagong school year. Bago narin ang room assignment ko. Dahil sa senior na kami, dalawang cadets nalang ang maghahati sa isang room. Swerte ako dahil si alex ang makakasama ko.“Ice, pinapapunta ka sa office ni sir Ramillo” sabi sakin ni Alex.Agad akong pumunta sa office ni sir Ramillo. Siya ang aming school coordinator. Pagdating ko, may sinabi siya sa akin.“Welcome back sa MUP Mr. Castro” bungad na bati sakin ni sir Ramillo“Thank you, sir.”“Today ang dating ng ating mga bagong cadets. As tradition, magkakaroon tayo mamaya ng short welcome ceremony at bilang ikaw ang bagong president, gusto ko na ikaw ang mag-conduct nito. You know the drill. Understood?” sabi ni sir Ramillo
Naganap ito same day ng Chapter 11KIRBY’S POVDumaan ang mga araw, lihim kong sinusubaybayan si Ice. Ewan ko ba, noong hindi ko pa siya nahahanap atat akong makita siya ngayon naman na ang lapit na niya sa akin nababahag ang buntot ko. Pero alam ko, dadating ang araw na masasabi ko rin sa kanya ang nararamdaman ko. Sa ngayon, babantayan ko nalang muna siya ng palihim.Nakita ko si Ice na mag-isang nag-aalmusal sa may canteen. Pinagmasdan ko lang siya mula sa di kalayuan. Maya-maya ay nakita ko si cadet Richard Bailon na lumapit sa kanya. Di ko marining ang pinag-uusapan nila pero nakita ko na idinapat ni Richard ang kanyang kamay sa noo ni Ice tapos inalalayan niya itong tumayo. Nacurious ako sa nangyayari kaya nilapitan ko sila.“Anong nangyayari?” tanong ko“Sir, may lagnat po kasi si Ice. Dadalhin ko sana sa room niya para makapagpahinga” sagot ni Richard
Naganap ito same day ng Chapter 12“Bro, halimbawa may sakit ka o kakagaling mo lang sa sakit anong gusto mong matanggap na regalo?” tanong ko kay Alex“Parang recovery gift? Siguro house and lot or di kaya sports car yung red.” Pabiro niyang sagot“Joke ba yun? Tatawa naba ako?” sabi ko sa kanya“Sorry na. Pero hindi ko alam. Siguro prutas. Diba yun naman ang binibigay pag may sakit?”“Pwede. Ano namang prutas?”“Apple… Orage. Mga ganun” sagot ni AlexNapangiti ako sabay tayo.“Oh bakit?” tanong ni Alex sa akin“Lalabas lang muna ako saglit” sabi ko.Lumabas ako ng MUP para bumili ng prutas. Pagkabalik, nag-abang ako sa hallway ng dormitory. Inaabangan ko na dumaan si I
ICE’S POVIlang araw nadin ang nakakaraan mula ng bumalik kami galing Subic at ilang araw nadin ang relasyon namin ni Richard. Sinisekreto parin namin ito at tanging si sir Kirby lang ang may alam.Nasa study hall ako ngayon. Nag-aaral na katabi si Richard. Ang saya! Ganito pala ang pakiramdam na alam mong mahal ka ng taong mahal mo.Habang nakaupo, palihim at dahan-dahang hinawakan ni Richard ang aking kamay.“Baka may makakita.” Sabi ko sa kanya“Walang makakakita. Tingnan mo. Busy ang lahat sa pag-aaral” sagot ni Richard.Nasa ganoon kaming posisyon ng biglang lumapit sa amin ang ka-roommate ko na si Ramon. Dali-dali kong kinuha ang kamay ko na hawak-hawak ni Richard.“Oh! Anong nangyari at parang gulat na gulat kayo.” Tanong ni Ramon“Wala. Nagulat lang kami sa bigla mong pagsulpot.” Sab
KIRBY’S POVMaaga kaming nagising kinabukasan para bumiyahe pabalik ng Manila. Habang papunta ako sa bus na sasakyan namin, narining ko ang isang instructor na kinakausap si Richard.“Cadet Bailon, bakit ba nagpupumilit ka na dito sumakay sa bus na para sa mga engine cadets? Doon ka dapat sa bus na para sa mga ka-department mo. Pinagbigyan lang kita noong papunta tayo dito dahil naiwanan ka pero ngayon hindi na pwede.” Sabi ng instructor.“Sir, please pagbigyan nyo na po ako ulit.” Pakiusap ni RichardLumapit na ako sa kanila at nagsalita.“Sir, pwede po bang palit nalang po kami ni cadet Bailon? Ako nalang po ang sasakay sa bus na para sa deck cadets tapos dito nalang po siya sa bus na para sa mga engine cadets. Sige na sir. Bigay niyo na po sa akin ito.” Pakiusap koNag-isip sandali ang instructor bago nagsalita “Sige na. Bahala na ka
RICHARD’S POVParang lumulundag ang puso ko sa sobrang saya. Sa wakas si Ice at ako – KAMI NA.Pagkatapos naming mag-usap ni Ice sa dalampasigan, bumalik na kami sa aming mga kasamahan – yung iba ay tapos ng kumain at yung iba naman ay hindi pa.“Anong nangyari at bigla kayong umalis at saan kayo nagpunta?” tanong ng isa naming batchmate“Ahhh… May naalala lang ako na importanteng dapat ko palang sabihin kay Ice kaya ayon, sinabi ko sa kanya. Sobrang importante kasi at hindi na pwedeng patagalin.” Sagot ko“Kumain na kayo. Kukunti lang ata yung nakain nyo kanina” sabi uli ng isa naming batchmate“Sige lang. Busog ako. Sobrang nabusog na ako.” sabi ko sabay pasimpleng ngumiti kay Ice.Hindi na ako kumain samantalang si Ice ay nagutom ata kaya ayun kumain ulit.Pagkatapos ng
KIRBY’S POV“Rich… Diet lang? Bakit parang hindi ka kumakain.” Narining ko na sabi ni Ice kay Richard habang kumakain kami ng dinner.“Hayaan mo na. Baka busog pa. Ikaw kumain ka marami pa oh” sabi ko kay Ice sabay lagay ng pagkain sa kanyang harapan.Masaya kaming kumakain ng biglang sa malakas na boses ay nagsalita si Richard “Ako yun!”Lahat kami ay tumingin sa kanya dahil sa pagkagulat.“Anong nangyayari saiyo Rich?” ang tanong ni Ice sa kanya.Nagsorry si Richard. Siguro napagtanto niya na nabigla kaming lahat dahil sa kanya pero mas nabigla ako ng hawakan niya ang kamay ni Ice tapos hinila ito paalis. Bago paman makalayo, tinawag ko iyo.“Wait! Anong ginagawa mo Bailon?” tanong ko kay RichardTumingin si Richard sa akin sabay sabi “Sir,
RICHARD’S POVBoodle fight – yan ang theme ng dinner namin ngayon. Habang masayang kumakain ang mga kasamahan ko, ito ako at walang gana. Iniisip ko padin yung sinabi ni Ice kanina. Sino kaya yung taong mas gusto niya kaysa kay sir Kirby? Inilibot ko ang aking paningin sa mga kasamahan kong freshmen na kumakain. “Isa kaya sa mga narito?”Ang sabi niya, nakilala daw niya dahil sa lapis. Bigla kong naalala na una kong nakita si Ice sa National Book Store na bumibili ng lapis pero at that time, hindi naman niya ako nakilala at mukhang hindi nga niya ako namukhaan so malabong ako iyon.Isip ako ng isip kung sino kaya yung lalake na gusto ni Ice hanggang sa pumasok sa aking isipan noong araw ng written exam. Nahulog yung mga lapis ni Ice tapos nanghiram ako ng lapis sa kanya dahil doon, nagkakilala kami. TAMA! Ang ibig sabihin… Yung tinutukoy ni Ice na taong mas gusto niya kaysa kay sir Kirby&h
ICE’S POVNapagod ako sa kakalangoy kaya naupo muna ako sa buhanginan at nagpahinga habang pinagmamasdan ang mga ka-batchmates ko na masayang naliligo.“Ayaw mo na?” tanong ni Richard na sumunod pala sa akin.“Pahinga lang sandali” sagot koTahimik lang ako habang nakatingin sa mga kasamahan namin ng magsalita si Richard.“Ice… May gusto sana akong itanong saiyo.” Sabi ni Richard.“Ano iyon?” “Napapansin ko kasi na mas naging malapit si sir Kirby sa iyo. Tapos ikaw din mas naging malapit sa kanya. Ano bang meron? Anong meron sa inyong dalawa?” tanong ni RichardNapatingin ako kay Richard. “Anong ibig mong sabihin?”“Ice… may relasyon ba kayo?” “magkaibigan&hellip
ICE’S POVMag-isa lang ako ngayon sa loob ng kwarto at nakahiga sa kama. Nasa labas si Richard at naliligo sa dagat kasama ang kanyang mga kaklase. Niyaya niya ako kanina pero wala akong gana. Si sir Kirby naman ay naghahanda para sa aming hapunan kasama ang ibang mga cadets na nagvolunteer – yung mga marurunong magluto.Naisipan kong lumabas. Siguro tutulong nalang din ako sa pagpe-prepare ng dinner. Kahit hindi ako marunong magluto, kaya ko naman maghiwa ng mga lulutuin.May area sa resort kung saan pwede magluto ang mga guests. Pumunta ako doon – busy ang mga tao. Nakita ko si sir Kirby sa isang lamesa na naghihiwa ng mga prutas – mangga at watermelon.“Ice, anong ginagawa mo rito?” tanong ni sir Kirby ng makita ako“Baka lang may maitulong ako dito sir kaya pumunta ako.”“Ayaw mo bang mag-swimming?”
Naganap ito kasabay ng chapter 28 at 32KIRBY’S POVPagkarating namin ng Subic, dumiretso na kami sa shipyard para sa ship familiarization ng mga freshmen cadets. Sumama nadin kami na tatlong senior sa familiarization kahit na tapos na naming gawin ito noong first year kami.Pagkatapos ng familiarization ay pumunta na kami sa resort kung saan kami magsi-stay ng isang gabi.Habang nakapila ang nga freshmen sa reception para sa kanilang room assignment, kinausap naman kaming tatlong senior ng isa sa mga instructors.“Ganito, gusto kong tulungan nyo kami sa pagbabantay at pagpa-facilitate sa mga freshmen. Cadet Castro ikaw na ang bahalang maghanap ng mga cadets na tutulong sa pagluluto at paghahanda ng hapunan. kayo naman cadet Licom at cadet Santos, pakibantayan ang mga cadets na huwag makalabas dito sa resort dapat wala ding iinom ng alak.” Sabi ng instructor sa amin.Pagkatapos kam
Naganap ito kasabay ng chapter 27 at 31KIRBY’S POVNgayon ang araw na pupunta kami ng Subic para sa ship familiarization ng mga freshmen cadets. Gaya ng sinabi ni sir Ramillo, maliban sa akin may pinasama pa siyang dalawang senior para tumulong sa pagbabantay – sina cadet Santos at cadet LicomNakaalis na ang mga bus na sinakyan ng mga deck cadets. Naglakad ako patungo sa mga bus na para sa engine cadets. “SAAN KAYA SUMAKAY SI ICE?” Ang naitanong ko sa aking sarili. “BAHALA NA. MAKIKITA KO NAMAN SIYA PAGDATING NG SUBIC.”Papalapit ako sa isang bus ng makita ko si Richard Bailon. “ANONG GINAGAWA NYA SA BUS NA ITO? NAKAALIS NA ANG BUS NA DAPAT NIYANG SINAKYAN AH.” Naghinala ako. Marahil sa bus na ito nakasakay si Ice kaya dito sumakay si Richard.Umakyat ng bus si Richard kaya dali-dali akong tumakbo