Home / Fantasy / Twin Of Destiny / Chapter Three

Share

Chapter Three

Author: Rosellie
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

FREYA POV

    Iniwasan ko ang espada ni Redhead na muntik ng tumama sa braso ko. Gigil na gigil talaga sa akin ang babae na ito.

   

    "Alam mo ba ang pakikinig sa usapan ng may usapan ay bad habit. "

     Nginisian ko si RedHead.

"Wala naman ako narinig sa usapan niyo, redhead."

    "Talaga ba? Hindi ka na dapat pumunta dito! Kayo ng kaibigan mo!"

    Nawala ako sa konsentrasyon dahil sa sinabi nito, naalala ko bigla si Luna. Pero agad din bumalik sa konsentrasyon ang katawan ko, Buti na lang at naturuan ako ng Ama-amahan ko na siya pinuno ng mga bandido. 

   Muli ko nasalag ang espada nito at umabante palayo.

   "Dulex Distringam!"  nagkaroon ako ng marami kamukha. At sinugod ko siya, kasama na aking mga clone.

    Nakita ko ang pagtiim ng bagang ni Redhead. Pero tulad ng akin inaasahan sa isang iglap naging abo ang mga clone ko at natumba ako sa lupa habang nasa leeg ko ang espada nito.

   " Die! And the Prophecy will End!"

    Napapikit ako sa narinig ko. Maari katapusan ko na dahil kung ako 'man ay matalo ng isa sa ranking kailangan patayin ako.

   Akma is-slice na nito ang espada sa akin ng mayroon Pana ang tumama sa espada at tumalsik.

   Napadilat ako at tiningan si Redhead na nagulat sa lalaki parating at may hawak na Pana.

    

     Mahaba ang buhok nito at mayroon ako kakaiba tibok sa akin dibdib.

    Ano ito? Bago ito sa akin pakiramdam. Bakit Tila mayroon tambol sa dibdib ko.

   Mabilis ako umiwas ng tingin at tiningnan si Redhead na masama parin ang tingin sa lalaki.

   "Ano ginagawa mo , Dos! ? Bakit nangingialam ka?"

    "Alam ko nakikita mo ang mangyayari sa hinaharap, Gretha! Pero hindi mo pwde panghimasukan! Nakapasa siya sa pagsusulit kaya hayaan mo na siya!"

    Kita ko ang pagtalim ng mga mata ng lalaki tumulong sa akin. Pero kita ko rin ang dalawa dimple nito sa pisngi nakakainis kasi  lalo lang bumibilis  tibok ng puso ko. Letche puso ko ito ngayon pa naisipan lumandi.

    Natataranta tumayo ako at ilalayo na sana ang akin sarili sa babae gusto ako pagtangkaang patayin ng maramdaman ko ang pagtagos sa katawan ko ang isang patalim. Humaba ito at umiilaw na pula. Ang fire sword na galing sa Dakilang Angkan ng mga Ninuno ng Kambal na tadhana.

    "Gretha!" Sigaw ng lalaki.

    "Tama lang na matapos ang buhay mo dito pa lang, para hindi mo na maranasan pa ang naghihintay saiyo!" Bulong nito sa akin bago nawala ang apoy na espada.

   Napaluhod ako sa lupa saka tumawa. Muli ko tiningnan ang babae may pulang buhok. Alam ko nagiba ang kulay ng mga mata ko na siya kinatatakutan sa pinagmulan ko. My tiger eyes, ang dilaw na kulay ng akin mga mata.

      Ikinagulat ito ni Redhead na agad din lumayo sa akin.

     Sumuka ako ng dugo at muli ito tiningnan.

    "Do you think you can kill me easily? You're Insane!"

     Naglabasan ang mga ugat sa akin leeg papunta sa akin mukha. Anh umaalpas na dugo sa akin malapit sa puso na mayroon malaki butas ay unti-unting naghihilom at bumabalik sa dati.

    Nanghihinang napa-ubo ako muli ng dugo. Ito ang pangalawa ulit na nangyari sinubukan ko irestore ang akin sarili, sa hindi maipaliwanag na pangyayari ay kusa nangyayari.

    "Tama na Gretha, alam mo ang parusa naghihintay sayo!"

    Hindi ko namalayan na nakalapit na pala sa akin ang lalaki may mahabang  buhok.

   "Ang mga mata na iyan!! Prophetiae!!"

     Hindi sa ganito matatapos ang buhay ko, Redhead.! Dahil hahanapin ko pa siya! Hindi ako papayag na hindi ko mahanap anh sagot sa lahat! Sa lugar lang na ito, possible ko siya makita

     At Tuluyan na ako nawalan ng malay.

Gretha POV.

Pumasok ako sa loob ng madilim na silid. Kakapasok ko palang ng hagupitin ako ng isang latigo at tumama sa akin likod kaya napa-luhod ako sa sahig na marmol.

"Hindi ba sabi ko sayo, Buhayin mo siya at wag gagalawin?!"

Muli nakaramdam ako ng sunod sunod na hagupit ng latigo mayroon kuryente.

"H-hindi ko maintindihan Ama! Alam mo nakikita ko ang hinaharap mamatay rin naman siya! Bakit hindi pa ngayon?!"

Muli ay naramdaman ko ang paghagupit ng latigo kaya napasigaw ako sa sakit.

"Nakita mo ba talaga ang buo niya mukha? Siya ba talaga ang nakita mo mamatay? O ibang Magicus?"

Nagtataka tumingin ako sa akin ama na nasa akin harapan na. Ang dilaw nito mga mata, Ang hari ng buo magicus. Bilang isang Zhang, para sa akin ay napaka-hirap. Dahil bukod sa pagiging prinsesa ng buo magicus ang tungkulin inaatas nito sa amin ng akin kakambal na si Hudson.

Napaisip ako sa sinabi ni Hari Darcan na aking Ama. Alam ko, nakita ko ang dilaw na mga mata sa akin isipan. Ang pagkamatay ng isang babae na mayroon dilaw na mga mata na kagaya ng isang tigre.

Pero hindi ko maaninag ang mukha maliban sa bungo nito na logo sa damit na suot. Kaya naisip ko si Freya ang babae na iyon, Maari ba nagkamali lamang ako.

"H-Hindi po ama. "

Nakarinig ako na pagdadabog sa isang sulok. Nakita ko si Hudzon na padabog na sinara ang libro at tumayo.

"Muntik ka ng makapatay dahil sa pangbibintang mo! Masydo ka padalos-dalos! Isa ka ba talaga Zhang?"

Napakislot ako ng makita ang mga mata nito matalim na nakatingin sa akin. Dilaw sa kanan at violet sa kaliwa mata.

Ang mga mata nito na isa sa kinatatakutan sa buo Magicus. Ang pinaghalo kapangyarihan ng amin mga Magulang.

"N-nais ko makita si Ina, Amang Hari. " napayuko sabi ko at kinuyom ang mga kamay.

Kahit kambal kami, ni minsan hindi kami naging magkasundo. Taliwas ang aming pagiisip.

Maging ang aking Ama ay pabor sa akin Kakambal.

"Sige puntahan mo siya, ngunit hindi ka maari magtagal. "

Tumayo ako at kahit nahihirapan sa mga galos na akin natamo. Pinilit ko puntahan ang akin Ina sa silid nito.

Sa dulo ng pasilyo ng Palasyo naroroon ang kwarto ng akin Ina na nababalutan ng Yelo.

Maingat ko pinasok ang susi at dahan-dahan pumasok. Nakaupo sa tapat ng bintana ang isang babae mayroon makintab na puti buhok.

Dahan-dahan ito tumingin sa akin. Agad sumalubong sa akin ang magkapares na kulay Violet nito Mata.

Mababakas ang lungkot sa mga mata nito. Lumapit ako at hinawakan ang kamay nito. Lumuhod ako sa harapan ng akin ina na ni minsan hindi ko nakausap simula ng isilang ako.

"Cassiopea,.. "

Pinagmasdan ko ito ng tawagin ako nito. Cassiopea Grethalyn Zhang, ang akin pangalan..

Sa una pagkakataon napaiyak ako ng tawagin nito ang akin pangalan.

"Ina, may nais ka po ba sabihin sa akin?"

Tumango ito sa akin at bumulong.

"Hanapin mo ang Tagapagmana ng Buo kaharian. "

Naguguluhan tiningnan ko ito? Bakit ko hahanapin ang tagapagmana ng kaharian kung ako at si Hudzon ang nagiisa anak ng mga ito.?

"H-hindi ko kayo maintindihan? "

Ngumiti ito sa akin na hindi umabot sa mga mata nito. Hinawakan nito ang noo ko at nakaramdam ako ng kakaibang pakiramdam.

"Arriva! Umalis ka na! Dalhin mo ang tagapagmana! Kailangan mailigtas siya!"

Napakislot ako ng makita ang akin Ina na nakatayo sa akin harapan. May galos ang buo nito mukha at katawan.

"Paano ka!" Napalingon ako sa babae nagsalita na nasa likod ko.

"Wag mo ko intindihan! Sabi ni Cassy darating ang araw na ito! Kailangan mo maitakas ang anak Niya!"

"Pero... Pero alam mo hindi natin mababago ang tadhana!"

"Hindi nga ! Hindi natin mababago ang tadhana! Pero ang mga tagapagmana! Ang mga bago tinadhana ng ating kasaysayan! Sila! Sila lang ang may kakayahan 'non! Kaya sige na! Iligtas mo na ang batang nagdadala ng kakaiba kapangyarihan! Arriva, Darating din ang panahon na magkikita tayo muli! At sa darating na iyon sabay tayo muli lalaban kasama ni Cassy!"

Nakita ko ang lungkot sa mga mata ng babae nanganglang Arriva. Ang akin Tiyahin na isang Guro sa Arcane.

Lalo ako naguguluhan sa mga nangyayari

Lumapit ako sa Tita Arriva ko at pinagmasdan ang bata hawak nito.

Napahawak ako sa bibig ng makita ko ang half moon na nakaguhit sa mga noo ng bata hawak nito.

Sa angkan ng mga Moonfire? Ngunit paano nangyari ? Ang alam ko ang mga Moonfire ang kalaban ng kanila kaharian? Matagal ng panahon ng matalo ng kanila Ama ang hari ng mga Moonfire.

Humihingal ako ng makabalik sa realidad. Pinagmasdan ko si Arsella na nakatingin sa pinto.

Nag-sign ito na tumahimik ako. Muli nalaman ito tumingin sa bintana at nakatulala.

Bumukas ang pinto at pumasok ang akin Ama na nakapoker face.

"Bumalik ka na sa silid mo Gretha!"

"Opo.. Paalam mahal ko Ina. "

Hindi ako sinulyapan ni Arsella at tahimik na nakatingin na sa labas na tila wala paki-alam sa paligid.

Paglabas ko mayroon ako narinig na akin ikinabahala.

"Hanggang kailan mo gagawin Yelo ang kwarto Mo Arsella! At hanggang kailan ka magmumukmok sa walang kwenta silid na ito! Dapat mo gampanan ang tungkulin mo bilang Reyna ko!"

Wala ako narinig na sagot mula sa akin Ina. Ngunit Ramdam ko ang pagtaas ng temperatura ng paligid. Galit na yelo ang aking nararamdaman. Kaya mabilis ako umalis. Alam kò nais nito mapag-isa. Ngayon ko napagtanto na nakuha ni Hudson ang isa sa ugali ng aming Ina. Ang pagiging mainit ng ulo nito pero hindi mo maaanigan ang kahit na ano galit sa mga mata o kilos nito. Bagkus ipaparamdam niya mismo sayo, at sa pagkakataon na iyon. Wala ka kawala sa kanya kapangyarihan. Balak ko puntahan si Tiya Arriva. At itanong dito ang pinakita ilusyon sa akin ni Mama. Natatakot ako, nagkakaroon ng kakaiba pagtatalo sa akin kaibuturan. Ano ba ang meron sa nakaraan? Sino nga ba ang mga moonfire?

Kaugnay na kabanata

  • Twin Of Destiny   Chapter Four

    LUNA POV.Dahan-dahan ko binuksan ang akin mga mata. Puting kisame ang una bumungad sa akin. Tumingin ako sa kanan ko na side at isang babae naka puti ang nakita ko.Ngumiti siya sa akin, Pero sinuklian ko lamang ito ng kunot ng noo."N-nasaan ako?""Nasa Infirmary ka, Dito dinadala ang mga studyante nasusugatan sa bawat pagsusulit na binibigay ng paaralan. Ako nga pala si Ellena, ang head Nurse ng school. "Humakbang ito papalapit sa akin. Nang makalapit agad nito hinawakan ang akin noo."Mabuti naman at okay ka na. Tatlo araw ka kasi wala malay. Maging ang babae kasabayan mo nakapasa sa pagsusulit hanggang ngayon hindi parin nagigising."Si Freya! Agad ako bumangon ng marinig ang huli sinabi niya.Nagpapanik na agad ako nito pinigilan."T-teka, hindi ka pwde tumayo. Mahina pa ang katawan mo.""Teka lang din miss, nais ko kasi makita kung Iyon babae ba tinutukoy mo ay ang kaibigan ko. "Kaibigan? Sandali? Saan ko nakuha ang mga salita na iyon? Samantala ang pagkakaalam ko simula ng m

  • Twin Of Destiny   Chapter Five

    Narrator pov Nakatayo ako ngayon sa isang bundok habang pinagmamasdan ang buo siyudad na tila napapalibutan ng isang transparent na ilaw. Ang bukod tanging nag-bibigay proteksyon sa buo kaharian ng magicus. Lumapit siya sa akin, ang lalaking kasa-kasama ko simula nong akin kabataan. Ang nag-iisa nilalang na hindi nag-pasakop sa namumuno ngayon at nag-iisa tao nag-protekta sa akin noon mga panahon ako ay tinutuligsa ng bago hari ng kaharian ng Magicus. Ang maliit na mundo para sa mga nilalang na salamangkera, mangkukulam at iba pang mayroon natatangi kapangyarihan. "Naririto ka nalaman, tinitingnan ang lugar na siyang dahilan kung bakit ka nalayo sa kanya. " sabi nito at tumabi sa akin. Hinawakan nito ang aking kamay at dinampian ng mumunting mga halik, "Nararamdaman ko sa kanya nanggagaling ang kapangyarihan na iyon, Yno," "Natatakot ka ba na maging hudyat ito ng panibago digmaan na ilang taon ng nakakalipas?" Bumuntong-hininga ako, "Medyo, pero kasi nak

  • Twin Of Destiny   Chapter Six

    LUNA POV "Hi po... " nasabi ko habang umuupo kaming dalawa ni Freya. Katapat ko ang Prinsepe na naka-yuko at hindi na ako tiningnan pa. "Tsk! bakit dito mo pinaupo 'yang mga iyan, Dos!" React agad ni Sisiw, Nakasimangot ito at binaba ang kinakain na tinapay. "Bakit gusto ba namin umupo dito? " pabalang na tanong din ni Freya na akma namang tatayo ng pigilan ko. Ngumiti ako dito at tiningnan si Sisiw. "Ikaw naman Sisiw ang sungit mo, Kalimutan na lang natin ang mga nangyari sa pagsusulit. "simubukan ko mag-pa-cute sa harapan nito. "Stop Calling me Sisiw!" hala nagalit ang mukha sisiw, hehe.. Narinig ko ang pagbagsak ng baso ng prinsepe, Eh? Ano nalaman ba ang problema nito, Napaka-bayolente naman. Nakarinig naman ako ng tawa sa banda ni Freya. Katabi ng kaibigan 'yong lalaki naka-brown, na tumulong noon na buhatin si Sisiw. "Hi, Im Luna. Kamusta kayo?" "Tsk!" Si Freya. "Im Gred, Gred Gwyndolin, Rank Seven. 'Yong sisiw na tinatawag mo siya si

  • Twin Of Destiny   Chapter Seven

    LUNA POV Hindi ko alam kung ano ang aking iisipin matapos ko marinig ang sinabi ni Ms. Arriva na kami daw ang ika-apat na Gemini ng Henerasyon na ito. Nagpunta kami agad ni Freya sa Isang silid-aklatan para i-confirm ang tungkol sa Gemini generation. Si Ms. Arriva na sana ang mag-sasabi at mag-papaliwanag pero naudlot ito at sinabihan kami n tumahimik saglit. Nakita namin ang isang studyante tila ba kagaya namin kanina naliligaw din. Nang ito ay humarap, si Liza pala. Kaya ngayon andito kami ni Freya sa library para magbasa, I mean ako lang pala. Dahil ayaw na ayaw daw nito ang nagbabasa. Sumalampak na nga lang ito sa lamesa at pinikit ang mga mata. Kaso kahit ano halug-hog ko, wala naman aklat ang naglalaman ng tungkol sa mga Gemini. Wala libro nagpapatunay tungkol sa kanila. Tila ba sinadya ito burahin sa kahit saan kasaysayan. "Hay's wala naman dito eh!" Naiinis na umupo ako sa tabi ni Freya. "May nahanap ka?" Tinaas nito ang ulo at tiningnan ako.

  • Twin Of Destiny   Chapter Eight

    LUNA POV"Balisa at nalilito ako sa iyoTunay ba ang pag-ibig moPinahirapan, sinaktan mo langAng puso koSana nga'y di na nag-tagpo." Nakaupo ako sa upuan bandang tapat ng bintana habang kumakanta ng Balisa by Angel kanta ito sa favorite teleserye niya sa telebisyon noong nasa mundo siya ng mga tao ang title ng palabas ay 'Fated to love You'. Sa tabi ko naman si Freya na nakayuko lang sa lamesa. Kasalukuyan kami nasa room habang naghihintay sa dapat naming Prof. Madami-dami din pala ang mga classmate ko sa section yellow. Siguro mga nasa tweenty din hehehe.. Para din naman ako nasa school ng mga tao kung saan ako lumaki. bigla ko din naisip na medyo nakakamiss din sa mundo ng mga mortal kung saan bully din ang mga nagiging classmate ko.Napag-alaman ko kasi sa mundo pala na ito uso din ang mga bully kagaya na lang grupo nila sisiw, sila kasi ang numero unong bully dito dahil siguro nasa ranking kaya mayayabang."Baby, honey mahal kitaDi ko mapigil 'tong nadaramaTuruan man ang pus

  • Twin Of Destiny   Chapter Nine

    LUNA pov Ilang minuto na lang at ako na ang susunod, medyo nakakaramdam ako ng kaba. Ito ang kauna-unahan sa buhay ko na aapak sa stage para kumanta. Suot ko ang binigay ni Ms. Arriva na damit. Isa ito stripe na long sleeve at may ribbong itim sa leeg. Pinonytail ko pataas ang aking buhok at nag-rubber shoes ako ng puti. Lalo pa aki kinabahan ng makitang marami tao este studyante ng magicus ang nandito para manood. Napag-alaman ko na nakuha pa daw itong suot ko ni Ms. Arriva sa mundo ng mga tao. Sana nag-dala o kumuha na rin siya ng barya sa mundo ng mga tao para ilalagay ko sa loob ng rubber shoes. Sa mundo kasi ng mga mortal naka-gawian ng ilagay ang barya sa sapatos para maibsan ang nararamdamang kaba. Kasalukuyan kami nakatayo ni Freya sa likod ng stage. Binatukan ako nito na para ba sinasabi wag ako kabahan. Napaka-sweet talaga ng kaibigan ko na ito sarap itapon sa mundo ng mga tao, ops! baka nababasa nalaman nito ang nasa isipan ko, "Kaya mo iyan, Andoon lang ako malapit sa

  • Twin Of Destiny   Chapter 10

    LUNA POV Pasalampak ako humiga sa kama, sobra ang pagod ko dahil sa ginawa ko sa stage. Grabe nakakapagod ngayon araw. Hindi ko akalain makakaya ko mag-perform ng sobra sa stage para bang may kakaibang powers 'yong damit na pinasuot ni Ms. Arriva sa akin kanina. Para bang nagkaroon ako ng lakas ng loob sa pagakyat ko sa stage bigla na lang may kung ano sa akin katawan basta na lang ako umindak kasabay ng tugtog. Ang kaninang kaba na nararamdaman ko unti-unting nawala. "Mag-tiwala ka lang sa kakayahan mo, Ms. Moon. You will bright like a star today. " naaalala ko pa ang huling sinabi ni Ms. Arriva pagbigay sa akin ng damit na susuotin ko."Sus kunwari ka pa. Galing-galing mo nga eh, tapos ikaw pa ang nanalo!" Sabi ni Freya nilagay ang medal ko sa drawer, Saka umupo sa tabi ko.Niyakap ko ito. "Hoy! Ano ba? " natatawang tinugon nito ang yakap ko.Kung babalikan ko ang lahat isa sa hindi ko pagsisishan at kalilimutan na nagkaroon ako ng kaibigan sa katauhan ni Freya, kahit sa maikl

  • Twin Of Destiny   Chapter 11

    LUNA POV Andito na kami ngayon ni Freya sa battelfield kung saan mayroon announcer na isa-isa pinaliwanag sa amin ang tungkol sa magaganap na pagsusulit sa araw na ito. Una nito pinaliwanag na kinakailangan kami mag-group sa lima. Bawat grupo papasok sa loob ng nag-liliwanag na pintuan kung saan ito ang magiging lagusan patungo sa isang isla. Sa lugar kung saan mayroon kami task na gagawin. Mechanics ng pag-susulit na ito kinakailangan namin hanapin ang flag na nakatalaga sa bawat grupo. Pangalawa, kinakailangan kumpleto ang lahat ng grupo na makakatawid sa kabilang Isla kung saan naghihintay ang isa pang pintuan pabalik sa magicus. Ang grupo na hindi kumpleto ay idedeklarang tao. Pangatlo, kinakailangan kalabanin ang grupo maaaring himadlang, sa pagsusulit na ito masusukat ang lakas, tapang, determinasyon at team work ng isang kupunan.Mataas na puntos para sa makakalagpas na grupo, Mababa puntos para sa mga matatalo. Sa isang malaking screen unting-unti lumabas ang pangalan ng

Pinakabagong kabanata

  • Twin Of Destiny   Chapter 26

    LUNA POVPinilit kong ikalma ang sarili ko habang nililibot ang aking mga mata sa buong paligid. Napansin kong nasa hindi ako pamiliar na lugar. Nasa isang liblib na lugar ako na napupuno ng naglalakihang mga puno, at napaka-dilim sa buong paligid. Naglakad ako ng bahagya, nakita ko ang pagsilip ng malaking buwan na bilog na bilog. Tila gumagalaw ito kaya sinundan ko, medyo malayo-layo na rin ang nilakad ng mga paa ko, kaya marahil nakaramdam ako ng kapaguran at saglit na umupo sa isang bato. Medyo maliwanag na sa may parte kung saan ako nakapwesto, dahil nabawasan na ang mga puno at kitang-kita ko na ang nakakasilaw na liwanag ng buwan. "Nasaan ako?" na-ibulong ko sa aking sarili at nilingon ang likuran. Makikita doon ang isang malaking bundok nasa gitna nito ang isang maliit na pintuan. Napakunot ang noo ko, dahil kanina wala naman ito sa aking likuran. Tumayo ako at nilapitan ko ang kulay brown pintuan. Nilapit ko ang kamay ko sa may pintuan para sana ito ay tulakin dahil wala a

  • Twin Of Destiny   Chapter 25

    FREYA POVPinagmasdan ko si Luna habang tinititigan ang mga gamit na nasa lamesa, mga libro na nakakalat sa sahig, kasalukyan kaming nasa kwarto niya ata habang ang iba ay nasa baba. Nilibot ko ang paningin sa buong paligid. Kasalukuyan kaming huminto sa bahay na tinutuluyan dati ni Luna. Dahil na rin kay Ms. Anna, hindi ko lang alam kung ano ang purpose nito pero tingin ko naman gusto din naman ni Luna kahit hindi nito sabihin. Napakaluma na ng lugar, mahahalata sa mga gamit na narito na parang sina-una pa ata ang mga gamit. Nakakalat din sa buong paligid ang ilang mga gamit na tila ba nagkaroon dito ng kaguluhan, nanakawan ba ang lugar na ito? Nakakalat kasi ang mga libro na sa palagay ko dating nakalagay sa cabinet.Lumapit ako sa isang lamesa kung saan nakalapag ang mga picture frame na naka-tumba. Kinuha ko ang isang frame at tinitigan ang sanggol na hawak ng dalawang matandang mag asawa marahil ito ang mga magulang ni Luna. May kung ano sa aking puso na ikinabigla ko, napah

  • Twin Of Destiny   Chapter 24

    ALISTAIR DAMIANA POVPinagmasdan ko ang batang babaeng lumapit kay Luna na kasalukuyang nakatayo at sinalubong ang mga bata na nakasama nito noong nasa mundo ng mga tao ang babae. Ito ang bahay-ampunan na madalas nitong puntahan, hindi kalayuan sa lugar na ito ang dating tinitirhan nito na ilang kilo-metro din ang layo. "Ate Luisa!""Ate Luna!!!!!"Ilan lang iyan sa mga sigaw ng mga batang maririnig ko ng makita si Luna. Napa-ngiti ako ng may maalala sa katauhan nito. "Sabihin mo sa akin, Damiana. May nakikita ka ba sa katauhan niya?" inabot sa akin ni Arriva ang isang basong tubig pag-kalapit nito sa akin."Dalawa ang nakikita ko sa kanya, Arriva. Nasa lahi na siguro nila iyon, sa ilang dekada ko pamumuhay sa mundong ito, ilan sa kanila ang nakita at nakilala ko na. At kailanman mukhang hindi naalis sa kanila ang pag-uugali na iyon." napailing ako. isang bagay na hiniling ko sana nabago sa bagong henerasyon."Mukha bang nabigo sila Matilda tanggalin ang bagay na iyon, Damiana." pi

  • Twin Of Destiny   Chapter 23

    LUNA POVNapasigaw ako ng unti-unti ko nararamdaman ang mabilis na pagbulusok ko pababa dahil sa gravity.Hanggang sa masob-sob ako sa lupa kasabay ko bumagsak mula sa portal si Freya na sa likod ko tumama ang pwetan at nadulas sa lupa. Parehas kami napa-ngiwi sa gulat at naramdaman. Samantala ang dalawang lalaki na kasabay naming pumasok sa portal ay naka-chill lang habang merong ulap sa mga paa nito na siya'ng dahilan kung bakit maayos naka-landing ang mga ito sa lupa. Kasabay ang na-aamaaze na si Ms. Arriva, "Mukhang kailangan ko pa talaga kayo hasaain at dagdagan pa iniyong kakayahan, girls." naka-ngiti sabi ng babae bago kami inalalayang tumayo. Nakita ko ang pag-irap ni Hudson, Yawa bakit ba kasama namin ang mga ito?Tinaasan ko ng kilay si Hudson, "Bakit ba kasama namin kayo dito? Wag niyo sabihing kasama namin kayo sa buong pagsasanay?""parang ganoon na nga," naka-ngiting sabi ni Blixs."No!" sabay kaming napa-sigaw ni Freya. Aba! Hindi kami papayag na makasama ang mga ito

  • Twin Of Destiny   Chapter 22

    LUNA POVPagkababa ko sa sasakyan agad ako napalapit sa gitna, sa lugar na ito una ako dinala ng kwintas na suot ko.Pinagmasdan ko ang isang cresent moon na logo na nasa gitna. Nakita ko ito sa isa sa libro, ang simbolo ng mga dating namuno sa lugar na ito, ang makapangyarihang angkan ng mga Moonfire. Noon una ako dumating puro damo ito, pero bakit ngayon tila isa ito malawak na lugar na bagamat bilog parin naman, At ang dalawang puno na matatanda na. Hindi kaya may iba pang lagusan?Yumuko ako at tinukod ko ang isang tuhod sa lupa. Pinagmasdan ko ang cresent moon, akmang hahawakan ko na kasi nakakita ako ng maliliit na liwanag ng bigla may humawak sa pulsuhan ko."Don't touch it!"Napaupo ako sa lapag dahil sa gulat, langya naman oh! Kung makapagsabi naman ito ng dont touch it, akala mo nakagawa na ako ng isang krimen, Jusmiyo naman ito!"Garabe ka naman, Mr. Mando! Nakakagulat ka ah, hindi ako pala-kape pero walang gulatan."Sabi ko habang pinapag-pag ang short. Napahinto ako ng

  • Twin Of Destiny   Chapter 21

    FREYA POV Nakita ko nag-iimpake na ng mga damit si Luna, lumapit ako at tinapik ito, Gulat ito tumingin sa akin. "Oh, bakit di ka pa nag-aayos? Ngayon ang alis natin diba?" Kinamot ko ang loob ng tenga ko, "wala naman ako dadalhin damit eh, alangan namang suutin ko iyon damit ko may logo ng bandido?" Saglit ito hindi umimik, wala naman talaga ako ibang damit maliban sa uniform ko dito sa school. Napakamot ito sa ulo, "kung sabagay, di'ba hindi naman tayo agad-agad mag-eensayo pagdating natin sa mundo ng mga tao, kung gusto mo papahiramim muna kita ng mga damit ko tapos bili na lang tayo sa ukay-ukay ng mga damit na susuutin mo sa mundo ng mga tao." Masayang segunda nito bago inabot sa akin ang isang yellow na polo shirt at isang asul na pants. "I-ito ba ang sinusuot sa mundo ng mga tao?" Takang tanong ko, Tumango si Luna, "oo, magpalit ka na doon, baka mamaya hinihintay na tayo ni Ms. Arriva," Pumunta ako ng CR para suotin ang damit nito, akalain mo halos magkasukat lang kami

  • Twin Of Destiny   Chapter 20

    ARRIVA POVPapalapit ako ngayon sa lalaking nakaupo sa gintong upuan, nababalot ng magagandang bulaklak ang trono nito sa palasyo, ang Trone Hall. Sa gilid nito ang isang maliit pero may ginto paring upuan na dapat sa reyna ng kaharian pero ang babaeng pula ang buhok ang kasalukuyan nakaupo dahil ang akin kapatid na siya reyna ay mayroon sakit.Tumayo sa kinauupuan ang lalaki siyang kasalukuyang hari ng kaharian, ang tampalasan at tunay na traidor.Kinuyom ko ang aking kamao ng paglapit nito ay nakatikim ako ng sampal."Bakit ka nagdesisyon na sa mundo ng mga tao mag-eensayo ang mga baguhan ng walang pahintulot sa akin, Arriva?" Madiin nito bungad sa akin matapos ako sumalampak sa sahig na mayroon pulang carpet.Dahan-dahan ako tumayo, tinitiis ang nag-aalpas ko na galit. Kung hindi lang sa mga plano isinasagawa ko at ang nalalapit na pinaka-hinihintay ko sandali baka nag-siklab na ang aking kinikim-kim na galit. Nakikita ko sa gilid ng aking mata ang mukha ng babae na tila ba nas

  • Twin Of Destiny   Chapter 19

    BLIXS POV"Iyong babae nakita ko sa bintana, sino siya?" Tanong ni Elizabeth habang naglalakad kami papunta sa palasyo.Tumingin ako saglit sa babae nag-panganak sa akin pero ang tingin sa amin mag-kapatid ay isang kasangkapan."Siya si Freya Altamonte, Ina."Ngumiti ng bahagya ang aking ina na kalahati mortal at kalahating magus (magicus)."Ah, siya pala iyong nakalaban ni Gretha. Sabi nga niya ayaw daw niya sa babae na iyon. "Hindi ako umimik, di naman lingid sa lahat na pinagiinitan ng grupo ni Gretha sila Freya. Hindi ko nga lang din maintindihan kung bakit at kailan nagsimula ang di pagkakaunawaan sa mga ito."Nararamdaman ko, malakas ang kanya kapangyarihan. Pwede mo ba siya bantayan, mahal ko unico iho?"Tinitigan ko ang ngiti nito na tila ba mayroon binabalak. Pa-simple ako lumunok, Maya-maya tumango ako.Hinawakan nito ang aking buhok. "Alam ko magiging mabuti ka anak, Blizs. Kaya nga ikaw ang naririto sa tabi ko kesa sa ate mo hindi ba?"Lihim ako nagtatangis sa galit dahil

  • Twin Of Destiny   chapter 18

    FREYA POV Binaba ko ang hawak na wand ko sa harapan ng desk at umupo. Tinitigan ko ang labas, sabay buntong-hininga. Umuulan nalaman kasi sa labas, iniisip ko ang mga nasa kagubatan. Ang aking kinagisnan buhay sa piling ng mga bandido. Nasisiguro ko nagkukubli nalaman ang mga ito sa mga kweba dahil sa lakas ng ulan, O baka gumawa nalaman si Yno ng isang spell para maging silungan ng mga ito. Mayroon makapangyarihan shield ang pangkat ng mga bandido kung kayat hindi ito nakikita basta-basta ng kahit na sino. Kahit magtungo ang ibang mage o kahit sino makapangyarihan sorcery para hanapin ang mga kagaya nila rebelde, mahihirapan ang mga ito hanapin ang kinaroroonan ng mga ito. Napakunot ang noo ko ng pagsilip ko sa bintana sa may bandang puno may isang babae na nakatayo doon. Pulang-pula na para bang kakulay ng dugo ang buhok nito. Nakatingin ito sa malayo na para bang may hinihintay. Maya-maya nakita ko ang humahangos na si Blixs papalapit sa babae. Tumingin sa akin ang babae at

DMCA.com Protection Status