LUNA POV"Balisa at nalilito ako sa iyoTunay ba ang pag-ibig moPinahirapan, sinaktan mo langAng puso koSana nga'y di na nag-tagpo." Nakaupo ako sa upuan bandang tapat ng bintana habang kumakanta ng Balisa by Angel kanta ito sa favorite teleserye niya sa telebisyon noong nasa mundo siya ng mga tao ang title ng palabas ay 'Fated to love You'. Sa tabi ko naman si Freya na nakayuko lang sa lamesa. Kasalukuyan kami nasa room habang naghihintay sa dapat naming Prof. Madami-dami din pala ang mga classmate ko sa section yellow. Siguro mga nasa tweenty din hehehe.. Para din naman ako nasa school ng mga tao kung saan ako lumaki. bigla ko din naisip na medyo nakakamiss din sa mundo ng mga mortal kung saan bully din ang mga nagiging classmate ko.Napag-alaman ko kasi sa mundo pala na ito uso din ang mga bully kagaya na lang grupo nila sisiw, sila kasi ang numero unong bully dito dahil siguro nasa ranking kaya mayayabang."Baby, honey mahal kitaDi ko mapigil 'tong nadaramaTuruan man ang pus
LUNA pov Ilang minuto na lang at ako na ang susunod, medyo nakakaramdam ako ng kaba. Ito ang kauna-unahan sa buhay ko na aapak sa stage para kumanta. Suot ko ang binigay ni Ms. Arriva na damit. Isa ito stripe na long sleeve at may ribbong itim sa leeg. Pinonytail ko pataas ang aking buhok at nag-rubber shoes ako ng puti. Lalo pa aki kinabahan ng makitang marami tao este studyante ng magicus ang nandito para manood. Napag-alaman ko na nakuha pa daw itong suot ko ni Ms. Arriva sa mundo ng mga tao. Sana nag-dala o kumuha na rin siya ng barya sa mundo ng mga tao para ilalagay ko sa loob ng rubber shoes. Sa mundo kasi ng mga mortal naka-gawian ng ilagay ang barya sa sapatos para maibsan ang nararamdamang kaba. Kasalukuyan kami nakatayo ni Freya sa likod ng stage. Binatukan ako nito na para ba sinasabi wag ako kabahan. Napaka-sweet talaga ng kaibigan ko na ito sarap itapon sa mundo ng mga tao, ops! baka nababasa nalaman nito ang nasa isipan ko, "Kaya mo iyan, Andoon lang ako malapit sa
LUNA POV Pasalampak ako humiga sa kama, sobra ang pagod ko dahil sa ginawa ko sa stage. Grabe nakakapagod ngayon araw. Hindi ko akalain makakaya ko mag-perform ng sobra sa stage para bang may kakaibang powers 'yong damit na pinasuot ni Ms. Arriva sa akin kanina. Para bang nagkaroon ako ng lakas ng loob sa pagakyat ko sa stage bigla na lang may kung ano sa akin katawan basta na lang ako umindak kasabay ng tugtog. Ang kaninang kaba na nararamdaman ko unti-unting nawala. "Mag-tiwala ka lang sa kakayahan mo, Ms. Moon. You will bright like a star today. " naaalala ko pa ang huling sinabi ni Ms. Arriva pagbigay sa akin ng damit na susuotin ko."Sus kunwari ka pa. Galing-galing mo nga eh, tapos ikaw pa ang nanalo!" Sabi ni Freya nilagay ang medal ko sa drawer, Saka umupo sa tabi ko.Niyakap ko ito. "Hoy! Ano ba? " natatawang tinugon nito ang yakap ko.Kung babalikan ko ang lahat isa sa hindi ko pagsisishan at kalilimutan na nagkaroon ako ng kaibigan sa katauhan ni Freya, kahit sa maikl
LUNA POV Andito na kami ngayon ni Freya sa battelfield kung saan mayroon announcer na isa-isa pinaliwanag sa amin ang tungkol sa magaganap na pagsusulit sa araw na ito. Una nito pinaliwanag na kinakailangan kami mag-group sa lima. Bawat grupo papasok sa loob ng nag-liliwanag na pintuan kung saan ito ang magiging lagusan patungo sa isang isla. Sa lugar kung saan mayroon kami task na gagawin. Mechanics ng pag-susulit na ito kinakailangan namin hanapin ang flag na nakatalaga sa bawat grupo. Pangalawa, kinakailangan kumpleto ang lahat ng grupo na makakatawid sa kabilang Isla kung saan naghihintay ang isa pang pintuan pabalik sa magicus. Ang grupo na hindi kumpleto ay idedeklarang tao. Pangatlo, kinakailangan kalabanin ang grupo maaaring himadlang, sa pagsusulit na ito masusukat ang lakas, tapang, determinasyon at team work ng isang kupunan.Mataas na puntos para sa makakalagpas na grupo, Mababa puntos para sa mga matatalo. Sa isang malaking screen unting-unti lumabas ang pangalan ng
LUNAPagkapasok namin sa lagusan nakaramdam ako ng kakaibang pang-lalamig dahil sa klima. Giniginaw na niyakap ko ang sarili, Naramdaman kong may naglagay ng makapal na jacket sa balikat ko, agad ko ito sinuot at tiningnan ang babae nagbigay sa akin ng jacket. "Thank You Liza." Ngumiti lang ito sa akin, At nauna ng naglakad."Bakit ba kasama natin iyang babae na iyan? Dami-dami namang pwdeng maging kasama.!" Himutok ni Freya." baka ka-grupo natin siya,Freya. " napakamot tuloy ako sa ulo, "Saka bakit ka ba naiinis kay Liza, May nagawa ba siya sayo na ikinaiinis mo?"Naglalakad kami ngayon sa napaka-kapal na nagyeyebeng lugar, Tapos nakaktuwa kasi Umuulan pa ng snow. Ngayon lang ako nakakita ng snow all of my life,"Haist, Kilala ko iyan, eh! Kilalang kilala, dahil anak siya ng mga umampon sa akin. Hindi ko nga mawari kung bakit lag na langi nakasunod iyan sa akin! Kung saan 'man ako magpunta nakasunod siya." frustrated nito ginulo ang buhok. "Mahirap dito Luna, at ayokong mapahamak
LUNA POVIpinagpatuloy namin ang paglalakbay para sa aming mission.Saglit kami huminto sa isang mapuno lugar para makapagpahinga dahil mag-gagabi narin naman. Gumawa ng boonfire si Blixz gamit ang kanyang spell. Sa ginawa nito boonfire nawala ng bahagya ang lamig na nararamdaman ko dahil sa sobrang pag-ulan ng niyebe. Matapos gumawa ni Blixz ng boonfire niyaya nito si Hudson na mangaso para mayroon kami makain dahil wala naman kaming baon na pagkain.Nagpapainit kami ni Freya sa boonfire gamit ang dalawa kamay namin na nakatapat sa apoy habang nagkwekwentuhan. Tahimik lang si Liza at hindi nagsasalita.Nagulat na lang kami ng maraming naka-black ang pumaikot sa amin. Pare-parehas kami tumayo ni Liza at inihanda ang sarili."Si Luna lang ang kailangan namin, Wag na kayo lumaban!"Sabi 'nong isang nakaitim. Teka, nalaman na ba nila na ako ang isa sa mga Moonfire? Pero hindi eh, imposible. Kasi parang ibang mga nilalang ito ngayon. Hindi ito kagaya ng mga tao na nagpunta noon sa
LUNA POV Matapos ang nangyari kahapon, wala ni isa sa amin ang nagsalita upang pag-usapan ang nangyari. Patuloy kami sa paglalakad hangang sa makarating kami sa tuktok ng burol. Unti-unti na nawawala ang pag-ulan ng niyebe pero meron parin kaunting lamig sa paligid. Kanina meron kami liwanag kaya ito ay sinundan namin, mayroon pintuan kami nakita kaya sinubukan namin ito pasukin. Lagusan pala ito papunta sa burol. Akla ko ba nasa isang isla kami? Pero bakit wala kami makita ni ano 'mang dagat? Ni kahit sino mga studyante ng Arcane wala kami makasalubong, Ano klaseng pagsusulit ba ito? "Hay naku, Tama ba ito pinuntahan natin?" nakasimangot ako tanong sa mga ito, "kasi naman kanina pa tayo lakad ng lakad pero ni isa sa mga taga-Arcane wala tayo makita, ni glag nga natin hindi ko makita." "Shut Up!" Angil noon pinaglihi sa sama ng loob, Napaka-talaga! Akala mo kung sino gwapo, sus! Gwapo naman talaga, Ngie! hayop ito puso ko, abnormal na ata. Medyo maharot na ah, "Eh, Kung ayoko ma
FREYA POVBigla ang pagkabog ng akin Dibdib. Napalingon ako sa gawi ni Luna na tinangay ng malakas na hangin."Luna!" Akma tatakbo ako papunta kung saan ito, Nang maramdaman ko tatama din sa akin ang Kidlat na latigo na galing kay Redhead, Hindi ako pwede masugutan. Kung Hindi, mas lalo mapapahamak si Luna.Gagamitin ko sana ang wand ko ng maramdaman ko may humarang sa harapan ko.Blixz!Nagulat ako ng nasa harapan ko na ito at hawak na ang latigo-kidlat ni Redhead.Hinila ni Blizx ang latigo, Nahatak din nito si Gretha na makikitang nagulat, dahil narin siguro sa biglaang pagdating ng binata sa aming harapan at nagawa pa nitong tiisin ang sakit na nagmumula sa makapangyarihan latigo ng Prinsesa. Maski ako nagulat sa lakas ng pain tolerance nito. Pero mapapansin ko parin ang kunting pagngiwi ng binata dahil narin siguro sa sakit, ang mga kamay nito na namumula na para bang napapaso. Nang makalapit si Gretha kay Blixz hindi na ito nakapalag pa ang huli at para bang meron kapangya
LUNA POVPinilit kong ikalma ang sarili ko habang nililibot ang aking mga mata sa buong paligid. Napansin kong nasa hindi ako pamiliar na lugar. Nasa isang liblib na lugar ako na napupuno ng naglalakihang mga puno, at napaka-dilim sa buong paligid. Naglakad ako ng bahagya, nakita ko ang pagsilip ng malaking buwan na bilog na bilog. Tila gumagalaw ito kaya sinundan ko, medyo malayo-layo na rin ang nilakad ng mga paa ko, kaya marahil nakaramdam ako ng kapaguran at saglit na umupo sa isang bato. Medyo maliwanag na sa may parte kung saan ako nakapwesto, dahil nabawasan na ang mga puno at kitang-kita ko na ang nakakasilaw na liwanag ng buwan. "Nasaan ako?" na-ibulong ko sa aking sarili at nilingon ang likuran. Makikita doon ang isang malaking bundok nasa gitna nito ang isang maliit na pintuan. Napakunot ang noo ko, dahil kanina wala naman ito sa aking likuran. Tumayo ako at nilapitan ko ang kulay brown pintuan. Nilapit ko ang kamay ko sa may pintuan para sana ito ay tulakin dahil wala a
FREYA POVPinagmasdan ko si Luna habang tinititigan ang mga gamit na nasa lamesa, mga libro na nakakalat sa sahig, kasalukyan kaming nasa kwarto niya ata habang ang iba ay nasa baba. Nilibot ko ang paningin sa buong paligid. Kasalukuyan kaming huminto sa bahay na tinutuluyan dati ni Luna. Dahil na rin kay Ms. Anna, hindi ko lang alam kung ano ang purpose nito pero tingin ko naman gusto din naman ni Luna kahit hindi nito sabihin. Napakaluma na ng lugar, mahahalata sa mga gamit na narito na parang sina-una pa ata ang mga gamit. Nakakalat din sa buong paligid ang ilang mga gamit na tila ba nagkaroon dito ng kaguluhan, nanakawan ba ang lugar na ito? Nakakalat kasi ang mga libro na sa palagay ko dating nakalagay sa cabinet.Lumapit ako sa isang lamesa kung saan nakalapag ang mga picture frame na naka-tumba. Kinuha ko ang isang frame at tinitigan ang sanggol na hawak ng dalawang matandang mag asawa marahil ito ang mga magulang ni Luna. May kung ano sa aking puso na ikinabigla ko, napah
ALISTAIR DAMIANA POVPinagmasdan ko ang batang babaeng lumapit kay Luna na kasalukuyang nakatayo at sinalubong ang mga bata na nakasama nito noong nasa mundo ng mga tao ang babae. Ito ang bahay-ampunan na madalas nitong puntahan, hindi kalayuan sa lugar na ito ang dating tinitirhan nito na ilang kilo-metro din ang layo. "Ate Luisa!""Ate Luna!!!!!"Ilan lang iyan sa mga sigaw ng mga batang maririnig ko ng makita si Luna. Napa-ngiti ako ng may maalala sa katauhan nito. "Sabihin mo sa akin, Damiana. May nakikita ka ba sa katauhan niya?" inabot sa akin ni Arriva ang isang basong tubig pag-kalapit nito sa akin."Dalawa ang nakikita ko sa kanya, Arriva. Nasa lahi na siguro nila iyon, sa ilang dekada ko pamumuhay sa mundong ito, ilan sa kanila ang nakita at nakilala ko na. At kailanman mukhang hindi naalis sa kanila ang pag-uugali na iyon." napailing ako. isang bagay na hiniling ko sana nabago sa bagong henerasyon."Mukha bang nabigo sila Matilda tanggalin ang bagay na iyon, Damiana." pi
LUNA POVNapasigaw ako ng unti-unti ko nararamdaman ang mabilis na pagbulusok ko pababa dahil sa gravity.Hanggang sa masob-sob ako sa lupa kasabay ko bumagsak mula sa portal si Freya na sa likod ko tumama ang pwetan at nadulas sa lupa. Parehas kami napa-ngiwi sa gulat at naramdaman. Samantala ang dalawang lalaki na kasabay naming pumasok sa portal ay naka-chill lang habang merong ulap sa mga paa nito na siya'ng dahilan kung bakit maayos naka-landing ang mga ito sa lupa. Kasabay ang na-aamaaze na si Ms. Arriva, "Mukhang kailangan ko pa talaga kayo hasaain at dagdagan pa iniyong kakayahan, girls." naka-ngiti sabi ng babae bago kami inalalayang tumayo. Nakita ko ang pag-irap ni Hudson, Yawa bakit ba kasama namin ang mga ito?Tinaasan ko ng kilay si Hudson, "Bakit ba kasama namin kayo dito? Wag niyo sabihing kasama namin kayo sa buong pagsasanay?""parang ganoon na nga," naka-ngiting sabi ni Blixs."No!" sabay kaming napa-sigaw ni Freya. Aba! Hindi kami papayag na makasama ang mga ito
LUNA POVPagkababa ko sa sasakyan agad ako napalapit sa gitna, sa lugar na ito una ako dinala ng kwintas na suot ko.Pinagmasdan ko ang isang cresent moon na logo na nasa gitna. Nakita ko ito sa isa sa libro, ang simbolo ng mga dating namuno sa lugar na ito, ang makapangyarihang angkan ng mga Moonfire. Noon una ako dumating puro damo ito, pero bakit ngayon tila isa ito malawak na lugar na bagamat bilog parin naman, At ang dalawang puno na matatanda na. Hindi kaya may iba pang lagusan?Yumuko ako at tinukod ko ang isang tuhod sa lupa. Pinagmasdan ko ang cresent moon, akmang hahawakan ko na kasi nakakita ako ng maliliit na liwanag ng bigla may humawak sa pulsuhan ko."Don't touch it!"Napaupo ako sa lapag dahil sa gulat, langya naman oh! Kung makapagsabi naman ito ng dont touch it, akala mo nakagawa na ako ng isang krimen, Jusmiyo naman ito!"Garabe ka naman, Mr. Mando! Nakakagulat ka ah, hindi ako pala-kape pero walang gulatan."Sabi ko habang pinapag-pag ang short. Napahinto ako ng
FREYA POV Nakita ko nag-iimpake na ng mga damit si Luna, lumapit ako at tinapik ito, Gulat ito tumingin sa akin. "Oh, bakit di ka pa nag-aayos? Ngayon ang alis natin diba?" Kinamot ko ang loob ng tenga ko, "wala naman ako dadalhin damit eh, alangan namang suutin ko iyon damit ko may logo ng bandido?" Saglit ito hindi umimik, wala naman talaga ako ibang damit maliban sa uniform ko dito sa school. Napakamot ito sa ulo, "kung sabagay, di'ba hindi naman tayo agad-agad mag-eensayo pagdating natin sa mundo ng mga tao, kung gusto mo papahiramim muna kita ng mga damit ko tapos bili na lang tayo sa ukay-ukay ng mga damit na susuutin mo sa mundo ng mga tao." Masayang segunda nito bago inabot sa akin ang isang yellow na polo shirt at isang asul na pants. "I-ito ba ang sinusuot sa mundo ng mga tao?" Takang tanong ko, Tumango si Luna, "oo, magpalit ka na doon, baka mamaya hinihintay na tayo ni Ms. Arriva," Pumunta ako ng CR para suotin ang damit nito, akalain mo halos magkasukat lang kami
ARRIVA POVPapalapit ako ngayon sa lalaking nakaupo sa gintong upuan, nababalot ng magagandang bulaklak ang trono nito sa palasyo, ang Trone Hall. Sa gilid nito ang isang maliit pero may ginto paring upuan na dapat sa reyna ng kaharian pero ang babaeng pula ang buhok ang kasalukuyan nakaupo dahil ang akin kapatid na siya reyna ay mayroon sakit.Tumayo sa kinauupuan ang lalaki siyang kasalukuyang hari ng kaharian, ang tampalasan at tunay na traidor.Kinuyom ko ang aking kamao ng paglapit nito ay nakatikim ako ng sampal."Bakit ka nagdesisyon na sa mundo ng mga tao mag-eensayo ang mga baguhan ng walang pahintulot sa akin, Arriva?" Madiin nito bungad sa akin matapos ako sumalampak sa sahig na mayroon pulang carpet.Dahan-dahan ako tumayo, tinitiis ang nag-aalpas ko na galit. Kung hindi lang sa mga plano isinasagawa ko at ang nalalapit na pinaka-hinihintay ko sandali baka nag-siklab na ang aking kinikim-kim na galit. Nakikita ko sa gilid ng aking mata ang mukha ng babae na tila ba nas
BLIXS POV"Iyong babae nakita ko sa bintana, sino siya?" Tanong ni Elizabeth habang naglalakad kami papunta sa palasyo.Tumingin ako saglit sa babae nag-panganak sa akin pero ang tingin sa amin mag-kapatid ay isang kasangkapan."Siya si Freya Altamonte, Ina."Ngumiti ng bahagya ang aking ina na kalahati mortal at kalahating magus (magicus)."Ah, siya pala iyong nakalaban ni Gretha. Sabi nga niya ayaw daw niya sa babae na iyon. "Hindi ako umimik, di naman lingid sa lahat na pinagiinitan ng grupo ni Gretha sila Freya. Hindi ko nga lang din maintindihan kung bakit at kailan nagsimula ang di pagkakaunawaan sa mga ito."Nararamdaman ko, malakas ang kanya kapangyarihan. Pwede mo ba siya bantayan, mahal ko unico iho?"Tinitigan ko ang ngiti nito na tila ba mayroon binabalak. Pa-simple ako lumunok, Maya-maya tumango ako.Hinawakan nito ang aking buhok. "Alam ko magiging mabuti ka anak, Blizs. Kaya nga ikaw ang naririto sa tabi ko kesa sa ate mo hindi ba?"Lihim ako nagtatangis sa galit dahil
FREYA POV Binaba ko ang hawak na wand ko sa harapan ng desk at umupo. Tinitigan ko ang labas, sabay buntong-hininga. Umuulan nalaman kasi sa labas, iniisip ko ang mga nasa kagubatan. Ang aking kinagisnan buhay sa piling ng mga bandido. Nasisiguro ko nagkukubli nalaman ang mga ito sa mga kweba dahil sa lakas ng ulan, O baka gumawa nalaman si Yno ng isang spell para maging silungan ng mga ito. Mayroon makapangyarihan shield ang pangkat ng mga bandido kung kayat hindi ito nakikita basta-basta ng kahit na sino. Kahit magtungo ang ibang mage o kahit sino makapangyarihan sorcery para hanapin ang mga kagaya nila rebelde, mahihirapan ang mga ito hanapin ang kinaroroonan ng mga ito. Napakunot ang noo ko ng pagsilip ko sa bintana sa may bandang puno may isang babae na nakatayo doon. Pulang-pula na para bang kakulay ng dugo ang buhok nito. Nakatingin ito sa malayo na para bang may hinihintay. Maya-maya nakita ko ang humahangos na si Blixs papalapit sa babae. Tumingin sa akin ang babae at