Bakas sa mga mata ni Amie ang pagkabigla. Napaatras lang siya ng dalawang hakbang nang nanginginig habang pakurap-kurap na nakatitig sa akin. Tila hindi siya mapakali at iniisip ko tuloy na baka nagkamali lang ako ng akala sa panyo na baka kapareho lang iyon sa akin. Ngunit, isang sulyap ko pa'y nakita ko ulit ang burda ng isang pangalan na parehung-pareho sa akin.Nakita kong tumulo ang luha ni Amie, kaya inabot ko na iyon sa kaniya."Ahm, Amie, may problema ba sa sinasabi ko? Puwede mo namang gamitin 'to ngayon, or ano ba—"Hindi pa rin siya kumalma. Patuloy pa rin ang kaniyang paghikbi nang 'di ko maisip ang dahilan nito. Ang ginawa ko na lang ay pinunasan ko ang mga luha niya gamit ang panyong iyon na ito nama'y pinigilan niya ng ilang segundo pa lang. Pagkatapos ay nakatitig pa rin siya sa akin habang panay iyak. Umatras siya, at pilit na dumistansya sa akin. Ako nama'y gustong lapitan siya para alamin ang kaniyang problema ng kaniyang pag-iyak, subalit akmang hahakbang pa lang
Pinaliwanag ko kay Andrew ang lahat ng nangyari, subalit nabigo lang ako. Ako pa naging masama sa paningin niya. Hindi niya pinaniwalaan ang lahat ng mga pahayag ko. Manapa'y, kinampihan niya si Antonette bilang inosente at walang alam sa nangyari."Pabaya kang ina. Tama lang na mas pinili ko ang kagustuhan ng mga magulang ko, kaysa manatili sa 'yo."Ibinaba ko ang aking sarili para magmukhang kawawa sa paningin niya. Ngunit, imbes na maawa siya ay pinili pa rin niyang iwanan ako at paniwalaan ang nasa may kasalanan. I am very disappointed to myself. Hindi ko maggawang patunayan ang sarili ko na masamang tao ang babaeng kinampihan ni Andrew.Makapangyarihan at mapera ang pamilya ni Antonette, kaya walang kaya ako sa kaniya. Sa tuwing nagpaplano ako ng mga paraan para kalabanin sila'y napanghihinaan ako ng loob. Ngunit, kung kapakanan na ni Fin ang iniisip ko, biglang lumalakas ang aking tiwala sa sarili.***Pansamantalang umuwi ako sa lumang bahay namin kung saan ako lumaki. Kahit m
Dalawang araw matapos maibalik sa akin si Fin ay sinadyang sinunog ng mga taong 'di ko kilala ang lumang bahay ko na iniwan pa sa akin ng mga hindi ko tunay na mga magulang. Lubhang nakaramdam ako ng pighati at pagkalungkot sa nangyari. I am blind for all the things I have seen. Paano ba kasi, sobrang nawili ako sa pag-aalaga sa anak ko dahil sa kasiyahang kapiling ko na siya ulit.Masuwerte pa rin kami ng anak ko dahil nakaligtas kami. Agad kasing sumaklolo ang mga kapitbahay ko nang makitang lumalagablab ang mga apoy sa iilang parte ng bahay. Sa tulong ng kapatid ni Dahlia, ay nagawa niya akong ipalabas kasama ng anak ko sa pagdaan lamang sa makitid na exit sa may kusina na gawa pa ng namayapa kong ama para gawing emergency exit.Napasigaw na lang ako nang may galit habang umiiyak sa nakitang ubos lahat ang mga bagay na mayroon ako. Ang tanging nasalba ko lang ay ang tablet ko na itinabi ko kay Fin sa basket na kinalalagyan niya. Ang ibang gamit ko'y kasamang nilamon ng malalaking a
Mabilis na kumalat ang balitang mag-ina kami ni Mrs. Adamo. Someone exposed us in the media para tuluyang siraan ang pangalan ko. Ang saklap pa, idinamay nila ang pamilyang Adamo sa pagbibintang na sinungaling dahil sa paghalili ko kay Amie bilang siya sa kasal namin no'n ni Andrew.Ang daming nagboycott sa mga nobela ko. Kumakalat ang mga bashers na mga trolls at nagsasabi ng mga masasakit na salita sa akin. I remained silent pa rin sa mga isyung ibinabato sa akin and I kept finding a traitor na kumalat ng mga sekreto ko.No'ng araw ng pag-amin sa akin ni Mrs. Adamo na anak niya ako sa ex-boyfriend niya, ay nakita kong sumisilip sa likod ng nakabukas na pintuan si Amie, pero hindi ganoon kasama siyang tao dahil ang dami na niyang naitulong sa akin. Siya pa nga ang dahilan kung bakit ko nakilala ang pamilyang Adamo. Bukod sa aming tatlo, ay wala nang nakaririnig sa pinag-uusapan namin, maliban na lang kung may naunang nag-imbestiga sa katauhan ko.I searched for an answer, but in the e
Paglabas ni Mr. Adamo sa kaniyang kotse ay pinapalibutan siya kaagad ng mga reporters ng iba't-ibang TV networks. Hindi na siya halos makagalaw dahil sa dami nito. Kasama niya ang kaniyang asawa, ang ina ko, na nahihirapan ding lumusot sa kaniyang daanan. Gusto kong lapitan sila para mabaling ang tingin ng mga tao sa akin. Subalit, mas gugulo pa ang situwasyon kung magpapakita ako sa kanila.Isang reporter ang nagtanong, "Anong masasabi niyo po sa balitang halos kalahati ng shareholders ninyo'y aatras na sa kanilang investment sa inyong kumpanya? May kaugnayan ba ito sa isyu ng nagpakilalang anak ninyong si Trinah, na sinasabing gold digger?"Nagsipagtinginan ang mag-asawa na para bang nabigla sila sa katanungang iyon. Nagmamasid lang ako sa mga ekspresyon nila at nagtatago sa isang poste malapit sa kanila. Ilang segundo rin ang lumipas bago akmang sasagutin ni Mr. Adamo ang katanungang iyon. Subalit, sinapawan siya ng kaniyang kabiyak at ipinagtanggol ang kumpanya."Walang koneksyon
Nagpaalam si Mrs. Adamo, na umalis para asikasuhin ang iba pang problema ng kumpanya. Sumama sa kaniya si Amie, para maging witness sa harapan ng board sa ginawang substitution ko noon sa dapat na kasal nila Andrew. Tinawagan naman si Andrew ng kaniyang ama na magpakita sa meeting nila with Mr. Adamo and other shareholders, para ipakilala bilang susunod na tagapagmuno ng kumpanya ng pamilya.Wala akong bantay sa pagkakataong iyon. Wala rin akong ini-expect na bisita dahil wala naman akong kapamilya na maliban kay Dahlia, na imposibleng makadalaw sa akin dahil malayo na ang tirahan nila. Kaya, nilibang ko na lang ang sarili sa panonood ng videos sa phone at pagbabasa ng mga balita sa newsfeed.Sa gitna ng aking pag-iisa, ang tahimik na silid ay napalitan nang maingay dulot ng isang taong dumating ng 'di ko inaasahan. Yes, I remembered everything na on that time dahil sa epekto ng mga gamot na iniinom ko. Bumalik na ang mga alaala ko sa mga tao at mga bagay-bagay pansamantala.Habang na
"Jacket mo?" pagkaklaro ko sa kaniya."Oo, kanino pa ba? Ako lang naman ang lalaki rito." At dinampot niya iyon para ibigay sa akin."No!" malakas kong sigaw pagkahawak ng bagay na iyon dahilan nang pagtapon nito sa sahig.Nanginginig ako sa takot habang nakatitig sa itim na tela. Doon ko naaalalang kahawig iyon ng sinuot ng lalaking gumahasa sa akin. Ang gabing bangungot ko, na ang ama ni Fin, ang nagpapasakit ng damdamin ko, na kung saan hindi ko pa rin natatandaan ang mukha niya."Is it you?" kinakabahang usisa ko."What?" tugon naman niya.Pinutol ko ang pag-uusap namin sa kadahilanang wala pa akong basehan. Kumbaga, kulang pa ako ng ebidensya. Isa pa, hindi lang naman siya ang mayroong ganoong jacket at pabango. Kaya, naisip kong hindi siya pag-isipan nang masama.Matapos kong nanahimik, lumabas na siya sa kuwarto at doon na nagpahinga sa sofa sa may sala. Hinayaan ko lang siya sa mga desisyon niya. Hindi ko siya inaway, ni sinumbatan sa lahat ng mga masasakit niyang ginawa sa ak
Sinalubong niya ako ng isang mahigpit na yakap, habang ang mga mata ko'y nakatingin lang sa bubong, wari'y malalim ang iniisip. Hinayaan ko lang siyang damhin ang mga sandaling pareho kaming may dinaramdam sa loob. Siya, masayang makita ako, samantalang ako'y malungkot dahil sa sinapit kong karanasan sa paghahanap sa totoong tatay ko.Ikinuyom ko lang ang mga kamao ko dahil hindi ko pa kayang ipakita sa kaniya na maayos na sa akin ang lahat. Ayaw kong magkunwaring napatawad ko na siya sa mga bagay na ginawa at kinuha ng pamilya niya sa akin.Nang inawat na niya ang pagkayakap, may inamin siya sa akin na sa tingin ko'y lubhang mahalaga iyon para kay Fin."Trinah, alam mo bang marami akong natutunan sa pag-iwan mo sa akin kay Fin kahit sa ilang oras lang?""Ano iyon?" matamlay kong tugon."Kaiba ang naging naramdaman ko sa tuwing inaalagaan ko siya. Para bang may koneksyon kami sa isa't-isa. Lalo na kanina no'ng pinakilala ko siya sa parents ko at sa big client namin na anak ko siya. T
Isa, dalawa, at tatlong putok pa ang umalingawngaw sa loob ng condo habang ipinikit ko ang aking mga mata at tinatakpan ang tainga ng anak ko. Mahigpit ang pagyakap ni Dahlia sa akin, at nagtago siya sa likuran ko."Aaaaaaaah," isang sigaw ng babae ang sumunod na narinig ko.Kasabay ng pagtaas ko ng noo at tingin sa harapan ko, ay pagsimula nang malakas na paghikbi ng anak ko. Niyakap ko siya at tinakpan ang mukha ng panyo habang sinayaw-sayaw ko.Isang lingon ko pa, nakita kong duguan ang mga kamay ni Antonette, at ang baril niya'y nakalatag sa sahig. Nanlisik ang mga mata ko. Nanginginig na ako sa takot. Sa may pinto, nakita kong nakatayo roon ang isang lalaki na nakasuot ng itim na jacket na may hood.Nang inangat niya ang kaniyang mukha, sumigaw siya ng, "Trinah, lumabas na kayo. Tara na!"Agad na kumilos kami at iniwan doon si Antonette. Tumatakbo kami papuntang garahean. Doon, nakita ko ang kapatid ko na naghihintay sa amin."Ate, pasok," nagmamadaling wika niya na sinabayan ng
Trinah's POV"Doctor Alfred," sambit ng isang babaeng kapapasok lang sa room.Lumingon ang doctor na kasama ko at naputol ang aming kuwentuhan. Nagsipagtinginan kaming lahat sa isa't-isa at natahimik bigla.Bumalik ako sa clinic ni Doc. Alfred dahil sa last treatment na ibibigay niya sa mga sugat ko. Tatanggalin din niya ang mga bandages nito. Matapos niyang naisagawa ang trabaho niya, ay nagkaroon kami ng maikling kuwentuhan. Hindi ko naman alam na may client pala siyang aasikasuhin next to me.Nakatitig lang sina Antonette at Andrew sa binti kong sugatan habang ibinaba ko na iyon para umiwas na sa kanila. Nagmistulang pilay ako kung maglakad papuntang pinto, bunga ng naramdaman ko pang kirot sa mga binti ko. Nasa process of healing pa kasi ang mga sugat kong natamo mula sa pagkadisgrasya ko sa sasakyan ng doktor.Sinundan nila ako ng tingin mula sa paglalakad ko sa loob hanggang palabas ng pinto sa emergency room. Binilisan ko ang paghakbang sa takot na baka pigilan pa nila ako at m
Andrew's POVNakauwi na ako mula sa honeymoon week namin ng asawa kong si Antonette. Syempre, hindi ako na-enjoy sa mga araw namin kasi pinaninindigan kong hindi siya gagalawin at hindi ako magpapakita ng motibo sa kaniya na gawin ang bagay na hindi ko gusto. Wala siyang maggawa kundi irespeto ang desisyon ko at magkunwaring nasisiyahan sa aming bakasyon.Dumalo kaming mag-asawa sa isang dinner na sinet-up ng mga pamilya namin. Ito ay para usisain kami sa aming honeymoon.Habang kumakain, binuksan ni dad ang pagtatanong."Siguro naman, sa wakas ay nagkakamabutihan na kayong dalawa. Ibig sabihin ba niyan ay ang kasunod nito'y mabibigyan niyo na kami ng apo?"Bigla akong nabunulan sa aking kinakain. Nagi-guilty lang kasi ako sa totoong nangyayari na taliwas sa expectations ng mga pamilya namin."Okay ka lang, babe?" pagche-check sa akin ni Antonette.Uminom ako ng tubig, saka pinalinaw ang aking lalamunan at sumagot, "Okay lang ako. Nagugutom lang ako kaya hindi ko maiwasang sumubo nang
Pagbaba ko sa kotse sa pag-alalay ni Mr. Awman, diretsong nakatutok ang mga mata ko sa mukha ng babaeng nasa harapan ko limang hakbang mula sa aking kinatatayuan. Ang ngiti ko'y mas lumaki pa nang makita siyang naroroon na dadalo rin sa kasal. Sa wakas, buo na rin ang aking pamilya. Magkita-kita na rin kami sa iisang okasyon.Paglingon ko kay Mr. Awman, iba ang naging pinta ng kaniyang mukha. Hindi siya masayang makita si Mrs. Adamo. Ramdam kong may galit sa loob niya base sa titig ng mga mata niya kay ina. Baka, may hugot silang dalawa sa nakaraan nila.Nilapitan ko si ina at nagsabing, "Mom, tanggap na niya ako." Masayang-masaya kong ibinalita iyon sa ina ko dahil matagal na rin niyang gustong mangyari iyon sa akin."Mukha nga," tugon ni ina na nakangiti lang sa akin at pasulyap siyang tumingn kay Mr. Awman.Kita kong umiwas si ama sa mga mata niya. Hindi ko lang pinansin iyon dahil baka naiilang lang sila sa isa't-isa.Ilang saglit pa, tinawag ako ng kapatid kong si Jazmine dahil m
Andrew's POVIsinuot ko na ang mabangong toxido ko na gawa pa mula sa Germany ng isa sa pinakasikat na designer. Tiningnan ko ang mukha ko sa salamin, inayos ko ang buhok ko, at saglit pa'y ipinikit ang mga mata para hanapin ang kapayapaan sa sarili.Mabigat sa loob kong magpakasal sa isang taong hindi ko mahal. Wala na akong choice dahil ito na ang ikalawang pagkakataon na binigay sa akin ng pamilya ko para tuluyang isalba ang negosyo namin.Nakagayak na ako, pati na rin ang bride ko na nasa kabilang silid lang katapat ng sa akin. Nauna na akong pumunta sa simbahan para roon hintayin ang bride ko para sa isang seremonya na gaganapin sa eksaktong alas dyes ng umaga. Labinlimang minuto na lang ang natitira para sa aming paghahanda.Katabi ko si Richard, ang best man ko, na nakatayo isang hakbang mula sa akin. Nginitian niya ako at gano'n din ako sa kaniya, saka bumulong siya sa akin."Pare, sigurado ka na ba rito?" Tumango lang ako sa kaniya bilang tugon."Puwede naman akong humalili r
Trinah's POVTanghali na nang namalayan kong wala na si Fin sa tabi ko. Nagpanic ako. Dali-dali akong bumangon at hinanap ang anak ko.Narinig ko ang malakas na halakhak ng isang boses bata mula sa labas ng pinto. Tumakbo ako at kaagad na pinuntahan siya, sa takot na ano pang nangyari sa kaniya roon.Matapos kong binuksan nang maluwag ang pinto, natulala akong bigla sa nakita ko. Nawala na iyong kaba sa dibdib ko, ngunit ang inis at galit ang humalili nito."Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo rito, Andrew?" malakas na bulyaw ko sa kaniya.Magkasabay na nakatuon ang tingin ng mag-ama sa akin. Tumigil na rin si Fin sa pagtawa."T-Trinah, sinadya ko talagang pumunta rito dahil—"Isang matunog na sampal ang inabot niya sa akin. Hindi na ako makagpigil pa. Kung nagagawa kong pigilan ang sarili ko sa party kagabi dahil sa malaking respeto ko kay Jazmine, na boss ko, ngayong nagpakita siya ulit ay hindi ko na kayang magtimpi pa."Trinah, I'm sorry," mangiyak-ngiyak na pakisuyo pa niya.Nagm
Andrew's POVHindi nagbago ang aking pagtingin kay Trinah nang makita ko siya, kahit ang suot niyang gown ay medyo luma na. Maganda kasi pa rin siyang tingnan sa simpleng aura niya. Sinubukan kong lapitan siya upang tulungan siyang patahanin ang anak namin, subalit pinigilan ako ni Antonette. Ang sabi niya, "Huwag ngayon Andrew, nakakahiya sa mga bisita ni Jazmine."Matagal ng magkaibigan si Jazmine at Antonette. Simula high school hanggang college ay magkasama na silang lumalaki at nag-aaral sa iisang unibersidad. Kaya, nirerespeto ko ang mahalagang okasyon ng kaibigan niya.Nilunok ko na lang ng laway ang nararamdaman kong awa sa mahal ko dahil hindi ko siya maggawang alalayan o matulungan.Nakita kong lumapit sa kaniya si Richard, ang best friend ko. Nabuhayan ako ng loob na sa kabila ng kakulangan ko sa mag-ina ko ay napunan iyon ng kaibigan ko. Nakatanaw lang ako sa kanila habang naaaliw sa ngiti at halakhak ng anak ko."Anak, ako sana ang aaliw sa 'yo ng gan'yan," sabi ko sa s
AT JAZMINE'S BIRTHDAY RECEPTIONNakagayak na ang karamihan sa pinakamalaking selebrasyong magaganap sa ika-7 ng gabi sa hardin ng Awman's mansion. Trenta minuto na lang ang tatakbuhin ko, magsisimula na ang programang ako ang naghanda. Hindi pa kasi dumarating si Dahlia na inutusan ko pa na ipaayos ang napunit kong gown.Nakahanda na sana ang susuotin kong bestida sa okasyong iyon umaga pa lang, nang nalingat lang ako saglit dahil may kaunting inaasikaso sa ilang kulang pang mga materyales sa birthday venue na kaagad ko namang nasolusyunan, pagbalik ko para tingnan ulit ang nakahanger na berdeng bestida ay laking gulat ko na lang makitang may malaking punit na ito.Sinubukan kong tawagan si Dahlia para pabilisin siya, subalit hindi siya sumasagot. Ang huling sabi niya on the phone nang nasagot niya pa ay mayroong inilagay na ibang disenyo ang mananahi para takpan ang napunit kong bestida at pinapaganda pa ito.Nag-alala na ako na baka hindi na makaabot sa takdang oras, lalo na't walan
"Who is really Mr. Awman, in your past life, mom?" Diretsahang tanong ko sa kaniya."My past lover.""Ama ko ba talaga siya?""Oo." Bumuntong-hininga muna siya at nagpatuloy na sinabing, "Teka, bakit mo ba natanong iyan? Nakausap mo na ba siya tungkol sa katauhan mo?"Itinikom ko lang ang bibig ko sabay umirap, pahiwatig na ayaw ko nang magsalita, bagay na madaling naintindihan niya.Nilapitan niya ako ulit sabay sabing, "Saan—"Hindi niya naituloy dahil pinigilan ko siya kaagad. Pinabalik ko siya sa kaniyang kinauupuan at inulit kong muli ang pagtatanong sa kaniya."Mrs. Adamo, sagutin mo 'ko. Ama ko ba talaga siya?" Naging matalim na ang pagtitig ko sa kaniya at pati na rin ang pagsasalita."Oo. Oo," ganito pa rin ang sagot niya.Nagalit na ako sa kaniya. Hindi ko kasi makuha kung bakit hindi pa rin niya amining nagsisinungaling siya o baka nagkamali lang talaga ako ng pinaniniwalaan.Kinagat ko na ang aking labi dahil hindi ko mailabas ang galit sa loob ko. Kailangan kong magtimpi