"Huwag kang tatayo. Tatawag ako ng doktor." Inayos nito ang kumot hanggang sa bewang ko bago dinukot ang cellphone mula sa bulsa niya.
"Huwag na. Tulog pa sila," mahinang ungol ko.
Hindi siya nakinig. Nagtipa siya sa kanyang cellphone at tinapat pa iyon sa tainga niya.
"Magpapahinga lang ako, Delton. Hindi na kailangan iyan," muling pigil ko sa kanya.
Hindi niya pa rin ako pinakinggan. Nangunot ang noo niya at namewang pa habang hinihintay na sumagot ang nasa kabilang linya.
"Hello—Fuck you, Gustavo!" sigaw niya bago hinitsa ang cellphone sa kama.
Bumuntong hininga ako at umiwas ng tingin matapos niya akong sulyapan.
"Sabi ko sa'yo, walang gising sa oras na ito, Delton."
Umupo siya sa kama at inayos muli ang kumot ko.
"He's awake. He's exercising...with his girl," balewalang big
"Alam mo ba 'to?! Ano, Delton? Alam mo ba 'to?!" asik ko sa kanya at marahas na tinuro ang balita sa telebisyon.Napirmi ang mga labi niya, umigting ang panga at madilim na tinitigan ang T.V screen bago nilapag ang dala niyang buttered chicken sa glass table."I'll call someone to stop the media—""I don't fucking care about the media, Delton! Ang tanong ko ang sagutin mo! Alam mo ito di ba? Mali. Alam na alam mo ito kaya ayaw mong makausap ko si Andress. Di ba?" Tinaasan ko siya ng kilay at namewang na sa harap niya.Hindi siya sumagot, bagkus ay lalong nagngalit ang itsura niya at masamang tinitigan ang telebisyon.Sarkastiko akong tumawa nang hindi siya sumagot."I'm right! My parents probably told you about this already. That's why they don't want me to come home. Kaya rin ba ayaw mo akong hihatid sa mansyon?!"Linapitan ko siya at tinitigan. Marahan siyang tumango, tila nagdalawang isip pa."I just followed orders, S
I stared blankly at the white ceiling. Sa paningin ko ay umiikot iyon na siyang nakakapagpahilo sa akin.Marahan akong bumangon na sapo ang noo. Pumikit nang mariin upang mawala ang pagkahilo. Huminga nang malalim bago muling nagmulat ng mga mata. Sakto iyon sa pagbukas ng pinto at iluwa niyon si Delton na may dalang tray ng pagkain."I made chicken porridge and bring you medicine. Kapag hanggang mamaya ay nahilo ka pa, itatakbo na kita sa ospital," malamig niyang bigkas ngunit hindi niyon naitago ang pag-aalala.Hindi ko siya pinansin. Kahit masakit ang ulo ko ay nasa isipan ko pa rin ang nangyari sa hagdan at kila Mommy."Can we talk properly now, Attorney?" mahinang bigkas ko.Maingat niyang nilapag sa kama ang tray at umupo sa harap ko, hinayaan sa pagitan namin ang tray ng pagkain. Kumibit balikat siya bago sumandok pinili ang manok sa lugaw."I am calm, you can talk to me properly anytime, Savvy. You're the one who is at rage, angry at
"Come again, Attorney?" ulit na tanong ko.Bumuntong hininga ito at muling sinulyapan si Delton bago ako sinagot."Daxton Sullivan. The same man who wants your parents behind bars."I pursed my lips as my blood boiled with the man's name. Napupuno na ako nito at kaunti na lang pasensya ko. Kapag nagtagal ay baka sugurin ko na nang tuluyan sa opisina niya."I think this man has a hidden agenda—""You weren't sure, Attorney," putol ni Delton kay Attorney Santigao."That was just my conclusion, Attorney Carancho. I'm not saying he planned it both, but he can," makahulugang sagot nito kay Delton.Naningkit ang tingin ko nang magkatinginan sila at tila may ibang pag-uusap sa mga mata nila. Not in a romantic way but a hidden agenda."I want to meet him," malamig kong sambit na kumuha ng kanilang atensyon."What do you mean, Baby?" ani Delton. Napaayos pa ito ng upo.Tinaas ko ang kilay ko, "I want to him thi
"W-hy did you do that?" manghang tanong ko.Hindi ako makapaniwalang inagaw niya sa akin ang cellphone ko kahit na alam niyang kausap ko pa si Yaya Nenita.I saw him tighten his jaw and look angrily at my phone."We're going to eat that's why—""That's not a valid reason, Delton! Ibalik mo ang cellphone ko, kausap ko pa si Yaya," malamig kong tanong.Ngunit madilim niya lang akong tinitigan at walang sabi pang sinuksok ang cellphone ko sa bulsa ng pants niya.Inis kong kinagat ang labi at matalik rin siyang tiningnan."It's about my father, Delton. Please, give me back my phone," mahinahon na bigkas ko.Nilahad ko ang kamay sa harap niya at naghintay ngunit umiling siya."Please, Delton. It's my father we're talking about here. Ni hindi ko alam kung kumusta na sila," hinanakit ko.Ngunit wala pa rin. Nakatitig lang siya at hindi kumikibo at iyon ang hindi ko maintindihan."Not now, Savvy. The foods ar
"Delton, ayoko!"Malakas kong pilit na binabawi ang siko ko mula sa kamay niya ngunit mahigpit ang hawak niya."Delton! Ano ba?! Ayoko! Hindi ako lilipad ng ibang bansa!"Nagpabigat ako upang hindi niya matangay. Ngunit namilog ang mga mata ko matapos niya akong buhatin na lang bigla."Delton—""Will you shut your mouth, Savvy? This is for you," mahina at gigil na bigkas nito.Imbis na matuwa ay bumagsak lang ang luha sa pisngi ko. Ibang buhay ang pinlano ko para sa sarili. Hindi ganito."You're stepping on my human rights, Delton. Attorney ka, pero bakit ganito ka?"I felt him almost release his hold on mine, but he managed to hold me firmly and quickly."What am I, Savvy? I'm just thinking about you—""No! Hindi mo ako iniisip. You are forbidding me to do what I want! Parents ko ang usapan dito, Delton! What kind of Attorney are you?!"Nilakasan ko na ang boses ko. Wala na akong pakialam kahit
Nanatili pa si Delton hanggang kinabukasan ng umaga. Hindi ko magamit ang cellphone kahit pa sinabi niyang tawagan ko ang gusto kong tawagan. Natatakot akong bigla na lang niyang hablutin ang cellphone at itago muli.Hindi ako sanay na kinakabahan sa kung ano ang gagawin ni Delton. Mas sanay akong siya ang kinakabahan sa akin."I don't want to leave you here all alone, but I need to, Savvy. Just one thing I want you to do—call me from time to time."Iyon ang sabi niya habang inaayos ang necktie niya. Tamad akong umupo sa gilid ng kama at nagtaas ng kilay."Attorney ka, dapat busy ka. Isa pa, asikasuhin mo ang problema nila Daddy," maanghang kong bigkas.Tumigil siya sa ginagawa at nag-salubong ang kilay. Humakbang palapit sa akin at bahagyang dinukwang upang maabot ang mga labi ko. Hindi ako gumalaw kahit pa lumapat ang mga labi niya sa labi ko. Nagtagal iyon ng sampong segundo at noong matanto niyang wala akong balak na halikan siya pabalik
"M-adaling araw pa rito, D-elton."Kinagat ko ang labi pagkatapos sabihin iyon. Nanghihina rin akong umupo sa gilid ng kama at nasapo ang noo sa pananakit ng ulo ko.Dinig ko ang mabibigat niyang paghinga mula sa kabilang linya."I was worried," muling sabi niya.Pumikit ako at hindi alam paanong magsasalita. Natatakot akong baka bigla na lamang dumulas sa mga labi ko na buntis ako."I still want to sleep, Delton," mahinang bigkas ko."Hm? I told you to call me, but you didn't."Walang halong sermon iyon ngunit dahil na rin sa sakit ng ulo ko at sa sitwasyon ay hindi ko mapigilan ang mainis."We have different timezone, Attorney. Saka na tayo mag-usap. Gusto ko pang matulog."Akmang ibaba ko na ngunit nagsalita pa siya muli."Can we facetime? Video call? I miss you, Savvy," he murmured like as if he was doubting.Lumukso ang puso ko dahil doon at tinunaw bahagya ang inis ko. Inalis ko ang pagkakasapo sa noo
Two red lines. Two fucking red lines.Pumikit ako ulit at nagbabakasakaling namalikmata lang ako ngunit hindi. Pagmulat ko ay dalawang linyang pula pa rin ang nakikita ko. Dalawang pulamg linya na alam kong babago sa buhay ko.Nagsimulang mangilid ang mga luha sa aking mga mata at bagsak ang balikat na lumabas ako ng banyo. Hinanap agad ng mga mata ko ang basurahan sa gilid at agad tinapon doon ang kit. Halos natatakot din akong lumayo roon.Dumadagdag pa sa sakit ng ulo ko ang tunog ng cellphone. Wala iyong tigil sa pagtunog. Mamamatay sandali ngunit tutunog muli."Bakit ba nangyayari 'to? Hindi pa nga tapos ang kila Daddy, dumagdag ka pa," pagkausap ko sa sarili.Suminghot ako at halos masabunot ang sarili kung hindi lang muling tumunog ang cellphone. Nagmartsa ako sa kama at marahas na kinuha iyon ngunit napunta sa missed calls ang tawag. Halos manlaki pa ang mga mata ko matapos makitang nagpaparamihan yata ng tawag sa akin si Delton at Yaya Nen
Delton Carancho"Are you sure about this, Son?" Iyon ang tanong na naaalala ko mula kay Attorney Santiago.I nodded my head as I looked at the picture of the only Princess of the Valencia family. I pursed my lips after remembering what her parents had done to mine, and so I wanted revenge."Pwede naman nating pekehin ang kasal, Hijo," mungkahi pa nito."No, Dad. Make it real. Isang beses lang ako ikakasal at hayaan ninyong siya ang mapangasawa ko," desidong bigkas ko habang tinititigan ang babae.She captivates me. And that I can visibly see that she needs saving. Her lips were curved into a smile, but her eyes told otherwise. Mukha siyang malungkot kahit pa ngiting-ngiti siya sa camera."If that wants you want. Babalaan na kita, she's a spoiled brat, doesn't know any household chores. Maging sa negosyo ay wala siyang alam at tanging pagpipinta lang ang ginagawa niya," paliwanag nito na tinanguan ko lang.Whatever it is, I can endure everything. Pero hindi ko alam na higit na mapapala
Namalisbis ang mga luha ko matapos dumapo ng kanyang mga labi sa aking noo. Ilang beses niya akong hinalikan doon at maging ang mga luha ko ay hinalikan niya."I am already happy to have you, but I am now the happiest man alive, Savvy," buong pusong bulong niya na muling kinatuwa ng puso ko.Pinatakan niya ng halik ang aking mga labi bago ako mahigpit na niyakap."A-kala ko galit ka," mahinang pag-amin ko."What? Hindi, Savvy. Gustong-gusto kong magkapamilya kasama ka," aniyang lumayo at mabilis na pinunasan ang mga luha ko.Ngumiti ako nang maliit lalo na noong ipagsalikop niya ang aming mga kamay at igiya ako palabas ng banyo.Pagkalabas na pagkalabas ay inalalayan ako nitong makaupo sa swivel chair bago agad na kinuha ang cellphone niya at tawagan ang kung sino."Dad, I'm going to be a father," aniyang hindi maalis ang ngiti sa labi."Congratulations, Son. You deserve every happiness in the world. Send my congratulations to Sage," ani Attorney Santiago mula sa kabilang linya kaya't
"Won't you ask about Ashley's performance?" biro sa kanya.Ilang linggo na ring nagta-trabaho sa akin si Ashley at okay naman siya. Inaasar ko lang si Delton dahil alam kong hindi siya pabor sa ginawa ko.Mula sa kanyang laptop ay lumipad sa akin ang kanyang tingin. Seryoso pa ang mga mata niya."Your performance is much better than anyone else," aniyang maliit na ngumiti.Awtomatikong namula ang mga pisngi ko at napasandal sa kanyang mesa. Noong mahina siyang tumawa matapos makita ang pamumula ng mga pisngi ko ay napairap ako. Agad akong dumukwang at tinapat ang aking bibig sa kanyang tainga."In bed or in the office?" I teased.Napatigil siya at agad na napatitig sa akin. Nakagat niya nang maliit ang kanyang labi at noong akmang hihilahin niya ang batok ko ay agad akong umayos ng tayo."Focus, Mr. CEO." Ngumisi ako at lumayo sa kanyang mesa at lumipat sa mesa ko.Nagpresinta kasi akong maging sekretarya niya habang wala pa siyang sekretarya pero siya naman din lahat ang gumagawa ng
"Miss Sage, I'm—"Tinaas ko ang kamay upang mapatigil ito."Please leave, Miss Ashley. I'm done with you," malamig kong tugon bago akmang tatalikod na ngunit nahawakan agad nito ang siko ko.May kabang dumapo sa aking dibdib at halos manlaki ang mga mata ko. Hindi ko alam kung anong balak niya kung kaya't kinakabahan ako. Kung kanina ay naisip kong baka buntis siya, ngayon naman ay baka saktan niya ako."Miss Sage," muling tawag nito na may pag-iyak.Pumikit ako nang mariin. Sa kabila ng kaba ko ay nakaramdam ako ng awa. Gusto ko naman makinig ngunit natatakot ako."Shut up, Miss Ashley. Huwag ngayon," mahinahon kong pakiusap ngunit humigpit ang hawak nito sa siko ko at hinatak pa ako nang bahagya kung kaya't napamulat ang aking mga mata.Gusto kong sumigaw ngunit ayokong gumawa ng eksena. Sinuyod ko na lamang ang tingin ko sa paligid. Abala silang lahat at tila hindi ako napapansin."Miss Sage, kaunting minuto lang po," muling bigkas nito.Awtomatikong lumipad ang tingin ko kay Delto
Daig ko pa ang nanalo sa loto sa sobrang saya. Pangarap ko lang noon na magkaroon ng art exhibit pero heto at pati art gallery ay binigay ni Delton. Sobrang tuwa ng puso ko at halos hindi ko na tigilan ang pagpinta muli upang madagdagan ang mga paintings ko sa mismong exhibit. Mariin na tutol sila Daddy sa hilig kong ito pero tingin ko magiging masaya naman sila ngayong masaya ako.My excitement is overflowing. I can't believe that I am living my dream. Iba pala kapag natupad iyong pangarap mo para kang nasa alapaap. At kung hindi nga lang ako buntis ay araw-araw akong magpupuyat makatapos lang ng maraming paintings."Done, Baby," mahinang bulong ko matapos lagyan ng signature ang uling painting.Hinimas ko ang impis kong tiyan at nakangiting pinagmasdan ang natapos kong painting ng bahay ni Delton—bahay pala namin ni Delton."Soon you'll grow up here, Baby," muling ko."It's look alive, Savvy."Bahagya akong natigilan doon at mabilis na napalingon kay Delton. Nasa likod na ito at nak
"P-inaiyak mo ko, Delton," akusa ko sa kanya lalo pa't ayaw na yatang tumigil ng mga luha ko habang nasa biyahe.Hindi ko nga alam kung ilang beses ko na ba siyang nahampas sa tuwing tatawa siya. Tuwang-tuwa siya sa reaksyon ko habang siya ay tuwang-tuwa naman."Savvy, I didn't mean to make you cry. Nasaan na ba ang tigressa kong asawa?—Aw! Savvy, masakit," reklami niya matapos tumama muli ng palad ko sa kanyang braso."Magbiro ka pa! Wala kang tutulugan mamayang gabi!"Agad niyang tinigil ang sasakyan sa gilid at bumuntong hininga. Inabutan niya ako ng bottled water habang siya mismo ang nagpunas ng liha ko gamit ang tisyu."Shh, Savvy. Please calm down. Huwag kang masyadong umiyak. Baka mamaya dehydrated ka na pagdating sa mansyon," aniyang nangungunot ang noo.Umirap ako at uminom sa tubig. Hindi ko rin maintindihan sarili ko sa sobrang pagiging emosyanal. Ganito ba talaga kapag buntis?Ilang beses akong huminga ng malalim hanggang sa kumalma. Nang makita niyang kalmado na ako ay a
Siguro tama ang desisyon kong bawasan ang galit at makinig. Gumaan ang pakiramdam kahit paano. Pero hindi ko pa rin magawang buong tanggapin si Delton lalo pa't naaalala ko ang pagkawala nila Mommy.Bumuntong hininga ako at agad na kinalas ang seatbelt matapos niyang iparada sa parking lot ang sasakyan."Are you alright, Savvy?" agad niyang tanong na kinalingon ko."I'm good, Delton. Basta huwag ka lang ulit mang-asar," simpleng sagot ko.Mahina siyang tumawa bago bumaba at agad akong pagbuksan ng pinto. Akmang bababa na ako ngunit hindi umali sa pintuan si Delton."Why? Is there something wrong?" naguguluhang tanong ko matapos makita ang kaba sa mga mata niya."Nothing, Savvy," aniyang hinawakan ang kamay ko, "Sana ay hindi ka magalit na ako na ang may hawak sa kumpanya," maingat nitong bigkas.Tumaas ang kilay ko at pinakiramdaman ang sarili kung galit ba ako ngunit wala naman akong makapang galit."Bakit naman? Akala ko ba sa'yo na 'to una pa lang?""Yes, Baby. But I don't want to
"So I am the exception?" muling tanong ko kinabukasan.Nilapag nito sa mesa ang ham at bacon bago dumukwang at hinawak ang dalawang kamay sa mesa. Maliit siyang ngumuso at tila tinatago ang ngiting gustong kumawala sa mga labi niya."You are the victim—"Tinaas ko ang kilay dahilan upang mapatigil siya, "Biktima mo, Delton. Binihag mo—""Savvy, I told you, you are not part of the plan." Mahina siyang umungol na tila ba sawa na sa aming usapin na ganito.Mahina akong napatawa at maliit na kinagat ang labi ko, "Plano niyo ni Ashley 'to no? Kasabwat ba ang sekretarya mo?" pagpapatuloy ko."Damn, Baby," mahinang mura at muling umungol, "Ashley was out of it—""So pinagtatanggol mo?" Taas kilay na tanong ko bago humalukipkip sa harap niya.Muli siyang nagmura at pumikit nang mariin. Tumayo nang maayos at hinarap ako. Marahan niya pang hinawakan ang magkabilaang balikat ko."Parang kapatid ko lang si Ashley at hindi ko alam ang lahat ng ginawa niya. I have no idea that she likes me, if I ju
Napasinghap ako matapos nitong bumitaw sa halik. Tila ako kinuhanan ng hininga at halos manghina sa ginawa niya."Please, Savvy. You can hate me, you can curse me, but please, do not unlove me," mahihinang pagsusumo nito habang binabaon ang kanyang mukha sa aking leeg."There's no need for that because I never loved you, Delton—"Ngunit hindi ko rin natapos ang kasinungalingan ko noong pumulupot ang dalawang braso niya sa katawan ko at bigyan ng sensual na halik ang aking leeg."Delton, ano ba!" Pilit ko siyang nilalayo ngunit lalo lamang siyang nagiging mapusok."Will you please stop?!" gigil ng bigkas ko na kanyang tinigil."Am I hurting you?" mahinang tanong nito na ang halos hininga ay humaplos sa sensitibong leeg ko.Naipirmi ko ang mga labi at hindi alam ang isasagot. Hindi naman kasi ako nasaktan sa mga halik niya."Savvy, I feel so low right now. Pakiramdam ko iiwanan mo na lang ako basta. Na ikaw mismo ang makikipaghiwalay—""Shh, Delton. I am not that stupid." Umirap ako kah