2 months ago.. Bumaba mula sa isang pulang sports car ang isang babae at naglakad patungo sa bar na nasa harapan nito. Mahaba at medyo curly ang buhok nito. Nakasuot ng itim na dress na hanggang heta, na hapit sa katawan nito at halos walang sapin ang likod na hanggang bewang. Agaw-pansin rin ang nakausling pisngi ng dibdib nito, na bumagay sa kanyang suot. Halos mapahinto ang kalalakihan, matapos siyang makita ng mga ito. Tila naglalaway ang mga ito sa tindig at ganda ng babae. Nang makalapit ito sa bouncer ng bar ay hinagis niya ang susi ng kanyang kotse at bahagyang ibinaba ang kanyang suot na sunglass."Ikaw na ang bahala sa baby ko," sabi niya dito, na ang tinutukoy ay ang sasakyan niya at bahagyang kinindatan pa ito, saka muling isinuot. Bago tuluyang pumasok ay pinakita pa niya ang VIP card niya, na nagsasabing regular customer na siya ng bar. Maging sa loob ay marami rin na napapatingin sa kanya. Ngunit wala siyang pakialam sa mga ito. Deretso lang siyang naglakad papun
"Is this serious, Mom?" gulat na bulalas ni Lance sa kanyang ina. Matapos nitong sabihin na ipinagkasundo siya sa anak ng kaibigan nito."Son, it's for your own sake," sabi naman ng kanyang ama.Napapailing siyang napatingin sa mga ito. Hindi niya alam kung matutuwa o matatawa na lamang siya sa gusto ng mga ito. Wala pa sa plano niya ang matali sa iba, lalo na kapag katulad nang sinasabi ng mga ito. Ayaw niyang pinapakialaman ng mga ito ang sarili niya, lalo na sa pagpili ng babaeng mapapangasawa."Hindi kayo nagtagumapay na ipagkasundo si kuya sa iba, tapos ngayon ako na naman ang ginaganyan niyo? Mom naman, huwag niyo naman akong gipitin nang ganito," naiinis na sabi niya sa kanyang magulang."Lance, gusto lang naming makasiguro na hindi masayang ang talento mo, lalo na sa pagpapatakbo ng ating negosyo. Ang kuya mo, may sarili ng pamilya at negosyo. Ayoko nang mangialam pa sa buhay nila ni Chandri. Kaya naman ikaw na lang ang nag iisang tagapagmana ng lahat ng ating mga negosy
Matapos makapagbihis ni Lance ay lumabas na siya mula sa kanyang kwarto at bumaba na patungo sa sala. Mula roon ay natanaw niya ang kanyang magulang na kausap ang nakakatandang kapatid. Ilang oras na siyang nasa loob ng kanyang kwarto at akala niya ay nakaalis na ito.Napatingin ito sa kanya nang mapansin siya."Oh? Aalis ka?" puna sa kanya nito."Lance, kailangan mong puntahan si Cassy," sabi naman ng kanyang ina.Napabuntong-hininga na lang at naiinis na tumingin sa mga ito."Tss, di ba nga kayo na ang nagsabi na may lakad ako ngayon? At huwag kayong mag alala tutuparin ko ang gusto niyo, kahit na ayaw ko. Iyon naman ang gusto niyo, ang hawakan ako sa leeg," sabi niya at tumalikod sa mga ito."Lance," tawag ng kuya niya, na may pambabanta sa boses. Kaya naman napahinto siya, ngunit hindi lumingon sa mga ito."Hindi mo kailangang magsalita ng ganyan kina Mommy. If you didn't like what they want, okay, but don't talk like that too them. Show some respect, because they are our parent
LANCE POVNapapalingon ako sa paligid nang mapansing nasa labas ako ng isang malaking bahay o Mansion. Hindi ko alam kung bakit ako nakatayo at tila ba may hinihintay ako. Nagsimula akong pumasok sa gate, dahil napansin kong nakabukas ito. Pagkapasok ko ay may narinig akong tawa mula sa malaking Mansion na nasa harapan ko. Naririnig ko ang tawa nang isang babae at dahil gusto ko itong makita ay naglakad na ako nang tuluyan patungo sa loob ng Mansion. Subalit bago pa ako tuluyang makapasok ay may nakita akong nakatayong babae na may hawak na kutsilyo sa kamay nito. Pamilyar sa akin ang likod nito at hindi ko alam kung tama ba ang nasa isip ko. Muli ko na namang narinig ang tawa nang isang babae, kaya napatingin ako doon. Ngunit nagulat na lang ako sa aking nakita. Nakita ko ang sarili kong mukha, habang may babaeng nakaupo nang paharap sa kandungan ko. Tumatawa ito hindi dahil sa nakakatawa ang ginagawa niya, kasama ang lalaking ako. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdam
Nang makarating kami sa conference room ay naroon na ang mga magulang ko at nakaupo na. Sila ang nakaupo sa dulo ng mesa, habang may isa pang upuan sa kabilang dulo rin ng mesa at doon ako dinadala ni Cassy. Halos kompleto na ang mga boad of directors ng kompanya, maging ang ilang nakakatataas dito. Napatingin ako kay Erries, doon siya umupo malapit sa kinauupuan ni Mommy. Nakangiti siyang bumati sa mga ito, na tila napakapormal niya. Napapansin ko naman ang ilang kalalakihan na kasama namin dito ay napapatingin sa kanya. Hindi lang simpleng tingin ang binibigay nila dito, pakiramdam ko ay may halong pangnanasa ang nakikita ko. Bakit? Simple lang naman ang suot niya pero nakakapang akit na agad sa iba? Well, aminin ko man o hindi ay apektado rin ako. Hindi lang sa kasuotan niya, kundi maging sa pagkatao niya. Pamilyar talaga siya sa akin at gusto kong isipin na siya nga ang Erries na hinahanap ko. Subalit, ayoko munang umasa. Kailangan ko munang alamin kung sino nga ba siya, dahil b
Saglit kaming natahimik dalawa, habang nakatalikod ako sa kanya. Gusto ko talagang batukan aking sarili dahil sa ginawa kong iyon. Masyado akong nagmamadali at tila nawala sa sarili ko ang dapat kong gawin, nang makita siya."S-Sir," tawag niya sa akin.Itinaas ko lang ang aking kamay saka bumaling sa kanya. Agad naman siyang nag iwas nang tingin sa akin.Damn it!Baka kung anong isipin niya sa ginawa kong iyon at magsumbong bigla kay Cassy. Hays! Pinakalma ko ang aking sarili, saka nagsalita sa kanya."Look, I didn't mean to do that. I'm really sorry. You just remind me of someone, sana hindi mo ito sabihin kay Cassy," sabi ko sa kanya.Doon lang siya tumingin sa akin at nagtama ang aming mga mata. May napansin ako sa kakaibang tingin niyang sa akin, na tila ba balewala sa kanya ang ginawa ko at para bang sinasabi no'n na gusto rin niya.Lance!Muli akong napapikit sa naisip kong iyon. Paano naman niya magugustuhan iyon, eh halata namang nagulat siya at naiilang na tumingin sa akin.
Hindi ko alam kung paano ako nakabalik sa opisina ko, matapos ang nangyari sa amin ni Erries. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang sinabi niya at ang halik na iyon na ibinigay niya sa akin. Nasapo ko na lang ang aking noo at napabuntong-hininga.Kasalanan ko ito eh! Kung hindi ko siya inunahan kanina ay hindi siya gagawa ng ganoon sa akin, pero, iba ang kinikilos ng katawan ko. Para bang gusto ko ang nangyari, hays!This is not right!Napatingin ako sa may pinto nang marinig kong may kumatok, saka iyon bumukas at nakita ko si Cassy na napangiti agad nang makita ako."Hello babe, nalaman kong pumunta kayo ni Erries sa department niya. Ano? Okay ba saiyo ang mga nalaman mo doon?" sabi sa akin ni Cassy, na lumapit sa akin at humalik sa pisngi ko.Hindi ko pinahalata na may kakaibang nangyari bukod pa doon sa nalaman niya. Ngumiti agad ako sa kanya at napatango-tango."Yes, it's fine with me. I didn't know that, she really have talent to design her own," nakangiting sabi ko sa kanya.Na
Bumaba ako sa sasakyan, matapos kong mai-park iyon sa parking. Inayos ko ang aking suot saka naglakad upang pumasok sa bar na sinasabi ni Cassy. Saglit pa akong napahinto, nang tila may isang alaala biglang pumasok sa isip ko. Kaya napakunot noo ako, lalo na nang mapatitig ako sa gilid ng pader na tila may nakikita akong dalawang taong may ginagawa, ngunit, agad lang rin na naglaho ang imaheng iyon.Ano bang nangyayari sa akin? Bakit ba ang daming pumapasok ngayon sa isip ko."Oh, it's you.."Natigilan ako nang bigla may nagsalita sa likod ko at nang lumingon ako ay mas lalo akong natigilan nang makitang si Erries ito. Hindi ako nakatugon sa kanya dahil naagaw agad ang atensyon ko sa suot niyang kulay blue na dress. Masyadong revealing ang harapan ng damit nito, na tila ipinagmamalaki ang kanyang hinaharap. Hanggang heta lang ang mangas nito, na mas lalong nagpatingkad ng mapuputing heta nito, na tila ang sarap haplusin."Ehem, masyado bang nakaka-distract ang suot kong damit? G