“Ahhhh!” Crash!Nilamon ng malakas na sigaw ni Vincent ang buong kabahayan dahil sa pinaghalong matinding sakit at galit. Kulang na lang ay mapatid ang mga litid niya sa leeg, habang ang kanyang mga mata na hilam na sa luha ay nanlilisik—matalim ang tingin niya sa nabasag na bote ng alak na nasa sahig.“Bakit? Ano pa ba ang kulang? Saan ako nagkulang? Sa pagkakatanda ko’y ibinigay ko sayo ang lahat! Lahat! Hmp!” CRASH!Pagkatapos isigaw ang huling salita ay nanggigigil na ibinato sa pader ang isang upuan na malapit sa kanya. Sa lakas ng pagkakabato nito ay halos nawasak ito. Napatalon sa takot si Lisha na kasalukuyang nakatayo sa pintuan ng silid ni Vincent. Mula sa Simbahan ay dito siya dumiretso sa kanyang condo. Batid ni Lisha na naghihirap ngayon ang kalooban ni Vincent kaya nandito siya upang ito ay damayan. Ang mukha ni Lisha ay kakikitaan mo ng matinding awa. Saksi siya kung paano nalugmok ang isang Vincent Anderson ng dahil sa isang babae. Ngayon niya nauunawaan kung gaano
Huh! Huh! Huh… (mabigat na paghinga) “Halos kapusin na ako ng oxygen sa bagâ, at sa bawat paghinga ko ay sumasabay ang aking katawan. Nakabaluktot ang katawan ko habang ang dalawang kamay ko ay natukod sa aking mga tuhod. Tagaktak na ang pawis ko at nagkalat na rin ang ilang hibla ng buhok ko sa aking mukha. Maging ang dark green na suot kong t-shirt ay nabasâ na ng pawis. Ang mga mata ko ay matamang nakatitig sa kinatatayuan ng aming commanding officer. Matapang na nakatitig ito sa akin at ganun din ang ilang mga baguhang sundalo na katulad ko. Sa nakikita ko sa kanilang mga mata ay parang nais nilang sabihin na tama na, sumuko ka na. Hindi ka nararapat sa propesyong ito. Hindi ito ang career na nababagay para sayo. Nasaktan ako oo, pero imbes na magpalupig sa matinding emosyon ay mas tinibayan ko pa ang aking loob. “If I were you Parker, susuko na ako. Ilang beses ko ng sinabi sayo na hindi biro ang papasukin mo. Bakit hindi ka na lang umuwi at mag-aral ng fashion desig
“Nang umalingawngaw ang putok ng baril ay mabilis kong dinampot isa-isa ang ilang mga bahagi ng baril at nagmamadali itong inassemble. Habang isinasagawa ko ito ay mabilis na tumatakbo ang oras kaya naman hindi na kami magkandaugaga ng aking mga kasama. Nang matapos, mabilis kong ibinaba ang baril sa lamesa saka itinaas ang dalawang kamay sa ere. Ganun din ang ginawa ng aking mga kasamahan. Lumapad ang ngiti ko ng makita ko na pangalawa ako sa pinaka mabilis na pag-assemble ng baril. Sa loob ng ilang buwan na lumipas ay malaki na ang pinagbago ko. Nagimprove na ang Physical fitness ko, maging ang ilan pang training na noon ay halos iyakan ko ngayon ay sisiw na lang sa akin. “Yes!” Naibulalas ko ng marinig ko na inanounce ang pangalan ko. Maging si Gladys ay masaya rin dahil pangatlo siya sa pinaka mabilis. At ngayon ay nakafocus kami sa paghawak ng baril. “Parker, may bisita ka.” Ani ng isang sundalo kaya naudlot ang tangkang pag suot ko ng goggles. Ibinaba ko ang ba
“Malayo pa lang ay natatanaw ko na ang pitong taong gulang na si Tara, nakatayo siya sa tapat ng gate nang bahay ko. Sa likod niya ay isang matandang babae na katiwala ko sa bahay. Siya na rin ang nagbabantay kay Tara dahil laging nasa trabaho ang tatay nito. Lumitaw ang magandang ngiti sa mga labi ko ng masilayan ko ang parang manika nitong mukha. Lalo na ng ngumiti ito at lumitaw ang dalawang beloy sa magkabilang pisngi nito.“Vincent!” Natutuwa nitong sigaw bago mabilis na tumakbo palapit sa akin. Kaagad naman akong yumuko habang nakabuka ang isang braso ko sa ere—hinihintay na makalapit siya sa akin. Nang tuluyan siyang nakalapit ay kaagad kong niyakap ang maliit niyang katawan saka binuhat.Masuyo kong hinagkan ang namumula at matambok nitong pisngi. Mabilis namang pumulupot ang maliit niyang braso sa aking leeg saka pinagdikit ang aming mga pisngi.“Vincent, where’s my pasalubong?” Natawa ako kung paano nito sambitin ang pangalan ko. Sa edad na 22 ay maraming pagkakataon na n
“Sweetheart, are you okay?” Nag-aalala na tanong ni Vincent sa panganay niyang anak na si Princess. Subalit, wala siyang natanggap na sagot mula dito. Bagkus, isang blankong tingin ang naging tugon ng kanyang anak bago ibinaling ang tingin sa labas ng bintana ng sasakyan. Gumuhit ang kirot sa dibdib ni Vincent. Nasaktan siya sa inasal ng kanyang anak. Gusto niya itong pagsabihan upang kahit papaano ay magkaroon ng takot sa kanya ang bata. Ngunit hindi niya ito ginawa, naisip niya na mas lalo lang lalayo sa kanya ang loob ni Princess. “Babe, Princess is fine. Nagtatampo lang siya sa akin dahil napagalitan ko siya kagabi. Ang tigas kasi ng ulo, I told her na she needs to stop using her phone at nine evening, but she hid under her blanket.” Malumanay na paliwanag ni Alona sabay haplos sa ulo ni Princess. Wala man lang naging reaksyon ang bata sa sinabi ni Alona nanatili lang itong tahimik. Kung titingnan mo ang dalawa ay para silang tunay na mag-ina. Sa paningin ni Vincent si Alon
12:30 ng gabi… Nakabibinging katahimikan ang nangingibabaw sa buong kagubatan, tanging mga huni ng panggabing hayop ang maririnig. Maging ang buwan ay wari moy nahihiya na nagtago mula sa itim at makapal na ulap. Nilamon ng dilim ang buong paligid. Payapa mang matatawag ang buong paligid ngunit ramdam mula sa simoy ng hangin ang nakaambang panganib. Mula sa malawak na lawa, gumalaw ang tubig na naghugis bilog. Dahan-dahan sa pagsulong ang isang grupo ng special task force ng mga kasundaluhan. Walang ingay ang bawat hakbang ng kanilang mga paa, habang ang mga katawan ay nakalubog sa tubig. Ang ilan sa kanila ay nababalot ng masukal na bagay na kasing kulay ng mga tuyong damo, upang maikubli ang mga sarili mula sa kalaban. Habang ang kanilang mga mukha ay napipintahan ng itim at ang kanilang mga mata ay masyadong matalim kung makatingin. Hindi alintana ang mabigat at mahabang armas na kanilang mga dala. Hindi nila alintana ang lamig na nanunuot sa kanilang mga buto mula sa m
“Huh!” Isang mabigat na buntong hininga ang aking pinakawalan dahil sa ganda ng tanawin na nakalatag sa aking harapan. Hindi lang ako ang namangha sa magandang tanawin kundi maging ang aking mga kasamahan. Hindi naman bago sa amin ang makakita ng magandang tanawin, dahil kung saan-saang bansa kami idinideploy. At ngayon ay mahigit apat na buwan na kami dito sa bansang Vietnam. Ang team ko ang ipinadala ng bansa upang makipag-alyansa sa gobyerno ng Vietnam dahil sa nagaganap na giyera laban sa mga terrorismo. Nagkataon na ang subject ng aking grupo sa misyon ay isa sa mga namumuno sa grupo ng mga terrorista na naghahasik ng gulo sa bansang Vietnam. “Ang ganda pala sa bansang ito, nakakawala ng pagod.” Ani ni Jonard na nakatayo sa tabi ko. Tulad ko ay may hawak din itong mabigat at mahabang armas.May katotohanan ang mga sinabi nito. Sadyang napakaganda ng kalikasan sa bansang Vietnam. Subalit sa kabila ng kagandahan ng bansang ito ay nagkukubli ang kahirapan ng mga mamamayan dahil
“Sinubukan naming ipaalam sayo ang lahat pero mahigpit ang bilin ng iyong ama na huwag ka ng gambalain sa iyong misyon. Nag-aalala siya na baka ikapahamak mo pa ito. Ang buong ahensya ay nakikiramay sa iyo, Iha.” Habang naglalakad ako papasok sa pintuan ng aming bahay ay naririnig ko mula sa aking isipan ang tinig ni Gen. Lincoln. Mabigat ang bawat hakbang ng aking mga paa, kasing bigat ito ng dibdib ko. Pakiramdam ko anumang oras ay sasabog na yata ang dibdib ko. Masakit… Walang kasing sakit, iyon bang para akong sinasaksak ng paulit-ulit? Pagdating sa salas ay sumalubong sa akin ang nakabibinging katahimikan. Bakante ang buong bahay, malinis, habang ang mga puting kurtina sa bintana ay bahagyang inililipad ng sariwang hangin—isang malungkot na hangin. Kusang pumikit ang aking mga mata ng dumantay ang malamig na hangin sa aking mukha. Kasabay nito ang pagdaloy ng mga luha sa magkabilang pisngi ko—mga luha ng matinding kalungkutan. Malungkot, masyadong malungkot ang atmosphere
“Huh…” “kringgg!!!”kasabay ng pagpapakawala ko ng buntong hininga ay ang pagtunog ng alarm clock mula sa aking cellphone. 5 o’clock na ng umaga at kailangan ko ng bumangon upang asikasuhin ang aking mga alaga. Nanghihina na bumangon ako mula sa higaan at pinilit na tumayo upang maligo. Buong magdamag kasi na hindi ako nakatulog, dahil sa kakaisip sa nangyari sa pagitan namin ni Ninong Vincent. Hanggang ngayon kasi ay ramdam ko pa rin ang mga labi nito sa labi ko. Kay tagal kong pinananabikan na muli siyang mahagkan at mayakap pero hindi sa ganitong paraan.Nakaramdam ako ng lungkot ng maalala ko kung gaano niya akong kinasusuklaman.Nanlulumata na pumasok ako sa loob ng banyo habang isa-isang hinuhubad ang suot kong pantulog.Medyo gumaan ang aking pakiramdam ng dumaloy ang malamig na tubig sa aking katawan. Nang magawi ang tingin ko sa salamin ay nang haba ang nguso ko ng makita ko ang nanlalalim kong mga mata. Tanda ng kakulangan sa pagtulog. Mabilis na tinapos ko ang paliligo,
“Babe, kailangang paalisin mo ang inaanak mong ‘yan dito. Malaking gulo ang nilikha niya, at hindi magiging panatag ang loob ko hanggat nandito sya sa Mansyon.” “I don't know how long I've been standing here on the balcony, habang nakatanga sa kawalan. Bumalik lang sa reyalidad ang aking kamalayan ng marinig ko ang nakikiusap na tinig ni Alona.Pagkatapos ng nangyaring gulo kanina ay umakyat ako dito sa silid ko. Hindi ko na namalayan na sumunod pala sa akin si Alona, at ngayon ay hindi ito tumitigil sa pagkumbinsi sa akin na paalisin dito si Tara sa Mansion. Honestly, nabigla talaga ako at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na bigla itong susulpot sa mismong pamamahay ko. Kay laki ng kanyang pinagbago, she’s a woman now, at wala na ang inosenteng Tara na inalagaan ko ng mahabang panahon. She’s become more beautiful na talagang kay hirap para sa akin na alisin ang mga mata ko sa maamo nitong mukha. Muling kumudlit ang kirot sa dibdib ko ng manariwa ang sakit na nilik
“Pagkatapos na matulala sa mukha ng isa’t-isa ay dumilim ang ekspresyon ng mukha ni Vincent. Mas lalong humigpit ang hawak niya sa braso ko, hindi rin nakaligtas sa aking paningin ang pagdaan ng sakit na may halong poot mula sa kanyang mga mata. At ngayon ay malaya kong nakikita ang matinding pagkamuhi nito sa akin—ang labis na kinatatakutan ko. Bumigat ang dibdib ko, pakiramdam ko ay nalipat sa akin ang matinding sakit na idinulot ko sa kanya. “What are you doing here?” Tiǐm ang bagâng na tanong niya sa akin. Bhagya pa niyang inangat ang braso ko kaya naman nakaramdam ako ng sakit. Nanginginig ang kanyang kamay, at nag-iigtingan ang kanyang mga bagâng. “I-I’m sorry…” sa mahinang tinig ay kusa itong nanulas sa bibig ko habang diretsong nakatitig sa kanyang mga mata. Nais kong ipabatid kung gaano kong pinagsisisihan ang mga nagawa ko. Pero sa nakikita ko ay mukhang sagad sa buto ang galit niya sa akin. Sandali siyang nanahimik, ilang segundo na nakatitig lang siya sa aking m
“Nakakagigil, at matinding pagpipigil ang ginagawa ko ng mga sandaling ito. Nanginginig na ang laman ko habang ang dibdib ko ay marahas na nagtataas-babâ. Hindi ito basta makikita sapagkat pilit kong kinokontrol ang aking emosyon. Paano nagagawang saktan ng babaeng ito ang isang inosenteng bata? Sa tingin ba n’ya ay hahayaan ko na masaktan niya ito sa mismong harap ko!? Pwes! Nagkakamali sya, dahil hindi ako papayag. Ngunit, nang sumagi sa aking isipan na isa akong Yaya sa pamamahay na ito at malaki ang posibilidad na mapalayas ako dito sa Mansion ay biglang kumalma ang galit na nararamdaman ko. Kung patuloy kong kakalabanin ang babaeng ito ay mas lalo ko lang ilalagay sa alanganin ang mga bata. Dahil sa isipin na tumatakbo sa aking isipan ay kusang lumuwag ang pagkakahawak ko sa braso ni Alona. Hanggang sa tuluyan ko na itong binitawan. “P-pasensya na po, hindi ko”— “Pak!” Isang malutong na sampal ang naging sagot nito, hindi lang ‘yun, sinundan pa niya ito ng isa p
“Wake up, Sweetheart.” Malambing kong wika habang isa-isang dinadampot ang mga laruan na nagkalat sa sahig. Lumitaw ang magandang ngiti sa aking mga labi ng makita ko na dahan-dahang nagmulat ng kanilang mga mata ang magkapatid. Nasa iisang silid lang sila pero hiwalay ang kanilang mga kama. “Mommy…” mas lalong lumapad ang ngiti ko ng marinig ko ang malambing na boses ng mga batang ito. Sa tuwing tinatawag nila akong mommy ay ibayong kilabot ang gumagapang sa aking dibdib. Iyong pakiramdam na kay hirap na ipaliwanag, basta ang alam ko ay masaya ako. Nakakainspired ang mga batang ito. Kung minsan ay hindi ko maiwasan na humiling sa Diyos na sana ay anak ko talaga sila. “Kailangan nyo ng bumangon kundi malilate kayo sa school.” Paalala ko pa, sabay dampot sa blanket ni Princess at maayos itong tinupi. Natawa ako ng tila excited na bumangon ang magkapatid at nag-uunahan na lumapit sila sa akin at saka mahigpit na yumakap sa bewang ko. Natatawa na binuhat ko silang dalawa upang dal
“Who told you to stay here? Go to your room! Ayoko ng maingay!“ asik ni Alona kay Princess, dahilan kung bakit tumalim ang tingin sa kanya ng batang si Nicolai. Mula sa inosente nitong isipan ay nagagalit siya dahil sa hindi magandang pagtrato ng kanyang tita Alona sa kanyang kapatid. Bakit kailangan nitong magalit sa kanyang ate gayong tahimik lang naman silang gumagawa ng kanilang mga homework dito sa salas? Sa huli ay naisip din ni Nicolai na sadyang ayaw nito sa kanila. And besides, hindi na ito bago dahil malimit silang bulyawan ng kanyang tita Alona. Nahintakutan na tumayo kaagad si Princess gayundin ang kapatid nito. Nanginginig ang mga kamay ng bagong Yaya ni Princess na dinampot isa-isa ang mga gamit ng kanyang mga alaga. Walang ingay na pumanhik sila ng hagdan, maging ang mga katulong ay nanatiling tahimik at nakayuko sa isang tabi—naghihintay sa kung anuman ang iuutos ni Alona. “Until now ay wala pa rin ba kayong napili?” Supladang tanong ni Alona sa kanyang assistan
Mula sa dining room ay maririnig ang kalampag ng mga kubyertos. Tahimik na kumakain ng almusal ang mag-ama. Sa kanang bahagi ni Vincent ay nakaupo ang kanyang mga anak, habang sa kaliwang bahagi ay si Alona. Hindi nawawala ang magandang ngiti sa kanyang mga labi habang ginagampanan ang kanyang tungkulin bilang isang ulirang may bahay. Since that they are engaged, iniisip niya na asawa na siya ni Vincent kahit hindi pa man sila kasal. Pasasaan ba’t dun din naman hahantong ang lahat? Kaya naman todo effort siya sa pagpapakitang gilas sa pagsisilbi sa mag-ama.“Princess, inumin mo ang gatas mo, kaya hindi ka tumataba kasi ang hina mong kumain. I’m sure magugustuhan ninyo ang sandwich na inihanda ko para sa inyo.” Si Alona sa tono na kay lambing habang nakangiti sa mga bata.Ibinaba ng batang si Princess ang kanyang hawak na kutsara at tahimik na sinunod ang utos ng kanyang tita Alona. Lumitaw ang magandang ngiti sa mga labi ni Vincent habang pinagmamasdan ang kanyang anak. Alona is a
“Daddy!” Masayang sigaw ni Nicolai habang tumatakbo ito patungo sa kanyang direksyon. Mabilis na lumuhod si Vincent habang nakabukas ang mga braso, hinihintay na makalapit ang kanyang anak. Isang mahigpit na yakap ang natanggap ng batang si Nicolai mula sa kanyang ama. Kasabay nito ang mariin na halik sa ulo.“Oh thank you God! At ligtas kayo.” Masayang sabi ni Vincent habang panay ang dampi ng halik sa ulo ng kanyang bunsong anak. Nilingon niya ang anak na si Princess, lumambot ang ekspresyon sa kanyang mukha ng makita niya na hindi ito gumagalaw sa kanyang kinatatayuan. May apat na hakbang ang layo nito mula sa kanya. Tahimik lang ito habang nakatingin sa kanya, ngunit kapansin-pansin ang matinding lungkot mula sa mukha nito.Tumayo si Vincent at naaawa na lumapit sa kanyang panganay na anak. Kaagad niyang napansin ang kakaibang emosyon mula sa mga mata nito. Minsan na niya itong nakita noong mga panahon na pumanaw ang kanyang asawa. Dahilan kung bakit parang dinurog ang kanyang
“Ouch…” Hindi na maipinta ang mukha ko habang idinadaing ang sugat sa aking tagiliran. Hindi na kasi ako nagpadala sa hospital, at sa presinto na mismo ginamot ang sugat ko, since ma mababaw lang naman ang tama ko. Pagdating sa gilid ng kalsada ay kaagad kong pinara ang paparating na taxi. Huminto ito sa tapat ko. Mabagal ang mga hakbang na lumapit ako sa taxi, binuksan ko ang pinto sa bandang passenger seat. Pumasok at dahan-dahan na umupo. “Carmona, kuya.” Ani ko sa driver habang nakasandal sa sandalan at nakapikit ang aking mga mata. “Ano bang klaseng ina ito?” narinig kong sabi ng driver sa galit na tinig, dahilan kung bakit napilitan ako na imulat ang aking mga mata. Lumalim ang gatla sa noo ko ng mamulatan ko na masama ang tingin sa akin ng driver. “Ano bang problema ng driver na ‘to at kung makatingin ay parang akala moy napakasama kong tao?” Naguguluhan kong tanong sa sarili ko. “Kuya, may problema ba?” Nagtataka kong tanong sa driver. Subalit parang mas ikinasam