Trinity's POV
Hindi ko alam pero parang may hindi magandang mangyayari ngayong araw na 'to o baka napaparanoid lang ako? Dahil ba ito sa mga sinabi sa akin ni Mason na dapat ay mag-iingat ako sa mga kaibigan niya dahil mapanganib daw sila? Kahit kay Jaden ay kailangan ko rin daw mag-ingat. Ang weird din niya katulad ng mga kaibigan niya. Why is he saying that to me?It's 5:00am at gising na ako. Sila Jaden yata ay tulog pa rin. Pababa na ako ng hagdan nang makita ko si Daniel na topless at naka jogging pants lang. Napapikit ako dahil yung katawan niya at abs. Susmaryosep! Bakit ba ang hot niya? Pero dapat ay hindi ako magpaapekto sa katawan ni Daniel."Good morning Trinity," Bati ni Daniel nang makita niya ako.Napamulat ako ng mata at tinignan siya. Pansin ko na basang basa na siya ng pawis at may hawak rin itong handle-sized na barbel."G-Good morning rin," Iniwas ko ang tingin ko nang lumapit siya sa akin. Nadidistract ako dahil nakaTrinity's POV"Trinity, kumain ka na please.. kanina pang umaga walang laman 'yang tiyan mo, baka magkasakit ka niyan." Pag-aalok sa akin ni Eugene pero nagtalukbong nalang ako ng kumot at hindi siya pinansin.It's been 5 days simula nang hindi na ako nakatira kila Jaden at grounded pa sa bahay na 'to. Ban ako sa internet at kinuha lahat ni mommy ang gadgets at cellphone ko. Pinagbawalan rin niya na dumalaw sa akin ang mga kaibigan ko pati na rin ang 13 Guys dahil baka daw na sila pa ang maging daan para magkita kami ni Jaden. Inexcuse na rin niya ako sa YGA na hindi muna ako makakapasok. Impyerno para sa akin ang paghihigpit na nararanasan ko. Parang isa akong preso na nakakulong sa kulungan. Miss na miss ko na si Jaden. Sana gumawa siya ng paraan para mapatunayan na mali ang ibinibintang sa kanya nila mommy at Mikael. Si Eugene lang ang kasa-kasama ko ngayon. Ipinagbilin kasi sa kanya na bantayan ako kaya hindi na rin siya nakakapasok sa YGA. Si kuya Troy naman a
Ben's POVHindi ko maintindihan ang sarili ko pero nakokonsensya ako sa mga sinabi ko kay Trinity kanina sa mall. Bakit ba ako nakokonsensya? Tama naman ako hindi ba? Na siya ang panggulo sa aming magkakaibigan at masaya kami na wala siya. Masaya nga ba? Eh yung mga kaibigan ko ay malaki na ang pinagbago simula nang hindi na nakatira sa TREASURE House si Trinity. Masyado na silang tahimik. Ano ba ang ginawa ng babaeng iyon sa mga kaibigan ko? Isa pa si Jaden, nabalitaan ko na araw-araw daw siyang nagpupunta sa bahay nila Trinity pero hindi raw siya pinapapasok ng mga bodyguards don. For the first time, I saw him crying because of that woman. Is he really love Trinity? C'mon Ben! Iiyak ba 'yon kung hindi? Okay, I admitted that I like Trinity pero kung hindi rin lang naman siya mapupunta sa akin ay mas mabuti pa na magalit nalang ako sa kanya. She doesn't deserve my friends too. Nalaman na rin pala niya na kaibigan ko si GD. Mabuti at hindi niya nalaman na isa ako sa may paka
Kevin's POVNandito kami ngayon ng TREASURE guys sa bar. Sinasamahan namin sa paglalasing si Jaden. Nabalitaan kasi namin na nakipaghiwalay na sa kanya si Trinity dahil nalaman nito na si Jaden ang kababata niya na hindi na siya binalikan sa matagal na panahon. Hindi man lang niya sinabi sa amin na kababata pala niya si Trinity kasi natatakot raw siyang umamin dahil baka layuan siya nito. Kung hindi rin naman siya tanga at pinaasa na babalikan pa niya ang kababata niya ay malamang na magagalit talaga 'yon. Matagal na rin pa lang alam ni Sam ang lahat kaya siya na ang nagpaliwanag sa amin ng lahat-lahat. Kaya pala nakikita ko na noon pa kay Jaden na para bang matagal na niyang kilala si Trinity dahil kababata niya 'to. Nalaman raw ni Trinity ang lahat dahil may nagpadala ng CD sa kanya habang nag-uusap sina Jaden at Sam patungkol sa kanya. Marahil ay si Travis ang gumawa non.Kung may galit na galit sa nangyari, ayon ay si Daniel. Nagagalit siya dahil nagsinungalin
Trinity's POVHanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na si Jaden na taong minahal ko ay si Jojo pala na kababata kong hindi na ako muling binalikan pa. Napakasakit dahil niloko niya ako at pinaikot sa mga kasinungalingan niya. Kung hindi ko ba napakinggan ang CD recorder na 'yon ay hindi siya aamin sa akin? Sino ang nagpadala ng cd na iyon? Isa lang rin ba siya sa kasama ko noon sa TREASURE House?"You're spacing out again." Puna sa akin ni Travis.Simula nang mabuko at nakipaghiwalay na ako kay Jaden ay si Travis na palagi ang kasama ko. Nalaman ko na close pala siya ng pamilya ko at may tiwala rin sila dito. Si Eugene naman ay busy na sa pag-aaral at pagtulong sa pagpapatakbo ng kompanya nila. Sinabi niya pa sa akin na 'wag daw akong magtitiwala kay Travis dahil hindi maganda ang kutob niya dito. Nagtaka naman ako dun. Bakit parang hindi tiwala si Eugene sa mga kaibigan ko? Mahirap ba silang pagkatiwalaan?Napaayos naman ako ng upo. "M
Trinity's POVI'm crying like there's no tomorrow. Pakiramdam ko ay napakadumi ko nang babae. The man sleeping beside me is an evil. I trust him but he broke my trust. Papaano niya sa akin nagawa ang bagay na 'to? Bakit niya ako sinaktan? Mas lalo pa akong napaiyak nang makita ko ang dugo na nasa kama. Its confirmed, Travis raped me at may nangyari sa amin.Unti-unti na siyang gumagalaw mula sa pagkakahiga niya hanggang sa tuluyan na siyang nagising. Lumingon siya sa akin at tinitigan ako habang umiiyak. Ginawa niya ang kababuyan niya sa akin at dito pa mismo sa pamamahay namin. Galit ang nararamdaman ko para sa kanya. Hinding-hindi ko siya mapapatawad!"Papaano mo nagawa sa akin 'to, Travis?!" Sigaw ko at pinagpapalo siya sa dibdib niya. Wala na akong pakialam kung natanggal man ang kumot na nakabalot sa akin. Wala na rin naman akong magagawa dahil nakita na niya ang lahat-lahat sa katawan ko.Pinigilan naman niya ang dalawang kamay ko habang nan
Trinity's POVPapauwi na ako papuntang bahay. Napasapok na lang ako ng aking ulo nang malaman ko na nalasing pala ako at inuwi ni Ben sa condo niya dahil hindi nito alam ang address ng bahay namin. Naperwisyo ko pa tuloy sila ng pinsan niyang si Roxanne. Mabait naman pala si Roxanne. Pinagselosan ko pa tuloy siya. Dati, she said that she really likes Jaden pero nagpaubaya na lang daw siya dahil hindi siya nito mahal at alam din niya ang tungkol sa break-up namin pero hindi daw niya kukunsintihin ang panlolokong ginawa sa akin ni Jaden pero dapat daw ay humingi ako ng explanation. Gagawin ko naman iyon pero hindi pa muna sa ngayon, masakit pa rin kasi. Nagtanong pa siya kung okay lang ba kami ni Travis. Sinabi ko na lang na oo dahil ayoko nang marinig at makita ang lalaking iyon. Nagpapasalamat ako dahil kahit nalasing ako ay hindi ako ginawan ni Ben ng masama hindi katulad ng kaibigan niya. I'm glad that we're okay now.Nakauwi na ako ng bahay at pagkapasok ko ay w
Leo's POVNapagpasyahan nila Chae, Bonnie at Micca na puntahan 'yung bahay na dating tinitirhan ni Trinity kasama ang 13 Guys. Gusto nilang makausap si Jaden dahil sa nalaman namin na siya pala ang tinutukoy ni Trinity na kababata nito na iniwan siya at hindi na muling binalikan pa. Halos marindi na ako sa boses ng mga babaeng kasama ko dito sa loob ng kotse ko.Bakit kasi kasma pa nila ako at wala si Jerome? Kailangan ba talaga nilang mag-usap na sobrang lakas ng boses?"Pwede bang hinaan niyo naman ang volume ng mga boses niyo? Mabibingi na ako dito e!" Reklamo ko habang nagmamaneho.Sinamaan naman ako ng tingin ni Chae na nasa tabi ko lang. "Manahimik ka, Leozon kung ayaw mong sapakin kita." Dahil under na under niya ako ay nanahimik na lang ako.Pagkarating namin sa bahay ng 13 Guys ay kaagad kaming pumasok sa bahay nila. Para yata kaming sasabak sa giyera dahil sa mga babaeng kasama ko. Dinahilan pa nina Bonnie at Micca na gusto nila
Jerome's POVNapaupo nalang ako sa sahig dahil sa lakas ng pagkakasuntok sa akin ni Dad. He's mad at me right now."Fuck it, Jerome! Paiibigin mo lang ang bestfriend mo ni hindi mo pa magawa? Alam mo naman na kailangan natin ang shares ng company nila kapag nakasal ka kay Trinity. We need her!" Dad angrily said.I glared at him. "Dad, ginawa ko na ang lahat pero hindi pa rin niya ako magustuhan. I even hide my true identity para mapansin niya ako but it's fucking useless! I'm tired of being her bestfriend kaya titigil na ako sa kakaasa."I love Trinity so much pero napapagod na rin akong maging 2nd option niya. Ilang taon na akong umaasa sa wala at magpanggap na isang perfect bestfriend para sa kanya. Tao lang rin ako at napapagod. Hindi ko naman kayang pilitin niya akong mahalin dahil lang sa awa. She's so important to me at kung si Jaden man ang magpapasaya sa kanya ay magpapaubaya nalang ako.Dad sighed at tinulungan akong makatayo na
Trinity's POVAfter 5 years...Living with the 13 guys was surprising and unexpected for me. Nang nakilala ko ang labin-tatlong lalake at nakasama sa iisang bahay ay doon na tuluyang nagbago ang mundo ko. Sa pagkakakilala ko sa kanila ay marami akong natutunan katulad nalang ng pagsasakripisyo at pag-unawa.Mason or Alec is my bestfriend. Mas nauna ko siyang nakilala kaysa kay Jaden. Noong mga bata palang kami ay siya na ang naging kasama at kalaro ko noon. That was my best happenings in life, ang makilala ko siya.Then Jaden came, ang lalakeng mahal na mahal ko simula noong palang. He has a lot of imperfections pero in the past few years ay natanggap ko na lahat iyon lalo na nung pinatawad siya ni Mason sa naging kasalanan niya.Pagkatapos ng limang taon ay marami na rin nagbago. Madalas ay nag-aaway kami ni Jaden dahil sa pagiging seloso nito pero nasanay na ako sa kanya at nagkakabati rin naman kami sa huli. Alam ko naman na noong una
Jaden's POVLumipas ang isang buwan at naging maayos naman ang lahat sa amin ni Trinity. Sa pagkawala ni Mason ay marami akong natutunan at narealize na mga bagay. Hindi sagot ang inggit at selos sa puso para makapanakit ka ng isang tao. Kung gagawin mo ang mga bagay na 'yon ay kahit kailan ay hinding-hindi ka magiging masaya.Humingi ako ng tawad kay Mason at sa mga magulang niya dahil sa ginawa ko noon sa pamamagitan ng pagdadasal. Sa kabila noon hanggang ngayon ay malaya pa rin akong nagagawa ang mga bagay lalong-lalo na ang mahalin si Trinity.Nandito kami ngayon sa Tagaytay kasama si Trinity, ang TREASURE guys at ang mga kaibigan ni Trinity. Bakasyon ngayon at naisipan naming magpunta ulit dito sa resthouse nila Kyle para makapagrelax man lang. Sa daming nangyari nitong nakalipas na isang buwan ay minabuti nalang naming kalimutan ang lahat at makapagsimula ulit ng bago.Nakangiti kaming dalawa ni Trinity sa isa't-isa habang nakaholding hands
Trinity's POVNasa ospital ako ngayon at nang iminulat ko ang mga mata ko ay bumungad sa akin ang mga nag-aalalang mukha ng TREASURE Guys."Trinity, are you now okay?" Nag-aalalang tanong ni John sa akin.Ngumiti naman ako saka tumango. Natamaan ng basag na vase ang binti ko nang magwala si Mason kaya nasugatan ito at halos hindi ko na maigalaw ang paa ko sa sakit. Isinakay niya ako sa isang wheelchair dahil ipapagamot raw niya ako sa personal doctor niya.Hindi ko aakalaing aabot kami sa ganito at sa pagkamatay niya ay lubos akong nalulungkot para dun. Siya pa rin ang Alec na kababata ko. Siya pa rin 'yung Alec na mabait at mapagmahal sa mga magulang niya. Napaiyak na naman ako na ikinaalarma nila."Trinity, what's wrong?" Tanong ni David at inalo niya ako.Umiling lang ako bilang sagot saka hinarap ang TREASURE Guys."Maraming salamat sa pagligtas niyo sa akin. Nasaan na pala si Jaden ngayon?" Tanong ko.Umili
Jaden's POVNapa facepalm nalang ako habang tinatahak namin ang Batangas kasama ang ibang TREASURE Guys. Nang nabalitaan nila sa akin na si Mason ang Alec na tinutukoy ko na kababata namin ni Rinrin ay nagpresinta na rin sila na sumama sa akin para iligtas si Trinity. Ikwinento ko na sa kanila ang lahat para hindi na sila magtaka pa kung bakit dinukot ni Mason si Trinity.Ang sikip ng pwesto namin dito sa Van at dahil ang dami namin sa loob ng sasakyan ay halos hindi na ako makahinga sa sobrang suffocation."Ano ba naman 'yan, John! Pwede bang 'wag kang malikot? Nakita mo na ngang ang sikip-sikip dito tapos para ka pang bulate na inasinan diyan!" Inis na reklamo ni Justin habang katabi si John."Sorry na! Nag-aalala lang naman kasi ako kay Trinity kaya hindi ako mapakali, e." Nakapout niyang sabi."Tsk! Mabuti nalang at wala si Micca dito kundi baka-" David stopped them."Huwag na nga kayong magbangayan dyan. Kahit ngayong araw l
Trinity's POVNagising na lamang ako sa isang madilim na kwarto. Tanging ilaw na lamang na nanggagaling sa bintana ang nagsisilbing ilaw sa kwarto. Nakahiga ako sa isang kama habang nakagapos ang mga paa at kamay ko. May panyo rin na nakalagay sa bibig ko. Naiyak nalang ako nang mapagtanto ko na kung sino ang gumawa sa akin nito.Biglang bumukas ang pintuan ng kwarto at kahit madilim at hindi ko maaninag ang mukha niya ay alam ko na kung sino siya. Lumapit ito sa akin at umupo sa gilid ng kama. Nakatitig ako sa kanya habang umiiyak habang siya naman ay nakangising nakatingin sa akin."You're still beautiful even if you're crying." Nakatitig niyang sabi sa akin.Takot ang nararamdaman ko ngayon. Gusto kong sumigaw pero hindi ko magawa dahil nakatakip ang bibig ko ng panyo. Hikbi na lamang ang nagawa ko at sumiksik ako sa dulo ng kama gawa ng takot ko sa kanya. Hindi siya ang Mason na nakasama ko sa TREASURE House. Ibang-iba siya. Nakakatakot siya.
Trinity's POVNapag-usapan namin ni Mason na magkikita kami sa Coffee Shop mamayang 8am at iuuwi naman daw niya ako ng 5pm. Mabuti nalang at may pasok si Jaden sa kompanya nila at kaninang 6am pa siya umalis at baka 9pm na rin siya makauwi kaya pasalamat nalang at hindi kami magkikita ngayong araw dahil magiging busy siya sa trabaho niya.7:45am na at nakabihis na rin ako. I wear simple jeans at sleeveless ruffled dress na kulay yellow. Nagdala rin ako ng purse at ready to go na.Nagpahatid ako sa driver namin papuntang Coffee Shop. Nang makarating na ako at makalabas ng kotse ay nakita ko kaagad si Mason sa labas ng Coffee Shop na mukhang naghihintay sa akin. He's very simple when it comes to his fashion. Hindi siya katulad ni Jaden at ng ibang TREASURE Guys na kung todo pumorma. He's wearing a simple gray t-shirt, wristwatch, jeans and rubber shoes pero kahit napakasimple lang ng get up niya ay nakaw atensyon pa rin siya dahil napakagwapo niya. Hindi nga
Jaden's POVIt's been one month since unexpected things happened. Masasabi ko na masaya at mapayapa na ang lahat. We are now at TREASURE house celebrating Trinity and her friends graduation party. Kami ni Trinity ay going strong pa rin. I want our relationship won't last dahil sa mga pinagdaanan namin pero sa huli ay kami pa rin ang magkasama."Congrats sa mga bagong graduate!" Sigaw ni John."Kailangan talagang sumigaw?" Naiirita namang sabi ni Justin at tinakpan ang tenga nito gamit ang dalawang palad niya.Kahit kailan talaga ay palagi silang nagbabangayan. Wala yatang araw na hindi sila nagtatalo pero sa maniwala man kayo o hindi ay magbestfriend talaga sila.Tumawa naman si Bonnie. "Ang cute niyo kapag nag-aaway kayo." Napangiti naman kaming lahat dahil sa sinabi niya."Seriously? Cute sila kapag nag-aaway? Are you blind?" Sarkastikong sabi ni Ben na siniko naman ni Jun."Ano bang pakialam mo eh 'yon ang tingin sa k
Daniel's POVKanina pa ako pinapakalma ng TREASURE Guys dahil sa mga nalaman naming kagaguhan ni Travis kay Trinity. Hindi ko maiwasang magwala at magalit sa hayop na iyon. How can he do such thing to an innocent girl? Nababaliw na ba siya? Hindi na niya nirespeto si Trinity and I can't imagine na nagawa niya ang bagay na iyon sa tagal na naming magkaibigan."Just calm down, Daniel." Sabi ni Mason.I glared at him. "Calm down? Do you think I can do that?" Napakunot naman ang noo niya sa sinabi ko."You act as if your Trinity's boyfriend? Why? Hindi ka pa rin ba nakakamove-on?"Lahat kami ay halos nagulat sa inaasta ngayon ni Mason. Mason is the calmest person in TREASURE Guys at hindi siya nagsasalita ng mga ganitong klaseng bagay. Ngayon lang.I was about to punch him nang napigilan ako nila Kyle at Kevin."Huwag na kayong mag-away, please?" Pakiusap ni Kyle.Naibaba ko ang kamay ko at tinignan muli ng masama s
Trinity's POV"She's not going to marry you because she's mine."Tell me, nananaginip lang ba ako dahil ang nakikita ko sa harapan ko ay si Jaden? Matagal na rin simula nung huli ko siyang nakita at masasabi ko na mas lalo pa siyang gumwapo dahil sa blonde niyang buhok. Nagpadye na naman siya ng buhok pero bumagay iyon sa kanya. Nakatingala lang ako sa kanya dahil matangkad siya. Halos maglaway naman ang mga estudyanteng babae ng YGA pagkakita nila kay Jaden. Sa gwapo ba naman nito ay sinong hindi mapapatingin sa kanya?"Jaden," Mahinang sambit ko na hindi naman niya narinig."And who are you to ruin my proposal?" Tumayo si Jay na may masamang titig kay Jaden.Jaden look at me na nagpabilis ng tibok ng puso ko. Kaagad rin bumaling ang tingin niya kay Jay at nginitian ito."Ang gwapo naman ni blonde guy!" Tiling sabi nung isang babaeng estudyante."Makalaglag panty 'te! Ang cool pa niyang tignan." Sabi pa nung isa.