"Gusto mo ng maiinom?" tanong sakin nitong katabi ko.
"Naku wag ka nang mag abala pre, maraming salamat sa pagkain na binigay mo, kahapon pa ako huling kumain eh." ani ko sabay subo ng fries na isinawsaw ko sa ketsup.
"Tsaka salamat din pala, kung di mo ako tinutungan kanina ay baka callboy na ako." pasalamat ko ulit sa kanya.
"Ang dami mo namang pasasalamat, wala lahat iyon," saad ni dylan na pansin kong nakatayo na pala sa harapan ko.
"Dito ka lang, bibili lang ako sa loob." paalam pa nya.
Di ko na sya napigilan ang bilis maglakad, ipinagpatuloy ko nalang ang pagkain ko.
"Eto oh." alok nya sakin ng biniling softdrink.
Inabot ko na lang ito at nagpasalamat. Makalipas ng ilang minuto, malapit na akong matapos kumain ay bigla syang nagsalita kaya napatingin ako sa kanya.
'Nandito pa pala sya'
"Mag-iisang buwan nang muli akong maka-uwi dito sa pinas, isang taon kasi akong nagtrabaho sa Europe." kwento nya.
Hindi ako sumagot nakinig na lang sa kanya. Binigyan niya ako ng pagkain kaya pakiramdam ko ay obligado akong makinig sa kanya.
'Hayys iba din ang paraan ko ng pagtanaw ng utang na loob ah'
"Ikaw Rylan, san kang probinsya galing at bakit mo naisipang pumunta dito sa maynila?"
Napabaling ako kay Dylan dahil sa kanyang tanong.
"Ah Sa Bulacan ako galing, nagbaka sakali ako dito sa maynila katulad ng ibang taga-probinsya na gustong makapag trabaho. Hindi naman iba sakin ang kaibahan ng lungsod at probinsya, maraming tao dun sa amin ang nagpayo sakin na mag ingat sa pagpunta ko dito. lalong-lalo na ang aking mga magulang, alam kong nag aalala na sila sakin, pero nagpursige talaga akong pumunta dito kasi gusto ko silang matulungan."
Nakatingin lang sa aming harapan si Dylan pero pansin kong tumatango siya minsan habang nakikining.
"May mga nakababata pa akong kapatid na nag aaral ngayon kaya naman, kung makahanap ako ng trabaho dito ay gusto kong suportahan ang pag aaral nila, gusto ko ding padalhan si inay ng pera para mabawasan naman ang aming utang at kung papaladin ako ay baka mapatigil ko na sila sa pag tatrabaho lalo na si tatay. Sobrang delikado kasi ang trabaho nya."
"Ano ba ang trabaho ng tatay mo?" tanong naman nya.
"Nagtatrabaho sya sa isang pataniman ng palay."
"Ano naman ang sobrang delikado dun? nangangain ba ang lupa sa pinagsasakahan nya?" napapatawang tanong muli nito.
Tiningnan ko naman ito ng kakaiba bago sumagot..
"Hindi naman sya magsasaka, taga spray sya ng mga kemikal sa mga palayan." sagot ko naman sa kanya.
'luko eh, kung nangangain ba daw yung lupa? iba din to.'
"Oo nga, baka magkasakit nga sya dahil dun," pagsang ayon naman nito.
At yun ang kinatatakutan ko sana naman ay makahanap na ako ng trabaho dito bago pa mahuli ang lahat at magkasakit na si tatay dahil sa trabaho nya.
Pero sino naman kaya ng tatanggap sakin sa trabaho kung (amoy, amoy sa kili-kili ) hindi pa ako nakakaligo.
"Mula nung mag highschool ako ay sa condo na ako nakatira," anito habang nakatingin saking ginagawa.
"Condo? iyon ba yung tinutukoy mo?" tanong ko sa kanya sabay turo ng isang building na mataas na nasa may di kalayuan samin.
"Oo yan nga, maganda tumira sa condo, mataas at nakakamangha talaga ang view. Pero nung nasa Europe ako ay naisip ko pagnakabalik ako dito sa pinas ay gusto kong bumili ng sariling bahay, gusto ko kasi magkaroon ng privacy at katahimikan." pagpapatuloy pa nito.
"At natupad naman ang gusto ko, nang makauwi ako dito sa pinas ay naisipan kong bumili ng bahay sa isang subdivision sa marati. Maganda yung bahay, nakuha ko yung privacy at katahimikan na gusto yun nga lang..." putol nya sa sinasabi nya.
"Yun nga lang?" tanong ko.
"Yun nga lang ay kailangan ko ng kasambahay, di kasi ako marunong magluto kaya kada umaga puro kape lang ako, tapos di ko na rin maayos ang bahay dahil busy sa work. Hayys," saad nito sabay buntong hininga dahil sa problemang meron sya.
Napaisip naman ako sa kanyang sinabi, kakapalan ko na mukha ko at mag magtatanung kung pwede mag-apply .
"Marunong ka ba maglinis ng bahay?"
Oo naman, yan ang trabaho ko sa bahay namin wala kasi lagi si inay para gawin pa iyon, busy kasi sya sa paglalaba sa kapit bahay at pag racket pa sa palengke.
"Marunong ka bang magluto?"
Dyan ako sigurado, mahilig kasi talaga ako magluto at libangan ko talaga iyon, dahil siguro sa dami na ng napasukan kong karenderya noon. Natutuwa din ako pag nagugustuhan ng kumakain ang luto ko.
"Oo parehas ang sagot ko, bakit mo naman natanong?"
"Pwede bang ikaw nalang kunin kong kasambahay?"
Bigla akong nabingi sa tanong nya, magtatanong pa lang dapat ako kung pwede ako mag apply tapos kinukuha na nya ako.
Tulala parin ako habang naka titig sa mukha nya.
"Ano payag ka ba Rylan?" tanong nya ulit.
Teka kailangan ko sumagot, eto na yung hinihintay ko ang magkatrabaho, eto na yun kaya di ko na to palalampasin pa.
"O-Oo naman, tinatanggap ko ang trabaho, Maraming salamat pre," masaya kong sagot na may kasamang magkakasunod na tango. Halos matanggal na ulo ko sa katatango.
"Ganun ba, nasaan ang mga gamit mo?" tanong pa nya habang tumatayo na sa pagkaka upo sa tabi ko.
"Ah yun gamit ko kasi ay na sa may Quiapo. May pinag iiwanan lang ako dun. Tapos sa hapon kinukuha ko na sya dahil uuwi na yung pinag hahabilinan ko. " sagot habang sumusunod sa paglalakad nya.
"Tara kunin na natin ang gamit mo."
'Ha? pero medyo malayo na ang Quiapo dito... wala na din akong pamasahe, ayaw ko namang gastosin itong pera ng bakla, hindi naman ito sa akin.'
"Wag ka mag alala, may dala naman akong sasakyan," ngiti nitong saad sakin.
Nakarating kami dito sa may gilid ng fastfood nang may nakita akong napakagandang sasakyan, itim ito na talaga namang mamahalin. Napansin ko na lang na nakalapit na pala sya dun at kumakaway sakin para lumapit din.
"Sakay ka na."
Ang totoo ay nahihiya ako, ayaw kong madumihan ang sasakyan nya dahil madumi na talaga ako kaya kahit nakatingin sya sakin at naghinihintay ay di ko parin magawang gumalaw at sundin ang utos nya.
"May problema ba?" tanung nya na may halong pag aalala.
"Ah wala naman, ano-- mag lalakad na lang ako pede mo bang hintayin na lang ako dun." ani ko sa kanya pansin ko naman ang pag kunot ng kilay nya.
"Alam kong hindi pa tayo nagtatagal na magkakilala pero hindi ako masamang tao Rylan, hindi kita sasaktan at lalo ng hindi naman kita dadalhin sa ibang lugar sa oras na sumakay sa kotse ko," sagot nito na may halong lungkot.
Nabigla ako sa sinabi nito, siguro ay di talaga kami nagkaintindihan wala naman akong duda sa kanya sa totoo nga ay magaan ang loob ko sa kanya eh.
"Ha? naku hindi yon ang iniisip ko Dylan, ano kasi ang totoo ay nahihiya akong sumakay, bukod sa madumi ako ay--" pinutol nanaman nya ang sasahin ko.
"Rylan, wala naman iyon sakin." sabay ngiti pa nito.
Di ko alam pero dahil sa mga ngiti nyang yan ay di ako maka tanggi sa kanya.
Wala na akong nagawa at tuluyan ng sumakay sa sasakyan nya. Ang lamig sa loob at napaka bango.
"Rylan mag seat belt ka," utos pa nito kaso hindi naman ako marunong maglagay nun.
Siguro ay napansin nya na di ako magkaintindihan kung pano ba ikakabit yung seat belt na sinasabi nya kaya bigla naman akong nagulat ng lumapit sya sakin at parang yayakapin pa ako, kaya napapikit na lang ako.
Tapos naka rinig ako ng *click* kinabit nya lang pala yung seat belt, kinabahan naman ako dun. Nung tingnan ko ang mukha nya ay naka ngisi na sya.
Nagsimula nang umandar ang sasakyan nito. Habang nakatanaw ako sa bintana. Sya naman ay deretso lang nakatingin sa harap.
Napaka bilis ng mga pangyayari, hanggang ngayon ay di parin ako makapaniwala, sa wakas ay may trabaho na ako.
Bigla kong naalala nung pagdating ko pa lang dito sa maynila, nakakahilo ang mga building na nakapalibot sakin, para akong baliw na nakatigil sa gitna ng maraming taong mabibilis na naglalakad at di nadaanan lang ako, yung iba naman ay binibigyan ako ng tingin na para bang nagtataka sila kung bakit hindi ako gumagalaw sa kinatatayuan ko. Sobrang nakakapanibago dito sa syudad, lahat ng tao ay halanag busy at nagmamadali. parang napaka laking bagay ang mawawala sa kanila paglumipas ang isang minuto.
At tanda ko pa din ng dumilim na, ginugol ko kasi ang unang araw ko pa lang sa pag hahanap agad ng trabaho imbis na maghanap muna ng matutuluyan. Kaya eto naglalakad ako sa madilim na daan, hindi ko alam nung mga panahong iyon kung san ako magpapalipas ng gabi. Dahil siguro sa pagod ay minabuti ko munang umupo sa harap ng isang saradong tindahan. At ng magising ako ay umaga na pala ulit. Bagong araw na naman isip isip ko.
Nagpatuloy ang mga araw ng paulit ulit lang, tipid na tipid ko pa ang dalawang daang piso na aking huling pera, halos isang tinapay at madaming tubig lang amg gawa ko para magtagal ng kunti ang pera ko, kahit alam ko naman na hindi na ito sapat pa para sa mga susunod na araw.
Naranasan ko din ang sobrang lungkot dahil pakiramdam ko ay bibigay na ang aking loob, gusto ko nang umuwi alam ko yun pero may isang parte ng aking pagkatao na nagsasabi sakin na kailangan kong tatagan ang aking kalooban para sa aking pamilya.
Halos maiyak ako sa takot ng isang gabi na muntik na akong masali sa isang gang war. Ganto kasi ang nangyari...
Isang gabi pag higa ko sa harap ng isang saradong tindahan ay nagising ako sa malalakas na ingay parang may nagtatalo, nag aaway kaya biglang naimulat ko ang aking mga mata sa di kalayuan ay naaaninag ko pa ay dalawang grupo ng mga kalalakihan na nag bubugbugan tapos bigla silang nagtakbuhan papalapit sa dereksyon kung nasan ako tapos nakita ako nung isa na may hawak syang kutsilyo at masama ang tingin nya sakin sa takot ay hindi ko nagawang makagalaw hanggang sa...
"Rylan? Uy okay ka lang ba kanina pa kita tinatawag," saad ni Dylan, dahil sa pag tawag nya sakin ay naputol ang aking pag babalik tanaw sa nangyari sakin.
"Hayss, ah oo okay lang ako nasan na tayo"
"Kanina pa tayong nakarating at nakatigil dito, pero di ka naman gumagalaw kala ko kung ano nangyari sayo."
"Ah ganun ba, tayo na." nagmamadali kong sabi pa. ' nakakahiya kasi.'
Nang makababa kami ay hinanap agad ng aking mata ang aking pinaghabilinan ng gamit isang bag lang naman iyon na may lamang maduduming damit.
Habang naglalakad-lakad kami ay nakita ko na rin, isa syang matanda na nagtitinda ng banana cue dito sa harap ng simbahan.
"Lola, maraming marami pong salamat sa pagbabantay nyo lagi sa aking gamit," masaya ko pang sabi dito.
"Naku walang anuman iyon utoy mag iingat ka lagi ha."
Habang nakikipag usap ako kay lola ay di ko napansin na nasa likod ko na pala si Dylan.
"Lola magkano po ang tinda nyo?" tanong pa ni dylan sa matanda.
"12 pesos hijo ang isa nitong banana cue," sagot naman ng matanda.
Napahiya naman ako ng maisip na baka kaya gutom na si dylan ay dahil ibinigay niya ang pagkain nya sakin kanina. Pero di ko akalain na kahit mayaman si Dylan ay kumakain pala sya ng mga ganung pagkain.
"Sige po, bibilhin ko na lahat ng paninda nyo para maka uwi kayo nang maaga," ani Dylan sabay ngiti sa matanda.
Hindi naman makapaniwala si lola sa sinabi ni Dylan, ako may ganun din.
'Mukhang gutom na gutom na nga sya.'
"Eto oh banana cue, kain kayo." ani ko sa mga batang nanglilimos na nakaupo sa may gilid ng kalsada.Akala ko talaga ay kakainin ni Dylan lahat ng binili nyang banana cue may lola kanina."Kaya mo bang ubusin lahat ng binili mo kay lola? isang bilao yun." saad ko habang naglalakad kami pa layo."Haha syempre hindi ko kayang ubusin lahat kuha lang tayo ng apat, tig dalawa tayo tapos yung lahat ng tira ay ipapamigay na natin." masaya naman nitong sagot sakin.Nakakahanga talaga itong si Dylan, unang una na ay mabait sya dahil iniligtas nya ako kanina at binigyan pa nya ako ng trabaho at ngayon naman ay namimigay sya ng pagkain sa mga batang nakikita naming nanglilimos dito."Kuya salamat po," sabi ng isang batang nabigyan namin."Wag ka sakin magpasalamat, dun oh" turo ko kay Dylan, ito naman kasi ang bumili ng mga pagkain.Ang totoo nyan ay katulad din ng iba ang aking paniniwala pag dating sa mga mayayaman. Ang ting
Chapter 4Nagising ako ng maaga, tiningnan ko ang relo na nakasabit sa pader ng kwarto. Alas kwatro palang ng umaga at madilim pa sa labas.Minabuti ko nang gumising at magtungo na sa banyo para maghilamos at makapag toothbrush, ito ang unang araw ko sa trabaho. Excited na ako kaya minadali ko na ang ginagawa ko.--------------------------Nandito ako sa kusina upang ipaghanda si Dylan ng agahan. Nagluto ako ng itlog, hotdog , at sinangag , ito lang kasi ang nakita kong pwedeng iluto base sa laman ng ref nya."Yan tapos na, kailangan ko nang gisingin si Dylan," sabi ko sa aking sarili. Sabay tingin sa relo dito sa kusina. 5:30 na pala tamang tama lang."Dylan!!! gising na, tanghali na liligo ka pa!" pag gising ko sa kanya habang maramang inaalog ang braso nya.Nandito na ako sa kwarto nya para ihanda ang kanyang susuotin."Rylan?" tawag nya s
Chapter 5"Ry !! Im home."Boses na narinig ko mula sa salas, ibig sabihin nandito na si Dylan. Kinakabahan na ako at hindi mapakali dito, pero kailangan ko syang batiin."Ah Dylan nandyan ka na pala." sagot ko sa kanya habang nakasilip sa may kusina"Oo at may pasalubong ako sayo" saad ni Dylan pagpasok nya sa kusina at ipinatong sa counter ang dala nya.Napalapit naman ako at naintriga sa pasalubong daw nya."Wow, mukhang ang sarap nito." may dala syang box na donut."Reward ko yan sayo dahil ginalingan mo sa unang araw mo sa trabaho."Nang marinig ko ang sinabi nya ay bigla naman akong nakonsensya, ang bait-bait talaga nya tapos pinagbabaan ko pa sya ng telepono kanina."Ry, gawa mo ulit ako nung mango juice katulad kaninang umaga, magbibihis lang ako." request pa nito."Shake yun hindi juice."
Chapter 6'Ang lamig ng tubig.'Pagsaw-saw ko ng aking kamay sa holy water at nag sign of the cross. Tapos na kasi ang misa at palabas na kami ng simbahan."San na tayo pupunta Dylan?""Supermarket maggo-grocery na tayo" sagot naman nya habang naglalakad papunta sa parking lot."Supermarket? hindi sa palengke?" takang tanong ko sa kanya"Sa supermarket ako namimili, mas kumpleto kasi ang mga tinda dun at mas mabilis din hanapin" sagot naman nya ng maisuot na nya saakin ang seatbelt.Hindi pa rin kasi ako marunong.Ilang minuto pa ay nakarating na kami sa isang napakalaking establishmento ang daming tindahan at mga tao dito. Nakakatuwa pagmasdan."Ang ganda naman dito Dylan." manghang sabi ko sa kanya habang iniikot ang aking paningin sa paligid."Nasa MOA tayo""MOA?" pangalan ba y
Chapter 7"San ko ilalagay itong mga de lata Dylan?" tanong ko sa kanya habang ipinapatas na ang mga pinamili namin kanina.Umuwi na rin kami kasi wala naman akong iba pang gustong puntahan, masaya na ako sa pamamasyal namin kanina sa mall."Ako na bahala dyan Ry, dito kasi sa taas yan nilalagay, kaso di mo naman abot." ngisi pang sabi nya sakin, inaasar na naman ako dahil ang liit ko.Hindi pa kasi umabot sa balikat nya ang height ko, tapos ang payat ko pa."Kaya nga naimbento ang HAGDAN. " inis na tugon ko naman sa kanya"Haha joke lang Ry, wag ka magalit lalo kang liliit nyan." tawang-tawa naman ito.Lakas talaga mang asar nito, hindi ko na lang sya pinansin balak ko na rin kasi magluto ng tanghalian namin pagkatapos ko dito.Bigla kong naalala ang binili naming graham nang makita ko ito sa loob ng plastic. Napangiti ako dahil sa kasa
Chapter 8"Ry luto na ba yan?"Nabigla ako dahil may nagsalita sa likod ko, sino pa edi si Dylan."Hindi pa ito luto, nakulo pa lang oh," ani ko sabay halo sa tinola."Ako ang titikim." sabay hawak sa kamay kong may hawak sa sandok at sumalok ng kaunting sabaw at tinikman ito.Napakabilis ng mga pangyayari hindi na ako nakagalaw sa kinatatayuan ko. Sobrang lapit ng mukha nya sa akin at ramdam ko din ang katawan nyang nakalapat sa aking likuran.Bigla akong kinilabutan pero pinigilan ko ang sarili kong magreact."Hmm, sigurado ka bang hindi mo ito tinikman maya't maya para ma perfect ang lasa? ang sarap kasi," anito pagkatapos lumayo sa akin.Medyo nakahinga naman ako ng magaan ng maka-layo na sya, hindi ko nga napansin na pinigilan ko pala ang paghinga ko, hayss ikamamatay ko talaga tong si Dylan.Hindi ko na
Hawak ko ang basang twalya habang hinihintay na matanggal ni Dylan ang suot nyang tshirt."Ok na Ry," maamong sabi nya sakin habang nakasandal paupo dito sa kama.Ayoko naman ipahalata sa kanya na naiilang ako sa pagtingin sa hubad nyang katawan, hindi ko lang basta titingnan ito kailangan ko ding hawakan dahil kailangan ko syang punasan."Kaya mo yan Rylan, Go lang," pagkukumbinsi ko sa aking sarili.Unang kong pinunasan ang mukha nya, leeg tapos mga braso at kamay at ang huli ay katawan at likod. Sinusundan lang naman nya ng tingin ang lahat ng ginagawa ko. Hindi naman sya tumututol at nagrereklamo kaya naging mabilis ang trabaho ko.Nang matapos ko ng punasan ang buo nyang katawan pati binti at paa ay pinag takip ko muna sya ng kumot para hindi sya lamigin habang kumukuha ako ng pangpalit na damit nya. Pero katulad ng kanina pa nyang ginagawa ay pinigilan na naman nya ako,
"Ry ko ang bango mo talaga, nakaka-pagpakalma ang amoy mo," sabi pa nya habang lalong isinisiksik ang mukha sa leeg ko.Hindi naman ako makagalaw dahil sa nararamdaman kong mainit nyang hininga sa aking leeg at ang mahina nyang pagbulog sa aking tenga. Nagsisitayuan ang mga balahibo ko."Dylan, b-buti at magaling kana ha-ha," ilang na sabi ko sabay tulak sa kanya ng kaunti para lumayo sya sakin. Kaso ayaw nyang lumayo kahit tinutulak ko na ang dibdib nya."Gusto mo na ba makuha ang premyo mo?" tanong ko naman."Sige, nasaan na ba?" Tanong nya habang excited na nakangiti sakin."Ah, ano... dun ka muna sa salas at manuod ng TV tapos pag ayos na ay tatawagin kita, Ok ba?" sabi ko na lang kanya dahil hindi ko pa talaga nagagawa e."Ganun ba, sige!!!" masigla nyang sagot.Napangiti naman ako dahil wala na syang sakit, bumalik na kasi ulit ang kanyang energy at kakuli
DYLAN POV"Dylan, gising na!!!" excited na sabi ng asawa ko habang nagmamadaling inaalog ang aking balikat.Kinukusot ko pa ang mata ko dahil sa antok, nailibot ko ang aking paningin sa paligid. Preskong hangin, at mahinang tunog ng alon.'Hayss, napakagandang tanawin at lugar, perpekto para sa aming honeymoon ng aking mahal,' isip-isip ko pa habang gumuguhit ang malapad na ngiti sa aking labi."Dylan, maligo ka na!" sabi pa sakin ng mahal ko ng makita nya akong nakatayo lang sa gilid ng kama."Sobra ata ang excitement ng asawa ko ah," nakangisi ko pang sabi sa kanya, Inirapan lang naman ako nito at lumabas ng kwarto.Napailing na lang ako habang nakangisi parin at bumagtas na papunta sa banyo. Mabilis akong naligo dahil baka magalit na talaga ang mahal kong asawa. Mukhang excited na excited na syang maglibot sa tabing dagat ah.We're here at hawaii for our 2 weeks honeymoon, mom and dad fund this vacation for us, a gift in
"Lily kinakabahan ako," sabi ko pa dito habang inaayusan nya ako."Ngayon mo pa talaga natripan na kabahan ha, sa araw pa talaga ng kasal nyo," sagot naman ni lily habang inaayos ang buhok ko."Di ko mapigilang kabahan eh," sagot ko pa sabay pahid sa mukha."Wag kang kabahan, easy lang to, At wag mong burahin ang nilagay kong face powder!" confident pang sagot naman ni lily sabay hampas sa kamay kong pumapahid sa mukha ko."Kung maka-easy ka naman, bakit nakapag pakasal ka na ba?" tanong ko naman."OO DAPAT!!! kaso nauna kayo diba, dapat kami ni Brandon ang ikakasal eh, pero sabi nyang unggoy mong asawa ay kayo muna," may inis na sabi pa nito kaya napailing na lang ako."Para kasing ambilis naman," sabi ko pa habang tinitingnan ang sarili ko sa harap ng salamin."Ano bang mabilis? isang taon na ang nakalipas mula nung magpropose sayo si Dylan" Sabi pa nito
"Tay naman?" reklamo ko pa"Anak, ako nang bahala dito, okay," sabi pa ni tatay kaya napayuko na lang ako, pero naramdaman ko ang kamay ni Dylan na humawak sa akin sa ilalim ng mesa.Tumingin ako sa kanya at binigyan nya ako ng matamis na ngiti bago sumagot kay tatay."Opo, seryosong-seryoso po ako kay Rylan, tay. Una ko pa lang po syang nakilala noon ay alam kong may espesyal sa kanya kaya hindi ko na sya pinakawalan pa at nung makilala at makasama ko ng sya ay masasabi kong hindi ako nagkamali, mabait , ma-aalahanin, mapagmahal at napakabuti po nya kaya naman hindi ko po hahayaan na humadlang samin ang estado ng buhay namin, kasarian o kahit ang sasabihin ng iba," confident na sabi ni Dylan sa aking mga magulang kaya napatango at napangiti ang mga ito."Handa ko po syang panagutan at kukunin ko po lahat ng responsibilidad, ipagkaloob nyo lamang sya sakin," dugtong na sabi pa nito.Namumula na ang mukha ko sa lahat ng sinasabi nya pero di maalis ang saya at pagka-proud ko sa kanya. Pa
DEC. 25"Kuya Rylan!!! Merry Christmas po!" magiliw na sabi pa ni Gab habang nasa gate ito ng bahay."Merry Christmas din Gab, halika pasok ka," sabi ko pa dito at niluwagan ang pagkakabukas ng Gate.Masaya naman ito at nakangiti bago sumunod sakin."Nasan ang ate mo?" tanong ko pa nang makapasok na kami, pinaupo ko pa sya sa sofa."Ah papunta na po dito," sagot naman nito."Oh hello, Gab!" masigla namang bati ni Dylan ng makarating ito sa sala.Masaya namang binati din ni Gab si Dylan at nakipag apir pa ito. Nagpunta ako sa kusina para kunin ang mga ginawa kong gave away na dessert, tulad ng Macaroons at brownies na nasa box. Naghanda rin ako ng pagkain para makakain muna ang mga bisita namin.Naghanda rin kami ni Dylan ng maraming mga 20-50 peso bill para ipamigay sa mga batang namamasko sa labas ng bahay. Maya-maya ay narinig ko ulit na may n
Pagkatapos ng pag uusap namin kanina ng mama ni Dylan at ang kakaibang biro ng tatay nito ay ipinagpatuloy namin ang paggawa ng mga dessert katulong si Dylan at Dad.Napagpasyahan din nila na dito sa bahay magpalipas ng gabi kaya inihanda namin ni Dylan ang guest room para sa kanila."Ry ko, Tulog na rin tayo," nakangiti pang sabi ni Dylan habang hinihigit ako papasok sa kwarto nya."Oo tutulog na ako pero di sa kwarto mo," nakangiti pang sabi ko."Eh Ry ko, Please dito ka na matulog," nakanguso pang sabi naman nito.Napailing na lang ako dahil sa pagpapacute nya." A-yo-ko," sagot ko pa.---------------------------DEC . 24Maaga akong nagising para makapaghanda ng agahan naming lahat lalo na at dito rin kakain ang mga magulang ni Dylan."Hm, Noche Buena na pala mamaya," sabi ko pa ng mapatingin ako sa kalendaryo sa pader
Lumabas naman ang dalawang tao sa kanilang sasakyan. Sumalubong naman si Dylan sa kanila ng sabik na sabik. Yumakap sya sa mga ito at ngumiti ng napakaganda.Habang pinagmamasdan ko sila ay di ko mapigilan ang aking sarili na mapangiti dahil ngayon ko lang nakita kung gaano kasaya si Dylan.Hayss.. Ang ganda nila pagmasdan, sa wakas ay nabuo ang kanilang pamilya."Mom, Dad masayang masaya po akong makita kayo!" masiglang sabi pa ni Dylan sa kanyang mga magulang."Of course anak we're so happy to see you too, we miss you kaya nang magkaroon kami ng pagkakataon ay binisita ka na namin," turan naman ng kanyang nanay.Ang mga magulang nya ay hindi pa ganun ka tanda, napaka ganda ng nanay nya at kamukhang kamukha naman nya ang tatay nya, Minus ang mga ngiti dahil mukhang sobrang seryoso nito."It's nice to see you my son," bati naman ng tatay nya. Ngumiti naman si D
DEC. 23"Ry ko.""Ry koo!""Ry koooo !!!"Hayss... Nakakabingi na tong si Dylan ah, kanina pa syang tawag ng tawag sa pangalan ko na parang walang bukas.Kunot na kunot ang kilay ko habang para namang baliw itong si Dylan na ayaw akong tantanan. Kung san ako magpunta nandun din sya, lagi na lang nakasunod. Katulad na lang ngayon, habang nagluluto ako ng agahan namin ay nakayakap ito sa likod ko.Sa totoo lang, hindi ako makagalaw dahil sa laki nya."DYLAN !Umupo ka muna dun!!""Pero Ry k--""Walang Pero- Pero, Dylan," inis na sabi ko pa dito sabay turo sa upuan sa counter.Para naman syang pinalong tuta habang malungkot na naglalakad paupo sa isang upuan."Ry ko, namiss lang naman kasi kita ng sobra kaya ayaw kong mawala ka sa paningin ko baka mamaya na-nanaginip lang pala ako
Para akong mabangis na hayop habang iniikutan ang aking kama, Kung sino man ito at paano sya nakapasok sa aking bahay at kwarto?Magnanakaw kaya ito? Ang lakas naman ng loob nito, magnanakaw na eh, makikitulog pa.I frown my eyebrow while walking straight to it. Ha!! I'm done making fun of this. Maganda ang araw ko at hindi ito ang sisira dito.Nang makalapit ako dito ay mabilis kong tinanggal ang kumot na nakatakip dito.WHOOOSSS!!Napalaki ang mata ko at halos mahulog sa sahig ang aking panga dahil sa gulat ng makita kung sino ang taong nasa ilalim ng kumot ko."R-Ry ko!?" gulat na tanong ko pa sa sarili habang nakatitig dito, gustong gusto kong lumapit at hawakan sya pero di parin ako makagalaw dahil sa pagkabigla.Kahit napakaraming katanungan sa aking isipan ay wala akong pakialam, ang mahalaga ay nandito na ulit ang mahal ko. Bago lumapit
"Utoy, nandito na tayo sa maynila."Nagising ako dahil sa pag alog ng aking balikat. Pupungas-pungas akong nagising, napatingin ako sa bintana ng bus, madilim pa pala. Dala-dala ang aking bag ay nagmadali na akong bumaba sa Bus at nagpasalamat sa driver.Naglakad ako sa may kanto para maghintay ng masasakyang taxi pauwi, sumilay muna ako sa aking Cellphone ko para tingnan ang oras.DEC. 23 / 2:00 am"Dec. 23 na pala, dalawang araw na lang at pasko na," isip-isip ko pa habang humihikab, sakto naman na may dumating na taxi at mabilis naman akong sumakay dito para makauwi na.Kahit antok na antok ay pinilit ko paring manatiling gising ang aking sarili. Excited na akong makauwi, at makita si Dylan. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na din kami sa subdivision.Kahit madilim pa ay masaya pa rin akong binati ng mga guard ng subdivision. Nagnining-ning naman ang