Share

Chapter 9

Author: Cutiecane23
last update Last Updated: 2020-11-11 13:55:24

Hawak ko ang basang twalya habang hinihintay na matanggal ni Dylan ang suot nyang tshirt.

"Ok na Ry," maamong sabi nya sakin habang nakasandal paupo dito sa kama.

Ayoko naman ipahalata sa kanya na naiilang ako sa pagtingin sa hubad nyang katawan, hindi ko lang basta titingnan ito kailangan ko ding hawakan dahil kailangan ko syang punasan.

"Kaya mo yan Rylan, Go lang," pagkukumbinsi ko sa aking sarili. 

Unang kong pinunasan ang mukha nya, leeg tapos mga braso at kamay at ang huli ay katawan at likod. Sinusundan lang naman nya ng tingin ang lahat ng ginagawa ko. Hindi naman sya tumututol at nagrereklamo kaya naging mabilis ang trabaho ko. 

Nang matapos ko ng punasan ang buo nyang katawan pati binti at paa ay pinag takip ko muna sya ng kumot para hindi sya lamigin habang kumukuha ako ng pangpalit na damit nya. Pero katulad ng kanina pa nyang ginagawa ay pinigilan na naman nya ako, kala mo naman ay iiwan sya ng matagal.

"Dylan kukuha lang ako ng damit ha, babalik din ako kaagad." kahit makulit sya ay hindi ko naman magawang mainis dahil sa kalagayan nya ngayon.

"Kasi Ry pagkasi nawala ka sa paningin ko ay pakiramdam ko ay hindi ka na babalik," malungkot pa nyang sabi na ikinagulat ko naman.

Kawawa naman ang isang to, ang tikas at tapang ng dating nya pag normal na araw pero hindi din pala natin mapipigilan na lumabas ang ating mga kinatatakutan pag mayroon tayong nararamdaman sa katawan lalo na pag may sakit.

Natatakot syang iwan at mapag-isa. Hindi ko alam kung kelan pa nyang nararanasan ang kalungkutan na iyon, ang alam ko lang ay napaka tapang nyang tao para makayanan ang lahat.

"Promise bibilisan ko lang tapos babalik na ulit ako," nakangiti kong turan sa kanya para mapanatag ang kalooban nya. 

----------------------------

"Dylan talikod ka nga para malagyan ko din ng pulbo ang likod mo," utos ko naman sa kanya. 

Katulad kanina ay hindi sya nagpapasaway, Goodboy ang Dylan ko ah, eh Dylan ko daw? kelan pa sya naging akin? Naguguluhan na naman ako.

Tapos ko na syang pulbuhan hindi ko pa nga magawang hawakan at ikalat ang pulbo lalo na sa dibdib nya at abs, naiilang talaga ako, Binihisan ko na rin sya para makapagpahinga at makatulog na sya.

"Ok, matulog kana ng maaga ngayon para makapagpahinga ka at sigurado ako bukas ay mababa na ang lagnat mo." 

"Ry salamat ha," sabi pa nya habang kinukumutan ko sya.

"Wala yun, Goodnight." pagpapaalam ko na sana sa kanya.

"Eh wag mo akong iwan Ry dito ka lang sa tabi ko please." sabi nya kahit hinang-hina na sya.

Hindi ko sya matatanggihan pag ganito sya.

"Sya sige, wag ka mag alala hindi ako aalis at babantayan kita," ani ko sabay ngiti sa kanya. 

Napangiti naman sya ng malawak dahil sa sinabi ko.

Nakaupo lang ako dito sa tabi nya habang pinagmamasdan ko ang natutulog nyang mukha, napapangiti na lang ako habang pinagmamasdan sya siguro dahil sa nararamdaman kong pag aalala sa kanya ay nagawa ko pang hawakan ang kanyang kamay.

Bago pa ako makatulog ay narinig ko ang cellphone ni Dylan na nasa loob ng drawer, wala naman itong lock kaya nasagot ko ang tawag, hindi naman sa nakikialam ako pero baka mahalaga ang tawag at kung ano man ang mensahe nito ay ako na lang ang magsasabi kay Dylan pag gising nya, Nakakaawa naman na gisingin pa sya.

"Boss pasensya na at naistorbo pa kita, sasabihin ko lang sana na may meeting ka kay mr. Sanchez," saad ng boses galing sa cellphone

"Ay sorry po pero tulog na si Dylan at hindi rin sya makakapasok sa trabaho bukas, nilalagnat kasi sya ngayon." mahinahon at may pag galang kong tugon sa lalaki.

"Ganun ba, naku pasensya na talaga sa abala pasabi na lang ay pagaling sya," pagpapaumanhin naman nya.

"Sige po sasabihin ko pagkagising nya," sabay babaang tawag pagkatapos kong marinig ang kanyang pamamaalam.

Naramdaman ko na lang ang  maiinit nyang palad na nagbigay  sakin lalo ng antok.

---------------------------

Nagising naman ako dahil sa mahinang tapik sa aking pisngi, nang maimulat ko ang aking mata ay nagbigay naman ng isang ngiti ang aking nakita, si Dylan ay nakangiti at nakatitig lang saking mukha na nakapatong sa kanyang kama, dito na pala ako nakatulog kagabi.

Pero ng mapansin kong walang balak magpatalo sa titigan tong kaharap ko ay ako na ang unang umiwas ng tingin. Iniunanat ko ang aking mga braso dahil sa pagka ngalay nito.

"Good morning Ry," masaya pero nanghihina pa ring bati sakin ni Dylan.

"Good morning din, kamusta na ang pakiramdam mo?" 

"Mas ok na kaysa kahapon," sagot naman nya.

"Mabuti kung ganun," saad ko naman habang sinasalat ang leeg nya medyo mababa na nga ang lagnat nya.

"Oo nga pala Dylan may tumawag sa CP mo kagabi, taga opisina ata sabi ko sa kanya ay hindi ka makakapasok ngayon dahil masama ang pakiramdam mo." 

"Talaga, Salamat Ry ko," pangiti-ngiti pa nyang sabi.

"Hindi ba tinanong nung tumawag kung sino ka?"

"Hindi nam--" Naputo na ang sasabihin ko dahil sa pagsingit nya

"Dapat sinabi mong asawa kita  haha," sabi pa nito sabay kindat pa.

Hala ano daw? matindi ata ang epekto ng lagnat sa kanya.

"Ewan ko sayo Dylan," sabi ko na lang sa kanya habang naglalakad na ako palabas ng kwarto.

"Ry--" 

"Oops wag mo ako pigilan kailangan ko nang magluto" sabi ko sabay pigil sa kanya.

---------------------------

"Dito ka lang Ok, bibili lang ako ng mga gamot mo, akalain ko ba namang ubos na pala ang mga gamot mo dito sa bahay," saad ko kay Dylan habang inaatupag nya ang pagsimangot at pag nguso dahil sa sinabi ko.

Kanina pa naming pinagtatalunan yang tungkol sa pag alis ko ayaw na ayaw kasi nya pumayag.

"Hindi ko na kailangan ng gamot Ry ko, ipapahinga ko na lang to tapos aayos na ang pakiramdam ko mamaya." pagpupumilit pa nya.

"Dylan."

"Ry."

"Wag na makulit."

"Pero kasi--"

"Walang na pero ok, di ba sabi ko naman babalik ako agad, hindi ka ba naniniwala sa sinabi ko?" pangungusensya ko pa sa kanya para pumayag na.

"Syempre naniniwala ako sayo Ry alam kong hindi mo ako iiwan," sabi nya sabay tingin sa mga mata ko na may malaki tiwala sakin.

"Yun naman pala e, matulog kana ngayon paggising mo nandito na ulit ako promise," nakangiti kong sabi sa kanya, hindi ko alam na sa ikli pa ng oras na magkasama kami ay pinagkatiwalaan na nya ako ng sobra.

Huwag kang mag alala Dylan hindi kita bibiguin sa lahat ng tiwala na pinagkaloob sakin.

Hapon na ngayon at kasalukuyan akong nakasakay sa jeep pauwi ng bahay ni Dylan. Hayy ano kayang pwedeng premyo ang ibigay ko sa kanya pakiramdam ko kasi ay kaunting pahinga na lang ay magaling na sya. Sigurado akong hindi ako tatantanan sa pangungulit tungkol dun.

Bumaba na ako at naglakad papasok sa subdivision,  hapon na kaya hindi na masyadong maiinit, nadaanan ko naman yung basketball court dito nang mapansin kong may isang batang tumatakbo palapit sakin.

"Kuya Rylan, bat hindi po kayo sumali samin naglalaro po kami nina kuya oh," sabi sakin ni gab, isa sa mga batang nakalaro namin dati ni Dylan.

"Naku pasensya na Gab, kailangan ko na umuwi e, may sakit si Dylan at kailangan ko ng dalhin ang gamot nya," saad ko naman sabay pakita ng dala kong supot na may lamang gamot.

"Ganun po ba, pasabi po pagaling po sya." 

"Sige ba sa susunod na lang ulit tayo maglaro ha," pagpapaalam ko sa kanya kasi baka ng wawala na si Dylan pag hindi pa ako umuwi.

"Ok po kuya." 

Ilang lakad at liko pa ay nakarating din ako, pag pasok ko ay dumeretso muna ako sa kusina para uminom ng tubig dahil bigla akong nauhaw.

Pag bukas ko ng ref habang nakuha ng pitchel ng tubig ay napansin ko ang graham cake na nasa tupperware. 

"Aha alam ko na ang premyo ko kay Dylan," masaya kong bulong dahil may naisip na ako.

Minabuti ko ng umakyat para tingnan kung kumusta na si Dylan, pagbukas ko ng pinto ay napansin kong wala sya sa higaan. Nagsimula na akong kabahan, napatakbo ako sa may kama nya at pilit syang hinahanap.

"Dylan!!? nasan ka?" sigaw ko pa.

Hinanap ko sya sa ilalim ng kama baka nahulog dun e, kaso wala kaya pumunta din ako ng banyo, wala din. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Nasan na ba sya. Bubuksan ko na sana ang pinto palabas ng kwarto nya ng bigla itong bumukas.

"Ry nandito kana pala," masaya pang sabi ni Dylan ng makita nya ako.

Hindi naman maipinta ang mukha ko dahil sa pag aalala sa kanya, luko to, may pagngiti pa hindi ba nya alam kung gaano nya ako pinag alala.

"Baliw ka talaga, san ka ba galing?" sabi ko sabay hampas sa dibdib nya. Hanggang ngayon kasi ay nangangatal parin ang mga kamay ko dahil sa kaba.

"Ok ka lang ba Ry? bakit ka umiiyak?" sabi nya habang seryosong nakatingin sakin. Bigla din nyang pinunas ang ilalim ng mga mata ko. 

"O-ok lang ako at hindi ako umiiyak napuwing lang," sabi ko na lang, hindi ko napansin na tumutulo na pala ang luha ko dahil sa paghahanap sa kanya.

Hindi sya sumagot ng maramdaman ko na lang na nakayakap na sya sakin, yung ulo nya ay  isiniksik pa nya sa may leeg ko.

"Magaling na ako Ry, nasan ang premyo ko?" bulong pa nya sa tenga ko.

'Patay na premyo yan hindi ko pa nagagawa.'

Comments (3)
goodnovel comment avatar
Cherrymae Villanueva Laturnas
Ganda ng story...️
goodnovel comment avatar
Ch En
ang ganda ng kwento
goodnovel comment avatar
Rocky Sarondo Fran
ok po mabuti
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • The kasambahay [BL]    Chapter 10

    "Ry ko ang bango mo talaga, nakaka-pagpakalma ang amoy mo," sabi pa nya habang lalong isinisiksik ang mukha sa leeg ko.Hindi naman ako makagalaw dahil sa nararamdaman kong mainit nyang hininga sa aking leeg at ang mahina nyang pagbulog sa aking tenga. Nagsisitayuan ang mga balahibo ko."Dylan, b-buti at magaling kana ha-ha," ilang na sabi ko sabay tulak sa kanya ng kaunti para lumayo sya sakin. Kaso ayaw nyang lumayo kahit tinutulak ko na ang dibdib nya."Gusto mo na ba makuha ang premyo mo?" tanong ko naman."Sige, nasaan na ba?" Tanong nya habang excited na nakangiti sakin."Ah, ano... dun ka muna sa salas at manuod ng TV tapos pag ayos na ay tatawagin kita, Ok ba?" sabi ko na lang kanya dahil hindi ko pa talaga nagagawa e."Ganun ba, sige!!!" masigla nyang sagot.Napangiti naman ako dahil wala na syang sakit, bumalik na kasi ulit ang kanyang energy at kakuli

    Last Updated : 2020-11-11
  • The kasambahay [BL]    Chapter 11

    Dumaan ang mga araw nang kay bilis, hindi ko na nga rin ito masyadong napansin dahil busy ako sa mga gawain dito sa bahay at sa pag aalaga kay Dylan. Pagka-alis ni Dylan dito sa bahay ay pagsisimula pa lang ng aking araw sa trabaho bilang kasambahay.Hinuhugasan ko muna ang mga platong aming pinagkainan sa umaga pagkatapos naman ay maglilinis na ako ng bahay at kwarto ni Dylan, ang totoo nyan ay halos wala namang lilinisin dito sa loob ng bahay, kaunting walis ay ok na.Pagtapos ko na ang lahat ng gawain sa loob ng bahay ay magsisimula na akong diligan ang mga halaman dito sa harap ng bahay, magwawalis at nagbubunot din ako ng mga damo.Pumupunta din ako sa garahe upang labhan ang mga basahan dun. Pagkatapos ng lahat ng gawain ay siguradong tanghali na.Tumingin ako sa relo na nakasabit sa kusina, 11:30 am na pala kailangan ko na magluto ng tanghalian ko. Kinuha ko sa ref ang ibinabad kong bang

    Last Updated : 2020-11-12
  • The kasambahay [BL]    Chapter 12

    Antok na antok pa ako habang nagdidilig ng halaman dito sa labas ng bahay.Hindi kasi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa pag iisip. Nakahiga na ako sa kama ko ng maalala ang bagay na nasa aking bulsa, habang pinagmamasdan ko ito ay bigla kong naisip ang napakalaki kong pagkakamali, kinuha ko lang naman ito ng walang paalam kay Dylan, ibigsabihin ay isa iyong pagnanakaw! Naisampal ko ang isang kamay ko sa noo ng maisip ko iyon.Gusto ko sana ibalik pero hindi naman ako pedeng pumasok sa opisina nya ng walang pahintulot, isa yun sa mga rules nya.Umabot na ng madaling araw ay gising na gising parin ako, hindi ko alam ang oras pero nakatulog din pala ako, Pakiramdam ko ay ilang minuto lang ang aking naitulog ng magising ako ngayong umaga."Kuya Rylan!!!" sigaw ng boses sa mula sa kabila ng bakod.Kilala ko ang boses na iyon kaya sumilip ako sa gate, tama ako si Gab nga, kasama ang

    Last Updated : 2020-11-18
  • The kasambahay [BL]    Chapter 13

    "Ry ko Good morning!!!" si Dylan habang nag-iinat pa."Good morning din, sige maligo ka na at kakain ka pa," sabi ko naman habang inihahanda ang damit nya."Ok po Ry ko," masayang sagot nya."Nandito sa kama mo ang damit mo," sigaw ko kay Dylan na nasa loob na ng banyo."Salamat Ry," huling narinig ko bago lumabas ng kwarto nya."Ry gusto ko ng cucumber shake para sa baon ko pwede ?" si Dylan habang nakain ng agahan."Oo naman," sagot ko naman. Tatayo na dapat ako para gumawa kaso pinigilan nya ako."Mamaya na Ry pagkatapos mo ng kumain.""Sige, gusto mo ba ng milo graham para sa baon mo?" tanong ko naman sa kanya."Sige!!! Ry ko salamat," saad ni Dylan habang kumikinang pa ang mga mata dahil sa saya."Gusto mo ba ang mga ni

    Last Updated : 2020-11-25
  • The kasambahay [BL]    Chapter 14

    Chapter 14Rylan POV"Ry ko Im home!!!" si Dylan na nasa sala."Dylan welcome home," bati ko naman sa kanya habang nakasilip sa pinto ng kusina.Tapos na akong magluto ng hapunan namin, sinisimulan ko ng lutuin ngayon ang pangpulutan nila para mamaya.Habang nakangiti sakin si Dylan ay bigla kong napansin ang lalaking nasa likod nya, yun na ata yung kaibigang sinasabi nya."Halika Ry ko, may ipapakilala ako sayo," masayang sabi pa ni Dylan habang pinapalapit ako sa tayo nila.Mabilis naman akong lumapit sa kinaroroonan nila dahil sa kanyang sinabi."Ry ko, ito nga pala si Nico," saad ni Dylan sabay turo sa lalaking katabi.Tiningnan ko naman ito, matangkad din, maputi at medyo singkit ang mga mata, naka ngiti din sya sakin ng maganda, ang itsura nya ay pang Good boy look. Inilahad ko na lang ang kamay ko para makipa

    Last Updated : 2020-12-04
  • The kasambahay [BL]    chapter 15

    Chapter 15"May kinausap lang ako sa cellphone kaya ako natagalan," saad nito habang nakatingin pa rin ng masama kay Nico."Ganun ba, gusto mo na ba kumain ng hapunan? maghahain na ako.""Mamaya-maya na Ry ko, pwedeng pahingi din ako ng brownies?" nagpapa-cute pang sabi nito."Oo naman," sagot ko na lang, parang kanina lang ay parang mangangain sya ng tao ngayon naman ay balik sya sa pagiging maamong tupa.Habang nakatalikod ako sa kanila ay medyo naririnig ko pa rin ang usapan nila."Uyy ikaw Nico, anong mga sinasabi mo sa Ry ko ha?" pabulong pa ni dylan"Wala naman boss," natatawang sabi pa ni Nico nalalong ikina-simangot ni Dylan."Dinedeskartehan mo ata ang Ry ko e," inis na sabi pa ni dylan"E ano naman boss sayo kasambahay mo lang naman sya di ba?" lalong lumawak ang ngisi ni Nico ng makita ang reaksyon ni Dylan.

    Last Updated : 2020-12-06
  • The kasambahay [BL]    Chapter 16

    Chapter 16Tahimik lang kami dito sa loob ng sasakyan nya pero yung pakiramdam ay hindi nakakailang para bang dinarama namin yung presensya ng bawat isa.May maliit na screen dito sa harapan ng sasakyan medyo katabi nung manebela, nahiwagaan ako kung ano yung mga buton na nandun kaya pinindut ko isa-isa nagulat pa ako ng biglang may tumunog."Radyo yan, Ry ko," natatawa pang sabi ni Dylan sa tabi ko.Napatango naman ako sa sinabi nya, Oo nga pala, marunong na akong mag seat belt! haha proud na proud naman ako sa sarili ko.Ang ganda nung kanya di ko mapigilang hindi damdamin ang bawat liriko nito."Akala'y di pa handang tumibok ang damdamin ngunit bigla kang dumating sa buhay ko."Sumasabay si Dylan sa pagkanta, parang feel na feel nya yung kanta, nakakatuwa sya pag masdan hindi sya ganun kagaling kumanta pero marunong sya. Minsan napapansin ko na sumusulyap sya sa dereksyon ko."O kay tagal kitang hinanap O kay tagal ko ring nangarap na makapiling ka o aking mahal"Bakit ba laging ga

    Last Updated : 2020-12-14
  • The kasambahay [BL]    Chapter 17

    "Ry ko, sige nga try mo akong picturan," masiglang sabi ni Dylan habang inaabot sakin ang bago kong cellphone."Ah sige --- teka!!! tama ba ang ginagawa ko?" tanong ko naman sa kanya habang nakatutok ang cellphone sa kanyang mukha."Ilayo mo ng kaunti haha," natatawa pa nyang sabi.Nang makita ko na ok na ang angulo ay pinindot ko na ang capture button daw, yung buton sa gitna. Nang tingnan ko ang litrato nya ay hindi ko mapigilang mapangiti, ang gwapo talaga nya at napaka-ganda pa ng kanyang ngiti. Nababakla na ata talaga ako nakakaramdam na ako ng kilig sa kapwa ko lalaki.Pero naisip ko rin noon na baka naman masyado lang ako napalapit sa kanya dahil mabait sya sakin at dahil lagi ko syang kasama pero si Nico naman ay mabait din at gwapo pero hindi ako nakaramdam ng ganung bagay para sa kanya at bukod pa dun ay wala talaga akong interes sa ibang lalaki, kay Dylan lang talaga ako nag-kakaganto.

    Last Updated : 2020-12-22

Latest chapter

  • The kasambahay [BL]    Honeymoon

    DYLAN POV"Dylan, gising na!!!" excited na sabi ng asawa ko habang nagmamadaling inaalog ang aking balikat.Kinukusot ko pa ang mata ko dahil sa antok, nailibot ko ang aking paningin sa paligid. Preskong hangin, at mahinang tunog ng alon.'Hayss, napakagandang tanawin at lugar, perpekto para sa aming honeymoon ng aking mahal,' isip-isip ko pa habang gumuguhit ang malapad na ngiti sa aking labi."Dylan, maligo ka na!" sabi pa sakin ng mahal ko ng makita nya akong nakatayo lang sa gilid ng kama."Sobra ata ang excitement ng asawa ko ah," nakangisi ko pang sabi sa kanya, Inirapan lang naman ako nito at lumabas ng kwarto.Napailing na lang ako habang nakangisi parin at bumagtas na papunta sa banyo. Mabilis akong naligo dahil baka magalit na talaga ang mahal kong asawa. Mukhang excited na excited na syang maglibot sa tabing dagat ah.We're here at hawaii for our 2 weeks honeymoon, mom and dad fund this vacation for us, a gift in

  • The kasambahay [BL]    FIN

    "Lily kinakabahan ako," sabi ko pa dito habang inaayusan nya ako."Ngayon mo pa talaga natripan na kabahan ha, sa araw pa talaga ng kasal nyo," sagot naman ni lily habang inaayos ang buhok ko."Di ko mapigilang kabahan eh," sagot ko pa sabay pahid sa mukha."Wag kang kabahan, easy lang to, At wag mong burahin ang nilagay kong face powder!" confident pang sagot naman ni lily sabay hampas sa kamay kong pumapahid sa mukha ko."Kung maka-easy ka naman, bakit nakapag pakasal ka na ba?" tanong ko naman."OO DAPAT!!! kaso nauna kayo diba, dapat kami ni Brandon ang ikakasal eh, pero sabi nyang unggoy mong asawa ay kayo muna," may inis na sabi pa nito kaya napailing na lang ako."Para kasing ambilis naman," sabi ko pa habang tinitingnan ang sarili ko sa harap ng salamin."Ano bang mabilis? isang taon na ang nakalipas mula nung magpropose sayo si Dylan" Sabi pa nito

  • The kasambahay [BL]    Chapter 64

    "Tay naman?" reklamo ko pa"Anak, ako nang bahala dito, okay," sabi pa ni tatay kaya napayuko na lang ako, pero naramdaman ko ang kamay ni Dylan na humawak sa akin sa ilalim ng mesa.Tumingin ako sa kanya at binigyan nya ako ng matamis na ngiti bago sumagot kay tatay."Opo, seryosong-seryoso po ako kay Rylan, tay. Una ko pa lang po syang nakilala noon ay alam kong may espesyal sa kanya kaya hindi ko na sya pinakawalan pa at nung makilala at makasama ko ng sya ay masasabi kong hindi ako nagkamali, mabait , ma-aalahanin, mapagmahal at napakabuti po nya kaya naman hindi ko po hahayaan na humadlang samin ang estado ng buhay namin, kasarian o kahit ang sasabihin ng iba," confident na sabi ni Dylan sa aking mga magulang kaya napatango at napangiti ang mga ito."Handa ko po syang panagutan at kukunin ko po lahat ng responsibilidad, ipagkaloob nyo lamang sya sakin," dugtong na sabi pa nito.Namumula na ang mukha ko sa lahat ng sinasabi nya pero di maalis ang saya at pagka-proud ko sa kanya. Pa

  • The kasambahay [BL]    Chapter 63

    DEC. 25"Kuya Rylan!!! Merry Christmas po!" magiliw na sabi pa ni Gab habang nasa gate ito ng bahay."Merry Christmas din Gab, halika pasok ka," sabi ko pa dito at niluwagan ang pagkakabukas ng Gate.Masaya naman ito at nakangiti bago sumunod sakin."Nasan ang ate mo?" tanong ko pa nang makapasok na kami, pinaupo ko pa sya sa sofa."Ah papunta na po dito," sagot naman nito."Oh hello, Gab!" masigla namang bati ni Dylan ng makarating ito sa sala.Masaya namang binati din ni Gab si Dylan at nakipag apir pa ito. Nagpunta ako sa kusina para kunin ang mga ginawa kong gave away na dessert, tulad ng Macaroons at brownies na nasa box. Naghanda rin ako ng pagkain para makakain muna ang mga bisita namin.Naghanda rin kami ni Dylan ng maraming mga 20-50 peso bill para ipamigay sa mga batang namamasko sa labas ng bahay. Maya-maya ay narinig ko ulit na may n

  • The kasambahay [BL]    Chapter 62

    Pagkatapos ng pag uusap namin kanina ng mama ni Dylan at ang kakaibang biro ng tatay nito ay ipinagpatuloy namin ang paggawa ng mga dessert katulong si Dylan at Dad.Napagpasyahan din nila na dito sa bahay magpalipas ng gabi kaya inihanda namin ni Dylan ang guest room para sa kanila."Ry ko, Tulog na rin tayo," nakangiti pang sabi ni Dylan habang hinihigit ako papasok sa kwarto nya."Oo tutulog na ako pero di sa kwarto mo," nakangiti pang sabi ko."Eh Ry ko, Please dito ka na matulog," nakanguso pang sabi naman nito.Napailing na lang ako dahil sa pagpapacute nya." A-yo-ko," sagot ko pa.---------------------------DEC . 24Maaga akong nagising para makapaghanda ng agahan naming lahat lalo na at dito rin kakain ang mga magulang ni Dylan."Hm, Noche Buena na pala mamaya," sabi ko pa ng mapatingin ako sa kalendaryo sa pader

  • The kasambahay [BL]    Chapter 61

    Lumabas naman ang dalawang tao sa kanilang sasakyan. Sumalubong naman si Dylan sa kanila ng sabik na sabik. Yumakap sya sa mga ito at ngumiti ng napakaganda.Habang pinagmamasdan ko sila ay di ko mapigilan ang aking sarili na mapangiti dahil ngayon ko lang nakita kung gaano kasaya si Dylan.Hayss.. Ang ganda nila pagmasdan, sa wakas ay nabuo ang kanilang pamilya."Mom, Dad masayang masaya po akong makita kayo!" masiglang sabi pa ni Dylan sa kanyang mga magulang."Of course anak we're so happy to see you too, we miss you kaya nang magkaroon kami ng pagkakataon ay binisita ka na namin," turan naman ng kanyang nanay.Ang mga magulang nya ay hindi pa ganun ka tanda, napaka ganda ng nanay nya at kamukhang kamukha naman nya ang tatay nya, Minus ang mga ngiti dahil mukhang sobrang seryoso nito."It's nice to see you my son," bati naman ng tatay nya. Ngumiti naman si D

  • The kasambahay [BL]    Chapter 60

    DEC. 23"Ry ko.""Ry koo!""Ry koooo !!!"Hayss... Nakakabingi na tong si Dylan ah, kanina pa syang tawag ng tawag sa pangalan ko na parang walang bukas.Kunot na kunot ang kilay ko habang para namang baliw itong si Dylan na ayaw akong tantanan. Kung san ako magpunta nandun din sya, lagi na lang nakasunod. Katulad na lang ngayon, habang nagluluto ako ng agahan namin ay nakayakap ito sa likod ko.Sa totoo lang, hindi ako makagalaw dahil sa laki nya."DYLAN !Umupo ka muna dun!!""Pero Ry k--""Walang Pero- Pero, Dylan," inis na sabi ko pa dito sabay turo sa upuan sa counter.Para naman syang pinalong tuta habang malungkot na naglalakad paupo sa isang upuan."Ry ko, namiss lang naman kasi kita ng sobra kaya ayaw kong mawala ka sa paningin ko baka mamaya na-nanaginip lang pala ako

  • The kasambahay [BL]    Chapter 59

    Para akong mabangis na hayop habang iniikutan ang aking kama, Kung sino man ito at paano sya nakapasok sa aking bahay at kwarto?Magnanakaw kaya ito? Ang lakas naman ng loob nito, magnanakaw na eh, makikitulog pa.I frown my eyebrow while walking straight to it. Ha!! I'm done making fun of this. Maganda ang araw ko at hindi ito ang sisira dito.Nang makalapit ako dito ay mabilis kong tinanggal ang kumot na nakatakip dito.WHOOOSSS!!Napalaki ang mata ko at halos mahulog sa sahig ang aking panga dahil sa gulat ng makita kung sino ang taong nasa ilalim ng kumot ko."R-Ry ko!?" gulat na tanong ko pa sa sarili habang nakatitig dito, gustong gusto kong lumapit at hawakan sya pero di parin ako makagalaw dahil sa pagkabigla.Kahit napakaraming katanungan sa aking isipan ay wala akong pakialam, ang mahalaga ay nandito na ulit ang mahal ko. Bago lumapit

  • The kasambahay [BL]    Chapter 58

    "Utoy, nandito na tayo sa maynila."Nagising ako dahil sa pag alog ng aking balikat. Pupungas-pungas akong nagising, napatingin ako sa bintana ng bus, madilim pa pala. Dala-dala ang aking bag ay nagmadali na akong bumaba sa Bus at nagpasalamat sa driver.Naglakad ako sa may kanto para maghintay ng masasakyang taxi pauwi, sumilay muna ako sa aking Cellphone ko para tingnan ang oras.DEC. 23 / 2:00 am"Dec. 23 na pala, dalawang araw na lang at pasko na," isip-isip ko pa habang humihikab, sakto naman na may dumating na taxi at mabilis naman akong sumakay dito para makauwi na.Kahit antok na antok ay pinilit ko paring manatiling gising ang aking sarili. Excited na akong makauwi, at makita si Dylan. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na din kami sa subdivision.Kahit madilim pa ay masaya pa rin akong binati ng mga guard ng subdivision. Nagnining-ning naman ang

DMCA.com Protection Status