Chapter 18
"Dylan, pasensya kana talaga ha, ginabi ako sa labas." sabi ko dito habang naglalakad na papunta sa kusina.
"Ok lang Ry ko, mukhang nag enjoy ka naman sa paglalaro." nakangiti pa nyang sabi
"Hindi ka ba galit?" tanong ko naman, nakasimangot kasi sya pagbukas ng pinto kanina.
"Hindi ako galit, nag alala lang ako sayo kasi gabi na," sabi naman nya sakin habang nakasunod sakin.
"Ok lang ako Dylan, may humarang kasing babae sakin diyan sa labas kanina kaya ako ginabi," sabi ko pa ng makarating na kami sa kusina.
Nagulat ako ng bumukas kanina ang pintuan, nakasimangot si Dylan habang nakatingin sakin, wala naman syang ibang sinabi kundi lang ay unahin ko muna daw magbihis at magpahinga bago ako magluto. Napansin kasi nya na dederetso ako agad sa kusina ng makarating ako kanina. Nahihiya kasi ako sa kanya ginabi na ako sa labas tapos di pa ako nakakapagluto.
"H
RYLAN POVIlang araw na rin ng nakaraan ng pag usapan namin ni Dylan ang tungkol sa aming bakasyon, halatang sobrang excited nya tungkol dito hindi kasi sya nauubusan ng mga plano ng gagawin at pupuntahan namin pag nasa baguio na daw kami. Nakakatuwa syang panuodin habang hindi sya magkaintindihan sa uunahing mga plano at kwento sakin.Kung sya ay excited, ano pa kaya ang nararamdaman ko sobrang saya na may halong kaba dahil baka mainip lang si Dylan kung ako ang kasama nya.Katulad ng napag -usapan namin noon tungkol sa pag-alis nya sa Rule no.2 kung saan ay pwede na akong lumabas kahit di ko day-off ay talaga namang nakakapanibago, pag gusto ko kasing lumabas ay nakakaramdam ako ng kaba dahil nakasanayan ko na bawal lumabas sa di itinakdang araw para sakin pero habang dumadaan naman ang mga araw ay nakakasanayan ko na rin, masaya si Dylan dahil maraming bagay na akong naikukwento sa kanya kapag lumalabas ako ng ba
RYLAN POVAno ba talaga problema nito ni Dylan nalabas na naman ang pagkawirdo nya pati ba naman mga kaibigan ko ay pinag-iisipan nya ng kung ano-ano.Hayss di ko talaga sya maintindihan.."Dylan, alam kong nag aalala ka para sakin pero kaya ko naman protektahan ang sarili ko lalaki ako no, babae ba tingin mo sakin?" sabi ko pa sa kanya, sabay ngiti para naman mawala yung tensyon na bumabalot samin ngayon, di kasi ako sanay na ganto sya."Oo alam ko yun, pero --- hindi ah, di babae ang tingin ko sayo, pero bat kasi ang ganda mo," hindi ko na narinig ang huli nyang sinabi dahil bigla nalang nyang ipatong ang ulo nya sa manubela ng sasakyan, napansin ko din na kanina pa pala kaming nakatigil dito sa tapat ng bahay namin."Dylan? may problema ka ba?" tanong ko pa sa kanya, nag-aalala na kasi ako sa kanya, bukod sa iba ang ikinikilos nya ay parang ang lalim pa ng iniisip nya.
Chapter 21"Boss Dylan!!!" si benny sabay fist bump kay Dylan ng makalapit ito sa kinatatayuan nila."Uyy Boss!" bati ni Rico."Dylan," saad ni Jeff, sabay tango dito.Nakatingin lang si Rylan sa kanila habang nagkakatuwaan ang tatlong nyang kaibigan at ang kanyang boss. Kala mo ay mga batang ngayon lang nagkita ."Ry ko, wala ka bang dalang towel, pawisan ka na oh," ani Dylan ng harapin na nya si Rylan, hinawakan pa nya ito sa baba para tingnan ang mukha nito, ang mga kaibigan naman nito ay natatawa lang habang pinagmamasdan sila."May dala ako, nandun oh," saad ni Rylan, sabay turo dun sa may upuan sa malayo."Kukunin ko muna." aalis sana si Rylan pero pinigilan sya ni Dylan, kumuha ito ng panyo sa likod na bulsa ng pantalon nito at madahan na pinunasan ang mukha at leeg ni Rylan."Ako na Dylan, di na ako bata," nahihiyang sabi ni Rylan
Chapter 22Maaga kaming umalis ni Dylan sa bahay para daw di kami gabihin sa daan dahil mahabang byahe papunta doon. Malakas na hangin ang humahampas sa aking mukha habang nakatanaw ako sa bintana ng kotseng sinasakyan namin. Napaka ganda ng tanawin at mga lugar na aming nadadaanan."Ry ko matulog ka muna, mahaba pa ang byahe natin.""Paano ka naman Dylan?""Ok lang ako, gusto mo din na matulog ako? sino magdadrive?"Hayss ewan ko sayo Dylan, Pagkalipas ng mahabang oras ng pagtulog ay nagising ako sa isang mahinang tapik sa pisngi at isang malambot na bagay na lumalapat pa dito."Ry ko gising ka na.""Dylan, nasan na tayo?""Nandito parin sa kotse."Sinimangutan ko na lang sya, ayaw sumagot ng matino eh."Ry ko kain muna tayo ng lunch.""Sige, eto may baon naman tayong tanghalian," sabi
Chapter 23Ang dilim ng lugar kung nasan ako ngayon, kahit tumingin ako saan mang dereksyon ay wala akong maaninag na kahit ano, malamig ang paligid at walang ingay na maririnig hindi ako makasigaw gustuhin ko man.Isang yabag ng paa ang naririnig ko palapit ito ng palapit saking kinaroroonan gusto kong kumawala pero may pumipigil sa akin, habang lumalapit ang yabag ay kasabay ng pagbigat ng aking paghinga at mabilis na pintig ng aking puso, pabilis ng pabilis at palapit na ito ng palapit ...Tumigil ito sa aking harapan...sabay tanggal sa bagay na nakaharang saking mga mataIsang lalaki, pamilyar ang mukha nya nakangisi ito sa akin na para bang wala na ito sa kanyang katinuan...Habang unti-unti niyang inilalapit ang kanyang mukha ay unti-unti ko na rin itong na-aaninag kasabay naman ng pagbigat ng aking paghinga na parang mauubusan na ako ng hangin sa katawan...
Chapter 24Nagising ako dahil sa mabigat na brasong nakayakap sakin. Ang lamig talaga! brrrr! kaya imbis na umalis agad sa higaan ay isiniksik ko na lang ang aking sarili palapit kay Dylan, ang init kasi nya."Hmmph," ungol lang ni Dylan habang mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sa akin, nasa likuran ko sya kaya dama ko ang mainit nyang katawan na bumabalot sakin.Pipikit pa sana ako para matulog ulit ng maaninag ko ang orasan na nakapatong sa side table ng kama, tanghali na pala, malamig lang at madilim kaya akala ko ay maaga pa. 9:30 am na ,kaya kahit gusto ko pang matulog ay pinilit kong inalis ang aking sarili sa napakakomportableng posisyon.Inayos ko pa ang kumot ni Dylan bago ako nagtungo sa banyo para maka-ligo na, Marami pa kasi kaming balak puntahan sa araw na ito.Lumabas ako ng banyo na nakasuot ng bathrobe dahil nakalimutan ko nanamang maghanda ng pamalit na damit.Naka
Dahil sa nangyari ay minabuti na naming bumalik ng maaga sa maynila.Nandito kami sa parking lot ng hotel habang isa-isang inilalagay sa compartment ng kotse ang aming mga bag na dala at iba pang supot na may lamang souvenir. Buti na lang at nakabili kami kahapon.Pagkapos naming ayusin lahat ay nagsimula ng umandar ang sasakyan paalis sa lugar kung saan naganap ang una naming bakasyon. Dahil halos hindi ako nakatulog buong magdamag ay antok na antok ako ngayon sa byahe."Ry ko, sige na matulog kana."Dahil antok na antok ako ay sinunod ko na lang si Dylan. Kaso hindi ko pa matagal na naiipikit ang aking mata ng bigla na lang akong magising dahil binilisan ni Dylan ang pagpapatakbo nya ng kotse."Dylan!! anong nangyayari?" takot na tanong ko naman."May humahabol satin," seryosong sabi nito at maya't mayang tumitingin sa side mirror ng kotseDahil sa sin
Naging maayos na ang mga sumunod na araw sa aking buhay, nawala na ang kaba at takot sa aking dibdib. Mas napalapit na rin ako sa mga bago kong kaibigan, si lily at Leo.Si lily ay medyo mataray pero napakabait, ganun din naman ang kanyang nanay na si aling Mimi. Mula nga pala ng makilala ni Dylan si Lily ay pinayagan na rin nya akong pumunta at bumisita sa bahay nito, sabi pa ni Dylan ay mukhang mabait naman si lily at higit sa lahat ay kapatid pa nito ang kaibigan kong si Gab kaya ok lang daw na pumunta ako sa kanila pag naiinip ako dito sa bahay.Ang maganda pa niyan ay parehas din kami ng hilig ni lily, masaya kami kapag nakakapag bake. Kaya naman ng sabihin ko sa kanya na gumagawa ako ng mga dessert ay di na nya ako tinigilan para kulitin, gusto daw nyang matikman ang mga gawa ko, kaya nandito ako sa tapat ng bahay nila at mag dodoorbell, dala ko din sa aking isang kamay ang paperbag na may lamang mga tupperware."Cutiee sorry
DYLAN POV"Dylan, gising na!!!" excited na sabi ng asawa ko habang nagmamadaling inaalog ang aking balikat.Kinukusot ko pa ang mata ko dahil sa antok, nailibot ko ang aking paningin sa paligid. Preskong hangin, at mahinang tunog ng alon.'Hayss, napakagandang tanawin at lugar, perpekto para sa aming honeymoon ng aking mahal,' isip-isip ko pa habang gumuguhit ang malapad na ngiti sa aking labi."Dylan, maligo ka na!" sabi pa sakin ng mahal ko ng makita nya akong nakatayo lang sa gilid ng kama."Sobra ata ang excitement ng asawa ko ah," nakangisi ko pang sabi sa kanya, Inirapan lang naman ako nito at lumabas ng kwarto.Napailing na lang ako habang nakangisi parin at bumagtas na papunta sa banyo. Mabilis akong naligo dahil baka magalit na talaga ang mahal kong asawa. Mukhang excited na excited na syang maglibot sa tabing dagat ah.We're here at hawaii for our 2 weeks honeymoon, mom and dad fund this vacation for us, a gift in
"Lily kinakabahan ako," sabi ko pa dito habang inaayusan nya ako."Ngayon mo pa talaga natripan na kabahan ha, sa araw pa talaga ng kasal nyo," sagot naman ni lily habang inaayos ang buhok ko."Di ko mapigilang kabahan eh," sagot ko pa sabay pahid sa mukha."Wag kang kabahan, easy lang to, At wag mong burahin ang nilagay kong face powder!" confident pang sagot naman ni lily sabay hampas sa kamay kong pumapahid sa mukha ko."Kung maka-easy ka naman, bakit nakapag pakasal ka na ba?" tanong ko naman."OO DAPAT!!! kaso nauna kayo diba, dapat kami ni Brandon ang ikakasal eh, pero sabi nyang unggoy mong asawa ay kayo muna," may inis na sabi pa nito kaya napailing na lang ako."Para kasing ambilis naman," sabi ko pa habang tinitingnan ang sarili ko sa harap ng salamin."Ano bang mabilis? isang taon na ang nakalipas mula nung magpropose sayo si Dylan" Sabi pa nito
"Tay naman?" reklamo ko pa"Anak, ako nang bahala dito, okay," sabi pa ni tatay kaya napayuko na lang ako, pero naramdaman ko ang kamay ni Dylan na humawak sa akin sa ilalim ng mesa.Tumingin ako sa kanya at binigyan nya ako ng matamis na ngiti bago sumagot kay tatay."Opo, seryosong-seryoso po ako kay Rylan, tay. Una ko pa lang po syang nakilala noon ay alam kong may espesyal sa kanya kaya hindi ko na sya pinakawalan pa at nung makilala at makasama ko ng sya ay masasabi kong hindi ako nagkamali, mabait , ma-aalahanin, mapagmahal at napakabuti po nya kaya naman hindi ko po hahayaan na humadlang samin ang estado ng buhay namin, kasarian o kahit ang sasabihin ng iba," confident na sabi ni Dylan sa aking mga magulang kaya napatango at napangiti ang mga ito."Handa ko po syang panagutan at kukunin ko po lahat ng responsibilidad, ipagkaloob nyo lamang sya sakin," dugtong na sabi pa nito.Namumula na ang mukha ko sa lahat ng sinasabi nya pero di maalis ang saya at pagka-proud ko sa kanya. Pa
DEC. 25"Kuya Rylan!!! Merry Christmas po!" magiliw na sabi pa ni Gab habang nasa gate ito ng bahay."Merry Christmas din Gab, halika pasok ka," sabi ko pa dito at niluwagan ang pagkakabukas ng Gate.Masaya naman ito at nakangiti bago sumunod sakin."Nasan ang ate mo?" tanong ko pa nang makapasok na kami, pinaupo ko pa sya sa sofa."Ah papunta na po dito," sagot naman nito."Oh hello, Gab!" masigla namang bati ni Dylan ng makarating ito sa sala.Masaya namang binati din ni Gab si Dylan at nakipag apir pa ito. Nagpunta ako sa kusina para kunin ang mga ginawa kong gave away na dessert, tulad ng Macaroons at brownies na nasa box. Naghanda rin ako ng pagkain para makakain muna ang mga bisita namin.Naghanda rin kami ni Dylan ng maraming mga 20-50 peso bill para ipamigay sa mga batang namamasko sa labas ng bahay. Maya-maya ay narinig ko ulit na may n
Pagkatapos ng pag uusap namin kanina ng mama ni Dylan at ang kakaibang biro ng tatay nito ay ipinagpatuloy namin ang paggawa ng mga dessert katulong si Dylan at Dad.Napagpasyahan din nila na dito sa bahay magpalipas ng gabi kaya inihanda namin ni Dylan ang guest room para sa kanila."Ry ko, Tulog na rin tayo," nakangiti pang sabi ni Dylan habang hinihigit ako papasok sa kwarto nya."Oo tutulog na ako pero di sa kwarto mo," nakangiti pang sabi ko."Eh Ry ko, Please dito ka na matulog," nakanguso pang sabi naman nito.Napailing na lang ako dahil sa pagpapacute nya." A-yo-ko," sagot ko pa.---------------------------DEC . 24Maaga akong nagising para makapaghanda ng agahan naming lahat lalo na at dito rin kakain ang mga magulang ni Dylan."Hm, Noche Buena na pala mamaya," sabi ko pa ng mapatingin ako sa kalendaryo sa pader
Lumabas naman ang dalawang tao sa kanilang sasakyan. Sumalubong naman si Dylan sa kanila ng sabik na sabik. Yumakap sya sa mga ito at ngumiti ng napakaganda.Habang pinagmamasdan ko sila ay di ko mapigilan ang aking sarili na mapangiti dahil ngayon ko lang nakita kung gaano kasaya si Dylan.Hayss.. Ang ganda nila pagmasdan, sa wakas ay nabuo ang kanilang pamilya."Mom, Dad masayang masaya po akong makita kayo!" masiglang sabi pa ni Dylan sa kanyang mga magulang."Of course anak we're so happy to see you too, we miss you kaya nang magkaroon kami ng pagkakataon ay binisita ka na namin," turan naman ng kanyang nanay.Ang mga magulang nya ay hindi pa ganun ka tanda, napaka ganda ng nanay nya at kamukhang kamukha naman nya ang tatay nya, Minus ang mga ngiti dahil mukhang sobrang seryoso nito."It's nice to see you my son," bati naman ng tatay nya. Ngumiti naman si D
DEC. 23"Ry ko.""Ry koo!""Ry koooo !!!"Hayss... Nakakabingi na tong si Dylan ah, kanina pa syang tawag ng tawag sa pangalan ko na parang walang bukas.Kunot na kunot ang kilay ko habang para namang baliw itong si Dylan na ayaw akong tantanan. Kung san ako magpunta nandun din sya, lagi na lang nakasunod. Katulad na lang ngayon, habang nagluluto ako ng agahan namin ay nakayakap ito sa likod ko.Sa totoo lang, hindi ako makagalaw dahil sa laki nya."DYLAN !Umupo ka muna dun!!""Pero Ry k--""Walang Pero- Pero, Dylan," inis na sabi ko pa dito sabay turo sa upuan sa counter.Para naman syang pinalong tuta habang malungkot na naglalakad paupo sa isang upuan."Ry ko, namiss lang naman kasi kita ng sobra kaya ayaw kong mawala ka sa paningin ko baka mamaya na-nanaginip lang pala ako
Para akong mabangis na hayop habang iniikutan ang aking kama, Kung sino man ito at paano sya nakapasok sa aking bahay at kwarto?Magnanakaw kaya ito? Ang lakas naman ng loob nito, magnanakaw na eh, makikitulog pa.I frown my eyebrow while walking straight to it. Ha!! I'm done making fun of this. Maganda ang araw ko at hindi ito ang sisira dito.Nang makalapit ako dito ay mabilis kong tinanggal ang kumot na nakatakip dito.WHOOOSSS!!Napalaki ang mata ko at halos mahulog sa sahig ang aking panga dahil sa gulat ng makita kung sino ang taong nasa ilalim ng kumot ko."R-Ry ko!?" gulat na tanong ko pa sa sarili habang nakatitig dito, gustong gusto kong lumapit at hawakan sya pero di parin ako makagalaw dahil sa pagkabigla.Kahit napakaraming katanungan sa aking isipan ay wala akong pakialam, ang mahalaga ay nandito na ulit ang mahal ko. Bago lumapit
"Utoy, nandito na tayo sa maynila."Nagising ako dahil sa pag alog ng aking balikat. Pupungas-pungas akong nagising, napatingin ako sa bintana ng bus, madilim pa pala. Dala-dala ang aking bag ay nagmadali na akong bumaba sa Bus at nagpasalamat sa driver.Naglakad ako sa may kanto para maghintay ng masasakyang taxi pauwi, sumilay muna ako sa aking Cellphone ko para tingnan ang oras.DEC. 23 / 2:00 am"Dec. 23 na pala, dalawang araw na lang at pasko na," isip-isip ko pa habang humihikab, sakto naman na may dumating na taxi at mabilis naman akong sumakay dito para makauwi na.Kahit antok na antok ay pinilit ko paring manatiling gising ang aking sarili. Excited na akong makauwi, at makita si Dylan. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na din kami sa subdivision.Kahit madilim pa ay masaya pa rin akong binati ng mga guard ng subdivision. Nagnining-ning naman ang