Home / Romance / The Youngest Multi-Billionaire / Chapter 2: Ang Pangit Niya

Share

Chapter 2: Ang Pangit Niya

Author: LorreignneScarr
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Lexxeignne's POV


Lakad takbo ang ginawa ko papuntang garahe ng sasakyan kung nasaan ang motor ko. Sh*t! Malelate na ako! Bakit kasi ang tagal kong nagising. Aisshh!

*pitpitpipit*

Agad namang binuksan ni manong ang gate pagkakita sa akin.

*broommm*

Pinasibad ko na ng takbo ang motor ko. Langya! Nalimutan kong kumaen. P*ta! Naiwan ko din ang baon ko. Aisshh! Binilisan ko na ang pagpapatakbo. Nakarating na din ako ng school sa wakas.

*St. Agustin Academy*

Basa ko sa nakasulat sa gate. Naghanap na ako ng parking space at nakahanap naman ako. Dali dali akong pumasok ng school. Time check: 6:50 am. May time pa ako para hanapin ang room ko. Sh*t, 10 minutes na lang.

Nagtanong ako sa teacher na nakasalubong ko kung saan makikita ang room ko. Hindi na ako nagtanong sa mga kapwa ko estudyante baka bigyan lang nila ako ng maling info. Tinuro naman ng teacher kung nasaan yung room ko.

"Salamat po ma'am!" Ngumiti naman ito at hinanap ko ang room ko. Sinunod ko ang tinuro niyang direksyon. Deritso, pakanan, akyat hagdan, pakaliwa at hanap ng room number.

"Room 11.. 12... 13.. at.. ayun! Room 14!" Masaya kong sabi ng makita ito. Pagtingin ko sa oras ay... sh*t! 3 minutes na akong late! Kumatok na ako sa nakasaradong pinto. Bumukas naman ito at bumungad sa akin ang isang nilalang na nakakunot ang noo. Paktay! Mukhang stricto pa ang panot na teacher na ito.

"You're 3 minutes late! And you expect that I will let you in!" Nakataas na kilay nitong sabi. Kumunot ang noo ko.

"Yes. I'm late because I had a hard time looking for this room and obviously I'm a transferee. So whether you like it or not! You will let me in. And I know I'm 3 minutes late. So you don't need to say it." I said that made his jaw dropped. Since wala siyang balak papasukin ako ay ako na ang kusang pumasok. Naiiling itong sumunod sa akin. Nakita ko naman ang mga magiging kaklase ko na nakanganga. Mayamaya pa ay tumawa ang mga ito.

"Langya! Akala ko ang ganda niya! Eh ang galing mag-english eh! Nyeta! Nosebleed ako dun ah hahaha" sabay tawanan ng mga ito. Nakatingin lang ako sa kanila na nakataas ang kilay.

"Ang pangit niya... hahaha"

"Oo nga! May katulad pa pala niya? Hahaha ew!"

"Class quite!" Sigaw nung teacher na panot. Tumahimik naman bigla.

"Okay, please introduce yourself miss. And sorry kanina pantakot ko lang yun sa mga nalelate hehe" binulong nalang nito sa akin ang huling sentence niya. Tsk. Hahaha hanep! Napaniwala ako dun ah. I smirk. Mabait naman pala ang panot na ito.

"Ehem. I'm Lexxeignne Morales, Lex for short. 19 years old." Pinipigil naman ng mga ito ang kanilang mga tawa.

"Okay, yun lang?" Tinignan ko lang ang panot at mukhang nakuha naman nito ang ibig kong sabihin.

"Okay, I'm John Cruz and you may take your seats now Ms. Morales, wherever you want." Pagkasabi nito ay humanap na ako ng mauupuan. Umupo ako sa pinakalast na row katabi nung isang babae na nakasalamin din pero hindi siya mukhang nerd tignan. Maganda ito.

Nagsimula naman nang magturo yung panot na teacher. Ang boring naman. Eh alam ko na yung mga tinuro niya. Hanggang sa magring na yung bell. Tapos na ang unang klase. Lumabas naman na yung panot. Recess time na pala. 15 minutes lang. Buti naman gutom na talaga ako. Tumayo na ako at lalabas na sana ng room. Hindi pa man ako tuluyang nakalabas ng room ay hinarangan na ng mga kaklase ko ang pinto. Napahinto naman ako.

"Get out of my way kids" sabi ko sa kanila at tumaas naman ang kilay ng mga ito.

"Kids? You called us kids? Hahaha dinig niyo yun guys?" Nagtawanan naman sila.

"Why? Aren't you? What you're doing right now is for kids act. So can you move away now?" Sabi ko na nakapagpainis sa kanila.

"How dare you?" Sabi ng babaeng mukhang clown. Ang kakapal ng make-up. Akmang sasampalin ako nito pero napigilan ko ang kamay nito.

"Yes, I dare you. And please? Don't ever lay your filthy hands in me, I bet you! You will regret what will happen next." sabi ko at binitawan na ang mga kamay nito at umalis na ng room at pumunta na sa cafeteria.

Pagdating ko ay umorder na ako ng pagkaen. Mabilis naman sinerve yung order ko. Hindi pa ako nakapalahati ng kinaen ko ay may biglang tumayo sa tapat ko. Pagtingin ko ay yung seatmate ko pala kanina.

"Uhm, hi? Pwede bang maki-share?" Paalam nito at tumango ako kasi puno pa bibig ko. Kumaen na din ito. Fudgee bar at tubig lang ang kinaen nito.

"Ahm, ako nga pala si Samantha Aguilar. Lexxeignne Morales, right?" Biglang sabi ng kaharap ko.

Uminom muna ako ng tubig bago sumagot. "Yes. Ahm, nice to meet you! So, I'll go first it's nearly time." sabi ko at akmang tatayo na.

"Wait! Sabay na ako sayo!" Sabi nito at tumayo na ako. Sumunod naman siya at sumabay sa akin sa paglalakad. Wala kaming imikan. No one dared to talk. Hanggang sa dumating na kami sa room. Nakita ko naman yung mga babaeng clown na humarang sa akin kanina na ang sama ng tingin sa akin. Lampake! Umupo na ako sa seat ko. Wala pang teacher kaya ang ingay ng room.

"Ahm, Lex! Sabay tayong maglunch ah? Please?" sabi ni Samantha.

"Uhm, ok." sagot ko nalang.

"Yes! Salamat! May makakasabay na din akong kumaen!" Excited na turan nito.

"What do you mean?" Tanong ko dito. Ngumiti naman ito.

"Wala pa kasi akong friends dito kaya wala akong kasabay kumaen." Malungkot na sabi nito. "Pwede ba kitang maging friend Lex? Please?!" Pakiusap nito habang nakapuppy look. Langya! Anong akala niya sa sarili niya aso? Hayy, sige na nga tutal wala din akong friend.

"Okay..."

"Yay! Wala ng bawian ah? Friends na tayo!" Sabi nito habang nakangiti ng malapad. Napangiti na lamang ako.

"Good morning, Class!" Nabaling naman ang tingin ko sa unahan. Nandiyan na pala yung teacher.

"Good morning, Ms. Dela Cerna!" Bati ng mga kaklase ko.

Nagsimula agad itong magdiscuss. Math pala ang itinuro niya. It's all about statistics. The mean, median, and mode. Tsk. Ang easy.

Nagbigay ito ng pagsusulit pagkatapos niyang magdiscuss. After 10 minutes tapos na ako at ako ang unang nagpasa ng papel. Nagulat naman si ma'am. Hindi siguro niya enexpect na may magpapasa ng ganon kaaga. Bumalik na ako sa upuan ko at umub-ob. Mayamaya kinulbit naman ako ni Sam. Tapos na pala ang lahat at may sinasabi si ma'am.

"Ok class. See you next meeting! Class dismissed!" Pagkatapos nitong sabihin iyon ay umalis na si ma'am. Nag-ingay naman sila.

"Tara na Lex! Lunch na! punta na tayong cafeteria!" Aya nito sa akin. Tumayo naman ako at sinuot ang backpack ko. Lumabas na kami ng room.

Pagdating namin sa cafeteria ay ang daming tao at ang ingay ingay.

"Waahhh! Ang gwapo niya talaga!" Irit ng mga babaeng malandi. Tsk. Kairita.

"Excuse me." sabi ko dun sa nagblock ng daanan. After how many years ay nakarating din sa may cashier. Grabe bakit dumami bigla ang tao? Pagkaorder namin ni Sam ay humanap na kami ng table habang dala ang aming pagkaen.

On my way, biglang may pumatid sa akin dahilan para matapon ang pagkaen ko sa mga kumakaen. Napasinghap naman ang mga tao at biglang tumahimik.

Napataas ang kilay ko. Anong nangyare? Tsk. Dahan dahan lumingon yong taong natapunan ko ng pagkaen ko. Galit itong tumingin sa akin. Teka! Namumukhaan ko siya. Siya yong guy na nakasabayan ko ng motor papuntang mall. Hah! What a small world!

"You again! Look what you did!? Sh*t! Alam mo bang magkano itong damit ko hah?" Umuusok sa galit na tanong nito sa akin habang nakaturo sa damit na namantsahan. Seriously? He did ask me that? I smirk.

"Yes, I do. It's worth 2 thousand pesos." sabi ko sa kanya at tumawa naman yung nanonood.

"What?! You don't have any idea how much it's cost, do you? It's worth hella 10 thousand pesos! And you'll gonna pay for this! You ugly creature!" Galit na sabi nito. Hah! What a jerk! Ang hambog lang. Tignan natin ngayon kung makakapagsalita ka pa.

"Well, I know how much it cost, I saw that shirt in the mall and it really cost 2 thousand pesos. Want some proof?" Sabi ko dito habang may nang-uuyam na ngisi. Namutla naman ito. At biglang nagalit ulit.

"What?! You're unbelievable!"

"Yes, I am. If I were you, I'll go get change my clothes now because you stink!" Hahaha ppfft! Nakakatawa naman siya. Yung reaksyon niya? It's priceless. Hahaha sininghot pa nito ang damit niya. And guess what? Pft! Nabahuan nga. Tumawa naman ang manonood. Inis na inis itong bumaling sa akin.

"We're not done yet, stupid ugly creature!" Sabi nito sabay lakad paalis. Tsk. I'm always ready jerk.

Napuno ng halakhakan ang buong cafeteria. Binaling ko ang tingin ko sa babaeng pumatid sa akin. Namutla naman ito.

"W-what?!" Nauutal na sabi nito.

"You did that on purpose, did you?" Mas lalo itong namutla. Bigla naman tumahimik ang kaninang maingay.

"S-so what if I am? You're so ugly! That's why pinatid kita!" Tinignan ko siya ng disgusted look.

"That's it? So childish of you. What's your name?" Tanong ko dito.

"I'm Amor Dela Vega." Sabi nito habang nakangisi. Hah! Tignan natin ngayon kung makakangisi ka pa. Hindi porket pangit ay ibubully na agad?

"Do you know the sayings, do not judge the book by its cover?" Tanong ko dito habang nakangisi.

"Of course! Anong akala mo sa akin bobo?! Stupid b*tch!" Aba! Napupuno na ako sa mabahong bunganga nitong babaeng to ah!

"Yun naman pala eh! You knew. So, please tell your father Ms. Dela Vega, that starting today I will pull out all my investment to your company. Oh! For your info! Half of the shares is mine. So, goodluck! Bye!" Sabi ko at akmang aalis na. Napasinghap naman ang lahat. Bigla naman nanlaki ang mga mata nito.

"P-please... don't do that! I'm sorry Miss.." sabi nito at biglang lumuhod sa harap ko that made everyone gasps.

"Please... I'm begging you! I promise hindi ko na uulitin! Huhuhu just don't take all of your investment. Huhuhu please! Mapapagalitan ako ng papa ko!" Umiiyak na turan nito. Hindi naman ako kasing sama ng iniisip niya.

"Okay, but in one conditon," napatigil ito sa pag-iyak at tumingin sa akin.

"A-ano yun? Gagawin ko lahat ng ipapagawa mo. Please!" Pagmamakaawa nito at napabuntong hininga naman ako.

"Just don't do that to others again and if I saw you bullied someone in this premises. I will not think twice and you know what will happen." sabi ko at humakbang na paalis sumunod naman sa akin si Sam. Nawalan na ako ng ganang kumaen. Pati si Sam nadamay.

"Sam huwag ka nang sumunod sa akin. Kumaen ka na doon." Sabi ko sa kanya habang naglalakad palabas.

"Hindi na Lex. Nawalan na din ako ng gana. Pumunta nalang tayong room." Sagot nito at pumunta na nga kaming room.

Kami palang ang nasa room. Siguro nandoon pa sa cafeteria yung mga kaklase namin. Umub-ob nalang ako sa desk.

"Alam mo Lex. Humanga talaga ako sayo kanina dahil ang tapang tapang mo! Ang sama talaga ng mga ugali ng kabataan ngayon. Isa pa yung jerk na Aki na yon! Hindi naman ito taga high school department at napadpad doon! Ang layo ng cafeteria ng mga college students, talagang nag-effort pa siyang pumunta dito! Hmmmp kainis yung gagong yun." Naiinis na wika ni Sam. Aki? Aki pala ang pangalan ng gago. Makikita mo jerk!

Naramdaman kong unti unti ng pumasok ang mga kaklase ko. Tahimik ang mga ito. Pagtaas ko ng ulo ko ay nakatingin sila sa akin. Bigla naman nagsipang-iwas ng tingin ang mga ito. Tsk. Walang kahit isa ang nag-ingay.

Pumasok naman na yung teacher. Filipino ang itinuro nito. Nagdiscuss lang ito ng nagdiscuss.

Lumipas ang hapon na puro discussions lang ang nangyare. I'm so bored. Sana pala nagdala nalang ako ng libro para may mabasa ako. Hayy!

*kriinnnggg*

Sa wakas! Uwian na! Dali dali akong tumayo at sinuot ang backpack ko. Tumayo na din si Sam. Sabay kaming lumabas ng room. Pinagtitinginan kami ng mga classmates namin at paglabas namin ay ganoon din.

"Sam why are they looking at us?" Tanong ko kay Sam habang patuloy padin kaming naglalakad.

"Well, siguro dahil yun sa naganap kanina sa cafeteria" nakakibit balikat na ani ni Sam.

"Tsk."

"Well. Well. Well. Look who's here?" Napatigil kami sa pagbaba ng hagdan ng may nagsalita sa harapan namin sa baba ng hagdan. Guess they are the mean students, the way they looks.

Nagpatuloy naman ako sa pagbaba. Napa-atras naman ito ng mapansin niya na hindi ako huminto sa paglalakad. Bigla naman nitong hinablot ang braso ko. Napatigil ako ganon din si Sam. Nakita kong napalibutan kami ng mga estudyante. They want a show. Tsk. This b*tch!

Tinignan ko sila ng masama.

"Oh! I'm scared?! Hahaha you wish!" Sabi nung nakahawak sa akin. I give her a bored look.

"What's your problem? Can you see that I'm in a hurry? So please! my time is precious and it's a waste of time talking to your nonsense act." Sabi ko dito at sabay kuha ng braso ko sa pagkakahawak niya, na nagpanganga sa kanya at sa mga nanonood.

"You b*tch! How dare you!" Akmang sasampalin ako nito ng pinigilan ko ang kamay niya at pinilipit ito. Humiyaw naman ito sa sakit.

"What's your problem? I did nothing to you to treat me like this?! Stay where you are!" Sabi ko ng akmang lalapit yung mga alipores ng babaeng hawak ko.

"Ugggh! You stupid! Iginanti lang namin si Aki! Sa pagpapahiya na ginawa mo sa kanya kanina!" Sabi nito kahit namimilipit sa sakit. Mas hinigpitan ko ito at sumigaw na ito sa sakit. Binitawan ko na ito. Eww lang! Basa pa ang mga kamay nito. Kadiri!

"He deserve that for insulting me."sabi ko at tuluyan ng umalis sa crowd.

"Lex! wait!" Tawag sa akin ni Sam. Hindi na ako lumingon alam ko namang sumunod siya.

Pagdating ko sa parking lot ay dumiritso na ako kung saan nakapark ang motor ko. Nakita kong ganon din si Sam.

"Cool! Nakamotor ka din pala Lex? At magkatabi pa tayo sa pagkapark! We're really meant to meet this day!" Masayang sabi niya.

Siguro nga. Akalaen mong magkatabi kami sa room pati ba naman sa pagpark ng motor? Sa laki ng parking space?

Pinaandar na namin ang aming mga motor. At sinuot ang helmet.

"See you tomorrow Lex! Bye!" Sabi nito.

"Yeah! See you too! Bye!" Sabi ko din at kumaway na kami sa isa't isa at pinatunog ang horn at sabay na kaming umalis ng school. Pareho pala kami ng way. Mas nauna lang siya ng ilang blocks mula sa bahay. Magkapitbahay pala kami.

Pagkadating ko sa bahay ay agad kong pinark ang motor ko at pumasok na sa loob. Napaupo agad ako sa sofa. What a tough day I had! First day palang may nakaaway na agad ako. Siguro hindi ko na susuotin ang disguised look ko.

Pumunta na akong kwarto at nagbihis. Tinanggal ko na ang mga nakalagay sa mukha ko pati braces. Tumingin ako sa salamin. Siguro panahon na para harapin ko ang katotohanan.

Sapat na siguro ang dalawang taon na pagtatago ko sa kanila. Namiss ko din ang mukha kong to. Hindi naman sa pagmamayabang ay maganda talaga ako. I have perfect long nose, magandang curves ng lips, pantay pantay na ngipin at mapuputi ito. Maayos na pagkaporma ng kilay kahit walang eyebrow ay maganda itong tignan at makinis din ang balat ko. And I have also a sexy body. Hindi ito nakikita sa usual get up ko

dahil nakaloose ako na pants at damit lage. Nakakasawa din pala ang pangit na get up ko. Hayy! 

Related chapters

  • The Youngest Multi-Billionaire   Chapter 3: Who Is She?!

    Lexxeignne's POV Maaga akong nagising ngayon at may oras pa ako para mag-exercise. Pumunta akong gym dito sa loob ng bahay at nagsimula ng nagpapawis. Dinalhan naman ako ng tubig ni Nanay Fe. Nagpasalamat ako dito. Bandang mga 5:30 am ay naligo na ako at pagkatapos ay kumaen na ng agahan. Nagdala ako ng panglunch ko. Time check: 6:30 amPumunta na ako sa garahe at sumakay na sa kotse ko. Hindi na ako nagmotor dahil bibili pa ako ng bago. Pinaandar ko na ang kotse ko at lumabas na ng bahay. On my way, nakasabayan ko si Sam. Nakamotor ito. Pinatunog ko ang horn at nakatingin lang ito sa akin. Binaba ko ang car window at ngumiti sa kanya. "Hey! Sam!" Dumeritso lang ang pagpapaandar nito. Guess hindi niya ako nakilala hahaha. Pagdating ko sa school ay agad kong pinark ang kotse ko at nakita ko naman si Sam na inayos an

  • The Youngest Multi-Billionaire   Chapter 4: The Youngest Multi-Billionaire In Town?!

    Lexxeignne's POV "Wow! Is this your house?" Sabi ni Sam habang nakanganga. Yun agad ang bungad niya pagkapasok ng gate ng bahay. Pagkatapos ng klase kanina ay dumeritso na kami dito. Hindi na dumaan si Sam sa bahay nila dahil malapit lang daw ito kung uuwi na siya mamaya. "Actually, before it is not mine but now it is already" sagot ko naman sa kanya at napakunot ang noo nito. "Hindi ko gets?" Naguguluhang sabi nito habang nakakunot ang noo. "I'll tell yah' later, Sam. Pasok muna tayo sa bahay" sumunod naman siya sa akin at nakita naman ako ni Nanay Fe at bumati ito sa akin na sinuklian ko ng ngiti. "Nanay Fe! Ito po si Sam, bestfriend ko!" Sabi ko kay Nanay Fe ng nakalapit ito sa amin habang may dala-dalang inumin. "Hi! po! Nanay Fe!" Bati ni Sam kay Nanay Fe. "Hello din Sam! Oh siya! Maiwan

  • The Youngest Multi-Billionaire   Chapter 5: AKILEX FOREVER!

    Lexxeignne's POV *krriinngggg**krriinngggg*Kinapa kapa ko kung nasaan ang cellphone ko. Antok na antok pa ako. Sino ba ang natawag sa akin ng ganitong kaaga? Ng makuha ko ang cellphone ko ay dinilat ko ang kaliwang mata ko at tinignan ang caller. Unknown number? Who the heck is this? I press the answer button and sinagot ko na ito habang naantok pa. Pinikit ko ulit ang mata ko. "Hello?" Sagot ko in a lazy tone. "Rise and shine!! Sweety babe! Good morning!" Sabi ng nasa kabilang linya. Napakunot naman ang noo ko. "Who are you?" "Oh!? Don't remember me?! How sad! Ang pinakagwapo na dyoso sa lahat ay kinalimutan ng isang dyosang nagngangalang Lexxeignne Morales? Huhuhu ang sama mo sweety babe!" Sino ba itong kwago na ito? Tsk. Inabala niya ang magandang tulog ko dahil lang

  • The Youngest Multi-Billionaire   Chapter 6: Ang Nakaraan

    Lexxeignne's POV Suntok dito, suntok doon. Walang tigil. Tulo ng tulo ang pawis ko. Nung nakaramdam ako ng pagod saka lang ako huminto. Pinunasan ko ang pawisang mukha ko at uminom ng maaligamgam na tubig. Napalingon ako sa pinto ng bumukas ito. Mga nakangiting mukha ang bumungad sa akin. "Waaahhh Lexxy baby! Namiss ka namin!" Sabay na sabi ng apat na nilalang. Tsk. Akmang yayakapin ako ng mga ito ng pigilan ko sila. Napapout ang mga ito. "Pawisan ako! Don't dare hug me! And what are you doing here?" Sabi ko habang nakataas ang isang kilay. "Eh! Naisipan lang namin na dalawin ka. Diba mga baby? Hehehe" tumango naman ang mga loka. "Tsk. Guguluhin niyo lang ako eh." Napasimangot ako. "Pramis! Hindi! So ano? Movie marathon tayo? Please Lexxy baby?" "Hayy, ano pa nga bang magagawa ko eh nandito na kay

  • The Youngest Multi-Billionaire   Chapter 7: Ang Nakaraan (2)

    *still a flashback*Lexxeignne's POVUmupo ako sa upuan at humihigop ng dala kong kape. Ang lamig ng simoy ng hangin. May tumabi naman sa akin."Pasensiya kana sa tirahan ko ah? Mahirap lang kasi kami." Napalingon naman ako kay Yasmin. Siya yung babaeng tinulungan ko. "Hindi naman ako namimili ng tirahan. Mabuti pa nga dito eh ramdam ko ang katahimikan. Hindi tulad sa mundo kong puno ng pait na mga alaala. Mayaman ka nga pero hindi naman masaya. Mas gustuhin ko pang maging mahirap dahil mas ramdam ko pa ang pagmamahal ng mga magulang sa kanyang anak. Ang swerte mo sa mga magulang mo Yas kaya wag mo silang bigyan ng sakit ng ulo ha? Nakita kong mahal na mahal ka ng mga magulang mo. Naiinggit ako sayo, alam mo ba." Nakita kong ngumiti siya. "Akala ko kapag mayaman ay masaya. Nagkakamali pala ako. Mabuti nalang pala at naging mahirap ako."

  • The Youngest Multi-Billionaire   Chapter 8: Stupid Sales Lady

    Lexxeignne's POV Usap usapan sa buong campus ang nangyare kahapon. Suspended naman ng 1 month ang mga bruha. Kaya mas lalo silang nagalit sa akin. Kahit kailan talaga ay lapitin ako ng gulo."Iniisip mo pa din ba ang nangyare, Lexxy baby? Bagay lang sa kanila iyon. Dapat nga pina-expelled na ang mga iyon. Kung nagkataon na hindi ka marunong makipaglaban ay ikaw naman yung napuruhan. Mga inggetera talaga ang mga bruhang yon!" Sabi ni Sam. Nandito kami sa tambayan namin sa garden."Oo nga! Naku! Ang sarap lang pagsasampalin ng mga mukha nila! Nakakapanggigil eh!" Inis na sabi ni Mara."Kutang kuta na talaga ako sa mga bruhang yun! Nakuuu! Ang sarap tirisinnnn!" Nanggigigil na wika ni Andrea."Ang sarap lang ibala sa canyon!" Inis ding sabi ni Camila.Nagtawanan naman kami sa sinabi niya."Sweety babe!" Napalingon

  • The Youngest Multi-Billionaire   Chapter 9: Viral Video

    Lexxeignne's POV Pagpasok na pagpasok ko pa lang sa school ay puro usap usapan na ang maririnig sa bawat sulok ng school. Lahat ay pinag-uusapan ang nangyare sa shop kagabe. Binungad naman ako ng apat. "Naku. Lexxy baby! Alam mo na ba ang balita?" Tumango naman ako. "Oh my! Viral ka ngayon sa social media!" Mara said. "Bagay lang sa babaeng yun na mabash! Yan ang napapala sa mapangmatang tao gaya niya! Naku! Hindi na din ako pupunta ng shop na yun baka makita ko yung babaeng yun!" wika ni Andrea. Nanatili lang akong tahimik. "Nakuuu! Sana sinama mo nalang ako kagabi para ako yung magpapahiya sa mapangmatang babaeng yun! Porket hindi nakaayos? hindi na afford yung sapatos na yun? Kagigil eh!" Sam blurted out and looked really pissed. "At alam mo ba? Viral din yung post ng isang sales lady sa shop na binilhan mo

  • The Youngest Multi-Billionaire   Chapter 10: The Past

    Georgina's POV Nasasaktan ako habang nakatingin sa kanila na masayang namamasyal at namimili ng kung ano ano.Nagseselos ako dahil iba na ang tinatawag niyang ate ngayon. Nagseselos ako dahil ako sana ang kasama niya ngayon. Kasalanan ko rin naman kung bakit lumayo ang loob niya sa akin.Tahimik lang akong nakasunod sa kanila ng hindi nila namamalayan. Hanggang sa makauwi sila ay sinusundan ko pa rin sila. Ngayon alam ko na kung saan siya nakatira. All these years ay nandito ka lang pala.Magkakasama din tayo bunso. Mabubuo din ang pamilya natin. Pinapangako kung sasaya din tayo ulit.Lumisan na ako sa lugar na iyon. Masaya na akong malaman na nasa mabuti siyang kalagayan. ~~~Akihiro's POV"Aki... please kausapin mo naman ako..." pakikiusap sa akin ni Nicole.

Latest chapter

  • The Youngest Multi-Billionaire   Final Chapter

    Alexis Maureen's POV Bago ako lumabas ng kotse ay inayos ko muna ang suot kong aviator sunglassess at ang aking damit. Sabay na kaming lumabas ni Ayenn ng sasakyan at napansin ko naman ang mga bodyguards ko na nakatanaw sa amin. Mabuti nalang at walang media na nakapaligid na ikinahinga ko ng malawag. Pero alam kong may mga paparazzi na nagmamasid sa mga galaw ko. For sure, lalabas na naman ang litrato namin ni Victoria mamaya. Bakit ba kasi interesadong-interesado sila sa buhay ko? Tsk.Pagpasok namin sa loob ng restaurant ay binati naman kami ng waitress. "Reservation for Ms. Crisostomo, please." wika ni Ayenn sa waitress ng ito ay magtanong kung may reservation ba kami. "This way po," Iginiya naman kami ng waitress sa VIP section ng resto. Si Victoria ang pumili nitong restaurant at masasabi kong marunong itong kumilatis ng mga five star restaurants. What she doesn't know is that this

  • The Youngest Multi-Billionaire   Chapter 47: The Ex

    Alexis Maureen's POVAng sarap sa pakiramdam yung wala akong iniisip na mga problema. Masasabi kong maayos na ang buhay ko sa mga nakalipas na taon dahil walang gulo at walang pagbantang nangyare sa buhay ko. Hindi man ito naging perpekto ay masaya naman ako dahil sa mga taong nagmamahal sa akin. Nawala man ang tunay kong mga magulang at kapatid, may mga tao namang tumanggap sa akin at minahal ako. At ng dumating si Maia ay naging mas lumiwanag pa ang buhay ko."Hey, anong iniisip mo diyan?" untag sa akin ni ate Georgina."Nothing. Just random thoughts." sagot ko at kinuha ang baso na may lamang tequila. Akmang dadalhin ko na ang baso sa aking bibig ng may kumuha nito. "What the?!" sigaw ko."Baka malasing ka niyan. Ilang baso naba nainom mo at ang pula na ng mukha mo?" wika ni Zeil habang umupo sa tabi ko. Nginitian naman ako ni ate G at iniwan ako kasama

  • The Youngest Multi-Billionaire   Chapter 46: Found The Missing Puzzle Pieces

    Alexis Maureen's POV "Please momma? Can he be my daddy?" wika ni Maia habang nakalabi. Nahihiya naman akong napatingin kay Zeil. "Hmm, sorry kung kinukulit ka ng baby ko ha?" wika ko at ngumiti lamang ito ng pilit. "It's okay," bumaling naman ito kay Maia. "Why do you want me to be your daddy?" malumanay na tanong nito. "Because I have no daddy!" nakalabing ani ni Maia at saka hinawakan ang kamay ni Zeil. "Please? Be my daddy? I promise I'll be a good girl!""No! I told you he's my daddy!" angal ng batang babae habang nakayakap sa binti ni Zeil. A-Anak niya? Is he married? Bakit walang nasambit sila Sam na nag-asawa na si Zeil? Bigla naman kumirot ang puso ko. "Can't you share?" sambit ni Maia. "Don't wanna!" nakakunot noong wika ng batang babae. Naiiyak naman si

  • The Youngest Multi-Billionaire   Chapter 45: It's Been So Long

    8 years later...Zeil's POV Kanina pa ako tingin ng tingin sa rolex watch ko. 20 minutes late na ang ka meeting ko. Kapag within 5 minutes ay hindi pa ito magpapakita ay talagang aalis na ako. Anong akala niya, VIP? Nakakapang-init ng ulo. Sira na naman ang araw ko.I took my phone out, at tinext ang secretary ko. I'm going to cancel this meeting. That's it. Dahil lagpas 25 minutes ng late ang ka meeting ko ngayon ay tumayo na ako at nag-iwan ng note sa mesa. My time is too precious to just be wasted.Pagdaan ko sa ilang mesa ng mga teenager ay tumili ang mga ito."OMG! Ang gwapo!""Waahhh ang puso ko!"I just smirked. Nagpatuloy la

  • The Youngest Multi-Billionaire   Chapter 44: Leaving

    Zeil's POV Nakatulala lamang ako habang hawak ko pa rin ang isang papel. Ang papel na may sulat kamay ni Lex. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang sinabi nito sa sulat. Ang sakit lang. Parang piniga ang puso ko. Kung nakakatayo lamang ako ay ginawa ko na at pinuntahan si Lex. Kaso hindi ko magawa dahil naparalyze pa ang katawan ko dahil nga sa spinal cord ako natamaan ng bala. Wala akong nagawa kundi iiyak lamang ang sakit at frustration na nararamdaman. Binasa ko ulit ang sulat dahil nagbabakasakali akong isa lamang itong joke pero kahit ilang beses ko na itong binasa ay gano'n pa rin. ~~ Dear Zeil, Hindi ko alam kung papaano simulan ang sulat na ito pero gusto kong magsorry sa lahat. Sa totoo lang ay hindi ako masaya na ibinuwis mo ang buhay mo para la

  • The Youngest Multi-Billionaire   Chapter 43: Meeting Aki's Parents

    Lexxeignne's POV Alas nuwebe na ng makarating ako sa mansion. Medyo tahimik na ang buong mansion. Pinapahinga ko naman sina Leandro at ang ibang bodyguards. I am so tired. I want to sleep but know I couldn't. I sighed as I went inside. Pero nakarinig ako ng mga tawanan sa may dining area. Napangiti naman ako at naglakad papunta doon. Pagpasok ko sa dining room ay si Shania ang unang nakapansin sa akin. She squealed. "Ateee Leexxxx!" she got up and ran towards me then engulfed me with a tight embrace. "Where have you been? We were so worried." she said frowning in the process. I smile faintly. Tumingin naman ako kina Ate Yas at Ate G na may nangungusap na mga mata. Ayenn smile at me. I see, they're already in good terms. Napabuntong hininga naman ako. "I'm sorry for not telling you where I've been t

  • The Youngest Multi-Billionaire   Chapter 42: Letting Go

    Lexxeignne's POV "Ayenn, make sure to pile each of these documents accordingly. I have a meeting in 5 minutes and call me if someone was looking for me." wika ko habang inaayos ang aking damit. "Yes, boss!" she said smiling. I giggled. "Oh please, just call me, Lex." I said while pouting. Natawa naman ito. "I'm just kidding, Lex." "I know." I flashed her a smile and walk out my office. I saw Maria stood up, "It's okay, Maria. You don't have to accompany me. This meeting is confidential, so, stay here." tumango naman ito. "Okay, Ms. Lex." I walk towards the elevator and press the number 19 going to the conference room. I look at my watch and I have 3 minutes to reach the conference room. Pagbukas ng elevator ay agad akong lumabas. Binati naman ako ng

  • The Youngest Multi-Billionaire   Chapter 41: Bestfriend

    Lexxeignne's POVI stayed 2 days in the cabin. I decided to go back to the mansion. I sighed as I pulled my car into the garage. Paglabas ko ay nakita ko si Nanay Fe na patakbong lumapit sa akin. Agad ako nitong niyakap. Nakita ko si Leandro at ngumiti naman ito sa akin. I just nodded at him. Ng makita ako ng ibang bodyguards ko ay nagsalute naman ito. I just nodded at all of them. "Saan ka ba nagpunta, anak? Alalang alala na kami sayo." wika nito pagkahiwalay ng yakap. Ginawaran ko naman ito ng isang tipid na ngiti. "Pasensya na po, Nanay Fe. Pinahinga ko lang sandali ang utak ko." napabuntong hininga ito at saka ngumiti. "Alam kong dahil iyon sa mga pinagdadaanan mo nitong mga nakaraang araw. Naiintindihan namin iyon." ngumiti naman ako sa sinabi nito. "Halika kumaen ka muna at nangangayayat ka na. Ipagluluto kita ng paborito mo." my face lits up. "Sige po, Nanay." n

  • The Youngest Multi-Billionaire   Chapter 40: The Journal

    Lexxeignne's POV Naglilinis ako ng buong cabin ng may mapansin akong isang malaking box sa ilalim ng kama. Napakunot naman ang aking noo. Agad ko itong kinuha at binuksan. Tumambad sa akin ang pagkaraming pictures at letter. Tinignan ko lahat ng mga pictures at naluluha ako habang nakangiti. It was the pictures of me, ate Vanessa, mommy and daddy. Mostly ay pictures naming dalawa ni Ate Vanessa no'ng bata pa ako.Ghadd, I miss them so much. In the pictures, I was so happy. Kabaliktaran ngayon sa nararamdaman ko. Nanginginig naman ang kamay ko ng makakita ako ng isang notebook. Ito ang journal ni Ate Vanessa. Nagdadalawang isip ako kung babasahin ko ba, handa na ba akong malaman ang mga nasa isip ni Ate?I release a long sighed and decided to open the journal. Una nitong sinulat ng mamatay sina mommy at daddy. Hindi ko pa

DMCA.com Protection Status