Lexxeignne's POV
Isang taon na ang nakalipas. Isang taon na din ang paghihirap ko simula ng nawala si Ma'am Vanessa.
Dahil wala na siyang kamag-anak ay sa akin napunta ang lahat ng ari-arian niya pati ang bahay. Napilitan akong pamahalaan ang mga negosyong naiwan ni Ma'am Vanessa. Pinapangako ko sa kanya na aalagaan ko ang mga negosyo niya. Sa tulong ni Atty. Charo Lim.
*flashback*
Pagkatapos ng libing ni Ma'am Vanessa ay umuwi na ako ng mansion. Mugto pa rin ang aking mga mata. Inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng malaking bahay. Ano ng gagawin ko ngayon? Bakit ba lahat nalang ng kamalasan ay napupunta sa akin? Huhuhu Ano bang nagawa ko noong past life ko? Bakit ako pinapahirapan ng ganito?
*dingdong*
Pinunasan ko ang mga luha ko at pumunta sa gate upang buksan kung sino ang nilalang na napadpad sa bahay. Pagbukas ko ng gate ay isang babaeng nasa mga 40 plus na ata ang edad ang bumungad sa akin.
"Good afternoon! I'm Atty. Charo Lim! Attorney of Ms. Vanessa Crisostomo. If I'm not mistaken you are Lexxeignne Morales, right?" Tanong nito sa akin habang nakangiti. Tumango naman ako.
"Ahm ako nga po. Bakit ano ang kailangan niyo sa akin?" Takang tanong ko. Paano niya nalaman ang pangalan ko?
"Can we talk it inside? It's confidential Ms. Morales." Sabi nito at pinapasok ko na siya sa loob. Inilibot nito ang paningin habang naglalakad. Pinaupo ko na siya sofa.
"Anong gusto niyo pong inumin?" Alok ko dito.
"No need. I just want things to get done. So let's start talking about Ms. Crisostomo's will of testament." Sabi nito at umupo na ako sa tapat nito. Napabuntong hininga muna ito bago nagsalita. May idea na ako kung para saan ang pag-uusapan namin. Tungkol ito sa mga naiwan ni ma'am Vanessa.
"A-ano po yon?"
"Before Ms. Crisostomo died, she has already this will if one day she'll die...All her wealth and properties will go to one specific person only. She already has signed it in case of emergency." She paused and look at me intently. Napa-english din tuloy ako. Hehe
"So wala pa siyang successor ganon? Hala! So paano na itong bahay? Saan na ito mapupunta?" Nagtatakang sabi ko kay Atty. Lim.
"Ehem. I'm not done yet Ms. Morales"
"Ah ganon ba? Hehe sige po tuloy niyo na makikinig nalang po ako" awkward kong sabi. Nagpatuloy na ito.
"As I said, she called me that day and confirmed who will be her successor and it's you, Ms. Morales." Sabi nito at napamulagat naman ang mga mata ko.
"Seryoso? Baka po nagkamali lang po kayo ng dinig" hindi makapaniwalang sabi ko.
"I have all ears, Ms. Morales. If you don't believe me, I guess I will start reading her will of testaments. Please listen carefully, Ms. Morales." Sabi nito at kinuha niya ang folder na dala dala pala niya at iniisa isang nilatag.
Nagsimula na siyang magbasa sa mga documento at tumingin sa akin.
"I, Ms. Vanessa V. Crisostomo, give all my properties to Ms. Lexxeignne Morales as my successor. In this testament, I shall indicate all of my properties including my bank accounts. The Crisostomo Mansion located at ***** City, Crisostomo Group of Company, Vanessa Fashion Company, The El Crisostomo Product Manufacturing, Vanessa Studio, Vanessa Cafe', Vanessa Publishing Corp., Vanessa's Salon & Spa, and Vanessa's Restaurant. All of my bank accounts should transfer to her name. In my behalf, I'm fully granted Ms. Lexxeignne Morales to have full power to operate all my businesses. I have given her the full power to be the new CEO of all my businesses. I therefore signed this will of testament as a proof that I transferred all my wealth to Ms. Lexxeignne Morales."
Napatulala ako. Pilit kong dinadigest lahat ng mga impormasyon na sinabi ni Atty. Lim. Parang hindi pa rin nagsisink in sa isip ko lahat ng sinabi niya.
This is just a dream! Please wake me up! Sinampal sampal ko ang pisngi ko at kinurot kurot ko ang mga braso ko pero nasasaktan ako. So this is real. This is not a dream afterall?
Naiiyak ako. Hindi dahil sa saya kundi sa mga pasanin na nakalatang sa akin. Sa isang iglap lang ay nabago ang buhay ko. Sa isang iglap lang parang pasan pasan ko na ang buong mundo?
Siguro kung sa iba nangyayare ito ay magiging masaya sila pero ako? Hindi. Kailanman ay hindi ko pinangarap ang ganitong buhay. Huhuhu
Pero wala na akong magagawa. Nandito na ito at sa akin pinagkatiwala ni ma'am Vanessa ang lahat ng ari-arian niya. Ibig sabihin lang nito ay pinagkakatiwalaan niya ako. Muli akong lumuha. Masaya ako dahil kahit naging masungit siya sa akin ay pinapahalagahan pala niya ako.
Salamat ma'am Vanessa. Pangako ko, aalagaan ko lahat ng mga ari-arian mo.
*flashback ends*
Napabuntong hininga ako. Naalala ko na naman kung bakit ako napunta sa kalagayan na ito ngayon.
Hinilot-hilot ko ang sintido ko. Sumasakit ang ulo ko sa dami ng reports na nabasa ko. Pinapadala ko lang sa email ko ang mga reports ng mga manager ng bawat kompanya.
Isang beses lang ako napunta sa Company, yun yung pinakilala ako as the new owner sa mga board of directors. Sila lang yung mga nakaalam na ako na ang bagong may-ari ng company. Hindi pa ako nagpapakita sa lahat ng mga employees. Tanging managers lang ng bawat companies ang nakakilala sa akin. Dahil hindi pa pwede ngayon.
Pinag-aaralan ko pa din lahat ng mga possibleng gawin kung paano mag-ooperate ng isang negosyo. Sa dami ng negosyo ni ma'am Vanessa ay inabot ako ng taon para pag-aralan ito.
Isang taon ang ginugol ko para malaman ang mga pasikot sikot sa company. Kahit hindi ako nakapagtapos ng high school, hindi ibig sabihin noon ay wala na akong alam. In fact, alam ko ang pasikot sikot sa larangan ng business.
Pinanganak akong matalino pero hindi ko ito pinapakita sa lahat kahit sa pamilya ko. Ang alam nila ay bobo ako. Well, sino ba naman ang hindi tatawag sa akin ng bobo kung lahat ng subjects ko ay puro bagsak? Sinadya ko iyon. Oo. I'm a rebel afterall. At alam nila kung ano ang dahilan.
*riinnggg*
Nagulat ako ng biglang nagring ang telepono ko. Tinignan ko kung sino ang caller.
Atty. Lim calling....
Pagkabasa ko sa pangalan niya ay agad ko itong sinagot.
"Yes, Atty.?" Bungad ko dito.
"Lex, hindi na ako magpaligoy-ligoy pa. I'll get straight to the point" napabuntong hininga ako.
"Spill it out, Attorney"
"We had a meeting of the board of directors, a minute ago. And they decided that whether you like it or not you'll be going to school to finish your high school since you will handling the company soon" sabi nito.
"But--" before I can protest. She cut me off.
"No buts, Lex. Or else, they will withdrawn all their shares. You want that to happen? So you don't have a choice but go to school. I already enrolled you, so all you have to do is prepare yourself and I'll text you the name of the school. Got it?"- atty. Lim
Nanlumo ako at napabuntong hininga. "Ok. As if I have a choice." Sabi ko and rolled my eyes kahit hindi nito nakikita. I heard her chuckled.
"Oh before I forgot, your class start on Monday, I'll send you later your class schedule. Bye!" Sabi nito.
What?! Agad agad? Gesshh! Sabado na ngayon at kailangan ko pang mamili ng mga gamit ko. Aishh! Ginulo gulo ko ang buhok ko. Hayy! Ano pa ba ang magagawa ko? I better go to the mall.
Sinuot ko na ang usual attire ko. Ginulo ko ng unti ang buhok ko para maging buhaghag, put fake makapal na kilay, and put my fake pimples. Pero parang masagwa nang tignan ang maraming pimples. Kinuha ko na ang fake pimples and put make up on to make my face oily. Tapos na at kinuha ko naman sa lalagyan ko ang big eyeglasses ko at sinuot. Inayos ko na ang bangs ko na medyo buhaghag din. Ang suot ko ngayon ay baduy na damit. Tapos na at I'm ready to go!
Nagtataka siguro kayo kung bakit ganito ang get up ko? Well malalaman niyo rin kung bakit pero hindi pa ngayon.
Sumakay na ako sa motor kong linuma na ng panahon. Hehe sinadya ko talaga itong bilhin. Sinuot ko na ang helmet ko. Binuksan naman ng manong guard ang gate ng makita akong aalis. Yup! May guard na. Naghired ako ng guard para may magbantay ng bahay paglumabas ako at naghired din ako ng isang katulong dahil ang laki laki ng bahay tapos ako lang ang nakatira. Mabait si Nanay Fe kaya siya ang kinuha ko tapos nag-iisa nadin siya sa buhay. Umalis siya sa probinsya nila at dito na sa maynila naghahanap ng trabaho dahil mahirap daw ang buhay doon. 40 na ito at wala pa ding asawa. Anak na nga ang turing nito sa akin.
Pinasibad ko na ng takbo ang motor ko. May nakasabay ako na nakamotor din. Pilit nito akong inunahan pero hindi ko siya pinagbigyan hehe. Paglumiko ako, lumiko din siya. Ayun bugnot na bugnot hehe. Hanggang nakarating ako sa parking area ng mall. Mabilis itong bumaba at lumapit sa akin habang hinubad ang helmet.
"Hey! What's your problem man!?" Tanong nito at sh*t tulo laway ko. Ang gwapo! Natulala ako sa mukha nito. Grabe ang kinis! Nahiya ang pimples sa kanya.
He snap his finger in front of my face. Nagulat naman ako. Bumaba ako sa motor ko at hinubad ko ang helmet ko. Tumambad sa mukha niya ang pangit kong mukha. Nandiri naman ito bigla. Hmmp! Makapandiri akala mo kung sino.
"Bakit ba? Ikaw kaya tong sunod ng sunod sa akin." sabi ko dito. Tumawa ito ng pagak. Sh*t! Why so sexy? Hehe magtigil ka nga Lex! Pangit siya! Pangit siya okay?
"Ako? Ako pa ang sunod ng sunod sayo? Hah! Ilang beses kitang sinignal na mauuna na ako and yet you still blocking my way! Nananadya kaba?" Inis nitong sabi. Nakakatuwa para itong sasabog na bulkan. Hehe
"Why should I? We have the same destination anyway. So why bothered? Tsk. Makaalis na nga." Sabi ko sa kanya at lumakad na paalis. Ngingisi ngisi akong naglakad paano ba naman kasi eh naririnig ko ang mga huramentado niya. Ang sarap lang nitong inisin.
"Sh*t that girl! Hey! You! Aisshh!" Narinig kong nafufrustrate nitong sabi. Hehe. Nakapasok na ako ng mall at dumeritso na ng bookstore. Bumili nadin ako ng mga libro na hindi ko pa nababasa.
Inabot ako ng isang oras sa pamimili. Pinadeliver ko nalang lahat. Ang tanga ko kasi motor pa ang dinala ko eh bibili pala ako ng mga gamit at libro. Ang shunga lang! Dapat pala kotse ang dinala ko. Nakaramdam naman ako ng gutom. Saan ba pwedeng kumain? Jollibee? Macdo? Chow king? KFC? Saan ba masarap? Aisshh! Sa chowking na nga lang.
Hinanap ko na ang chowking. Pagdating ko ang haba ng pila. Awh! Gutom na ako eh. Sa Macdo na nga lang ako kakain. Buti naman at hindi masyadong marami ang pila.
"Hi! Ma'am what's your order?" Tanong ng cashier. Ako na pala.
"Dalawa ngang chicken fillet ala king with fries, at isang hot fudge, and coke. Yun lang" sabi ko sa order ko at inulit nito ang order ko.
"257 po lahat ma'am!" Binigay ko na ang bayad at naghintay sa order. Hindi naman ito nagtagal at dumating na ang order ko. Kinuha ko na ito at naghanap ng table. Nakakita naman ako at lumamon na agad.
Napahinto ako sa pagkain ng may makita akong kilala ko. Hindi lang kilala kundi kilalang kilala. Naiiyak ako. Sh*t! Not here Lex! Iniwas ko na ang tingin dito at tinuon sa pagkain. Bigla akong nawalan ng gana pero pinilit kong inubos ang pagkain ko. Busog na busog ako. Hindi muna ako tumayo dahil masakit pa tiyan ko sa kabusugan.
Nabaling ang tingin ko sa taong nakita ko kanina. How I missed them. Masaya sila. Masaya na sila na wala ako. Hindi tulad nuon na.... sh*t! Forget about it Lex!
Tumayo na ako at lumabas ng food chain. For the last time ay tinignan ko sila. Ang sakit pa rin. Akala ko nakamove on na ako. Ang daling sabihin pero mahirap gawin : (
Lexxeignne's POVLakad takbo ang ginawa ko papuntang garahe ng sasakyan kung nasaan ang motor ko. Sh*t! Malelate na ako! Bakit kasi ang tagal kong nagising. Aisshh! *pitpitpipit*Agad namang binuksan ni manong ang gate pagkakita sa akin. *broommm*Pinasibad ko na ng takbo ang motor ko. Langya! Nalimutan kong kumaen. P*ta! Naiwan ko din ang baon ko. Aisshh! Binilisan ko na ang pagpapatakbo. Nakarating na din ako ng school sa wakas. *St. Agustin Academy*Basa ko sa nakasulat sa gate. Naghanap na ako ng parking space at nakahanap naman ako. Dali dali akong pumasok ng school. Time check: 6:50 am. May time pa ako para hanapin ang room ko. Sh*t, 10 minutes na lang. Nagtanong ako sa teacher na nakasalubong ko kung saan makikita ang ro
Lexxeignne's POV Maaga akong nagising ngayon at may oras pa ako para mag-exercise. Pumunta akong gym dito sa loob ng bahay at nagsimula ng nagpapawis. Dinalhan naman ako ng tubig ni Nanay Fe. Nagpasalamat ako dito. Bandang mga 5:30 am ay naligo na ako at pagkatapos ay kumaen na ng agahan. Nagdala ako ng panglunch ko. Time check: 6:30 amPumunta na ako sa garahe at sumakay na sa kotse ko. Hindi na ako nagmotor dahil bibili pa ako ng bago. Pinaandar ko na ang kotse ko at lumabas na ng bahay. On my way, nakasabayan ko si Sam. Nakamotor ito. Pinatunog ko ang horn at nakatingin lang ito sa akin. Binaba ko ang car window at ngumiti sa kanya. "Hey! Sam!" Dumeritso lang ang pagpapaandar nito. Guess hindi niya ako nakilala hahaha. Pagdating ko sa school ay agad kong pinark ang kotse ko at nakita ko naman si Sam na inayos an
Lexxeignne's POV "Wow! Is this your house?" Sabi ni Sam habang nakanganga. Yun agad ang bungad niya pagkapasok ng gate ng bahay. Pagkatapos ng klase kanina ay dumeritso na kami dito. Hindi na dumaan si Sam sa bahay nila dahil malapit lang daw ito kung uuwi na siya mamaya. "Actually, before it is not mine but now it is already" sagot ko naman sa kanya at napakunot ang noo nito. "Hindi ko gets?" Naguguluhang sabi nito habang nakakunot ang noo. "I'll tell yah' later, Sam. Pasok muna tayo sa bahay" sumunod naman siya sa akin at nakita naman ako ni Nanay Fe at bumati ito sa akin na sinuklian ko ng ngiti. "Nanay Fe! Ito po si Sam, bestfriend ko!" Sabi ko kay Nanay Fe ng nakalapit ito sa amin habang may dala-dalang inumin. "Hi! po! Nanay Fe!" Bati ni Sam kay Nanay Fe. "Hello din Sam! Oh siya! Maiwan
Lexxeignne's POV *krriinngggg**krriinngggg*Kinapa kapa ko kung nasaan ang cellphone ko. Antok na antok pa ako. Sino ba ang natawag sa akin ng ganitong kaaga? Ng makuha ko ang cellphone ko ay dinilat ko ang kaliwang mata ko at tinignan ang caller. Unknown number? Who the heck is this? I press the answer button and sinagot ko na ito habang naantok pa. Pinikit ko ulit ang mata ko. "Hello?" Sagot ko in a lazy tone. "Rise and shine!! Sweety babe! Good morning!" Sabi ng nasa kabilang linya. Napakunot naman ang noo ko. "Who are you?" "Oh!? Don't remember me?! How sad! Ang pinakagwapo na dyoso sa lahat ay kinalimutan ng isang dyosang nagngangalang Lexxeignne Morales? Huhuhu ang sama mo sweety babe!" Sino ba itong kwago na ito? Tsk. Inabala niya ang magandang tulog ko dahil lang
Lexxeignne's POV Suntok dito, suntok doon. Walang tigil. Tulo ng tulo ang pawis ko. Nung nakaramdam ako ng pagod saka lang ako huminto. Pinunasan ko ang pawisang mukha ko at uminom ng maaligamgam na tubig. Napalingon ako sa pinto ng bumukas ito. Mga nakangiting mukha ang bumungad sa akin. "Waaahhh Lexxy baby! Namiss ka namin!" Sabay na sabi ng apat na nilalang. Tsk. Akmang yayakapin ako ng mga ito ng pigilan ko sila. Napapout ang mga ito. "Pawisan ako! Don't dare hug me! And what are you doing here?" Sabi ko habang nakataas ang isang kilay. "Eh! Naisipan lang namin na dalawin ka. Diba mga baby? Hehehe" tumango naman ang mga loka. "Tsk. Guguluhin niyo lang ako eh." Napasimangot ako. "Pramis! Hindi! So ano? Movie marathon tayo? Please Lexxy baby?" "Hayy, ano pa nga bang magagawa ko eh nandito na kay
*still a flashback*Lexxeignne's POVUmupo ako sa upuan at humihigop ng dala kong kape. Ang lamig ng simoy ng hangin. May tumabi naman sa akin."Pasensiya kana sa tirahan ko ah? Mahirap lang kasi kami." Napalingon naman ako kay Yasmin. Siya yung babaeng tinulungan ko. "Hindi naman ako namimili ng tirahan. Mabuti pa nga dito eh ramdam ko ang katahimikan. Hindi tulad sa mundo kong puno ng pait na mga alaala. Mayaman ka nga pero hindi naman masaya. Mas gustuhin ko pang maging mahirap dahil mas ramdam ko pa ang pagmamahal ng mga magulang sa kanyang anak. Ang swerte mo sa mga magulang mo Yas kaya wag mo silang bigyan ng sakit ng ulo ha? Nakita kong mahal na mahal ka ng mga magulang mo. Naiinggit ako sayo, alam mo ba." Nakita kong ngumiti siya. "Akala ko kapag mayaman ay masaya. Nagkakamali pala ako. Mabuti nalang pala at naging mahirap ako."
Lexxeignne's POV Usap usapan sa buong campus ang nangyare kahapon. Suspended naman ng 1 month ang mga bruha. Kaya mas lalo silang nagalit sa akin. Kahit kailan talaga ay lapitin ako ng gulo."Iniisip mo pa din ba ang nangyare, Lexxy baby? Bagay lang sa kanila iyon. Dapat nga pina-expelled na ang mga iyon. Kung nagkataon na hindi ka marunong makipaglaban ay ikaw naman yung napuruhan. Mga inggetera talaga ang mga bruhang yon!" Sabi ni Sam. Nandito kami sa tambayan namin sa garden."Oo nga! Naku! Ang sarap lang pagsasampalin ng mga mukha nila! Nakakapanggigil eh!" Inis na sabi ni Mara."Kutang kuta na talaga ako sa mga bruhang yun! Nakuuu! Ang sarap tirisinnnn!" Nanggigigil na wika ni Andrea."Ang sarap lang ibala sa canyon!" Inis ding sabi ni Camila.Nagtawanan naman kami sa sinabi niya."Sweety babe!" Napalingon
Lexxeignne's POV Pagpasok na pagpasok ko pa lang sa school ay puro usap usapan na ang maririnig sa bawat sulok ng school. Lahat ay pinag-uusapan ang nangyare sa shop kagabe. Binungad naman ako ng apat. "Naku. Lexxy baby! Alam mo na ba ang balita?" Tumango naman ako. "Oh my! Viral ka ngayon sa social media!" Mara said. "Bagay lang sa babaeng yun na mabash! Yan ang napapala sa mapangmatang tao gaya niya! Naku! Hindi na din ako pupunta ng shop na yun baka makita ko yung babaeng yun!" wika ni Andrea. Nanatili lang akong tahimik. "Nakuuu! Sana sinama mo nalang ako kagabi para ako yung magpapahiya sa mapangmatang babaeng yun! Porket hindi nakaayos? hindi na afford yung sapatos na yun? Kagigil eh!" Sam blurted out and looked really pissed. "At alam mo ba? Viral din yung post ng isang sales lady sa shop na binilhan mo
Alexis Maureen's POV Bago ako lumabas ng kotse ay inayos ko muna ang suot kong aviator sunglassess at ang aking damit. Sabay na kaming lumabas ni Ayenn ng sasakyan at napansin ko naman ang mga bodyguards ko na nakatanaw sa amin. Mabuti nalang at walang media na nakapaligid na ikinahinga ko ng malawag. Pero alam kong may mga paparazzi na nagmamasid sa mga galaw ko. For sure, lalabas na naman ang litrato namin ni Victoria mamaya. Bakit ba kasi interesadong-interesado sila sa buhay ko? Tsk.Pagpasok namin sa loob ng restaurant ay binati naman kami ng waitress. "Reservation for Ms. Crisostomo, please." wika ni Ayenn sa waitress ng ito ay magtanong kung may reservation ba kami. "This way po," Iginiya naman kami ng waitress sa VIP section ng resto. Si Victoria ang pumili nitong restaurant at masasabi kong marunong itong kumilatis ng mga five star restaurants. What she doesn't know is that this
Alexis Maureen's POVAng sarap sa pakiramdam yung wala akong iniisip na mga problema. Masasabi kong maayos na ang buhay ko sa mga nakalipas na taon dahil walang gulo at walang pagbantang nangyare sa buhay ko. Hindi man ito naging perpekto ay masaya naman ako dahil sa mga taong nagmamahal sa akin. Nawala man ang tunay kong mga magulang at kapatid, may mga tao namang tumanggap sa akin at minahal ako. At ng dumating si Maia ay naging mas lumiwanag pa ang buhay ko."Hey, anong iniisip mo diyan?" untag sa akin ni ate Georgina."Nothing. Just random thoughts." sagot ko at kinuha ang baso na may lamang tequila. Akmang dadalhin ko na ang baso sa aking bibig ng may kumuha nito. "What the?!" sigaw ko."Baka malasing ka niyan. Ilang baso naba nainom mo at ang pula na ng mukha mo?" wika ni Zeil habang umupo sa tabi ko. Nginitian naman ako ni ate G at iniwan ako kasama
Alexis Maureen's POV "Please momma? Can he be my daddy?" wika ni Maia habang nakalabi. Nahihiya naman akong napatingin kay Zeil. "Hmm, sorry kung kinukulit ka ng baby ko ha?" wika ko at ngumiti lamang ito ng pilit. "It's okay," bumaling naman ito kay Maia. "Why do you want me to be your daddy?" malumanay na tanong nito. "Because I have no daddy!" nakalabing ani ni Maia at saka hinawakan ang kamay ni Zeil. "Please? Be my daddy? I promise I'll be a good girl!""No! I told you he's my daddy!" angal ng batang babae habang nakayakap sa binti ni Zeil. A-Anak niya? Is he married? Bakit walang nasambit sila Sam na nag-asawa na si Zeil? Bigla naman kumirot ang puso ko. "Can't you share?" sambit ni Maia. "Don't wanna!" nakakunot noong wika ng batang babae. Naiiyak naman si
8 years later...Zeil's POV Kanina pa ako tingin ng tingin sa rolex watch ko. 20 minutes late na ang ka meeting ko. Kapag within 5 minutes ay hindi pa ito magpapakita ay talagang aalis na ako. Anong akala niya, VIP? Nakakapang-init ng ulo. Sira na naman ang araw ko.I took my phone out, at tinext ang secretary ko. I'm going to cancel this meeting. That's it. Dahil lagpas 25 minutes ng late ang ka meeting ko ngayon ay tumayo na ako at nag-iwan ng note sa mesa. My time is too precious to just be wasted.Pagdaan ko sa ilang mesa ng mga teenager ay tumili ang mga ito."OMG! Ang gwapo!""Waahhh ang puso ko!"I just smirked. Nagpatuloy la
Zeil's POV Nakatulala lamang ako habang hawak ko pa rin ang isang papel. Ang papel na may sulat kamay ni Lex. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang sinabi nito sa sulat. Ang sakit lang. Parang piniga ang puso ko. Kung nakakatayo lamang ako ay ginawa ko na at pinuntahan si Lex. Kaso hindi ko magawa dahil naparalyze pa ang katawan ko dahil nga sa spinal cord ako natamaan ng bala. Wala akong nagawa kundi iiyak lamang ang sakit at frustration na nararamdaman. Binasa ko ulit ang sulat dahil nagbabakasakali akong isa lamang itong joke pero kahit ilang beses ko na itong binasa ay gano'n pa rin. ~~ Dear Zeil, Hindi ko alam kung papaano simulan ang sulat na ito pero gusto kong magsorry sa lahat. Sa totoo lang ay hindi ako masaya na ibinuwis mo ang buhay mo para la
Lexxeignne's POV Alas nuwebe na ng makarating ako sa mansion. Medyo tahimik na ang buong mansion. Pinapahinga ko naman sina Leandro at ang ibang bodyguards. I am so tired. I want to sleep but know I couldn't. I sighed as I went inside. Pero nakarinig ako ng mga tawanan sa may dining area. Napangiti naman ako at naglakad papunta doon. Pagpasok ko sa dining room ay si Shania ang unang nakapansin sa akin. She squealed. "Ateee Leexxxx!" she got up and ran towards me then engulfed me with a tight embrace. "Where have you been? We were so worried." she said frowning in the process. I smile faintly. Tumingin naman ako kina Ate Yas at Ate G na may nangungusap na mga mata. Ayenn smile at me. I see, they're already in good terms. Napabuntong hininga naman ako. "I'm sorry for not telling you where I've been t
Lexxeignne's POV "Ayenn, make sure to pile each of these documents accordingly. I have a meeting in 5 minutes and call me if someone was looking for me." wika ko habang inaayos ang aking damit. "Yes, boss!" she said smiling. I giggled. "Oh please, just call me, Lex." I said while pouting. Natawa naman ito. "I'm just kidding, Lex." "I know." I flashed her a smile and walk out my office. I saw Maria stood up, "It's okay, Maria. You don't have to accompany me. This meeting is confidential, so, stay here." tumango naman ito. "Okay, Ms. Lex." I walk towards the elevator and press the number 19 going to the conference room. I look at my watch and I have 3 minutes to reach the conference room. Pagbukas ng elevator ay agad akong lumabas. Binati naman ako ng
Lexxeignne's POVI stayed 2 days in the cabin. I decided to go back to the mansion. I sighed as I pulled my car into the garage. Paglabas ko ay nakita ko si Nanay Fe na patakbong lumapit sa akin. Agad ako nitong niyakap. Nakita ko si Leandro at ngumiti naman ito sa akin. I just nodded at him. Ng makita ako ng ibang bodyguards ko ay nagsalute naman ito. I just nodded at all of them. "Saan ka ba nagpunta, anak? Alalang alala na kami sayo." wika nito pagkahiwalay ng yakap. Ginawaran ko naman ito ng isang tipid na ngiti. "Pasensya na po, Nanay Fe. Pinahinga ko lang sandali ang utak ko." napabuntong hininga ito at saka ngumiti. "Alam kong dahil iyon sa mga pinagdadaanan mo nitong mga nakaraang araw. Naiintindihan namin iyon." ngumiti naman ako sa sinabi nito. "Halika kumaen ka muna at nangangayayat ka na. Ipagluluto kita ng paborito mo." my face lits up. "Sige po, Nanay." n
Lexxeignne's POV Naglilinis ako ng buong cabin ng may mapansin akong isang malaking box sa ilalim ng kama. Napakunot naman ang aking noo. Agad ko itong kinuha at binuksan. Tumambad sa akin ang pagkaraming pictures at letter. Tinignan ko lahat ng mga pictures at naluluha ako habang nakangiti. It was the pictures of me, ate Vanessa, mommy and daddy. Mostly ay pictures naming dalawa ni Ate Vanessa no'ng bata pa ako.Ghadd, I miss them so much. In the pictures, I was so happy. Kabaliktaran ngayon sa nararamdaman ko. Nanginginig naman ang kamay ko ng makakita ako ng isang notebook. Ito ang journal ni Ate Vanessa. Nagdadalawang isip ako kung babasahin ko ba, handa na ba akong malaman ang mga nasa isip ni Ate?I release a long sighed and decided to open the journal. Una nitong sinulat ng mamatay sina mommy at daddy. Hindi ko pa