Share

CHAPTER 1

''Nessa bumaba ka na dyan kanina ka pa hinihintay ng Ate Jean mo!naku batang to talaga mapipitikan ko na talaga yang singit mo!" talak ni mama sa baba habang ako dito ngkandaumayaw na sa pag iimpake,si yaya tindeng naman kasi hindi pa nilabhan iba kong damit yan tuloy naguguluhan ako sa mg dadalhin kong gmit,yun pa naman sanang mga paborito kong damit ang hindi nalabhan namomroblema tuloy ako ngayon kung anong mga ilalagay ko sa aking malaking maleta.

"oh ma pababa na ako" inis kong sabi kay mama naghihintay na daw kasi sa baba si ate Jean sa akin tinawagan ko pa ang aking kaibigan si Dave at pinaalam sa kanya na mgbabakasyon ako sa lugar ng Tarlac balita ko kasi may rest house din sila doon,matapos naming mag usap dahan-dahan ko ng inilagay ang ibang mahalagang gamit na dadalhin ko doon,balak ko pa sanang dalhin ang aking malaking teddy bear na regalo noon sa akin ni papa ito lng kasi ang natirang alaala ko sa kanya mula ng ito ay pumanaw.

Pagkatapos kong mgligpit bumaba agad ako sumalubong sa akin ang mahinhin at mala anghel na mukha ni ate Jean kahit na medyo may katandaan na siya lumilitaw talaga yung angking ganda niya,para siyang isang banyaga may maliit na mukha at may balingkinitang katawan,hindi mo aakalain na may anak na siya sa ganda ng kanyang awra,napatingin pa talaga ako sa sarili ko,wala man lang ako sa kalahati ng ganda niya lintik! minsan unfair talaga itong si God gumawa ng tao may maganda sobra,may pangit din pero thankful nasa gitna lng yta ako.

Ngumiti siya s akin at inakbayan ako.

"pasensya ka na Nessa ha hayaan mo isang buwan lng naman pagktapos pwde ka ng bumalik dito sa inyo,pagsusumamo niyang sabi.

"Sige lng po ate Jean bakasyon pa lng naman po wla naman akong gagawin dito sa bahay,sa isip ko halos napapanood ko na lahat ng korean series sa n*****x pati na rin Chinese series minsan na bo bored na ako sa bahay kaya pumayag agad ako nung sabihin ni mama na ipapaalaga sa akin ni ate Jean ang anak niya.Gusto ko din kasing mg explore sa ibang lugar madalang lang kasi akong makaalis sa bahay at makapag travel kaya susulitin ko na tong panahon na to na makapag explore man lang.

Ngumiti siya muli sa akin at pinakuha niya na sa kanyang driver ang maleta ko,nilingon ko pa si mama siyempre ngdrama pa ako ng konti iyak -iyak din Nessa pag may time hahaha.

at ayun naiyak din si mader hayyss nag iisa lang kasi akong anak kaya ma miss din niya ako sure na sure ako diyan!hehehe kaya niyakap ko na lang si mama at nahpaalam na sa kanya.

dalawang oras din higit ang aming biniyahe papuntang Tarlac kung saan andun ang kanilang mansion,medyo tahimik lng si ate jean halata kong may malalim siyang iniisip palagi dahil palaging nasa malayo ang kanyang tingin,panay siplat din ako sa kanya ang hinhin kasi niyang kumilos ibang iba sa akin na parang may hinahabol palagi hihihi tantya ko pa nga nasa 45 na yata ang edad niya,

Hindi ko na namalayan dumating na pala kami sa mansion napalula ako sa ganda nito napapalibutan kasi ito ng mga kakahuyan ang ganda talaga ng view sa paligid ng bahay nila.

pagbaba namin sinalubong kami ng lalaki na may katangkaran din gwpo pero parang may hindi magandang kutob ako sa kanya ito yta si kuya Edward ang asawa ni ate Jean kasi hinalikan siya sa labi knna pagdating namin.

Pinakilala niya ako sa mga kasambahay at kay kuya Edward tumango lamang ito,hinahanap ko sa aking paningin ang sinasabing anak ni ate jean na aalagaan ko pero sabi ng isang katulong natutulog daw ito sa taas.

pinapahinga niya muna ako sa aking silid,guest room yta nila ito amoy mayaman talaga ang silid ko,maya-maya may kumatok sa pinto binuksan ko naman agad-agad,tumambad sa akin ang isang katulong na medyo slim at yung damit pangkatulong niya ay sobrang iksi,tinaasan pa ako ng kilay na pinagtaka ko.

"baba ka na daw mghahapunan na kayo"sabay irap niya sa akin,ano kayang problema ng payatot na to sa akin kaya inirapan ko rin siya,my gosh hwag niya akong m*****ahan ha m*****a din kaya ako.

pagdating ko sa kusina pinaupo agad ako ni Ate Jean sa muli inikot ko na naman ang aking paningin bskit wala akong makitang bata na aalagaan ko sa halip ang nasa harapan ko ngayon aside ky ate jean qy dalawang lalaki syempre kilala ko na si kuya Edward pero itong isa na nakatagilid at nagsasalita mg isa tapos tatawa din na siya lang mg isa na we weirdo han tuloy ako sa kanya,pero in fairness ha ang gwpo talaga parang yung bida sa 365 days ba yung si papa massimo awwwss!kilig tuloy singit ko naiimajin ko tuloy na ako si laura bebe girl hahaha...naputol ang haka haka ko sa kanya ng magsalita si ate Jean..

"ahmmm Nessa ipapakilala ko nga pala sayo yung anak ko na aalagaan mo"banggit niya

"ah opo ate yun nga po itatanong ko sayo kanina ko pa kasi napansin wala akong bata na nakikita" sagot ko sa kanya habang sumusubo ng steak

"pasensiya ka na Nessa ha hindi ko kasi nabanggit sa Mama mo ito" alanganin niyang sabi.

"ano kasi Nessa siya ang sinasabi ko sayong anak ko na aalagaan mo" sabay turo niya sa napaka gwpong lalaki na katabi niya.

"Hi Nanny I'm Damian Velluci welcome to my world"! ngisi niyang abot tenga! sa nalaman ko muntikan na akong mabilaukan sa kinakain kong steak na naibuga ko pa talaga ang tubig sa mukha niya dahil sa aking pagkagulat!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status