KASAMANG PUMASOK NI Clip ang mga kabarkada sa Desperados, ang go-to night spot ng San Jose del Monte, kung saan si SB na naman ang tumutugtog. Kilala si Sinatra Blue o SB dahil ito lang naman ang laging tumutugtog dito sa Despe ng hatinggabi. Kapag nakarinig na ng mala-Freddie Aguilar na tirada, awomatiko na kung sino ang nakasalang. Bubwelta pa ito ng Red Hot Chili Peppers kapag dumating na ang mga kaibigan nitong walang pinipiling edad.
Open area ang Despe at nasa ikalawang palapag ng establisyimiyento. Dito sila nagkayayaan dahil gusto nilang makinig ng live band habang kumakain at umiinom ng beer.
Hinubad ni Clip ang suot na leather jacket at sinampay iyon sa sandalan ng monoblock saka siya naupo. Inayos niya ang umaangat na palda at bumababang strap ng pantaas na damit. Nilinga niya ang paligid at umusli ang isang mapanglarong ngiti nang makita ang maraming mata na tinatapunan siya ng tingin. Hindi na iyon bago sa kanya. Isa na lang itong laro sa kanya. Kabisado na niya kung paano laruin ang mga utak ng mga taong nasa paligid niya. Madali nang maglabas ng balat para sa kanya. Iyon ang gusto ng mga tao ngayon. Madali na ang magbawas ng kasuotan hindi para magmukhang malandi o kaladkarin kundi dahil kumportable ang tao sa sinusuot nito at mataas ang kumpiyansa sa sarili na kaya nitong dalhin iyon.
Ngunit para kay Clip, matagal nang buo ang isip ng taumbayan na ubod siya ng landi. Kauri ni Magdalena. Hinatulan na siya ng buong Bulacan na haliparot siya dahil lang sa mga mapanuksong kasuotan at anyo—maiikling palda at shorts, malalalim na ukab ng damit, humahapit na bestida, makulay na buhok, mapupulang labi, mahahabang pilikmata.
Parang kasalanan na ngayon ang magpaganda. Kapag mga artista ay okay lang kung mag-posing ang mga ito sa tabloid at billboard na halos onti ang saplot pero kapag isang ordinaryong tao lamang ay grabe na kung manglait ang iba. Maraming sinasabi porket iyon ang naririnig tungkol sa kanya. Iyong iba ay sumusunod na lang sa uso. Nakikitsimis kung ano na ang bago sa kanya.
Sinusubukan namang magmukhang classy ni Clip sa kanyang pananamit at postura para hindi siya nasasabihang mababa ang lipad. Kapag tumutingin naman siya sa salamin ay masaya siya sa nakikita. Mahal niya ang repleksyong nakangiti sa salamin.
Siya na lang naman ang tagapagtanggol ng sarili niya. Walang ibang magtataas sa sarili niya kundi siya.
Nagbigay na lang siya ng order niya sa waiter nang masiyasat niya ang mga lalakeng kanina pa disimuladong kinukuha ang kanyang pansin. Walang panama ang mga ito sa boyfriend niya na hindi niya pa nakikita. Isa itong foreigner na naglalagi sa England.
Isa pa iyon sa sinusundang balita patungkol sa kanya. Isa raw siyang gold digger. Well, may bahid naman ng katotohanan iyon. Sino ba ang aayaw sa pera kapag kusa na iyong binibigay lalo at hindi pa niya pinaghirapan? Buhay prinsesa na nga siya kung tutuusin. May monthly allowance siyang natatanggap sa boyfriend na si Alex. Noong una ay ayaw niyang tanggapin iyon hanggang sa napilitan na lang siya dahil ginigipit siya sa bahay nila. Buong mundo na yata ang kalaban ni Clip. Pati mga magulang niya ay sinusukuan na siya.
Dalawang dekada pa lang siyang namumuhay pero mukhang mag-iiwan pa siya ng history sa lugar nila.
Biyernes ngayon kaya naman lumabas sila. Hindi na school night kaya pupwedeng magpuyat at tumagal sa labas. Kahit naman hindi weekend ay lumalabas pa rin sila.
Silang magkakaibigan ang tinaguriang mga bad influence ng kanilang pamantasan. Sikat sila sa kabobohan. Puro paganda raw kasi ang alam nila pero pagdating sa academics, wala silang ibubuga.
Aminado naman si Clip sa parteng tamad siya mag-aral. Pero hindi siya bobo. Makapanglait lang talaga ang iba basta maiangat ang sarili.
Malakas lang talaga ang impluwensiya ng mga kaibigan niya, nambubuyo na uminom, huwag nang pumasok, mag-party na lang kaysa pasukan ang napaka-boring na mga asignatura.
Resulta ng maraming bagsak sa kanyang grado, may foreigner na boyfriend, at may tinatanggap na allowance, ano na lang ang tawag ng mga tao sa kanya?
Sinalo na niya lahat. Siya na ang gold digger at village idiot kung tawagin.
Nilinga niya ang mesa nila. Isa-isang tiningnan ang mga tinatawag niyang ‘tropa’. Naaalala lang siya ng mga ito kapag may pera na siya. Sila pa ang unang nagyaya. Siya pa ang ‘bad influence’ sa lagay na iyon?
Napaingos siya.
Pinagtuunan na lang niya ng pansin ang boses sa gitna ng entamblado. Tiningnan niya ang lalakeng tumutugtog ng gitara. Pinanood niya kung paano maglaro ang mga daliri nito sa pagkalabit sa bawat kuwerdas at ang taas-baba ng paa nito sa aparato sa sahig na naglilikha ng loop.
Mr. Blue ang tawag niya rito. Mas matanda ito sa kanya ng isang dekada’t kalahati kaya naman sa ganoong paraan niya ito tawagin. Isa pa, gusto niyang bigyan ng halaga ang pagiging musikero nito kaya tinatawag niya pa rin ito sa stage name nito kahit saan sila magkita.
Nagtama ang mga mata nila. Hindi siya nito nakilala. Hindi na siya nagtaka dahil malayo ang puwesto nila.
Gustong-gusto niyang kakwentuhan si Mr. Blue dahil mas matanda ito at may nakukuha siyang aral dito. Kumpara naman sa lagi niyang nakakasama na mga kaedaran niya. Ano ba ang alam nila? Hindi pa nga sila masyadong gising sa tunay na agos ng mundo. Puro pagpapakasarap pa lang ang alam nila. Iyon lang ang alam nilang gawin. Kaya kahit papaano, gusto niyang nakadikit pa rin ang mga paa niya sa sahig sa tulong na rin ng isang nakatatanda.
“Clipper, pass me your lighter, please,” anang kaibigan niyang si Monique.
Naputol ang daloy ng isipan niya sa narinig na boses. Kinuha niya mula sa MK handbag niya ang reserba niyang lighter. Hindi niya pinapahiram ang paborito niya dahil baka hindi na iyon makabalik sa kanya.
“You okay, hon?” usisa ni Monique matapos sindihan ang sigarilyo nito. Humithit ito at ilang segundo pa’y pinakawalan ang usok sa ere.
Nagkibit-balikat lamang siya. “Magdagdag kayo ng isa pang bucket, may susunod pa raw sa’tin,” ang tanging sabi niya.
Naghiyawan ang mga kasama nila sa mesa. “Nagsusunog ka na naman ng pera. I want a sugar daddy na tuloy,” ani Monique na lumabi pa sabay de cuatro.
“God, Monique, you already have Sebastian. What are you gonna do with another pair of balls?” tukso niya.
Monique bursts out laughing. “Hello? No brainer.”
Hindi niya alam kung kanino ang box sa gitna ng mesa, basta na lamang siya kumuha ng isang stick at sinindihan iyon.
“Hey, Romano, mag-request ka kay Mr. Blue,” utos niya rito. Kanina niya pa ramdam ang titig nito sa kanya. Hindi naman lihim sa circle nila na may pagtingin ito sa kanyang hindi na mamatay-matay. Hindi niya alam kung ano ang nakikita nito sa kanya na hindi makita ng ibang tao. Akalain ba niya na may dalawang taong magkakagusto sa kanya?
“What do you want?” agad na pagtalima nito.
“You have something I can write on?” tanong ni Clip.
Agaran itong naghanap sa bulsa nito. Habang siya’y inabala muna ang sarili sa pakikipagkwentuhan sa ibang kasama. Sa gilid ng kanyang mata ay nakita niyang tumayo si Romano. Sinundan niya ito ng tingin at pinanood kung paano ito nanghingi ng papel at nanghiram ng ballpen sa isang staff.
Napangisi na lang siya sa nakita.
“You’re lucky,” narinig niyang wika ni Monique sa tabi niya. Ito naman ang binalingan niya. “You still have guys under your spell,” komento nito nang makita ang ginawa ni Romano.
Nangunot ang noo niya sa narinig. Ano ang nais nitong ipakahulugan? Na may nauuto pa rin siya kahit ganito siya?
Kumibot-kibot ang kanyang mga labi. Matagal niyang tinitigan si Monique at pilit inaaninag ang mukha nito sa papalit-palit na ilaw. Ang mga mata nito’y diretso lamang. Mariin ang pagkakalapat ng mga labi nito. Ano na naman ba ang bumabagabag sa isipan nito?
Kinalabit niya ito. “What did you say, Monique?” kunwa’y hindi niya narinig ang sinabi nito.
Monique shrugged her shoulders. “Nothing, babe. I’m hungry. Ang kupad talaga ng service crew dito. And yet, dito mo kami laging dinadala,” reklamo nito.
Hindi niya napigilan ang kumawalang buntong-hininga na naudlot nang mabilis ang ginawang pagbaling ni Monique sa kanya. Tumaas ang isang kilay nito. “What? May sasabihin ka?” mataray nitong tanong, tila nanghahamak.
“I asked everyone. Majority wants to go here. Magpapaklayo pa ba tayo, eh, meron namang Desperados?” sagot niya rito.
Umiling ito. “Please,” she scoffed. “Gumastos ka na naman, ‘no? Nagtitipid ka?”
Humigpit ang pagkakahawak niya sa sigarilyo. Hinintay na lang niyang makabalik si Romano kaysa sagutin ito. Inabot nito ang kapirasong papel at ballpen. Nagpasalamat siya rito.
Nang matapos ay ibinalik ang mga iyon kay Romano. “Ibigay ko na ba?” tanong nito.
“Ikaw, kung may gusto kang isulat.”
Hindi ito sumagot kaya palihim niya itong tiningnan. Nahuli niyang nakatingin din pala ito sa kanya. Sumungaw ang isang ngiti sa mga labi nito. Matipid niyang ibinalik ang ngiting iyon sabay tango.
Pagkaalis nito ay dumating naman na ang in-order nilang drinks.
SA PAGTATAPOS NG SET ni Joaquin o mas kilala sa pangalang Sinatra Blue ay sinaluhan niya ang mga kaibigang malalim na ang kwentuhan. In-order-an si Joaquin ng maiinom at pulutan. Tinanong pa kung gusto niya iyong samahan ng kanin. Tinanggihan niya iyon at nagkasya na lang muna siya sa tubig habang hinihintay ang pagkain at beer.
“SAAN KA NA NAMAN galing?” tanong ng Mommy ni Clip. Tahimik niyang isinara ang pinto ng bahay. “Tinatanong kita, hoy, Luna,” tawag nito.
“JOAQUIN, PLEASE,” tawag sa kanya ng babae, nagmamakaawang huwag niya itong iwan. Malungkot na tinitigan ni Joaquin ang babaeng nakaupo sa kama niya. Wala halos itong saplot maliban sa suot na pang-ibaba na natatakluban ng kumot. Nagbabadya na ang mga luha ng babaeng ilang beses niya pa lang nakasama. Binalaan na niya ito noon na hindi siya naghahanap ng pag-ibig. Binigay niya lahat ng rason dito u
NAKATULALA SA KAWALAN si Clip. Dalawang oras na siyang late sa unang klase niya. Nakabihis na siya’t lahat ngunit hindi niya magawang kumilos. Sumasakit na ang ulo niya kakaisip. Ipinikit niya ang mga mata at pinilit ipokus ang tingin sa paligid.
HINDI NA NAKAYANAN ni Clip ang kalungkutan. Nakituloy muna siya kina Monique. Hindi niya sinabi ang tunay na dahilan. Iniwan niya ito sa isiping pinayagan siyang mag-sleepover kahit na may klase kinabukasan. Hindi niya rin sinabi na nag-withdraw siya over-the-counter para hindi ito magyaya lumabas.
MONIQUE WAS FAST asleep in the car. It was just Clip and Romano. Nagpapatugtog na lang si Clip dahil hindi niya alam kung paano sisimulan ang small talk dito. Hindi naman talaga sila close. Si Monique ang lagi nitong kasama. At dahil alam naman niyang may gusto ito sa kanya, hindi niya ito binibigyan ng rason para lumalim ang nararamdaman nito sa kanya.
It WAS TWELVE THIRTY in the afternoon and their classmates were flooding them text messages asking where the hell they were. Ilang oras pa lang nakakatulog si Clip. Pagkatapos nilang mag-7-11 para kumain ng ice cream ay nag-check in sila sa isang motel at nag-share sa iisang kwarto na may tatlong kama.
KASALUKYANG NAGME-MERIENDA ANG tatlo sa 7-11. Laman na naman sila ng convenience store. Si Clip ay tumitingin na naman ng makakain. They skipped brunch and went straight to merienda. Wala halos laman ang tiyan niya kundi ice cream at soy milk na nailabas niya kaninang nag-CR siya. Baka nga dinner na nila ito dahil mamayang gabi na ang alis nila.
LUCKY STRIKE. Clip’s best friend as of the moment. Pikit ang mga matang kinapa niya ang sahig upang hanapin ang kahon ng sigarilyo. Nang may tamaan ang kamay ay hinanap niya ang butas ng kaha saka kumuha ng isang stick. Sa isang kamay ay hawak na niya ang lighter. Clipper. She remembered Monique would chainsmoke stealthily around the school premises. Ito pa ang nagagalit kapag wala siyang lighter na maiabot dito kapag nangati itong manigarilyo. She couldn’t deal with Monique’s irate attitude back then, so she started bringing extra Clipper for her. She would sometimes join Moni
NAGPUPUYOS MAN ANG galit ni Clip ay hinayaan niyang ihatid siya ni Sinatra. Kung hindi lang siya nagtitipid ay hindi siya magpapahatid dito. Kung hindi lang ito bigla-biglang pumepreno ay hindi niya nanaising mahawakan itong muli. Pagkababa ng motor ay nagpasalamat siya. Tinanggal ni Sinatra ang helmet na suot. “Take care, okay? I’ll see you around?” Nagkibit-balikat lang siya. “I’m sorry, Luna. Let me make it up to you.” Tinitigan niya ang kah
JOAQUIN WATCHED THE young lady across the table quietly. She looks like she’s truly having fun. Walang idea si Joaquin kung anong balita rito sa nakalipas na tatlong buwan sa bagong tinitirhan nito. Hindi nagre-respond si Luna sa mga mensahe at tawag niya. He was busy with his life as well. If Luna didn’t want to be bothered, Joaquin just let her be. Who knows, maybe she really needed it at the time. He just hoped nothing drastic had happened. He’s a little bit familiar with her new place. It’s not a good place to surround oneself especially if you’re pursuing an entirely different pleasure. He never tried it, but he knows a
HINDI NA ALAM NI Clip kung saan siya dinadala ni Sinatra. Basta ay sumasama na lang siya rito. Naka-turn off ang utak niya kapag may kasama siyang iba, lalo na ito. She doesn’t have to stress or think about others. Mas gusto niyang siya ang inaasikaso. Inunahan niya agad ito na magsalita pagkatapos nilang um-order.Nasa corner booth sila. Very cozy ang lighting ng paligid. They don’t use big lights inside the establishment. She’s all for that. She approves of that. She could melt right in this seat because of how warm the place looks.“What’s your regular, day job?” usisa niya rito. Nilaro niya ang napkin dispenser sa gitna ng mesa.Huminga ito n
THEY ARE NOW eating dessert. Clip happily danced when she downed her last halo-halo. Natawa si Sinatra na nakakalahati pa lang ang halo-halo nito.“Thank you so much for the treat, Mr. Blue.”“Anytime, Luna. Anytime.”“Do you want to talk to me about something? Why else would you take me out for lunch?” tanong niya rito.“Can’t I just take you out for lunch? Masama na ba iyon?”Nagkibit-balikat siya. “I know you think you’re the father figure in my life…” she trailed off. Parang papunta na siya sa pakikipag-away. Kakakain lang nila pero ang tono niya ay napaka-ungrateful na.
CLIP TRIED TO eat slowly and savor her food. She’s happy she’s eating real, real, as in real freaking food that she could stomach. Nothing beats hot soup with rice. This is one of the meals her Mommy would cook when she’s sick. This could honestly cure her, plus placebo taking effect. Hindi siya marunong magluto ngunit sinusubukan niya. Kung hindi, masasayangan lang siya ng pagkain, lalo na noong binilhan siya ng stock ni Monique ng unang gabi niya sa bahay. Ngayon ay puro siya protein bar at canned goods. Mas inuuna niya ang maria kaysa sa masustansyang pagkain. Hindi na rin naman siya makakapagluto dahil wala nang laman ang LPG tank
CLIP LET her feelings sit idly, making her feel the biggest idiot that walked the planet. She wasn’t insulted by what Monique said. It’s so typical of Monique her immediate reaction when she left Romano was to roll her eyes. Of course, Monique truly cared. In her own twisted ways, Clip knows she cared for her. It’s just that… Clip associates it with weakness. Hindi siya kumportableng magpakita ng kahinaan sa harap ng ibang tao lalo na ngayon na pakiramdam niya ay nasa rock bottom siya. Only to find that there’s another rock underneath and it goes on, and on, and on. She’s tired of asking for help from these people. Monique, Joaquin, Alex, Romano. Her parents? Nah, they’re fine and busy with their own lives. She misses them, especially her Mommy. Her father, she couldn’t care less. Every time she asks for her friends’ help, they always come through. It was always her asking for help. At nakakahiya na. Hindi na siya natutuwa na palagi na lang siya ang mukhang kaawa-awa ang buhay.
HINDI MAPAKALI si Clip sa kanyang pagkakaupo. Exam nila ngayon at pakiramdam niya ay hindi niya ito napaghandaan ng maayos. Nagpuyat na nga siya kagabi para lang maabsorb ng kukote niya ang dapat makabisado dahil isa iyon sa hinihingi ng examen. Isa rin sa dahilan kung bakit hindi siya mapakali ay dahil ramdam niya ang mga matang nakatutok sa kanya. Tila iyon mga karayom na bumabaon sa balat niya. Pero baka gawa-gawa lang iyon ng isip niya, pagkumbinsi niya sa sarili. Hindi ba’t normal naman ang pag-aakala na ikaw ang centro ng atensyon kahit ang katotohanan ay wala namang may pakialam sa iyo, sadyang malakas lang ang hatak ng insecurity ni Clip ngayon dahil alam niyang hindi maayos ang itsura niya ngayon. Lukot ang uniform niya, halata iyon dahil wala naman siyang plantsa at maski ang palda niya ay bakat ang pagkalukot niyon. Alam niya ring nangangamoy sabon panglaba siya. Nag-handwash lang siya at hindi siya gumagamit ng fabric conditioner dahil ayaw niya ang mga amoy niyon, isa
JOAQUIN MENDIOLA, isang English instructor sa isang institute sa Quezon City, madalas tuksuhin ng kapwa instructors na maraming estudyante ang nahuhumaling sa gandang lalaki niya. Kakaunti lang ang tinatanggap niyang klase dahil sa nature ng trabaho niya bilang isang musikero. Pagpasok niya lang ng building nila na may anim na palapag, marami na ang bumabati sa kanya mula sa guwardiya. ‘Sir Joaquin’ siya sa paaralan, pero madalas ay Sinatra Blue ang tawag sa kanya ng mga nakakakilala sa kanya sa labas. He chose not to talk about his career as a musician between his co-instructors but they are well aware of his reputation, however little it may be. He doesn’t engage his students with talks of gigs and which bar he frequents or what event he’s doing tonight. It doesn’t sit right with him that they are too close for comfort. Although his media presence doesn't hide the fact of his whereabouts, he kind of wanted to ignore those familiar faces just because. Sometimes he would nod, sm